Ang Tipolenyo Tomo 5 Bilang 2

Page 1


Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Antipolo City National Science and Technology High School S.Y. 2024-2025

MARSO 7, 2025 | TOMO V | BILANG II

PATNUGUTAN 2024-2025

BEST PERFORMING HIGH SCHOOL

9th Hamaka Excellence Award

PATRICK JOHN BAYDO

NILALAMAN

BATANG ANSCIAN, TUMANGGAP NG PARANGAL SA GAWAD TEODORA ALONSO AWARD BALITA

EDITORYAL

ACNSTHS, kinilala bilang “Best Performing Public High School”

binida ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang parangal na natanggap mula bilang pinakamahusay na pampublikong paaralan sa buong bayan ng Antipolo bilang pagkilala sa ipinamalas na husay hindi lamang ng mga batang siyentipiko kundi pati ang mga guro at lahat ng bumubuo ng nasabing paaralan. Malugod na tinanggap ng kasalukuyang School Head ng paaralan na si Janice P. Maravilla ang nasabing parangal sa ginanap na 9th Hamaka Awards of Excellence to Education nitong Ika-8 ng Disyembre.

NI

Outreach programs ng ACNSTHS organizations, handog ang tuwa sa kapwa kabataan N

agbigay lingap ang iba’t ibang organisasyon mula sa Antipolo City National Science and Technology High School sa pagsasagawa ng kaniya-kaniyang outreach program sa pagtatapos ng 2024 at pagpasok ng bagong taon. Matagumpay na nakapaghatid tulong at tuwa ang Supreme Student Learner Governent (SSLG), Ang Tipolenyo, MAPEH Club, Research Club, SMILE Club, at Book Lovers Club sa pagdaraos ng community service sa mga buwan ng Disyembre at Enero kung saan kapanapanabik na mga pakulo and kanilang inihanda para sa mga napiling kabataan.

Student Handbooks, nakabinbin pa rin sa division office

apuna ng mga mag-aaral ng Antipolo City

National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang tila usad-pagong na pag-release ng school handbooks na nakatengga pa rin sa Division Office.

Matatandaang mangilang beses nang ipinakita at ipinangako ng paaralan sa mga mag-aaral ang paglalabas ng nasabing handbook na naglalaman ng mga patakaran at regulasyong dapat iimplimenta, ngunit bigo pa rin ang paaralan na maipamahagi ito.

Paglilinaw naman ni G. Rufino Idanan III, Junior High School Coordinator ng paaralan, kasalukuyang nirerebisa ito dahil sa nakuha nilang feedback mula sa division office, kung saan kinakailangan na dapat updated ang mga nilalaman ng handbook.

“According to the feedback given to us, there are some parts of our handbook here in Antipolo Science, are in need to change. For example, some of those pictures cannot be include in the handbook, like the face of the previous administration, because every changes with regards to the administration like the principal, teachers, it should always be updated,” saad niya.

Dagdag pa nito, kinakailangan ang sapat na oras at pondo para maimprenta ang mga handbooks at masigurong “one is to one“ ang pag-distribute nito. Gayunpaman, pinabulaanan ito ng mga mag-aaral dahil ang rasong inihahayag ng office ay tila pagtatwa sa mabagal na proseso ng paaralan.

Pahayag ng mag-aaral mula sa ika-12 baitang “Parang excuse lang, n’ong first day ng klase sabi ibibigay after a week ata ganon ta’s ngayon wala pa rin. Lagi ‘yan sinasabi, 3 years na nire-revise, baka nga ‘di nanaman maglabas this year”.

Bagamat mainit ang isyu patungkol dito, inaasahan na tuluyang matatapos ang pagsasaayos ng handbook ngayong taong panuruan upang maibahagi na kaagad sa mga mag-aaral. Inaabangan din ng ilang kaguruan ang release ng School Handbook, dahil dito ibinabase ang disciplinary actions at mga alituntunin na dapat ay naisasabatas sa paaralan.

“Parang excuse lang, n’ong first day ng klase sabi ibibigay after a week ata ganon, ta’s ngayon wala pa rin. Lagi ‘yan sinasabi, 3 years na nire-revise, baka nga ‘di nanaman maglabas this year”

Pahayag ng isang estudyante mula sa ika-12 baitang tungkol sa walang ipinapamahagi na student handbook

KAPIT-DILIM. Nagtitiis si Mark Anthony Aro, isang guro ng ACNSTHS, sa madilim at masikip na espasyo sa ilalim ng hagdan, sa Senior High School (SHS) building ng paaralan, na nagsisilbi bilang kanyang kuwarto at gawaan ng kanyang mga gawain. ni Kristine Isaac

Kawalan ng maayos na faculty room, pasakit sa mga guro ng ACNSTHS

dinadaing ng mga guro mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang problema sa kakulangan ng mga gusaling pampaaralan o silid-aralan na maaaring gamitin bilang mga faculty rooms, dahilan upang mawalan sila ng maayos at maluwag na mapagsisilidan.

Dahil dito, ang abalang idinudulot ng kakulangan ng mga silid ay nakakaaapekto sa pagtatrabaho ng mga guro kung saan karamihan sa kanila ay nangangailangang magsiksikan sa maliliit na rooms para lamang matugunan ang dumaraming bilang ng mga mag-aaral at guro sa paaralan.

Bukod pa rito, ilan sa mga guro ng nasabing paaralan ay napipilitang manatili sa mga hindi maayos at angkop na mga lugar tulad na lamang ng mga kwarto sa ilalim ng mga hagdan kung saan iniinda nila ang madilim at maliit na espasyo nito.

Bukod sa pagdami ng mga mag-aaral, isa rin sa nakikitang rason sa problema na ito ay ang limitadong espasyo hindi lamang sa mga gusali kundi sa mismong lugar na kinatitirikan ng nasabing paaralan.

“Kumbaga yung additional efforts, unnecessary efforts sa mga bagay-bagay yun yung disadvantage. So, kung gagawa ka ng grades kailangan mo magtago,

hindi ka makagawa ng maayos na documents” ani Bb. Ana Katrina Sagle, guro mula sa ikasiyam na baitang.

Dagdag pa niya, mas magkakaroon daw ng maayos na komunikasyon ang mga guro kung mayroon silang sariling mga faculty rooms, kung saan mas mapadadali ang pagtransfer at pagbabahagi ng mga dokumento sa isa’t isa nang walang kahirap-hirap at pagod na pumunta sa iba’t ibang gusali at silid-aralan.

Saad naman ni Bb. Mechaella Catudio mula sa senior high school department “ Kung may extra rooms, better, para may sarili ka talagang space. Diba kasi usually, kunwari ako meron akong sariling sistema sa pagtatrabaho, so kung may sarili akong space mas mapapadali yung trabaho ko, mas magiging productive”.

Sa kabilang banda, maganda rin naman para sa mga bagong teachers ang pagkakaroon ng hindi naman sobrang sikip pero malapit sa isa’t isa na espasyo dahil nakatutulong ito para sa assistance at guidance na kailangan nila upang magamay ang iba’t ibang mga gawain.

Ang kakulangan ng mga nasabing silid-aralan ay matagal nang problemang nararanasan ng AnSci, nawa’y marinig ang hinaing ng kaguruan at makapaglaan ng tama, sapat, at malawak na pasilidad para sa mga tunay na pundasyon ng paaralan.

KRISTINE ISAAC
KRISTINE ISAAC

Inihandang adhikain ng SSLG, mabilisang inilatag

sa paunang SOLGA ng S.Y. 2024-2025

Maituturing na isa sa pinakamaikling talumpati na nasaksihan ng mga mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang katatapos lamang na State of the Learner’s Address (SOLGA) na naglalaman ng mga plano at aksyon ng Supreme Secondary Learner’s Government (SSLG) para sa kasalukuyang termino, Oktubre 31.

Bagama’t hindi ganoon kahaba ang naging talumpati ng kasalukuyang presidente na si Justine Andrea Peñano, buong-buo namang naisalaysay sa harap ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan ang kanilang mga nagawa sa mga nagdaang kwarter ng taong panuruan 2024-2025 gayundin ang kanilang General Plan of Action (GPOA) para sa buong taong panuruan.

Ibinida ni Peñano ang mga tagumpay ng SSLG sa pagpasok ng taong panuruan katulad na lamang ng

isinagawang Brigada Eskwela at iba pang aktibidad.

Isa rin sa mga naging highlight ng talumpati ni Peñano ang bagong inihaing aktibidad ng nasabing organisasyon na makatutulong upang magabayan at mapaghusay ang kapasidad ng mga kabataang siyentipiko na nagnanais tumakbo sa mga susunod na taon sa larangan ng pamumuno.

Maikli ngunit kompletong naihayag ang mga tagumpay na programa ng organisasyon sa loob ng maikling panahon, bukod pa rito ay nabigyang pagpapalawig din ang mga proyektong ipatutupad pa lamang at ang kanilang panig sa mga problemang kanilang nakaharap.

Kasalukuyan naman daw na pinaghahandaan ang mga paparating na aktibidad ngayong taon gaya ng National Student’s Day gayundin ang mga kaganapan sa susunod na taon tulad ng Valentine’s Day, Leadership Program at iba.

Samantala, mababatid na ilan sa mga aktibidad o mga planong nabanggit ni Peñano ay mula sa nakaraang

termino na kanila lamang ipagpapatuloy o palalawigin sa mga susunod na termino.

magiging paunang hakbang isusulong ng SSLG at patuloy na paiigtingin”, aniya.

ng SSLG adviser na si G. John Jayson Cainlang, hindi lamang ang SSLG kundi ang lahat ng bumubuo sa paaralan ay nagnanais na makabuo ng isang komunidad na mag-aangat sa isa kung kaya naman hinihiling niya ang tiwalang kinakailangan ng organisasyon. “Nagkamali, nadapa pero babangon pa rin sa AnSci community,’ dagdag pa niya.

Sa kabila ng makulimlim na panahon, matagumpay namang nairaos ang SOLGA na may pangunahing layunin na mabigyan ang mga mag-aaral ng kamalayan sa mga balak ng SSLG sa paaralan.

Kalidad ng Sistemang Sci-Hi, posibleng

maapektuhan ng MATATAG Kurikulum

Nababahala ang ilan sa mga mag-aaral ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) na maging balakid ang pagpapatupad ng bagong curriculum sa kalidad ng kanilang edukasyon.

Bunga ng implementasyon ng MATATAG Curriculum, natanggal ang karamihan sa mga ‘electives’ na asignatura sa iba’t ibang baitang ng ACNSTHS na siyang idinisenyo upang sumunod sa pamantayan ng isang uri ng mataas na paaralang pang-agham. Dahil dito, nabawasan ang mga asignaturang mga mag-aaral upang mas mabigyang pansin ang pagpapaunlad ng mga natitirang asignatura sa Most Essential Learning Competency (MELC) na itinakda ng Department of Education (DepEd).

Ani ng isang mag-aaral mula sa ika-10 baitang, “Kilala po yung AnSci sa rami ng subjects, tapos yung electives po

ayun po yung nag se-serve as parang advance sa aming mga science high school, so ano pong naging difference namin sa kanila”.

Dagdag pa niya, ang malaking pagkakaiba ng pagkakaroon ng elective subject ay nakasentro ito sa mga aralin ng isang asignatura lamang kumpara sa bagong curriculum na ang mga itinuturo ay hindi na masyado pang pinapalawak.

Inaasahan naman na mabigyang pansin ang isyu patungkol sa bagong kurikulum at ang epekto nito sa kalidad ng sistemang pang-science high school, ngunit sa pansamantala ay gagawing advanced ang pag-conduct ng mga hands-on experiments.

“Una nakakatulong sa isa’t isa yung elective subjects sa iba pang subject. Hindi kasi sila as is na yun lang yung subject kasi nakikinabang din yung math, science, english, at lalong-lalo na yung specialized subject natin na research” Pahayag ni Daisy Jane Ciar, isang guro

Ibinahagi ng ACNSTHS Red Cross Youth Club sa participants ng Youth Volunteer Orienteering Cource (YVOC) ang kaalaman sa basic life support skills sa inilunsad na 2024 School-Based First Aid Training sa paaralan nitong oktubre. Ayon sa RCY, ilan sa mga tinutukan sa training ay ang transmittable diseases, prevention and precautions, at pagtuturo sa proseso ng CPR. Dagdag naman ng organisayon, nawa’y magbigay daan ang training na ito sa pagpapalawak kaalaman at pagdami ng bagong licensed Red Cross Youth members ng ACNSTHS para sa taong panuruan.

JULIA DACER
KRISTINE ISAAC
KRISTINE ISAAC

IACNSTHS, kinilala bilang “Best Performing Public High School”

binida ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang parangal na natanggap mula bilang pinakamahusay na pampublikong paaralan sa buong bayan ng Antipolo bilang pagkilala sa ipinamalas na husay hindi lamang ng mga batang siyentipiko kundi pati ang mga guro at lahat ng bumubuo ng nasabing paaralan.

Malugod na tinanggap ng kasalukuyang School Head ng paaralan na si Janice P. Maravilla ang nasabing parangal sa ginanap na 9th Hamaka Awards of Excellence to Education nitong Ika-8 ng Disyembre.

Ayon kay Aira Mischa Tacapan, isang mag-aaral mula sa AnSci, inaasahan niya na makatatanggap ng ganitong parangal ang

mga naobserbahan habang nag-aaral dito

“Pero isa sa mga magandang katangian din ng mga students here in our school is yung pagiging dedicated and competitive talaga nila when it comes to representing the school, either division or regionals.” paliwanag niya.

Isa pa sa mga natatanging katangian na mayroon ang AnSci ang hindi matatawarang serbisyo ng mga guro at iba pang mga tao na bumubuo sa pangalan ng paaralan na nagsisilbing gabay ng bawat mag-aaral.

Bukod sa mahusay at epektibong pagtuturo, nabibigyan rin ng sapat na atensyon at tulong ang mga mag-aaral kaya naman ay maayos na nahuhubog at nahahasa ang mga talento at kaalaman ng mga batang siyentipiko.

Pinasasalamatan din ng mga

mag-aaral ang itinuturing na dalawang “ina” ng naturang paaralan na sina Mrs. Rosanna Ortiz at Ma’am Janice Maravilla sa gabay at suporta na kanilang ibinigay upang mas mapabuti at mapaayos ang pamamamalakad sa Antipolo Science High.

Mula sa mga nakaraang taong panuruan hindi lamang naging aktibo ang AnSci sa pang-akademikong pagganap, ngunit lagi rin na nangunguna at kinikilala ang AnSci sa bawat patimpalak na nilalahukan nito.

Matatandaan na humakot ng iba’t ibang karangalan ang ACNSTHS gayundin ang mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng mga kompetisyon tulad na lamang ng Regional Science and Technology Fair, Statistic Month, Research, Journalism at iba pa.

Batang AnScian, tumanggap ng parangal sa Gawad Teodora Alonso Award

inabillib ng mag-aaral na si Roshann Aimielle Uba mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang buong lalawigan ng Rizal matapos nitong makapasok sa National Top 5 Awardee ng Gawad Teodora Alonso category mula sa humigit kumulang 3000 na sumali sa buong bansa.

Nirepresenta at lumipad naman ang katuwang na coach ng mag-aaral na si Gng. Joan Yaguel sa palawan upang pisikal na tanggapin ang sertipiko ng pagkilala kay Uba bilang isa sa mga natatanging mag-aaral na nagkamit ng parangal sa pagsulat ng mga maikling kwento.

“Dream ko ma reach ang national level and hindi ko inexpect na ma-achieve ko siya so quickly,” aniya.

Saad pa niya, ginagamit niya ang kaniyang

imahinasyon sa maraming paraan kung saan nakakukuha siya ng inspirasyon na sumulat ng mga mai-ikling kwento kahit mula sa iba’t ibang bagay sa paligid niya.

“Mostly school level lang ang sinasalihan ko pero im very fond of reading. Always ako open sa opportunities no matter small the chance kasi at the end of the day, I can always say that i tried and did my best which is enough for me,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, binanggit ni Uba na nakaapekto ng malaki ang dami ng mga sumali sa kumpiyansa niya sa sarili lalong-lalo na’t libu-libong mag-aaral ang lumahok sa buong bansa.

Samantala, ipinadama naman ng mga mag-aaral mula sa ACNSTHS ang mainit na suporta at lubos na paghanga sa kanilang kapwa mag-aaral dahil sa natanggap nitong parangal na siya ring kinilala sa lungsod ng Antipolo.

DANIELLA SERIOS
Litratong nakuha mula sa Facebook
Litratong nakuha mula sa Facebook

ACNSTHS wagi ng unang puwesto sa PROJECT B.T.S Film Contest Awarding

umakot ng samu’t saring parangal ang maikling pelikula na “In a Click” ng Antipolo City National Science and Technology High school (ACNSTHS) bilang entry film sa PROJECT BTS : Break the Silence awarding na naganap sa Ynares Center, Nobyembre 22, 2024.

Layunin ng programa o patimpalak na ito na magbigay kamalayan at mapigilan ang pagdami ng kaso ng “bullying” sa loob ng paaralan sa pamamagitan ng mga maikling pelikulang may aral para sa mga mag-aaral na pinangunahan ng Division Federation of Supreme Secondary Learner Government (DFSSLG) Antipolo at nilahukan ng 10 eskwelahan mula sa naturang bayan.

Ayon kay Eden Culala, nagwagi ng Best Actress sa naturang patimpalak, masasabi niya na “worth it” ang lahat ng pagod at hirap na kanilang napagdaan sa paghahanda at pagshoot ng nasabing pelikula sa kabila ng kanilang mahigpit na schedule.

“Hindi ko talaga expected kasi yung role ko naman sa film is parang side character lang, hindi

ko talaga inakala na makukuha ako sa Best Actress” saad niya.

Dagdag pa niya, talagang maganda ang kinalabasan ng nasabing pelikula dahil sa magandang paggabay ng direktor na si Kenji Carigma gayundin sa tulong ng crew o grupo sa likod ng pelikula at sa kanyang mga kapwa mag-aaral na nagboluntaryo para makatulong dito. Nakatuon sa Cyberbullying ang maikling pelikulang “In A Click” kung saan magkaibigan sina Stacy at Bianca na biglang nagbago dahil lamang sa isang hindi pagkakaintindihan na lumala dahil lamang sa isang post sa social media na sumira sa buhay ni Bianca.Pinakita rito ang posibleng mangyari sa hindi responsableng paggamit ng social media.

Nanalo rin ang nasabing pelikula ng Best Poster habang nagkamit naman ng Best Supporting Actor at Actress sina John Ashley Magdaleno at Samantha Nicole Ignacio, at Best Actress si Eden Culala. Pinangunahan ito ni Kenjie Carigma bilang direktor at ni Erin Matro bilang katuwang na direktor at kuwento na isinulat ni Valerie Paghunasan. Kasama na si Kirby Peralta, bilang kanilang punong editor ng maikling pelikula.

ACNSTHS, nagkamit ng unang national win

sa NFOT at NSPC

Muling nangibabaw ang talento at galing ng mga batang siyent ipiko mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) nang mag-uwi ng mga puwesto sa ginanap na National Festival of Talents (NFOT) at National School Press Conference (NSPC), Hulyo 9-13. Ang mga nasabing kumpetisyon para sa taong ito ay ginanap sa magkahiwalay na lugar sa Cebu na may temang “ Galing, Talino, at Husay ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng MATATAG na Adhika”.

Ipinanlaban si Jan Xerohj Olivo ng rehiyon ng CALABARZON sa kategoryang PopDev

Extemporaneous Speech na sumikwat ng kampeonato sa National Festival of Talents. Kinatawan naman ni Naeumi Gonzales ang nasabing rehiyon sa kategoryang Column Writing in English sa National School Press Conference na sumungkit ng ikalimang puwesto.

Gumawa ng bagong marka sa kasaysayan ng ACNSTHS ang pagkapanalong ito nina Olivo at Gonzales dahil ito ang pinakaunang “national win” ng nasabing paaralan.

Ayon kay Olivo, hindi man inaasahan ang pagkawagi nila sa nasabing kumpetisyon, naging sulit naman ang bawat hirap at pagod sa paghahanda para rito.

“Siyempre nakaka-proud din na makapa-uuwi tayo ng National Win for AnSci kasi

testimonya ito na kahit anong hamon ang ibigay sa contestants, kayang-kaya pa rin ipamalas ng AnScians ang husay, galing, at talino sa iba’t ibang larangan, mapa-Regional man o National level “, saad niya.

Naniniwala naman si Gonzales na hindi pa rito magtatapos ang magandang simula ng Ansci sa National Level dahil unang hakbang pa lamang daw ito para sa mga manunulat at mamamahayag ng AnSci.

Malaki ang naitulong ng paligsahan na ito lalo na ang kapwa niya manunulat upang mabuksan pa ang kaniyang isip sa mundong ng pagsusulat at pahayagan, saad ni Gonzales.

“The best experience was meeting new people and making friends with my fellow student

journalists who have the same fiery passion for our craft and purpose “, dagdag pa niya.

Mensahe naman ni Olivo sa mga kaniyang kapwa kabataan, hanapin at hubugin ang husay na mayroon at huwag kakalimutang magtiwala sa sariling kakayahan.

Hindi man naging madali ang kanilang pagtapak sa ganitong klaseng patimpalak, itinuturing pa rin nila itong isang magandang karanasan at daan upang maipakita ang kanilang angking galing.

Sa mahigit labing-anim na rehiyon sa Pilipinas na nakipagpaligsahan para sa matataas na puwesto , itinanghal naman na Overall Champion sa NFOT at 3rd-Place sa NSPC ngayong taon ang rehiyon ng CALABARZON.

Litratong nakuha mula sa Facebook

Konsepto ng ‘Food-Poor’, tinutulan ng AnScians

P“Hindi maituturing na “food poor” ang isang Pilipino kung ito ay gumagastos ng mahigit 64 pesos para sa pang-arawaraw na pagkain.”

Mula sa pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA)

Secretary Arsenio Balisacan

inabulaanan ng mga

mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) patungkol sa P64 daily food budget.

Batay sa pahayag ng NEDA, hindi maituturing na “food poor” ang isang Pilipino kung ito ay gumagastos ng mahigit 64 pesos para sa pang-araw-araw na pagkain, umani naman ng samu’t saring reaksyon ang pahayag na ito.

Ayon kay Margaret Recella mula sa ika-8 baitang, “‘Pag bumibili po kasi ako ng ulam ang tendency po dumodoble o parang bumibili pa po

ako ng dagdag po kasi maliliit lang po yung serving kaya umaabot po ng mga 100 pesos.”

Saad pa niya, karaniwang nililimita ng mga mag-aaral ang kanilang binibiling pagkain o snacks sa mga presyong naglalaro lamang sa P20 hanggang P50 dahil sa mahal ng mga paninda, kung kaya’t imposible talaga ang ideya ng P64 na daily food budget.

Bagamat nakakayanang bumili ng ilan sa mga mag-aaral, mabigat pa rin sa bulsa ang ganitong presyo ng bilihin kaya’t nananatili pa rin itong pasakit sa marami sa mga AnScians.

“Bilang isang mag-aaral, malayo sa katotohanan yung 64 pesos na daily food budget kasi lahat ng bilihin ay nagsitaasan na. Iyong 64

pesos nga ay kulang pa sa isang rice meal eh,” ani Jerome Bolivar mula sa ika-12 baitang.

Dagdag pa niya, kung sa sisenta’y kwatro pesos nga ay kulang pa para makabili ng isang meal at tubig sa canteen dahil sa taas at mahal ng inaalok na mga produkto, paano pa kaya kung sa pang-araw-araw.

Samantala, patuloy na pinupuna ng mga batang siyentipiko ang konsepto ng ‘food-poor’ dahil sa pagtaas ng inflation rate na nararanasan ng bansa kung saan direktang naaapektuhan ang presyo ng mga bilihin na siya namang nagpapaaray sa mga konsumer tulad ng mga estudyante.

2.9% walang pagbabago sa bahagdan ng inplasyon para sa taong 2025

Impormasyon mula sa Trading Economics (2025).

Hidwaan sa Middle East, ikinababahala ng mga anak ng OFW

SDANIELLA SERIOS

a pagpapatuloy ng alitan at gyera ng mga bansa, partikular na sa Middle East, hindi lang seguridad ang hiling na masiguro ng mga naiwang pamilya ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) dito sa Pinas kundi pati na rin ang kaligtasan para sa kanilang mga kamag-anak na naghahanap-buhay malapit sa mga bansang ito.

Batay sa Caritas Czech Republic Humanitarian Aid and Development Cooperation at iba pang mga internnational non-governmental organization, ilan sa mga bansang may armed conflict o crisis sa kasalukuyan ay ang Sudan, Afghanistan, Israel, Palestine, Russia, at Ukraine, habang may namumuo namang tensyon sa bansang Syria, Saudi Arabia at Yemen.

Ayon sa mga datos mula sa sarbey na isinagawa ng Ang

Tipolenyo, may kabuuang bilang na 90 na mag-aaral mula AnSci ang may kamag-anak na OFW habang 21 mula sa bilang na ito ang may mga kapamilyang OFW sa mga bansang nasa Middle East.

Tulad na lamang ni Johanne Joyce Pillejera mula sa ika-8 na baitang na may kamag-anak na OFW sa bansang Qatar. Bagama’t hindi naman naapektuhan ng mga alitan ng bansa ang pagtatrabaho ng kaniyang kamag-anak, lalo na ang kaligtasan nito, nakararamdaman pa rin daw siya pati na rin ang kanilang pamilya ng kaunting pag-aalala lalo na’t malapit ito sa Afghanistan, kung saan may nagaganap na kaguluhan patungkol sa “human rights”, kaya naman patuloy pa rin nilang kinakumusta ang kondisyon ng kanilang

kapamilya.

Mainam daw para kay Kirsten Ugalde mula sa ika-11 na baitang na napag-uusapan ng pamilya nila at ng kapamilyang OFW sa Saudi Arabia sa tuwing sila ay nagkakamustahan sa pamamagitan ng video call o pagtawag ang kasalukuyang lagay at mga isyu ng bansang tinutuluyan nito na konektado sa mga krisis at hidwaan ng mga bansa upang mas maging maalam sa mga nangyayari doon at kalagayan ng kanilang kamag-anak.

“Kung mas lumala pa man ito, hindi na safe na mag-stay siya doon pero maaapektuhan na rin kami rito kasi baka mawalan siya ng kita at, syempre, nakakatakot na baka mapahamak siya. Mas okay na pauwiin na lang siya kahit may sakripisyo sa financial. Basta safe siya, mas mahalaga yun kaysa sa kahit

anong kita”, saad naman ni Angela Gigante, isang mag-aaral mula rin sa ika-11 na baitang, na may ama na nagtatrabaho din sa nasabing bansa

Pangamba rin ni Gigante na maaaring naapektuhan ang kaniyang ama dahil mas nagiging maingat at alerto, kaya naman patuloy nilang kinakumusta ang kalagayan nito sa gitna ng isyu. Sa kasalukuyan, mayroon ding nagaganap na alitan sa pagitan ng Saudi Arabia at ng Houthi Government mula sa Yemen kung saan pangunahing dahilan nito ay internal political issues at regional power issues na parehong kinasangkutan ng parehong bansa. Samantala, nararapat na patuloy na antabayanan ng pamahalaan ng Pilipinas ang kasulukuyang kalagayan ng mga naghahanap-buhay na Pinoy sa Middle East upang matulungan.

PATRICK JOHN BAYDO

4 na oras sa isang araw

tagal ng panonood at paggamit ng mga GEN-Z sa internet

Project Solaris, binigyang liwanag ang multimedia arts at fake news debunking

Maituturing na talk show ang journalism seminar para sa mga ilan sa mga batang mamamahayag ng Antipolo na naganap sa Antipolo City National Science Technology High School (ACNSTHS) na may pamagat na “#Project Solaris: Unlocking Your Full Potential and Create More Opportunities by Sharpening Your Skills in Journalism & Multimedia Arts”, Nobyembre 9.

Dinaluhan ng 13 estudyante mula sa Maximo L. Gatlabayan Memorial National High School, 6 mula sa sa San Juan National High School, at 20 naman mula sa ACNSTHS. Gayunpaman, bigo namang dumating ang halos 38 na estudyante sa nasabing seminar.

Pinagtibay ng Rotary Club of Rizal Centro ang seminar na pinangunahan naman ni Janice P. Maravilla, school head ng ACNSTHS at pangulo ng nasabing rotary club, at ni Mark Soliman na isang host, manunulat, at tagapagtaguyod ng iba’t ibang adbokasiya.

Inilahad naman ni PN RTR. Jester Capillo, isang propesyonal na multimedia designer at founder ng Hero Editor Studios, ang kanyang mga kaalaman tungkol sa teknikal na pamamaraan pagdating sa video editing sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan mula kay Mark Soliman.

Binigyang diin ni Capillo na emotion, pacing, sound effects, at visuals ang mga katangiang dapat taglayin ng isang produkto mula sa pagsasagawa ng video editing. Mungkahi rin nito na sa editing ng video, mahalaga na tumanggap ng mga kritisismo sa iba at magkaroon ng “consistency” sa pag-aaral nito.

Hinimok din nito ang paggamit ng Canva, Capcut, at Filmora upang sanayin ang sarili sa video editing dahil sa mga libreng templates at effects na magagamit sa editing ng video. Pahayag din nito na bagama’t komportable at madali itong gamitin, ang mga nabanggit na editing softwares ay magagamit padin upang hasain ang pagkamalikhain ng indibidwal at matuto ng mas kumplikadong softwares tulad ng mga Adobe applications para sa mas magandang kalidad ng mga video.

Ayon pa sa kanya, talamak sa mga social media platforms ang pagpopost ng mga ‘shortforms’ na uri ng video, na mas nakaeengganyong panoorin kumpara sa mga mas mahahabang uri ng video.

“We find clients na ang hanap ay portrait talaga and ‘yun narin ang aming sinasuggest sa mga companies.” ani Caspillo.

Nagkaroon naman ng diskusyon patungkol sa fake news debunking na pinaigting ni Randy Barnuevo, news anchor ng Yahoo Studio sa Net25. Inilatag nito ang iba’t ibang mga signs, uri, batas, at

tips para sa pagpuksa ng fake news. Isa-isa namang sinagot ng mga tagapagsalita ang mga katanungan ni Mark Soliman patungkol sa mga pekeng impormasyon at mga batas na tumutugon dito.

Sagot ni Barnuevo, mayroong mga batas patungkol sa cybercrime, ngunit problema ang pagpapatupad nito dahil mas sanay sa teknolohiya ang lumalabag, kaysa sa nagpapatupad ng batas.

Nilinaw naman ni Caspillo ang tungkol sa paggamit ng AI generated videos na may layong magbigay ng pekeng impormasyon at pagkakitaan lamang ang mga tao. “Hindi perfect ‘yan, so may mga pixels na hindi perfect, ibig sabihin, very unnatural yung feeling kapag nanonood ng AI generated videos.”

Dagdag ni Janice Maravilla, “Maging matalino at critical thinker sa pamamahayag ng tamang balita. As a young journalist, maging matalino at mata-linaw, if there is a problem, do not add to the burden.

‘Yung judgment natin ay hindi lang ‘yung nasa side natin.”

Ilan sa mga mag-aaral ay nagpahayag ng kanilang mga katanungan sa mga tagapagsalita. Itinuring naman na mala-school press conference ang dating ng nasabing seminar. Pahayag ng isa sa mga dumalong mamahayag, bagama’t marami pang dapat gawin ngayong sabado, sulit naman ang kaniyang nakuhang aral mula sa mga tagapagsalita.

Studystika SeminarPalihan, hinasa ang kaalaman ng SHS Students

IROSHANN UBA

nilunsad ng Research Club ang Studystika Seminar para sa mga mag-aaral ng ika-12 baitang kung saan pinagtuunan ng pansin ang pagsasanay sa paggamit ng iba’t ibang statistical softwares at talakayan sa inferential statistics. Maliban sa nasabing seminar ay nagkaroon ng libreng research consultation para sa mga estudyante. Pangunahing layunin ng programa ay makapagbahagi ng dagdag kaalaman tungkol sa paggamit ng istatistika sa pagsasagawa ng pang-akademikong pananaliksik. Samantala, inaasahan naman ng mga guro na magiging matagumpay ang proyektong ito sa paghubog ng interes sa istatistika’t pananaliksik.

PATRICK JOHN BAYDO
PATRICK JOHN BAYDO
SAGUTAN. Makabuluhang sinagot at tinalakay nina Janice Maravilla, PN RTR Jester Capillo, at Randy Barnuevo ang mga binabatong katanungan at panayam mula kay Mark Soliman patungkol sa mga importansya sa pagkilatis ng maling impormasyon ni Patrick John Baydo
PATRICK JOHN BAYDO
SA MGA NUMERO
Datos mula kay Valdez (2019) Sanggunian: PhilSTAR

Makabagong pananaw sa literaturang Filipino, pinuna ng Anscians

inalungat ng ilang mga guro at mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang pagdami ng mga kabataang tumatangkilik ng “Fiction” na maaaring makaapekto sa tunay na diwa ng “Philippine Literature”.

Kasabay ng pagputok ng isyu tungkol sa mga librong maituturing na ”bubblegum books” na may label na Philippine Literature at Academic Books sa mga tindahan ng libro, lumabas sa sarbey na isinagawa ng Ang Tipolenyo na 80% ng mga AnScians ang pumili ng Fiction, isang klase ng panitikan na naglalaman ng mga malikhaing at imahinatibong

pagsulat, habang ang natirang 20% naman ang pumili ng Non-Fiction, isang uri ng panitikan na naglalaman ng mga makatotohanang impormasyon.

Kaugnay nito, ikinabahala naman ng ilang mag-aaral ang kakaunting may interest sa mga literaturang tulad ng Non-Fiction.

Sinang-ayunan ni Arriana Ilang, isang mag-aaral mula sa ika-11 na baitang, ang pahayag na natabunan na ng kasikatan ng mga fiction books tulad ng wattpad books ang mga non-fiction books na gaya naman ng mga librong parte ng kasaysayan ng Pilipinas, halimbawa na lang ang mga akda ni Luwalhati Bautista.

Ipinahayag naman ni G. Jayson Caezar Valdez ang kaniyang pagtutol sa tuluyang pagtangkilik ng mga

kabataan sa mga makabagong literatura dahil maaari itong maging dahilan upang unti-unting maglaho sa mga Pilipino, lalo na ang kasaysayan ng literatura sa ating bansa, partikular na ang makabagong pamamaraan at atake ng mga kasalukuyang manunulat

“Malilimutan na ng mga bagong henerasyon ng mga kabataan yung kung paano sumulat ng mga iba’t ibang mga sulatin o literatura o panitikan ang mga National Artist natin lalo na sa larangan ng literatura,” saad niya.

Bagama’t patuloy na nagbabago ang kahulugan ng literatutrang Filipino sa kabataan, hindi dapat mawala ang mga akdang sulat ng mga tanyag na manunulat ng nakalipas, na siyang tunay na kayamanan at nagbibigay diwa sa imahe ng “Philippine Literature”.

Bahagdan ng estudyanteng MAHILIG MAGBASA ng FICTION

Aksyon sa lumalalang isyu ng PDA, repasuhin

NTechnology High School (ACNSTHS) sa isyu ng Public Display of Affection (PDA) sa paaralan sa kabila ng tila pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na nahuhuling gumagawa nito.

Cainlang, gurong tagapayo ng SSLG, pagbibigay lamang ng babala sa mga mag-aaral na sangkot sa PDA ang maaaring magawang aksyon ng student government.

Saad pa nito, “In terms of SSLG, ang pwede lang naming

High School ang paaralan.

“Sa totoo lang, nakakagulat ‘yung biglang pagsulpot ng mga magjo-jowang nagp-PDA sa school. Siguro hindi

nalilinaw sa mga mag-aaral ang patakaran ukol sa PDA dahil sa hindi pa naipapamahaging school handbook. Bunsod nito ay limitado ang maaaring ipataw na parusa at

guro na makiisa ang AnScians sa

ng PDA sa paaralan na nararapat

na rebisahin at gawing pulido ang polisiyang tutuldok sa tila hindi matibay na patakaran ukol dito nang maging modelo muli ng disiplina ang AnSci.

Litratong nakuha mula sa Facebook
PATRICK JOHN BAYDO

Nakamit ng Online Desktop Publishing Filipino at English ng sekondarya ang ikalimang puwesto sa ginanap na Regional Schools Press Conference nitong Pebrero sa Batangas City, kung saan naiuwi ni Jayrus James Ombid ang unang puwesto sa kategoryang isports at ni Julian Cedrick Restauro ang ikatlong puwesto sa kategoryang pagkuha ng larawan. Larawang nakuha mula sa Facebook

SDO ANTIPOLO sumungkit

ng puwesto sa RSPC 2025

anaig ang galing ng kabataang dyorno mula SDO Antipolo matapos maiuwi ang ika-limang pwesto sa English at Filipino Category para sa Online Desktop Publication (ODP) sa naganap na Regional School Press Conference (RSPC) sa Batangas City, Batangas, Pebrero 7. Nakakuha naman ng unang puwesto para sa Best Sports Section si Jayrus Ombid ng ODP-Filipino gayundin si Cedrick Restauro sa Best Photo Section ng ODP-English.

Ayon kay Valerie Paghunasan, miyembro at leader ng ODP-Filipino, isa sa natutunan niya sa kategoryang ito ay dapat na mayroong pagkakaisa sa grupo kung saan dapat sanay na sa pagkilos ng bawat miye mbro upang mapanatili ang “dynamic” ng grupo sa paggawa ng kanilang website.

“Also, dapat marami kayong plan, hanggang letter z kasi hindi sa lahat ng pagkakataon aayon ‘yung panahon sa amin,” aniya. Sa kabila ng hirap ng bawat pagsasanay ng dalawang grupo para sa patimpalak na ito, masasabi niya na ang kalakasan ng parehong grupo ay pagiging matatag at pagiging handa upang matuto at lumago ang kaalaman tungkol sa nasabing kategorya.

“Sobrang mahirap, nakapapagod, pero masaya. Hindi man namin nakuha ‘yung inaasam naming maging NSPC delegates, alam ko namang panalo at champion pa rin kami kasi napagtagumpayan namin lahat ng challenges na natanggap namin simula training hanggang mismong laban. Sa loob ng 2 taon naming magkakagrupo, alam kong enough na ‘yung mga nagawa namin para matawag namin ‘yung mga sarili naming panalo,“ dagdag pa niya.

Binubuo nina Valerie Paghunasan, Patrick John Baydo, Allaine Ricci Ramos, Jayrus James Ombid at Daniella Serios ang ODP-Filipino.

Samantala, sina Erin Matro, Karyl Alexandra Ipac, Chloui Ybañez, Kenneth Demonteverde at Cedrick Restauro ang bumubuo ng ODP-English.

Nagmula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang parehong mga kalahok sa mga nasabing kategorya.

Matatandaan na nagkamit rin ng puwesto ang parehong grupo sa nakaraang RSPC 2023, kung saan nakakuha ng ikatlong puwesto ang ODP Filipino at ikapitong puwesto naman sa ODP English.

Bagong polisiya ng ACNSTHS Clinic, inalmahan ng AnScians

ariing tinutulan ng mga mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang bagong patakaran ng school clinic kung saan pinagbawalan nang makitulog o manatili ang mga mag-aaral kung wala naman itong sakit.

Ayon kay Gng. Ana Katrina Sagle, ang teacher-in-charge ng nasabing clinic, isa sa pangunahing dahilan kung bakit inalis na ang pribilehiyo na ito sa mga mag-aaral ay ang pagiging pabaya ng mga ito sa higaan matapos gamitin.

Papayagan na manatili ang mga mag-aaral upang magpahinga sa kondisyon na ito ay napatunayang may sakit talaga o pinapauwi na dahil sa sakit.

“Kung ‘di na kaya, huwag na pumasok”, payo ng guro.

Gayunpaman, maramingmag-aaral ang umangal at hindi sumasang-ayon sa bagong patakarang ito ng nasabing klinika dahil sa masyadong mahigpit na mga “qualification” upang payagan silang manatili.

Ayon kay Chelsea Enguerra, isang mag-aaral mula sa ika-12 na baitang, hindi makatarungan para sa kaniya at para sa ibang mga mag-aaral na wala namang kinalaman dito na nadamay dahil sa “paglalahat” na ipinataw sa mga mag-aaral na may atraso sa klinika.

“For me, it’s a bit unfair naman po for those of us na actually do need rest especially since some of us naman have enough proof or evidence na we have an aligned condition or a medical condition na need to be taken care of”, ani ni Elijah Suico mula sa ika-7 na baitang.

Samantala, nagkaroon ng pagbabago sa bilang ng mga pumupunta sa clinic matapos ipatupad ang bagong patakaran na ito kung saan bumaba at halos wala nang dumadalaw na mga estudyante para lang tumambay o matulog, subalit patuloy pa rin ang panawagan ng ilang mag-aaral na palitan ang polisiya ng klinika para sa mga tunay na may iniindang sakit.

Latina, nanguna sa SSLG Election 2025

Naihalal ang karamihan ng mga kandidato ng partidong ‘Leading with Ambition Towards Integrity and Nurture Accountability’ (LATINA) bilang mga bagong opisyales ng SSLG sa taong panuruan 2025-2026, Pebrero 21.

Una na rito si Yzah Baltazar, na siyang nakakamit ng ( 265 ) boto sa posisyon bilang presidente, habang nakasungkit naman ng 166 boto ang kanyang kalaban na si Seancris Santos mula sa partidong ‘Honoring Integrity, Responsibility, and Advocacy for the Youth’s Aspirations’ (HIRAYA).

Bukod dito, nanalo bilang

HIRAYA PARTY

BAGONG HALAL NA MGA OPISYALES

NG SSLG PARA SA TAONG PANURUAN 2025 - 2026

YZAH KATHRINE BALTAZAR | PRESIDENT

GERUZELLE F. ELLA | VICE PRESIDENT

ARRIANA G. ILANG | SECRETARY

CZARIA KHAYE SALGADO | TREASURER

QUAZNDRA LOUISE DELA CRUZ | AUDITOR

SARA MAE ANGELA SADO | PUBLIC INFORMATION OFFICER

KIRSTEN ZARENE UGALDE | PROTOCOL OFFICER

GERALD CRIS MAGAYON | MONITORING OFFICER

STEPHICA ORNOPIA | GR8 REP

GRIFFEN O. ELPANAG | GR9 REP

MIGUEL JOSHUA PERIÑO | GR10 REP

ELEUTERIO MIGUEL VELARDE | GR11 REP

JESTONY B. BUERGO | GR12 REP

bise-presidente si Geruzelle Ella (412 boto), kalihim si Arriana Ilang ( 275 boto), treasurer si Czaria Salgado (278 boto), auditor si Quazndra Dela Cruz (247 boto), Public Information Officer (PIO) si Sara Sado ( 360 boto), Protocol Officer si Kirsten Ugalde (296 boto), at Monitoring Officer naman si Gerald Magayon (288 boto).

Dagdag dito, nakasungkit ng panalo ang mga tumakbo bilang kinatawan ng Baitang 9 na si Griffen Elpanag para sa Baitang 9 (50 boto), Miguel Perino sa Baitang 10 (54 boto), Miguel Velarde sa Baitang 11 (81 boto), at si Jestony Buergo naman para sa kinatawan ng Baitang 12 (78 boto).

62%

Bahagdan ng estudyanteng

BUMOTO KAY BALTAZAR bilang SSLG PRESIDENT

Sa kabilang banda, si Stephica Ornopia lamang ang tanging kandidato mula sa HIRAYA ang nagwagi at nakakuha ng 51 boto bilang kinatawan ng Baitang 8 Maaasahang magsasagawa ng Oath

Taking ang mga naihalal na opisyales sa loob ng paaralan ng Antipolo City National Science

Bagong pamunuan ng SSLG, opisyal nang nakilala matapos ang SSLG Election 2025

NSAMANTHA PASION

amayani sa mga mag-aaral ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang partidong Leading with Ambition Towards Integrity and Nurture Accountability (LATINA) noong Supreme Secondary Learner Government (SSLG) 2025 Election.

Kasabay ng kanilang tagumpay, inaasam naman ng mga estudyante ang pagtupad ng mga platapormang ipinangako ng mga kandidato. Ginanap ang opisyal na botohan para sa mga posisyon sa Supreme Secondary Learner Government (SSLG) para sa taong panuruan 2025-2026 nitong Pebrero 21 sa naturang paaralan na pinangunahan ng mga kasalukuyang opisyales ng nasabing organisasyon.

Sa isang panayam, nasabi ni Kian G. Meguiso isang mag-aaral mula sa ika-8 na baitang na hangad niya sa mga opisyal na gampanan nila ang kanilang posisyon at hindi kailanman haluan ng bias ang kanilang mga desisyon.

Saad ni Meguiso “Sana ay kung sakali

man na mayroon na kahit kaunti lamang na senyales ng korapsyon ay mapigilan na agad nila ito at hindi takpan para lang sa reputasyon ng paaralan”.

Dagdag pa niya, binigyan rin nito ng kakayahan ang mga estudyante upang malayang makapag-aral sa paaralan at tumutulong upang bawasan ang mga problemang kinakaharap ng mga Anscians araw-araw.

Samantala, nangako naman si Yzah Baltazar, nahalal na bagong Presidente sa susunond na taong pampaaralan na “ang mga bagong halal na lider ay namumuno sa ambsiyon patungo sa integridad at maayos na pananagutan”.

Ayon sa kanya, gamit ang tapat na track record, maipatutupad ang mga plataporma ng organisasyon.

Isa rin sa ibinidang plataporma ni Baltazar ay ang “Project Guide” bilang tulong sa mga club sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto na tumutugon sa problema ng paaralan.

Sa inilabas na resulta ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), nanguna ang LATINA party sa SSLG Election 2025.

Litratong nakuha mula sa Facebook ctto: Yzah Baltazar
PATRICK JOHN BAYDO

Pagbabalik ng F2F Campaign para sa 2025 SSLG Election, ikinasa na

uspusan ang pangangampanya ng mga bagong lider-kabataan para sa nalalapit na ACNSTHS Supreme Student Learner Government (SSLG) election para sa taong panuruan 2025-2026. Nagsimula ang kampanya kaninang alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, kung saan iba’t ibang pakulo ang ipinakita ng mga tumatakbong independent candidate at partido upang ibahagi ang kanilang mga plataporma.

Ipinakilala ang pangalan ng dalawang partido, ang LATINA at HIRAYA party, pinangungunahan ito nina Yzah Kathrine Baltazar mula sa LATINA at King Seancris Santos na mula sa HIRAYA ng ika-sampung baitang. Bukod dito, lakas loob na sumabak ang mga walang kapartidong mag-aaral mula ika-walong baitang na sina Yuri Doliente at Griffen Elpanag. Masiglang inihain ng mga miyembro ng bawat partido ang

kanilang mga pangako at proyekto sa bawat mag-aaral. Walang kapaguran ang kanilang paglibot sa mga silid-aralan upang ilahad ang mga platapormang nais maisakatuparan sa susunod na taon at mahikayat ang AnScians na makiisa at pumili ng napupusuang kandidato sa darating na eleksyon, araw ng Biyernes, ika-21 ng Pebrero 2025.

Bilang paglalatag ng plataporma, nabanggit ng LATINA ang ilan sa mga pangunahing mandato na kanilang inihanda para sa mga batang siyentipiko. Ilan dito ay ang Aklatan para sa bayan, Color You, Quarterly Mass and Worship, at iba pa.

Dagdag pa rito, nagpahayag ng tiwala sa mga botante ang tumatakbong Presidente na si Seancris Santos. Naniniwala ito na matalinong pinag-aaralan ng mga batang siyentipiko ang mga pangakong inihahain sa kanila at itataguyod ang tamang pagboto. Base sa kaniya, “Every year kapag nagco-conduct ng election, mas

nagiging mulat ang AnScians.” Sa gayon, kabado ngunit naniniwala si Santos na magiging malinis at maayos ang botohan. Sa isang banda, handa at puno ng pagganyak si Yzah Baltazar na tumatakbong Presidente sa kabilang partido. Ayon dito, bagamat maraming naging usapin patungkol sa nakaraang pamunuan, n akatutuwang marami pa ring umuusbong na bagong lider. Malaki naman ang naitulong ng mga nakalipas nilang posisyon at responsibilidad sa paghubog ng kanilang kakayanang mamuno. Saad nito, “Ngayon, handang-han da na kaming tumakbo. May ba gong mukha at bagong platforms.” Inaasahang makikiisa ang bawat estudyante ng ACNSTHS sa matalinong pagpili ng mga susunod na mamumuno sa paaralan. Nawa’y pagyamanin ng mga bata ang kapangyarihan ng kanilang boses at boto, at patanuyan ng mga maluluklok sa posisyon na karapatdapat sa pagbabago ang mga balotang naniniwala sa kanila.

Gen-Z voters, katuwang ang social media sa darating na 2025 Election

MDANIELLA SERIOS AT JASMINE AYALA

asusing pagkilatis at pagkilala ng mga kandidato sa pamamagitan ng mapanuring pangangalap ng impormasyon sa social media ang pamamaraang inihahanda ng mga kabataang botante o Generation Z voters ngayong nalalapit na 2025 election.

KATOTOHANAN. Maiging binibilang ng Commission on Election and Appointments (COMEA) ang mga boto sa naganap na SSLG elections 2025, na pinapatnubayan nina James Letolio at Gabriel Cuenco bilang mga pangulo nang nasabing samahan. sa Science Laboratory ng paaralan. ni Patrick Baydo ANG TIPOLENYO FB PAGE

Samantala, hindi na lamang sa telebisyon mapanonood ang mga kampanya o mga impormasyon ng bawat tumatakbong kandidato, isa na rin ang social media sa mga ginagamit na platform upang magpakilala sa mga tao, lalo na sa mga bagong botante ngayon, ang mga Gen Z. Ayon sa mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS)

na isa nang ganap na botante, malaki ang tulong ng social media dahil bukod sa madaling paraan ito upang makakalap ng mga impormasyon, nakaiimpluwensiya din ito upang mas mabuksan ang isipan ng mga botante sa mga plataporma o mga impormasyon ng isang kandidato. Gayunpaman, mahalaga pa ring busisiin nang maigi ang mga ganitong mga impormasyon at maging “conscious” upang hindi madali maloko sa mga maling impormasyon.

Saad naman ni Norainne Mae Dela Paz, isa mag-aaral mula sa ika-12 na baitang at isa nang registered voter, “Dapat sa pagpili, dapat yung mga may alam na talaga sa batas at pagsisilbihan tayo bilang mabuting lider.” Dagdag pa niya, hindi dapat basta-bastang magpapadala sa emosyon gayundin sa mga nakita,

nabasa o narinig sa social media, kailangan muna itong suriin nang mabuti bago paniwalaan. Maiuugnay naman dito ang pahayag ni Jami Casuay, isa ring botante mula sa nasabing paaralan, hindi dapat magpapadala sa kasikatan o sa dami ng mga humahanga sa isang kandidato at ‘wag itong hahayaan na makaapekto sa magiging desisyon sa darating na eleksyon.

Sa kabila ng mga nagsilitawang isyu sa social media patungkol sa halalan, mapatutunayan na nakadepende ang mga kabataang botante sa mga platapormang ito hindi lamang dahil sa napapanahon ito, at mas madaling paraan ito sa pag-akses ng mga kinakailangang impormasyon na makatutulong sa kanila.

VALERIE PAGHUNASAN

SPOKEN WORD POETRY UNANG PUWESTO

GINTO. Iniuwi nina Chister Sabdani at Yzah Baltazar, galing sa pangkat-etnikong Ivatan, ang pagkapanalo para sa Lakan at Lakambini 2024 , kung saan ipinamalas nina Sabdani at Baltazar ang kanilang angking kahusayan sa pagrampa at talino sa pagsagot ng mga katanungan, at madiing ipinaglaban ang mga adbokasiya para sa kanilang pangkat-etniko. ni Patrick Baydo

Pangkat etnikong Ivatan, inuwi ang korona para sa Lakan at Lakambini 2024

DANIELLA SERIOS, JASMINE JOI AYALA, AT ISMAEL CABATINGAN JR.

Itinalaga bilang Lakan at Lakambini 2024 ang kinatawan ng Batch 8 o pangkat etnikong Ivatan na sina Yzah Baltazar at Chister Sabdani sa isinagawang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Antipolo National Science and Technology High School (ACNSTHS) na may temang “Filipino: Wikang Mapaglaya” sa pangunguna ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SamaFil), Agosto 27.

Inihanda ng SamaFil ang samu’t saring patimpalak na may kaugnayan sa pagpapahalaga at pagsusulong sa wikang pambansa, isa na rito ang Lakan at Lakambini 2024, at mga indibidwal na patimpalak tulad ng pagsulat ng sanaysay at islogan, spoken word poetry, balagtasan at sulat-bigkas.

Inirampa ng mga kinatawan ng bawat pangkat etniko mula Waray, Ati, Gaddang, Ivatan, Yakan, at Talaandig ang kanilang gawang kasuotan mula sa mga recycled materials gayundin ang kanilang galing sa pagsagot, at ibinidang talento.

Masigabong ibinida naman ng bawat pangkat ang kanilang mga pinaghandaang yell sa pamamagitan ng mga tambol, trumpeta, at malalakas na boses bilang pagsuporta sa kanilang mga kinatawan.

Nanaig ang tinig at talento mula sa pangkat etnikong Yakan nang makuha nila ang kampeonato sa Best in Yell at pinakamahusay na talento, habang nagkamit naman ng kampeonato sa pinakamahusay sa talastasan ang pangkat etnikong Ivatan.

Nasungkit naman ng pangkat etnikong Talaandig ang kampeonato sa pinakamalikhaing kasuotan at Popularity.

Gayunpaman, hindi nagpatalo ang pangkat etnikong Ivatan nang sila ang kinoronahang Lakan at Lakambini, na sinundan ng pangkat etnikong Talaandig sa unang puwesto, at pangkat etnikong Yakan sa ikalawang puwesto.

Hindi maitatago ang bakas ng tuwa mula sa mga mukha ng mga mag-aaral mula sa Batch 8 nang matawag ang kanilang pangkat bilang kampeonato sa nasabing patimpalak.

Nag-iwan ng pangwakas na pananalita ang gurong tagapagpayo

ng SamaFil na si Jayson Caezar Valdez bago matapos ang pagdiriwang.

Ayon sa kaniya, ang pagmamahal sa wika ay pagmamahal sa kultura kaya nararapat ma isulong ang pagkakaisa upang mahalin ang wika gayundin ang maayos na paggamit sa wikang Filipino.

