3 minute read

RIZAL: SCIENCE & LIBERATION

Next Article
HI, IM JOSE RIZAL!

HI, IM JOSE RIZAL!

BAKIT GUSTO NI

Advertisement

RIZAL MAKAPAGAMBAG SA AGHAM

AT TEKNOLOHIYA?

Si Rizal ay may hangarin na makapag-ambag sa larangan ng agham at teknolohiya dahil sa pananaw ng mga Kastila na mababang uri at mangmang ang mga Pilipino. Sa isang kabanata ng El Filibusterismo ni Rizal na pinamagatang “The Physics Class”, ipinakita niya kung paano tinatrato ng mga Kastila ang mga estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST).

“Besides, the students were convinced that those instruments had not been purchased for them—the friars would be fools! The laboratory was intended to be shown to the visitors and the high officials who came from the Peninsula, so that upon seeing it they would nod their heads with satisfaction, while their guide would smile, as if to say, Eh, you thought you were going to find some backward monks! Well, we’re right up with the times—we have a laboratory!

The visitors and high officials, after being handsomely entertained, would then write in their Travels or Memoirs: The Royal and Pontifical University of Santo Tomas of Manila, in charge of the enlightened Dominican Order, possesses a magnificent physical laboratory for the instruction of youth. Some two hundred and fifty students annually study this subject, but whether from apathy, indolence, the limited capacity of the Indian, or some other ethnological or incomprehensible reason, up to now there has not developed a Lavoisier, a Secchi, or a Tyndall, not even in miniature, in the Malay-Filipino race.”

Mula sa pahayag na ito, makikita na ang mga kagamitan sa laboratoryo sa UST ay ipinapakita lamang sa mga bisita at dahil dito, ito ay nagbigay ng impresyon sa mga bisita na ang mga Pilipino ay walang kakayahan na makagamit ng mga ito at maging mga mahusay na mananaliksik dahil sa kanilang lahi. Ang kabanatang ito ay isinulat ni Rizal upang sirain ang pananaw ng mananakop na walang kaunlaran ang larangan ng agham sa mga indios. Isinulat niya ito upang pabulaanan ang paniniwala noon na ang mga “Malay-Filipino” ay may ‘maliit na kapasidad’ (poco capacidad), kaya’t walang tanyag na siyentipiko na Pilipino. Kaya lang naman nagkaroon ng mababang tingin sa mga Pilipino sa larangan ng agham ay dahil sa paraan ng pagtuturo ng mga prayle noon na nagpapadilim sa taglay na katalinuhan ng mga Pilipino at dahil na rin sa racism.

Bilang isang manunulat naman sa La Solidaridad, binibigyang diin ni Rizal ang importansya ng agham sa paglatag ng reporma at pagpapaunlad sa kondisyon ng bansa. Ayon din sa kaniyang pahayag na Indolence of the Filipinos, importante ang pisikal na agham para maunawaan ang kasalikuyang realidad ng bansa – ginamit niya bilang isang metapora ang isang pasyenteng may sakit upang maipakita ang kalagayan ng Pilipinas noon.

“Something like this happens in the case of the Philippines. Instead of physician, read government, that is, friars, employees, etc. Instead of patient, Philippines; instead of malady, indolence.”

“Yes, transfusion of blood, transfusion of blood! New life, new vitality! Yes, the new white corpuscles that you are going to inject into its veins, the new white corpuscles that were a cancer in another organism will withstand all the depravity of the system, will withstand the blood-lettings that it suffers every day, will have more stamina than all the eight million red corpuscles, will cure all the disorders, all the degeneration, all the trouble in the principal organs. Be thankful if they do not become coagulations and produce gangrene, be thankful if they do not reproduce the cancer!”

Noong siya naman ay ipinatapon sa Dapitan, siya ay nagtayo ng klinika. Si Rizal ay nagsulat sa kaniyang talaarawan ng kaniyang mga pasyente noon. Ginamot niya ang mga karaniwang karamdaman at sakit sa mata. Kabilang sa kaniyang mga naging pasyente ay ang kaniyang ina at ang stepfather ni Josephine Bracken. Sumulat siya ng liham para sa kaniyang bayaw na si Manuel Hidalgo;

“I have very many patients who come from different towns and now I have my lands dotted with little hospital-houses.”

Naniniwala si Rizal na siyensiya ang susi sa pag-unlad at liberasyon. Dahil may kakayahan si Rizal na makapag-aral, siya ay nag-aral ng medisina at kahit sa Europa man siya nag-aral, ang kaniyang layunin ay makapagbigay serbisyo sa lipunan lalo na sa mga nasa mababang sektor ng lipunan (De Lumen, 2006). Ang kaniyang mga pananaliksik at imbensyon ay upang mapadali ang buhay ng mga Pilipino at gumawa ng mga imbensyon na mapapakinabangan hanggang sa kasalukyan (DOST, 2022). Hindi lang ito, gusto rin ni Rizal patunayan na mali ang mga Kastila sa kanilang mababang pananaw sa mga Pilipino. — Zoe Cruz

This article is from: