POP FEATURE | X-PERIENCE
Sarap sa Pag-iisa Anong ginagawa mo kapag nag-iisa ka? O huli ka. Biro lang. Malamang na nagpapakasarap ka habang nag-iisa. Baka madalas mo itong gawin sa banyo habang naliligo o kaya naman ay sa kuwarto mo kapag gabi. Dahil ba ito sa pagiisip mo tungkol sa sex? Nakanood ka ng pornograpiya? O baka naisip mo lang bigla? Pinupukaw mo ang sarili mo sa pagpapakasarap. May maitutulong kaya ito sa’yo? Sinasabi ng iba na tanda ito ng pagkalalaki. Ayon sa mga pag-aaral, maaari din itong stress reliever dahil nagre-release ng endorphins ang katawan mo na nagdudulot ng kakaibang feeling. Inakala pa nga noon ng marami na nagdadala ito ng sakit, tulad ng HIV, gayong wala naman. Wala man, marami pa rin ang nagsasabi na okay lang ito. Wala namang mawawala. Pero may nangyari. Ano’ng nangyari? Bago iyan, bakit ba naiisip ng isa na gawin ito? Para sa mga kabataan, dahil ito sa pagbabago ng katawan dulot ng puberty kaya maaaring bigla na lang nais gawin. O baka naman hindi mawala sa isip mo ang sex? Hindi naman makaranas o madalang maranasan ng iba ang sex kaya idinadaan na lang nila sa masturbasyon. O baka kailangan mo ng pagkapukaw sa damdamin dahil stress ka? Problemado ka? Lagi ka bang nanonood ng pornograpiya? Puwede bang parausin na lang sa masturbasyon ang di-mapigil o tumataas na lebel ng pagnanasa?
3
Sa pagdaan ng panahon, ang tinaguriang “sariling sikap” ay nagiging “maramihang sikap” sa paminsan-minsan. Naghahanap sila ng ka-join. At dahil moderno na ngayon, idinadaan ang pagsisikap sa pagre-record ng video nito. Nagkalat ang ganitong mga video sa iba’t ibang social media sites. Naging maugong din ang gawaing ito dahil sa isang kontrobersiya noong 2016 tungkol sa iskandalong nagkalat ang ganitong video ng isang sikat na aktor sa internet. Kung iisipin, lumilitaw na may isa pang dahilan? Nakapokus ka sa sarili mong pagnanasa na makasarili. Heto pa ang dahilan: Itinuturing mo lang na laruan ang pag-aari mo na napakahalaga. Dahil nagnanasa ka, baka hindi ka makontento at mas paigtingin pa. Ayon sa mga pag-aaral sa sikolohiya, malamang na hindi pa rin tumigil ang isang nasanay na sa bisyong ito kapag nag-asawa na siya. Nagiging problema ito ng maraming mag-asawa. Naging makasarili ang sagot sa tanong kanina kung anong anong nangyari na wala namang nawala. Ang iba’y nagsasabi na hindi mapipigilan ng bugso ng paggawa nito dahil kailangan daw ilabas ang mga sangkap sa pag-aanak. Wala namang nangyayari kung hindi mailabas ang punlay at natutunaw naman sa loob ang likidong kasama nito kapag hindi ito nailabas. Mayroon din namang tinatawag na wet dreams bilang alternatibo sa pagpapalabas nito. Sa mga babae, ang paraan ng pagre-release ng itlog, na regular na nangyayari, ay ang pagreregla.
POP MOOD, NO. 1, 2022