
1 minute read
HI, IM JOSE RIZAL!
from BAYANI Zine
by Zoe Cruz

Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa kaniyang probinsya na Calamba, Laguna. Siya ay mahilig na sa agham noong bata pa siya dahil nagustuhan niya ang mga maliliit na insekto na nakikita niya habang naglalakad kasama ang kanyang nanay na si Teodora Alonso. Matapos matanggap ang kanyang Bachelor of Arts degree mula sa Ateneo noong 1877, nagtuloy siya sa medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang kanyang motibasyon sa pag-aaral ng medisina ay dahil sa kanyang ina na may sakit sa mata, at gusto niya itong gamutin.
Advertisement



Noong ikalabing-siyam na dantaon, masasabi natin mayroong maunlad na sektor ng agham sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol. Itinatag nila ang pormal na edukasyon kung saan kasama ang mga asignaturang pangagham sa kanilang kurikulum sa paaralan, pati na rin ang pagtatatag ng mga institusyon ng siyensiya. Pinapangunahan ng mga paaralan tulad ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST) ang mga kurso sa agham, medisina, at inhenyeriya, ngunit mas nakatuon ang mga ito sa mga biyolohikal na agham tulad ng botany, medisina, at kemistri.
Sa larangan ng medisina, naging mahalagang ambag ni Rizal sa Pilipinas noong panahong iyon dahil sa kakulangan ng mga propesyonal na manggagamot. Nagpakita siya ng kahusayan sa kanyang larangan bilang isang doktor at espesyalista sa mata. Sa kanyang pagpapakita ng husay sa larangan ng medisina, napatunayan ni Rizal ang kanyang kakayahang makatulong sa mga pasyente sa buong bansa, kahit sa panahon ng kanyang pagkabilanggo sa Dapitan. Gayunpaman, hindi nakalimutan ni Rizal ang kanyang pagmamahal sa sining at panitikan, kung saan patuloy pa rin siyang sumulat ng mga tula, sanaysay, at kwento dahil ito ang tunay niyang hilig.
Samantala, kung tutuusin, hindi gaanong umunlad ang teknolohiya sa Pilipinas noong panahon ni Rizal. Ang mga pagbabago sa larangan ng teknolohiya ay makikita lamang sa mga transportasyon at komunikasyon. Ito ay dahil sa kawalan ng sapat na mga mapagkukunan, at kung mayroon man, ito ay ginagamit lamang para sa kapakinabangan ng gobyernong Espanyol. Ngunit, itinaguyod niya ang progresyon at pagunlad ng bayan na ginagawa ngayon dahil sa teknolohiya.