Bukod sa pagpaparangal sa mga nagwagi sa Lakan at Lakambini 2024, binigyang parangal din ang mga nanalo sa indibidwal na patimpalak na ginanap sa nasabing pagdiriwang.

Nagwagi ng unang puwesto sa Spoken Word Poetry si Valerie Paghunasan mula sa ika-12 baitang, Jurisse Claire Tapar mula sa ika-8 baitang para sa pagsulat ng islogan, Liezel Padilla mula sa ika-11 baitang para sa pagsulat ng sanaysay, at mga mag-aaral mula sa ika-10 baitang na sina Vencenth Parcon, Rosh Karlo Colasino at Geruzelle Ella para sa balagtasan.

Ikinagagalak at ipinagpapasalamat naman ng pangulo ng SamaFil na si Alodie Sherika Sibal dahil naging matagumpay ang pagdaraos ng pagdiriwang ng buwan ng wika at mga patimpalak na kanilang pinaghandaan.

JURISSE TAPAR

PAGSULAT NG ISLOGAN IKALAWANG PUWESTO

KING SEANCRIS SANTOS SULAT-BIGKAS IKATLONG PUWESTO

LAKAN’ LAKAMBINI MGA NAGWAGI

PANGKAT IVATAN

BEST IN Q&A

PANGKAT TALAANDIG

BEST IN NATCOS AND POPULARITY

PANGKAT YAKAN BEST IN YELL AND TALENT

PATRICK JOHN BAYDO
PATRICK JOHN BAYDO

ACNSTHS, humakot ng mga parangal at medalya sa Division

Contest para sa Buwan ng Wika

anaig ang husay ng mga batang siyentipiko sa paggamit ng wikang Filipino mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) sa ginanap na “Kulminasyon sa Buwan ng Wikang Pambansa” bilang pagdiriwang sa buwan ng wika na may temang “Filipino : Wikang Mapagpalaya “ sa Juan Sumulong Elementary School, ika-30 ng Agosto.

Nagkamit ng kabuuang

apat na panalo sa nasabing paligsahan ang ACNSTHS, isa na rito ang unang puwesto para sa katergoryang spoken word poetry.

Ayon kay Valerie Paghunasan, nagwagi ng unang puwesto sa Spoken Word Poetry sa patimpalak na ito, bagama’t hindi masyadong nakapaghanda at may naramdamang kaba, hindi namutawi ang tiwala at kumpiyansa na nagdala sa kaniya sa pagkapanalo.

“No’ng narinig ko \pangalan ko, grabe ‘yung tuwa namin halos magtatalon ako sa

“Pag-ibig sa bayan ang unang hakbang sa pag-ukit na legasiyang may pangmatagalang tatak sa ating kapwa at kasaysaysan.”

Pahayag mula sa talumpati ni Dhenri Pura

tuwa doon sa Juan Sumulong kasi hindi lang naman pangalan ko ang dala-dala ko, pero pangalan din ng sinta nating paaralan”, aniya. Panawagan naman ni Paghunasan sa kaniyang kapwa mag-aaral at batang siyentipiko na huwang mahihiyang sumubok sa mga ganitong patimpalak lalo na para sa sariling wika.

Dagdag pa niya, “Sana hindi lang sa buwan ng Agosto natin ipinaglalaban ang ating wika”.

Bukod sa Spoken Word Poetry, nag-uwi rin ng ikalawang puwesto sa pagsulat ng islogan si Jurisse

Tapar; ikatlong puwesto naman sa Sulat-Bigkas na nilahukan ni Seancris Santos.

Samantala, kinatawanan naman nina Kian Fetiza, Markus Parreño, at Geruzelle Ella ang paaralan para sa kategoryang Balagtasan at Liezel Padilla para sa pagsulat ng Sanaysay.

Matatandaan na nagkaroon ng sariling pagdiriwang ang ACNSTHS ng Buwan ng Wika na pinangunahan ng SamaFil kung saan dito kumuha ng mga ipanglalaban para sa Division Contest.

AnScian, Kinilala sa 149th Sumulong Day

Oratorical Contest

Ipinamalas ni Dhenri Fathma

Nicole G. Pura ang ani nitong galing at talento sa buong lungsod matapos nitong pahangain ang iba’t-ibang kawani ng Antipolo at maiuwi ang unang pwesto sa pagtatalumpati.

Katuwang ang coach at mga guro nito na sina Bb. Precila Leyble at G. John Jayson Cainlang, nirepresenta ni Pura ang komunidad ng Antipolo City National Science and Technology

High School (ACNSTHS) sa larangan ng pananalumpati na ginanap sa Antipolo City Plaza bilang parte ng pagdiriwang ng 149th Sumulong Day kabilang ang iba’t iba pang mga mag-aaral na lumahok mula sa lungsod ng Antipolo.

Aniya, “Confidence-wise, hindi talaga ako super confident since lumayo ako sa usual style ng oratorical na super formal kasi nga I incorporated trendy words na mas aligned sa generation ngyaon, so, iniisip ko if papatok siya sa panlasa

ng judges knowing na they are from the older generation.” Dagdag pa niya, naging dahilan din ang dami ng gawain sa paaralan kung bakit unti na lamang ang panahon niya upang pormal pang mapaghandaan ang patimpalak tulad ng paggawa at pagkabisa sa kaniyang mga linya. “Sa 2 days, yung first day was drafting and researching tapos yung last day ko (which was the last day of submission) nagmemorize ako and video. Tapos, pressure siya kasi nanalo yung

representative natin last year, and may multiple entries yung ibang school tapos parang ilang months na nilang nagawa and revise yung speech nila tapos ako 1 day ko lang sinulat yun,” saad pa niya.

Sa kabilang banda, naging malaking inspirasyon niya ang kanyang coach na si John Jayson Cainlang upang palakasin ang kaniyang loob na siya ring nagtutulak sa kaniya na sumali sa ganitong klaseng patimpalak dahilan upang lumakas ang kanyang loob.

JULIA DACER
Litratong nakuha mula sa Facebook

SSLG at Ang Tipolenyo, nagsanib-pwersa sa ikatlong taon

ng annual community service

atagumpay na nakapaghatid ng tulong at tuwa ang Supreme Student Learner Governent (SSLG) at Ang Tipolenyo sa pagdaraos ng Annual Community Service: 2024 Christmas Gift-Giving Activity na may temang “Ikaw ang Bida sa Kwento ng Pasko”, Disyembre 21. Nagbigay lingap ang dalawang organisasyon sa mahigit 40 na bata sa Our Lady of Fatima Parish Church, Tanza II, sa pamamagitan ng paghahandog pagkain, nalikom na mga laruan, damit, at libro na makatutulong sa pang-araw-araw at

makapaghahatid ligaya sa darating na kapaskuhan.

Pinangunahan ng SSLG at Ang Tipolenyo ang mga Parlor Games, Getting to Know Activity, at Storytelling Activity na masiglang nilahukan ng mga bata. Napuno ng kasiyahan, sayawan, hiyawan, at ngiti ang munting simbahan sa handog na mga regalo at palaro ng AnSci organizations.

Ayon sa pangulo ng SSLG, Justine Andrea Penano, “I think, isa pa sa regalo na naibigay sa mga bata ay ‘yung presence mismo ng Ang Tipolenyo at SSLG. Nabanggit din kasi na bibihira lang halos ang nakakapunta doon sa church nila. It also serves as a reminder na

ito ‘yung essence and purpose ng bawat trabaho, and that is to share compassion sa kapwa kabataan.”

Dagdag pa niya, higit pa sa materyal na regalo ang natanggap nila sa tuwang ibinigay ng aktibidad sa mga bata at miyembro ng dalawang organisasyon. Nawa’y maipagpatuloy muli ang outreach sa susunod pang mga taon at ‘wag malimutan ang mga bagong ngiting natuklasan sa Tanza.

Nagpahayag ng kagalakan at pasasalamat sina Fr. Marcelino Rapayla Jr. at ang mga church volunteers sa maagang pamasko ng AnSci Community, lalo na at malimit bisitahin ang kanilang

simbahan dahil sa layo nito.

Sa kabilang banda, nag-uumapaw ang tuwa ng mga bata sa natanggap na regalo at ayon sa mga ito ay babaunin nila sa araw-araw ang hindi malilimutang aral at tuwang naipamahagi sa kanila.

Matatandaan namang ito ang ikatlong taon ng ACNSTHS sa paglulunsad ng outreach programs.

Inaasahan naman na magsisilbing inspirasyon ang aktibidad na ito sa iba pang lider-kabataan at organisasyon na mag-abot ng tulong sa kapwa at ipadama ang tunay na diwa ng pasko.

Higit pa sa 30 bags ng mga donasyon ang ipinamahagi sa outreach program

Ayon sa Supreme Secondary Learners Government (SSLG) at Ang Tipolenyo, naglalaman ng mga laruan, libro, at school supplies ang mga ipinamahaging bags sa kabataan. Hiwalay naman nilang ipinamahagi ang mga pagkain at inumin.

PATRICK JOHN BAYDO

BITUIN NG PASKO. Namahagi ng donasyong mga libro, school supplies, pagkain, at mga inumin ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at Ang Tipolenyo para sa Annual Community Service na ginanap sa Our Lady of Fatima Paris Churchm Tanza II bilang pamasko sa 40 na bata. ni Patrick Baydo
ANG TIPOLENYO

AnScians, muling nagpamalas ng husay sa iba’t ibang larangan ng DFOT

SDANIELLA SERIOS

a kabila ng mga kakulangan sa preparasyon, muling humakot ng mga parangal ang mga mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) sa naganap na Division Festival of Talents (DFOT) matapos ipamalas ang kani-kanilang husay noong Pebrero 6, 2025 sa Antipolo National High School (ANHS).

Umakyat sa palatuntunan bilang kampeon si Olma E. Mariano sa “Speak up! Impromptu Speech” kung saan ipinakita niya ang husay sa entablodo ng dagliang talumpati na hinubog ng kaniyang tagasanay na si John Jayson E. Cainlang.

Ayon kay Mariano, ikinagulat niya ang pagiging kinatawan sa patimpalak, gayong ito ang kaniyang unang beses na lumaban, subalit nabawi naman ang kaniyang gulat at kaba sa kaniyang pagkapanalo.

Aniya “Being picked as representative ng DFOT ng Ansci, it felt, like alam mo yung nahihiya ako kay sir JJ, parang gusto ko sabihan sa kaniya na ‘sir, ano lang naman ako eh, ganito ganiyan gano’n’ like i’m a nobody kumbaga. So ayon, hindi siya feeling proud, it felt shameful, nahihiya ako sa kanila na ‘luh what if matalo ako, ganito ganiyan’. Pero nung nanalo ako sa DFOT, grabe yung joy na nadama ko nung araw na ‘yon, kasi a nobody like me won in a contest as a representative ng AnSci.” Hindi naman nagpahuli si Yzah Baltazar sa pagsungkit ng unang pwesto sa kumpetisyon ng PopDev Quiz Bee, kasama ang kaniyang tagasanay na si Jesus G. Ditablan

Sa larangan naman ng pag-awit at paglikha ng kanta ay bumida sina Kristine Isaac,

Markus Parreno, at ang kanilang tagasanay na si Ana Katrina M. Sagle, kung saan nakamit nila ang pangalawang pwesto sa Likhawitan 2025 Sa kabilang dako, nagkamit ng ikalawang pwesto sina Paolo Cabugoy, Prince Skylee Mannag, at Aina Paredes sa “Aghamazing”, habang ikatlong pwesto naman ang nakuha ni Kent Agad sa “Technolympics: Technical Drafting 2025”

Ani Mannag, kumpiyansa ang kanilang grupo sa Aghamazing ayon sa dalawang taong karanasan sa naturang patimpalak. Subalit deskonsolado nilang tinanggap ang resulta ng kumpetisyon, sa kabila ng kanilang tiwala sa isinumiteng papel.

Samantala, pumangatlo naman sa larangan ng filmmaking sina Sofia Talagon, Kurt Ocol, Aliyah Paa, Rajah Luzon, Bea Cuaresma, at Gwyneth Apostol sa Sineliksik sa kabila ng disbentahe ng limitadong kagamitan.

Bagamat dismayado sa resulta ng Sineliksik, ikinatuwa ng mga kalahok ang kanilang mga natutunan at handang sumabak muli sa susunod na taon

“I noticed sa groupmates ko na hindi talaga sila satisfied sa 3rd place but I know na in the end we were all able to accept yung ‘pagkatalo’ namin. I know rin na naging masaya naman kaming lahat with all the lessons we learned and even though first timers kami, we enjoyed it very much and are looking forward para sa DFOT next year,“ saad ni Cuaresma.

Nakatakdang sumabak muli bilang kinatawan ng Antipolo City sina Mariano at Baltazar sa nalalapit na Regional Festival of Talents, kasama ang kanilang mga tagasanay at bibit ang pangalan ng ACNSTHS.

MGA NAGWAGI SA DIVISION OF FESTIVAL OF TALENTS

OLMA E. MARIANO

SPEAK-UP, IMPROMPTU SPEECH

YZAH BALTAZAR

POPDEV QUIZ BEE

AnScians, nagpakitang gilas matapos makasungkit ng mga pwesto sa Math Super Quiz Bee

Nag-uwi ng panalo ang mga kinatawan ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) sa naganap na 2025 Division Mathematics Month Celebration Super Quiz Bee na may temang “Strategic Minds: Mastering Math Through Brain Teasers and Number Crunchers” na ginanap sa Antipolo National High School (ANHS), Enero 31. Nakakuha ang parehong pambato mula sa ika-9 at ika-10 baitang ng nasabing paaralan na sina Christine Margaret C. Niña, Ivan L. Coyoca, Kim Willard B. Ciocson, at Margarette Jhaye V. Tamisin ng unang pwesto.

Ikalawang puwesto naman ang napanalunan ng mga kalahok mula sa ika-12 baitang na sina Floyd Jhon G. Montaño at Jayrus James V. Ombid sa gabay ng kanilang coach na si Jeza Mari Alejo-Galicia

PATRICK JOHN BAYDO

KRISTINE ISAAC AT MARKUS PARREÑO

LIKHAWITAN 2025

PAOLO CABUGOY, SKYLEE

MANNAG AT AINA PAREDES AGHAMAZING

KENT AGAD TECHNOLYMPICS

SOFIA TALAGON, KURT OCOL, ALIYAH PAA, RAJAH LUZON, BEA CUARESMA, AT GWYNETH APOSTOL SINELIKSIK

Gayunpaman, kinailangan pa rin nilang habulin ang mga naiwang gawain. Giit ni Margarette Tamisin, siksik at liglig ang naging takbo ng araw dahil sa paulit-ulit nilang paglalakbay mula ACNSTHS patungong ANHS para sa kompetisyon, isang mahalagang gawaing pagganap, at ang seremonya ng parangal. ‘Core memory siya sa Grade 10,’ aniya. Bagama’t hindi naging sapat ang paghahanda ng mga kalahok, hindi ito naging hadlang sa pagpapakita ng husay nila upang makamit ang mga medalya.

GRADE 9 at GRADE 10 NAKAKUHA NG UNANG PUWESTO

GRADE 12

NAKAKUHA NG IKALAWANG PUWESTO

Mga nakuhang puwesto sa Division Mathematics Month Celebration Super Quiz Bee

KURT OCOL

Outreach programs ng ACNSTHS organizations,

Nagbigay lingap ang iba’t ibang organisasyon mula sa Antipolo City National Science and Technology High School sa pagsasagawa ng kaniya-kaniyang outreach program sa pagtatapos ng 2024 at pagpasok ng bagong taon.

Matagumpay na nakapaghatid tulong at tuwa ang Supreme Student Learner Governent (SSLG), Ang Tipolenyo, MAPEH Club, Research Club, SMILE Club, at Book Lovers Club sa pagdaraos ng community service sa mga buwan ng Disyembre at Enero kung saan kapanapanabik na mga pakulo and kanilang inihanda para sa mga napiling kabataan.

Nanguna ang Ang Tipolenyo at SSLG sa pagsisimula ng outreach program noong ika-21 ng Disyembre bilang bahagi ng kanilang Annual Community Service: 2024 Christmas Gift-Giving Activity na may temang “Ikaw ang Bida sa Kwento ng Pasko”.

Nagsanib pwersa ng dalawang organisayon upang magbahagi ng saya sa mahigit 40 na bata sa Our Lady of Fatima Parish Church, Tanza II, sa pamamagitan ng paghahandog pagkain, nalikom na mga laruan, damit, at libro na makatutulong sa pang-araw-araw at makapaghahatid ligaya sa darating na kapaskuhan.

Pinangunahan ng SSLG at Ang Tipolenyo ang mga Parlor Games, Getting to

Know Activity, at Story-telling Activity na masiglang nilahukan ng mga bata. Napuno ng kasiyahan, sayawan, hiyawan, at ngiti ang munting simbahan sa handog na mga regalo at palaro ng AnSci organizations.

Ayon sa Pangulo ng SSLG , Justine Andrea Penano, “I think, isa pa sa regalo na naibigay sa mga bata ay ‘yung presence mismo ng Ang Tipolenyo at SSLG. Nabanggit din kasi na bibihira lang halos ang nakakapunta doon sa church nila. It also serves as a reminder na ito ‘yung essence and purpose ng bawat trabaho, and that is to share compassion sa kapwa kabataan.”

Dagdag pa niya, higit pa sa materyal na regalo ang natanggap nila sa tuwang ibinigay ng aktibidad sa mga bata at miyembro ng dalawang organisasyon. Nawa’y maipagpatuloy muli ang outreach sa susunod pang mga taon at ‘wag malimutan ang mga bagong ngiting natuklasan sa Tanza.

Nagpahayag ng kagalakan at pasasalamat sina Fr. Marcelino Rapayla Jr. at ang mga church volunteers sa maagang pamasko ng AnSci Community, lalo na at malimit bisitahin ang kanilang simbahan dahil sa layo nito. Sa kabilang banda, naguumapaw ang tuwa ng mga bata sa natanggap na regalo at ayon sa mga ito ay babaunin nila sa araw-araw ang ‘di malilimutang aral at tuwang naipamahagi sa kanila.

Samantala, humabol ang Book Lovers Club (BLC) sa pagpapadama ng kapaskuhan

nang opisyal nitong isagawa ang Handog mula sa Puso: Celebrating a Joyful and Prosperous Year-end Through Gift-giving noong ika-23 ng Disyembre.

Sa layuning magpasalamat sa sintang paaralan, nagtakda ang Pangulo ng BLC na si Seancris Santos ng year-end outreach program sa kaniyang alma mater, ang Sapinit Elementary School. Saad ni Santos, “Pagbabalik tanaw po sa school ko, nagtanong din ako kung may mga bata bang deserving mabigyan ng ganoong regalo, and after sabihing, oo, ay doon na kami nag-ask if pwede mag-conduct ng program.”

Bilang pambungad na aktibidad naghanda ng maikling dula at mga palaro ang samahan. Sinundan ito ng masayang kainan at nagtapos sa pagbibigay ng munting regalo. Ayon sa kalihim ng BLC, siniguro nila na ang mga ipinamahaging regalo ay naglalaman ng mga gamit na makatutulong sa pag-aaral ng mga estudyente, nakapaloob sa isang clear envelope ang sari-saring school supplies na siyang ikinatuwa ng mga guro at bata.

Binanggit ni Irish Linaota, kalihim ng organisasyon, na malaki ang naging bahagi ng mga sponsors at magulang ng AnSci sa tagumpay ng nasabing kaganapan, lalo at ito ang unang beses ng kanilang club na magsagaw ng outreach program. Binigyang pasasalamat din ng kupunan ang mga umalalay sa kanila upang maisakatuparan ang layuning tumulong sa komunidad at kapwa.

DHENRI PURA
SUPREME SECONDARY LEARNER GOVERNMENT
ACNSTHS SMILE CLUB
MAPEH AT RESEARCH CLUB
Litratong nakuha mula sa Facebook

na organisasyon sa ACNSTHS ang nakapaglunsad ng kanilang outreach programs ngayong taon

Kasama na rito ang Ang Tipolenyo, SSLG, Smile Club, Research Club, MAPEH Club, Book Lover’s Club, at Pendulum Chronicle

organizations, handog ang tuwa sa kapwa kabataan

Dagdag pa rito, naging makabuluhan ang gift-giving ‘di lamang para sa mga magaaral ng Sapinit kun’di para rin sa mga miyembro ng Book Lovers. Paglalahad ni Linaota, “Dagdag din sa wins namin yung enhanced leadership at social skills lalo na sa mga bata naming members and officers.”

Bagamat nagkaroon ng ilang problema sa simula ng kanilang programa at mga delays sa paghahanda, matagumpay na naisagawa ng BLC ang outreach.

Sa huling bahagi, masiglang nagpaalam ang organisasyon sa mga mag-aaral ng Sapinit. Umaasa naman ang Punongguro ng elementarya na maipagpapatuloy ng mga batang Siyentipiko ang mga programang nakatutulong sa kapwa at nawa’y mag-iwan ito ng tatak sa mga nakababatang henerasyon na laging magbalik kagalakan at agapay sa mga taong naging bahagi ng kanilang tagumpay.

Bilang pagsalubong sa bagong taon, naglunsad ang MAPEH Club, See Miracles in Life Everyday (SMILE) Club, at Research Club ng collab-outreach na pinamagatang MITHIRecreation for the People, Smile for the People, at Science for the People, noong Enero 18, 2025 sa Antipolo Baptist Christian Church, Prayer Mountain.

Nahati sa tatlong bahagi o istasyon ang nasabing programa kung saan may kaniya-kaniyang aktibidad na inihanda ang bawat organisasyon upang maipahayag ang pangunahing layunin nila, tulad ng

pagpapalaganap ng kaalaman sa siyensya, core-values, at pagpapalakas ng kalusugan. Magiliw na nilahukan ng mga bata mula sa simbahan ang nakatutuwang mga palaro. Sinimulan ng Research club ang programa sa pagtuturo ng mga scientifc concepts sa pamamgitan ng ilang gawain. Napuno ng kuryusidad, pagkamangha, at ngiti ang paligid nang magkumpuni sila ng sari-sariling DIY rocket, gawin ang milk at food coloring experiment, at gumamit ng portable microscope. Binigyang diin ng Bise ng Research Club na si Valery Canega, nakapapawi ng pagod ang ngiting iniwan nila sa mga bata, lalo na at nakatulong sila na mapalawak ang kaalaman at interes ng mga ito sa siyensa. Pagpapatuloy nito, “I think the teamwork and smiles sa end ng outreach ang actual gift na nabigay namin sa kanila. Also, it gave us a sense of fulfillment na they are learning science outside of a classroom setting na aligned sa club namin. I loved that eager sila to learn and excited sila to experience something na related sa science.”

Kasunod nito ay ang recycled bottle cap mosaic activity at puzzle na handog ng SMILE club. Ibinahagi ng Pangulo na si Celine Viray, ang aktibidad na ito ay nagsusulong ng pagiging makabayan. Nagkaroon din ng maikling preaching session na siya namang sumasalamin sa pagiging maka-Diyos, mga paniniwalang nilalayong patatagin ng samahan. Sinabayan din ito ng MAPEH club, kung saan ipinamalas nila ang saya ng interactive

activities na may layuning patatagin ang pakikipag-ugnayan, pagtutulungan, at p akikitungo ng kabataan.

Sinabi ni Viray na maraming natutunan ang mga bata sa mga tuntunin ng espirituwal na kakanyahan, paggalang sa bansa at kalikasan, at kahalagahan ng pananampalataya, na siyang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng kanilang organisayon. Ani Viray, “It was a success knowing na we were able to conduct an outreach program to these children and impart them with knowledge. Happiness was also evident among them, ayun talaga yung nagmatter for us.”

Nilinaw naman ng MAPEH club na ang simbahan ang napili nilang lugar dahil sa mungkahi ng kanilang treasurer. Ayon dito, nabatid nilang maraming bata ang nagtutungo rito at nangangailangan ng agapay, lalo na at nasa malayong lugar ang simbahan.

Lubos na nagpapasalamat ang tatlong organisasyon sa mainit na pagtanggap na kanilang nadama at nawa’y naging makabuluhan ang kanilang programa sa kabataan.

Sa huli, matatandaan na ito ang ikatlong taon ng ACNSTHS sa paglulunsad ng outreach programs. Inaasahan naman na magsilbing inspirasyon ang aktibidad na ito sa iba pang lider-kabataan at organisasyon na mag-abot ng tulong sa kapwa at ipadama ang tunay na diwa pagbibigay.

BOOK LOVER’S CLUB
CLUB
Litratong nakuha mula sa Facebook
Litratong nakuha mula sa Facebook
Litratong nakuha mula sa Facebook

Pangkat Hexagon, hinirang na kampeonato sa Leadership Training ‘25

IHAZEL TULING

ginawad sa pangkat Hexagon ang tropeyo ng pagkapanalo sa idinaos na Leadership Training 2025 na may temang “SDG Challenge: The Leadership Arena” na pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS), Pebrero 28.

Nagkamit ng 1,222 kabuuang puntos ang nasabing pangkat mula sa samu’t saring palaro ng SSLG na may temang ‘Squid Game’ na siyang pinaghandaan para sa mga AnScians.

Itinalaga rin ang kanilang lider na si Jayrus Ombid bilang isa sa “Best Leader of the Year” kasama ni Angel Permacio mula sa Pangkat Circle habang sina Pamela Padua mula sa Pangkat Pentagon, Cera Darene mula sa Pangkat Crescent, Shekinah De Guzman mula sa Pangkat Umbrella, at Francis Paz mula sa Pangkat Circle naman bilang “Best Assistant Leaders of the Year”.

Ayon kay Ombid, “As a leader, naging open ako sa suggestions ng mga members ko kaya mas madali na-accomplish yung tasks sa bawat stations. Also, malaking bagay din yung tiwala ng team sa isa’t isa, kasi dun na-boost yung confidence namin as a team.”

Dagdag pa niya na nakatulong aniya ang matinding kooperasyon ng bawat isa at ang pagkakaroon ng determinasyon tungo sa pagiging panalo sa bawat kompetisyon sa kanilang pagkamit ng unang pwesto sa Leadership Training.

Bukod dito, binigyang-diin ni Shane Valdez, Assistant Leader ng pangkat Hexagon, “Kitang-kita sa group namin ‘yong excitement nila sa mga games, na gusto talaga nilang sumali and mag-try. Wala kaming gaanong plan para lang manalo, pero kami as leaders, hinahayaan namin ‘yong players to volunteer and play para mag-enjoy.”

Inihayag niya rin na ilan sa mga natutunan ng kanilang grupo sa mga sesyon na inihandog ng mga dating pangulo ng SSLG—na ginanap bago magsimula ang programa ng paglalaro—ukol sa pamumuno tulad ng pagkakaroon ng mahabang pasensya at makabawi sa iba pang mga laro ang dahilan ng kanilang pagkapanalo.

Sa kabilang banda, inuwi naman ng pangkat Pentagon ang ikalawang pwesto na may 1100.5 kabuuang puntos na pinangunahan ni Sairah Viduya. Dagdag dito, pangkat Umbrella naman ang nakakuha ng ikatlong pwesto na may kabuuang 1095.5 puntos na pinamunuan ni Renzie Siwala.

Layunin ng programang ito na mapalago at mahasa ang leadership skills ng mga mag-aaral gayundin ang mabigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng interaksyon ang bawat estudyante.

