2 minute read

IN THE PRESENT

Advertisement

Kung nabubuhay pa si Rizal ngayon, mamamangha siya sa pagiging advanced ng teknolohiya at agham ngayon. Pinadali nito ang buhay, mas pinabilis na matukoy ang mga sakit, at umunlad ang mga pananaliksik. Tiyak na masisiyahan siya sa paggamit ng bagong teknolohiya at kagamitan para pag-aralan pa ang tungkol sa kapaligiran, teknolohiya, at paghahanap ng lunas para sa mga sakit.

Hinikayat ni Rizal and agham at teknolohiya dahil sa pananaw niya, ito ang susi sa pag-unlad at pambansang paglaya. Ayon sa mga sulat niya tungkol sa pagmamason, “Science is free as the light which is its inspiration!” at ginamit sa pagsulong ng mga sibilisasyon (citation).

Naniniwala siya sa konsepto ng Survival of the Fittest" mula sa Social Darwinist na perspektibo, na nagpapaliwanag kung paano umunlad ang mga makapangyarihang tao sa lipunan dahil sila ay mas “mahusay” (History.com Editors, 2018). Alinsunod sa pananaw na ito, naniniwala rin siya na ang mga ang mga Pilipino ay dapat magkaroon ng kamalayan na sila ay may kakayahang lumikha ng mga siyentipikong tagumpay sa pamamagitan ng tamang edukasyon. Kahit na "mas mahusay" ang mga Kastila, kailangang maniwala ang mga Pilipino na kaya nilang gumawa ng sariling imbensyon at tumuklas ng bagong impormasyon tungkol sa mundo. Sa kasalukyuan, mapapatuwa si Rizal sa mga Pilipinong kumuha ng karerang may kinalaman sa agham at ang mga gumawa ng imbensyon para sa lipunan. Isang halimbawa ay si Ramon Barba na nakahanap ng paraan kung bakit buong taon namumunga ang mangga. Hinayaan din niya na gamitin ng mga magsasaka ang kanyang pananaliksik nang libre upang matulungan ang sektor ng agrikultura (Kollective Hustle, w.p.).

Naniniwala din si Rizal na hindi lang dapat ituro ang agham, kundi pahalagahan din ito at itaguyod ang kulturang siyentipik (Vallejo, 2008). Sa panahon ng kolonisasyon, kinatatakutan ng mga Espanyol sa pagtuturo ng maataas na edukasyon; maaring ito magpasiklab ng rebolusyon. Dahil dito, ang mga Pilipinong nag-aral ng agham ay itinuro nang walang sapat na kakayahan. Ang mga kagamitan sa laboratoryo ay ginamit lamang para sa dekorasyon at konti ang pagsasanay sa siyentipikong pananaliksik (Caoili, 1986). Sa isa sa mga sinulat ni Rizal na tumatalakay sa kanyang bersyon ng modernong kolehiyo, nais niya na ang mga guro ay kuwalipikadong na magturo ng mga asignatura. Nais niya rin na ang kurukulum ay may matematika, agham, kasaysayan, heograpiya, at ekonomiyang pampulitika at naaayon sa kasalukuyan at isyung panlipunan (citation). Sa kasalukyan, kasama ang agham at teknolohiya sa K12 kurikulum ng Department of Education (DepEd) at itinuturo ito sa liwanag ng pang-araw-araw na gawain. Nakatutok din ito bilang paraan para sa pagkamalikhain at kritikal na pag-iisip (Department of Education, 2016). Ngunit maraming mga pagsulong sa teknolohiya ang bansa, ang pagganap sa edukasyon sa larangan ng STEM (science, technology, engineering, and mathematics) ay may mababang ranggo kumpara sa ibang bansa. Ito ay sanhi ng limitadong pondo ng gobyerno, mahinang kalidad ng pagtuturo at kurikulum, at hindi sapat na pasilidad ng paaralan. Sa pagpapahalaga sa larangan, hindi gaanong binibigyang importansya. Ang Pilipinas ay kulang sa pag-unlad sa sistema ng pananaliksik; ang mga mag-aaral sa mas mataas na edukasyon ay tinuturuan kung paano makapasa sa mga board exams higit pa sa pagtuturo tungkol sa pananaliksik at pagbabago mula sa sariling interes (Sison, 2022).

Bilang konklusyon, matutuwa si Rizal sa mga pag-unlad ng teknolohiya na nagawa ng bansang ito. Gayunpaman, iisipin din niya na ang pagpapahalaga sa larangan ay maaaring pabutihin at bigyan nang mas malaking kahalagaan upang pasiglahin ang mga orihinal na ideya at iangat ang mga kakayahan ng Pilipino. — Patricia Servinio

This article is from: