3 minute read

RIZAL SCIENCE & NATIONALI

Next Article
IN THE PRESENT

IN THE PRESENT

Sa pag usbong ng nasyonalismo sa Pilipinas, mas kinilala si Dr. Jose Rizal sa kanyang mga akda at sa mga aksyong ginawa upang makamit ang karangalang bilang “bayani” ng Pilipinas, ngunit minsa’y nakakalimutan natin ang pagiging siyentista ni Dr. Jose Rizal na may malaking impluwensiya sa pananaw ni Rizal sa nasyonlismong Pilipino. Bilang isang ilustrado, si Dr. Jose Rizal ay isang matiyagang magaaral at maalam sa iba’t ibang aspekto ng agham. Ayon sa mga experto ng National Research Council of the Philippines, si Dr. Rizal ay nakapagambag sa pag-unlad ng agham at teknolohiya sa larangan ng agrikultura, biology, engineering, edukasyon sa agham, medisina, at iba pa. Ngunit ang pinakamakabuluhang ambag ni Rizal ay ang pagiging modelo niya sa modernong panahon sa Pilipinas, sa pagsama ng pagiging isang dakilang mananaliksik, siyentipikong pagiisip, at nasyonalismong boses ni Rizal, hindi mawawala ang layunin niyang bigyang identidad ang mga Filipino sa lahat ng kanyang ginagawa. Pero kung tutuusin, si Rizal nga ba ang naiisip natin sa Nationalismong pang agham at teknolohiya? Naging inspiration o nakatulog ba ito sa pagtatag ng kaisipang nationalismo gamit ang agham at teknolohiya?

Dito maibubunyag ang kakaibang mukha o kabuhayan ni Dr. Jose Rizal kung saan nailatag niya ang kanyang mga ninanais para sa sarili at sa ikabubuti ng kanyang kapaligiran noong siya’y naipatapon sa Dapitan. Sa panahon niyang naroroon, nabigyan niyang oras ang makapag turo sa mga estudyante, makaimbento ng mga bagay-bagay na makakatulong para sa komunidad, tulad na lamang nang gravity water system pipeline, makapagtayo ng mga imprastraktura, at mapatuloy ang pag aaral at malalim na pananaliksik ng natural na agham o Natural Science, kung saan dito umiikot ang kaniyang mga gawa sa larangan ng siyensya.

Advertisement

Tumanggi siyang limitahan ng pagkahumaling sa kagandahan ng kalikasan lamang at sa kanyang pagmamahal sa pag pananaliksik ng mga buhay na bagay ay naging daan para sa paggalugad, pagtuklas, at pagpapakilala ng mga species na matatagpuan sa Pilipinas sa mundo. Sa talino at tagumpay ni Dr. Jose Rizal sa kanyang mga gawang agham, nakamit niya rin ang karangalan mula sa mga moderno siyentista kung saan siya ay ginawang inspirasyon at ninanais ng mga nilang sumunod sa mga yapak ni Dr. Jose Rizal. Sabi naman ni dating DOST Secretary Fortunato de la Peña, “Hindi maitatatwa na ang kahusayan na ipinamalas ni Dr. Rizal ay mababanaag natin sa mga nagdaan at kasalukuyang siyentistang Pilipino. Ang kanyang galing at pagmamahal sa bayan ay sumasalamin sa ating mga siyentistang patuloy na tumutuklas ng mga bagong kaalaman para sa ikauunlad ng buhay ng kanilang kapwa Pilipino. Patunay ito ng makabagong uri ng kabayanihan, ang paglilingkod sa bayan.” Ang adhikain ni Dr. Jose Rizal na pangalagaan at konserbahin ang iba’t ibang uri ng species ng insect, halaman, at hayop ay inspirasyon at pundasyon para sa mga mananaliksik sa panahon ngayon.

Marami sa ating mga Pilipino ang alam tungkol sa medikal na kasanayan ni Rizal, talento sa panitikan at mga gawaing pampulitika, ngunit hindi masyadong pamilyar sa kanyang mga akdang siyentipiko kung saan nananalamin at nahubog ang pagiisip at pananaw ni Dr. Jose Rizal. Sa pagiging matalino’t marunong sa agham, isa sa mga malaking impluwensiya ni Rizal ay ang Darwinian Theory, gayunpaman, si Dr. Jose Rizal ay ang naging kaunaunahang Filipino Darwinist. Hindi lamang ito itinuring pagsasagawa ng siyentipikong pamamaraan ni Rizal kundi isa rin itong naging paraan niya ng pagiisip at pagtingin sa natural na mundo. Ang pagiging Darwinist ni Rizal ay importanteng parte sa pagunlad ng kanyang isip sa politika at relihiyon na makikita sa kanyang mga akda. Makikitang nasasangayon and mga ideolohiya sa kanyang pagkatao at pagiisip na ngayo’y dapat mabigyang pansin at kabuluhan ng ating modernong Pilipino.

Si Rizal ay may utak na siyentista, at bilang kauna-unahang Filipino science-literate, pinanghahawakan ni Rizal ang ideya na ang agham ang susi sa pag-unlad at pambansang pagpapalaya, at ito ay higit pa sa sinasaulo at hindi kritikal na pagtanggap ng mga katotohanan, ngunit isang paraan ng pag-iisip at proseso upang makarating sa mga katotohanang iyon. Itinatatak ni Rizal na ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa pagkakaroon ng mga mamamayang maalam at marunong sa agham na pinahahalagahan ang pagiging patas, transparency at mga demokratikong mithiin. Sila ay makatwirang pag-aalinlangan na nagbibigaydaan sa kanila na madaling mabawasan ang mga salita o ideya na ginawa ng mga taong nagsasamantala sa kamangmangan. Bagama’t hindi ito nabigyang pansin ng mga tao sa panahong iyon at hindi na masyado na ipakalat kahit gaano pa ito kaimportante sa pagkatao ni Rizal at epekto nito sa pananaw ng mga tao sa nasyonalismo, hindi naging makabuluhan sa mga sumunod na henerasyon at hanggang sa panahon ngayon ang impluwensya ng agham at teknolohiya sa buhay ni Rizal at ang Nasyonalismong Pilipino. Ngunit patuloy tayong hinahamon ni Rizal ng literacy at rebolusyon sa agham, una para sa ating sarili at pagkatapos ay sa ating lipunan. Ang paglaban ni Rizal sa ating kalayaan ay hindi lamang para makaalis sa kamay ng mga Español, kundi ang pagiging edukado ng bawat isang Pilipino upang tayo’y makakatayo sa ating sariling paa at maranasan at tamasahin ang mga benepisyo sa pagsulong ng agham at teknolohiya para sa ating Inang Bayan.

— Miguel Leysa

This article is from: