8 minute read

X-PERIENCE

Sarap sa Pag-iisa

Anong ginagawa mo kapag nag-iisa ka? O huli ka. Biro lang. Malamang na nagpapakasarap ka habang nag-iisa. Baka madalas mo itong gawin sa banyo habang naliligo o kaya naman ay sa kuwarto mo kapag gabi. Dahil ba ito sa pagiisip mo tungkol sa sex? Nakanood ka ng pornograpiya? O baka naisip mo lang bigla? Pinupukaw mo ang sarili mo sa pagpapakasarap. May maitutulong kaya ito sa’yo?

Advertisement

Sinasabi ng iba na tanda ito ng pagkalalaki. Ayon sa mga pag-aaral, maaari din itong stress reliever dahil nagre-release ng endorphins ang katawan mo na nagdudulot ng kakaibang feeling. Inakala pa nga noon ng marami na nagdadala ito ng sakit, tulad ng HIV, gayong wala naman. Wala man, marami pa rin ang nagsasabi na okay lang ito. Wala namang mawawala. Pero may nangyari. Ano’ng nangyari? Bago iyan, bakit ba naiisip ng isa na gawin ito?

Para sa mga kabataan, dahil ito sa pagbabago ng katawan dulot ng puberty kaya maaaring bigla na lang nais gawin. O baka naman hindi mawala sa isip mo ang sex? Hindi naman makaranas o madalang maranasan ng iba ang sex kaya idinadaan na lang nila sa masturbasyon. O baka kailangan mo ng pagkapukaw sa damdamin dahil stress ka? Problemado ka? Lagi ka bang nanonood ng pornograpiya? Puwede bang parausin na lang sa masturbasyon ang di-mapigil o tumataas na lebel ng pagnanasa? Sa pagdaan ng panahon, ang tinaguriang “sariling sikap” ay nagiging “maramihang sikap” sa paminsan-minsan. Naghahanap sila ng ka-join. At dahil moderno na ngayon, idinadaan ang pagsisikap sa pagre-record ng video nito. Nagkalat ang ganitong mga video sa iba’t ibang social media sites. Naging maugong din ang gawaing ito dahil sa isang kontrobersiya noong 2016 tungkol sa iskandalong nagkalat ang ganitong video ng isang sikat na aktor sa internet. Kung iisipin, lumilitaw na may isa pang dahilan?

Nakapokus ka sa sarili mong pagnanasa na makasarili. Heto pa ang dahilan: Itinuturing mo lang na laruan ang pag-aari mo na napakahalaga. Dahil nagnanasa ka, baka hindi ka makontento at mas paigtingin pa. Ayon sa mga pag-aaral sa sikolohiya, malamang na hindi pa rin tumigil ang isang nasanay na sa bisyong ito kapag nag-asawa na siya. Nagiging problema ito ng maraming mag-asawa. Naging makasarili ang sagot sa tanong kanina kung anong anong nangyari na wala namang nawala. Ang iba’y nagsasabi na hindi mapipigilan ng bugso ng paggawa nito dahil kailangan daw ilabas ang mga sangkap sa pag-aanak. Wala namang nangyayari kung hindi mailabas ang punlay at natutunaw naman sa loob ang likidong kasama nito kapag hindi ito nailabas. Mayroon din namang tinatawag na wet dreams bilang alternatibo sa pagpapalabas nito. Sa mga babae, ang paraan ng pagre-release ng itlog, na regular na nangyayari, ay ang pagreregla.

Kung maituturing, bisyo na ang masturbasyon. Katulad lang iyan ng sigarilyo at alak. Masarap ngang gawin, problema naman ang dala sa huli. Isa pa, ang tunay na lalaki o babae, napipigil ang sariling pagnanasa kahit walang nakakakita. Kung basta ka na lang magpapadala sa pagnanasa mo, baka hindi ka lang makuntento dito— pagnasaan mo pa ang iba. Baka makonsensiya ang iba. Maaari namang dahil sa bisyong iyan, maging manhid ka na. Sa pananaig sa bisyong ito, huwag sumuko. Tulad sa marathon, takbo lang nang takbo. Madapa ka man, tumayo ka at ituloy mo. Kung sa pagsisikap mo ay matukso ka ulit, hindi naman sa wala ka nang kuwenta dahil bigo ka. Pero tandaan, determinasyon ang magpapagiba sa bisyong ito. Hindi pa naman tapós ang laban. Hindi mo na ba mararanasan ang kasarapan sa pag-iisa? Hindi. Mas masarap kahit mag-isa, may dinaig ka.

Mas masarap kahit mag-isa, may dinaig ka.

Unang Karanasan

Tara! Arat! Ito ang madalas na paanyaya ng mga taong nakilala sa isang dating app o near group. Ka-chat mo lang kanina. Pero ngayon, kaharap mo na. Nasa isang fast food chain kayo habang pinagmamasdan ang personal ninyong hitsura. May kutob ka na. Parang alam mo na. Ibahin natin ang eksena. Nasa bahay ka ng kaibigan mo. Walang tao maliban sa inyo. Tahimik pero nakakatukso. Hanggang sa kabahan na kayo pareho. Ganito ang unang experience ng ilang mga Gen Z sa sex. Ang tawag nila dito ay wild o unforgettable experience. Pagkatapos ninyong magkaharap sa fast-food chain, dumiretso kayo sa isang hotel, sa bahay niya, sa isang park o kahit saang tagó. Kakaiba ang meet up niyo—9 PM. Nadadala sa matatamis niyang salita at sa pagnanasa mong nakakakaba na. Buong sarap niyo nang pinagsaluhan ang katawan ng isa’t isa. Hook up ang tawag diyan, kung saan, gusto mong magkita kayo ng isa na nakilala mo online at magiging sex partner mo. Kadalasan, lalaki ang unang move. Pero by means of gender, nagiging talamak ang male to male hook up. Hindi makikipaglaro. Hindi makikipagpustahan. Walang deal. Kundi

POP FEATURE | X-PERIENCE

INFLUENCERS

magkakaroon sila ng seksuwal na ugnayan. “Ikaw ba si…” Magkukuwentuhan muna habang naglalakad, at kapag close na, oras na para pumunta sa lugar ng “event.”

Marami rin ang may first experience sa mga magkakaibigan o magkakaklase. Ang status niyong dapat na friends lang ay ginawa niyong parang “official” na—nagkaka-ibigan lang. Ang mga magkakasintahan ay nagagawa na rin ang ganitong gawain kahit hindi pa kasal, at kapag nagsawa na, nakuha na ang hiyas ng bawat isa, hiwalayan na. Mayroon naman na unang karanasan sa mga kamag-anak nila. Ibang-iba na nga talaga. Parang kailan lang ay itinuturing na isang kahiya-hiyang gawain ang pakikipag-usap at pagpapahayag ng kagustuhan sa sex. Basura na lang ang isang regalong mahalaga. Bakit ganito na lang kababa ang moralidad ng marami?

Media ang unang-unang impluwensiya sa sex. Kalat ang pornograpiya na maa-access kapag naisearch lang sa internet. Dumadami na rin ang mga maiinit na eksena sa telebisyon at mga babasahin. Ito ay para maka-attract ng potensiyal na mga tagasubaybay na ipinapakita ang pekeng postura nito na hindi pinahahalata ang tunay na kamandag. Pasimuno rin ang komersiyo. Maraming advertisement at poster ang tampok ang pagpapainit ng laman—hindi lang halata. Halimbawa, pag-e-endorse ng isang pagkain na ang bida ay mga seksing modelo o artista. At isa pang posibleng impluwensiya ang ilang propesyonal, influencer, at mga adbokasiya. Marami sa kanila ang hindi

MEDIA

COMMERCE

namamalayang napapain na rin ang ating pagnanasa. Paano? Pansinin ang sinabi ng isang lisensyado: “Oo, aminin natin. Masarap siya. Pero safe ba?” Nakuha mo ba ang punto? Lumilitaw sa sinabi niya na kahit safe, sige lang. Walang masama.

