THE CRAM DIGEST - KATUTUBO LITERARY FOLIO VOLUME I

Page 36

Si Tenyente Gimo by Felicisima Torres Campos

Sa mga bulung bulungan na si Tenyente Gimo ang “gabonan� o pinuno ng mga aswang sa lugar,ito ay hubad sa katotohanan. Si Tenyente Gimo ay hindi isang asuwang. Siya ay naging biktima lamang ng mga pagkakataontulad ng inilalahad sa sumusunod na salaysay. Noong taong 1882 sa kapanahunan ng kapitang ng munisipyo,Fabiano Ortiz,naganap ang isang nakapanghihilakbot na pagkagutom. Ang mga tao ay maaring damputin san mang dako sa bayan na nangamamatay dahilan sa gutom. Sa panahong ito,si Gimo lamang ang may Mabuti buting mais. Si Gimo ay lubhang matipid at walang balak na ipamigay ang mais nang walang katumbas na halaga. Mayayabong ang maisan ni Gimo. Sumapit ang anihan. Hindi payag si Gimong pakinabangan ito ng ibang tao. Dahilan dito, nag isip ng paraan ang tao na makuha ang kaniyang mga mais. Itinago nila ang isang batang may mga siyam na taon sa ilalim ng bungkos ng mga tangkay na mais. Gumabi na ngunit hindi pa rin nakauwi ng bahay ang bata. Humingi ng saklolo sa mga tao ang mga magulang. Nang gabing iyon ay magkakasama silang naghanap. Ang bata ay natagpuan sa ilalim ng mga tangkay ng maisan ni Gimo. Lumaganap ang mga bulung bulungan na itinago ni Gimo ang bata at si Gimo ay isang asuwang. Ito ay hindi naibigan ni Gimo sapgkat ito ay magiging batik sa kaniyang karangalan. Upang matigil na ang mga ilang pala palagay na siya ay asuwang,ay sinabi iya sa mga nagugutom na tao na ihinto ang salitang siya ay isang asuwang,at siya ay handang ibigay sa kanilang lahat ang mga mais sa kaniyang bukirin. Ang mga nagugutom 36


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
THE CRAM DIGEST - KATUTUBO LITERARY FOLIO VOLUME I by ergallego - Issuu