Ang Tipolenyo | Pampanitikang Folio Tomo 1 Bilang 1

Page 1


Obra Dekada

PampanitikangFoliongAngTipolenyo

Angpampanitikangfolionaitoaykomposisyonngmgalikhangsiningng mgamag-aaralmulasamataasnapaaralanngAntipoloCityNational ScienceandTechnologyHighSchool.

PinangungunahanngmgapatnugotnasinaValeriePaghunasanatPatrick JohnBaydoangpaglimbagngpampanitikangfolionamaypamagatna “ObraDekada”attemang“KakaibangAnSci”.

SinasabingangpaaralanngACNSTHSayilangtaonnangipinundarat matibayparinitongnakatayoatpatuloynalumalago,kasabayrinng mganatatangingmag-aaraldito.

habilin ng patnugot habilin ng patnugot

Minamahal naming mambabasa,

Sa bawat pahinang inyong bubuklatin at sa bawat salitang inyong babasahin, nawa ay madama ninyo ang diwa at layunin ng akdang ito. Ang bawat likhang titik na nakapaloob dito ay bunga ng masusing pananaliksik, malikhaing pag-iisip, at matapat na pagpapahayag ng kaisipan. Nawa ay maging bukas ang inyong isipan sa mga ideyang inihahain dito—upang matuto, magmuni-muni, at higit sa lahat, umunawa. .

Hinihikayat namin ang kritikal na pagbasa, sapagkat ang tunay na kaalaman ay hindi lamang natatamo sa pagbabasa kundi sa masusing pagsusuri at malayang pagpapalitan ng pananaw. Kung may makita kayong pagkukulang o nais ibahaging opinyon, malugod namin itong tinatanggap.

Ang aming layunin ay hindi lamang magbigay ng impormasyon kundi lumikha rin ng isang makabuluhang diskurso na magpapalalim sa inyong pag-unawa sa mundo. Maraming salamat sa inyong pagtangkilik. Nawa ay patuloy tayong maglakbay sa mundo ng kaalaman at karunungan. iii

Ang TIpolenyo | Pampanitikang Folio

Ang pampanitikang folio ng Ang Tipolenyo ang opisyal na pantikan ng publikasyon ng Antipolo City National Science and Technology High School.

All Rights Reserved. Ang mga inilimbag na pantikan sa folio ay orihinal na gawa ng may akda at mga dibuhista. Ang mga likha ng mga gumawa ay hindi maaaring gawan ng kopya upang ibenta nang hindi sumasangguni sa nagsulat o nagguhit.

Ang pamapanitikang folio ay hindi maaaring ibenta. Paalalahanan ang publikasyon ng Ang Tipolenyo kung mayroon kang nakitaang organisasyon o indibidwal na lumabag sa mga kasunduang ito. www.angtipolenyo.com

angtipolenyo@facebook.com

angtipolenyoACNSTHS@twitter.com

angtipolenyoACNSTHS@gmail.com

Sitio Cabading, Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal, Philippines 1870

Ang paglalapat ng pampanitikang folio ay pinangungunahan ni Patrick John Baydo kasama ang ilan sa mga dibuhista at manunulat ng Ang Tipoleno. Ang pabalat ng folio ay likha ni Hanna Leah Lara habang ang tema ay ideya mula kay Valerie Paghunasan.

mganilalaman PANIMULA

ANG PATNUGUTAN

Patnugot sa Pagkuha ng Larawan

HANNAH LEAH LARA

Patnugot ng Paglalarawang Tudling

Patnugot ng Pagwawasto at Pag-uulo ng

PATRICK JOHN BAYDO

Patnugot ng Paglalapat ng Pahina

CHINCHIN SALAZAR
JAYSON CAEZAR VALDEZ

MGA NAG-AMBAG

Shane Valdez

Alliah Jane Donato

Maria Cassandra Chanco

Chloe Badong

Princess Ghalia Paeste

King Seancris Santos

Janna Mae Armodoval

Renze Jacob Barrientos

Kristine Isaac

Dwayne Patrich Jacob

Lady Jillian Adlawan

Angelica Avila

Andrei Sebastian Oliva

Manirakiza Jane Jesalva

Yhasmine Nicolle Obando

Xavier Quejado

Cassandra Alexa Mercado

France Montojo

Ma. Riane Jade Saltiga

SaysaySanaysay

SA ‘YO AY NAHASA

Libu-libong mga paaralan na ang naunang itinayo sa bansa at maraming paaralan pa ilulungsad sa paglipas ng panahon. Sadyang mapapa-isip ka kung ano ang kinaiba ng AnSci sa ibang paraalan sa bansa.May pinagkaiba nga ba ang Antipolo City National Science and Technology High School sa ibang paaralan? Kung titingnan ito tila pangkaraniwan lamang ito, sa unang tingin pa lamang. Ngunit higit pa sa panlabas nitong aspeto ay ang nakatagong mundo ng kakaibang at makabuluhang perspektibo nito.

Tanyag ang AnSci bilang hindi lamang isang lugar na nagsisilbing tahanan para sa pangkaraniwang edukasyon, ito rin ay kilala bilang isang komunidad na isa sa pangunahing tagapagtaguyod ng mga instrumento ng agham, teknolohiya, sining, pampalakasan, pagkanta at pagsayaw, at pamamahayag. Ito ay nagsilbing tahanan ng pag-asa para sa isang kalidad na buhay at maliwanag na kinabukasan. Tila isang mahusay na iskultor na patuloy na humuhubog sa mga estudyante nito na pagsumikapan at paghirapan ang lahat ng tagumpay na nais naming makamit.

Natatangi ang paraan ng pagtuturo guro at pagkatuto ng mga estudyante sa loob ng AnSci. Hindi lamang kami sinanay sa tradisyunal na paraan. Tutok ang mga guro sa pagtuturo ngunit kaakibat nito ang responsibilidad na dapat punan ng mga bawat mag-aaral. Tinuruan kami ng AnSci na matutunan ang mga leksiyon at mga aral sa buhay sa pinakamahirap na paraan. Hindi kami sinanay na nakukuha kaagad ang mga bagay na gustuhin, kulang na lang ay palusutin kami sa butas ng karayom para lamang makuha ang tunay na nais naming tagumpay.

Agham at teknolohiya ang pangunahing espesyalidad ng AnSci, sa pamamagitan nito ay nakapagpapalabas ang AnSci ng mga inobasyon na malaki ang maiaambag ang lipunan, sa komunidad, at sa kapaligiran at kalikasan. Higit pa sa mga pag-aaral patungkol sa agham at teknolohiya na malaki ang nai-aambag sa lipunan ay hindi rin nagpapahuli ang AnSci pagdating sa pampalakasan, sining, at pamamahayag. Umaabot sa pangrehiyon at pambansa ang mga atleta, manunulat, at mga dibuhista ng AnSci. Kakaibang talento ang taglay ng mga batang siyentipiko na sadyang namamayagpag kahit saan.

Hindi lamang para sa mga matatalino o magaling sa agham at ang AnSci. Ito ay para sa lahat ng handang matuto, magbago, at mag-ambag. Sa pamamagitan ng mga programa at proyekto, natututo ang mga mag-aaral na pahalagahan ang kaalaman, kasanayan, at pagiging responsable. Sa kabila ng hamon ng modernong panahon, ang AnSci ay nananatiling matatag sa adhikaing linangin ang bagong henerasyon ng mga lider, mananaliksik, at makabago. Mga lider-kabataan na nagsilbi, nagsisilbi, at patuloy na magsisilbing magandang ehemplo — hindi lamang sa mga kamag-aral kundi sa lahat ng kabataan.

Tunay na kakaiba ang AnSci dahil ito ay hindi lamang isang paaralan, kundi isang pamilya. Isang pamilya ng mga pangarap, inobasyon, at pagkakaisa. Sa AnSci, pinapatunayan na ang kaalaman at kasipagan ay susi sa tagumpay. Ang kakaibang AnSci ay hindi lang tahanan ng agham; ito rin ay tahanan ng pag-asa, inspirasyon, at pagbabago. Sa AnSci nagsisimula ang paghubog ng kinabukasan, kinabukasang punong-puno ng pagasaathitiksakalidadparasamakabagongbuhay.

Hindi man kayang makipagkumpitemsya ng AnSci sa mga mas asensado at marangyang mga paaralan sa Rizal at lalo na sa ibang bayan sa bansa ngunit tiyak akong kanyang makipagsabayan at mamayagpag pa sa buong bansa ng Antipolo City National Science and Technology High School, kung ang labanan ay katalinuhan, kagitinginan, katapatan, at katapangang ipaglaban ang tama at nararapat. Tunay na hindi kailan man malilimot ang paaralangitongnagsilbingtahanankungsaanhaloslahatngkasanayanaynahasa.

Ang

Tunay na Tagumpay sa Likod ng Kakaibang AnSci

Manirakiza Jane Jesalva

Bulungan. Bulungan lang ang naririnig mo: “Uy, taga-AnSci, matalino siguro yan?”.

Matalino? Oo naman! Pero higit pa sa katalinuhan ang katotohanan. Isang lihim, isang hamon, isang kakaibang karanasan ang naghihintay, sa likod ng mga pader ng AnSci- mga karanasan ng pagsubok, tagumpay at mga mag-aaral na hubog sa kakaibang paaralang ito. Ngayon, ating tuklasin ang nakatagong misteryoso sa likod ng mga dingding. Dahil sa bawat hakbang, matutuklasan natin ang bagong kaalaman tungkol sa kakaibang AnSci. Isang kakaibang paglalakbay, handa ka na bang sumama?

Ang AnSci, para sa marami ay simbolo ng tagumpay at katalinuhan na makakamit lamang ng iilan. Na parang isang tropeyo ang pagpasok dito, bunga ng mga pagsusulit at panayam na kakaharapin mo. May mga klase na may mahabang oras, mga marka na kailangang mapanatili dahil bahagi ito ng patakaran, at mga pagsubok na dapat harapin nang may buong tapang tiyaga upang makamit ang inaasam. Parang simpleng paaralan lamang ito sa unang tingin, ngunit nagkakamali ka. Hindi ito basta paaralan; ito ay isang pugad ng mga hamon, isang paligsahan ng talino at tiyaga. Ito ay isang lugar kung saan hinahasa ang pag-iisip, pinaguusapan ang mga ideya, at pinauunlad ang pagkamalikhain. Ang mga guro ay hindi lamang tagapagturo, silay ay mga gabay, inspirasyon, at kaibigan sa paglalakbay ng pagkatuto. Ang pakikipag-ugnayan sa kapwa estudyante ay nagbubunga ng mga bagong pananaw, mga bagong kaibigan, at mas malawak na pag-unawa sa mundo. Ito ay isang komunidad na nagtutulungan, nag-uudyok, at nagsusulong ng pag-unlad ng bawat isa. Ang AnSci ay hindi lamang isang paaralan; ito ay isang pamilya.

Sa huli, sa likod ng matatayog na pader ng AnSci, nagkukubli ang mga liihim na naghihintay na maunawaan. Sa bawat hakbang, sa bawat aralin, hindi lamang mga sagot ang natutuklasan, kundi pati na rin ang mga bagong tanong na nag-uudyok sa ating pag-usisa. Isang walang katapusang paglalakbay ito ng pagtuklas sa sarili, sa ating mga kakayahan, at sa malawak na mundo. Tulad ng sabi ni Albert Einstein, “ The most important thing is not to stop questioning.” Sa AnSci, ang pagtatanong ay hindi hadlang, kundi isang susi sa pagbubukas ng mga pintuan tungo sa kaalaman at pag-unlad.

LIKHANG MAHIKA: ANG WALANG HANGGANG LIWANAG

Mula sa mga luntiang damong sumasayaw sa ihip ng hangin, mga ibong humuhuni, mga gusaling tumatayo bilang sandigan, hanggang sa mga mag-aaral at guro na tila manok na gumigising at tumitilaok sa pagsapit ng madaling araw, tunay na masasabi na ang paaralang Antipolo City National Science and Technology High School, o kilala rin sa tawag na AnSci, ay may pinanghahawakang mahika—mahikang patuloy na nagbibigay ng talino, determinasyon, sipag, at tiyaga sa mga mag-aaral. Ngunit hanggang kailan nga ba magtatagal ang liwanag na dulot nito? Panghabambuhay nga ba ito, o may hangganan din?

