5.0 na lindol sa ilang bahagi ng lalawigan ng Rizal kabilang ang Antipolo City, bandang alasotso ng umaga, Oktubre 13.
Ayon sa inilabas na pahayag ng PHIVOLCS, nagugat ang nasabing lindol sa Calaca, Batangas, kung saan matatagpuan ang Bulkang Taal na namataan ding nagpamalas ng iba’t ibang mga aktibidad.
Samantala, bandang alas-dos naman ng hapon ay nagkaroon ng pagguho ng lupa sa isang worksite sa Brgy.Santa Cruz na ikinasawi ng isa at pagkasugat ng apat na iba pang construction worker.
Pinangalanan ang nasawing biktima na si Napoleon Bautista na natagpuan pa diumano ang katawan, ngunit idineklara na itong dead on arrival nang madala sa pinakamalapit na ospital, samantalang nakaligtas naman ang mga sugatan na siya namang dinala sa East Avenue Medical Center upang mabigyan ng karampatang lunas.
TULONG PARA KAY MANONG. Umaasang namalimos si Badong Sinogbuon, 50, sa overpass ng Antipolo Public Market noong ika-7 ng Nobyembre, 2023 upang maipagamot ang kanyang mga mata. Si Mang Badong ay may Orthopedic Dissability at nangangailangan siya ng pampagamot upang muling makakita.
Project POINT A, Solusyon sa Mababang Numeracy Rate
Isinusulong ng kagawaran ng ACNSTHS ang proyektong Project POINT A o “Perform Operations on Integers Through AKLATECH’ para sa mas maigting na pagsukat at pagtutok sa numeracy rate ng mga batang siyentipiko.
Ito ay alinsunod sa pinakabagong inilabas na datos ng paaralan kung saan labinlimang mag-aaral sa mababang antas ng sekondarya ang kabilang sa “emergent” o kinakailangan ng agarang aksyon patungkol sa kanilang kakayahan sa matematika.
Kaugnay nito, ayon din sa isinagawang numeracy test sa mga Anscians, lumabas na
humigit kumulang tatlong daang mag-aaral ang may “average” na numeracy rate, dahilan upang mas lalo pang tutukan at bigyan ng agarang solusyon ang mababang antas ng kaalaman sa matematika.
Natukoy ng administrasyon ng paaralan ang estadistikang ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng DD
Cards at Number Concept Test sa unang linggo ng taong panuruan na may layuning masuri ang kakayahang pangmatematika ng mga AnScians.
Ang Project POINT
A ang isa sa dalawang pinaplanong aksyon ng paaralan upang mas linangin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagunawa at pagsasagawa ng mga operasyon sa mga numero.
Ayon kay Gng.
Crystal D. Oabina, Head ng Mathematics Department, “I created an app for
this Project POINT A na puwedeng gamitin ng mga bata sa pagperform addition, subtraction, multiplication at division.”
Dagdag pa niya, malaking tulong ang proyektong ito dahil mas madali umanong mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga nakapaloob ditong mga aralin na mas mabilis nilang mabubuksan at magagamit lalo pa’t halos lahat ay may mga kagamitan o device.
National Science and Technology High School (ACNSTHS) sa nakaraang Division Schools Press Conference (DSPC) matapos itong makakuha ng labing-apat na pwesto sa iba’t ibang kategorya, Oktubre 26.
May kabuuang anim na nakakamit ng unang pwesto mula sa dalawang pahayagang
Ang Tipolenyo at Pendulum Chronicle, lima sa ikalawang pwesto, dalawa sa ikatlo, at isa naman sa ikapitong pwesto.
Ayon kay Franchezka Suijen Mapa, isa sa mga nakasungkit ng unang pwesto, “While the stakes upon losing are quite high, once you’ve grasped that victory within your hands, it’ll all be worth it in the very end.”
Bakas sa mukha ng mga batang mamamahayag ang ligaya mula sa kanilang pagkapanalo, dala-dala ang kanilang ginamit na bolpen sa laban, ngalan ng kanilang nirerepresentang paaralan, at ang kanilang pagmamahal sa sining ng pamamahayag.
Pamilya naman daw ang naging pangunahing inspirasyon ni Naeumi Gonzales sa kanyang pagsali at pagkapanalo sa nasabing kompetisyon. Ginanap ang naturang laban sa San Isidro National High School, mula Oktubre 20 hanggang 21, na nilahukan ng daan-daang estudyante mula sa samu’t saring paaralan sa Antipolo City kung saan pipili ng mga ilalaban para sa Regional Schools Press Conference.
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
NI MARELLE D. MAMMUAD AT JULIA C. DACER
NI MARELLE D. MAMMUAD AT KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
Tunghayan sa pahina 3
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
TOMO 4 BILANG 1 | HUNYO - NOBYEMBRE 2023 |
Ang Opisyal na Pahayagan ng Antipolo City National Science and Technology High School | Region IV-A CALABARZON | Taong 2023
KUHA NI PRINCESS FIONA A. MAYBAY
KAPSYON NI JAZTINE RUSSEL P. AMADOR
BALIK-LOOB. Sa pangunguna ng SSLG, ipinagdiwang ng mga mag-aaral ng ACNSTHS ang ‘Araw ng mga Guro’ nitong ika-6 ng Oktubre, 2023. Bilang pagkilala sa serbisyong ipinagkaloob ng mga guro sa naturang paaralan, sila ang nagsilbing mga bituin ng programa na siyang naghandog ng abot tengang ngiti sa kanilang mga labi.
Pagdiriwang Ng Retrospect: The Acnsths Teacher’s Day Celebration, Pinangunahan Ng Sslg Members
Idinaos ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang World’s Teachers Day nitong ika-anim ng Oktubre 2023 na pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa AnSci Covered Court.
Alas-nuwebe ng umaga nang nagsimula ang programa sa pamamagitan ng thanksgiving mass sa pangunguna ng SMILE club at ni Rev. Fr. Marcelino Rapayla Jr., OAD na nanggaling sa Our Lady of Fatima Parish, Sitio Tanza II ng Antipolo.
Sinundan ito ng selebrasyong pinangalanang
Retrospect: The ACNSTHS Teacher’s Day Celebration, alauna ng hapon, na nilahukan ng mga miyembro ng SSLG. Nagpakitang-gilas naman ang mga miyembro ng Dance Troupe at ng grupong tinaguriang Pentoxide.
Tumanggap ang bawat guro mula sa tinipon na mga regalo mula sa bawat seksyon ng paaralan bilang pasasalamat sa mga ito. Agad na nakatanggap ang mga masuswerteng guro ng mga premyo mula sa raffle prizes na isinagawa ng SSLG members sa bawat parte ng programa.
Kinilala naman ng SSLG members ang mga gurong nanalo ng Well-Loved Teacher award sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga bulaklak at sertipikong parangal upang bigyang pagpapahalaga para dito.
Nagsalaysay naman ang mga estudyante at napiling alumni ng kanilang mga karanasan patungjol sa kapiling nilang mga guro.
“There’s too many to mention. Kasi parang grade 7 to grade 12 talagang ang daming nagyari sa buhay ko and laging mga teachers ‘yong nadoon para sa akin. Kasi talaga, most of my time from nasa AnSci ako noong High School. Tapos ‘yong mga teachers doon, very approachable sila.” mungkahi ni Sophia Ysabelle Co ng ikatlong batch. Natapos ang pagdiriwang sa isinagawang closing remarks ng SSLG adviser na si Mr. John Jayson Cainlang na sinundan ng mensahe ng SSLG President na si Jan Xerohj Olivo.
