Ang Tipolenyo Tomo 3 Bilang 2

Page 1


GRUPONG CLARABELLE, NASUNGKIT ANG KAMPEONATO SA LEADERSHIP TRAINING

Marelle Mammuad

Pinatunayan ng grupong Clarabelle ang kanilang angking husay at talento laban sa labing-isang grupo sa isinagawang Leadership Training sa pangunguna ng Supreme Student Government, Mayo 5. Buong pwersang sinuong at nakipagtagisan sa habulan, putikan at basaan ang Clarabelle dahilan upang makamit nila ang unang pwesto sa isinagawang programa.

Ang isinagawang Leadership Training ay alinsunod sa programa ng Supreme Student Government na isinasagawa taon-taon na naglalayong turuan ang mga Anscians ng iba’t ibang kaalaman tungkol sa pamumuno.

Tunghayan sa pahina 2

Jan Xerohj Olivo

Bilang

pagtugon sa pangangailangan ng mga batang AnScians, lalo na sa disaster risk preparedness, pinangunahan ng AnSci School Parent-Teacher Association (SPTA) ang Project K2 o ang “Kaligtasan at Kalusugan mo, Uunahin ko,” Mayo 17.

Ipinakilala ni Gng. Eden Balneg ang proyekto sa harap ng mga magulang sa Third Quarter Parents’ Assemby upang makita ang pinatunguhan ng SPTA fund na kinolekta para sa Taong Panuruan 2022-2023, tulad na lamang ng distribusyon ng mga Emergency Go Bag.

Ayon kay Gng. Balneg, isinakatuparan ng SPTA ang proyektong ito upang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga mag-aaral sa mga sakunang hindi inaasahan sa pamamagitan ng

Emergency Go Bags. Dagdag pa niya, ang proyektong ito ay naglalayong mabigyang-pansin ang mga kagamitan at gamot na kinakailangan para sa clinic ng paaralan.

“Lahat ng aming naumpisahan ay para sa kapakanan ng bawat estudyante. Sa tingin ko ay nakatutulong sa kanila ang mga maliliit na bagay na nagawa ng SPTA,” ani ni Gng. Balneg.

Inaasahan naman sa huling linggo ng Hunyo ang second batch ng distribusyon ng Emergency Go Bag sa mga mag-aaral, sa tulong ng Supreme Secondary Learner Government.

Ayon kay Liana Merino, mag-aaral sa ikapitong baitang, mas naramdaman niyang handa siya sa anumang sakuna noong matanggap

niya ang Emergency Go Bag mula sa SPTA.

“Last time po, nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Kaya naman nakatulong po ‘yung pagkakaroon ng Go Bag dahil may laman na rin po itong gamot para tugunan ‘yung mga pangangailangan din namin,” saad niya.

Samantala, patuloy pa rin ang masigasig na pakikipagugnayan ng pamunuan ng SPTA sa administrastyon ng ACNSTHS at Antipolo City Government upang mapunan ang iba pang pangangailangan ng paaralan at ng mga mag-aaral.

Ilan sa mga proyektong ito ay ang pagpapalagay ng gate sa paaralan, pagsasaayos ng basketball system sa covered court nito, at mga airconditioner para sa Computer Laboratory ng Senior High School.

96% ng AnScians, pabor sa SOGIESC Bill

Lumabas sa pinakabagong sarbey ng pahayagang Ang Tipolenyo na 96% ng mga mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang sang-ayon sa pagpapasa ng Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC) Bill, na isa sa mga isyung pangkasariang kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan. Matatandaang ang SOGIESC Bill ay inihain noon pang 2000, sa pangunguna ng dating Senadora Miriam Defensor Santiago at ni dating

Akbayan Representative Loretta Rosales, na naglalayong magbigay ng karagdagang proteksiyon at inklusibidad para sa mga kasapi ng LGBTQIA+ community sa bansa.

Mula sa 520 na AnScians na naging respondente ng naturang sarbey, 501 ang nagsabing nararapat na nga itong isabatas, habang 19 naman ang nagsabing hindi pa sila handang masaksihan ang pormal na pagpapasa rito.

Ayon sa isang magaaral, “Ang mga kapwa nating Pilipino na kasapi sa LGBTQ+ ay nakararanas ng iba’t ibang diskriminasyon sa ating bansa,

kaya ‘pag naipasa ang SOGIESC diskriminasyon, hindi pagtanggap ng kagayang karapatan sa iba, at hindi pagtrato sa LGBT community bilang kapantay na kapwa Pilipino magpasahanggang

Kamakailan lamang ay muling naging usapan sa senado ang 23 taong gulang na bill nang magkaroon ng sagutan si Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros hinggil sa kahalagahan ng opisyal na pagsasabatas dito, Hunyo 6.

Kendric Lemuel Eli Dedase

JOURNALISM WORKSHOP, HINUBOG ANG MGA BATANG ANSCIANS

MUNTING BOSES, PALAKASIN

Masikap na pinag-aralan ni Erin B. Matro, isang batang mamamahayag na nakilahok, ang mga leksyon na ibinahagi ng mga tagapagturo sa ginanap na worksyap sa pamamahayag sa ACNSTHS noong Pebrero 2 at 3, 2023. Isinagawa ang worksyap na ito upang linangin ang kakayahan ng mga batang mamamahayag sa kategoryang kanilang sinalihan tulad ng pagsulat ng balita.

KUHA NI: Kristine Isaac

Hinasa ang kakayahan ng mga batang siyentipiko sa pagsulat sa iba’t ibang kategorya sa isinagawang Journalism Workshop sa pangunguna ng Ang Tipolenyo at Pendulum Chronicle, Pebrero 2-3.

Layunin ng nasabing Journalism Workshop ang hubugin ang talento at natatagong kakayahan ng mga Anscians sa pagsulat sa iba’t ibang kategorya sa Ingles at Pilipino.

Nilahukan ang nasabing aktibidad ng mga mag-aaral ng ACNSTHS mula sa ika-7 hanggang ika12 baitang na nais matuto sa larangan ng dyornalismo.

Nilinang ang kakayahan ng mga Anscians na nais maging mamamahayag sa tulong ng mga guest speaker sa bawat kategorya na nanguna sa pagbabahagi ng iba’t ibang lektyur at payo sa pagsusulat ng iba’t ibang sulatin.

Samantala, kabilang sa nasabing workshop ang pagpapaunlad sa kakayahan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang kategorya tulad ng Pagsulat ng balita, Pagsulat ng Lathalain, Pagsulat ng Pangulong Tudling, at iba pa.

Matapos ang lektyur ng mga guest speaker sa bawat kategorya, binigyan ang bawat mag-aaral ng isang oras upang ipakita ang kanilang mga natutuhan at patunayan ang kanilang mga angking galing sa

kani-kanilang kategoryang nilahukan.

Kaugnay nito, inatasan ang mga nasabing nagturo sa nasabing workshop na mamili ng ilang gawang nagpamalas at nagpakita ng angking husay sa bawat kategorya na maaaring maging pambato ng ACNSTHS sa mga isasagawang kompetisyon sa hinaharap.

Ayon kay Kendric Lemuel Eli C. Dedase, patnugot ng Balita ng Ang Tipolenyo, “Marami po talaga akong natutuhan, lalo na sa kung gaano kaobjective dapat sa ‘pag nagsusulat ng article.”

Natutuhan diumano rin ni Dedase kung paano gumawa ng balita at sa kabuuan, ang nasabing workshop ay naglabas ng kaniyang tunay na potensiyal at nilinang ang kaniyang mga kakayahan at talento sa dyornalismo.

Naging matagumpay ang isinagawang 2-Day Journalism Workshop na naghatid ng bagong kaalaman sa mga mamamahayag ng paaralan na kanilang magagamit sa pagsisiwalat ng kanilang mga

Grupong Clarabelle, nasungkit ang kampeonato sa Leadership Training

Mula sa pahina 1

Ang nasabing programa ay binuo ng iba’t ibang stations na siyang nilaruan ng mga mag-aaral upang hubugin ang kanilang mga sarili sa pagiging isang mabuting lider at tagasunod. Nilahukan ang nasabing station hopping ng mga mag-aaral mula sa ika-7 hanggang ika12 baitang na hinati sa 12 grupo: ang Scooby Doo, Pink Panther, Donald Duck, Peppa Pig, HeiHei, Shaun the Sheep, Clarabelle, Tweety Bird, Maximus, Soothsayer, Prince Naveen at Ushari. Samantala, matatandaang sa unang araw ng Leadership training ay nagkaroon ng palihan na pinangunahan ng iba’t ibang guest speakers na may karanasan na sa pamumuno upang turuan ang mga Anscians sa konsepto ng pagiging isang lider at tagasunod. Naging matagumpay ang isinagawang 2-Day Leadership Training na naghatid hindi lamang ng kasiyahan sa mga mag-aaral, kundi pati mga bagong kaalaman patungkol sa pagiging isang mabuting lider sa hinaharap.

ACNSTHS, sumungkit ng tatlong pwesto sa isinagawang RSPC

M uling nagpakitang gilas at pinatunayan ng mga mamamahayag ng ACNSTHS ang kanilang angking husay sa pagsulat matapos makakuha ng 3 pwesto sa ginanap na taunang Regional School Press Conference o RSPC, Hunyo 2.

Namayagpag sa pagsulat ang mga pambato ng Ansci sa pagsulat ng Tanging Lathalain na sina Pauline Jane D. Baydo na nagkamit ng ika-7 puwesto sa Pilipino at Franchezka Suijen D. Mapa sa Ingles na nagkamit ng ika-4 na pwesto samantalang si Andrew G. Dumangas naman sa pagsulat ng Isports ay nagkamit ng ika-4 na pwesto sa buong rehiyon.

Ayon kay Franchezka Suijen D. Mapa, “Tuwang-tuwa ako nung nanalo ako sa RSPC kahit 4th place lang siya. Para sakin, napakalaking bagay na nito kasi akala ko na imposible makakuka ng award dahil napakaraming competitor at proud din ako dahil pinaghirapan ko yun.”

Dagdag pa ni Mapa, hindi niya masasabing

makikipagtagisan sa mga mamamahayag ng iba’t ibang lalawigan sa rehiyon. Buong pwersang nakipagtagisan ang mga batang mamamahayag mula sa Antipolo sa mga kategoryang Filipino at

Samantala, matatandaan namang nagkaroon ng labimpitong pambato ang paaralan sa iba’t ibang kategorya sa Filipino at English na pahayagan sa DSPC habang walong pambato naman sa RSPC sa indibidwal na pagsulat at desktop

Nagkamit ng siyam na panalo sa una at ikalawang pwesto ang mga pambato ng Antipolo City National Science and Technology High School sa DSPC at tatlong wagi naman sa Pinatunayan lamang dito ng mga Anscians ang kanilang angking husay sa pagsulat ng iba’t ibang sulatin at ipinakita na kayang-kaya pa rin nilang makipagsabayan sa mga mamamahayag sa buong bayan at rehiyon.

Shane Valdez
KAPSYON NI: Florence Clarisse Casiple
LARAWAN MULA KAY: Daisy Jane Ciar

BALITANG KINIPIL

ACNSTHS, Nakiisa Sa Pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan

A

NTIPOLO CITY- Binigyanghalaga ng ACNSTHS ang kapangyarihan ng kababaihan sa ginanap na Women’s Month Seminar sa pangunguna ng Girl Scout of the Philippines at Supreme Student Government, Marso 31.

Alinsunod ito sa International Women’s Month Celebration na taunang idinaraos tuwing buwan ng Marso na naglalayong ipahayag ang kalakasan at tibay ng mga kababaihan.

Naging matagumpay ang isinagawang programa na naghatid ng mga bagong kaalaman tungkol sa kahalagahan, kalakasan at karapatan ng mga kababaihan.

Marelle Mammuad

AnScians, Hinasa ang Pagsulat sa Seminar-Workshop ng SAMAFIL

N agbaon ng mga bagong kaalaman sa pagsulat ang mga mag-aaral ng ACNSTHS sa ginanap na seminar-workshop sa malikhaing pagsulat ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) bilang pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2023 na may temang “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan,” Mayo 15. Hinati sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral, kung saan pinagtuunan ng pansin ng mga trainers ang pagsasanay sa mga kategoryang haiku, dagli, flash fiction, at tula.

Dhenri Fathma Nicole Pura

Anti-Drug Campaign ng BKD, Aprub sa AnScians

T inupad ng Barkada

Kontra Droga (BKD) ang kanilang gampaning magbigay- impormasyon sa AnScians ukol anti-drug awareness, sa pamamagitan ng pagbibigay-mensahe ng pangulo ng organisasyon na si Regine Cajilig sa Flag Raising Ceremony ng ACNSTHS, Abril 15.

Ang maikling talumpating ito ay bahagi rin ng kanilang campaign na sinimulan noon pang nakaraang taon at isang pagdiriwang na rin sa Save the Child Month, kung saan ang bawat AnScian ay may kakayahang makarinig at magkaroon ng kamalayan ukol sa mga ipinagbabawal na gamot.

Ismael Cabatingan Jr.

IPANA SA PUSO

Masayang naglaro ang mga estudyante ng ACNSTHS sa booth ng GSP noong Pebrero 14, 2023. Ang Cupid’s Eye booth o game booth ng GSP ay nagsilbing palaruan noong Valentine’s Day Fair 2023.

KUHA NI: Gezel Gonato

KAPSYON NI: Jaci Margaret Bernardo

tinanghal ang AnSci Girl Scouts of the Philippines (GSP) bilang highest grossing booth sa taunang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS), batay sa inilabas na revenue report ng bawat organisasyon ng paaralan, Pebrero 14.

Base sa tala, umabot sa Php 3,000 ang total na kinita ng nasabing organisasyon sa kabuuan ng nasabing programa ng paaralan.

Kaugnay nito, dinagsa ng mga mag-aaral ang kanilang pakulo na pinangalanang “Cupid’s Eye: Game Booth”, kung saan tampok ang pagpapatama ng mga estudyante ng mga darts sa kanilang inihandang target, na may kaukulang papremyo, tulad ng stuffed toys at mga tsokolate.

“Masasabi kong sulit talaga yung booth ng GSP kasi bukod sa mga papremyo, ‘yung saya talaga ‘yung babaunin mo roon

CUPID’S EYE BOOTH NG GSP, PATOK SA ANSCIANS

after mong maglaro,” ani ng isa.

“Mababait po ‘yung mga facilitators na sina Ate Ella po at kitang-kita po talaga ‘yung effort nila sa pag-entertain po nung mga customers,” dagdag pa ng isa.

Dahil sa kakaunting oras, naging puspusan ang ginawang paghahanda ng GSP, pati na rin ang ibang clubs, sa kani-kanilang booths upang gawing espesyal ang araw na ito para sa mga estudyante.

Ayon kay Jaci Margaret Bernardo, pangulo ng GSP, “Kahit na short span of time lang yung event, nagawa pa rin itong icelebrate ng Anscians dahil sa booth namin and booths ng ibang clubs at Grade 7 na ginawa out of hardwork and dedication. I think na yun pa lang ay special part na ng Valentines day.”

Ang iba pang kinagiliwang booths noong Araw ng mga Puso ay ang Ang Tipo Ko: Hatid-Kilig Services ng pahayagang Ang Tipolenyo, Wedding Booth ng SSG, at Karaoke Booth ng SAMAFIL.

KARERA NG BUHAY: Career Guidance Program, Nagbigay-Kaalaman sa AnSci SHS

Para mabigyang-liwanag sa kanilang kukuhaning kurso at trabaho sa hinaharap, dumaan ang mga mag-aaral sa Senior High School Department ng ACNSTHS sa isang Career Guidance Program, Pebrero 27.

Sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad, nahahanda ang mga estudyante sa mga maaari nilang tahakin sa hinaharap, batay na rin sa layunin ng Republic Act No. 11206, na kilala rin bilang Secondary Career Guidance and Counseling Act of 2019.

Ipinagmalaking sinuot ng mga lumahok na mag-aaral ang kasuotang sumasalamin sa kanilang ninanais na pasuking trabaho, tulad ng pagiging doktor, inhinyero, o maging arkitekto. “As you can see sa’king outfit, gusto ko maging doktor someday,” ani ng isang mag-aaral.

Kinakitaan ng kaputian ang mga mag-aaral dahil sa kanilang mga labgown na nagsasabing karamihan sa kanila ang ninanais pumasok sa larangan ng medisina.

Sina Dra. Ma.

Victoria Magayon at Bb.

Jasmine Kate Esparagoza naman ang mga naging

tagapagsalita para sa naturang programa kung saan ibinahagi nila ang kanilang mga kaalaman at karanasan ukol sa wais na pagpili ng kurso pagdating ng kolehiyo at pagpasok sa napupusuang trabaho.

Bilang pampabuhay ng seminar, nilahukan ng mga estudyante ang isang aktibidad, na tinawag na RIASEC Test, kung saan matutukoy kung mas matimbang ba ang kanilang pagiging Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising, o Conventional sa iba-ibang sitwasyon.

“Habang nag-a-answer ako nung form para malaman ‘yung appropriate na course meron ako, unti-unti akong nalilinawan sa mga hilig kong bagay. Nung malaman kong investigative ako ay natuwa ako kasi nagtugma yung mga characteristics ko dun sa mga qualities na nakalagay dun sa form,” saad ng isa sa mga nakisagot sa aktibidad.

Kahit hindi pa desidido sa tatahakin sa hinaharap ang karamihan, nagbigay ang seminar na ito ng bakas ng kalinawan sa mga estudyante ukol sa nararapat nilang tunguhing landas batay sa kanilang pansariling talento at kakayahan.

Kendric Lemuel Eli Dedase
Kendric Lemuel Eli Dedase

ALKANSYA NG BUWAYA

Lumusot na sa third reading ng Senado ang Senate Bill No. 2020 o ang Maharlika Investment Fund Act of 2023 noong ika-30 ng Mayo 2023. Matatandaang dineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang State of Nation Address (SONA) ang Maharlika Investment Fund bilang isang priority measure. Sa agarang pagpasa ng mga mambabatas sa isang batas na puno ng butas, hindi maitatangging ang Maharlika Wealth Fund ay magiging alkansiya lamang ng isang administrasyong puno ng mga tiwali at kurakot na mga pulitiko. Kilala ang gobyerno ng Pilipinas sa pagiging tiwali. Kaya, hinding-hindi mabubuo ang pagtitiwala ng mga Pilipino sa MWF lalo na kung nakapailalim ito sa mga tanyag na magnanakaw at mayroong criminal records. Ang Maharlika Wealth Fund ay hinding-hindi magiging para sa bansa; ito ay para lamang sa bulsa ng mga buwaya.

Si Marcos ay kilala sa pagiging miyembro ng isang pamilyang ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ay may hindi mabayad-bayarang humigit P200 bilyong buwis. Isa rin sa mga awtor ng panukalang ito, si Senador Mark Villar, ay kinwestyon dati ni dating Senador Panfilo Lacson noong siya ay nasa Department of Public Works and Highways pa lamang dahil sa kakwestyon-kwestyong P469 bilyong pondo ng departamento. Kung may kasaysayan sa pagiging iresponsable ang mga pulitiko sa likod ng Maharlika Wealth Fund, hindi masisiguro ang seguridad nito. Subalit, isinaad ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang

napakaraming seguridad ng Maharlika Wealth Fund na magsisigurong hindi magagamit ang Maharlika Wealth Fund sa mga pampersonal na layunin. Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng audit committee, pakikialam ng Commission on

Florence Clarisse Casiple (PUNONG PATNUGOT)

Jvan Reec Valles (IKALAWANG PATNUGOT)

Valerie Paghunasan (TAGAPAMAHALANG PATNUGOT)

Kendric Lemuel Dedase (PATNUGOT NG BALITA) Kyle Voltaire Ipac (PATNUGOT NG PANGULONG TUDLING)

Miko Gellecanao at John Syd Moratalla (PATNUGOT NG PAGLALARAWANG TUDLING)

Clarisse Jane Rivera (PATNUGOT NG LATHALAIN))

Florence Clarisse Casiple (PATNUGOT NG LARAWANG PAMPAHAYAGAN)

Reinel Jaesun Sayson (PATNUGOT NG BALITANG AGHAM)

Patrick Quitoriano (PATNUGOT NG PAGLAPAT NG PAHINA)

Jaci Margaret Bernardo, Jeric Miano, at Yunah Karille Baltazar (MGA KATUWANG SA PAGLAPAT NG PAHINA)

Angela Gwen Quiboy, Claren Gonzales, Christine Joy Daños, Chin-Chin Salazar, Dhenri Fathma Nicole Pura, Francis Paz, Gezel Gonato, Ismael Cabatingan Jr., Jan Xerohj Olivo, Jaztine Russel Amador, Jhaytal Gida, Joan Yaguel, John Drey Bea, John Mathew Jacinto, Julius Robert Intia, Kristine Isaac, Marelle Mammuad, Ma. Keesha Sophia Muñoz, Neil Ian Chavez, Shane Valdez at Yzah Katherine Baltazar (MGA NAG-AMBAG)

Daisy Jane Ciar at Precila Leyble (MGA GURONG TAGAPAYO)

Audit (COA), pagsunod sa Santiago Principles, at pagkakaroon ng procurement law. Ayon sa kaniya, ang mga safeguard na nakalagay sa panukala ay sapat na upang magtiwala ang mga Pilipino sa Maharlika Wealth Fund. Kahit na magkaroon pa ito ng libo-libong pananggalang, maaari pa rin itong hindi magamit nang tama. Isang halimbawa ay ang Fundo Soberano De Angola, ang sovereign wealth fund ng Angola, na may napakaraming pananggalang at sinigurado pang sumusunod ito sa Santiago Principles. Ngunit, ayon sa Al Jazeera, noong 2018, US$500m ng sovereign wealth fund ay ginamit ng dating tagapangulo, Jose Filomeno Dos Santos. Isa itong kaso ng korapsyon na hindi napigilan ng kahit anong pananggalang. Tangi sa riyan, kung kailan nasa ilalim ng walang hanggang krisis pang-ekonomiya ang Pilipinas, walang lugar ang Maharlika Wealth Fund sa kaban ng bayan. Binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros na dadagdag lamang ito sa patungpatong na problema ng bansa. Sa pagkakaroon ng Maharlika Wealth Fund, lalo pang magbibingi-bingihan at magbubulag bulagan ang gobyerno sa mga hinaing ng mga nasa laylayan.

Tila ba ay hinding-hindi maririnig ng gobyerno ang iyak at sigaw ng sambayanang Pilipino. Sa dami ng nagugutom, natutulog sa kalsada, tumitigil sa pag-aaral, at nabibiktima ng karahasan, inuna ng administrasyong Marcos ang isang panukalang sumasagot sa problema ng walang sinuman. Imbis na unahin ang Maharlika Wealth Fund, dapat pagtuunan ng pansin ang kaliwa’t kanang krisis sa bansa, tulad ng kakulangan sa silidaralan, mababang sweldo ng mga guro, at kaunting benepisyo ng mga medical practitioners. Ang Maharlika Wealth Fund ay hindi magiging solusyon sa problema ng bansa, lalo na kung nagiging alkansiya ito ng mga buwaya.

KUWAGO

MGA MATANG BABAD SA SELPON

Ang Pilipinas ngayon ay nakahihigit sa bilang ng pinakababad sa mga smartphone ngayong kumpara sa buong mundo, mayroong 32.5% sa paggamit ng mga telepono. Nakababahala na malaki sa populasyon ngayon sa bansa ang pusukal na sa kanilang mga cellphone dahil maaring malimitahan ang pisikal at pakikisalamuha na pagganap.

Mahigit 69M sa mga Pilipino ang mayroong ganito at sa ngayon, 29% sa mga Pinoy ang nakadepende at nakabase ang halos buong pangaraw-araw sa mga digital gadgets

Ayon sa pahayag ng estudyante sa ika-10 baitang, Ken Nocete, lubhang tumaas ang kaniyang mga grado sa mata dahil sa pagkababad ng mga ito sa screens ng mga gadyet. Dahil na rin ito sa bagong modalidad ng pag-aaral na Online Distance Learning screentime ni Ken.

Bilang mag-aaral, huwag nating limitahan ang mga mapagkukunan ng mga impormasyon at mga datos sa ating mga cellphone lamang, mahalaga pa rin na magamit ang mga libro at mga babasahin upang makapagkalap ng mapagkakatiwalaang kaalaman.

Hindi maitatangi na bagamat nakatutulong ang mga cellphone sa ngayong modernong komunikasyon, mahalaga pa rin ang limitasyon nito upang maiwasan ang negatibong epekto nito sa ating mga kalusugan.

Yunah Karille Baltazar

WalaHIRAYA

ARTIFICIAL INTELLIGENCE, ARTIFICIAL GRADES

na talagang makapipigil pa sa pag-arangkada natin tungo sa mas maunlad at advanced na kinabukasan, kaagapay ng teknolohiya. Para bang kaunting lingat o kaunting segundo na hindi mo matutukan ang iyong cellphone ay maliligaw ka na kaagad. Madalas nga ay mahirap nang sundan at mas mahirap paniwalaan ang mga kaya nang gawin ng teknolohiya sa buhay natin. Hindi ko inakala na magkakaroon ng panahon na mayroon nang software na gagawa ng takdang aralin ko para sa akin.

Hindi maikakaila ang kapangyarihang taglay ng Chat GPT – isang artificial intelligence chat robot na maaaring gamitin sa pagsusulat ng sanaysay, pakikipagtalastasan, at pagtatanong ng kung ano-ano tungkol sa, halimbawa, mga tanong sa takdang aralin. Sa ilang segundo lang, tapos na ang karaniwang oras-oras na ginugugol ng isang estudyante para sumulat ng sanaysay o magsaliksik tungkol sa kaniyang takdang aralin. Dagdag pa rito, kaya patok na patok ito sa mga mag-aaral ay dahil libre ito at madaling ma-access sa loob ng ilang pindot lamang.

Sa internet man o maging sa inyong mga kaklase at kaibigan, alam kong pamilyar na kayo sa Chat GPT lalo na at madalas itong ginagamit sa paaralan. Sa katunayan, paulit-ulit na itong binatikos ng mga guro sa iba’t-ibang bahagi ng mundo na nagbunga pa nga sa pagkaka-ban ng software sa New York, Seattle, at iba pang bahagi ng Estados Unidos.

Dito naman sa Pilipinas, noong Enero, mayroong mga magaaral mula sa University of the Philippines-Diliman na pinaghinalaan ng kanilang propesor dahil umano sa paggamit ng Chat GPT sa ipinasa nilang isang subject requirement. Sumailalim sa dalawang AI detector systems ang ipinasa nilang gawa at lumabas na “highly likely” na isinulat ito ng AI.

Pinapatunayan lang nito na hindi nakatutulong, bagkus ay nakasisira ang Chat GPT sa pagkatuto ng mga bata. Kung titingnan lamang bilang isang makabuluhang hakbang tungo sa pag-unlad ng teknolohiya, hindi naman maitatanggi na tunay itong nakatutulong. Subalit, sa sobrang makapangyarihan ng Chat GPT, inaabuso na ito ng karamihan. Ultimo ang mga isinusulat na kanta at tula ay hinahango na rin mula rito.

Mariin kong kinokondena ang patuloy na pagpapalaganap ng Chat GPT sa mga website, webpage, o sa mga internet portals kung saan maaari itong ma-access o magamit ng mga estudyante. Dapat ay mahigpit na itong ipagbawal sapagkat ito ang nagiging ugat ng pagsisinungaling, pandaraya, at pekeng marka. Hindi karapat-dapat na bigyan ng totoong grado ang mga awtput na ginawa na may tulong ng artificial intelligence dahil sa huli, ang grado ay ang sukat ng iyong pagkatuto. Kung natuto ka gamit ang artificial intelligence, dapat lang na makatanggap ka rin ng artificial grades.

BANYUHAY

OONG-OO SA ALLOWANCE NG GURO

“Bong na bong” ang pagtugon ng senado sa Senate Bill 1964 “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na naglalayon para itaas ang sinasabing “chalk allowance” ng mga guro mula sa 5,000PHP hanggang 7,500PHP at 10,000PHP sa ikatlo at susunod na mga taon na pinapasa ni Senador Bong Revilla.

Nakagagaan ng loob na makita na nabibigyan ng tulong ang mga guro na pinakanaapektuhan ng nagdaang pandemya dahil karamihan sa mga guro ay mga gumastos sa mga kagamitan tulad ng “wi-fi”, “laptop”, selpon, at iba pang kagamitan para sa “distance learning”.

Ang isang Teacher 1 na guro ay tinatayang sumasahod ng 27,000PHP kada buwan na makikitang hindi sapat dahil sa mga kagamitan na kailangan sa pagtuturo, sariling gastos sa bahay, at lalong-lalo na dahil may nagaganap na pagtaas ng mga bilihin sa ating bansa.

Bilang isang magaaral, ang pagbiyahe sa paaralan at mga bayarin na kailangan sa mga pagaaral ay isang balakid para ipagpatuloy ang aming edukasyon. Kung

nararanasan namin ito, mas nadarama naman ito ng aming mga guro dahil hindi lang trabaho sa paaralan ang kanilang inaatupag. Sa ganitong paraan, nakadaragdag tayo ng motibasyon sa mga guro para ipagpatuloy ang malabayaning paglilingkod nila para hulmahin ang mga magbabago ng kinabukasan ng ating bansa. Isa ring benepisyo nito ay maiiwasan ang mga gurong nag-iibang bansa para humanap ng trabaho na mas kikita sila. Parang isang bahaghari matapos ang malungkot na ulan para sa mga guro ang pagbigay aproba ng mga nasa taas ngunit hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ng pagdududa dahil sa sistema at pagganap ng mga gobyerno na nagresulta sa pagkawala ng tiwala ng ating mamamayan. Isang malaking puntos at tiwala ang mabibigay ko sa gobyerno at kay Senador Revilla dahil bukod sa aking mga guro sa Antipolo City National Science and Technology High School, may mga kilala rin ako sa aking komunidad na nangangailangan nito para ipagpatuloy ang kanilang pagtuturo.

SIPAT

Iminungkahi nina Senador Raffy Tulfo at Senador Alan Peter Cayetano sa Department of Budget and Management (DBM) ang dagdag pondo para sa proteksyon ng mamamayan sa paggamit ng teknolohiya nang makumpirma nilang kulang ang nakalaang pondo para sa Department of Information and Communication Technology (DICT). Tunay na napapanahon ang ginawang ito ng dalawang senador upang maproteksyunan ang mga mahahalagang impormasyon ng mga Pilipino lalo na ng estudyanteng madalas gumagamit ng midya. Nararapat lamang itong paglaaanan ng pondo nang wala nang pribadong impormasyon ang lumadlad.

Kung kulang ang pondo para sa batas na tutuldok sa mga krimen ng pagpapakalat ng mga pribadong impormasyon, kulang din ang proteksyong matatamasa ng mga tao lalo na ng mga mag-aaral na gumagamit ng teknolohiya sa pagaaral. Maraming mag-aaral na gumagamit ng aplikasyon na kinakailangan muna ng personal nilang impormasyon upang ito ay kanilang magamit. Ang mga impormasyon na ito ay maaaring maging tulay upang manakaw ang kanilang identidad, at gamitin sa mga ilegal na gawain na maaaring makasira sa kanilang pangalan at reputasyon.

Dagdag pa rito, sa ganang akin, lubos na kailangan pa ng seguridad ng mga estudyanteng hanggang ngayon ay nakararanas pa rin ng panunukso sa midya. Kung hindi pa maipatutupad ang mga panukala para sa ganitong isyu, magpapatuloy pa rin ang pagpapakalat ng kasinungalingan sa isang estudyante. Kasama na rito ang pagpapakalat ng mga larawan at bidyo nang hindi nagpapaalam sa mag-aaral na naroon.

Bagama’t marami pang isyu sa bansa at kinakailangan din nito ng pondo para masolusyunan, para sa akin, hindi naman kanais-nais kung pati kaligtasan natin ay ipagkakait pa sa atin.

Tunay na maaaring ako mismo ang mag-ingat para sa seguridad ng sarili kong buhay. Gayunpaman, hindi ko ito magagawa kung walang kaakibat na batas para sa hinihiling kong proteksyon para sa mga estudyanteng katulad ko. Kung para sa ikabubuti ng lahat naman ang pinag-uusapan, hindi na dapat magdalawang-isip ang Kongreso na ito ay dagdagan. Huwag na sanang umabot pa sa panahon na lahat na ng personal na buhay ng Pilipino ay lumadlad na sa buong mundo.

Jvan Reec Valles
Valerie Paghunasan
LADLAD NG BUHAY
Bilang

Bilang Jan Xerohj Olivo: Xer-yoso’t Kabibiliban sa Livo-libong Gampanin ng Tadhana

Kuwela, malakas, at puno ng determinasyon. Ganiyan maituturing ang labing-pitong taong gulang na estudyanteng tatlong magkasunod na taong naging grade level chairperson, isang taong naging kalihim, at ngayon ay kasalakuyang presidente ng Supreme Student Government ng paaralang Antipolo City National Science and Technology High School, Jan Xerohj V. Olivo. Bago pa man sumabak sa karera, humahakot na ng mga parangal ang estudyanteng ito. Samu’t saring nagkakalansingang medalya ang naipaparangal sa kaniya dulot ng pagiging aktibo sa pag-aaral.

‘Di maikakailang pursigido siya ma pa extra-curricular activities man yan o akademiks.

Minsa’y Nangarap: Inspirasyon sa Tuwina

Gaya ng ibang mag-aaral na hindi pa alam ang tiyak na patutunguhang propesyon, ganito rin ang nararamdaman ni Olivo sa tuwing malalagay siya sa sitwasyon na ito. Mga kursong BS Mechanical Engineering, BS Statistics, at BS Economics ang pawang naiisipan niyang propesyong kaniyang kukunin— kaunting hakbang na lamang mula ngayon.

“Hindi pa sure pero iyan na yung direction na gustong [kong] patunguhan.”

Karagdagan pa rito, sa kasalukuyang strand na pinili at dinadaluhan, ang pagpili rin pala ng STEM strand ni Olivo ay hindi rin pala niyang napipintong larangang gustong-gusto, kundi kaniya na lamang ikinonsidera ang pamantayan na maaaring mahirapan siya sa bagong lugar na haharapin niya.

“Although may ibang opportunity, dito na ako nag-stay kasi baka mahirapan lang din akong mag-adjust.”

Nakaupo ka na sa banig, may balak ka pang pumunta sa sahig. Ang pagdadalawang isip sa mga bagay na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng sariling kapakanan, marahil dapat isaalang-alang din ang pagiging komportable sa paligid na kinabibilangan, hindi naman gagawing palusot, bagkus upang mas malinang ang mga abilidad na dapat pang sanayin upang mahubog at mahulma ang pagkaproduktibo sa isang bagay. Naging matibay si Olivo sa agos ng kaniyang buhay.

Minsa’y Nagpahinga: Santuwaryo ang mga minamahal

Sa kabilang dako, gayong masipag pagdating sa mga gawaing pampaaralan si Olivo, tao rin naman siya’t nakararamdam din ng pagod o ‘di kaya’y nakararamdam din ng pagkawala ng tiwala sa kaniyang sarili.

Sabi niya, “May mga pagkakataon na tinatanong ko, ‘Anong kulang sa ginagawa ko?’ Di naman nawawala yun.”

Mga magulang niyang kapwa may trabaho, alam ang kaniyang kasalukuyang sitwasyon, kaya’t sinasabi sa kaniya na matulog nang matulog at magpahinga kung gugustuhin dahil ito ang magbibigay sa kaniya ng angkop na lakas para ipagpatuloy ang mga obligasyon na kaniyang ginagawa. Nariyan din ang mga kaibigan niyang palaging nakaalalay sa kaniya upang bigyan siya ng nararapat na suporta at ipagpatuloy ang mga bagay na nasimulan niya.

Hindi masama ang pagpapahinga. Datapwat, pwedeng magsilbi itong preparasyon nang magkaroon ng mas malaki at matagumpay na paglulunsad ng mga programang patuloy na ginagawa. Sa hinaba-haba ng pagiging lider ni Olivo; naging SPG president sa Sta. Cruz Elementary School at kasalukuyang nasa pinakamataas na pwesto sa ACNSTHS SSG, ang pagiging pangulo— mani na lamang sa kaniya ang mga bigating responsibilidad, dahil sa pinanghahawakan niyang kakayahan upang makapagbigay ng nararapat na pagbabago sa paaralan.

Patuloy at Palaging Titindig: Nakamit ang Pagbabago

Samantala, nagkaroon man ng mga problema sa nakaraan, naging dahilan naman ito upang makamit ni Olivo ang mga pagbabago at mga tagumpay na kaniyang nakamit sa kasalukuyan. Isa sa mga kailan lamang ginanap na pagtitipon-tipon upang ‘di umano’y ilunsad ang pandaigdigang Earth Hour Switch-Off Event ng WWF-Philippines, siya ang isa sa mga guest speaker sa nasabing event. Kasama ang mga kapwa advocates at mga artista, naging representatibo si Olivo ng DFSSG/SSG ng Antipolo katuwang ang Save the Children Philippines sa Quezon City Memorial Circle. Ito raw ang isa sa mga ‘breakthrough’ ni Olivo sa lahat ng mga seminars na dinaluhan niya bilang isang student leader. Dahil hindi lamang niya nirepresenta ang mga kabataan, nagsilbi rin ang mismong programa bilang isang oportunidad upang maisulong ang isa sa mga isyung talaga namang nakaaalarma — ang mabilisang paglobo ng pabago-bago ng klima. Bumoses at naging sandigan ng bawat isa. Kada pagtitipon na dapat naroroon ang presensiya niya— hindi niya pinalalagpas ang pagkakataong makapagbigay ng mga nararapat na suhestiyon sa mga bagay na yaon.

Katulong ang mga kasangga ni Olivo sa samahan, walang dudang nakapagbibigay ang tanggapan ng mga solusyon sa ilalim ng kaniyang pangunguna. Marami mang kahaharaping problema sa lilipas na araw, ika nga niya, “Learning is a lifelong process.”Kada hakbang niya patungo sa pagbabago, kasabay nito ang pagkatuto sa mga pagkakamaling magagawa na magiging daan sa mas pinatibay niyang pamumuno’t pagbibigay serbisyo.

Siyentipiko! sa mga Batang Aasenso ang Negosyo

mahigit labing-walong taon ng pananatili kaniyang pagbibigay-serbisyo sa larangan ng pagtuturo, hindi mo aakalaing ang pagiging guro ay hindi bahagi ng kaniyang natatanaw na kinabukasan para sa kaniyang sarili noon. Ngunit para sa akin, ang bagay na ito ay hindi na nakagugulat, sapagkat kahit na ako ay tatapak na sa kolehiyo ay wala pa ring katiyakan ang aking isipan sa bukas na aking kakaharapin at sa propesyong aking tatahakin katulad ni Ginang

Ayon sa kaniya, “The easiest way there is to enroll in Education.” —dahilan kung bakit kinuha niya ang kursong ito. Sa Unibersidad ng Santo Tomas o UST kasi noon, kung saan siya nagtapos ng kaniyang kursong edukasyon, mas binibigyang prayoridad sa pagkuha ng courses slots ang mga mag-aaral na nanggaling na sa mataas na paaralan ng nasabing unibersidad. Samakatuwid, kung ano na lamang ang natitirang kursong maaari pang tumanggap ng mag-aaral, iyon na lamang ang ilalaan para sa mga magaaral na gaya ni Ginang Ortiz—unang along rumagasa sa buhay ng ginang pagdating sa kaniyang karera.

Bagamat hindi niya ibig ang maging isang guro sa mga panahong iyon, pinasok niya pa rin ito dahil iilan lamang ang kumukuha ng ganitong kurso noon, kaya siguradong hindi problema ang pakikipag-unahan sa iba. Praktikalidad. Iyan ang pinairal ng ginang bago ang kaniyang puso. Ito ay ‘di nalalayo sa sitwasyon na kinakaharap ko at ng nakararami ngayon na hirap sa paghantong sa desisyon kung ano nga ba ang mas uunahin, ang puso ba o isipan?

Subalit, kahit na naging kabilang na siya sa mga mag-aaral ng edukasyon, hindi pa rin nawawaglit sa kaniyang isipan ang katanungang “Para sa akin ba talaga ang propesyong aking pinasukan?”. Sa mga panahong ito, hindi pa rin maalis sa ginang ang pagdududa at pagtatangka na salungatin ang agos na kinahaharap niya. Plinano niyang lumipat ng unibersidad at magpalit ng kurso dahil sa una pa lamang, hindi niya nakikita sa larangang ito ang kaniyang tagumpay. Bagay na hindi nakagugulat dahil kahit ako, hindi ko nakikita ang aking sarili na masaya sa bagay na hindi ko naman gusto. Tila ang edukasyon ay propesyong pinili niya lamang para sa panandaliang kaginhawaan. Ngunit sa kabila nito, muling ginayak ng tadhana ang kaniyang balsa sa direksyon kung

Estudyante kami, pero hindi kami estudyante lamang. Bilang isang estudyante, halos buong buhay ko ay umiikot sa akademiko — aral dito, aral doon, basa rito, at basa roon. Isa ako sa mga pinagpalang makasama sa iskolar ng bayan ng Antipolo at maging isang Batang Siyentipiko. Maraming nagsasabi na kami raw ay mga book smart—mga batang ubod ng talino ngunit walang alam sa buhay. Hindi ko mawari kung dapat ko ba itong ikatuwa o ikainis. Subalit isa lang ang aking masasabi, ang kaalaman namin ay hindi lamang pang libro dahil sa tunay na buhay ay may maibubuga rin ito. Walang limitasyon ang kayang humadlang sa mga batang siyentipikong hindi limitado ang imahinasyon pagdating sa mga produktong tiyak na tatangkilikin ng masa. Pinatunayan ito ng mga Grade 12 students mula sa Antipolo City National Science and

na pagsusulit tungo sa pagiging punongguro. Kaya mula taong 2007 hanggang 2018, hindi sumagi sa kaniyang isipan na mag-apply para sa posisyong ito sapagkat wala naman ito sa kaniyang plano. Sa halip, nanatili na lamang siya bilang isang guro at ginugol ang mga taong iyon

LARAWAN MULA KAY: Neil Ian Chavez
Sa

Technology High School nang matagumpay nilang nairaos ang kanilang inihandang business proposal sa harap ng punong guro ng Ansci na si Ginang Rosanna A. Ortiz, gurong tagapamahala ng school canteen na si Ginang Maria Leoneth Ileto, at guro sa asignaturang Entrepreneurship na si Ginoong Mark Anthony A. Aro sa loob ng opisina ng punong guro. Pinatunayan ng mga mag-aaral ng Ansci na ang pagigigng isang Batang Siyentipiko ay hindi lamang nakatuon sa siyensya at matimatika. Nang magsimula ang ikalawang semestre ng taong panuruan 2022-2023 ng mga senior high school student ng Ansci ay nagsimula na rin ang isa sa mga pinakamalaking hamong inihain sa kanila ng naturang paaralan—bumuo at magpatakbo ng isang negosyo. Naatasan ang mga mag-aaral na maging mga entrepreneurs at bumuo ng isang negosyo

para sa kanilang pinal na Pamantayang Pagganap sa asignaturang Entrepreneurship 12 na pinangungunahan ni Ginoong Mark Anthony A. Aro. Lubos nilang naipakita na kaya rin nilang makipagsabayan totoong hamon ng buhay nang magkaroon sila ng pagkakataon na maging mga batang negosyante at umpisahan ang isang hamon na magsisilbi na ring work immersion para sa kanila.

Nitong mga nakaraang buwan ay nag-umpisa na silang bumuo ng konsepto at mag-isip ng mga produkto at serbisyo na maaari nilang ihain sa kanilang target market. Sa naturang Pamantayang Pagganap, kinakailangan ng mga magaaral sa ikalabing dalawang pangkat na gumawa ng business proposal, promotional video at brochure ng kanilang mga produkto upang I-promote ang mga ito sa madla.

Nitong ika-28 ng Abril

pangpang. Pagdating sa lungsod ng Antipolo, tinanggap niya ang pagiging punongguro sa Calawis National High School—paaralang pinanggalingan ng Ginang bago mapunta sa AnSci. Naging hamon ang unang istasyon na ito para kay Ginang Ortiz bilang isang guro

at ika-8 lamang ng Mayo ay naganap ang mga inihandang business proposal ng mga batang entrepreneurs sa harap ng punong guro ng paaralan at kanilang mga guro. Dito, iprenesenta nila ang kanilang mga produkto at inilatag ang kanilang mga layunin sa pagbuo ng negosyo. Ilan sa kanilang mga iminungkahing negosyo ay ang pagtitinda ng ukay-ukay, crochet, at mga pagkain at inumin tulad ng fresh cucumber lemon juice, buko juice, steamed dumplings, turon, colored kwek-kwek, corndog, mango pie at marami pang iba.

Maingat at masusi namang sinuri ng mga panelist ang mga iminungkahing produkto ng mga estudyante at siniguradong lahat ng mga ito ay pasok sa food color coding alinsunod sa Deped Order No. 13, s. 2017. Sa naganap na business proposal, karamihan sa mga iminungkahing

mula sa siyudad, dahil hindi maipagkakailang ang paaralan ay nasa lugar na bulubundukin. Gayunpaman, hindi ito alintana para sa Ginang bagkus ay nagsilbi pa itong instrumento upang mas paunlarin pa ang sarili sa kaniyang propesyon.

Hindi nagtagal ay nagkaroon ng pagbabago sa istasyon ng mga punongguro sa Dibisyon ng Antipolo, taong 2021, na kung saan siya ay naitalaga sa paaralang Ansci kung saan siya ngayon nagsisilbi bilang punongguro. Dahil sa karanasang maging bahagi ng isang paaralan ng agham, masasabing siya ay kwalipikadong mamuno sa nasabing paaralan.

“Wala yan sa plano ko”, “It’s not my calling” —mga pariralang tila saliwa sa kung ano ang inihanda sa kaniya ng langit at lupa. Wala sa kaniyang plano ang maging isang guro o punongguro, subalit kung ating titignan ang bakas ng kaniyang balsa, ating mawawari na hindi lamang siya naging isang guro, namayagpag pa siya sa propesyong ito na naging dahilan kung bakit isa na siyang respetadong guro at inspirasyon para sa nakararami.

Ipinagtagpo siya sa propesyong hindi niya inakalang para sa kaniya, ngunit tadhana na ang nagsabing para dito siya. Pilit siyang dinadala ng agos sa direksyong wala sa kaniyang plano o taliwas sa kaniyang ruta. Ngunit, kahit gaano pa man kahigpit ang hawak ng ginang sa kaniyang sagwan, malabanan lamang ang mga agos na ito, hindi rin naglaon ay nagpatangay na rin

Dito mapapatunayan na hindi lahat ng inaakala nating para sa atin ay siyang itinakdang landas patungo sa rurok ng pagkapanalo sa buhay. Minsan hindi masamang sumabay na lamang sa agos ng buhay dahil madalas ang dulo nito ay isang pangpang nakahanda na sa iyong pagdating. Bilang isang batang manunulat, alam ko at ramdam ko ang inis, lungkot, at pagkadismaya na nararanasan ng karamihan sa atin sa tuwing hindi sumasang-ayon ang langit sa mga gusto nating mangyari. Ngunit, dahil sa kwentong ito ng ginang, napagtanto ko na hindi naman pala dapat lahat ay sang-ayon sa kung ano ang gusto ko. Hindi naman pala dapat laging nasusunod yung mga inaasahan nating mangyari. Minsan mas mabuti pang magpatangay na lamang sa agos ng buhay at tanggapin ang

produkto ay ikinatuwa ng mga panelist. Subalit may ilang produkto ang hindi rin. Tunay ngang hindi natatapos sa pagbabasa ng libro ang tunay na hamon ng buhay para sa mga estudyante ng Ansci. Nag-uumpisa pa lamang ito sa oras ng paglapat ng mga moral na nakapaloob dito sa buhay na ating ginagalawan. Ang pagiging isang batang siyentipiko ay hindi limitado sa pag-aaral ng siyensya at hindi natatapos pagkakalkula ng mga numero. Sa buhay, dapat alam natin kung paano tumatakbo ang kalakalan sa paligid natin, malaki man ‘yan o maliit. Dahil sabi nga nila, karanasan ang pinakamahusay na guro. Tama, estudyante pa lamang kami, pero ang mga estudyanteng ito ay hindi lamang puro libro. Kami ay mga Batang Siyentipikong kayang magpaasenso ng negosyo gamit ang aming kaalaman, karanasan, at talino.

Clarrise Jane Rivera

inihahain sa atin ng napakalawak na karagatan. Tandaan natin napakalawak ng karagatan,

HULOG NG LANGIT: ACNSTHS RAINWATER CATCHMENT PROJECT

Reinel Jaesun Sayson at Marelle Mammuad

Bilang tugon sa kakulangan ng paaralan ng malinis na tubig, matagumpay na nailunsad ang Rainwater Catchment Program (RaWCAP) bilang alternatibong mapagkukuhanan ng malinis na tubig ng paaralan sa pangunguna ng pamunuan ng ACNSTHS, Agosto 3.

Naglalayon ang proyektong ito na makalikom ng malinis na tubig na mapapakinabangan ng paaralan sa iba’t ibang bagay tulad ng pandilig sa mga pananim, panlinis ng mga palikuran, at iba pa.

Sinasalo nito ang tubig-ulan mula sa bubungan at alulod ng gusali at iniipon ang mga ito sa mga lalagyang may filter upang higit itong malinisan at magamit kinalaunan.

Alinsunod sa DepEd Order No.10, s. 2016 o ang WinS Policy, batid nitong

mapabuti ang kalagayan ng mga magaaral at mga tauhan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng sanitaryong paraan ng pinagkukunang tubig para sa kaunlaran ng lahat. Ang buong proyekto ay sinimulang idisenyo mula pa noong Abril 2022 at inumpisa ang konstruksyon at pagbuo nito noong ika-1 ng Hulyo, 2022. Makalipas ang mga pagsusuri at paunang implementasyon, ganap itong inilunsad noong ika-3 ng Agosto, 2022 na may tinatayang halaga na mahigit PHP 50,000.

Katuwang ang Mars Philippines Inc.-Antipolo Factory at Save the Children Organization na pawang mga stakeholder, ang proyekto ay isinagawa sa pangunguna nina Bb. Chin-Chin L. Salazar, G. Ryan Cabilleda, G. Eric Almoete, Bb. Ma. Kristina Buenaventura,

PAGPATAK NG BIYAYA

Malugod na tinanggap ng ACNSTHS ang Rainwater

Catchment Project mula sa Save The ChildrenPhilippines noong Agosto 3, 2022. Sa parehong araw ay isinagawa ang inagurasyon para sa nasabing proyekto upang kilalanin ang malaking tulong ng proyektong ito upang magkaroon ng alternatibong suplay ng tubig ang paaralan.

LARAWAN MULA KAY: Chin-Chin Salazar

KAPSYON NI: Jaci Margaret Bernardo

Bb. Maria Leoneth Ileto, Bb. Joan B. Yaguel at G. Cresencio Awa Jr. Ayon kay G. Ryan Cabilleda na isa sa mga nangasiwa sa nasabing proyekto, “Dahil wala tayong enough source ng water natin na ginagamit sa panlinis ng comfort rooms, I proposed this project na kukuha ng rainwater para magamit.”

Saad pa ni Cabilleda, malaki ang maitutulong ng proyektong ito dahil magagamit ito sa iba’t ibang bagay tulad ng panlinis sa mga palikuran ng paaralan. Magpasahanggang ngayon, napapanatili ang proyektong ito na mapapakinabangan pa ng mga mag-aaral at tauhan ng paaralang ACNSTHS sa mga susunod na taon. Tinitiyak din nito na may karagdagang wastong suplay ng tubig buhat sa layo ng eskwelahan sa pinagkukunan.

TATAK BATANG SIYENTIPIKO: Bernoulli, Wagi sa AnscieLympics 2023 Web Design Contest

N agkamit ng unang pwesto ang dalawang grupong nagmula sa baitang Bernoulli, na pinamunuan nina Prince Mannag at Gwyneth Apostol, sa ginanap na AnscieLympics Web Design Contest ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) sa IT Hub ng paaralan, Abril 28.

Nakatanggap sila ng papremyo mula sa Technokids Philippines, isang kumpanya ng edukasyong panteknolohiya.

Sina Ms. Ferdenielle Fernandez at Ms. Alex Melgarejo ang ilan sa mga representanteng dumalo mula sa naturang kumpanya, na nagsilbing mga hurado para sa awtput ng mga magaaral.

Kaugnay nito, iniharap ng bawat grupo ang kanilang gawa sa mga ito, kung saan ipinamalas nila ang kanilang

kaalaman sa paggamit ng teknolohiya, mula sa paglalagay ng HyperText Markup Language o HTML, hanggang sa pagbuo ng CSS tags sa paggawa ng website.

Sa una pa lamang ay nilalayon na ng kompetisyong ito na maipakita ang kakayahan ng mga batang siyentipiko sa pagtuklas ng mga makabagong imbensyong magagamit nila sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.

Ayon kay Marc Kcid Mico na isa sa nagwagi sa nasabing patimpalak, “It provided us further knowledge and guide on how we can apply this learnings in making a website.”

Dagdag pa ni Mico, naging mahaba ang kanilang oras sa paghahanda para sa patimpalak dahil halos umabot ang paggawa nito ng dalawang buwan.

Sinubok ng naturang Web Design Contest ang kakayahan at kaalamang natutuhan ng mga mag-aaral sa kanilang asignaturang TLE-ICT 9 sa pagdidisenyo ng website.

Nagpakita naman ng kagalakan ang kanilang gurong tagapayo sa asignaturang ito na si Gng. Ma. Kristina T. Buenaventura dahil sa masiglang paglahok dito ng kanyang mga estudyante.

Sa dulo, pumangalawa ang grupong pinangunahan ni Airell Estrada mula sa pangkat Archimedes.

Ang patimpalak na ito ay nagpakitang hindi lamang ang teknolohiya ang umuunlad sa paglipas ng panahon, kung hindi pati na rin ang kaalaman ng mga kabataan sa paggamit ng mga makabagong imbensyon.

Claren Gonzales

BKAGILA-GILALAS

Palaban na nag-agawan sa bola ang mga manlalaro ng mga grupong Hearts at Clubs sa 3x3 Women’s Basketball nitong Hulyo 4, 2023 sa ginanap na Intramurals sa ACNSTHS.

KUHA NI: Jaci Margaret Bernardo

KAPSYON NI: Jaci Margaret Bernardo

WOMEN’S 3X3: DIAMONDS WALANG PAWIS SA KAMPYONATO;

MEN’S 3X3: SPADES HINABLOT ANG KORONA

inutata ng Spades ang Hearts para sa kampyonato at habulin ang kalamangan ng Hearts sa iskor na 13-11 sa Men’s 3x3 Championship game sa 2023 Sports Fest Hulyo 4, 2023.

Walang awa namang dinonomina ng Diamonds sa Championship game ng Women’s 3x3 ang Spades sa iskor na 7-1 noong 2023 Sports Fest, Hulyo 4, 2023.

Isang mainit na bakbakan sa huling minuto ng laro ang pinamalas ng Spades laban sa Hearts matapos habulin nila ang kalamangan at makipag-agawan ng korona sa pangunguna ng AnSci Varsity na si Remon Lalaguna.

“Kinakabahan ako nun kase di ko na alam paano makaka score kase pagod na pagod na rin buo kong katawan. Lahat kami pagod na. Pero pinilit ko pa rin nun tas nagtiwala nalang ako sa tira ko, inisip ko nun pag naka-ilang sablay pa ako talo na. Kaya sinipagan pa rin namin kahit sobrang pagod na tas pinupulikat and yun nga, naka chamba pa ako ng two pts hahhaha. Not expected na papasok kase wala na ring lakas pero thanks god, kase nakuha namin yung panalo” wika ni Remon Lalaguna

Bago pa man pumito, isang masigabong hiyawan at palakpakan na ang sumalubong sa dalawang koponan ng Men’s 3x3.

Naging dominante sa pagputok ng laro ang Hearts matapos umiskor ng isang 2 point shot at isang layup para kuhain ang momentum ng laro.

Dumagdag pa sa hirap ng Spades ang injury na natamo

ni Adrian Charles Herera matapos bumagsak sa rebound at hindi lumaro sa buong laban.

Kinayod naman ni Lalaguna ang pagkuha ng puntos mula na rin sa tulong nina Marc Kcid Mico at ang masipag na pagkuha ng rebound ni Nathan Gatapia para itabla ang laro sa iskor na 11-11

Patuloy na inarangkada ni Lalaguna ang bola at umiskor para sa Spades at iselyado ang laro sa iskor na 13-11.

“’Actually, hindi ko naman na napansin ung score while in game. Celebrating and feeling proud na lang sa every goal na nagagawa ng team namin. Focused kasi sa court, hindi sa score board, and having fun na rin with spades since ka-batch ko mostly and it’s our last year.” Mula sa boses ni Mariah Trisha Antido.

Dinumog ng mga sumusuporta sa Diamond at Spades ang Women’s 3x3 na kung saan ang parehong koponan ay lumusot sa karayom para umabanse sa Championship laban sa Hearts at Spades.

Sa pagsisimula palang ay makikita na mas may kakayahan sa paglalaro ng basketball ang Diamonds sa pangunguna ng isa sa mga Women’s Basketball player ng paaralan na si Antido.

Nagpakitang gilas sa mid range sina Antido, Jami Casauay, at Yohance Solomon habang dinomina naman ni Marga Velenzona ang loob at iiwan ang laro sa iskor 7-1. Tinanghal na kampyon sa Men’s 3x3 ang Spades habang idineklara naman na Diamonds ang kampyon sa Women’s 3x3.

Esports Fest ng MAPEH Club, Ikinasa na!

John Mathew Jacinto

HUNYO 5, 2023 – Matagumpay na naisagawa ng MAPEH Club ng Antipolo City National Science and Technology High School ang kanilang Esports Fest. Ang kaganapang ito ay nahahati sa tatlong laro – Call of Duty Mobile, Mobile Legends, at Valorant, at bawat isa sa mga ito ay sinalihan ng mga magaaral na mula sa iba’t ibang baitang ng nasabing paaralan. Ang buong kaganapan ay natapos sa ika-11 ng Hunyo at bawat laro sa bawat araw ay ipinalabas sa pamamagitan ng Facebook Live Call of Duty Mobile ang unang larong itinampok sa paligsahang ito. Nilahukan ito ng limang koponan – Bury Cats, Onabs Esports, Cueler, Slapshock, at Sh. Kitang-kita ang determinasyon ng mga manlalaro ng bawat koponan, ngunit sa huli, dalawa lang ang natira. Naganap noong Hunyo 10, naglaban para sa kampyonato ang Onabs Esports at ang Cueler. Naging mainit ang tunggalian ng dalawang koponan, subalit nanaig ang Onabs Esports at sila ang naitatag na kampyon para sa Call of Duty Mobile ng Esports Fest.

Para naman sa Mobile Legends, mayroong labing-isang koponang naglaban-laban para sa tropeo. Kinabibilangan ito ng Peanuts, Prime Soul Legends, Oni Gaming Esports, Walapa, Kalookan Bois, Sh, Mhiemaw, Nasaktan Esports, Mommy Oni

Esports, Kups, at Toni-Chan. Sa dinami-rami ng mga naglaban para sa kampyonato, dalawang koponan lang ulit ang nangibabaw. Ang naglaban para sa championship ay ang Oni Gaming Esports at ang Prime Soul Legends. Sa huli, isang koponan lang ang magwawagi. Naging mahigpit ang laban, ngunit matapos ang mga bakbakan, Oni Gaming Esports and nangibabaw at ang nag-uwi ng tropeo para sa Mobile Legends ng Esports Fest ng ACNSTHS. Ang huling larong itinampok ay ang Valorant. Ito ang kaauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng larong pangkompyuter sa Esports Fest ng MAPEH Club. Apat na koponan lamang ang naglaban-laban para sa kampyonato – Team Sheeshcret, Grimace, Sh, at Quantum Flashers. Dahil sa mga problemang teknikal na kinaharap ng mga koponan, ginanap ang finals sa araw ng Linggo, sa halip na Sabado. Dalawang pangkat ng manlalaro ang natira para sa kampyonato, Team Sheeshcret at Sh. Sa best of 3 na pormat ng labanan, ang Sh ang nangibabaw at sila ang nag-uwi ng karangalang kampyon ng Valorant para sa Esports Fest.

Talaga namang bakas na bakas sa mga mag-aaral ng ACNSTHS ang saya dahil sa naganap na Esports Fest. Dahil rin sa kompetisyong ito ay nakita natin na bawat isa ay mayroong itinatagong pagiging mapagkumpitensiya at determinasyon para manalo.

Jvan Reec Valles

TALENTO AT DEDIKASYON

Mahusay na isinagawa ni Angela Gigante ang kanyang routine sa Poise Friendship Meet noong ika-18 ng Disyembre, taong 2022. Siya ay nakakuha ng dalawang gintong medalya sa nasabing kompetisyon.

LARAWAN MULA KAY: Joan Yaguel

District Meet: AnSci Taekwondo team sumikwat ng dalawang pwesto; Benitez at Mammuad abante sa 2nd round

M atagumpay na nairaos ng Antipolo City National Science and Technology High School (AnSci) ang Taekwond District Meet matapos tumadyak tungo sa ikalawang round si Marelle Mammuad at Quirino Benitez na ginanap sa Waltermart Antipolo nitong ika-23 ng Enero.

“Si Marelle Mammuad at Quirino Benitez. Hindi hamak na makakapasok sila sa second round sapagkat sa mga training pa lang ipinamalas na nila ang kanilang galing”, pahayag ni Captain Nathan Madiculum sa mga nagpakitang gilas na manlalaro.

Dagdag niya pa, ang mga kakulangan ng kasalukuyang Ansci Taekwondo team kumpara sa mga nakatunggali ay ang skills, techniques at experience.

“Sa tingin ko, ang mayroon sa team namin na wala sa aming kalaban ay ang kumpyansa at dedikasyon sa paglaban” ani naman niya tungkol sa mga alas na mayroon ang nasbing Taekwondo Team.

Pinagpaplanuhan naman ni Madiculum na mas hasain pa ang techniques at skills ng AnSci Taekwondo team para sa paghahanda sa susunod na bakbakan.

Uurong o susulong? Ang sugal na ito ay tiyak na subok na subok na sa larangang isports. Ito lang naman ay nagpapahasa ng kakayahan at interes ng isang taong maaaring nililibang lamang o hinahamon ang sarili tungo tagumpay. Bukod pa rito, ang larangang ito ay laging nag-iiwan ng bakas sa isang atleta, pisikal man, emosyonal, o mental. Ang bakas na ito ay gayunding maaaring maging positibo o negatibo na talaga namang makapagpapalito lalo sa manlalaro. Isa sa mga sumubok sa sugal na ito ay si Virgie Angela Gigante ng Antipolo City National Science and Technology High School. Siya ay isang manlalaro ng rhythmic gymnastics. Ang isports na ito ay tumatantiya ng pagkamalikhain ng isang kalahok sa paggamit ng bola, laso, o lubid. Ito ay mapaghamong isports sapagkat ang pagganap nito ay dapat na maging kaaakitakit ngunit balanse sa madla. Sa kabila nito, sa edad na 14 na taong gulang, siya pa rin ay patuloy na tumataya sa pagabante sa kanyang isports.

Gapang!

Si Gigante ay nagsimulang sumabay sa ritmo ng pag-indak nang siya ay tumungtong sa ikapitong taong gulang. Kagaya ng ibang mga atleta, naipasa rin kay Gigante ang husay at kakayahan sa gymnastics ng kaniyang inang tanyag din sa nabanggit na larangan. Sa kabutihang palad, ang interes niyang ipagpatuloy ang pamana ng angkan ay mas yumabong nang siya ay magsimulang sumali sa mga paligsahan noong siya’y nasa ikaapat na baitang. Bagama’t ramdam na ramdam ng dalaga ang nerbyos nang siya ay unang isalang, dito na niya sinumulang gumapang tungo sa pagiging kampyon.

Lakad!

sa pamamagitan ng paglalaan niya ng alternate schedule sa pag-aaral at pagpapraktis ng kanyang isports. Bukod pa rito, nasusubaybayan niya rin ang kanyang kalusugan nang tama dahil ang isports na kanyang sinasalihan ay may sinusunod na dietary plan.

Ang kanyang maiging pagsulong, kahit sa paglalakad pa lamang, ang nagdulot ng pag-uwi niya ng samu’t saring ginto mula sa iba’t ibang paligsahang lokal, nasyonal, at internasyonal. Naiwagayway niya rin ang bandera ng bansa sa pamamagitan ng pag-uwi ng tatlong gintong medalya mula sa Heymo Mexico International Rhythmic Gymnastics Competition na kung saan may mahigit-kumulang isang libong kalahok ang kanyang naging katunggali. Hindi lamang ito, hindi niya rin dinismaya ang kanyang inirerepresentang samahan sapagkat sa mga lokal na paligsahan, siya pa rin ang nangunguna rito.

Kaakibat ng pag-abante ay ang mga hindi inaasahang balakid upang ikaw ay madapa. Nang tumungtong si Gigante sa AnSci, siya ay hinamon ng kapalaran dahil sa bigat ng iskedyul sa pagbalanse ng kanyang pag-aaral at isports. Subalit, ang dalaga naman ay agad na nakabangon

Dahil nakadikit na ang kanyang pangalan sa larangan, determinadong ipagpatuloy ni Gigante ang kanyang isports hanggang sa kolehiyo. Nasa kalooban din ng dalaga ang dedikasyong tumakbo nang mariin tungo sa rurok ng tagumpay. Subalit, masusi niyang isinasaalang-alang ang mga payo mula sa kanyang mga tagapagpayo. Ang katatagan sa pagiging bingi sa negatibong ibinibigay ng madla sa kanya ang patuloy na nag-uudyok sa dalaga upang magpatuloy. Ang nabanggit naman ay ang kanya ring naging payo sa mga may balak na sumabay sa kanyang tumakbo sa rurok ng kanyang isports. Ang nakaaantig ng pusong pag-abante ni Gigante sa larangan ng rhythmic gymnastics ang makahihikayat sa iba pang atletang mas maging determinado at bigay-todo sa kanilang tinatahak. Sa mga susunod pang kompetisyon, tiyak na aantabayanan ang dalaga ng madla sa kanyang pagsabay sa ritmo ng telang ikinukumpas at pagindak nang walang kupas. Kaya naman, abante, Gigante!

Francis Paz
Blg. 1 Taon 6 | Ang Opisyal na Pahayagan ng Antipolo City National Science and Technology High School | Rehiyon IV-A CALABARZON | Taong 2023
Pauline Jane Baydo
KAPSYON NI: Jaci Margaret Bernardo

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.