ACNSTHS National Teacher’s Day Celebration, hango sa palabas na Inside Out

ampok ang mga performances at mga regalong inihanda para sa mga kaguruan ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) sa ipinagdiwang na National Teacher’s Day na may temang “Wonderful Teachers Inside and Out: National Teacher’s Day Celebration 2024”, Oktubre 3. Napuno ang selebrasyon ng mga iba’t-bang palaro at activities na siya namang aktibong nilahukan ng mga guro at mga batang siyentipiko, kung saan binigyang pagkakataon ang mga guro na manalo ng mga prizes na inihanda ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) katuwang ang samahan ng School Parent-Teacher Association (SPTA). Bukod pa rito, iginawad din ang titulong “Well-Loved Teacher” sa mga guro ng ACNSTHS matapos magbigay ng mga mensahe ng mga AnScians sa kani- kanilang mga guro upang iparating ang kanilang taos-pusong pasasalamat.

Samantala, ipinahayag naman ng punungguro na si Ma’am Janice Maravilla ang kaniyang mensahe at pagpapahalaga hindi lamang sa mga gurong bumubuo ng eskwelahan, ngunit pati na rin sa mga indibidwal na katuwang nila sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob nito.

“Only teachers produce engineers, doctors, dentists, and another teachers, and other more professionals”, aniya.

Hindi naman nagpahuli ang ilang mga mag-aaral na ipahayag at ipakita ang kanilang pagmamahal at suporta sa kanilang mga gurong tagapayo sa pamamagitan ng mga inihandang yell na sinabayan pa ng drums at mga pa-banners.

Ayon kay Katte Quilang, mag-aaral mula sa ika-12 na baitang, “Sana na-appreciate ng mga teachers ‘yung pa-event na ito para sa kanila, at sana hindi sila na-hassle kundi nag-enjoy sila”.

Sa kabilang banda, ibinahagi naman ng ilan sa mga guro ang kanilang karanasan sa kanilang unang pagdiriwang ng teacher’s day sa ACNSTHS.

Saad ni Ms. Shaina Estrebor, kahit na halos tatlong linggo pa lamang silang nagtuturo ay ramdam na agad nila ang pagmamahal ng mga estudyante gayundin ang pagiging welcoming ng mga guro, dahilan upang ma-feel nila na maging komportable at hindi ma-intimidate sa kanilang mga kapwa guro.

Ang programa naman ay nagtapos nang bandang alas-kwatro ng hapon na siya ring nagsilbing paghahanda sa selebrasyon ng National Teacher’s Day na gaganapin naman sa Antipolo Sports Center.

EMOSYON. Namutawi ang iba’t ibang emosyon sa mga guro ng ACNSTHS matapos gawaran ng mga parangal at regalo galing sa mga estudyante at mga namamahala sa paaralan na sinundan ng mga aktibidad at palarong nagpasaya sa mga guro. ni Patrick Baydo
PATRICK JOHN BAYDO

Fund-raising

booths

ng

ACNSTHS, nagpasaya sa Valentines Day ng mga Anscians

Ipinagdiriwang ng mga mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang araw ng mga puso sa pamamagitan ng iba’t ibang pakulo na pinaghandaan ng bawat organisyon, Pebrero 14.

Samu’t saring mga laro at aktibidad na ikinatuwa ng mga mag-aaral na pinangunahan ng mga clubs tulad na lamang ng Blind Date Booth ng Barkada Kontra Bisyo (BKB), Match Making Booth ng Ang Tipolenyo, Wedding Booth ng Supreme Secondary Learner’s Government (SSLG) at iba pa. Disney Princesses ang naging kabuuang tema ng nasabing pagdiriwang na binigyang buhay ito at inangkop ng mga organisyon sa kanilang booths.

“Ang main booth namin is ‘yong Sweets and Sweetheart, it’s all about giving a lollipop, lollipop holder, at may corresponding na mga statements kada color and this booth aims to help the students to express their true feelings whether anonymously or genuinely.” ani Noveann Ledesma, presidente ng Mathematics Club.

Isa rin sa mga clubs na nagpakitang-gilas sa kanilang mga booth ang MAPEH club kung saan hango sa larong pamperya ang kanilang mga laro.

Ayon kay Ashlee Sotero, Public Information Officer ng MAPEH Club, “Varied ‘yong mga games namin kasama na rito yung

Ring Toss at Coin Toss, ginawa po namin siya kasi na-notice namin sa mga AnScians na hindi naman lahat sa kanila ay may kasama ngayong

Valentine’s kaya our booth is an escape from that.”

Dagdag pa ni Sotero, isinabuhay lamang muli ng kanilang booth ang isinagawa nilang ‘carnival-themed games’ noong nakaraang Student’s Day na labis na dinayo ng mga estudyante. Samantala, mapuounta naman ang mga ikinita ng bawat booth sa mga naturang organisyon bilang pandagdag sa pondo gayundin sa pagtulong sa paaralan. Sa kabilang banda, ginanap din sa nasabing araw ang pagbebenta ng mga inihandang produkto ng mga mag-aaral mula sa ika-12 baitang na mula sa kanilang asignaturang Entrepreneurship na talaga namang tinangkilik ng mga AnScians.

AnScians, Cabading ES lumahok sa Hubog-Sikhay Worskshop

Kauna-unahang kolaborasyon ngayong taon ng publikasyon ng Ang Tipolenyo at Pendulum Chronicles ang journalism workshop na pinamagatang “Hubog Sikhay: Fostering Skills, Empowering Minds,” na binuksan hindi lamang para sa AnSci students kung hinZdi pati rin sa mga mag-aaral ng Cabading Elementary School. Maliban naman sa paghasa ng pandyornalistikong kaalaman ng mga mag-aaral, nagsilbing School Press Conference ang palihan sa pagpili ng mga batang siyentipikong sasabak sa Division Schools Press Conference. Sa huli, layunin ng aktibidad na pukawin ang interes ng kabataan sa larangan ng pamamahayag.

TINGNAN

Ipinamalas ng mga ika-12 na mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang kanilang galing sa pagbebenta at paghawak ng negosyo bilang parte ng kanilang proyekto sa asignaturang Entrepreneurship nitong Araw ng mga Puso, Pebrero 14.

HAZEL TULING
DHENRI PURA

Imulat! Lubos na nakasusulasok na napupuno ng mala-kultong panatiko ng mga mag-aaral na halos magwala upang suportahan ang mga kandidato, panatikong binuo ng mga tuso at abusadong lider. Tila mga debotong sumasamba sa mga kandidatong dapat ay pinatutunayan muna ang kanilang sarili bago iboto at iluklok. Ang mga batang tinaguriang natatangi sa talino at husay ang siya ngayong nilamon na ng pagiging panatiko sa mga politiko, mga batang pilit minanipula at nilason. Tunay ngang karapatan ng bawat isa ang bumoto at magpahayag ng opinyon at kandidatong sinusuportahan para sa puwesto, kalakip ang karapatan ng isang kandidatong mangampanya at magkaroon ng koneksyon sa mga mamamayan o mag-aaral na pamumunuan nito. Nakasaad sa patakaran at panukala ng Kagawaran ng Edukasyon na ang bawat mag-aaral na opisyal na nag-aaral sa paaralang ito ay may karapatang bumoto sa mga halalan sa pampaaralang eleksyon gaya ng

Supreme Secondary Elementary Government (SELG) at Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at mayroong kalayaang kumilatis at pumili ng nararapat. Ngunit, higit na kakutya-kutyang napupunta sa malalang kalituhan sa iba pang botante ang dumagundong na ingay ng pangangampanya na pinaiikot ng mga trapo, dagdag pa ang bumubulusok na suporta mula sa mga taga-suporta ng isang kandidato o partido. Nakababahalang natatabunan ang tunay na adhikain ng halalan at ang dapat na karakter ng isang lider, sapagkat naglipana ang mga panatikong walang ibang ginawa kung hindi sumuporta sa mga tumatakbo, hindi dahil sa plataporma at kakayahan nito, subalit sa natatanging kasikatan. Hindi kailanman magiging makabuluhan at makatarungan ang wala sa lugar na paghanga kung makakaapekto ito,

PANALO SA PANATIKO

hindi lamang sa sarili, kung hindi sa bawat mag-aaral at taong bumubuo ng paaralan.

Magkaiba ang pinuno sa mga taong tanyag lamang. Kung ang mga personalidad ay nangangailangan ng tagahanga, ang mga pinuno ay nangangailangan ng mamamayang bukas ang mata at isip, at walang kinikilingan. Maaaring sumuporta sa isang kandidato, ngunit hindi ibig sabihin nito na magbubulag-bulagan sa mga bulok na polisiya, at umaalingasaw na kontrobersiyang kinasangkutan o kinahaharap nito.

Ang mga panatiko ang nagiging dahilan sa paglaki ng ulo ng mga kumakandidato bawat halalan, napapanatag ang mga ito na kayang-kaya nilang paikutin ang masa. Nawawalan ng integridad, pananagutan, at pagiging responsable ang mga naihahalal dahil sa kumpyansang ibinibigay ng mga dapat ay pinagsisilbihan at pinaglilingkuran ng mga ito.

Kapag ang isang malaking grupo ang umaksyon, nang bilang lamang ang may kaalaman, at napupuno ng panatiko, nakagigimbal ang kapangyarihan nitong magpaikot at umabuso ng iba pang botanteng uhaw sa kaalaman. Isaisip na mga lider ang ihahalal at hindi mga modelong magiging palamuti.

Sa darating na eleksyon, marami na namang mabubulaklak na salita ang mabibitawan. Mga sikat na mukhang pilit kang aamuhin sa bawat sulok na kanilang pagkakampayahan. Ngunit, hindi dapat magpakabulag. Mamulat na hindi lahat ng sikat ay may kakayahang magtaguyod ng isang tunay at makatarungang pagbabago. Maging mapanuri lalo na sa sitwasyong kinabukasan nila mismo ang nakataya. Kung patuloy na lang hahayaan ng mga ito ang kasuklam-suklam na siklo ng halalan, walang dudang mananaig pa rin sa pwesto ang nakaririnding pinalalakpakan at hinihiyawan ng mga panatiko.

BIGYANG LINAW TULDOK

Walang mangmang sa sariling wika kung wala ring mangmang sa pagtanggap ng impormasyon.

Salat na dila

Nakadidismaya, nakapanghihinayang, dahil maraming Pilipino pa rin, karamihan ay kabataang kinikilalang magtataguyod ng kinabukasan ng bayan, ay mangmang pagdating sa sarili nating wika.

Usap-usapan kamakailan lang ang isang bidyo ng isang guro na nagtuturo ng bahagi ng pananalita sa kaniyang klase na kung saan ay isinalin niya rin ang mga kaakibat nito sa Filipino. Sa sitwasyong pa lang na ito, makikita na ang malungkot na reyalidad na pinasasawalang bahala ng iba ang mga simpleng leksyon na bumubuhay sa kultura at tradisyon ng bansa, gayundin sa pagkamamamayan. Kung titingnan, marami sa mga Pilipino ngayon ang yumayakap sa wikang Ingles. Wala namang masama roon dahil kilala ang wikang Ingles bilang wikang ginagamit ng buong mundo, subalit, nagiging lason nga lang ito kung masyadong nalululong ang tao na gamitin ito sa pang-araw-araw kaysa sa wikang Filipino na isa sa mga simbolo ng Pilipinas. Mahirap man, lalo na’t sa panahon ngayong maraming kabataan ang madaling masilaw sa ningning na ibinibigay ng wikang Ingles, ngunit, mapadadali ito kung sama-samang ipalalaganap ng bawat isa ang ginhawang hatid ng wika sa buhay ng tao. Sa pagbabasa ng mga panitikang Filipino at pagpapalaganap ng mga aral nito, paggamit ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na pakikipag-usap sa ibang tao, pagtangkilik ng mga programang gumagamit ng wikang Filipino, at ang patuloy na pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto ay ilan sa mga hakbang kung paano matutunan ng isang indibidwal na yakapin ang Inang wika.

HANNA LEAH LARA
JUDEA MARIE CAYANAN

TUTUKAN NATIN

Solusyong pansamantagal

Nang umugong ang isyu tungkol sa nakapanlulumong pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral sa Antipolo City National Science and Technology High School na nahuhuling pumasok tuwing lunes, muling naghigpit ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa pag-implementa ng kanilang Community Service Act, subalit, sa halip na mabawasan ay tila mas lalo pang dumami.

Base sa datos na nakalap ng SSLG para sa buwan ng Oktubre, naitala ang 154 estudyanteng maituturing na late comers, mas mataas kumpara sa 137 noong nakaraang buwan. Matatandaang sinimulang ipatupad ang penalty na ito noong Setyembre kung saan pinagpupulot ng mga basura sa covered court ang maitatalang late sa Flag Ceremony. Ayon sa Pangulo ng organisayon katuwang ang punongguro ng paaralan, layunin ng gawaing ito na itanim sa isipan ng bawat mag-aaral ang kahalagahan ng pagpasok ng maaga at ang responsibilidad nila bilang mga estudyante.

Ngunit, nakapagtataka na ang solusyong dapat humuhubog sa disiplina at karakter ng mga batang siyentipiko ay walang epekto sa kanila, para bang nagiging biro at walang kaseryosohan ang aksyong pilit isinasagawa ng pamahalaan ng paaralan. Kung gayon, hindi na nakapagtataka kung kakikitaan ng kawalan ng pagsunod at kaayusang asal ang mga batang siyentipiko. Nakadidismayang isipin na taliwas na ang ugaling nabubuo sa mga mag-aaral ng paaralang tinaguriang modelo ng kaalaman at maayos na pamamalakad.

Bilang depensa naman ng Pangulo ng SSLG, may mga “uncontrolled factors” na nagiging rason ng late na pagpasok, isa rito ay ang isyu sa pagbabawal ng mga service sa loob ng kampus at ang pahirapang pagsakay ng mga commuters. Pero para sa ilang mag-aaral, hindi maagang paggising pa rin ang nangungunang dahilan. Dagdag ng pangulo na kasalukuyan humahanap sila ng paraan upang mas maunawaan ng mga estudyante ang displinang nais ituro ng aktibidad. Napatutunayan lamang nito na kahit pilit gawan ng solusyon ng paaralan ang problemang ito ay mahirap iwasan ang mga salik na nakaaapekto sa kalagayan ng mga mag-aaral. Nakapangangambang pagmasdan ang sitwasyong kinahaharap ng mga estudyante, ngunit mas masakit isiping walang tiyak at pulidong plano ang mga namumuno sa paaralan.

Repasuhin ang aksyong ‘di

“Magiging ligtas lamang ang mga estudyante kung may pakiaalam sa kaligtasan nila ang may kapangyarihan.

Hindi ako pabor.”

Ma. Kristala Almodiel, isang mag-aaral.

Ang Tipolenyo

Mga Punong Patnugot

Valerie Paghunasan at Patrick John Baydo

Mga Ikalawang Patnugot

Dhenri Fathma Nicole Pura at Yunah Karille Baltazar

Mga Tagapamahalang

Patnugot

Francis Paz at Kristine Isaac

PATNUGOT NG BALITA | Daniella Serios

PATNUGOT NG EDITORYAL | Shane Valdez

PATNUGOT NG LATHALAIN | Allaine Ricci Ramos

PATNUGOT NG AGTEK | Jayrus

James Ombid

Kung ating lilimiin, nararapat lamang na muling hubugin ang imahe ng paaralan at palawakin ang pang-unawa ng mga mag-aaral, mainam na hindi lamang tuwing lunes naisasabatas ang Community Service Act, sa halip ay dapat naituturo ang disiplina sa araw-araw at nagkakaroon ng maayos na modelong susundan ang mga estudyante. Nakapanlulumo ang kasalukuyang estado ng isyu ng late comers sa paaralan, ngunit kinakailangan ng agarang aksyon at pagbabago sa mga iniimplementa dahil kung magpapatuloy ang pagtaas sa bilang, at ang pagsasawalang bahala ng mga mag-aaral at opisyales, ang solusyong dapat pangmatagalan ay nagiging pansamantalang pantapal sa malabong panukalang naglalayong magbigay disiplina.

MGA NAG-AMBAG

“Kung ako ang tatanungin, hindi ako pabor sa pagtanggal ng asignaturang Filipino dahil kung ito man ay mangyayari, mawawala ang pagpapahalaga natin sa ating wika, kultura, at tradisyon. Pabor ako.”

Hayden C. Valencia, isang mag-aaral.

“Kung tatanggalin ang asignaturang filipino, paano na mamumulat ang mga mag-aaral sa tunay na kalagayan ng ating bansa. Mas lalong kukulang ang kaalaman ng bawat estudyante sa sariling wika na ating ipinagmamalaki.

Hindi ako pabor.”

Angelica Kate Manzan, isang mag-aaral.

PATNUGOT NG ISPORTS | Nico Clores

PATNUGOT NG PAG-AANYO NG PAHINA | Patrick John Baydo

PATNUGOT NG LARAWANG

PAMPAHAYAGAN | Kristine Isaac

PATNUGOT NG PAGLALARAWANG

TUDLING | Hannah Leah Lara

PATNUGOT NG PAGWAWASTO AT PAG-UULO NG BALITA | Marc Kcid Mico

Mga Gurong Tagapayo

Daisy Jane Ciar, Chin-chin Salazar, at Precila Leyble

Punongguro

Janice Maravilla

Mikiel Cody Barnuevo, Julia Dacer, Alliah Jane Donato, Hazel Jannah Tuling, Jasmine Joi Ayala, Kirby Peralta, Kurt Ocol, Justine Andrea Peñano, Marielle Ribo, Judea Marie Cayanan, Seifer John Neill, Jane Fernan, Dianna Berunio, Aira Mischa Tacapan, Dianne Arabella Dunton, Alyanna Amigos, Jhon Lloyd Catudio, Kirsten Eureille Pagatpat, Zyrene Klayrika Madriaga, Xavier Quejado, Kate Garra, Marc Kcid Mico, Precious Euanne Zaragoza, Gracielle Kitch Ombid, Shamir Joseph Alejo, Renzie Siwala, John Michael Parreño, Victoria Tia Marie Molero, Paolo Miguel Cabugoy, at Norainne Mae Dela Paz, Sofia Gabrielle Talagon, Samantha Pasion, Jurisse Tapar

OPINYON

73%

BILANG NG

Sumasang-ayon na madali nilang makalimutan ang kanilang pinag-aaralan dahil wala silang libro o modyul na mababalikang basahin.

Batay sa isinagawang sarbey ng Ang Tipolenyo.

Kahit pa tapalan ng panibagong kurikulum at milyun-milyong solusyon upang punan ang kakulangan sa edukasyon sa Pilipinas, wala itong saysay kung hindi ito maiimplenta nang maayos.

Nakadidismayang malaman na ang sinasabi nilang kaunlaran ay tila ba pinapabayaan nilang maging isa na lang ilusyong pinagtibay ng mga mabubulaklak na pananalita.

Nakaririndi na ang tila isang sirang plakang paulit-ulit na pagrereklamo ng mga mag-aaral mula sa ika-7 baitang ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) na hirap silang matuto sa bagong kurikulum na MATATAG. Kung tutuusin, ito ang unang taon ng mga estudyanteng ito sa sekondarya, pundasyon dapat nila ito para sa mas komplikadong tatahakin nila sa susunod na mgataon. Kung ganitong hindi nag-umpisa sa maayos ang kanilang pag-aaral, hindi na nakapagtatakang sa susunod na mga taon ay mas mahihirapan pa sila.

Ayon sa isang mag-aaral mula sa ika-7 baitang ng ACNSTHS na kasalukuyang kabilang sa implementasyon ng MATATAG Curriculum, lubos na nahihirapan siya sa paraan ng pagtuturo mayroon sila ngayon. Bagama’t araw-araw na natuturo ang bawat asignatura, natatambakan pa rin sila ng mga gawain na lubhang nakakaapekto sa kanilang

oras. Kung kaya naman, hindi na nakapagtataka kung mapaguro man o estudyante, ay binubugbog ng bagong kurikulum. Dito pa lang, hindi na natin makita ang magandang epekto ng MATATAG Curriculum lalong-lalo na kung hanggang ngayon ay kwestiyonable pa rin ito at tila hindi man lang pinag-isipan.

Bukod pa rito, base sa isinagawang sarbey ng publikasyon, 81 mula sa 111 bilang ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang, halos lahat ang sumang-ayong na madali nilang makalimutan ang kanilang mga pinag-aralan dahil wala silang libro o modyul na mababalikang basahin. Araw-araw ay nakaamba ang pag-aalinlangan ng isang estudyante kung maigagaod pa ba niya ang ganitong klase nang pagkatuto sapagkat natuto na lang sila upang makapasa hindi upang magamit sa mga susunod taon. Kung ang isang araw na bagabag ay magiging taon at dekada, ano pang silbi ng ganitong klase ng edukasyon kung ang isinasakatuparang sistemang edukasyon ay hindi nakatuon sa kasalukuyan, at nagpakampante na agad sa magiging kahihinatnan nito sa kinabukasan. Mula sa impormasyong nakalatag sa itaas, nakakukulo ng dugong malamang handa ang ating pamahalaan na isugal ang kalidad ng edukasyon maisakatuparan lamang ang sa tingin nilang makabubuti sa mga mag-aaral at guro kahit lingid sa kaalaman nilang kabaliktaran naman ang

guro ituro ang mga araling hindi naman nila gamay. Iba pa rin kung hindi na kailangan ng mga itong mahilo sa kahahanap ng libro o artikulo sa kung ano mang website para makaraos man lang ang mga mag-aaral sa loob ng isang linggo.

Kung iisipin, hindi naman talaga estudyante ang problema kung bakit kulelat ang ating banda pagdating sa edukasyon kumpara sa iba’t ibang mga bansa. Bagkus, ang tunay na salarin ay ang mababang kalidad ng sistema ng edukasyon ng bansa. Mulat na mulat nga ang mga mata ng mga nasa upuan at alam ang problemang kinakaharap ng mga mag-aaral, gayunpaman tila mali ang pinagpipilitan nilang gawing solusyon. Sa halip na bawasan ang mga hamong mayroon sa edukasyon, dinagdagan pa nila ang suliraning magpapasakit na naman ng ulo sa halos lahat ng apektado.

Huwag sanang gawing sakripisyo ang kinabukasan ng mga kabataang mag-aaral dahil sila lamang ay isang biktima ng baluktot na sistema. Kung ipagpilitan pa ring isubo ang sistema ng kurikulum na ngayon ay pilit isinusuka ng mga guro at mag-aaral, marapat na ituwid na ang pagkakamaling mayroon ito ngayon. Kung patuloy na lang ang pamahalaang magsalpak ng solusyong walang kongkretong plano, walang dudang rurupok ang pundasyon ng bawat estudyanteng Pilipino.

HANNA LEAH LARA
MGA MAGAARAL MULA SA IKA-7 BAITANG
PATRICK BAYDO

BIGYANG PANSIN

Siyentipikong sardinas

Nakababahala na sa kabila ng taon-taong pagtaas ng bilang ng mga estudyante sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNTHS), nagkakaroon ng malubhang kakulangan sa mga pasilidad at pagdadausan ng mga programang handog para sa mga mag-aaral at guro. Taliwas ang usaping ito sa mga pahayag na nagsasabing taon-taong tumataas na inilalaan na badyet sa mga paaralan. Kabahagi ng kurikulum ng ACNSTHS ang mga aktibidad tulad ng pagtatanghal ng mga musical play at higit sa lahat ang pagtatapos ng baitang. Ngunit nakakaawa na ang mga covered court ay laspag nang silid dahil halos lahat ng mga kaganapan ay roon idinaraos. Dahil sa kakulangan na ito, napipilitan na lumabas pa ng paaralan upang matugunan lamang ang mga pangangailangan para sa kanilang mga proyekto. Nakaaaawa ang mga mag-aaral na tustado na sa init at busog na sa alikabok.

Nakakaawang isipin ang pagsasakripisyo na inilalahad ng mga ito upang mairaos lang ang bawat araw sa paaralan. Nakadidismaya na ang mga aklatan ay hindi nagagamit o napupuntahan man lang ng mga mag-aaral upang makapagbasa o makapagkalap ng mga impormasyon. Isang malaking pasakit ito na nagdudulot ng hadlang sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang mga bokabolaryo at kaalaman na maaring makatulong sa kanilang mga pagsasaliksik. Kasama na rito ang kakulangan sa mga silya at lamesa na maaring maupuan o makainan man lang ng mga mag-aaral.

Kung patuloy na babalewalain ng mga namamahala ang malasardinas sa pagtitiis na mga mag-aaral, hindi na nakagugulat na sa susunod na taon ay siyentipikong salat na ang batang siyentipiko. Naniniwala ako na ang mga mag-aaral ay lubos na nararapat na mahubog sa kapaki-pakinabang na sistema at hindi sa pinagkakasyang silid. Walang bisa ang integridad sa kurikulum ng taong panuruang kung walang sustento sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

YUNAH KARILLE BALTAZAR

PATRICK JOHN BAYDO

BAGWIS

Aksiyon ang kailangan, hindi pabago-bagong reporma.

nahindimarami ang sabaw sanoodles....

Tignan at basahin ang komiks sa link na ito.

Bilang isang batang siyentipiko, napapansin kong mabilis na lang akong mapagod at magkasakit sa tambak na gawaing mayroon ako, akademiko man o iba pang gawain. Bukod pa rito, pansin ko ring nararanasan din ito ng aking mga kamag-aral kaya ako ay lubos na nababahala para sa aming kalagayan. Sa inyong palagay, paano po kaya namin mababawasan ang bigat na aming nadarama? Sa paanong paraan po namin kaya matugunan ang aming mental na kalusugan sa gitna ng mabibigat na mga gawain?

Sumusulat, Norainne Mae C. Dela Paz | Antipolo City

Mahal na mambabasa, Bilang isang patnugot, lubos kong inaalala at naiintindihan ang bigat ng inyong nararamdaman sa dami ng gawaing mayroon, mula sa eskwelahan hanggang sa pag-uwi sa inyong bahay. Gayunpaman, hindi ko maipapangakong mababawasan ang mga ipinapagawa ng mga guro dahil ito ay nakaayon sa kurikulim na ibinababa ng Kagawaran ng Edukasyon. Bilang solusyon sa suliraning ito, hinihikayat ko kayong magkaroon ng lima hanggang sampung minutong pahinga sa pagitan ng paggawa. Bukod pa rito, hinihikayat ko rin kayong kumain sa tamang oras at huwag magpalipas ng gutom. Sa ganitong paraan, hindi mauupos ang inyong isipan at mapananatili ninyo ang matiwasay na daloy ng inyong sistema.

Sumasaiyo, Valerie S. Paghunasan | Antipolo City

JOHN MICHAEL PARREÑO
HANNA LEAH LARA
PATRICK BAYDO

PANAWAGAN

Sinaid na Tinta

Nakabibingi na ang katahimikan ng mga manunulat na pinagkaitan ng mga boses. Sa totoo lang, walang saysay ang paggunita sa malayang pamamahayag kung ang matapang na nagbabalita ay walang habas na binubulag, binubusalan at pinapaslang ng may kapangyarihan.

Nakababahala na nakakuha ang Pilipinas ng 43.36 na global score sa taunang press freedom index ng media watchdog Reporters Without Borders na naging batayan upang manatili pa rin ang bansa sa “mabigat o mahirap na bansa para sa mga mamamahayag”. Kung ganito pa ring walang pagbabago sa lagay ng midya, hindi na nakapagtataka kung sa mga susunod na taon, wala nang mag-uulat ng balita sa ating bansa.

Ang masaklap pa rito ay sa panig ng mga publikasyon sa sekondarya at kolehiyo, mahina at kulang din ang proteksyon sa karapatan nilang mamahayag. Hanggang ngayon, wala pa ring klarong mekanismo upang maparusahan ang mga lalabag sa karapatan ng mga peryodista-estudyante sa pinagdidiinan ng pamahalaang Campus Journalism Act (CJA). Nakadidismayang marinig na kung sino pa ang nangangailangan ng sapat na proteksyon, ang siya pang mas nilalagay sa kapahamakan.

Tunay na makatutulong ang mga batas na ipapasa ng pamahalaan para sa mga mamamahayag sa ating bansa. Gayunpaman, hindi matitiyak ang progresibong pagpapalaya kung mismong ang gobyernong na naging tulay sa pagtatag ng batas, ang siya ring sagabal sa mga mga tagapaghatid ng balita.

Sa kasong ito, ang mensahe ay tungkol sa kahalagahan ng pagsasabi ng katotohanan, isang bagay na wala sa bokabularyo ng mga nasa kapangyarihan. Walang saysay ang balita kung walang nag-uulat ng kabagalan ng mga proseso sa mga korte at mga anomalya ng gobyerno. Nakahihiyang maging parte ng bansang may mga lider na walang awang sasairin ang mga walang kinikilingang mamamahayag, sa puntong dugo na lamang ang tintang matitira sa kanila.

VALERIE PAGHUNASAN

AKSYUNAN NATIN

WPATRICK JOHN BAYDO

Walang silbi ang isang pluma kung pilit itong pinagdadamutan ng tinta.

43.36

TAUNANG GLOBAL

SCORE PRESS FREEDOM INDEX Mabigat o mahirap na bansa para sa mamamahayag.

Nangangalawang na pagbabago

alang silbi ang mga kagamitang kompyuter sa loob ng Information, Communication, and Technology (ICT) Lab ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) dahil hindi naman magamit-gamit nang maayos ng mga estudyante para sa kanilang pag-aaral. Nakadidismayang marinig na nawawalan na rin ng saysay ang “Technology” sa napakahabang pangalan ng ACNSTHS gayong hindi naman nila maipakita ang pakinabang nito sa mga mag-aaral. Nakapanlulumo rin na maging ang ibang mga kompyuter ay wala sa maayos na kalagayan kung kaya’t ilan sa mga estudyante ay hindi nabibigyan ng pagkakataon upang makagamit man lang nito. Nakatatawang malakas pang inaawit ang linyang “Dahil sa agham at teknolohiya, sa kaunlaran ay siyang sandata”, gayong mas pinipigil pa ng paaralan ang pag-unlad ng mga mag-aaral dito.

Kulang na kulang para sa isang paaralan na mayroong halos anim na raang estudyante ang bilang ng kompyuter na mayroon sa ICT lab para sa isang eskwelahang nakapokus sa strand na Science, Technology, Engineering, and Math (STEM). Bukod sa kakulangan ng kagamitan sa teknolohiya, sanhi rin nito ang kakulangan ng badyet at pagtugon sa isyung kinakaharap mula sa Departamento ng Edukasyon. Nakagigigil na pinagpipilitan ng departamentong ito na pagtiyagaan na lamang ang mga binigay na mabababang kalidad na elektronikal na kagamitan, para lamang sa kapakanan na may magamit ang iba. Salat na salat na nga sa bilang, hindi pa mapakinabangan. Magiging solusyon lamang ito kung hindi dadagdag sa papasaning problema.

Tunay na isang pampublikong paaralan lamang ang ACNSTHS, at talagang kailangan pang magmakaawa para makahingi ng kahit kararampot lamang na badyet. Gayunpaman, mali na palampasin pa ang ilang dekada bago gumalaw at gumawa ng aksyon ang mga nasa kataas-taasan.

Kung magpapatuloy pa rin ang ganitong sitwasyon hanggang sa mga susunod pang henerasyon ng mga batang siyentipiko, hindi na nakagugulat na Antipolo City National Science High School na lang ang pangalan ng paaralang ito lalong-lalo na at napakalaki ng posibilidad na mangalawang na ang “Technology” rito sa tila ba usad-pagong na pagbabago.

PATRICK JOHN BAYDO

JOHN MICHAEL PARREÑO

Huwag tayong magkulang at magpahuli pagdating sa SIPAT

MasiSINAGan ng

Masiklab na Talento ng DAnSci

Hindi lamang sa pang-akademikong larangan namamayagpag ang mga mag-aaral ng Antipolo City National Science and Technology High School o ACNSTHS, kundi maging pati sa pagpapakita pa ng kanilang mga talento sa larangan ng pagsasayaw.

Iyan ang pinatunayan ng mga matitinik na miyembro ng Sinag DAnSci Company matapos ang dalawang mata gumpay na pagtatanghal ng kanilang natatanging galing sa pagsayaw sa idinaos na selebrasyon ng Buwan ng Wika at Intramurals ngayong taong panuruan 2023-2024. Kasagsagan pa lamang ng unang semestro ng nasabing taong panuruan, walang dudang pinairal na ng mga mag-aaral na mananayaw ang kanilang liksi, bilis, at lakas hindi lamang sa pagsasayaw ng iba’t ibang dyanra kundi maging sa maigting na preparasyon upang matupad ang mithiin ng mga mag-aaral bilang grupo, ang ibandera ang kanilang talento.

Buwan ng Disyembre, taong 2022, ang Sinag DAnSci Company ay nabuo sa pangunguna ng kanilang isang matinik na mananayaw na si Bb. Joan Oro Yaguel-Busa, guro sa Pre-Calculus at Basic Calculus ng Senior High School na siyang karakter sa likod ng malikhaing pangalan ng dance troupe. Sa kasalukuyang taong panuruan, ang grupo ay binubuo ng 27 na mga mananayaw na nagmula pawang sa Junior at Senior High School na pinangungunahan ng kanilang mahusay at masipag na lider ng grupo na si Andrea Nuas ng ika-12 na baitang pangkat Darwin.

Nitong nakaraang pagdiriwang ng ACNSTHS Intramurals 2024-2025 na ginanap noong ika-10 hanggang ika-12 ng Oktubre,

umani ng samu’t saring reaksyon ang Sinag DAnSci Company matapos ang masigabo at kapana-panabik na pagtatanghal na tunay na nagpagulat sa buong komunidad ng AnSci. Marami ang siyang humanga sa talento at ipinakitang pagbibigay-buhay ng mga mananayaw sa kanilang mga kilos o galaw na siyang umantig sa damdamin ng napakaraming estudyante.

WHO-say ng mga Sinag DAnSci Company

Liders

Balanse sa pag-aaral at pagsasayaw, disiplina at time management, iyan ang isa sa mga estratehiyang pinairal ng mga miyembro ng dance troupe na naging daan para sa kanilang epektibo at organisadong mga pagtatanghal sa bawat pagdiriwang ng AnSci ayon sa lider nitong si Andrea. Bukod kasi sa pagsasayaw, bilang isang mag-aaral sa ika-12 na baitang at bilang head ng grupo, kinakailangan niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral at ekstrakurikular na aktibidad. Hindi maitatanggi ang extra nitong efforts mula sa pag-eedit ng mga kanta, hanggang sa paggawa ng mga orihinal na steps o koryo upang mas maipahayag ng grupo ang kanilang natatanging talento at kanilang sarili hindi lang basta bilang dancers kung maging bilang performers. ”Kaming mga dancers, since gusto naming i-show ‘yung talent namin, gumagawa kami ng most likely, original steps ‘yung ginagawa namin, so makakapag-consume pa talaga siya ng time, right? And then doon namin in-insert yung time management namin,” ayon kay Andrea. Katuwang ang pawang mga mananayaw na sina AJ Abelinde mula sa ika-12 na baitang, pangkat Curie at Samantha Nicole Ignacio mula rin sa ika-12 na baitang, pangkat Euler, naisakatuparan ng grupo ang

pagtatanghal na lubos na lumagpas sa ekspektasyon ng mga mag-aaral sa kabila ng mga problemang sumubok sa kanilang leadership skills at teamwork. Naging sagabal ang magkaibang oras ng klase ng mga mag-aaral sa Junior High at Senior High kaya kinailangan na magkaroon ng pagbabago sa oras ng kanilang pag-eensayo sa pagsasayaw ayon kay AJ. Nakatulong ang kakayahan ng mga miyembro partikular ng mga baguhan na pagsabayin ang pag-aaral at pagsasayaw na siyang binigyang-diin naman ni Samantha.

Pagtatanghal na may Puso - Bb. Yaguel Gayundin naman, hindi pahuhuli ang nagsilbing gabay ng Sinag DAnSci Company na ipinakita ang kaniyang suporta sa pamamagitan ng mga pagbibigay paalala sa mga dancers. Matatandaan na nagpakitang-gilas ang adviser nitong si Bb. Yaguel noong selebrasyon ng Buwan ng Wika noong Agosto matapos na sumayaw katuwang ang grupo.

Hindi maikukubli ng guro ang kaniyang pagkamangha sa mga nagiging tema, istorya at plano ng grupo, kabilang na ang isinasabuhay nilang teamwork, kakayahang makinig sa mga lider, at disiplina na ito namang lagi niyang ipinapaalala sa grupo sa tuwing sila ay may pagtatanghal. “Bawat performance na gagawin niyo, contest man ‘yan or it’s just a simple presentation, lagi niyong bigyan ng puso,” palaging paalala at mensahe ng guro. Umaasa ang guro na mabigyan pa ng pagkakataon ang dance troupe upang maipakita pa ang kanilang talento sa pagsayaw sa mga darating pang selebrasyon ng AnSci.

ALLAINE RICCI RAMOS

pagtuturo ang mga guro mula sa nauna nilang paaralan, nanatili pa ring bago para sa mga ito ang mga pangyayaring naganap sa selebrasyon sa ACNSTHS.

sa pagkayod at pagsakripisyo ang mga gurong hindi iniinda ang kapaguran makapaghanda lamang ng mga talakayang gagamitin sa pang-araw-araw sa silid-aralan.

ang mga emosyong nararamdaman, kasabay ng mga ‘di papatalong kalahok sa palarong kina gigiliwan at mga intermisyong labis na inaabangan. Tunay ngang ang karanasang ito ay kailanman hindi makalilimutan, hindi lamang ng mga mag-aaral, kundi pati ng mga titser na walang humpay sa pagsasakripisyo para lang makapagbigay ng aral na dadalhin ng bawat tinuturuan ng mga ito.

Sa pagsapit ng buwan ng Oktubre, ang paggugunita ng “National Teacher’s Day” ay isa sa pinakahinihintay na selebrasyon taon-taon. Kaya naman nito lamang ika-3 ng Oktubre, ginanap ito sa ACNSTHS sa tulong ng SSLG at SPTA na may temang “Wonderful Teachers: Inside Out”. Ibinida rito ang iba’t ibang emosyong makikita sa klasikong pelikula na “Inside Out” na sina Joy, Anger, Disgust, Fear, Sadness, at ang iba pang bagong emosyon na nagkokontrol sa damdamin at isip ng bida sa pelikula.

Mula sa mga malilikhaing yell ng bawat estudyante hanggang sa naglalakihang pigura ng mga guro ay napuno ng kasiyahan ang apat na sulok ng covered court, sapat upang maitatak ito sa puso’t isipan ng mga pangalawang magulang natin— ang ating mga guro. Matapos ang makabuluhang kaganapang ito, isang nakauusisang katanungan ang mabubuo sa ating isipan— anu-ano nga ba ang istoryang nababalot mula sa mga emosyong ito?

Babauning karanasan

Ang kaligayahang hatid ng Teacher’s Day para sa mga guro ay hindi lang isang mahalagang karanasan sa mga mayroong nang kasanayan sa pagtuturo, bagkus pati na rin mga baguhan pa lamang. Patunay rito sina Ma’am

“I’m very blessed to experience this kind of celebration”. Sagot ni Ma’am Vanessa na balot na balot ang katawan ng berdeng kulay bilang representasyon sa karakter na si Disgust. ”Habambuhay ko siyang babaunin for my first time here in AnSci, ani pa niya.

Nakable-bless naman daw kung ilalarawan ni Sir Sandy na may kapansin-pansing asul na kasuotan, ang event dahil kahit na bago pa lamang siya ay naramdaman niyang parte siya ng pagdiriwang na naganap.

Ipinakita nina Ma’am Vanessa at Sir Sandy na ang pagiging guro ay hindi lang basta pagtuturo at pag-aaral, ito rin ay ang pagpapahalaga sa bawat karanasan sa paglalakbay bilang isang guro at bilang isang magulang sa mga mag-aaral na kanilang tinuturuan.

SuPOURta

Sa bawat matagumpay na guro ay, siyempre, sa likod nito’y mayroong mga estudyanteng siksik, liglig, at umaapaw ang pagbibigay ng suporta. Kaya’t ang mga gabundok na gawain, samu’t saring papeles na kinakailangang ipasa, at isama mo pa ang mga mala-palengkeng klasrum sa kaingayan ay balewala lamang kung mayroong mga mag-aaral na aagapay at tutulong sa iyo sa pagkamit ng katagumpayan sa buhay. Isa na sa mga mag-aaral na ito ay ang ika-pitong baitang na estudyanteng si Efrain Felicisimo.

Nang tanungin kung paano nito naibigay ang suporta sa mga guro, sinabi ni Efrain na, “Nakiki-cheer po kami [kasama] iba’t ibang sections kapag umaakyat or na me-mention mga teachers namin.”

Ipinapakita nito na kahit sa simpleng aksyon, maraming puso na ang maaantig at magbibigay ng lakas ng loob para maipagpatuloy

BTS: Behind the success

Mahabang pasensya sa paggagawa at paghihintay sa proseso kasabay ng maraming oras na paggugol ang kakailanganin mong mapagdaanan upang makapagsagawa ng programang maayos at nakapagbibigay-saya sa mga tao, at lahat ng iyan ay nalampasan ng SSLG katuwang ang suportang nanggagaling sa mga opisyales ng SPTA. Sa pangunguna ng SSLG President na si Andrea Peñano at ng SPTA, kabilang ang vice president na si Mrs. Susan Miano, nag-iwan ng ngiti sa labi at mga emosyong tatatak sa puso ng mga guro ang programang kanilang pinamahalaan.

“Sobrang natutuwa ako kasi lumalabas na worth-it ‘yung bawat pagod, puyat, at perseverance ng bawat officers”, ani Andrea nang tanungin kung paano niya mailalarawan ang nadarama niya matapos ang matagumpay na programa. Dagdag pa nito, “Minake-sure namin na ready na ‘yung pag-setup sa court as well as pinili rin namin ‘yung simple lang pero bongga na designs”.

Nang tanungin naman si Mrs. Miano kung paano niya mailalarawan ang programa, sinabi nito na, “Ang sarap sa feeling at super nakaka-fulfilling,” dahil naging parte umano sila sa pagbibigay ng regalo at saya sa mga guro.

Para sa mga guro, ang alaalang nagmula sa Teacher’s Day Event ay karanasang babaunin. Para sa mga mag-aaral, isa itong suportang maibibigay sa mga guro. Para naman sa mga tao sa likod ng programa, sakripisyo ang kinakailangan. Lahat ng ito ay mahalaga at bawat isa’y may kaukulang gampanin upang tunay na maipamalas ang kagandahan para sa espesyal na araw ng mga kaguruan. Ating ipagpatuloy ang pagmamahal na ipinapakita natin sa ating mga guro dahil katulad ng mga aral na dadalhin natin panghabambuhay, tiyak ding aalalahanin nila ang kanilang mga anak na minsan nilang tinuruan— ang kanilang mga estudyante.

PATRICK BAYDO AT KRISTINE ISAAC

Travel Diaries: Ansciyang

Handa ka na ba sa today’s ganap natin? Mala “My day in life as a Science High School student” muna tayo ngayon. Ay, vloggerist yan? Mayroon tayong iba’t ibang destinasyon, excited na si ate mo, quick Antipolo tour muna tayo!

AnSci

“See you again Ma’am, thank you for teaching us. Mabuhay!”, alam ko namang atat na atat na tayong sambitin ang mga dumadagundong na linyang iyan dahil hudyat ito na tapos na ang klase natin para sa buong araw. Alas dos na ng hapon, “Finally, uwian na”, nakakapagod ba naman ang maging isang siyentipikong mag-aaral. Mababakas sa medyo haggard na mukhang ‘di na kinakaya ang school air at tambak na takdang-aralin pa, halatang uwing-uwi na tayong mga mag-aaral. Siyempre, bago isukbit ang ating bag, magsuklay muna ng ating buhok, at hindi pwedeng makalimutang mag-retouch para fresh naman at ready to go na ‘di ba. Pagtapos niyan, bababa na tayo ng tatlong palapag na hagdan. Kay gandang bungad naman ng mga mala-rosas at luntiang dahon sa gulayan. Shala talaga ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS), kapag gusto mong mag-reconnect sa kapaligiran, hindi lang bundok ang matatanaw mo kundi pati mga puno’t bulaklak kahit saan. Dami pang satsat, baba na tayo sa sakayan ng dyip dahil komyuter mode tayo ngayon.

Habang naglalakad tayo sa pababa papuntang sakayan, kagyat na sasalubong sa atin ang nakagugutom na amoy ng mga pritong street food at mga mag-aaral na may hawak na sorbetes na parang matutunaw na agad sa init ng panahon. May siomai rice pa na tila paboritong meryenda ng lahat, bili muna tayo at i-take out na natin dahil marami pa tayong pupuntahan. Sunod ay maingat na tatawid, sa dami ng estudyanteng nag-iintay sa sakayan, e-trike na lang ang sakyan natin papuntang gate 2 para mas mabilis na makaalis. Bye, Ansci! kitakits ulit bukas!

Gate 2

Grabe ang tirik ng araw kahit hapon na, parang tanghaling tapat lang. Bago tayo sumakay ng e-trike ulit paakyat ng simbahan, bili muna tayo ng prutas gaya ng mansanas sa mga bangketa dito sa gate 2. Mas mura kasi rito minsan ang benta kaysa sa ibang lugar, mukha namang sariwa at hinog na. Manamis-namis pambaon sa paaralan

kinabukasan. Marami namang hilera ng kainan dito, kahit kakakain ko palang, kumukulo ulit ang aking tiyan. Hindi rin papahuli sa mga street foods. Pero tara na’t magtungo sa sakayan at bumyahe na tayo pa-cloud 9. Bet ko kasing magmuni-muni sa overlooking. Habang umaandar pa ang traysikel, makinig muna tayo ng mga usong kanta sa aking playlist, at idlip muna saglit para puno ng energy mamaya.

Cloud 9

Pagbaba dito, akyat na tayo papunta sa entrance ng Cloud 9. Tatambad agad sa mga mata natin ang medyo matayog na hagdan, para ka nang nag-hiking. Kapag nagpunta kayo dito dapat talaga may dala kang tubig, hihingalin at mauuhaw ka agad. Mayroon sila ditong hanging bridge na may overlooking sa taas kapag tapos mong madaanan yung napakahabang tulay. Bayad muna tayo ng entrance fee nila, maiikutan natin muna ang museo ng Art Gallery kung saan masisilayan natin ang mga nakapintang kwadrado at artepakto. Sa hanging bridge naman, masusubok talaga ang fear of heights mo. ‘Di ko na kini-keri ha, umaalog pa yung tulay dahil sa mga nagtatawanan at nagbibiruang magtotropa. Kapag nakaabot ka na sa pinakatuktok, nandito mo na matatanaw ang overlooking na kay taas. Tamang-tama ito para sa mga magkakaibigan o tropa, pamilya, pati na mga magjowa na gustong mag-bonding at relaks. Marami ang kumukuha ng litrato, walang kasawaang selfie at groufie. Napaka-instagrammable naman kasi ng view, babalik-balikan mo talaga kung gusto mong magkaroon ng peace of mind.

May mga kandado at susi rin dito, pwede mong ayain ang espesyal na tao para sayo at magsisilbi itong pangako niyo sa isa’t isa, sanaol! Habang nakaupo at ini-enjoy ang tanawin, malakas ang signal, maaari kang mag-iskrol sa TikTok, i-update ang magulang o kaibigan mo, at mag-ml para naman sa mga mahilig maglaro. Kapag bumaba ka na mula dito sa taas, maraming kainan pangmeryenda sa food court nila. May mga kapehan pa sa mga paniguradong aantukin pag-uwi matapos magliwaliw dito. Matapos niyan, sakay na tayo ng traysikel pa-simbahan.

Simbahan

Lakad na tayo papunta Antipolo Cathedral. Kadalasan kapag nagsisimba, kapilya nalang ako nagpupunta na nasa labas ng simbahan kasama ang aking kaibigan. Hindi ko naman na kasi kayang magmisa pa ng

isang oras sapagkat hindi ako papeles na kailangan kong matapos now, dahil mabait tayo, sa katedral Madalang lang ang misa ng ganitong lang din naman ako. Magtungo Maria na nasa taas naman ng natin kapag dumudulog tayo ng ng hagdan ulit, pag napadpad kang magdasal nangg taimtim Pagbaba naman, may mga kandila ko pa noong mag-eeksam tayo tayo ng kandila rito para ipanalangin Sa paglabas ng simbahan, napakaraming kainan. Dumaan ng Victory Mall para bumili ng Sundae. Muntikan ko pang makaligtaan pasalubong na suman para sa itong kainin habang isinasawsaw Nakakita pa ako ng kasoy na kinahuhumalingan bunsong kapatid. Mabigat-bigat dadaan pa pala tayo ng Hinulugang sanang alamin kung bukas sila ko kasi sana masubukan ‘yung kasama yung pamilya ko sa Linggo.

Hinulugang Taktak

Naligaw ata ako kung dito kasi nahaharangan siya ng dito, mahahagip agad ng mata berdeng halamang nakapalibot kaaya-ayang nakahulma. Maraming mong akyatan at babaan para wall-climbing, may hanging bridge ang tabi-tabi, wala masyadong maraming nag-picnic na mag-anak. bawat paligid, kaya ito naman saan saan kahit pagtatanong lang iskedyul ang pinunta natin dito. swimming pool na andaming chikiting may ibang halatang simula umaga kasi ang init nga naman ng panahon. yung selpon ko kasi nawiwili tayong batang tuwang-tuwang maglaro Infairness ha! Parang ng renovation ang Hinulugang talaga ako? Hindi ko naabutan nakakahinayang kasi mukhang Napakahaba naman kasi ng pila,

ALLAINE RICCI RAMOS

Ansciyang maglakbay

pinatatahimik ng mga matapos sa paaralan. Pero, for katedral tayo pumasok. ganitong oras, kaya sumaglit Magtungo nalang tayo sa Birheng katedral, ito yung natatanaw ng misa sa ibaba. Aakyat tayo ka rito sa birhen, maaari taimtim at hawakan ang rebulto. kandila ba ibinibenta rito. Tanda tayo para sa UPCAT, nagsindi ipanalangin ang ating pagsusulit. simbahan, dagsa na naman ang Dumaan muna ako sa Mcdo sa tabi paborito kong apa ng makaligtaan na bumili ng aking lola at nanay, masarap isinasawsaw sa pulang asukal. kinahuhumalingan ng aking Mabigat-bigat na ang ating mga dala, Hinulugang Taktak kasi nais ko sila ng Sabado o Linggo. Gusto ‘yung spider web at wall-climbing Linggo.

kung na saan yung entrance ng mga pipol. Pagpasok natin mata natin yung talon at mga nakapalibot dito. May mga bato na Maraming hagdan ang kailangan mapunta sa spider web at bridge na pala dito. Malinis pa masyadong kalat kahit na mag-anak. Kabigha-bighani ang tayo umaaligid-aligid kung lang naman talaga ng dito. Nakadaan pa tayo sa chikiting ang nagtatampisaw, umaga pa babad kakalangoy panahon. Muntikan pa mabasa tayong pagmasdan ang mga maglaro sa tubig. Parang taun-taon nagkakaroon Taktak o sadyang OA lang ang spider web, mukhang masaya pa naman doon. pila, kala mo nakapila ka sa

concert na halos matatapos mo na yung buong araw, hindi mo sigurado kung abot ka pa sa cut-off. Kaya dumako na lang muna tayo sa may wall-climbing. Tinanong ko agad si ate na nagbabantay roon kung may mga patakaran ba, bawal pala roon ang naka-palda o shorts. Hindi pwede ang naka-tsinelas lang dapat sapatos talaga. Para kang nag-team building kapag bumisita ka dito. Medyo nakakatakot nga lang sa pag-climb kasi matarik na bandang taas, pero kung ikaw yung tipo ng tao na sporty, tingin ko go na go ka rito! Aakyat na ulit ako sa taas, saka na lang namin babalikan ito kasama na ang buong pamilya ko. Dadaan pa pala tayo ng Ynares kasi gusto ko sanang silipin kung bukas na ba ang peryahan doon.

Ynares Center

Nag-isang traysikel na tayo papunta dito, malapit lang naman pwede pa nga natin lakarin ito para dagdag ehersisyo na ‘di ba. Pagdating dito, hindi pa pala nalalagyan ng peryahan na mga rides at palaruan. Nakakapanibago, kasi tuwing BER months, nagbubukas na ang Ynares Center lalo na sa gabi para sa mga taong nais maglakwatsa. Siguro sa mga Disyembre pa sila maglalagay ng perya rito. Takbo nalang tayo para magtungo doon sa mga nanay, tatay, tito, at tita na nagzu-zumba. Mapapagiling at sayaw pa tayo sa pangmalakasang tugtugan nila. To the left, to the right ang mga steps, parang gusto kong makisali kaso pala wala akong dalang pamalit na damit kapag pinagpawisan ako. Hay, sabik na ulit akong bumalik dito sa Ynares. Kasi naman, Ynares day is allowance day, keme! Siyempre naman, ang saya lang balikan ng mga araw na kumukuha kami ng allowance na “dasurb” namin dito. When kaya ulit? Napag-isipan kong maglakad-lakad at mag-unwind na lang, malawak naman ang pook na ito. Maaari akong mag-ikot kung gugustuhin ko. Hindi na rin naman maalinsangan at mainit, pababa na ang araw. May nakita pa akong naglalako ng taho, nakaka-miss naman ito parang ang tagal na nung huli akong kumain nang ganito. Nilapitan ko na si manong at iniabot ang barya ko. Pinadagdagan ko ng ekstrang sago at arnibal para mas sumarap, mainit-init pa sa aking sikmura. Maya maya habang nilalasap ko pa ang pagkain ko, tumapik sa aking memorya, may summative test at PT nga pala kami kinabukasan! Pero dahil crammers tayo, may isa pa tayong dadaanan kasi parang lumalabas yung pagiging artistic ko bigla. Sakay na tayo ulit pa Pinto Arts Museum naman!

Pinto Arts Museum

Medyo liblib talaga yung traysikel papunta rito,

pero worth it naman iyan dahil maraming lugar dito yung pwede natin kuhanan ng larawan at i-post sa ating social media. “Ikaw ay tila sining sa museong ‘di naluluma”, ramdam mo talaga itong kanta na ito kapag gumala ka rito eh. May entrance fee nga lang pero may discount naman kapag estudyante ka. Estetik vibes talaga siya mga besh! Parang kahit saang anggulo ka kumuha ng larawan mo dito, pwedeng-pwede pang pfp o myday. Kapag pumasok naman tayo sa loob, may sari-saring kwadrado pati na eskultura. Kung mahilig ka talaga sa mga ganitong klase ng sining, para sa iyo ang pook na ito.

Teka, siyempre hindi ko papalagpasin ang oras na ito para mag-selfie pamalit ng dp ko! Napaka-vintage na moderno pa yung istilo ng mga struktura, perfect ito sa mga gustong mag-photoshoot pero hindi na gustong gumastos pa para sa mahal na lugar. Makakalimutan mo talaga yung mga takdang-aralin mo pag bumisita ka rito. Kailangan ko na pa lang umuwi, didiretso na ko sa terminal namin at mahaba na naman ang pila doon. Tunog nang tunog na ang aking selpon, pinapauwi na ako ng magulang ko. Gagabihin na kasi si ante mo kalalarga, baka hindi na ako pagbuksan ng pintuan nito sa bahay.

Terminal

#Danas talaga ang pila sa terminal namin ng sakayan ng traysikel dito sa Imall. Magkanda-kuba na nalang talaga tayo sa buhat nating bag sa pagpila natin dito, abot na hanggang labas ng mall yung pila. Makabili nga muna ng tusok-tusok na kwek-kwek at matamis na gulaman sa tabi para naman habang nasa pila ay may nginunguya tayo ‘di ba at hindi na umapoy ang ulo dahil sa inip. Ang mahalaga ay makasakay na tayo para naman makahiga na sa bahay. Sulit ang pawis at ngalay ng paa natin ngayon sa dami ng atraksiyon sa Antipolo kung saan tayo gumala. Swak na swak talaga ang bawat lugar na ito kung nais mong mag de-stress naman sa dami ng responsibilidad mula sa akademiks.

Hay, parang nabalewala lahat ng kinain ko dahil sa matinding lakaran natin ngayon. Not giving na, naubos na ang social battery natin. Kailangan ko na magpahinga at matulog nang maaga kasi may pasok na naman kinabukasan. Gusto ko na pumasok para may baon, este matuto! Self-care muna tayo ngayon kahit na maraming PT na kailangang ipasa, box box ka muna. Pakiramdam ko naman hindi lang ako ang nag-enjoy sa trip natin ngayon. Aminin, hindi buo ang Ansci life mo kapag hindi ka gumala sa labas pagkatapos ng klase mo! Deserve mo yan, gora na lezzgo tara!

Make a change, reinvent the future, because you are the future. Do more, be more.

Iilan lamang iyan sa mga makabagbag-damdaming mensaheng binitawan ni Ma’am Janice Maravilla, punungguro ng Antipolo City National Science and Technology High School, sa mga batang siyentipiko bilang pagbubukas ng Science Fair 2024 nitong Lunes, Setyembre 30.

Nakalilibang na pagkatuto ang pumangibabaw sa mga mag-aaral matapos ang isinagawang patimpalak.

“For example, yung mga model na ipinapakita sa booth, mayroon silang tangible material na pwedeng magamit. Aside from that, mayroon ding nagtuturo and nagbibigay ng extra information kaya nagiging advantage siya para sa mga kinesthetic learners ng AnSci.” maaliwalas sa mukhang ipinahayag ni Franchesca Sera, ingat-yaman ng naturang club. Sa patuloy na pagkalat ng maling impormasyon, mahalaga ang pagpapalaganap ng mapagkakatiwalaan at angkop na impormasyon sa mga kabataan. Kung kaya’t, katumbas din ng programang ito ang makapagbigay ng dagdag kaalaman para sa bawat mag-aaral ng ACNSTHS.

Binigyang-diin ito ni Ma’am Marie Leoneth Ileto sa kaniyang pahayag, “Awareness, ‘yan ‘yung pinakamahalaga sa lahat.” Dala nito ang kasangkapan ng agham at teknolohiya bilang agapay sa anumang hamon na ating kinahaharap sa buhay.

Bida Diyorama

Makulay, makatotohanan, at kamangha-mangha. Ganiyan kung ilarawan ang mga diyoramang ibinida ng mga mag-aaral mula ikasampung baitang. Tampok dito ang iilang kalamidad tulad ng

landslide o pagkaguho ng lupa, tsunami, pagsabog ng bulkan, at buhawi, na kadalasang sanhi sa kapahamakan ng buhay ng mga tao.

Hindi lamang kaalaman ang hatid ng mga naturang diyorama, bagkus naipakita rin ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain. Handog nito ang interaktibo at nakaaaliw na paraan ng pagkatuto upang mapalawak ang imahinasyon ng mga kapwa mag-aaral hinggil sa iba’t ibang uri ng kalamidad. Isinalaysay din ni Miguel Velarde, nagkamit ng unang pwesto sa may pinakamalikhaing diyorama, ang naging inspirasyon at proseso nila sa pagbuo nito. Aniya malaki ang gina mpanan at kontribusyon ng bawat miyembro sa pagsasaayos ng modelo. Hindi man nila inaasahan ang manalo dahil sa iilang kakulangan sa materyales, mas naging kapakipakinabang ang kaalamang kanilang naibahagi.

Wari’y isa itong tanda at mahalagang paalala na maging handa at alerto sa lahat ng pagkakataon, sapagkat ang sakuna ay walang pinipiling oras. Kung tutuusin, nasa atin din nakasalalay ang ating kaligtasan at ang mga modelong ito ay magiging gabay lamang upang maliwanagan ang ating isipan sa epektong dulot ng bawat kalamidad. Maliit man kung iisipin ang mga diyoramang ito, malaki naman ang kanilang gampanin.

Say’SAY’

Makabuluhan na talakayan, iyan naman ang hatid nina Ralph Lauren Abainza at Mark Anthony Aguilando, sa kagila-gilalas na pagtalakay sa pumapanahong isyung pangkalikasan. Bunsod ng pabago-bagong klima sa ating bansa, hindi madali para sa bawat isa ang mamuhay nang walang pangamba. Kung kaya’t malaking bagay ang ginampanan ng dalawa upang mabigyang-linaw at kaalaman ang mga mag-aaral sa kasalukuyang estado ng ating mundo.

Ibinahagi ng mga tagapagsalita ang usapin sa climate change, paglaganap ng microplastics, at mga pangunahing epekto nito sa ating kalikasan at kalusugan. Nilinaw din ni Abainza na ang Sierra Madre ay hindi nagpapahina ng bagyo taliwas sa karaniwang tingin ng mga tao rito. Maalwan ding ipinahiwatig at naghatid ng mensahe si Abainza sa mga simpleng paraan upang mapanatili natin ang ating kalikasan. “Let our acts for the environment be guided by science and genuine love.” sambit ni Abainza, bakas ang pag-asang nananalaytay sa bawat isipan ng mga mag-aaral.

‘SCI’pag

Sa likod ng bawat kaakit-akit na likha, naroroon ang maylikha. Hindi magiging matagumpay ang naturang patimpalak kung hindi dahil sa masisipag na miyembro ng Science Club. Marami mang dagok na dapat harapin at oras na kailangang gugulin, hindi natinag ang kanilang loob upang bigyang hustisya ang buwan ng Siyensiya.

Ipinaliwanag ni Nicole Anne Santos, presidente ng naturang club, ang mga suliraning kinaharap bago maaprubahan ang programa. “Yung naging pinaka-unang problem talaga namin is yung mga papeles, kasi andaming kailangang ilakad na papers in regards sa pagkuha ng date na pwedeng magconduct ng seminar and yung conflict na no disruption of classes.” ani Santos sa mga bagay na kanilang isinaalang-alang. Gayunpaman, napawi naman ang lahat ng paghihirap na ito matapos matunghayan ang maayos na takbo ng nasabing programa, gayundin ang kasiyahan at pag-unawang napulot ng mga batang siyentipiko. Pinatunayan nila na hindi edad ang batayan upang maibahagi ang kaalaman sapagkat ang pagkatuto ay hindi natatapos sa anumang kurso ng ating buhay.

JAYRUS JAMES OMBID

CHEM-PEON: Ang kemistri ng batang siyentipiko

Talino ang puhunan, kapnayan ang kasagutan.

Muling pinatunayan ng Antipolo City National Science and Technology High School na hindi sila padadaig sa naglalakihang mga eskwelahan matapos pagharian ang nagdaang 23rd Regional Chemistry Olympiad nitong Enero 25 na ginanap sa University of the Philippines Los Baños.

Hinirang bilang “Overall Champion” ang AnSci sa paglagda ni Patricia Mae Doctor ng ikalawang puwesto sa Essay Writing at ikatlong puwesto ni Erin Matro sa parehong kategorya. Nakapasok din si Abcdef Jay Cerda sa Top 20 at hinirang naman bilang Top 6 si Harvey Tortoza sa Chemistry Olympiad Regional Elimination. Nagmarka naman ang makukulay na mga sining nina Norainne Dela Paz at Ryan Jay Bongon sa Chem-In-Hue.

Hindi matatawaran ang husay at angking galing na patuloy na ipinamamalas ng mga batang siyentipiko pagdating sa iba’t ibang larangan. Patunay lamang ng dedikasyon at pagsusumikap na makapagbigay karangalan sa paaralan.

CHEMangha-manghang dunong

Para sa karamihan, isang malaking tinik sa lalamunan ang asignaturang Chemistry gawa ng mga kumplikadong termino at mahirap unawaing konsepto. Ngunit para sa mga matatalas na isipan nina Floyd Jhon Montaño, Abcdef Jay Cerda, at Harvey Tortoza, isa lamang itong pagsusulit na magdidikta sa kanilang kakayahan sa naturang larangan.

“The hardest part for me was the questions that we did not manage to review in the written exam” pagsisiwalat ni Montaño dahil sa matinding kakulangan sa araw ng preparasyon.

Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang mga natatanging mag-aaral na abutin ang kanilang hinahangad na tagumpay. Bagkus nagsilbi itong motibasyon upang lalong pagsumikapan ang naturang kompetisyon.

“Ang ginawa ko is nagreview lang ako ng mga concepts sa Physics since Chemistry is more like Applied Physics din naman. Nakatulong din ‘yun sa akin lalo na sa part ng Thermodynamics” paglalahad ni Cerda bilang kaniyang estratehiya bago ang kompetisyon.

Sa CHEMay ng manunulat

Hindi rin pahuhuli ang mga bihasang manunulat ng AnSci na sina Erin Matro, Editor-in-Chief ng publikasyong Pendulum Chronicle, at Patricia Mae Doctor, News Editor ng parehong publikasyon, sa pagsulat ng makabuluhang sanaysay kabalikat ang mga konsepto sa kapnayan.

Puhunan ng dalawa ang matagal na karanasan sa dyornalismo na siyang nagbigay-daan upang mabuksan ang pinto tungo sa tagumpay. Nagwagi ang sulatin ni Doctor na pinamagatang “Atom by Atom: Building Resilient Communities through Nanocomposites” bilang ikalawang pwesto sa pagtalakay ng mga tungkuling ginagampanan ng kapnayan sa ating lipunan.

PagCHEMalikhain

Kakaibang liwanag naman ang hatid nina Ryan Jay Bongon at Norainne Dela Paz matapos ibida ang kanilang mga nagniningning at makukulay na poster kaakibat ang temang ebolusyon ng medisina.

Ipinamalas ng dalawa ang malaking papel ng sining sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mundo ng kapnayan. Ang bawat kulay, hugis, imahe, at maging linya ay nagsisilbing simbolo ng malawak na representasyon ng maliliit na molekulang na patuloy na nagbibigay-buhay sa sangkatauhan.

“Ang art and chemistry ay konektado in many aspects. Pero for me pareho silang nagbibigay sa atin ng knowledge, efforts para sa mga bagay, responsibilities, at kasiyahan” sambit ni Bongon.

MGA NAGWAGING MAG-AARAL REGIONAL CHEMISTRY OLYMPIAD

1

TEAM ANSCI - OVERALL CHAMPION 23RD REGIONAL CHEMISTRY OLYMPIAD

PATRICIA DOCTOR 2ND PLACE, ESSAY WRITING

ERIN MATRO 3ND PLACE, ESSAY WRITING

ABCDEF CERDA 6TH PLACE, QUIZ BEE

HARVEY TORTOZA 6TH PLACE, QUIZ BEE

FLOYD MONTAÑO 6TH PLACE, QUIZ BEE

RYAN BONGON PARTICIPANT, CHEM-IN-HUE

NORAINNE DELA PAZ PARTICIPANT, CHEM-IN-HUE

SIR JOSHUA VALLEJO

MA’AM CORAZON ADRALES CALDERON

COACHES

PATRICK JOHN BAYDO 1 1

JAYRUS JAMES OMBID
ctto: Ma’am Corazon Adrales Calderon

SILID-ISIPAN

21st Century Learning Model Rooms, susi sa makabagong pagkatuto

inisimulan na ang pagsasaayos ng 21st Century Learning Model (CLEM) Rooms na nakatakdang itayo sa 3rd Floor New Ynares Building ng Antipolo City National Science and Technology High School sa mga susunod na buwan.

Sa pangunguna ni Jeza Mari Alejo-Galicia, gurong tagapangasiwa, masusing pinaghahandaan ang naturang mga silid sa tu-

long ng Department of Science and Technology (DOST) na magsisilbing malaking tulong para sa susunod na mga estudyante ng AnSci.

Maglalaman ang pasilidad ng mga teknolohiya gaya ng telebisyon na touch screen, mga lamesa’t upuan, wireless fidelity (Wi-Fi), at iba pang gadyet na makatutulong sa epektibong pagkatuto ng makabagong henerasyon.

Ang proyektong ito ay naglalayong mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral na mabisang maunawaan ang mga aralin sa

USAPING ISIPIN

tulong ng mga simulasyon, audio-visual na materyal, at teknikal na kagamitan.

“So itong CLEM Rooms ay para makapag-provide ng education na akma sa 21st century learning para sa ating 21st century learners” giit ni Alejo-Galicia.

Inaasahang magbubukas ang naturang proyekto sa taong panuruan 2025-2026, tangan ang layuning mapausbong ang kakayahan at talino ng AnScians pagdating sa modernong panahon ng edukasyon.

Teen Health Wellness Caravan, solusyon sa lumalalang usaping pangkalusugan

Pinangunahan ng Deped Antipolo Health and Nutrition Division ang Teen Health Wellness Caravan na naglalayong talakayin ang iba’t ibang usapin patungkol sa Mental Health, Sexually Transmitted Infections (STIs), at Teenage Pregnancy nitong Pebrero 19 sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) Covered Court.

Ayon sa datos na inilabas ni Dra. Mary Grace Dela Cruz, tinatayang nasa 126,378 na ang bilang ng kabuuang kaso ng HIV o human immunodefficiency virus mula Enero 1984 hanggang Disyembre 2023. Tatlumpung porsyento nito ay nanggagaling mula sa edad 15

hanggang 24 anyos na indibidwal.

Nilinaw din ni Dra. Cruz ang pagkakaiba ng HIV, tumutukoy sa virus na sumisira sa immune system ng isang tao, mula sa AIDS na malubhang impeksyong dulot ng HIV. Napapasa ang HIV mula sa apat na likido ng katawan gaya ng dugo, gatas ng ina, semilya, at hima.

“Prevention is better than cure, kaya habang mas maaga pa huwag tayong mahiya na magpa-test dahil hindi naman ito kabawasan ng ating pagkatao” paglilinaw ni Dra. Cruz bilang pag-anyaya sa isinagawang free HIV testing. Binigyang-liwanag naman ni Michael John Maestro ang usapin sa mental health na siyang isa sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang edad 15 - 29 taong gulang.

Aniya, hindi nahahalintulad ang sakit sa pag-iisip sa mga karaniwang karamdaman sapagkat kumplikado ang utak ng isang tao. Dagdag pa rito, hinimok ni Maestro ang mga mag-aaral na bigyang-pansin ang kanilang mga emosyon at nararamdaman dahil malaking bahagi ito ng buhay. Tinalakay naman niya ang mga paraan kung paano malalagpasan ang mga problemang dumarating habang tumatanda. Malaki ang papel ng ganitong uri ng mga talakayan lalo na sa kasalukuyang panahon gayong hindi nabibigyang-atensyon ang mental at sekswal na kalusugan ng mga kabataan. Patunay lamang ito na lumalago ang edukasyon hindi lamang sa loob ng paaralan ngunit pati na rin sa personal na buhay ng bawat indibidwal.

Litratong nakuha mula sa Facebook
JAYRUS JAMES OMBID
KIRBY PERALTA

54,843

Higit 118,000 na pamilya ang nakadependesa

54843 na mga jeepney na dumadaan sa 685 na ruta sa Maynila.

Sumakay ako sa Jeepney

~ *Beep* *Beep*

NOW PLAYING

SKalsada’ kung bansagan ng karamihan ang Public Utility Vehicle (PUV) na Jeepney na siyang nagsisilbing pangunahing transportasyon ng mga Pilipino. Tanyag sa kapasidad nitong magsakay ng humigit-kumulang 20 katao, magarbong disenyo, at humaharurot na makina, talaga namang patuloy itong tinatangkilik ng masa.

Subalit, sa pagsilang ng modernisasyon, iba’t ibang makabagong transportasyon ang patuloy na umuusbong at napauunlad. Isa na riyan ang Electric Tricycle, o mas kilala bilang e-Trike, na unti-unting umaani ng kasikatan partikular na sa mga estudyante ng Antipolo City National Science and Technology High School.

Kaakibat nito ang

pagtaas ng bilang sa produksyon ng mga e-Trike dahil sa kapasidad nitong magsakay ng tatlo hanggang siyam katao, sapat lamang para sa mga mag-aaral at pamilyang nagnanais makarating sa kani-kanilang destinasyon.

Ayon sa pag-aaral na nailimbag sa dyornal ng Scientific Research, sinasabing mas tahimik ang makina, mas mura ang gastos sa pagpapatakbo, at walang tailpipe emission ang mga e-Trike kumpara sa komersyal na mga jeepney.

Bagama’t mas malaki ang kapasidad ng mga naturang jeep, kinakailangan nito ng mahabang oras para mapunan ang mga pasahero, malaking kaibahan sa sistema ng mga e-Trike.

Inilahad ni Stephen Rey Luda, mag-aaral na komyuter sa higit apat na taon, ang kaniyang dahilan sa pagpili ng transportasyong sasakyan patungo sa paaralan. Wika niya, “Mas convenient kasi at mas comfortable sa e-Trike, despite having the same fare as jeep.”

Bagamat marami ang

nagsilipatan na sa paggamit ng e-Trike, kasabay na rin ng naging usapin sa Jeepney Phaseout, may mga iilan pa ring patuloy na tumatangkilik sa nananalaytay na ‘Hari ng Kalsada’.

“Kahit na marami na yung mga sumasakay sa e-Trike, mas pinipili ko pa rin sa Jeep kasi presko yung hangin ‘tsaka mas malawak ang espasyo.” giit ni Shamir Joseph Alejo, mag-aaral mula sa ika-12 baitang.

Kung susumahin, may kaniya-kaniya namang bentahe ang dalawang sasakyan na ito, at patunay lamang na patuloy na dumadaloy sa kulturang Pinoy ang pagiging maparaan at pagbuo ng mga kaiga-igayang solusyon sa nananatiling usapin sa transportasyon.

Sa kabila ng mga ito, nangingibabaw na kabuhayan para sa mga tsuper at nagsisilbing malaking biyaya para sa kanila ang bawat pasadang umaarangkada sa araw-araw. Teka, teka, baka ma-late ka na. Saan ka sasakay, Jeepney o e-Trike?

Proyektong PEERSpective, muling pinaigting

nilunsad muli ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) Research Club ang proyektong PEERSpective nitong ika-21 ng Oktubre, tunguhin ng inisyatibo na makatulong sa mga batang siyentipikong nananaliksik. Sa pangunguna ni Paolo Cabugoy, pangulo ng oragnisasyon, isinulong ang proyektong ito upang magbigay ng libreng research consultation sa agham, istatistika, at gramatikang pangnilalaman ng isang pananaliksik.

Aniya, “Ang goal ng PEERspective is matulungan yung students, especially with Grade 10.” Dagdag pa ng nasabing opisyales, isa sa mga balakid na kinaharap nila ay ang kakulangan sa oras sapagkat kapuwa estudyante rin ang nagbibigay ng suhestiyon. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa pagbalik ng proyekto dahil sa kabuuan ay nakatulong na ito sa 15 na estudyante.

Base kay Aliyah Paa, isa sa mga natulungan ng proyekto, ay nagsilbing gabay sa kanila ang mga suhestiyong naibigay ng nasabing Club sapagkat napunan nila ang mga “Research Gaps” na nakatulong sa kanilang pag-aaral na maging kuwalipikado sa kompetisyon, at kalaunan ay nanalo.

Samantala, bukas ang FB page ng Research club para sa mga katanungan at sa mga maglalagay ng manuskrito sa Google-forms hanggang katapusan ng taong panuruan 2024-2025.

Bunsod nito, ikinagagalak ng marami ang pagbabalik ng proyekto sa ACNSTHS at umaasang magiging tulay ito sa pagpapalawig ng interes ng AnScians sa pananaliksik at inobasyon.

PATRICK JOHN BAYDO

PInobasyong bigaTEEN: TUKLASin ang mga bagay na kakaOILba

ananaliksik na siksik sa kaalaman, ideyang kinamamanghaan, at tiyak na hindi ito isang kabulaanan. Mamamataan mo sila bilang mga siyentipikong kabataan, hindi lamang purong akademiko ang tinututukan, maging sa tagisan ng inobasyon ay masasabing palaban. Ang mga bagay na hindi naman gaanong pinag-iinteresan, ito pa pala ay makalilikha ng panibagong kagamitan.

Aakalain mong mga batikan na pagdating sa larangan ng riserts ang mga batang siyentipikong sina Gwyneth Apostol, Kurt Ocol, at Charline Ugali mula sa Antipolo City National Science and Technology High School matapos masamsam ang unang pwesto sa nagdaang Division Science and Technology Fair, Setyembre 2024.

Hindi na mapapakamot ng ulo’t maiinis sapagkat ang dating mantikang kay hirap linisin ay maaari mo na ring mapakinabangang panlinis kung iyong nanaisin.

Sa mundong puno ng pag siyensiya’t imbensyon ang kailangang Ang nag-umaapaw na pag – asang bagay ay mayroong pakinabang ang nag-udyok sa kanila upang maabot imposible na gumamit ng used oil bilang alternatibong sabon.

Sa unang yugto ng eksperimento, iba’t ibang mga kemikal, kagamitang panlaboratoryo, at mga uri ng mantika, ang kailangang

isaalang-alang upang mapaunlad ang naturang proyekto.

“Basically, nirepurpose ng research namin yung oil para maging sabon na magagamit as a liquid domestic cleaning agent through saponification, in layman’s term - mantika to sabon.” ani Gwen. Matrabaho, mahirap, ngunit masaya. Iyan ang paglalarawan ng karamihan sa asignaturang riserts. Walang duda na sa asignaturang ito’y nangangailangan ng mahabang pisi na siyang magbibigay daan sa pagkamit ng makatotohanang resulta’t impormasyon.

Ilan sa mga hamong kinaharap ng kanilang grupo ay ang mga gagamiting mantika at DOST testing. Isinalaysay ni Gwen ang mga balakid sa paghahanap ng gagamiting mantika. Subalit, sa pagiging maparaan at madiskarte agad nila itong nahanapan ng solusyon matapos

Samu’t saring emosyon ang siyang namutawi sa damdamin ng grupo matapos marinig ang kanilang mga pangalan bilang wagi sa kompetisyon. Malaking pasasalamat ang ipinahayag ng tatlo kay Ryan S. bay ng saliksik, dahil sa oras at

lamang na ang kabataan tanglaw ng kaalaman, at maaaring basta-bastahin sapagkat sila nga’y “teens” ngunit konsepto nila’y hindi nangbibitin.

Lagnat na pabigat, patuloy na kumakalat

Bumugso ang bilang ng mga estudyanteng nilalagnat sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) mula sa naitalang 20 kaso noong 2023 hanggang sa 53 kaso ngayong taon simula Agosto hanggang Oktubre.

Batay sa clinical records na nakalap ng Ang Tipolenyo, 8 sa 10 mag-aaral ang nakararanas ng lagnat habang 6 sa 10 mag-aaral naman ang nakararamdam ng sakit ng ulo; 2 sa 10

naman ang madalas na sumasakit ang tiyan na katulad ng iba pang karamdaman.

“Currently, ang madami ‘yang fever kasi puyat, pero dahil na rin sa panahon” ani G. Jerome Pascual, katuwang na gurong tagapagbantay sa clinic ng paaralan.

Dagdag naman ng mag-aaral mula sa ika-12 baitang, maraming workloads ang isa sa mga dahilan ng madalas na pagkakasakit niya at palagiang pagbisita sa clinic upang humingi ng gamot. Samantala, base sa

isinagawang pag-aaral ng University of Alberta, ang kakulangan sa sapat na tulog at pabago-bagong klima ay naghuhudyat sa kung tawagin ay pyrexia o lagnat, ito ang responsable sa pagtaas ng ating temperatura at pagsakit ng ulo’t katawan.

Pinayuhan naman ni Gng.

Ana Katrina Sagle, Teacher in Charge sa clinic, ang mga mag-aaral na ‘wag na pumasok kung masama ang pakiramdam at magkaroon ng healthy lifestyle gaya ng tamang oras sa pagtulog at pagkain ng mga masustansya.

8 SA 10

Ang nakararanas ng matinding lagnat.

6 sa 10

Pagsakit ng ulo

2 sa 10

Pagsakit ng tiyan

PATRICK JOHN BAYDO

PRECIOUS EUANNE ZARAGOZA
DHENRI PURA

SALIKSIK NG MABABAGSIK

Batch 7, bumida sa SRFC 2024 Research Competition

pinamalas ng mga mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang kanilang angking husay at talino sa pagsabak sa naganap na ‘SRFC 2024 Research Competition’ sa paaralan noong ika-12 hanggang 13 ng Setyembre.

Itinampok sa naturang kompetisyon ang iba’t ibang saliksik ng mga mag-aaral mula sa ika-11 baitang na nahahati sa dalawang kategorya; ’Physical Science’ at ‘Life Science’.

Ibinuhos ng mga mag-aaral ang kanilang matinding sikap at tiyaga upang makamit ang tropeyo na magiging simbolo ng kanilang husay at tagumpay. Ngunit sa likod ng

kanilang abot-langit na mga ngiti, hindi maikakaila ang matinding pagod, at hirap na kanilang kinaharap sa panahon ng kanilang paghahanda para sa kompetisyon.

“Kinailangan kong magsulat ng talaan ilang minuto bago magsimula ang programa. Ito ay sa kadahilanang nawala ang aking budget of work na kinakailangan bilang requirement. Hindi ko rin napaghandaan ang nasabing paligsahan dahil inaatupag ko ang aking mga gawaing pampaaralan.” saad ni Marleex Reyes, mananaliksik mula sa kategoryang ‘Life Science’. Napunta man sa bingit ng kawalan ng pag-asa, nagawa pa rin ni Reyes makipagbakbakan at masungkit ang unang pwesto sa kompetisyon.

Dagdag pa niya, hindi

inaasahan na siya ay mananalo sapagkat hindi sapat ang kaniyang nagawang preparasyon at siya mismo ay hindi pa handa. Ito ay nagpapatunay na ang tagumpay ay hindi basta-basta natatamo. Ito ay pinaghihirapan at pinaghahandaan.

Ayon naman kay Princess Cardino, mananaliksik mula sa kategoryang ‘Physical Science’, “Kasi inaya lang me noon nila Lea, and during that time, ang daming eme na need isama sa srfc eh marami rin us na school works, so like talagang krinam ko lang yung tarpaulin namin, tapos of course yung mismong preparation proper. Medyo nasa unahan us kaya talagang nakaka-panic, and then late pa me nagising so wala akong mahanap na damit.”

Dahil sa kakulangan sa preparasyon, ni-hindi pumasok

sa kaniyang isipan na sila ay may mapapanalunan, hindi lang dahil sa kanilang naging pagganap, kundi pati na sa mga naging komento ng mga hurado.

Sa kabila ng kaniyang naging ekspektasyon, nagawa pa nilang masungkit ang ikatlong pwesto sa kompetisyon na naghatid sa kaniya ng matinding pagkamangha.

Hindi man naging madali ang kanilang pagsabak sa kompetisyon, hindi sila nawalan ng pag-asa at patuloy na lumaban, at mas lalong hindi nagpatinag sa mga balakid na kanilang kinaharap. Nanaig sa kanilang loob ang determinasyon, tapang, at lakas na nagbigay daan sa kanila upang makamit ng kanilang ginintuang tropeyo.

TULDOK KONTRA DAGOK

Rabies Awareness Program, binigyang-lalim ng Antipolo LGU

IXAVIER QUEJADO

kinasa ng Antipolo City Local Government Unit (LGU) ang kanilang dagliang simposyum sa Antipolo City National Science and Technology High School kasabay ng pagdiriwang ng World Rabies Day noong ika-11 ng Setyembre, kung saan binigyang tanglaw ang kuryusidad ng mga batang siyentipiko hinggil sa sakit na ‘rabies’.

Tampok sa aktibidad ang usapin patungkol sa pinagmulan, dulot, at lunas ng naturang sakit na binigyang kahulugan ng beterinaryo

nakamamatay na sakit na nakukuha mula sa kagat ng mga hayop na may dala ng virus. Binigyang-diin na ang rabies ay maaaring makuha sa kagat ng hayop na mayroon nito.

Dagdag pa ng beterinaryo, tinatayang may humigit-kumulang 200 hanggang 300 katao ang binabawian ng buhay kada taon sa Pilipinas dahil sa rabies. Ito ay katumbas ng 1 tao kada araw.

“Maaari naman natin itong maiwasan kung may sapat na kaalaman ang bawat isa”, giit ng doktor.

Isinalaysay ni Dr. Cruz ang mga paraan na dapat nating gawin kung sakaling makagat ng hayop na may rabies. Ayon sa doktor,

nararapat na hugasan agad ang sugat sa loob ng 5-10 minuto upang matanggal ang laway na nailapat ng hayop. Mahalaga ring sumangguni sa pinakamalapit na ospital kung ito ay malubha.

Sa kabilang dako naman, binigyang diin ng doktor ang kaagapay nating batas kontra rabies.

“Meron din tayong batas para protektahan tayo laban sa rabies. Maaari nating kasuhan ang mga irresponsible pet owners na nagpapakawala ng kanilang mga alaga dahil nilalabag nila ang Anti-Rabies Act of 2007 Republic Act of 9482” ani niya.

Ang pagsulong ng kaalaman hinggil sa naturang isyu ay may mahalagang papel sa pagpapalawak at paghubog ng kaalaman at kaisipan ng mga mag-aaral. Bagamat may mga balakid na umusbong sa pagpa

PATRICK JOHN BAYDO

SLAC Session 2, pinaigting ang kaalaman sa Robotics

ALitratong nakuha mula sa Facebook ctto: Ma’am Leah Juntado

PATRICK JOHN BAYDO

JAYRUS JAMES OMBID

ktibong nakilahok ang mga guro mula sa Antipolo National Science and Technology High School sa pangunguna ni Louis Angelo Dorosan bilang pagsisimula ng ikalawang sesyon ng School Learning Action Cell (SLAC) nitong ika-13 ng Pebrero 2025 sa Senior High School ICT Room.

Layunin ng naturang programa na mapaunlad ang kakayahan ng mga guro sa paggamit ng makabagong teknolohiya partikular na ang robotics at starbooks, mga materyal na handog ng Department of Science and Technology (DOST).

Masiglang bumuo ang mga guro ng robot gamit lamang ang mga materyal na LEGO, isang Danish na kumpanya ng mga

Litratong

laruan, na paaandarin ng makinang tinataglay nito. Sa tulong ng LEGO Education SPIKE, makokontrol ang bawat galaw at distansyang tatahakin ng naturang robot base sa input code na nakaprograma. Ang SLAC ay bahagi ng K12 program na may layuning mapaunlad ang iba’t ibang estratehiya at paraan ng pagtuturo upang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa pamamagitan nito, makabubuo ng matatag na samahan sa pagitan ng mga guro na siyang susi sa mas maayos na komunikasyon.

Susundan pa ng dalawang sesyon ang nasabing programa na naglalayong mapaigting ang kakayahan ng mga guro sa pagtuturo, hatid ang kasanayang ipamamahagi sa mga mag-aaral ng AnSci.

Project SPEC3RA, tugon sa mababang kalidad ng lupa

JAYRUS JAMES

Makabago, mas mura, at tiyak na epektibo.

Iyan ang hatid ng imbensyong Project SPEC3RA ng mga mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School na sina Paolo Miguel Cabugoy, Erica Decena, Prince Skylee Mannag, at Joseph Johanne Jysuco sa nagdaang DOST-SEI 8th Imake Wemake sa Pasay City nitong Disyembre 16-20, 2024.

Ibinida ng mga naturang mag-aaral ang kanilang pananaliksik na pinamagatang

“SPEC3RA: Development of a Portable RGB-Arduino Sensing Device for the Detection

of Pb2+, Hg2+, and Cd2+ in Soil”, mas abot-kayang paraan sa pagsusuri ng mga kemikal na mayroon ang isang lupa.

Sa pamamagitan ng CQDs o carbon quantum dots, binubuo ng maliliit na carbon nanoparticles na may kakayahan itong maglabas ng liwanag base sa uri ng materyal na nakakasalamuha nito. Samantala, ang bawat liwanag ay nadidikta ng tiyak na kulay na siyang susi upang matukoy ang uri ng kemikal na mayroon ang isang lupa.

Makatutulong ang proyektong ito partikular na sa mga magsasaka, upang maiwasan ang tuluyang pagkasira ng kalidad ng kanilang mga lupain, at mabigyan ng maagang solusyon ang nananalaytay na problema.

“Our team believes that the first step

to prevention is detection. Hence, SPEC3RA offers an innovative solution to the continuous agricultural and industrial problems regarding their land areas.” giit ni Cabugoy ukol sa layunin ng kanilang proyekto.

Tunay na kamangha-mangha ang husay at talentong mayroon ang mga AnScians sa pagbuo ng mga makabagong solusyon sa patuloy na suliranin sa agrikultura at kapaligiran.

Nakatakdang magliwanag ang Project SPEC3RA sa paparating na Nationals ng DOST-SEI Imake Wemake sa Abril 2025, hangad ang pag-asang mag-uwi ng panibagong karangalan sa sintang paaralan.

OMBID
nakuha mula sa Facebook ctto: Ma’am Corazon Adrales Calderon

TEENovation: Nakamamanghang Saliksik ng AnScian

namayagpag tungo sa 2025 NSTF

Iwinagayway ng mananaliksik na si Marleex Reyes ang bandera ng Antipolo City National Science and Technology High School matapos masungkit ang unang pwesto sa Individual Category-Life Science sa katatapos na 2024 Regional Science and Technology Fair (RSTF) na ginanap sa Lungsod ng Lucena, Probinsya ng Quezon, noong ika-15 ng Nobyembre 2024.

Matatandaang nagwagi sa nakalipas na Division Science and Technology Fair (DSTF) si Reyes, dahilan upang mapili ng dibisyon ng Antipolo na maging kinatawan sa panrehiyunal na patimpalak. Alinsunod sa alituntunin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na palawigin ng Agham at Teknolohiya sa kabataan ay ginaganap ang taunang RSTF. Layunin ng kaganapan na tipunin ang mga piling mag-aaral ng CALABARZON upang ibahagi ang kanilang siyentipikong pananaliksik at makabuluhang inobasyon.

Bilang ambag sa tunguhing ito, nakabibilib na inirepresenta ni Marleex Reyes ang buong Lungsod ng Antipolo sa RSTF nang talakayin nito ang kaniyang pananaliksik na pinamagatang Extraction of Golden

Apple Snail (Pomacea canaliculata) Eggs as a Source of Dye for Cotton and Silk Fabrics. Tampok sa pag-aaral na ito ang potensyal ng sustainable at natural na tina sa textile industry sa pamamagitan ng paggamit ng bio-based dye, isinusulong ng saliksik na ito ang eco-friendly at locally sourced colorant.

Posible ang inobasyong ito sa proseso ng pagdurog sa itlog ng kuhol, paghalo ng Lye o lihiya sa animal cells, saka daragdagan ng

Ethanol at ilalagay sa Centrifuge upang mahiwalay ang tina sa mga latak. Matapos makuha ang pangkulay ay ibinabad ang mga telang cotton at silk, nilabhan at nilagyan ng Mordant. Dagdag pa riyan, sinuri ng mananaliksik ang bisa ng tina sa tulong ng Spectrophotometer na tumutukoy sa pagkupas ng kulay sa tela. Lumabas sa kaniyang pagsusuri na epektibo ang tina mula sa kuhol bilangbio-based textile colorant at pasado upang mailabas sa merkado.

Naniniwala ang mananaliksik sa magandang dulot ng kaniyang pagtuklas sa alternatibong pagkukunan ng tina. Ayon sa kaniya, malaki ang epekto nito sa agrikultura ng bansa dahil tinatanggal nito ang mga peste sa pananim, sa kabilang banda, maaari nitong palitan ang mga

nakukuha sa kaniya, kaya kapag ginawa nating may value-added yung problema, I think magbe-benefit tayo, hindi lang kasi natanggal, may naging purpose pa yung tinanggal.”

Bunsod ng makabuluhang pananaliksik ni Reyes, taas-noo niyang inuwi ang titulo ng Best Research Paper at napabilang sa mga kwalipikadong kandidato para sa 2025 National Science and Technology Fair (NSTF). Samantala, handa na muling makipagtagisan si Marleex para sa isa pang laban na kaniyang pinaghahandaan, ang DOST-RISE (Road to Innovative Science and Technology (S&T) Engagements). Bagamat hindi niya inaasahan at malaking surpresa ang pagkapanalo sa RSTF, sinisigurong gagalingan niya sa susunod na mga patimpalak. Matatandaang katuwang niya ang Department of Science and Technology - Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) sa pagsasagawa ng pag-aaral, kung saan supurtado siya sa ilalim ng programang Joint Research Undertaking (JRU). Dahil sa

saliksik. Sa kasalukuyan, patuloy na

Ibinahagi naman ni Reyes na base sa kasalukuyang datos na mayroon ang DOST, maituturing ang kaniyang saliksik bilang kauna-unahang animal-based pigment sa buong Pilipinas. Upang maselyuhan ang kaniyang ideya ay inaasikaso niya ang Utility Model nito, isang pansamantalang patent para sa mga school-based innovation study. Nag-iwan naman ng payo si Reyes sa kapwa AnScians at mga mananaliksik, “Maghanap ka ng problema na wala masyadong pumapansin, ‘wag ka lang maghanap ng solusyon, maghanap ka talaga ng problema na walang pang solusyon.” Sa huli, pinasasalamatan ni Marleex ang kaniyang gurong tagapayo na si G. Ryan Cabilleda para sa suporta. Nawa’y patuloy na umabante ang kabataang siyentipiko sa pagpapalalim ng pag-unawa at interes sa pagpapaunlad ng Agham at Teknolohiya upang magdulot ng mga inobasyong may mabuting kapakinabangan sa bansa.

DHENRI PURA

AGTEK

Umani ng papuri at parangal bilang best research at best prototype ang tatlong magkakaibang pananaliksik na isinagawa ng mga mag-aaral mula sa ikalabindalawang baitang ng mataas na paaralan ng Antipolo City Nationa Science and Technology High School. Matatandaang natapos ang research defense ng mga ito para sa kanilang asignaturang Inquiries, Investigation, and Immersion noong Nobyembre 2024, kung saan mabusising pinili ang tatlong makabuluhang saliksik sa buong senior high school.

Ayon sa gurong tagapayo ng mga mag-aaral, ang pagkilalang ito ay iginawad upang magbigay inspirasyon sa mga AnScians na palawakin ang kaalaman patungkol sa iba’t ibang usaping pang-agham at teknolohiya. Kung susuriin, lahat ng pag-aaral na tinalakay sa nasabing defense ay mayroong kapakinabangan, ngunit tatlo lamang ang umangat bilang natatanging research na mayroong malawak na problemang binibigyang pansin at may makabagong inobasyong handog.

Remedyong OregaKnow

Kapaki-pakinabang ang isinagawang pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa ikalabindalawang baitang ng Antipolo City National Science and Technology High School patungkol sa Molecular Docking ng mga Phytochemicals mula sa halamang Oregano na nagsilbing alternatibong bakuna laban sa rabis. Kinilala bilang best research study ang pag-aaral nina Paolo Miguel Cabugoy, Norraine Mae Dela Paz, Patricia Mae Doctor, Chantal Estareja, Marianne Magana, at Yohance Yeurika Solomon na pinamagatang Molecular Docking of Phytochemicals from

Oregano (Oreganum vulgare) against Glycoprotein G of Rabies Virus. Saad ng mga mananaliksik na naka tutulong ang Molecular Docking sa pagapapalawak ng Medical Research at pagtugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga namamatay dahil sa kagat ng hayop.

Naglalayon itong suriin ang bisa ng Phytochemicals ng Oregano sa pagpigil sa pagkalat ng sakit na dala ng rabis o kagat ng hayop. Pinagtutuunan ng kanilang saliksik ang In Silico o Bioinformatics research na gumagamit ng computational softwares sa pagsasagawa ng Molecular Docking techniques na nagbibigay daan sa paghanap ng natural at mas mura na alternatibo sa mga komersyal na gamot.

Ayon kay Paolo Cabugoy, bagamat mayroon nang ginagamit na mga bakuna para sa rabis, limitado lamang ang suplay nito. Aniya, “We have available vaccines, however, most of these vaccines ay import pa sa ibang bansa. Additionally, limited ang access sa treatment na ito, it does not reach people living from far areas. So, our study, it seeks to explore a natural and more accessible alternative for anti-viral treatment.”

Ang Bioinformatics ay isang pamamaraan ng pag-predict sa interaksyon ng mga protein ng Oregano at ng rabies virus gamit ang mga online molecular docking softwares tulad ng AutoDock Vina, UCSF Chimera, at Protein Data Bank na nagpapakita ng 3D structure ng mga kinakailangang protein tulad ng Glycoprotein G mula sa rabis at Ligands mula sa oregano. Ginagawa nitong mas mabilis ang pag-aaral sa epekto ng Phytochemicals ng oregano sa protein ng rabis. Bilang paglilinaw, binahagi ni Cabugoy ang proseso, “Tinest yung

molecules. So yung binding affinity, investigates the strength of the interaction, so the more negative yung binding affinity the more na naging effective yung interaction nila together. So, doon nai-indicate yung effectiveness ng isang Ligand at Protein.”

Lumabas sa pag-aaral nila na epektibo ang Phytochemicals ng Oregano laban sa rabis at maaaring maging alternatibo sa mga komersyal na bakuna. Sinabi naman ni Cabugoy na para sa susunod na hakbang ng kanilang pananaliksik, mainam na maisagawa at mabigyang-bisa ito sa laboratoryo upang mapagtibay ang kanilang mga resulta. Payo naman ng kanilang grupo sa kapwa mag-aaral na maging bukas sa iba’t ibang paraan ng pagsasagawa ng research tulad na lamang sa kanila kung saan hindi ito inaral sa isang laboratoryo kun’di gamit lamang ang mga online softwares. Dagdag pa nila, patuloy na maging mausisa at magkaroon ng pasensya sa pagsasagawa ng pag-aaral.

BAHAntay sa problemang TuBIG Matagumpay ang isinagwang pag-aaral nina John Reyme P. Gardose, Hazel Raine G. Gella, Karyl Alexandra C. Ipac, at Valerie S. Paghunasan na may pamagat na

Development and Optimization of Smart Flood Detection and Alarm System for Residential Application na nakatutulong sa pagbibigay babala sa mga residente kaugnay ng posibleng pagbaha.

Nagpamalas ng husay at talino ang mga mananaliksik nang itanghal ang kanilang reserach bilang best prototype. Ayon sa lider ng grupo, Valerie Paghunusan, gumagamit ang kanilang prototype ng Arduino UNO, ultrasonic sensor, GSM SIM900 module, at Iot-based flood detection technology upang subaybayan ang lebel ng tubig at magpadala ng SMS alerts.

Binigyang diin ni Paghunasan ang kahalagahan ng ganitong uri ng mga pag-aaral sa kahandaan ng mga Pilipino sa mga sakuna tulad ng baha. Aniya, “We all know naman na Philippines is highly susceptible to severe and frequent flooding. Kaya we wanted to develop a system that will alert households and authorities for potential flooding, enabling the setting of appropriate alarms. By developing an affordable and accessible flood detection system, this study contributes to disaster preparedness and risk reduction in flood-prone areas.”

Samantala, naging inspirasyon naman ni Paghunasan sa pagpili sa paksang ito ang isang artikulong nabasa niya na nagpapakita ng malawakang pagbaha sa Antipolo bagamat ito’y nasa mataas na parte ng Pilipinas, at ang kawalan ng kahandaan ng mga tao sa pangyayaring ito. Nabanggit, din niya na malaki ang benepisyo ng ganitong uri ng inobasyon sa mga kabahayan, Local Government Units, at sa disaster management agencies na makapagbibigay ng mas mura, low-power, energy-efficient, at agaraang flood warning system.

Kasalukuyan nilang ipinagpapatuloy ang research na ito upang mas palaguin

ang kaalaman patungkol sa flood detection at automatic disaster alarms.

Solusyong INKcredible

Isang makabagong hakbang sa larangan ng electronics ang saliksik na isinagawa nina Dhenri Fathma Nicole Pura, Chloui Ybanez, Jasmine Joi Ayala, Lei Reign Montemayor, at Kilmer Sernal na may pamagat na Feasibility of Conductive Ink as a Replacement for Traditional Wiring: A Study on Inklectricity, isang uri ng research na puma pailalim sa materials science at printed electronics.

Inuwi nila ang pangalawang titulo para sa best research dahil sa kamangha-manghang inobosyan patungkol sa paggamit ng Carbon-based conductive ink bilang alternatibong conductor ng kuryente sa mga kagamitang pambahay. Layunin ng nasabing pag-aaral na gawing wireless ang mga kagamitan tulad ng electricfan, kung saan hindi nito kailangan dumepende sa enerhiya mula sa mga saksakan, bagkus gagamit ito ng Lithium Ion (Li-Ion) battery bilang pangunahing power source na siya namang dadaloy sa ink upang paganahin ang anumang household appliances.

Ayon kay Dhenri Pura, mataas na bill sa kuryente, kawalan ng sapat na pinagkukunang enerhiya, at mataas na greenhouse gas emission ang nag-udyok sa kanilang grupo na aralin ang potensyal ng conductive ink. Pahayag ni Pura, “First of all, malaki yung issue regarding power outages and capacity reduction due to minimal power plants na nagle-lead sa low generation capacity and rise in electrical rates while contributing sa greenhouse gas emission. Now, with these concerns, I think mahalaga na mabigyang pansin yung topic ng printable electronics lalo na yung use ng con-

ductive inks as a substitute for electrical wires. It is important kasi it serves as a stepping stone in addressing multiple problems with regards to power generation and supply.”

Gumagana ang kanilang prototype sa pamamagitan ng pagkonekta sa Li-ion battery ng ink na naka-print sa acrylic board, mula rito, dadaloy ang enerhiya sa ink patungo sa DC fans. Natuklasan sa pananaliksik na epektibo ito at maaaring maging pamalit sa mga copper wirings. Malaki ang maitutulong ng kaalamang ito sa pagpapababa ng bayarin sa kuryente at pagsisiguro ng sapat na suplay ng kuryente. Isang nakatutuwang impormasyon, ang nasabing pag-aaral na isinagawa ng mga mag-aaral mula sa ACNSTHS ay ang ikalawang pag-aaral pa lamang sa Pilipinas na pumapatungkol sa printed electronics. Saad ng mga mananaliksik, hindi pa gaanong pinag-aaralan ang paksang ito sa bansa at wala gaanong kagamitang makatutulong sa pagsasagawa ng kanilang pag-aaral, kaya naman malaking pagsubok ang maisakatuparan ang inobasyong ito. Bilang pagtugon sa kakulangan sa pasilidad at materyales, ginawa ng mga mananaliksik na mas simple ang modelo ng kanilang prototype at binaling ang tuon ng pag-aaral sa kakayanan lamang ng ink na maging conductor ng kuryente.

Pahayag ni Pura para sa kapwa mananaliksik, “Don’t be afraid to explore topics na hindi pa masyadong kilala sa Pilipinas, kasi you might be a pioneer, pero more than that, always aim to assist for the betterment ng bansa mo, sometimes great solutions comes from things na hindi naman binibigyang pansinresearch can help people, Sa kasalukuyan, umaasa ang mga mananaliksik sa posibilidad ng Joint Research Undertaking upang magkaroon ng katuwang sa malaking pondo na kailangan sa pagpapatuloy ng pag-aaral at nawa’y pumukaw ito ng interes ng kabataan na aralin ang lumalaking larangan ng printed electronics sa bansa.

LIBRENG LIBRO. Ibinida ng guro na si Louis Angelo Dorosan, 27, ang “Science & Technology Academic and Research-Based Openly-Operated Kiosks” o “STARBOOK” nitong tanghali ng ika-29 ng Oktubre sa Antipolo City National Science and Technology High School. Aniya inilaan ng Department of Science and Technology (DOST) ang kiosks para sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral

DOST-Starbooks App, pang-level up na

nanunsyo ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) Youth for the Environment in Schools-Organization (YES-O Club) na maaari nang magamit ang DOST-Starbooks, ang unang digital Science library ng Pilipinas na binuo ng Department of Science and Technology (DOST) Information Institute.

Tatlo sa mga kompyuter sa Senior Highschool ICT Lab ng AnSci ang nilagyan na ng

Starbooks Application.

Sa tulong ng DOST-Starbooks, magkakaroon na ng access sa libu-libong siyentipikong mga artikulo at mapagkukunang teksto, audio, at visual na mga format ang mga AnScians na magagamit sa mas pinabilis na pagkatuto.

“Ngayon, magkakaroon ng expansion para magamit ng lahat ng students and teachers from the different parts of the school.

Halimbawa yung nasa kabilang building, even though na ang pinaka-main Starbooks access ay nandun lang sa senior high school ICT, makaka-access din sila sa iba

pang lugar sa school, so through expansion magkakaroon ng WiFi,” wika ni Gng. Juntado, guro sa agham ng ACNSTHS.

Dagdag pa ng guro, mas inaanyayahan na gamitin ang Starbooks sa paaralan sapagkat nakatutulong ito sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga batang siyentipiko at napadadali ang mga talakayan dahil sa microlearning PowerPoints at mga Quiz nito na maaaring gamitin nang libre.

“Magkakaroon ng WiFi access sa Starbooks para ma-maintain at magamit talaga and then maintenance ng tatlong

computers kasi tatlo ‘yan eh, so kapag nasira o na-virusan, tendency mababawasan ng computer na may Starbooks,” dagdag ng guro.

Paalala naman ni Gng. Juntado, kailangang ingatan ang nasabing mga computers upang hindi masira at maiwasan ang virus na siyang pumipinsala sa mga DOST materials na nakatalaga rito. Talagang makabago na at patuloy na umuunlad ang pamamaraan upang mapagyabong ang edukasyon para sa mga batang siyentipikong patuloy na lumelebel up.

Busog sa kaalaman, salat sa kalusugan

Sigaw ng sikmurang walang laman, gutom kaya ay mapupunan?

Hingang malalim, sabay samyuin ang malinamnam na amoy ng iba’t ibang putaheng nakakapanghalina sa bibig. Subalit, sa bawat paglasap ng pagkaing nakatatakam ay may mga tiyang kumakalam dahil ang kantinang tugon sa gutom ay walang maihandog sa platong dumudulog ng sustansya’t aksyon.

Batay sa 2024 Global Hunger Index, 5.9% ng mga kabataan ang kulang sa nutrisyon, kabilang sa bahagdang nabanggit ang 107 na mag-aaral ng Antipolo City National Science and Technology High School. Bunsod nito, ang Department of Education (DepEd), gumawa ng hakbang upang matugunan ang

pangangailangang ito, kung kaya’t kasama sa mandato ang implementasyon sa mga pampublikong paaralan ng School-Based Feeding Program.

Saad ni Gng. Maria Leoneth Ileto, teacher-in-charge sa kantina, “‘Kailangan ng canteen ay ma-support ang needs ng bata, although suntok sa buwan, isipin niyo hindi kumikita tapos kailangang magsuporta. Anong maibibigay namin kung walang sumusuporta?” Isang dekada na ang nakalipas ngunit hapo’t gipit pa rin ang AnSci pagdating sa usaping kalusugan, sapagkat ang dapat na solusyon sa problema ay tila kalbaryo para sa paaralan. Dagdag pa nito, balakid ang kakapusan sa pondo ng kantina sa pagsasakatuparan ng feeding program lalo’t hindi saklaw ng proyekto ng gobyerno ang mga

pampublikong paaralang pansekondarya, sa halip ang salaping nagpapatakbo sa inisyatibo ng gobyerno ay nagmumula sa bulsa ng AnScians mismo.

Salat man sa budget ay nag-uumapaw sa kawanggawa at pag-alalay ang mga magulang na nagbigay tanglaw sa 14 na AnScians na nabigyang suporta sa nutrisyon. Hangad naman ni Gng. Ileto na dumagsa pa ang tulong mula sa mga stakeholders upang matugunan ang lumalalang bilang, at tunay na maging lugar ang katina ng sustanya’t pag-asa. Kaya sa bawat langhap ng pagkaing nakatatakam, sana malasap ng gobyerno ang kalam ng sikmura ng mga batang gutom sa suporta’t agapay nang mabigyang-pansin at matulungang mabusog di lamang ang kanilang kaalaman bagkus pati ang kanilang kalamnan.

sa paaralan. ni Kristine Isaac
KRISTINE ISAAC
DHENRI PURA

TUTUKAN NATIN

Kahit pa may mapanlinlang, walang maloloko kung hindi tayo magpapaloko.

BAGSIK

Nilikhang mapanlinlang

igit pa sa pagnanakaw ang lantarang pandurugas ng Artificial Intelligence (AI) na may kakayahang manipulahin ang anumang litrato sa loob lamang ng ilang segundo. Nabubuo ang ‘AI-generated images’ mula sa milyon-milyong litratong isinasalpak sa mga computer machines na siyang nagsisilbing dataset o basehan ng AI upang lumikha ng isang panibagong imahe.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagkapanalo ng isang digital art na ginamitan ng AI sa isang malawakang kompetisyong pinamagatang “Disenyo Ng Liwanag At Pag-Asa” na pinangunahan ng Cagayan 1 Electric Cooperative Inc. (CAGELCO 1), Setyembre 2024.

Umani ito ng kaliwat kanang batikos mula sa mga netizens matapos ang ‘di umano’y hindi patas at nakasusukang regulasyon ng naturang kompetisyon.

Sa totoo lang, isa itong malaking sampal para sa mga tunay na alagad ng sining na ibinubuhos ang kanilang isang daang porsyento ng pagsisikap, makabuo lamang ng obra maestrang nagpapahayag ng malikhaing damdamin.

Labis akong nababahala sa kung ano pang maaaring marating ng AI sa paglipas ng panahon, gayong unti-unti nang nabubura’t napapalitan ang gawain ng bawat indibidwal sa ating lipunan.

Sa datos na inilabas ng Everypixel

KOMENTARYO

Gawang pinoy

Kahit pa tapalan ng libu-libong solusyon para sa mga kalamidad na umaagrabyado sa mga Pilipino, sisingaw at sisingaw pa rin ang baho sa tunay na aksyong ginagawa ng mga mamamayan. Sa dinami-rami ng produktong lokal, nakakukulo ng dugo na kalamidad pa ang gawa ng tao na buong bansa ang maaapektuhan.

Journal, tinatayang nasa 15 bilyong AI art na ang nailikha gamit ang iba’t ibang software tulad ng Stable Diffusion, Adobe Firefly, Midjourney, at DALLE-2, sa loob lamang ng isa’t kalahating taon. Sa kabila nito, tila wala man lang reglamento ang ipinapatupad upang limitahan ang aplikasyon ng AI lalong lalo na sa larangan ng sining at literatura na siyang nakabase sa malayang ekspresyon ng isang indibidwal.

Kung tutuusin, hindi na bago ang ganitong usapin sa kasalukuyang panahon sapagkat patuloy na isinasawalang bahala lamang ng mga nasa posisyon ang kakayahan na mayroon ang AI. Isang malaking kabalintunaan na ang inaasahang solusyon sa mga napapanahong suliranin ang siya pang nagdudulot ng malaking problemang naka-aagrabyado sa malikhaing mundo ng sining.

Ngayong patuloy ang pag-unlad ng mapanlinlang na AI, nararapat na rin sigurong magkaroon ng limitasyon at hangganan sa kung saan ito maaaring gamitin. Sapagkat gaano pa man ka-high tech ang makabagong teknolohiya sa ating industriya, kailanma’y hindi nito matatakpan at maitatago ang malaking dungis na bahid ng AI sa mga propesyonal na alagad ng sining. Maging mapagmatyag nawa ang bawat isa sa pagbabalatkayo ng madayang impostor na sumisira sa disenyo ng liwanag at pag-asa ng sangkatauhan.

Habang natural na aspeto ng kalikasan ang mga bagyo, hindi natin maikakailang mas pinalala ito ng kapabayaan ng tao. Patuloy ang pagsusunog ng fossil fuels, walang humpay na deforestation, at walang habas na pagtatapon ng basura. Lahat ng ito ay nagpapalala sa greenhouse gases na nagiging sanhi ng global warming at pag-init ng ating mga karagatan. Dahil dito, mas nagiging matindi at malakas ang mga bagyong sumasalanta sa atin. Bagamat ang Pilipinas ay isang maliit na contributor sa global emissions, tayo ang nasa frontline ng mga epekto ng climate change—at kasama ang Bagyong Kristine sa paalala ng tunay na epekto nito.

Ang masakit ay hindi tayo makaligtas sa ganitong panganib dahil sa mga bansang may malalaking industrial emissions. Sila ang higit na may responsibilidad, ngunit ang Pilipinas, na nasa tinatawag na “Typhoon Belt,” ang labis na naaapektuhan. Kaya’t kinakailangang paigtingin natin ang mga hakbang para mabawasan ang epekto ng climate change: ang pagtatanim ng puno, ang paggamit ng renewable energy, at ang pagkakaroon ng malawakang edukasyon sa climate action. Kasama rin dito ang pagtaguyod ng sustainable na mga programa mula sa pamahalaan, sapagkat ang laban sa climate change ay hindi magagawa ng isang tao lang.

Bilang isang Pilipino, nakadidiring maging parte ng isang bansang puno ng mga taong dumagdag sa unos ng buhay ng kapwa nila Pilipino. Nakaririnding marinig na nakakandarapa na sa pagmamakaawa ang mga mamamayang ito gayong sila naman ang tunay na may sala. Ang tunay na salarin na siyang walang habas na may gawa ay hindi ang kalikasan, bagkus ang mga Pinoy.

Jayrus Ombid, lalarga sa City Meet para sa ikatlong pagkakataon maglakbay

ulad ng mga piyesa sa chess, patuloy lamang na umaabante sa laro ng buhay si Jayrus Ombid. Ngunit nariyan ang ganti ng kaniyang mga balakid na pumipigil para mapadpad siya sa kaniyang inaasam na destinasyon.

Napasakamay ni Ombid ang ikalawang pwesto sa Classical Chess matapos magtala ng 4-1 na score sa idinaraos na Unit Meet 2024 nitong ika-18 at 19 ng Setyembre sa Inuman Elementary School, sapat upang makausad sa City Meet para sa ikatlo at huling pagkakataon.

Nangibabaw si Ombid sa chess sa unit level mula 2022 na nagresulta sa tatlong taong sunod-sunod na pasaporte tungo sa City Meet at hanggang RAAM nitong taon.

“Siguro pinakamahalagang bagay kung bakit ko na-maintain yung consistency ng pagkapanalo ay dahil sa passion na mayroon ako sa laro,” masagana niyang saad.

Sa likod ng pagkapanalong ito ay ang pagkasadlak ng silakbo ng damdamin mula sa pagiging three-time City Meet qualifier ni Ombid.

“Hindi na ganoon kataas ‘yong level ng motivation ko na lumaban unlike last year na nandoon ‘yong gigil kong manalo at makapasok sa RAAM.”

Isa pang malaking salik na nakaaapekto kay Ombid ay ang pagkawala ng kontrol sa mga piyesa sa kaniyang buhay.

“Malaking challenge sa ‘kin ‘yong pag-manage ng time ko as a student-athlete,” ani Ombid, “Both ng parents ko nagtatrabaho abroad, ako ‘yong kailangang kumilos sa mga gawaing bahay and ‘yon ‘yong dahilan minsan kung bakit hindi ako nakakapag-focus sa trainings,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng mga balakid na ito ay hindi pa rin nawala ang pagtanaw ni Ombid sa hinaharap.

“Ang vision ko lang talaga for my last year is makatungtong ulit ng RAAM,” umaasa niyang ani.

Touch move at wala nang atrasan si Ombid mula sa larong kaniyang tinahak habang tinatanaw ang endgame ng kaniyang karera.

nang kamandag, nakamamatay agad.

Kumubra ng unang karangalan sa major sports ang Hebi no Kyu matapos nitong sumandig sa pananalasa ni Xander Libao kontra kay Albrix Reyes ng Koi no Kyu, 31-21 sa katatapos lamang na 2024 Intramurals Men’s Badminton Singles Finals na ginanap sa Antipolo City National Science and Technology High School, ika-12 ng Oktubre.

Humataw si Libao ng sampung smash at dalawang lift upang maiabante ang talaang 21-10 sa pagpasok ng change court.

Sinelyuhan na ito ng manlalaro mula sa ika-pitong baitang matapos nitong kumamada ng pitong magkakasunod na smash upang ibaon si Reyes sa 31-21 na pagkalugmok.

“Talagang c inapitalized ko lang po yung space sa laro, kasi kitang kita ko pong kaya kong pahabulin si kuya at malayo rin po ang agwat namin sa power at footwork”, bulalas ni Libao.

“Mamarkahan itong pagkapanalong ito bilang unang kampeonato ng Hebi no Kyu sa major sports ng Intrams na sinundan naman ng kanilang kampeonato sa Men’s Basketball 5V5.

PATRICK BAYDO

BAGYO. Ipinamalas ni John Reyme Gardose, kapitan ng Kaminari No Kokyu’ dodgeball team, ang kanyang malakidlat na pagbato ng bola na walang mintis na tumama sa kanyang mga kinalabang koponan, kasama ang Kaminari No Kokyu nitong Intramurals 2024 na ginanap sa tapat ng Old Ynares Building, kahit na ang puwesto ng kompetisyon ay naging maputik dulot ng malakas ng ulan.

PKaminari No Kokyu kinidlatan ang Koi No Kokyu, 3-0 RAIN OR SHINE

semento, para sa unang panalo, 1-0.

inasadahan ng Kaminari No Kokyu ang Koi No Kokyu matapos ang dominanteng bakbakan sa Intramurals 2024 na ginanap noong Oktubre 11, 2024 sa naturang paaralan, 3-0.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan, walang kasing init na laban ang ipinakita ng Kaminari matapos isa-isang pabagsakin ang mga manlalaro ng Koi sa maputik at madulas na

Nagpakitang-gilas ang mga miyembro ng Kaminari sa pamamagitan ng malalakas na throws at magaling na pag-iwas, dahilan para kunin ang second game.

Inilugmok sa putikan ng Kaminari ang Koi na parang basang sisiw sa field at tinapos ang laban sa iskor na 3-0.

Ani Reyme Gardose, kapitan ng Kaminari, “Isa sa mga naging susi sa tagumpay ng aming team ay ang karanasan ng bawat

2024 Intrams Mix Badminton: Mushi, hinagupit ang Kaminari; Unang kampyonato sa major sports, sinelyuhan

Lilang unang kumubli.

Trinangkuhan ni Monico Barnuevo at Yunah Baltazar ang kauna-unahang ginto ng Mushi no Ko Kyu sa larangan ng major sports matapos nitong kalusin si Gabriel Cuenco at JamiCasauay ng Kaminari no Kyu, 31-16 sa katatapos lamang na 2024 Intramurals Mix Badminton Finals na ginanap sa Antipolo City National Science and Technology High School, ika-12 ng Oktubre.

Umalagwa ang tandem ng kulay lilang Mushi matapos nitong humataw ng sunod-sunod na smash upang hindi na muling makabangon pa ang Kaminari at tuluyang mapako sa 16-31 kabiguan.

“Bilang isang singles player, hindi ako nahirapan sa chemistry since lagi ko namang

kasama yung kapartner na varsity din. Hindi na mahirap magadjust since lagi na kaming naglalaro”, bulalas ng single’s varsity na si Barnuevo.

Dagdag pa niyang mas nagamit niya ang kanyang karanasan upang mas humanap ng mga butas para sa mga smash na nagresulta sa puntos at pagkabigo ng Kaminari.

“Wala nang masyadong adjustments , since lagi namang kaming naglalaro sa loob ng 3 years”, ani naman ni Baltazar.

miyembro sa dodgeball. Dahil karamihan sa amin ay Grade 12, pamilyar na kami sa mga tamang estratehiya upang manalo dahil matagal na rin namin itong nilalaro. “

Dagdag pa niya, “Ang isa pang dahilan ay ang aming matinding hangarin na manalo.” Nakatamo ng 1,000 puntos ang Kaminari No Kokyu sa kanilang pagkapanalo sa American Dodgeball Finals matapos itanghal na

Mamarkahan ang karangalan ito ng balwarteng Mushi bilang una sa apat na isports na nagngangalang Basketball, Badminton, Volleyball at Dodgeball.

NICO CLORES
PATRICK BAYDO
FRANCIS PAZ

PINaKahuling Segundo: Koi No Kokyu, sumikwat

ng kampeonato mula sa Kaminari No Kokyu sa Women’s Basketball 3x3

Finals; 13-12

BSHAMIR JOSEPH ALEJO

awat segundo ay mahalaga.

Binarikadahan ng Koi ang kampeonato kontra Kaminari sa isang makapigil-hiningang Women’s Basketball 3x3 Finals sa ginanap na Intramurals nitong Sabado, ika-12 ng Oktubre sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) Covered Court.

Sinilid ng Finals Most Valuable Player na si A-J Abelinde ang tagumpay mula sa kaniyang buzzer beater shot at naglatag ng 9 points, pati na rin 4 markers mula kay Margarette Rabaca.

Ginitla ng Koi ang Kaminari sa pagrehistro ng mga lumalagablab na tira ni Abelinde at Rabaca upang ikandado ang 5-0 bentahe sa pagpasok ng 1st quarter.

Rumesbak ang Kaminari sa pagkabig ni Jami Casauay at inilatag ang kanilang 6-to-nothing run, sapat upang masilat ang kalamangan sa iskor na 5-6.

Dikdikang palitan ng mga kartada naman ang bumungad sa pagpasok ng last quarter na nagdulot ng overtime, 11-11.

Agarang kumamada ng puntos si Abelinde at isa namang dumadagundong na putback mula kay Casauay upang tablahin ang iskor sa 12-12.

Sinalba ni Abelinde ang laro sa paghirit niya ng nakagigimbal na buzzer beating mid-range at sinungkit ang kampeonato sa dikdikang iskor na 13-12.

“Noong naitira ko na, hindi ako sigurado kung pasok ba ito sa oras, pero noong nakita kong nagse-celebrate na ang mga Koi members, doon ko na napagtanto na nakaabot ako,” sabik na saad ni Abelinde.

Tinanghal na MVP si Abelinde gawa ng kaniyang pagiging star player sa kaniyang koponan.

“Bonus na lang para sa akin ang pagiging MVP dahil alam ko na hindi ko makukuha iyon kung wala ang mga teammates ko na nagpapasa sa akin ng bola,” aniya.

Nakatamo ng 1, 000 puntos ang Koi No Kokyu sa pagkapanalo nila sa Women’s Basketball 3x3 Finals na nakatulong upang umangat sa pwesto sa kabuuan ng Intramurals.

Bayaning bughaw: Biles at Gigante sa harap ng mga higante

SFRANCIS PAZ

a bawat indayog ng mga mananayaw, may tumatatak. Maihahalintulad ito sa pagiging bayaning atleta na sa bawat panalong nililikom nito’y parangal ang inihahatid sa inang bayan. Isa sa mga naging sentro ng malinis na pagkolekta nito ang magarbong paghataw sa Gymnastics ng iba’t ibang bansa. Mula sa iba’t ibang kategorya ng Artistic Gymnastics hanggang sa mga pumipilantik na sayaw sa Rhytmic Gymnastics. Ito ang tunay na pahiwatig na ang sining ay hindi lamang limitado sa pagguhit kundi makikita rin ito sa pampalakasan.

Masasalamin ito sa patuloy na pagrereyna ni Simon Biles sa Women’s Gymnastics sa loob ng walong taon. Humakot siya ng iba’t ibang gintong medalya sa bawat kategorya ng artistic gymnastics. Mula sa bakbakan ng bawat bansa sa World Cup hanggang sa bawat na apat na taong pag-upo sa trono sa Olympics. Bukod din sa pagiging 4 feet 8 inches nito, nagawa niyang mayagpag sa halos isang dekada sa olympics at kaugnay na rin dito ang iba’t ibang World Cup at Open Tournament. Maihahalintulad din ang

sa sariling pamamaraan. Sinelyuhan ni Caloy ang dalawang gintong medalya sa kategorya ng Floor Exercise at Vault ng Men’s Artistic Gymnastics . Kitang-kita sa kanyang tila lumilipad na tumbling at twist ang passion niya sa kanyang ginagawa. Pinakita niya ang mga ito sa paglatag niya ng three and a half dismount upang isumite ang perpektong kartada sa Floor Exercise.

Isa rin sa mga halimbawa ng natukoy na ito ang patuloy na pagrampa ni Angela Gigante ng Antipolo City National Science and Technology High School bilang tatlong taon nang humihirang patungo sa Regionals Athletics Association Meet Rhytmics Gymnastics. Mula sa kanyang buhay noong nasa ikasiyam na baitang pa lamang siya hanggang sa buhay ng Senior High School, patuloy pa rin ang kanyang pangarap tungo sa Palarong Pambansa. Humarap ng mga higante si Gigante para lamang patuloy na umusad sa RAAM at ibandera ang mga batang siyentipiko sa larangang ito. Tumamasa man ng parangal para sa sarili ang mga atletang ito, nawa’y maisip din nating bansa at eskwelahan pa rin ang magsisigaw nito sa mundo. Kung kaya’t mas palawigin natin ang pagsuporta sa mga atletang

PATRICK JOHN BAYDO

Hebi No Kokyu, nilantakan ang Mushi

No Kokyu sa Men’s

Basketball 5x5

Finals; 79-51

ASHAMIR JOSEPH ALEJO

las ng ahas.

Inilugmok sa kahihiyan ng Hebi ang Mushi sa isang dominanteng bakbakan sa Men’s Basketball 5x5 Finals sa ginanap na Intramurals sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) Covered Court nitong ika-12 ng Oktubre, Sabado.

Naglunsad ng 11-0 run ang Hebi sa fourth quarter na nagdulot ng pinakamalaking bentahe sa buong laro na 34 points upang maselyuhan ang kampeonato.

Nag-aalab na inumpisahan ng Hebi ang laro sa pangunguna ng MVP na si Nico Clores upang maagang lumamang kontra sa Mushi para sa iskor na 16-10.

turnovers ng Mushi sa kabuuan ng second quarter na naging dahilan upang mapanatili ng Hebi ang kanilang bentahe, 33-24.

Hebi mula sa kaniyang pagsalaksak ng mga layups upang palobohin ang kalamangan sa iskor na 46-28.

naturang koponan ng mga asintandong tres bago matapos ang ikatlong kwarter, 56-33.

pagtatapos ng fourth quarter sa tumataginting na iskor na 79-51.

Herrera ang Hebi sa kabuuan ng laro na naglista ng 21, 19, at 18 points na mayroong 3 3-pointers, ayon sa pagkakabanggit.

AnSci sa basketball based on their performance during Intrams,” optimistikong saad ng MVP na si Clores.

para sa kabuuan ng Intramurals mula sa kanilang pagkapanalo.

Nico Clores, Aariba muli sa City Meet sa huling pagkakataon

“Your greatest competitor is yourself.”
Pahayag

ni Nico Clores, isang atleta

agumpay na naiuwi ng former RAAM qualifier na si Nico Clores ang silver at bronze medal sa nagdaang Unit Meet 2024 na ginanap sa Abuyod Camp Site nitong Setyembre 18-19, tulay tungo sa huli nitong City Meet.

Walang kabang pinadyak ni Clores ang mga paa sa pagbwelo, humataw sa paglundag, at kumana ng 1.46 meter sa High Jump, sapat lamang upang maitapak ang mga paa sa ikalawang pwesto at masungkit

ELSA-beth: Mancira, dumausdos tungo sa ginto’t mga pilak

Ice on the prize.

Sumamsam ng isang ginto sa Surprise at tatlong pilak sa Solo Compulsories, Stroking, at Technical Program ang 8th grader ice skater na si Elizabeth Mancira sa ginanap na Skate Philippines 2024 sa SM Mall of Asia nitong ika-20 at 21 ng Oktubre.

Isinilad ni Mancira ang korona sa Surprise matapos ang isang nakawiwindang na pagtatanghal ng kaniyang mga malalamig na kamay at paa kaagapay ng musika.

Ipinakitang-gilas naman ng 3 years skater ang kaniyang kadalubhasaan pagdating sa iba’t ibang mga maneuver sa Solo Compulsories upang mapasakamay ang ikalawang pwesto.

Hinirang sa ikalawang pwesto si Mancira tangan ang kaniyang perpektong postura at karunungan sa Stroking.

Pinalagablab naman ng second placer ang nagyeyelong SM MOA sa pagtudla niya ng kaniyang mga makapigil-hiningang ice skating skills para sa Technical Program.

“Naging masaya po ako since hindi ko talaga in-e-expect na mananalo ako sa category na ‘yon at nagulat po ako na nakakuha ako ng 2nd place doon sa ibang categories na sinalihan ko and pagbubutihin ko pa para maka-first ulit ako sa susunod,” masaganang bulalas ng gold and three-time silver medalist.

Nagbunga ang lahat ng pagsisikap ng ice skating prodigy ng AnSci mula sa kaliwa’t kanan niyang pagsasanay sa loob at labas ng yelo sa kabila ng pagkasasabay-sabay ng mga responsibilidad bilang ice skater at mag-aaral, pati na rin ang kawalan ng sapat na pasilidad ng paaralan para sa mga ganitong uri ng pampalakasan.

Nagbigay rin ng payo si Mancira para sa mga kapwa niya estudyanteng atleta, “Basta nag-aaral nang mabuti at may nakikitang kahit unting magandang resulta doon sa sport, ipagpatuloy lang, basta ‘wag pabayaan ‘yong pag-aaral.”

Patuloy pa rin ang pagdulas ni Mancira sa kaniyang karera bilang estudyanteng atleta sa nanlalamig na mundo ng ice skating.

Ansci Aces Volleyball Team, humataw sa Unit Meet 2024: Ikaapat at ikalimang pwesto sinelyuhan, nag-aalab na pagbawi para sa 2025

marangkada na ang Ansci Volleyball Team matapos tumirada ng ikaapat at ikalimang puwesto sa Unit Meet 2024 na ginanap noong Setyembre 18-19 sa Kaysakat Covered Court at naturang paaralan ng elementarya ng Kaysakat.

Inilugmok sa kahihiyan ang koponan ng Kaysakat National High School matapos na ilampaso at pakainin ng alikabok sa sariling home court ng Ansci Aces sa Men’s Team, 15-9.

Samantala, ikinatuwa naman ng Ansci Aces Women’s Team ang pagkamit ng ikalimang puwesto sa naganap na Unit Meet.

Ayon kay Krisha Vistan, captain ng Women’s Volleyball Team, “Sa tingin ko ang naging kakulangan lang ng team ngayon ay ‘yung communication. Masasabi ko talaga na napakaganda ng line-up ng varsity this year, sadyang pinangunahan lamang kami ng kaba at takot”.

Ani rin Jake Miano, captain ng Men’s Team “Kaya naman naming manalo kinulang lang kami sa oras para maghanda para sa laban ng unit meet”.

Dagdag pa niya, “Kailangan lamang ng lakas ng loob, pag-aapply ng mga tinuturo sa training, at maagang paghahanda para sa mga susunod na laban”.

Dumadagundong ang bugso ng damdamin ng Ansci Aces at nagbabadyang agawin ang kampeonato sa San Juan National High School sa susunod na taon.

Bagama’t hindi naiuwi ng Ansci ang kampeonato, ito ay nagsilbing inspirasyon sa kanilang mga atleta upang lalo pang pagbutihin ang kanilang laro para sa mga darating pang laban.

SHAMIR JOSEPH ALEJO
Litratong nakuha mula sa Facebook
ANG TIPOLENYO

ANG TIPOLENYO

Unit Meet 2024: Ansci Wood Pushers, naghari; Ombid aariba sa City Meet

TFRANCIS PAZ

alino ang puhunan.

Sinelyuhan ng Antipolo City National Science and Technology High School Wood Pushers ang unang pwesto matapos nitong umalagwa sa parehas na Blitz at Classical Mode sa katatapos lamang na Secondary Unit 4 Chess Meet na ginanap sa Inuman Elementary School, Setyembre 19.

Pinagbidahan ng 17 years old Kapitan Jayrus James Ombid ang mga batang siyentipiko matapos nitong kumolekta ng barahang apat na panalo at isang talo sa Classical Chess Mode.

Tumikada ang 17 years old ng King’s Indian Defense upang simulan ang kanyang round 5 kontra kay Bolito ng Maximo L. Gatlabayan National High School.

Mamarkahan itong ikalimang bakbakan bilang nag-iisang talo ng Kapitan matapos nitong pumalya sa

oras ng mahigit 15 minuto.

Naluklok naman sa ikalawang pwesto si Ombid matapos ang sagupaang ito, sapat upang umabante siya patungo sa City Meet.

“Actually, I was winning the whole game, napressure lang talaga siguro ako sa time kaya nablunder ko yung mate in 1.”, ayon sa former RAAM qualifier.

Dagdag pa niyang marami pa siyang masasanay para sa darating na City Meet, isa na rito ang paghahasa niya sa kanyang middle game tuwing naglalaro.

Rumesbak naman si Rafael Adea sa pamamagitan ng pag-arangkada nito sa Blitz bilang una sa pwesto at sa Classical Chess bilang 3rd placer.

Nakaakbay rin sa Women’s Division si Chloui Ybañez nang tanghalin itong ikatlo sa Classical Chess.

Ansci Athletics, kumubra ng mga medalya sa Unit Meet 2024; 4 na atleta, aabante sa City Meet

Nag-uumapaw na mga medalya ang ibinulsa ng AnSci Athletics matapos ipamalas ang kanilang dedikasyon at husay sa nagdaang Unit Meet 2024 na bumalot sa BSP Campsite Abuyod, Setyembre 18-19. Walang kabang nagpakitang-gilas si Karl Vienz Santiago matapos rumehistro ng 21.97-meter throw sa discus at pumukol ng 8.65 metrong layo sa shot put, sapat upang maiselyo ang 1st at 2nd place sa nasabing kategorya.

Pumangalawa naman si Kenneth Demonteverde sa discus throw nang ilista ang kaniyang 19.15 metrong layong bato, kasunod lamang ng rekord ni Santiago. Hindi rin nagpahuli ang 16-anyos thrower na si Princess Fiona Maybay nang angkinin ang pilak na medalya sa paglatag ng impresibong 12.43-meter discus throw.

Bumida naman ang former RAAM jumper na si Nico Clores sa pagtala ng distansyang 4.37 metro sa long jump at 9.93 metro sa triple jump, sapat upang maisilid ang dalawang pilak na medalya.

Nabigo mang lampasan ni Clores ang 1.46 metro sa high jump, nagkasya pa rin ito upang matamo ang ikalawang pwesto.

Kumopo rin ng tansong medalya si Kilmer Ray Sernal sa dikdikang 200-meter dash kontra kina King Jacob Navarro at Adrian Villorente.

Laking tuwa ang sumiklab sa damdamin ng mga atleta kabilang na si Santiago matapos tanghaling kampyeon sa discus throw.

Aniya, “Natutuwa ako, nakita ko na yung mga efforts at mga uwi ko na gabing-gabi na ay nagbunga rin.” Kumpiyansa at puspusang pinaghahandaan ni Clores ang kanilang nalalapit na laban sa City Meet.

“Since November pa ang City Meet, I think mas maraming time for training, mas magiging handa kami sa mga makakalaban namin dahil medyo nabigla kami nitong Unit Meet.” saad niya.

Nakatakdang lumarga sina Santiago, Sernal, Clores, at Maybay sa paparating na City Meet na gaganapin sa Nobyembre, tangan ang pag-asang masukbit ang inaasam-asam na tagumpay bitbit ang suporta ng natatanging paaralan.

JAYRUS JAMES OMBID

Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Antipolo City National Science and Technology High School S.Y. 2024-2025

MARSO 07, 2025 | TOMO V | BILANG II

PATNUGUTAN 2024-2025

42

BALITANG ISPORTS

JAYRUS OMBID, LALARGA SA CITY MEET PARA SA IKATLONG PAGKAKATAON MAGLAKBAY

LATHALAING ISPORTS

BAYANING BUGHAW: BILES AT GIGANTE SA HARAP NG MGA HIGANTE

BALITANG ISPORTS 44 46

ELSA-BETH: MANCIRA, DUMAUSDOS TUNGO SA GINTO’T MGA PILAK

Unit Meet 2024 Throwing: Kobie Santiago, umani ng ginto at pilak

sa Regionals.

Puspusang naghahanda si Santiago at nakatakdang sumalang sa City Meet sa kategorya ng shotput at discus throwing na gaganapin sa Nobyembre, dala-dala ang suporta ng paaralan at ang pag-asang makatapak sa mataas na lebel sa kanyang huling taong panuruan.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.