
1 minute read
Ang Kapilya sa Balaan Bukid sa Jordan
Ang Kapilya sa Balaan Bukid (Banal na Bundok) sa Jordan
by Felicisima Torres Campos
Advertisement
Tila sa lahat ng panahon, ang Maykapal at ang mga anghel ay naggagawad ng mahahalagang mensahe sa sangkatauhan sa paraan ng mga panaginip at mga pangitain. Ito ang gumitaw sa sumusunod na salaysay.
May isang paring nakatira sa Sta. Barbara. Napangarap niya ang bundok ditto sa Jordan. Sa kanyang bungang-tulog, inatasan daw siya ng Diyos na magpatyo ng isang kapilya sa naturang bundok. Sa pagdungaw niya sa bintana, ang unang bundok na mamamalas niya ay siya niyang pagpaptayuan ng kapilya. Ang ganiotng pangarap ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya. Kaya nga’t pinagpilitan niyang hanapin ang nabanggit na pook. Nakarating ang pari sa Guimaras at nagtanung-tanong sa landas patungo sa tinutunton. Sa una at ikalawa ay nahirapan siya sapagkat ang lahat ay kasukalan. Sa ikatlo niyang pagdating ay may dala-dala siyang mga estampita, at mga medalya. Sa bawat baiting na kanyang akyatin ay nahuhulog niya ang isang medalya at ito ay binabaon sa lupa ng kanyang katulong na tagahawan ng landas at saka naglalagay ng pananda. Ang labing-apat na medalya ay sumasagisag sa labing-apat na estasyon ng krus. Sa kalapit na lugar na pinagbaunan sa ikalabing-apat na medalya, ito ay tinandaan para sa ipagagawang kapilya. Sa ngayon, isang higanteng krus sa tuktok ng bundok, ng kapilya, ang mabubungaran ng paningin. Ito ay abut-tanaw sa kabilang dalampasigan. Ang lugar ay dinadayo laluna kung unang araw ng Mayo, araw ni San Jose bilang Patron ng mga manggagawa.