Sa ilustrasyon kanina, may advantage ba ang premarital sex? Mauuwi sa wala ang gagawin niyo. Baka ipagkalat niya iyan, o ipagyabang. Baka sabihin pa nga niya na madali kang bumigay—na ‘easy to get’ ka. Maaaring masira ang pagkakaibigan ninyo, o baka pa nga. Wala kang dahilan para magselos dahil wala namang kayo pero nakakapagselos, hindi ba? May iba siyang kasamang sex partner din. Ang pagkikita ninyo ay parang social distancing dahil ang awkward. At posible ito: makokonsensiya ka o maisip na, “May naka-sex pa kaya siyang iba?” Ang pagaari mo ay tulad ng isang damit na mataas ang presyo at quality. Pero anong nangyari kung hahayaan mo? Magiging basahan na lang ito na tinatapaktapakan. Sa totoo lang, maraming lalaki ang nais na virgin; hindi raw nila pakakasalan (ayon sa iba) ang babaeng madaling bumigay. Ito rin ang dahilan ng habit na casual sex na pwedeng makapag-transmit ng Sexual Transmitted Diseases, at maging ang posibleng bicurious (gustong makipag-sex sa parehong lalaki o babae).

Anong ‘Sey’ Mo?

Anong masasabi mo sa mga ikinuwento ko sa iyo? Naranasan mo na ba? O namulat ka? Magandang payo ito para sa iyo.

Basura na lang ang isang regalong mahalaga

Ang status niyong dapat na friends lang ay ginawa niyong parang ‘official’ na—na nagkakaibigan lang

ANONG ‘SEY’ MO SA POP FEATURE TOPIC SA ISYUNG ITO? MAG-COMMENT SA DESIGNATED POST NG GUD PM SA FACEBOOK AT TUMBLR O MAG-EMAIL SA GOODPOPMOOD@GMAIL.COM

POP YOUR MOOD

Mayroon ka bang gustong i-suggest na talakayin sa magasing ito? I-email lang yan sa goodpopmood@gmail.com

Siguro, baka nakakagulat itong malaman dahil hindi ka pa masyadong sanay sa ganitong eksena. Pero sa mga nakaranas na ng ganito, normal na lang ito. May mga tumigil, nagsisi at tumuloy pa rin sa ganitong gawain. Ang pagpasok o pagpapatuloy sa ganitong kultura ay magdadala sa iyo sa di-nakakatuwang mga eksena na maaari mong maranasan: sirang relasyon, pagkapahiya o kahihiyan, kawalan ng dignidad o pagkakonsensiya. Mahirap tanggihan. Mahirap labanan. Baka ayaw mo lang mapaiba o ayaw mo lang hindi magustuhan.

Pero ang pananatiling may dignidad bilang lalaki o babae ay makakapagtagumpay sa iyo kapag nagasawa ka na—na maaari mo nang magawa nang walang halong pagkakonsensiya o kahihiyan—na mayroon kang isang magandang nakaraan sa sex life mo.

Written by Paul Kenjie Cid and Daryl Apostol

Published by Good Pop Mood Official (via ISSUU) ©2022 Good Pop Mood Official. All rights reserved.

POP MOOD is a pop culture, youth, and sensational magazine that features varieties of issues in accordance with the goal of reaching people with a good mood and makes it pop through the present times, that publish and manages by Good Pop Mood Official quarterly of the year. This magazine is unsuited in conclusion with the articles that been releases in every issues letting its authors write expressively. Although direct, the articles were been researched intimately by its properness of the ideas presented adheres publications that are in law or legal, biblical, studied, legitimate, surveyed, trustful, psychological, medical, etc. as references. This publication is apolitical and conservative of the ads taken.

PUBLISHERS Good Pop Mood Official Meycauayan 3020 Bulacan, Philippines Contact: (+63) 926 384 7231 - WhatsApp

Published December 2021

DIRECTIVES

PAUL KENJIE CID

Head Directive, Editor-in-Chief

ALECZANDREA REI GONZALES

Author, Secretary

DARYL APOSTOL

Author, Inspector

MICHELLE PLACIDES

Consultant

This article is from: