BAYANI
HI, I'M JOSE RIZAL!
pg.1
Kilalanin ang pambansang bayani ng
Pilipinas at ang kalagayan ng sektor ng
Agham at Teknolohiya noong panahon ng mga Kastila
RIZAL SA LARANGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA
IN THE PRESENT
Ano kaya ang masasabi o magiging reaksyon ni Rizal sa kasalukuyang kalagayan ng
Agham at Teknolohiya sa bansa?
GERIZAL MAGAZINE
APRIL 2023 / FINAL ED.
pg
9
what's inside?
BAYANI
Ang Bayani ay isang pahayagan na naglalayong mag-bigay importansya sa mga pambansang bayani ng Pilipinas. Sa edisyon ng buwan na ito, nais na talakayin ng mga manunulat ng pahayagang ito Si Dr. Jose Rizal, partikular na sa kaniyang pananaw at ambag sa sektor ng Agham at Teknolohiya. Kabilang na rin dito ang mga dahilan kung bakit nais ni Rizal na mag-ambag sa sektor na ito at ang kalagayan ng sektor na ito sa kasalukuyang panahon.
Writers: Danyss Batula Zoe Cruz Miguel Leysa Richard Pecson Patricia Servinio Layout Artist: Zoe Cruz Magasin | April 2023 Issue
One only dies once, and if one does not die well, a good opportunity is lost and will not present itself again.
-Dr JoseRizal
table of c o
HI, I'M JOSE RIZAL! RIZAL: SCIENCE & LIBERATION IN THE PRESENT RIZAL TRAVELS &WORDHUNTGAME RIZAL, SCIENCE, & NATIONALISM 1 3 5 7 10
n t e n t s
HI, IM JOSE RIZAL!
BAYANI 1
JP Rizal
Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa kaniyang probinsya na Calamba, Laguna. Siya ay mahilig na sa agham noong bata pa siya dahil nagustuhan niya ang mga maliliit na insekto na nakikita niya habang naglalakad kasama ang kanyang nanay na si Teodora Alonso. Matapos matanggap ang kanyang Bachelor of Arts degree mula sa Ateneo noong 1877, nagtuloy siya sa medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang kanyang motibasyon sa pag-aaral ng medisina ay dahil sa kanyang ina na may sakit sa mata, at gusto niya itong gamutin.
Noong ikalabing-siyam na dantaon, masasabi natin mayroong maunlad na sektor ng agham sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol. Itinatag nila ang pormal na edukasyon kung saan kasama ang mga asignaturang pangagham sa kanilang kurikulum sa paaralan, pati na rin ang pagtatatag ng mga institusyon ng siyensiya. Pinapangunahan ng mga paaralan tulad ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST) ang mga kurso sa agham, medisina, at inhenyeriya, ngunit mas nakatuon ang mga ito sa mga biyolohikal na agham tulad ng botany, medisina, at kemistri.
Sa larangan ng medisina, naging mahalagang ambag ni Rizal sa Pilipinas noong panahong iyon dahil sa kakulangan ng mga propesyonal na manggagamot. Nagpakita siya ng kahusayan sa kanyang larangan bilang isang doktor at espesyalista sa mata. Sa kanyang pagpapakita ng husay sa larangan ng medisina, napatunayan ni Rizal ang kanyang kakayahang makatulong sa mga pasyente sa buong bansa, kahit sa panahon ng kanyang pagkabilanggo sa Dapitan. Gayunpaman, hindi nakalimutan ni Rizal ang kanyang pagmamahal sa sining at panitikan, kung saan patuloy pa rin siyang sumulat ng mga tula, sanaysay, at kwento dahil ito ang tunay niyang hilig.
Samantala, kung tutuusin, hindi gaanong umunlad ang teknolohiya sa Pilipinas noong panahon ni Rizal. Ang mga pagbabago sa larangan ng teknolohiya ay makikita lamang sa mga transportasyon at komunikasyon. Ito ay dahil sa kawalan ng sapat na mga mapagkukunan, at kung mayroon man, ito ay ginagamit lamang para sa kapakinabangan ng gobyernong Espanyol. Ngunit, itinaguyod niya ang progresyon at pagunlad ng bayan na ginagawa ngayon dahil sa teknolohiya.
APRIL 2023 2
(above) A painting of Dr. Jose Rizal examining his mother's eye
(above) Rizal's 'business card' while he was in Hong Kong
(from left to right) Juan Luna, Jose Rizal, and Valentin Ventura
RIZAL: SCIENCE & LIBERATION
BAKIT GUSTO NI
RIZAL MAKAPAGAMBAG SA AGHAM
AT TEKNOLOHIYA?
3 BAYANI
Si Rizal ay may hangarin na makapag-ambag sa larangan ng agham at teknolohiya dahil sa pananaw ng mga Kastila na mababang uri at mangmang ang mga Pilipino. Sa isang kabanata ng El Filibusterismo ni Rizal na pinamagatang “The Physics Class”, ipinakita niya kung paano tinatrato ng mga Kastila ang mga estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST).
“Besides, the students were convinced that those instruments had not been purchased for them—the friars would be fools! The laboratory was intended to be shown to the visitors and the high officials who came from the Peninsula, so that upon seeing it they would nod their heads with satisfaction, while their guide would smile, as if to say, Eh, you thought you were going to find some backward monks! Well, we’re right up with the times—we have a laboratory!
The visitors and high officials, after being handsomely entertained, would then write in their Travels or Memoirs: The Royal and Pontifical University of Santo Tomas of Manila, in charge of the enlightened Dominican Order, possesses a magnificent physical laboratory for the instruction of youth. Some two hundred and fifty students annually study this subject, but whether from apathy, indolence, the limited capacity of the Indian, or some other ethnological or incomprehensible reason, up to now there has not developed a Lavoisier, a Secchi, or a Tyndall, not even in miniature, in the Malay-Filipino race.”
Mula sa pahayag na ito, makikita na ang mga kagamitan sa laboratoryo sa UST ay ipinapakita lamang sa mga bisita at dahil dito, ito ay nagbigay ng impresyon sa mga bisita na ang mga Pilipino ay walang kakayahan na makagamit ng mga ito at maging mga mahusay na mananaliksik dahil sa kanilang lahi. Ang kabanatang ito ay isinulat ni Rizal upang sirain ang pananaw ng mananakop na walang kaunlaran ang larangan ng agham sa mga indios. Isinulat niya ito upang pabulaanan ang paniniwala noon na ang mga “Malay-Filipino” ay may ‘maliit na kapasidad’ (poco capacidad), kaya’t walang tanyag na siyentipiko na Pilipino. Kaya lang naman nagkaroon ng mababang tingin sa mga Pilipino sa larangan ng agham ay dahil sa paraan ng pagtuturo ng mga prayle noon na nagpapadilim sa taglay na katalinuhan ng mga Pilipino at dahil na rin sa racism.
Bilang isang manunulat naman sa La Solidaridad, binibigyang diin ni Rizal ang importansya ng agham sa paglatag ng reporma at pagpapaunlad sa kondisyon ng bansa. Ayon din sa kaniyang pahayag na Indolence of the Filipinos, importante ang pisikal na agham para maunawaan ang kasalikuyang realidad ng bansa – ginamit niya bilang isang metapora ang isang pasyenteng may sakit upang maipakita ang kalagayan ng Pilipinas noon.
“Something like this happens in the case of the Philippines. Instead of physician, read government, that is, friars, employees, etc. Instead of patient, Philippines; instead of malady, indolence.”
“Yes, transfusion of blood, transfusion of blood! New life, new vitality! Yes, the new white corpuscles that you are going to inject into its veins, the new white corpuscles that were a cancer in another organism will withstand all the depravity of the system, will withstand the blood-lettings that it suffers every day, will have more stamina than all the eight million red corpuscles, will cure all the disorders, all the degeneration, all the trouble in the principal organs. Be thankful if they do not become coagulations and produce gangrene, be thankful if they do not reproduce the cancer!”
Noong siya naman ay ipinatapon sa Dapitan, siya ay nagtayo ng klinika. Si Rizal ay nagsulat sa kaniyang talaarawan ng kaniyang mga pasyente noon. Ginamot niya ang mga karaniwang karamdaman at sakit sa mata. Kabilang sa kaniyang mga naging pasyente ay ang kaniyang ina at ang stepfather ni Josephine Bracken. Sumulat siya ng liham para sa kaniyang bayaw na si Manuel Hidalgo;
“I have very many patients who come from different towns and now I have my lands dotted with little hospital-houses.”
Naniniwala si Rizal na siyensiya ang susi sa pag-unlad at liberasyon. Dahil may kakayahan si Rizal na makapag-aral, siya ay nag-aral ng medisina at kahit sa Europa man siya nag-aral, ang kaniyang layunin ay makapagbigay serbisyo sa lipunan lalo na sa mga nasa mababang sektor ng lipunan (De Lumen, 2006). Ang kaniyang mga pananaliksik at imbensyon ay upang mapadali ang buhay ng mga Pilipino at gumawa ng mga imbensyon na mapapakinabangan hanggang sa kasalukyan (DOST, 2022). Hindi lang ito, gusto rin ni Rizal patunayan na mali ang mga Kastila sa kanilang mababang pananaw sa mga Pilipino. — Zoe Cruz
4 APRIL 2023
RIZAL TRAVELS
SAAN NAGLAKBAY SI RIZAL NOON?
CALAMBA,
Dito tumira si Rizal noong kabataan niya. Matatagpuan ang kanilang bahay noon malapit sa plaza ng bayan.
LAGUNA
| Photo; Dambanang Rizal in Laguna
5 BAYANI
MADRID, SPAIN
Nag-punta si Rizal sa Madrid upang mag-aral sa Universidad Central de Madrid. Kinuha niya ang kursong Medicine at Philosophy and Letters.
PARIS, FRANCE
Pagtapos ni Rizal mag-aral sa Universidad Central de Madrid, nagpunta si Rizal sa Paris upang mag-aral ng Ophthalmology. Dagdag pa rito at naglilibot-libot din siya sa mga art galleries at makasaysayang lugar sa Paris.
Mahahanap mo kaya ang limang salitang naka-tago sa wordhunt na ito?
| Photo; Passage des Panoramas
6 APRIL 2023
Photo; Universidad Central de Madrid |
LARO KA MUNA!
egis,O?dagatiriS ANUGAL LAZIR ECNEICS NIAPS YGOLONHCET
IN THE PRESENT
paanokung n s n 7 BAYANI
Kung nabubuhay pa si Rizal ngayon, mamamangha siya sa pagiging advanced ng teknolohiya at agham ngayon. Pinadali nito ang buhay, mas pinabilis na matukoy ang mga sakit, at umunlad ang mga pananaliksik. Tiyak na masisiyahan siya sa paggamit ng bagong teknolohiya at kagamitan para pag-aralan pa ang tungkol sa kapaligiran, teknolohiya, at paghahanap ng lunas para sa mga sakit.
Hinikayat ni Rizal and agham at teknolohiya dahil sa pananaw niya, ito ang susi sa pag-unlad at pambansang paglaya. Ayon sa mga sulat niya tungkol sa pagmamason, “Science is free as the light which is its inspiration!” at ginamit sa pagsulong ng mga sibilisasyon (citation).
Naniniwala siya sa konsepto ng Survival of the Fittest" mula sa Social Darwinist na perspektibo, na nagpapaliwanag kung paano umunlad ang mga makapangyarihang tao sa lipunan dahil sila ay mas “mahusay” (History.com Editors, 2018). Alinsunod sa pananaw na ito, naniniwala rin siya na ang mga ang mga Pilipino ay dapat magkaroon ng kamalayan na sila ay may kakayahang lumikha ng mga siyentipikong tagumpay sa pamamagitan ng tamang edukasyon. Kahit na "mas mahusay" ang mga Kastila, kailangang maniwala ang mga Pilipino na kaya nilang gumawa ng sariling imbensyon at tumuklas ng bagong impormasyon tungkol sa mundo. Sa kasalukyuan, mapapatuwa si Rizal sa mga Pilipinong kumuha ng karerang may kinalaman sa agham at ang mga gumawa ng imbensyon para sa lipunan. Isang halimbawa ay si Ramon Barba na nakahanap ng paraan kung bakit buong taon namumunga ang mangga. Hinayaan din niya na gamitin ng mga magsasaka ang kanyang pananaliksik nang libre upang matulungan ang sektor ng agrikultura (Kollective Hustle, w.p.).