Hindi maikakaila na ang pangalan ng AnSci ay umaabot sa iba’t ibang baryo dahil sa taglay nitong kahusayan. Ang bandera ng paaralan ay patuloy na iwinawagayway ng mga natatanging estudyanteng walang-tigil na sumasabak sa larangan ng akademiko. Puyat, pagod, takot, lungkot, pangamba—ilan lamang ito sa mga salitang kilalangkilala ng mga batang siyentipiko. Ligaya, tawa, ngiti, saya—mga salita namang madalang nilang maranasan. Hindi matutumbasan ng mga araw na sila ay hindi hulas ang mga gabing sila ay walang pahinga at tulog. Ang lahat ng ito ay nakatatak na sa isipan at puso ng mga batang siyentipiko, subalit lingid

sa kanilang kaalaman ang ginintuang rasong nagtatago sa likod ng kanilang mga bangungot. Sa loob ng AnSci ay nagaganap ang walang-tigil na giyera sa pagitan ng mga mag-aaral at bigat ng kanilang mga gawain. Araw-araw silang sinusubok ng mga gawaing 'singbigat ng angkla. Upang makaligtas, kinakailangan nilang maging maingat sa mga nakakalat na patibong at magtaglay ng mga armas na gawa sa diyamante. Ngunit hindi ito dapat ikabahala dahil ang araw-araw na pakikibaka ng mga mag-aaral sa loob ng AnSci ang siyang proseso sa pagkakayari ng kanilang armas. Ito rin ang nag-eensayo sa kanila upang maging maalam at masanay sa hamon ng reyalidad.

ni Xavier Quejado

Sa wakas, ang AnSci ay tila isang bumbilya—nagbibigay ng liwanag ngunit maaari ring mapundi sa anumang oras. Gayunpaman, patuloy itong magnini mga bituin sa kalangitang nababalot ng kadiliman hangga’t may m pinanghahawakan. Mahika na nagmumula sa bawat mag-aaral na purs matuto at nagpupunyagi. Ang hatid nitong aral, karanasan, at al aaral ay hindi matutumbasan ng kahit ano pa man. Kaya’t ating p mahikang taglay nito, sapagkat dahil dito, habambuhay nating ma AnSci ay kakaiba, at ang liwanag nito’y walang hanggan.

Iginuhit ni John Mark Parreno

Hasaan ng mga Kampeon

Naniniwala ka ba na ang mga kakayahan ng isang tao ay natural sa kapanganakan pa lamang? Talentong tila likas at biyaya ng Maykapal kung tawagin. O mas naniniwala ka ba na ang mga talentong ito ay nagmula at hinuhubog ng ating paligid? Ang mga talento na tunay na mga kakayahan lamang na kayang matutuhan ng sino man.

Nakatayo sa nag-iisang ilaw sa lalawigan ng Rizal ang isang paaralang nangunguna sa iba’t ibang mga larangan. Antipolo City National Science and Technology High School—o Ansci kung tawagin—ang paaralang naging hagdan at pundasyon ng mga batang siyentipiko sa pag-akyat upang abutin ang matatayog nilang mga layunin at pangarap. Tunay nga namang kakaiba at namumukod tangi ang pangalawang tahanan na patuloy na naghahasa ng taglay na dunong ng mga pag-asa ng ating bayan.

Hindi maikakaila ang dakilang husay ng mga mag-aaral ng Ansci. Tila isang katakot-takot na kalaban marinig pa nga lamang mabanggit ang pangalan sa isang paligsahan. “Taga Ansci ‘yan, matatalino at magagaling ‘yan,” dahil sa walang palya sa taon-taong pag-uuwi ng karangalan sa paaralan, hindi nakakagulat na umani na ng reputasyon ang ngalan. Ngunit ang husay ng isang Anscian ay hindi lamang hanggang sa tagisan ng katalinuhan, kundi pati na rin sa iba’t ibang mga larangan. Nariyan ang mga atletang namamayagpag sa kanikanilang mga isports, mga mamamahayag para sa katotohanan, mga mananaliksik para sa bagong kaalaman, at pati na rin ang mga artista sa kanilang pagkamalikhain.

Naniniwala ka ba na ang mga kakayahan ng isang tao ay natural sa kapanganakan pa lamang? Talentong tila likas at biyaya ng Maykapal kung tawagin. O mas naniniwala ka ba na ang mga talentong ito ay nagmula at hinuhubog ng ating paligid? Ang mga talento na tunay na mga kakayahan lamang na kayang matutuhan ng sino man.

Nakatayo sa nag-iisang ilaw sa lalawigan ng Rizal ang isang paaralang nangunguna sa iba’t ibang mga larangan. Antipolo City National Science and Technology High School—o Ansci kung tawagin—ang paaralang naging hagdan at pundasyon ng mga batang siyentipiko sa pag-akyat upang abutin ang matatayog nilang mga layunin at pangarap. Tunay nga namang kakaiba at namumukod tangi ang pangalawang tahanan na patuloy na naghahasa ng taglay na dunong ng mga pag-asa ng ating bayan.

Hindi maikakaila ang dakilang husay ng mga mag-aaral ng Ansci. Tila isang katakot-takot na kalaban marinig pa nga lamang mabanggit ang pangalan sa isang paligsahan. “Taga Ansci ‘yan, matatalino at magagaling ‘yan,” dahil sa walang palya sa taon-taong pag-uuwi ng karangalan sa paaralan, hindi nakakagulat na umani na ng reputasyon ang ngalan. Ngunit ang husay ng isang Anscian ay hindi lamang hanggang sa tagisan ng katalinuhan, kundi pati na rin sa iba’t ibang mga larangan. Nariyan ang mga atletang namamayagpag sa kani-kanilang mga isports, mga mamamahayag para sa katotohanan, mga mananaliksik para sa bagong kaalaman, at pati na rin ang mga artista sa kanilang pagkamalikhain. 7

Masasabi man na tunay na may mga kakayahan na sa pagkabata pa lamang ay natural na nating makakamtan, hindi pa rin maikakaila ang laki ng impluwensya ng tamang kapaligiran sa paghubog ng mga ito—may kasabihan nga sa Ingles na “legends are not born, they're made.” Isa sa mga hahasa ng ating galing ay ang ating paaralang pinapasukan. Patunay na rito ang angking husay ng mga mag-aaral ng Ansci—mga mag-aaral na may kinang sa iba’t ibang mga larangan. Ang Ansci ay patuloy na namamayagpag dahil sa mga bukod-tanging kahusayan ng mga mag-aaral nito; ang mga Anscian naman ay patuloy na humuhusay dahil sa taglay nilang dunong na hinahasa ng Ansci. Tunay ngang kakaiba ang mga batang siyentipiko—ang kaibahang naging kinang sa pagiging bukod-tangi sa hasaan ng mga kampeon.

Tila Tula

Magkakaiba ngunit IISA

Kakaiba’t napakahusay, May angking talino’t galing na taglay, ngunit, bakit siya’y nakalumpasay? hinayaan niyo lang siyang maging alalay?

Sa silid-aralan, siya ang liwanag, Tanglaw na kayraming puso. Ngunit bakit unti-unti siyang binibihag?

Parang apoy na sinakal ng sariling init at ng bugso.

Taas nang paglipad

Atas sa kanya’y patuloy na umuunlad. Kamay na sugatan, lumuluha ng tinta, Lahat ay binigay, upang ang diwa’y gisingin sa lupa.

Kakaiba, magkakaiba ngunit iisa. Kakaiba, ngunit hindi nag-iisa, Pasan-pasan ang alaala, puno ng bala.

Sana’y muling masindihan ang bugsong nawawala.

Liwanag at Anino

ni King Seancris Santos

Iba-iba mang katayuan at antas, Tila isang diwa sa pagiging pantas.

Mga musmos na panahon ang luminang, Tiyak na darating, kanilang pagkinang.

Sa bawat laranga’y walang makadaig, Hindi susuko pasan man ang daigdig, Bawat isa ay matataas ang lipad,

Hangari’y maginhawang bunton ng palad

.

Sa kabilang dako ay may nag-aalab, Lihim na parang apoy, gustong sumiklab, Itinago sa kahon upang limutin

Sa ngalan ng kumikislap na bituin.

Tunay ngang kakaiba itong pandayan, Yin at Yang kung ito ay masasaksihan.

Ikaw ba’y sa liwanag mararahuyo?

O kaya ay kapootan ang anino?

Sa Puso ng Ansci

Bilog ng isip, laging umaalab, Sa bawat hakbang, ideya’y sumasabog.

Malikhaing isip, sa puso’y may alab, Sa bawat likha, may sining ng liwanag

Sa landas ng hirap, walang tinatagilid Tiyaga’y kaakibat sa bawat pagod.

Di tinatablan ng bagyo o kahit na init, Tulad ng araw, patuloy na lalakad.

Matalinong isipan, malinaw ang landas, Sa bawat pagninilay, tumpak ang galak.

Sa pag-aaral, sila’y matibay na guro, Tulad ng bituin, naglalakbay na buo.

Ansci'y kakaiba, galak ay taglay, Ang tiyaga, sa hirap ay kayang lumaban.

Sa hamon ng buhay, takot ay nilisan. Tagumpay ay tiyak, patuloy na angat.

Mahiwagang Kuha ni Renz Jacob Barrientos

Tao Po!

Tok-tok! Tao po! Ako si France Montojo, Isang pantas na batang siyentipiko.

Habang tangan ang ilaw ng kaunlaran, Kami rin ay mga pag-asa ng bayan.

Ay, iho, kayo’y tiyak na matalino;

Balita ko ay pambihira sa inyo!

O, siya, ano ba ang kailangan nila?

Panulat, papel, pambura, o pantasa?

Pahinga po, pabili po ng pahinga.

Naku! Kakaiba nga riyan sa AnSci!

Pero kayo’ng pumili niyan, hay, buhay!

Paumanhin; ‘di po kami ang nagpasya...

Tao po! Tao po ang tanging dahilan Kung bakit kami’y patuloy nag-aaral.

Kahit matulog ang araw sa kanluran, Laging tuloy ang laban para sa bayan.

Mahiwagang Kuha ni Kurt Ocol

Pangalan mo sa liham

Sa pasilyo, sa yapak sa entablado, Tanging suporta’t hiyawan rinig ninyo.

Pagpasok sa silid, sasalubungin ka, Ng limpak na aralin na nakahanda.

“Ano ba ang iba sa lugar na ito?”,

Sa pagkatuto ay hindi ka hihinto.

Sa larangan ng siyensya at iba, ‘Di hamak na ito’y palaging nangunguna.

Pagtulo ng pawis para sa layunin,

Sa pag-tampisaw ng karunungan sa’tin.

Ang nais kong maging bahagi ng agham, Naisusulat, binabatid sa bawat liham.

Paaralan ang ikalawang tahanan, Sa eskwelahan ko’y ‘di lamang ganiyan.

Sa patimpalak, maging sa mga tao, ‘Di magsasawang isigaw pangalan mo.

GINTONG TALINO'T SIPAG

ni Yunah Baltazar

Mga sulok ng silid na natatanaw, Mapanlikhang agham ang nagsusumidhi.

Kung Siyensya ang laman ng balintataw, Tiyak ay dunong, sisikat araw-araw.

Hubad na kamay ay ang kanilang yaman, Pantas na bihasa sa katalinuhan.

Bukod-tanging Alagad ng Karunungan, Kasapi sa sipnayan ng kaalaman.

Sa paaralang walang hanggan ang dunong, Sistema’y mula sa maarugang inang.

Mag-iging ng musmos ay tunay na hiyang, Sa bawat hakbang na nakalaang tulong.

Ang pagsasaliksik ay isang kahigtan, Tiyak na Teknolohiya’y patakaran.

Mga Batang siyentipiko’y huwaran, Tanyag na henyo sa araw ng labanan.

Nabanaag mong libong katalinuhan, Sandata ko ang bilog ng kaalaman.

Talinong napukaw aking iingatan, Gugunitain ang bagong paaralan.

Pagsibol ng Talutot

ni Chloe Badong

Isang bulaklak na marupok at mahina, Sumabak sa bagyong nananalanta, Tanging tanong ay kaya bang kumapit, Kung kalaba’y paaaralang ‘di mawaglit.

Tulad na lamang ng siyam na bubuyo, Siyam na asignatura rin ang pupulot, Ng nektar na kay tagal pinaghirapan, Walang silbi sa hirap ng daaranan.

Lula’y parang halimuyak ng bulaklak, Kung makamit ang salaping pilak, Ngunit sapat ba ito bilang kapalit? Kung pagod, luha’t dugo ang ibabalik?

Bawat araw at pahinang nililipat, Tutubo’t sisibol ang bulaklak,

Ang talutot nito’y ririkit at babango, Ilan mang sugat ang dumugo.

Bukod - Tangi

“AnSci? Wala namang pinagkaiba ‘yan,”

“Pangkaraniwang paaralan lang iyan.”

“Hindi rin, tahanan ng mga kampeon ‘yon.”

“Panalo iyan kung utak ang labanan!”

Bawat medalya, labis kung paghirapan, Kada titulo, dugo’t pawis puhunan.

Tiyak na ‘di lang dikta ng kapalaran, Kundi produkto ng pinagsumikapan.

Sa tuwina’y umaakyat sa tanghalan, Kalakip ang daan-daang palakpakan.

Libong sakripisyo ang pinagdaanan, Bago makamit ang mithing panagimpan.

Patunay na mga pag-asa ng bayan, mga kalidad na lider-kabataan.

Mga instrumento ng katotohanan, mga boses para sa ‘lang kakayahan.

Kwentongmay Kwenta

Bilang Isang Transferee

Bilang isang transferee, hindi mawala-wala ang kaba sa aking dibdib sa unang pagtapak ko bilang isang mag-aaral ng AnSci. Wala pang kakilala, wala pang kaalam-alam sa tunay na patakaran ng paaralan at wala pang tunay na karanasan dito.

Bilang isang transferee, alam ko na magiging mahirap ang tatahakin ko sa paaralan na ito. Puro matalino at mahusay ang mga magiging kaklase ko, ganoon rin ba ako?

Bilang isang transferee, nahihirapan ako makasabay sa mga kaklase ko. Habang sila ay sanay na sa hirap ng aral sa paaralan na ito, ako naman ay nangangapa pa kung paano ko maiaangat ang sarili ko kasabay sa kanila. Sana magaling rin ako tulad nila.

Bilang isang transferee, nararamdaman ko na hindi ko kayang makasabay sakanila, hindi ako puspusang nasanay at nahasa tulad nila, kulang pa pala yung "aral" na ginagawa ko. Sa tingin ko, ako ang pinaka mahina sa aming lahat. Sa tingin ko, hindi ako karapat-dapat na tawagin isang "Anscian"

"Teka, huwag kang mag-isip ng ganiyan" saad ng isa kong kaklase. Tumabi sa akin at sinabing "Hindi naman lahat ng tagumpay makukuha sa isang subok lang 'di ba?"

Tama siya, bakit ako susuko kung ito pa lamang ang umpisa? Lahat naguumpisa sa mababa, pero hindi nagtatagal sa pwesto na iyon. Kung alam kong pinagbubuti kong ang pag-aaral ko, dapat ko itong mas ipagpatuloy at ipagpabuti hanggang sa sumang-ayon na ang tadhana sa akin at makuha ang tagumpay na inaasam-asam ng aking puso.

Simula noon, hindi ko na iniisip na transferee lang ako, na bagong salta lang ako sa paaralan na ito, kundi isa akong bagong AnScian.

Bilang isang bagong AnScian, natutunan ko na maging handa upang harapin lahat ng hirap sa aking tatahaking landas. Pwedeng umiyak pero hindi pwedeng sumuko. Pwedeng maghinga, pero hindi pwedeng tumigil.

Bilang AnScian, natutunan kong maging matatag at magtiwala sa sarili kong kakayahan.

Natutunan kong lahat tayo ay may angking galing sa sarili nating paraan na hindi dapat balewalain, na kaya nating umangat sa sarili nating paraan at pagsisikap.

Bilang AnScian, natutunan ko na ang pagiging AnScian ay hindi lamang pagiging mahusay at matalino sa larangan pang-akademiko, kundi pagiging matatag, may malasakit at may paninindigan sa sarili.

Ingay ng Katahimikan ni Valerie

Paghunasan

Maalikabok. Mainit. Tahimik. Ngunit bakit parang maingay pa rin?

Wala namang nagsasalita, pero ramdam ko ang ingay. Wala namang nagkukuwentuhan, pero naririnig ko ang samu’t saring kwento. Sa pagitan ng katahimikan, may mga bulong na hindi sinasabi ngunit nararamdaman. Sa bawat sulok, may bakas ng mga pangarap na hindi pa man nabibigkas ay matagal nang umiiral.

Tahimik ka lang. Hindi ka kailanman mahilig sa mga mahabang paliwanag. Pero sa bawat pinto mong bumukas para sa akin, sa bawat upuang minsan kong pinagpahingahan, sa bawat pisarang paulit-ulit kong sinusulatan—naroroon ang tinig mo. Hindi kita laging naiintindihan, minsan gusto kitang takasan, pero sa dulo ng araw, lagi akong bumabalik.

Dito ko natutunang makinig sa ingay na hindi maririnig ng tenga. Ingay ng mga pangarap na isinisigaw sa mga pahina ng libro, ng pag-asang inililimbag sa bawat sagot sa papel. Ingay ng pagod na hindi bumibitaw, ng mga tanong na naghahanap ng kasagutan, ng tahimik na pangakong hindi ko man sinasabi, pero itinataga ko sa puso—na hindi kita bibiguin.

At balang araw, marahil hindi na kita masusundan. Marahil lalayo na ako, lilipad patungo sa hinaharap na matagal mo nang iginuhit para sa akin. Ngunit saan man ako makarating, mananatili sa akin ang ingay mo—sa mga aral na iniwan mo, sa mga pangarap na itinanim mo, sa pag-asang tinulungan mong hubugin sa loob ko.

At kapag tahimik na ang lahat, saka ko lang maririnig nang buo ang tinig mo.

MEDALYA

niKristineIsaac

Dumating din ang pinakahihintay na araw ni Lea. Suot nya ang paboritong puting bistida, nakalugay ang buhok niyang ipinaayos pa nila sa parlorista. Kaharap ang katulad niyang mga nakasuot ng toga, bakas sa mga mukha nito ang pagkamangha sa dalaga.

Hindi dahil sa tinanggap nitong pinakamataas na pagkilala, kung hindi dahil sa paninibago. Sa isang sulyap ay hindi mo agad ito makikilala. Wala na ang pangangalumata at puyat nitong itsura.

Kaliwa't kanang ang pagbati. Nakabibingi ang palakpakan ngunit mas nangingibabaw ang pintig ng puso nitong hindi mawari kung dahil sa labis na kaba o kasiyahan.

Ang ngiti ng kaniyang ina ay abot hanggang tenga, habang sunod-sunod na isinasabit sa kaniya ang mga medalya.

Ngunit nakapagtataka, bigla ay parang ang hirap nang huminga. Unti-unti ay tila nasasakal na siya.

Sa leeg ni Lea ay mabibigat na gintong bakal. Sa iba ay simbolo ng tagumpay at pangarap. Ngunit para sa mga katulad ni Lea ay iba. Ngunit huli na nang mapagtanto niya.

Guhit ng Tadhana: Ang Liwanag Pagkakaibiganng

ni Chloe Obando

Sa tahimik na bayan ng Cabading nakatira si Zhaffirah, isang mahiyain ngunit masipag na bata. Lumaki siyang sanay na mag-isa, dahil madalang siyang lumabas ng bahay at hindi marunong makipag-usap sa iba. Sa kabila nito, taglay niya ang mabuting puso at kahusayan sa pagguhit. Kaya naman, nang matanggap siya sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS), isang prestihiyosong paaralan, puno siya ng halo-halong damdamin—katuwaan at kaba. “Paano kung wala akong maging kaibigan?” tanong niya sa sarili habang naglalakad papunta sa paaralan.

Ngayon ang unang araw niya sa panibagong paaralan, kasalukuyan niyang tinatahak ang daan patungo sa malaking tarangkahan ng paaralan, napansin ni Zhaffirah ang engrandeng paligid—ang mga malalaking punong kahoy na tila sumasalubong, ang magagarbong gusali na tila mga palasyo, at ang ingay ng tawanan ng ibang mga mag-aaral. Sa kabila ng kagandahan ng lugar, naramdaman niya ang lungkot sa kanyang puso. Sanay siyang magkulong sa kuwarto at makinig sa mga kanta, kaya't ang pakikisama sa bago at maraming tao ay nakakatakot para sa kanya. Pagpasok sa silid aralan, sinalubong sila ng kanilang guro, si Bb. Jana, isang mabait at magiliw na guro na laging may nakabiting ngiti sa kanyang labi. “Maligayang pagdating, mga mag-aaral,” ani nito. “Para sa araw na ito ay wala muna tayong klase. Maglalaan tayo ng oras upang makilala ang isa’t isa at malibot ang kabuoan ng paaralan.” Pagkatapos ng panimulang paliwanag, nagpatuloy si Bb. Jana, “Magkakaroon tayo ng isang aktibidad. Humanap kayo ng kapareha na hindi niyo pa kilala, at maghanda ng isang pagtatanghal na magpapakita ng inyong talento.” Ang mga estudyante ay agad naghanapan ng kapareha, ngunit si Zhaffirah ay nanatiling nakaupo, nakatungo, at hindi makagalaw. Natatakot siyang baka walang pumili sa kanya. Sa gitna ng kanyang pag-aalala, isang tinig ang narinig niya. “Hi! Pwede ba tayong mag-partner?” Nagtaas siya ng tingin at nakita ang isang batang babae na may maaliwalas na ngiti. Ang kanyang pangalan ay Lavereighn, isang palabiro ngunit magiliw na estudyante. “Sigurado ka?” tan nag-aalangan. Tumango si Lavereighn, “Oo naman! Halika, magplan

Habang pinag-uusapan nila ang kanilang pagtatanghal, nalaman ni Lavereighn na mahusay si Zhaffirah sa pagguhit. Nagpasya silang gumawa ng kwento tungkol sa pagkakaibigan, kung saan si Lavereighn ang magtatanghal ng dula habang si Zhaffirah ay gagawa ng mga guhit na magpapakita ng kanilang kwento. Sa bawat araw ng paghahanda, unti-unting naging magaan ang pakiramdam ni Zhaffirah. Si Lavereighn ay palaging masayahin at mapagpasensya, na tila kayang alisin ang lahat ng kanyang kaba.

Isang araw, habang gumuguhit si Zhaffirah, biglang nagsalita si Lavereighn, “Alam mo, Zhaffirah, ang galing mo! Pero bakit parang hindi ka masyadong nakikipag-usap sa iba?” Tahimik na ngumiti si Zhaffirah at sumagot, “Hindi ko alam kung tatanggapin ako ng mga tao. Natatakot akong pagtawanan nila ako.” Hinawakan ni Lavereighn ang kamay niya at sinabing, “Walang perpektong tao sa mundo, Zhaffirah. Ang mahalaga ay maging totoo ka. At sa palagay ko, hindi naman importante kung ano ang tingin nila sa’yo, ang mahalaga ay kung ano ang tingin mo sa sarili mo.” Dumating ang araw ng pagtatanghal. Habang naghihintay ng kanilang oras para magpresenta, muling nakaramdam ng kaba si Zhaffirah. “Paano kung hindi nila magustuhan ang ginawa ko?”

tanong niya kay Lavereighn. Ngumiti si Lavereighn at sinabing, “Huwag kang mag-alala. Basta gawin natin ito ng buong puso.” Nang sila’y magtanghal, umupo si Zhaffirah sa gilid ng silid at sinimulan ang kanyang pagguhit habang nagkukwento si Lavereighn. Ang kanilang kwento ay tungkol sa isang mahiyaing bituin na natutong magningning dahil tinulungan ito ng isang masayahing buwan. Habang inilalarawan ni Lavereighn ang kwento, unti-unting lumitaw sa telebisyon ang guhit ni Zhaffirah ng isang bituin at buwan na magkahawak-kamay. Pagkatapos ng kanilang pagtatanghal, nagpalakpakan ang buong klase. Lumapit si Bb. Jana at sinabing, “Napakaganda ng kwento ninyo! Zhaffirah, napakatalino at malikhaing bata mo. Huwag kang matakot ipakita ang sarili mo. Ang sining mo ay nagbibigay-inspirasyon.” Pagkatapos ng klase, si Zhaffirah ay nilapitan ng iba pang mga mag-aaral. “Ang ganda ng ginawa mo! Ang husay mo palang gumuhit!” sabi ng isa. Ngumiti si Zhaffirah, at sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman niyang tinanggap siya ng iba.

“Salamat, Lavereighn,” sabi niya habang papauwi sila. “Kung hindi mo ako nilapitan, baka hindi ko ito nagawa.” Tumawa si Lavereighn at sinabing, “Magkaibigan na tayo ngayon, Zhaffirah. At ang kaibigan, hindi kailanman iiwan ang isa’t isa.”

Simula noong araw na iyon, palagi nang magkasama ang dalawa. Tila lubid na hindi napuputol at mapaghiwalay. Noong araw din na iyon natagpuan ni Zhaffirah ang isang tunay na kaibigan na handa siyang samahan at suportahan sa pagtupad ng kaniyang pangarap. Isang tao na handa siyang gabayan at tulungan sa mga desisyon sa buhay. Napagtanto rin ni Zhaffirah na ang paaralan na iyon ay mahiwaga, kung hindi dahil dito, hindi niya makikilala si Lavereighn. Hindi rin sisikat ang pangalan niya kung hindi dahil sa suporta ng mga estudyante na nagaaral doon. Sa kasalukuyan ay isa nang arkitekto si Zhaffirah, marami na rin siyang proyekto na nagawa at maganda lahat ang kinalabasan nito. Malaki ang naging pasasalamat niya kay Lavereighn dahil isa siya sa mga dahilan kung ano ang katayuan ngayon ni Zhaffirah.

Mahiwagang Kweneto ni Kristine Isaac

KAKAIBANG ANSCI

Para sa'yo, bilang mag-aaral, ano nga ba ang kakaiba rito para sa'yo? Anong kakaiba sa AnSci? Kakaiba ba dahil may pribilehiyo o kakaiba dahil matatalino?

Sa pagdaan at patuloy na pagbabago ng ikot ng mundo, maraming tao ang may kamangha-manghang karanasan at kuwento, ngunit uumpisahan kong ihayag ang sa akin kung paano nga ba ako naging kakaiba bilang estudyanteng patuloy na naghahanap ng dahilan upang manatili at panindigan ang desisyon na pinili.

Naalala ko pa noong lumipat ako sa paaralang ito. Naaalala ko pa ang pangamba at takot na dala-dala ko sa bagong kapaligiran, walang kakilala, at mag-isa, nilulunok ang tila isang bagay na nakabara sa aking lalamunan—ang mga mata nila tila nakakita ng bagong interesanteng bagay. Napapatanong na lang sa sarili: Ano nga bang iniisip nila noon? Sabi nga ng mga magulang ko sa akin, mukha akong batang musmos, tila puting anghel na naligaw sa lupa— isang tahimik at sensitibong mag-aaral, madalas pang emosyonal hindi pa alam ang deriksyon ng buhay. Aaminin kong sa sobrang baba ng kumpiyansa ko sa aking sarili, minsan na rin akong bumagsak sa unang markahan at nalugmok sa dilim na dala ng lungkot ng pag-iisip.

Sa tuwing naglalakad at naglilibot sa paaralan, kasabay ng mga programa, nakakamanghang isipin na kayang-kaya ng mga mag-aaral na makisabay sa kahit anong pakulo ng mga samahan sa paaralan at ipinapakita ang mga bagay na alam nilang magaling sila. At iyon ang bagay na naisip kong kakaiba: dahil may mga bagay silang kayang gawin at alam nila iyon.

Kung maihahalintulad ako sa ibang bagay, para akong rosas—hindi dahil sa halimuyak na dala, ngunit isa akong uri ng bulaklak na matagal at mahirap pamulaklakin, lalo na kung hindi pa handa. Ang ika-9 na baitang ang masasabi kong pinakamasaya at pinakamahirap na baitang. Unti-unti kong natuklasan at binuksan ang aking sarili dahil sa mga taong lulan ng aming pangkat.

Nagkaroon ako ng lakas upang magsalita sa harap ng klase, sa harap ng maraming tao. Iyon ang naging rason upang malaman ko ang bagay na kakaiba sa akin, ang bagay na kakaiba bilang mag-aaral ng AnSci: Kakaiba ako hindi lamang dahil malikhain o magaling magsulat, kundi natuklasan ko ang isang bagay na kaya ko palang gawin—isang bagay na tingin ng tao ay kakaiba sa akin. May kakayahan akong magpatawa at magsalita sa harap ng walang hawak na babasahin. Parang nakasakay ako sa isang jeepney na sakto lang ang takbo habang napagtatagpi-tagpi ang mga bagay na nakikita ng mata —mga taong may kanya-kanyang kuwento, mga bagay na maaaring kakaiba para sa atin. Hindi man natin nakikita, pero para sa iba, mayroong kakaiba. Sa kasalukuyan, heto at patuloy na hinahanap ang mga bagay na para sa akin. Patuloy na humahanga sa mga mag-aaral ng AnSci at sa kakaibang katangian na mayroon sila—mga bagay na imposible kung iisipin, ngunit para sa kanila ay isang simpleng bagay. Patuloy kong pahahalagahan at pagtitibayin ang aral na dala at ibabahagi sa iba.

Iba-iba tayo ng karanasan at kakayahan. May ibang itinatago ang ginto ng kanilang mga talento, habang ang iba naman ay patuloy na pinalalago ang mayroon sila. Tayo bilang mag-aaral ay maraming bagay na masasabi nating kakaiba—mga bagay na hinihiling natin na sana'y kaya rin natin. Ngayon, naiintindihan ko na: Kakaiba ang AnSci dahil sa kakayahan nating sumuporta sa iba at umunawa sa ating kapwa mag-aaral. Kaya lubos kaming nagpapasalamat sa mga guro at sa mga taong gumagabay sa pag tuklas ng aming kakaibang talento.

Ikaw? Anong kuwentong kakaiba mo?

Pagkalinga

Sigh. Kung kailan Lunes, na-late pa. Dumungaw ako sa bintana ng dyip. Kailan kaya ito aalis? Huli na rin naman na ako; sulitin ko nalang ang umaga.

Malayo ang paaralan–halos isang oras ang byahe. Bagamat araw-araw kong dinadaanan ang rutang ito, ngayon ko lang napansin ang mga baka at kambing na naglilibot sa damuhan. Ang kabundukan sa ‘di kalayuan na nababalot ng manipis na hamog na tila isang kumot ng katahimikan. Napangiti ako. Marahil madalas akong nagmamadali, hindi ko na napapansin ang kagandahan sa paligid ko. Para bang binubulong ng umagang ito na kahit sandali, may panahon para huminto at huminga.

Pagdating ko sa bungad ng paaralan, masigla na ang lahat. Napuno ng kwentuhan at tawanan ang paligid, mga estudyanteng nagkukumustahan matapos ang Linggo. Mga asong mas maaga pa pumila kaysa sa mga mag-aaral para sa pagtaas ng watawat ng Pilipinas. Isa sa kanila ang lumapit sa akin, kinawag ang buntot, at tumakbo papuntang kantina. Hindi sila opisyal na pagmamay-ari ng paaralan, pero sa tagal ng paninirahan nila dito, sapat na para ituring silang parte nito.

Matapos kong magpaumahin sa aking pagkahuli sa klase, agad na akong umupo bago magsimulang magsulat ang aming guro sa pisara. Tipikal na araw lamang ang araw na ito. Tunog ng pagsulat at pagbuklat ng libro ang pumalibot sa silid-aralan. Sigawan mula sa mga bata mula sa mas mababang baitang. Sabay-sabay na reklamo mula sa aking mga kaklase sa mahirap na tanong ng guro. Bagamat mahigpit, ititigil nila ang kanilang pagtuturo upang maingat na ihatid ang mga ligaw na pusa imbis na itaboy ito.

Pang-karaniwan na sa aming eskwelahan ang ganitong kaganapan. Ang pagpasok ng paru-paro at pagtitipon ng mga estudyante upang tanungin kung kaninong namayapang kamag-anak iyon, isang pamahiing likas na sa kultura ng mga Pilipino. Mga ibong napapadpad sa loob ng silid-aralan at mga hiyawang sabik mag-antay na matagpuan ng mga ito ang daan papunta sa kalawakan.

Pagdating ng tanghali ay pumunta ako sa kantina kung saan ko natagpuan ang isang pamilya ng mga pusa, nakahiga at nagpapaaraw, tiyak na inaabutan ng tira-tirang tinapay ng ilang estudyante. Pagkaupo ko sa isa sa mga bangko, napansin ko ang kaguluhan malapit sa mga halamanan. Isang grupo ng mga hayop–nagtipon-tipon palibot sa isang bagay na hindi ko maaninag mula sa malayo.

Nang ako’y lumapit, sa gitna ng pagpupulong ay isang maliit na kuting, mas maliit pa sa aking palad. Basa ang kaniyang balahibo at nanginginig habang tumitingin sa paligid gamit ang bilugan at takot na mga mata. Hindi nagbabanta ang mga hayop. Sa halip, tila pinoprotektahan nila ito mula sa kahit na anong panganib.

Ako’y napatigil, nanood nang tahimik. Napakabanayad ng mga pangyayari. Makalipas ang ilang segundo, tumunog ang mahinang ngiyaw mula sa kuting. Isa sa mga pusa ang lumapit dito na para bang niyayakap, habang ang ilang aso naman ay dahan-dahang kinawig ang buntot.

Hindi ko sila nais gambalahin kung kaya’t umatras ako at bumalik sa aking silidpaaralan. Hindi ko mawari kung paano sila nagkakaintindihan ngunit sigurado ako sa isang bagay–may sarili silang paraan ng pag-aalaga sa isa’t isa.

Sa paaralang ito, hindi maikukubli ang pagod at bilis na pagtakbo ng oras; gayundin ang mga sandaling maliit, saglit, at mabagal kung saan lahat ng problema’y maaari mong palipasin. Kung saan ang pagitan sa mga tao at hayop ay nawawala dahil katulad natin, sinusubukan din nilang intindihin ang takbo ng mundo.

Ang munting tahanang ito ay hindi lamang tahanan upang paghusayin ang mga batang-siyentipiko, tahanang lagi kang pinagmamadali dahil kapag ikaw ay nagpahuli, ikaw ay mahuhuli. Ito ay isang tahanan din para sa mga hayop na naghahanap ng matutuluyan, kaibigan, at makakasama. Isang tahanan kung saan maigting ang pagmamahalan, maging sa kapwa, kapaligiran, bayan, at hayop man.

Kahit pa ang tahanang iyon ay madalas may mga bisitang lumilipad at humuhuni.

Mahiwagang Kweneto ni Avila

Mahiwagang Kuha ni Adlawan

Masusuing nagsasagot ng pagsusulit ang mahuhusay na mag-aaral ng pangkat Descartes.

Mahiwagang Kweneto ni Dwayne Jacob

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.