Naniniwala din si Rizal na hindi lang dapat ituro ang agham, kundi pahalagahan din ito at itaguyod ang kulturang siyentipik (Vallejo, 2008). Sa panahon ng kolonisasyon, kinatatakutan ng mga Espanyol sa pagtuturo ng maataas na edukasyon; maaring ito magpasiklab ng rebolusyon. Dahil dito, ang mga Pilipinong nag-aral ng agham ay itinuro nang walang sapat na kakayahan. Ang mga kagamitan sa laboratoryo ay ginamit lamang para sa dekorasyon at konti ang pagsasanay sa siyentipikong pananaliksik (Caoili, 1986). Sa isa sa mga sinulat ni Rizal na tumatalakay sa kanyang bersyon ng modernong kolehiyo, nais niya na ang mga guro ay kuwalipikadong na magturo ng mga asignatura. Nais niya rin na ang kurukulum ay may matematika, agham, kasaysayan, heograpiya, at ekonomiyang pampulitika at naaayon sa kasalukuyan at isyung panlipunan (citation). Sa kasalukyan, kasama ang agham at teknolohiya sa K12 kurikulum ng Department of Education (DepEd) at itinuturo ito sa liwanag ng pang-araw-araw na gawain. Nakatutok din ito bilang paraan para sa pagkamalikhain at kritikal na pag-iisip (Department of Education, 2016). Ngunit maraming mga pagsulong sa teknolohiya ang bansa, ang pagganap sa edukasyon sa larangan ng STEM (science, technology, engineering, and mathematics) ay may mababang ranggo kumpara sa ibang bansa. Ito ay sanhi ng limitadong pondo ng gobyerno, mahinang kalidad ng pagtuturo at kurikulum, at hindi sapat na pasilidad ng paaralan. Sa pagpapahalaga sa larangan, hindi gaanong binibigyang importansya. Ang Pilipinas ay kulang sa pag-unlad sa sistema ng pananaliksik; ang mga mag-aaral sa mas mataas na edukasyon ay tinuturuan kung paano makapasa sa mga board exams higit pa sa pagtuturo tungkol sa pananaliksik at pagbabago mula sa sariling interes (Sison, 2022).
Bilang konklusyon, matutuwa si Rizal sa mga pag-unlad ng teknolohiya na nagawa ng bansang ito. Gayunpaman, iisipin din niya na ang pagpapahalaga sa larangan ay maaaring pabutihin at bigyan nang mas malaking kahalagaan upang pasiglahin ang mga orihinal na ideya at iangat ang mga kakayahan ng Pilipino. — Patricia Servinio
8 APRIL 2023
RIZAL SCIENCE & NATIONALI
Sa pag usbong ng nasyonalismo sa Pilipinas, mas kinilala si Dr. Jose Rizal sa kanyang mga akda at sa mga aksyong ginawa upang makamit ang karangalang bilang “bayani” ng Pilipinas, ngunit minsa’y nakakalimutan natin ang pagiging siyentista ni Dr. Jose Rizal na may malaking impluwensiya sa pananaw ni Rizal sa nasyonlismong Pilipino. Bilang isang ilustrado, si Dr. Jose Rizal ay isang matiyagang magaaral at maalam sa iba’t ibang aspekto ng agham. Ayon sa mga experto ng National Research Council of the Philippines, si Dr. Rizal ay nakapagambag sa pag-unlad ng agham at teknolohiya sa larangan ng agrikultura, biology, engineering, edukasyon sa agham, medisina, at iba pa. Ngunit ang pinakamakabuluhang ambag ni Rizal ay ang pagiging modelo niya sa modernong panahon sa Pilipinas, sa pagsama ng pagiging isang dakilang mananaliksik, siyentipikong pagiisip, at nasyonalismong boses ni Rizal, hindi mawawala ang layunin niyang bigyang identidad ang mga Filipino sa lahat ng kanyang ginagawa. Pero kung tutuusin, si Rizal nga ba ang naiisip natin sa Nationalismong pang agham at teknolohiya? Naging inspiration o nakatulog ba ito sa pagtatag ng kaisipang nationalismo gamit ang agham at teknolohiya?
Dito maibubunyag ang kakaibang mukha o kabuhayan ni Dr. Jose Rizal kung saan nailatag niya ang kanyang mga ninanais para sa sarili at sa ikabubuti ng kanyang kapaligiran noong siya’y naipatapon sa Dapitan. Sa panahon niyang naroroon, nabigyan niyang oras ang makapag turo sa mga estudyante, makaimbento ng mga bagay-bagay na makakatulong para sa komunidad, tulad na lamang nang gravity water system pipeline, makapagtayo ng mga imprastraktura, at mapatuloy ang pag aaral at malalim na pananaliksik ng natural na agham o Natural Science, kung saan dito umiikot ang kaniyang mga gawa sa larangan ng siyensya.
9 BAYANI
Tumanggi siyang limitahan ng pagkahumaling sa kagandahan ng kalikasan lamang at sa kanyang pagmamahal sa pag pananaliksik ng mga buhay na bagay ay naging daan para sa paggalugad, pagtuklas, at pagpapakilala ng mga species na matatagpuan sa Pilipinas sa mundo. Sa talino at tagumpay ni Dr. Jose Rizal sa kanyang mga gawang agham, nakamit niya rin ang karangalan mula sa mga moderno siyentista kung saan siya ay ginawang inspirasyon at ninanais ng mga nilang sumunod sa mga yapak ni Dr. Jose Rizal. Sabi naman ni dating DOST Secretary Fortunato de la Peña, “Hindi maitatatwa na ang kahusayan na ipinamalas ni Dr. Rizal ay mababanaag natin sa mga nagdaan at kasalukuyang siyentistang Pilipino. Ang kanyang galing at pagmamahal sa bayan ay sumasalamin sa ating mga siyentistang patuloy na tumutuklas ng mga bagong kaalaman para sa ikauunlad ng buhay ng kanilang kapwa Pilipino. Patunay ito ng makabagong uri ng kabayanihan, ang paglilingkod sa bayan.” Ang adhikain ni Dr. Jose Rizal na pangalagaan at konserbahin ang iba’t ibang uri ng species ng insect, halaman, at hayop ay inspirasyon at pundasyon para sa mga mananaliksik sa panahon ngayon.
Marami sa ating mga Pilipino ang alam tungkol sa medikal na kasanayan ni Rizal, talento sa panitikan at mga gawaing pampulitika, ngunit hindi masyadong pamilyar sa kanyang mga akdang siyentipiko kung saan nananalamin at nahubog ang pagiisip at pananaw ni Dr. Jose Rizal. Sa pagiging matalino’t marunong sa agham, isa sa mga malaking impluwensiya ni Rizal ay ang Darwinian Theory, gayunpaman, si Dr. Jose Rizal ay ang naging kaunaunahang Filipino Darwinist. Hindi lamang ito itinuring pagsasagawa ng siyentipikong pamamaraan ni Rizal kundi isa rin itong naging paraan niya ng pagiisip at pagtingin sa natural na mundo. Ang
pagiging Darwinist ni Rizal ay importanteng parte sa pagunlad ng kanyang isip sa politika at relihiyon na makikita sa kanyang mga akda. Makikitang nasasangayon and mga ideolohiya sa kanyang pagkatao at pagiisip na ngayo’y dapat mabigyang pansin at kabuluhan ng ating modernong Pilipino.
Si Rizal ay may utak na siyentista, at bilang kauna-unahang Filipino science-literate, pinanghahawakan ni Rizal ang ideya na ang agham ang susi sa pag-unlad at pambansang pagpapalaya, at ito ay higit pa sa sinasaulo at hindi kritikal na pagtanggap ng mga katotohanan, ngunit isang paraan ng pag-iisip at proseso upang makarating sa mga katotohanang iyon. Itinatatak ni Rizal na ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa pagkakaroon ng mga mamamayang maalam at marunong sa agham na pinahahalagahan ang pagiging patas, transparency at mga demokratikong mithiin. Sila ay makatwirang pag-aalinlangan na nagbibigaydaan sa kanila na madaling mabawasan ang mga salita o ideya na ginawa ng mga taong nagsasamantala sa kamangmangan. Bagama’t hindi ito nabigyang pansin ng mga tao sa panahong iyon at hindi na masyado na ipakalat kahit gaano pa ito kaimportante sa pagkatao ni Rizal at epekto nito sa pananaw ng mga tao sa nasyonalismo, hindi naging makabuluhan sa mga sumunod na henerasyon at hanggang sa panahon ngayon ang impluwensya ng agham at teknolohiya sa buhay ni Rizal at ang Nasyonalismong Pilipino. Ngunit patuloy tayong hinahamon ni Rizal ng literacy at rebolusyon sa agham, una para sa ating sarili at pagkatapos ay sa ating lipunan. Ang paglaban ni Rizal sa ating kalayaan ay hindi lamang para makaalis sa kamay ng mga Español, kundi ang pagiging edukado ng bawat isang Pilipino upang tayo’y makakatayo sa ating sariling paa at maranasan at tamasahin ang mga benepisyo sa pagsulong ng agham at teknolohiya para sa ating Inang Bayan.
— Miguel Leysa
10 APRIL 2023