Matapos ang programang inihanda ng SSLG, kanyakanyang selebrasyon ang inihanda ng mga mag-aaral upang surpresahen ang kanila-kanilang mga guro.
ANSCIAN: Proseso ng Enrollment, “Mabilis Lang”
NI KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
ACNSTHS—Ayon sa mga mag-aaral na nag-enroll sa paaralan ngayong taong panuruan, naging mabilis at maayos ang usad ng proseso ng enrollment ngayong taong panuruan 2023 – 2024, na sinegundahan din ng ilan pang mga estudyante sa iba’t ibang baitang, Agosto 14.
Umaga pa lamang ay dinumog na ng mga susunod na batang siyentipiko ang paaralan upang ipasa ang mga kinakailangang dokumento bago muling magbukas ang mga paaralan sa Agosto 29. Dala-dala ng mga magaaral ang kani-kanilang mga report card at ID mula sa nakaraang taong panuruan— na mga kinakailangang kagamitang una nang inanunsyo ng Secondary Supreme Learner Government sa kanilang opisyal na Facebook Page. Sa pangunguna ng kaguruan, nagsimula ang enrollment sa ganap na alasotso ng umaga na nagtagal hanggang alas-dose ng tanghali.
Alinsunod ang naturang enrollment process sa Department of Education Order no. 22 na inilabas noong Agosto 4.
Sa kabilang banda, pinangunahan naman ng mga opisyal ng Antipolo City Government ang pagtanggap ng AnScians sa kanilang huling allowance para sa taong panuruan 2022-2023.
Project Go Bag ng AnSci SPTA, solusyon sa disaster preparedness ng AnScians
NI JERIC D. MIANO AT MARELLE D. MAMMUAD
ACNSTHS-
Inilunsad sa pangunguna ng Ansci School Parent-Teacher (SPTA) ang proyektong Go Bag bilang pagtugon sa mga pangangailangan at dagdag sa kahandaan ng AnScians sa mga hindi maiiwasang sakuna tulad ng lindol.
Batay sa inilabas na pahayag ng SPTA, lubhang makatutulong diumano ang nasabing Go Bag dahil nagsisilbing proteksyon at gabay ito sa bawat estudyante sa oras ng sakuna.
Naglalaman ang bawat Emergency Go Bags ng iba’t ibang kagamitan tulad na lamang ng flashlight, pito, gauge pads, tubig at mga pagkain.
Ayon kay Jaci Bernardo, pangulo ng Girl Scout of the Philippines, “Bilang isa sa mga estudyanteng rumeresponde sa tuwing may hindi inaasahang pangyayari sa paaralan, nakatutulong ang go bag upang matulungan agad ang mga estudyanteng nangangailangan ng first aid.”
Dagdag pa niya, lubhang nakatulong diumano ang isinagawang proyekto ng buong kawani ng SPTA sapagkat hindi na kinakailangan pang hintayin ang mga guro at responders upang agarang maagapan ang mga hindi inaasahang sakuna.
Samantala, ayon kay Susan Miano, board of member ng SPTA, pinaplano nila na maglunsad ng bagong proyekto kung saan gagawing airconditioned room ang computer laboratory ng ACNSTHS para sa ikabubuti ng mga gagamit at maging ng mga kagamitan sa loob ng laboratoryo. Inaasahan umano nila na masasagawa nila ang proyektong ito sa lalong madaling panahon upang agarang magamit ng mga batang Siyentipiko.
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
NI PATRICK JOHN D. BAYDO
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
TANGLAW SA SERBISYO. Buong pusong inihayag ni Jan Xerohj Olivo, 17, ang mga plano ng ACNSTHS SSLG para sa taong panuruang 2023-2024 sa ginanap na SOLGA sa Ynares Covered Court noong ika-6 ng Nobyembre, 2023. Ang SOLGA ay ginanap upang malaman ng mga estudyante ng paaralan ang mga plano ng SSLG para sa taong panuruan.
Project POINT A, Solusyon sa Mababang Numeracy Rate
Mula sa pahina 1
Bukod sa aplikasyong AKLATECH, ang isa pa sa mga aksyong isinagawa ng Mathematics Department upang masugpo ang non-numeracy sa mga AnScians ay ang pagpapatupad ng Project ASMR o ang After School Math Remediation, kung saan naglalaan ang mga guro ng isang sobrang oras kada araw upang matutukan ang mga piling mag-aaral na kinakailangang pagtuunan ng pansin sa naturang asignatura.
Batay kay Oabina, summative tests ang naging basehan ng mga guro sa pagpili ng mga estudyanteng sasama sa remediation classes dahil ito lamang daw ang natatanging facts na maaaring makuha mula sa pagganap ng mga mag-aaral.
Nagsimula ang nasabing proyekto ngayong linggo, na ani niya ay mula Lunes hanggang Huwebes lamang, upang magbigay-daan sa remediation classes ng mga estudyante sa iba pang asignatura.
Sa pamamagitan ng dalawang pangunahing proyektong itong inilatag ni Gng. Oabina, inaasahan niyang sa mga susunod na buwan ay maiaangat na ang lahat ng estudyante ng AnSci sa klasipikasyong “above average” sa kanilang numeracy level.
SOLGA 2023: “Welfare needs” at “inclusivity,” ilan sa prayoridad ng SSLG
NI DANIELLA B. SERIOS AT KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
Kapakanan at pang-akademikong inkusibidad ang pinuntong hangarin ni SSLG President Jan Xerohj Olivo para sa AnScians sa ginanap na State of the Learner Government Address (SOLGA) sa covered court ng paaralan, Nobyembre 6.
Nilalayon ng programang itong matunghayan ng mga magaaral ng ACNSTHS ang pagiging “transparent” ng pamumuno ng SSLG sa paaralan sa pamamagitan ng iba’t ibang proyektong kanilang ipinapatupad na sumasaklaw sa apat ng core values ng Kagawaran ng Edukasyon.
Kasabay ng flag raising ceremony ng ACNSTHS noong umaga ng Lunes ay inilahad ng pangulo ng SSLG ang mga nailunsad na proyekto ng nakaraang administrasyon sa paaralan at ang pangkabuuang plano ng organisasyon para sa kasalukuyang taong panuruan.
Batay kay Olivo, “task designation” ang naging susi upang maging “epektibo” ang kanilang mga isinagawang proyekto, tulad ng nakaraang leadership training kung saan sinubok ang galing ng mga AnScians sa pakikinig, pakikibahagi, at pamumuno.
Ani ng isang estudyante, ito
ang proyektong ninanais niya sanang maisagawa ulit ngayong taong panuruan dahil daw sa magandang dulot nito sa pagkatao ng AnScians Mananatili namang magsasagawa ang SSLG ng mass at worship services, sa tulong ng SMILE Club, bilang pagtupad sa “Maka-Diyos” core ng DepEd.
Acquaintance party naman ng AnScians ang isa sa mga proyektong kanilang pinaghahandaan ngayong taon dahil bigo silang maipatupad ito noong nakaraang administrasyon.
“I have always wanted to experience the grandeur of participating in such an event,” saad ng isang mag-aaral matapos sabihin ng SSLG ang malaking posibilidad ng pagtuloy sa proyektong ito ngayong taon.
Sa SOLGA rin kinilala ang mga clubs na matagumpay at opisyal nang dumaan sa proseso ng accreditation at re-accreditation sa taong panuruan 2023-2024.
UP, Top University sa Pulso ng Grade 12 AnScians
NI ROSHANN AIMIELLE S. UBA AT JAN XEROHJ V. OLIVO
ACNSTHS - Lumabas sa pinakabagong sarbey na isinagawa ng pahayagang Ang Tipolenyo na 45% ng mga inaasahang magsisipagtapos ng ACNSTHS ang nagsabing gusto nilang ituloy ang kanilang kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas.
Matatandaan na sa mga nagdaang taon ay ang UP din ang pinupusuan ng mga batang siyentipiko sa pagtuntong nila sa kolehiyo.
Ito ay marahil na rin sa ang Unibersidad ng Pilipinas ay isa sa prehistihiyosong unibersidad ng bansa na kilala bilang tahanan ng mga pinakamagagaling at matatalinong mga mag-aaral sa bansa.
Mula sa 82 na Grade 12 Anscians na naging respondente, 37 magaaral ang nagsabing sa prestihiyosong unibersidad nila napipisil na linangin ang kanilang kakayahan at kaalaman pagtungtong nila ng kolehiyo samantalang ang natitira ay sa iba pang mga unibersidad
tulad ng Ateneo de Manila University (ADMU), at De La Salle University (DLSU). Ayon kay Dominic Gardose, magaaral sa ikalabingdalawang baitang, pinili niya ang unibersidad dahil kilala na numero unong modelo ang institusyon sa bansa pagdating sa pagbibigay ng kalidad ng
“Iyong UP talaga yung preferred universities ng mga employees, kaya kung mabibigyan ako ng tiyansang makapasok sa UP ay magkakaroon talaga ako ng mas maraming oportunidad para sa mas magagandang trabaho,” dagdag pa ni Gardose.
Samantala, nito lamang Hunyo ay nanguna ang Unibersidad ng Pilipinas, mula sa limang institusyon sa Pilipinas na napabilang sa listahan ng 2024
QS World University Ranking, kung saan pumuwesto sa ika-404 na ranggo ang UP na sinundan ng ADMU, DLSU, UST, at University of San Carlos sa Cebu City.
KUHA AT KAPSYON NI JACI MARGARET A. BERNARDO
Puro Salita, Walang Gawa
Nakakapanuyang marinig ang
papuri ng ilang mga opsiyal ng gobyerno sa libo-libong gurong Pilipino sa idinaos na National Teachers’ Month ngayong Oktubre 2023. Sa isang talumpati ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte, isinaad niya ang halaga ng mga guro sa paghubog ng pagiging makabansa ng kabataan. Kung papansinin ang pananaw ng gobyerno sa mga guro, makikitang puro mabulaklaking salita ang mga ito, na tumataliwas sa mga aksyon at serbisyo nilang mabagal at masahol. Nasasayang lang ang laway ni Duterte kung ang kaniyang mga salita ay wala namang laman.
Nakababahalang marinig ang pagbibigay-karangalan ni Duterte sa mga guro habang inaalipusta ang representasyon ng mga guro sa Kamara, ang ACT Teachers Partylist. Dahil nasa minority si ACT Partylist Representative France Castro, nakekwestyon palagi ng samahan ng mga guro ang bawat kilos ni Duterte. Bilang resulta, dahil hindi mahawakan ni Duterte ang leeg ng mga guro, kinakalaban niya ang mga ito, kung saan tinawag pa sila isang beses na mga terorista.
Noong kasagsagan ng
Duterte ang ACT Partylist na mga terorista at miyembro ng New People’s Army (NPA). Dahil lamang pumanig sila sa mga drayber ukol sa paksang modernisasyon ng pampublikong transportasyon, nabansagan agad silang terorista. Higit pa riyan, nagbanta si Former President Rodrigo Duterte na papatayin niya si Castro dahil sa pagkontra sa confidential funds ng kaniyang anak. Hindi na nga kayang protektahan ng gobyerno ang seguridad ng mga guro ay pinipili pa nitong itakwil ang mga ito at kilalanin sila bilang kalaban ng kapayapaan.
Bukod pa rito, isa sa mga pangako ng terminong Marcos ang pagbibigay-prayoridad sa mga guro, mag-aaral, at imprastraktura. Ngunit, noong Marso lamang, tinawag na “imposible at hindi makatotohanan” ni Duterte ang pagkuha ng gobyerno ng 30,000 guro kada taon. Kung iisipin, kayang maubos ni Duterte ang Php 125M na confidential fund sa ilalim ng halos dalawang linggo lamang ngunit hindi niya kayang magbuhos ng pondo sa pagbibigay-trabaho at pagpapasahod sa mga guro.
Para naman kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, mahalaga
pagpapalago sa mga mag-aaral tungo sa pambansang seguridad. Kaya, nararapat lamang na payagan ng Kamara ang PHP 150M confidential fund ng DepEd. Subalit, kung iniisip talaga nila ang papel ng mga guro sa lipunan, dapat hindi sila nagbubulag-bulagan sa totoong pangangailangan ng kaguruan, lalo na sa hindi masagotsagot na napakababang pasahod at kakulangan sa mga guro. Ngayong taon, nanawagan ang ACT partylist na itaas ang sweldo ng mga guro. Ayon sa ACT partylist, dapat itaas hanggang Php 53,000 ang sweldo ng mga guro. Subalit, isinaad ng kagawaran na kailangan muna nila ng “empirical evidences” bago magdesisyon. Kung oobserbahan ang kalagayan ng kaguruan sa bansa, pangkalahatang kaisipan na ang mababang sweldo, kakaunting benepisyo, at gabundok na gawain sa nasabing propesyon. Sa dinamidami ng dilemang kinakaharap ng mga guro, gusto pa ng DepEd na isampal sa kanilang mukha ang lutay-lutay na kalagayan ng mga Pilipinong guro. Hindi masosolusyonan ng salamat ng gobyerno ang iyak at sigaw ng mga guro. Imbis na magiwan ng mga pangakong napapako at ibuhos lahat ng kaban ng
maglaan ng pondo ang pagpapataas ng sweldo ng mga guro, ng batas o programa na magbibigay-
sa kanila, at mga bagong guro upang malutas ang
nakababahalang teacher-
ang pasasalamat ng mga namamahala kung puro sila salita, wala namang
HARAYA
MARC KCID D. MICO
Natutuyong Tinta
Sa paglipas ng panahon, parami nang paraming manunulat ang lumilisan sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS). Ngunit, paunti nang paunti naman ang mga pumapasok sa paaralan na may pasyon sa pagsusulat at pamamahayag. Kung mapapansin, namamatay na ang larangan ng pamamahayag sa nasabing paaralang sekondarya.
Isa sa mga pangunahing dahilan dito ay ang pagiging eksklusibo ng School Press Conference (SPC) sa pagpili ng mga manlalahok. Dahil isang mag-aaral lamang ang maaaring lumaban bilang representatibo ng paaralan sa bawat kategorya, napipilitan ang paaralan na piliin ang mga pinakamagagaling. Bilang resulta, nawawalan ng pagkakataon ang mga batang mamamahayag na makaranas lumaban sa SPC at mahanap ang kanilang pagsinta sa pagsusulat at paninindigan sa katotohanan.
Tangi sa riyan, dahil sa napakaraming gawain ng mga mag-aaral sa paaralan, wala na silang oras na malalaan sa pagsusulat. Hindi maitatanggi ang kawalan ng oras ng AnSci students para sa mga gawaing ekstrakurikular.
Habang maaga pa, kailangang sanayin ang mga susunod na henerasyon ng mga mag-aaral sa AnSci na magsulat at makialam sa problema ng lipunan. Ang natutuyong tinta ng panulat ng paaralan ay hindi sana maging hudyat ng untiunting pagpikit ng kabataan sa mga isyung panlipunan.
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
BULAWAN
KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
Kahit
takpan pa ng isang milyong kamay ang bahong matagal nang nabubulok, lalabas at aalingasaw pa rin ito sa buong sambayanan. Isang sampal sa mukha ng mga lumaban at nakimartsa sa 1986 EDSA People Power Revolution ang pagtanggal nito sa listahan ng mga holidays para sa taong 2024 na siyang utos na ibinaba ng kasalukuyang pangulong si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siyang anak ng dating pangulo at diktador na nagpatupad ng Batas Militar. Buong puso ko itong kinukondena dahil harapharapan nang binabago ng kasalukuyang administrasyon ang kasaysayan ng mga pinahi- rapan, pinatahimik, at pinatay ng Batas Militar at ang tagumpay ng mga Pilipino sa pagpapatalsik ng opresyon sa pamahalaan. Bilang isang Pilipino, isa itong malaking insulto sa ating pagkakakilanlan dahil tila ginagawa nila tayong mga mangmang na pinapaikot sa kanilang mga munting palad.
Aliping Siyentipiko
Lutay-lutay na ang kalagayan ng mga mag-aaral sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) dahil sa gabundok na gawaing pasan-pasan nila linggo-linggo. Araw-araw na sinusubok ng paaralan ang pisikal at mental na kapasidad ng mga mag-aaral dahil sa madugo nitong kurikulum.
Totoong matatalino ang mga nag-aaral sa isang science high school, subalit wala silang matutunan kung binubuhusan sila ng impormasyon. Mas mahihirapan lamang silang matuto kung pinipilit ng sistema na pag-aralin sila nang pagod at lupasay.
Mapurol na Propaganda
Ayon sa Malacañang, tinanggal na raw nila ito sa 2024 holidays dahil hindi naman daw ito tatapat sa working days ng mga manggagawang Pilipino at magkakaroon lamang daw ito ng kakaunting “socio-economic impact,” na halata namang isang uri ng pagdadahilang tatanggapin lamang ng mga uto-uto. Kung gayoon lamang ang silbi ng paggunita ng EDSA People Power Revolution, na gawing pahinga ng mga tao, tunay na hindi nila nakikita ang halaga nito at nagbubulagbulagan lamang sila upang makasulsol sa kataas-taasan.
Matatandaang ngayong 2023 ay inilipat nila ang komemorasyon ng EDSA Revolution mula sa ika-25 papunta sa ika-24 ng Pebrero. Dito pa lamang, matutukoy mo na ang propagandang sinisidlan ng kasalukuyang mga nakaupo sa pwesto: unti-unting burahin sa isipan ng mga tao ang kasamaang dinulot ng Batas Militar.
Patuloy man nilang
tinatanggi ang kanilang korapsyon sa kaban ng bayan, hinding hindi nila makokorap ang mga isipang sarado sa pagkalimot ng bawat dungis at mantsang nakalimutan nilang labhan nang lumisan sila noong 1986. Sa ganang akin, ang mga mantsang iyon ay siyang pangmatagalan na kaya ang nakasu-sulasok nitong amoy ay kinasayan na lamang ng tatlumpu’t isang milyong Pilipino.
Naniniwala akong kahit tanggalin man nila ito hanggang sa mga susunod pang henerasyon, mananatili ang pag-aaklas ng mga mamamayang naging saksi sa mahirap na kasaysayan noong Batas Militar. Isang Marcos na naman ang pinipilit burahin ang tinta ng dugong kanilang naiwan sa nakaraan gamit ang mapurol nitong pluma.
MORADO
Pangalawang Preso
Nakabibingi
ang pagbibingibingihan Rizal Technological University (RTU) wa pagkamatay ni Yuwan Magdato, isang estudyante nila sa ikapitong baitang, ngayong Oktubre 2023 lamang. Ilang linggo na ang lumipas ngunit patuloy na nananahimik ang paaralan sa isyung bumabagabag sa kapakanan ng mga mag-aaral nila.
MORADO
Masyadong sinisiksik ng Department of Education (DepEd) ang mga paksang hindi kayang pagkasyahin sa isang semestre. Dahil dito, sa dinamirami ng learning competencies at napakaikling panahon, nagagahol ang mga guro at maraming estudyante ang napag-iiwanan. Higit pa rito, hindi nabibigyang-pansin ang mga kasanayan ng mga mag-aaral ng AnSci na kailangan dapat bigyan ng pansin. Kadalasan, may mga paksang mahalaga para sa mga estudyante dahil kakailanganin ang mga ito sa mga susunod na taon o mas magagamit sa kontemporaryong lipunan. Kaya,
nawawalan ng importansya ang mga bagay na dapat matagal nang alam ng mga mag-aaral. Kailanma’y hindi magiging inobatibo at makabago ang kurikulum na hindi isinasaalang-alang ang kakayahan, kalagayan, at kapasidad ng mga mag-aaral. Mawawalan ng saysay ang pangalan ng paaralan kung masyado nang piga ang utak ng mga estudyante rito para matuto. Sa kasalukuyang panahon, imbis na magmukhang mga magaaral, nagmimistulang alipin ng sistema ang mga AnScians.
Ayon sa mga ulat, tumalon ang estudyante sa 6th floor ng SNAGAH building at bunsod ito umano ng pananakot ng isang guro ng paaralan kung saan pinagbintangan siyang nandaraya at mananatili ang kaniyang guidance record hanggang siya’y magtapos. Patunay ito ng pag-aalipin ng mga paaralan, hindi lang ng RTU, sa mga estudyanteng Pilipino kung saan inaalipusta sila na tila ba ay pangalawang bilangguan ang dapat na pangalawang tahanan nila.
Sa dinami-rami ng namamatay sa lipunan dahil sa mental health issues, pinipili pa rin ng mga paaralan sa bansa na manahimik at isantabi ang kalusugan ng mga mag-aaral. Dahil dito, nasasakal ang mga estudyante sa punong-punong kurikulum at nakalalason na silidaralan. Mahalagang isipin na sa bawat pagtikom ng bunganga ng mga opisyal sa dilemang pinagdudusahan ng mga bata ay may mga kaluluwang nasasayang at pangarap na nababasura.
Isinaad ng RTU na sila ay nakikiramay ang buong paaralan sa pagkamatay ng estudyante at kailangang magkaisa ang buong unibersidad upang makaahon sila sa panahong ito. Isa na naman itong salitang walang laman. Lahat ng naririnig ng RTU ay pumapasok lamang sa kanang kaliwa at lumalabas din agad sa kaliwa. Kung kailan nadungisan na ang kanilang pangalan, doon lamang tumigil ang paaralan sa pagkikibitbalikat nila.
Nakatatakot na bago maging ligtas ang mga paaralan sa bansa, kailangan munang may dugong dumanak at kaluluwang masayang. Ang pananahimik ng mga paaralan sa hinaing ng mga estudyante ay mas masahol pa sa hayop. Sa panahon kung saan tila impyerno ang silidaralang kinagagalawan ng mga pagasa ng bayan, ilang kaluluwa pa ba ang masasayang?
JOHN DREY M. BEA
JOHN DREY M. BEA
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
Kamakailan lamang, binitawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga salitang walang puwang sa Bagong Pilipinas ang korapsyon sa harap mismo ng Philippine National Police (PNP).
Taliwas na taliwas ito sa nangyayayari sa bansa kung sa umpisa pa lamang, hindi na mga motorista ang nakikinabang dito, bagkus ang mga pinununo pa ng
BAGWIS
LTFRB ang nakikinabang ng malaking halaga rito. Bagamat sinuspinde ng pangulo si Guadiz at sinabing anumang mga hindi magagandang gawain ang mangyayari sa kaniyang administrasyon, ay hindi niya ilukunsinti. Gayunpaman, kahit pa tanggalin siya sa pwesto, hinding-hindi pa rin masasabing matutuldukan ang mga may malalakas
Lagapak sa
Laylayan
Patuloy ang pagbaba ng inflation rate sa ating bansa, mula sa 5.4% noong hunyo hanggang 4.1% nitong hulyo.
Nakatutuwa mang makita ang mga statistikang nagsasabi ng pagbaba ng inflation rate sa pilipinas, hindi maikakaila ng karamihan na hindi ramdam ang mga pagbabago na ipinapakita ng mga numerong ito. Mula sa presyo ng gas hanggang sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tubig at kuryente nanatili ang presyo nito na mataas at patuloy pa ang pagtaas. Dagdag pa rito, kasabay ng pagbaba ng inflation rate ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa ating bansa. Nangangahulugan na patuloy na nahihirapan ang mga mamayang Pilipino lalo na ang mga nasa laylayan.
Paggapang ng Buwaya’t Tsuper
Kasabay ng pagpapasususpinde ni Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) ng PUV Modernization Program (PUVMP), iniimbestigahan naman ng Kamara ang mga inakusahang opisyal sa korapsyon na sumulpot sa tanggapang ito. Kung ipagpapatuloy ang pagtigil ng pamamasada ng mga modernong dyip, marapat ding itigil ang pagggapang ng mga buwaya ng mga nagpapatupad nito.
Ayon kay Jeff Tombado, dating executive assistant ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, tumatanggap ng P5 milyon si Guadiz para sa espesyal na permit, modipikasyon ng ruta, at request sa mga prankisa. Kaya, hinding-hindi maipatutupad nang maayos ang modernisasyon ng mga dyip kung lumantad na ang tunay nilang mga motibo.
Dagdag pa rito, ayon pa kay Tombado, meron siyang ebidensiya ng korapsiyon dahil dati siyang hepe ng LTFRB information team na pinamumunuan ni Guadiz. Ang mga pera umano ay nakarating pa sa Department of Transportation (DOTr) at Malacañang. Kung may ganitong alegasyon laban sa tanggapang ito, nakapagdududa nang maniwalang sa nais nilang gawing programa.
na loob na opisyal sa pangungurakot. Hindi pa rin nito matatakpan ang katotohanang laganap pa rin ang korapsyon sa kahit ano pang sangay ng pamahalaan.
Marapat na unahing tanggalan ng karapatan ang mga buwaya na gumapang sa pamahalaan bago sila maglakasloob na ipagpatuloy ang pagpapatupad
ng modernisasyong solusyon. Dahil kung hindi mapagkakatiwalaan ang opisyal ng LTFRB dahil sa sumingaw na garapalang pagnanakaw nito sa kaban ng bayan, hindi rin masisiguro ang seguridad ng programang ito. Kung hahayaan ng pamahalaan ang mga opisyal ng LTFRB na magkaroon ng katiwalian at maging tila ba hindi
nahahabag ang buntot na patuloy na nangungurakot, walang dudang hindi lamang ang mga buwaya sa pamahalaan ang patuloy na gagapang, bagkus baka hindi na muli pang makapagmaneho ang mga mahuhulog sa patibong ng pagkakaroon ng modernong dyip at baka magsimula na rin silang mangandarapa at gumapang.
Dumi sa Diliman BULAWAN
KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
Kahit ang mga pinakamakikinang na pulseras ay mayroon ding bahid ng dumi na hindi habambuhay maitatago. Kamakailan lamang ay nagsilantaran sa samu’t saring social media accounts, pinakapartikular na sa aplikasyong X, ang patung-patong na daing ng mga mag-aaral mula sa University of the Philippines – Diliman (UPD) dahil sa maruming kalakaran ng organisasyong Junior Marketing Association (JMA) sa mga miyembro nito na isang malaking kahihiyan lalo’t ang kanilang unibersidad ay itinuturing na prestihiyoso ng karamihan.
Sa aking palagay, kahit kailan ay hindi maaaring maging dahilan ang pagsasagawa ng mga hindi makataong bagay sa mga miyembro ng naturang organisasyon para lamang mapagtibay ang kanilang “samahan.” Nararapat na matukoy ng administrasyon ng UP JMA ang linya sa gitna ng katuwaan lamang at ang tuluyan nang paglabag sa iba-ibang karapatang pantao.
Batay sa screenshots na ipinakita ng isang
anonymous user, umaabot ang naturang tradisyong “comm wars” sa mga gawaing tulad ng pagdila sa kalsada at sapilitang paggamit ng mga maseselang bahagi ng katawan para makuha lamang ang papremyo. Patunay lamang itong hindi lahat ng tradisyon ay nararapat pang ipagpatuloy, lalo na kung nakabababa at nakasasakit na ito sa dignidad ng sinumang tao, sabihin mang para lamang iyon sa kasiyahan o hindi. Buti na lamang at may mga organisasyon pa ring tulad ng UP Babaylan na agad tumutol sa panuntunang ito ng UP JMA at bukas ang isipan sa pagsusulong ng isang healthy environment para sa mga estudyante ng naturang unibersidad, malayo sa anumang uri ng karahasang lumalaganap sa dilim.
MIKO T. GELLECANAO
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
Pribadong Nakabulatlat
Kasabay ng ibang
isyu sa bansa, kinompromiso naman noong Setyembre ng Medusa ransomware attack ang mahigit 700 gigabyte na mga datos ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Nakaalarma na mismong ang natangayan ay ang may hawak pa ng mga importanteng impormasyon ng mga mamamayan sa Pilipinas. Bukod pa rito,
MORADO
kinumpirma rin ng Office of the House Secretary General Reginald Velasco ang pagperwisyo ng hackers sa official website nito nang may makitang vandalism dito. Kung pati ang pinaglalagyan ng mga datos ng mga kinatawan sa iba’t ibang parte ng bansa ay pinakialaman din, hindi na malabong madagdagan pa ang maging biktima ng cybersecurity.
Hindi na nakagugulat kung ang mga nanakaw na datos sa internet ay gagamitin ng mga hackers laban sa mga tauhan ng PhilHealth o ng Kamara, o mas malala, laban sa
ating mga mamamayang Pilipino.
Bagamat hindi ito maaaring isisi sa mga naturang sangay at hindi maaaring masabi na dahil ito sa kanilang kapabayaan, nararapat lamang na pagtuunan ito ng pansin, bigyan ng malalim na pagsisiyasat, at magdagdag-seguridad sa mga website nito. Walang mawawala sa pamahalaan kung magiimplementa sila ng batas na magbibigay ng proteksyon para sa personal na buhay ng mga tao. Kung hindi ito maisasakatuparan, hindi na nakapagtatakang magmimistulan tayong nakabulatlat na libro na kahit pribadong nating buhay ay lantad na sa buong mundo.
Tatlong Haring Kamangmangan
Matapos bumalik sa pambansang telebisyon sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ noong Hulyo 2023 sa TV5, bumalik din ang kanilang mga birong puro kamangmangan ang laman. Noong Setyembre lamang, nagpatawad ang E.A.T Management dahil sa biro ni Joey ukol sa lubid na ayon sa kaniya ay isang bagay na sinasabit sa leeg. Para sa iba, ito ang pagbabalik ng tatlong hari ng noontime shows, ngunit hindi maitatangging hari rin sila ng pagpapalaganap ng kahangalan at kamangmangan.
Malaki ang naging papel ng TVJ sa pagmamantsa sa mga isyu sa bansa, lalo na sa mental health awareness. Patuloy na namumulat sa realidad ang lipunang Pilipino subalit pinipili ng TVJ na pumikit sa kalagayan ng kanilang mga manonood. Simula pa lang noong una, nanatili silang isip-batang hindi ginagamit ang utak bago magsalita.
Isa sa mga biktima ng kanilang mga biro ay ang kababaihan. Sa pagpapahayag nila sa kanilang misohinista at basurang pagkalalaki, nagiging
KUWAGO
YUNAH KARILLE G. BALTAZAR
kahihiyan sila sa isang lipunang binibigyangimportansya ang kababaihan. Patunay itong sa likod ng mga perang pinapamigay nila ay mga Pilipinong naagrabyado ng kanilang baluktot na prinsipyo at basurang moralidad.
Malaking hakbang ang pagliit ng plataporma ng TVJ sa pag-usbong ng lipunan mula sa kamangmangan at kawalan ng interes sa mga napapanahong problema. Masyado nang mulat ang mga Pilipino upang hindi itakwil ang pagmumukha ng tatlong hari ng kamangmangan.
Tatlong Libong
Sentimo
a totoo lang, walang silbi ang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kabilang ito sa mga programa ng gobyerno na sumasagot sa problema ng walang sinuman. Ayon sa Presidential
PUNYAL
PATRICK DC. QUITORIANO
PONDOsyon sa Edukasyon
“Hindi sapat ang pondo.” Hindi na bago ito sa pandinig ng bawat estudyante ng ACNSTHS. Mapa-electric bill, pondo para sa ginagawang building, hanggang sa pagpapasweldo sa mga guro. Dala ng kakulangan ng pinansyal na suporta, walang kasiguraduhan ngayon ang dekalidad na edukasyon na dapat matamasa ng bawat bata na nagaaral sa ACNSTHS.
Ang sektor ng edukasyon ang may pinakamataas na allocated funds sa pambansang badyet. Tumataginting na 758.6 bilyon na piso ang alokasyon na napunta sa DepEd, pampagawa ng mga silid aralan, pambili ng gamit sa mga eskwelahan, pampasweldo sa kaguruan, atbp. Ito ang may pinakamalaking bahagdan ng pondo ng bansa sa taong ito. Kung ating titignan sa mas mababang perspektibo, totoo nga ba na nagagasta ang pera ng bayan sa makatarungang paraan? Kung ating titignan pa lamang sa mata ng isang batang nag-aaral sa ACNSTHS ay taliwas na agad ang sagot nito.
Sa loob ng ACNSTHS ay naging tahanan ito ng 34 na guro lamang kung saan ang paaralan ay binubuo ng 17 na pangkat. Kung susumahin ay kulang na kulang ang mga guro kung lahat ng asignatura na ito ay ituturo. Wasto nga ba ang paggasta ng mga nangangasiwa? Para sa matatag na pundasyon sa isang dekalidad na edukasyon ay nangangailangan ng suporta ng pera. Tanging edukasyon lamang ang susugpo sa kamangmangan. Kung ang kamangmangan ay nasugpo, ang mga buwaya ay mapapaalis sa pwesto. Kung ang mga buwaya ay napaalis sa pwesto, hindi na natin maririnig sa ating mga guro ang mga salitang “Hindi sapat ang pondo.”
Communications Office (PCO), layunin ng programa ang pagreresolba sa kagutuman sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng Php 3,000 sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino kada buwan. Isang nagdedelusyon lamang ang magiisip na kayang solusyonan ng tatlong
libo ang kumakalam na sikmura ng mga Pilipino. Hindi maikakailang napakataas na ng mga presyo ng bilihin sa panahon ngayon. Mula sa presyo ng langis hanggang sa presyo ng sibuyas, hindi masusutentuhan ng tatlong libo ang pangkaraniwang pangangailangan
ng isang pamilyang Pilipino. Patunay ito na bulag na bulag ang gobyerno sa kalagayan ng mga nasa laylayan. Sa panahon kung saan patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin habang pababa nang pababa ang halaga ng sweldo ng mga Pilipino, sentimo nalang ang halaga ng tatlong libong piso.
JOHN DREY M. BEA
Samundo ng dyornalismo, ang mga mamamahayag ang mukha ng mga artikulong naisusulat para sa kapakanan ng nakararami. Sa kabila nito, ‘di maikakailang may mga partikular na taong nagsindi ng kamalayan nang mahasa ng mga dyorno ang natatangi nilang abilidad.
Responsable, masigasig, at puno ng determinasyon, ganiyan mailalarawan ang isa sa gurong tagapayo ng publikasyon ng Ang Tipolenyo, Bb. Precila Leyble. Siya ay nasa serbisyo ng pagtuturo sa loob ng dalawampu’t siyam na taon, bagay na lubos na hinahangaan ng mga taong lubos ang suporta para sa kaniya. Siya’y naglingkod sa pagkahaba-habang panahon, nanatiling matatag at masigla sa pagpapatuloy ng kaniyang trabaho. Sa larangan naman ng dyornalismo, siya’y nakapagpapakita ng pagiging aktibong kalahok gaya ng pagtuturo sa mga estudyanteng mamamahayag sa abot ng kaniyang makakaya. Gayunding magbahagi ng kaniyang malalaman na mga komento nang mas mapalawig ng mga nakikinig ang kanilang kaalaman patungkol sa kategoryang kanilang sinasalihan.
Sandamakmak na trabaho
Habang nasa larangan ng dyornalismo, maraming nakaatang na responsibilidad ang nakapatong sa mga kamay ni Bb. Leyble. Halimbawa nito ang paggawa ng pagkahaba-habang mga dyaryo sa ANHS noon upang ipanlaban sa samu’t saring paligsahan. Tulad na lamang ng Regional Schools Press Conference na kanilang puspusang pinaghahandaan dahil nakapapasok sa ganoong antas ng paligsahan ang kaniyang mga tinuturuan.
“Masyadong mabigat ang paggawa ng dyaryo. Aabutin ka ng linggo para matapos lahat ng articles.”
‘Di biro ang paghahanda upang mapunan ang mga pangangailangan sa dyaryo nang maayos. Kinakailangan ng matindihan at mabilisang pagkilos lalo na sa paglalapat ng artikulo sa mga papel na gagamitin sa layouting. Ang mahirap pa rito, noong nakaraang mga taon, na hindi pa sikat ang mga printers na magagamit sa kabahayan, pumupunta pa ang Bb. sa printing press at doon nagpapaimprinta. Dumami pa ang trabaho niya dahil sumabay rin ang pag-eensayo ng mga estudyante sa nasabing papalapit na paligsahan– sulat dito, sulat doon, rebisa dito, rebisa doon, nang mapag-igi ang kasanayan ng kaniyang mga tinuturuan. Gabundok ang mga gawain sa tuwing sasapit ang linggo ng laban.
Pahinga ng Pagkalinga
Dahil sa patong-patong na gawain ang naranasan ng Bb., siya’y umalis ng serbisyo bilang gurong tagapamahala sa publikasyon sa ANHS dahil gusto niyang pagpokusan ang sariling kalusugan. Labag man sa kalooban niya, ginawa niya ito dahil nabibigatan siya sa mga gawain. Bunga ito ng wala siyang halos na tulog magawa lamang ang mga gawaing naiatang sa kaniya.
“Itong year na ito, ayoko nang mag-overnight, gusto ko nang matulog,” sabi niya sa kaniyang sarili nung araw ng kaganapan ng RSPC bilang kinatawan ng ANHS, na kung saan unang beses niya pa lang hindi nakapagdala ng dyaryo sa mismong patimpalak.
Nakadagdag ang pagkakaroon niya ng insomnia sa kaniyang pagliban sa publikasyon. Lumala lalo ang stress na nararanasan ng Bb.. Yung ultimong naiisip niya pa rin ang lahat ng mga bagay hanggang sa pagtulog na sana ilalaan niya na lang sa pagpapahinga. Tumigil siya ng humigit-kumulang walong taong taon sa pahayagan, malaking bagay na upang maibsan man lang ang nararamdaman niyang pagod at iniindang sakit ng katawan.
Pagbabalik sa Nakagawian
Mag-iisang dekada nang lumiban si Bb. Leyble bilang gurong tagapamahala ng publikasyon, biglang tinawag ang Bb. ng tungkulin. Siya’y bumalik sa serbisyo dahil alam ng mga gurong inirekomenda siya na kaya niyang gawin ang nasabing responsibilidad. Animo’y naitadhana ang Bb. sa isang tungkuling nakaukit sa kaniya. Na kahit lumayo siya rito, lumalapit pa rin ito na parang dito nakasalalay ang daloy ng kaniyang buhay.
“Bumalik ako sa serbisyo dahil sabi ni Maam
San Diego, wala raw hahawak ng school publication.” giit ng Bb. na naging gurong tagapamahala ng publikasyon ng Ansci.
Sa pagbalik ng Bb., tila nawala ang lahat ng kaniyang nalalaman sa pagsulat ng mga artikulo. Ni pagsulat ng balita ay hindi niya na maituro dulot ng marami na ang pagbabagong naganap dito. Subalit, hindi ito naging hadlang upang itigil ng Bb. ang paggabay sa kaniyang mga estudyante. Naging matiyaga siya sa pagdalo ng mga seminars upang madagdagan ang kaniyang kaalaman ukol sa pagsulat ng isang akdang pampahayagan.
Sa pagbalik ng kaniyang mga kaalaman at bagong natutuhan, naging instrumento siya nina Miguel Flestado, Jenine Dy, at Tsu Wei Tanamal, na mga batang mamamahayag ng Ansci na kasalukuyang kolehiyo na ngayon. Nung mga panahong iyon, nagsilbing tanglaw ang Bb. Sa mga batang mamamahayag na naghahanap nang maayos at kapupulutang mga aral. Naiusad niya pa rin ang pagtuturo ng pagsusulat, sa kabila ng maraming dagok na naranasan niya sa nasabing larangan. Sulit ang Pagod
Bunga
NI JULIUS ROBERT D. INTIA
ng kaniyang kasipagan at kahusayan sa pagpapaliwanag ng mga nasabing sulatin, naging ispiker si Bb. Leyble sa iba’t ibang pagpupulong o seminars. Isa na rito ang pagsasalita niya sa dibisyon ng Rizal at Antipolo, na kaniyang ipinagmamalaki dahil napili siyang magsalita sa pagkarami-raming paaralan sa nasabing lugar.
Samantala, isa rin sa mga rason kung bakit napili ang Bb. ay dahil nakapagpanalo siya ng mga batang mamamahayag sa iba’t ibang kategorya gaya na lamang ng pagkamit ng ikalawang pwesto ng kaniyang estudyante na galing ANHS sa National Schools Press Conference, pagsulat ng balita at pagtuntong ng isa pang kalahok sa Top 10 Editorial Cartoonist, NSPC sa Tacloban City. Sa mga estudyanteng lumalahok sa Ansci, nakapagpapasok rin siya sa Regional Schools Press Conference na kung saan kabibiliban din ang angking talinong ipinakita nila upang katawanin ang paaralan.
Hindi pa rito natatapos ang kaniyang matagumpay na pagtuturo. Bilang pagkilala sa husay na kaniyang ipinakita na gurong tagapamahala ng publikasyon, nagawaran si Bb. Leyble ng isang prestihiyosong parangal; Gurong Nasyon, Best School Paper Adviser. Hindi maitatangging isa ito sa mga malalaking parangal
ng buhay ng Bb. na naging daan upang ipagpatuloy niya ang walang pasubaling pagbibigay ng butihing payo at ginintuang mga aral para sa kaniyang mga batang dyorno. Bago pa man ng lahat ng tagumpay, sinabi niyang, “Dumaan muna sa series of problems,” bago ito makamit.
Sa pamamahayag ng mga batang tanging hangad ay sanayin ang madla sa pagtuklas ng tamang impormasyon, nasa likod nito ang pasimuno sa alab ng pagtuturo upang ‘di kailanmang maupos ang dyornalismong pang-eskwelahang abot-kamay ng kapwa estudyante.
Payo niya sa mga gustong tumahak sa mundo ng pamamahayag, “ Kung gusto talaga nila, mag-focus talaga sila doon. Magbasa nang magbasa, dahil kapag marami kang input, marami ka ring output.”
Sa bawat baguhan, may batikang handa kang alalayan para mabagtas ang barikadang humaharang sa inaasam na akmang pagpapahayag. Naging inspirasyon si Bb. Leyble sa kaniyang mga mag-aaral na kaniyang hinulma maging responsable, kapani-paniwala, at matagumpay na mamamahayag.
Pagaspas ng mga Tanglaw
aging alikabok na tinatangay ng hangin, walang pupuntahang espesipikong lugar. Nagliliwaliw sa paligid, nahahapo ngunit hindi sumuko.
Tumahak ng iba’t ibang landas ang minsa’y nagbigay ng butihing
Sina Jenine Dy, Lynde Bea, Myle Orbon, at Clarisse Casiple, pawang mga naging punong patnugot ng publikasyon ng Ang Tipolenyo. Mga modelong katatampukan ng pagiging mulat sa katotohanan, nang maisiwalat ang mga gawaing pampahayagan noong sila pa ang mga punong abala sa pamamalakad ng publikasyon. Maraming karanasan ang kanilang napagdaanan sa bawat taong iba’t ibang isyu ang kinaharap. Madali man bigkasin na sila’y tapos na sa serbisyo, ngunit dumaan ang mga taong ito sa ‘di birong pagharap sa mga dagok ng problema tungkol sa pahagayan na naglalaman ng walang
na nasa gitna tayo ng isang pandemya at walang events sa mga paaralan, kaya hindi gaanong nagme-make sense ang “campus” sa campus journalism,” saad ni Myle Orbon na namomroblema sa magiging daloy ng pampahayagan sa gitna pa rin ng pandemya.
“Challenging pero fulfilling,” punto ni Clarisse Casiple na unang nakaramdam ng face-to-face classes makalipas ang dalawang taong pagkukulong sa bahay at pagkatigil ng mismong klase.
Sa pagiging lider sa kahit anumang mga gawain, hindi mawawala ang paghihirap nito upang maisalba nang mabuti ang kaniyang grupo. Limitado ang suplay ng tulong mula sa eskwelahan, pag-lockdown ng komunidad noong kasagsagan ng pandemya, walang sapat na tulong pinansyal para sa pagpapayabong ng samahan, ni maayos na kagamitan at materyales na kailangan sa patnugutan ay wala kaya’t masasabi na dumaan talaga sa butas ng karayom ang mga taong ito nang mairaos ang sinumpaan nilang tungkulin.
“Sobrang hirap. Sobrang hirap lalo na’t wala akong sariling laptop noon,” ani ni
Lynde Bea na unang nakaramdam ng bugso ng pandemya sa publikasyon.
“It was a school year of uncertainties for us.
Bilang EIC, naalala kong ang una kong inisip bago ang usual Zoom meetings ay kung paano kami muling magiging relevant, given
Nagkaroon ng mga pagbabago sa dapat na kumbensyunal na paggawa ng mga artikulo, kaya’t naging madiskarte ang mga punong patnugot upang masolusyunan at maipagpatuloy ang pagpapaabot ng impormasyon sa madla. Karagdagan pa rito, kahit malayo man, may mga patnugot naman sa iba’t ibang kategorya ang naglaan ng oras upang tumulong sa kapwa nitong patnugot, gaya ng nagyari kay Lynde Bea, na nagsasaluhan sila ng gawain para lamang maging aktibo at progresibo ang pahayagan. Si Clarisse Casiple naman, wala namang naging komplikadong problema, kaya’t naisalba niya ang panunungkulan dahil sa alalay ng kaniyang mga nasa ilalim na patnugot. Sa kabuoan, nairaos ng bawat isa ang panunungkulan gayong nahirapan silang mangapa dahil sa pagbabago ng mga pangangailangan ng pahayagan.
Yapak na Naiwan
Samantala, wala man ang presensiya nila sa eskwelahan, nakapagpakita naman ng susundang yapak ang mga ito para sa mga susunod na lider ng publikasyon. Mga tutulurang payo ang kanilang naiiwan upang mas mapagbuti ng mga manunulat ang kanilang sarili sa pagsusulong ng katotohanan.
Narito ang pagpapatigil sa pagpapakalat ng misimpormasyon at disimpormasyon ng mga taong huwad sa pagsusulong ng tamang impormasyon. Isa pa ay ang pagpo-post ng mga impormasyon tungkol sa mga kotrobersyal na mga isyu. Masita man ng paaralan, para naman ito sa katotohanang walang bahid ng anumang kasinungalingan. Ang lahat ng ito ay mga nagawa ng kanilang pagsisilbi, at magiging gabay sa matapang na pagpapahayag ng mga susunod na lider ng pahayagan.
Kapakinabangan sa Bagong Laban
Naituro sa kanila ng samahang Ang Tipolenyo na maging bokal at responsableng mamamayan na may pakialam sa sitwasyon ng bayan. Nakatulong ang pagiging isa nilang dyorno upang maging bukas ang kanilang mga mata bilang isang indibidwal na sinisigurado ang kapakanan ng mga mamamayan. Wawasakin nila ang tanikalang gumapos sa mga bisig ng nakulong sa parsiyal na pag-iisip sa isyu, at bibigyang kaliwanagan ang mga tao upang sumandal ito sa katotohanan. Sa pagsabak nila sa kolehiyo, nakatulong ang pahayagan sa pagsulat ng mga gawaing naisusulat sa balarilang Filipino. Sapagkat ayon sa kanilang mga propesor, nawa’y huwag raw kalimutan ang pagsulat ng mga gawaing pangunahing wika ang nasyunal na midyum at hindi puro naisusulat ito sa Ingles.
Sadyang napakabilis ng panahon at lahat ng mga kasalukuyang liderpampahayagan ay mapapaltan ilang buwan na lamang mula ngayon. Datapwat, magiging masaya ang mga sumandigan sa katotohanan kapag may mga taong umanib at sumabay sa liwanag ng pagbabago. Kasangga sa adbokasiya ang mga nagdaang lider na papagaspas nang mataas, tungo sa tanglaw ng pag-asa at matapat daloy ng pamumuhay.
NI JULIUS ROBERT D. INTIA
10 LATHALAIN
Anino at Tikas ng Brodkaster
Mic Test…Mic Test…123…Mic Test.
Pagtapat pa lamang sa mikropono, banayad na iginagayak ang makinis na boses, sabay harap sa mga lente ng kamera. Marikit at malamig sa tainga, tinig na may pambungad at pabaon na impormasyon kung saan tiyak na bubusugin ang mga huyong na isipan ng mga tagapakinig. Mga balita na tila dumadaloy sa ating isipan ay dala-dala ng mga himpilan, siyang sandigan ng mga karunungan. Isang tapik pa lamang ito kung ilalarawan ang tagapagbalita sa bawat dyorno, ano nga ba ang kwento ng pagkakakilanlang taglay ang wari ginintuang boses?
Kagila-gilalas matunghayan sa bawat telebisyon ang mga mamamahayag, walang patid ang mga balitang hatid sa atin at pihadong nakapupukaw ng atensyon. Isa ang National Federation SSLG Bise Presidente na si Gian Franscine Lampaz sa mga kababaihan at mag-aaral na mamamahayag sa Departamento ng Filipino. Sa titulong nakadikit sa kaniyang pangalan, tahaw nating mababasa na siya ay may posisyon din sa asosasyon ng pamahalaan ng mga estudyante. Ang nakakabighaning tinig na hindi lamang nakakapagbitbit ng katotohanan, isa ring boses na may kakayahang maglingkod ng may karingalan.
Si Gian Lampaz ay apat na taon na sa dyorno, ayon sa kaniya ay hinirang siyang makilahok sa grupo ng pamamahayag buhat ng kaniyang boses. Pagdating naman sa mga paligsahan, hindi maglalaho ang pagsabak sa mga labanan na tagisan ng boses ang kanilang sandata. Kung muling bubuklatin ni Gian ang pagkakataon na sila ay nagwagi sa kompetisyon, salaysay niya na siya ay nakaramdam ng pagkaganap o katuparan na nagtulak sa kaniyang yakapin at buong pusong tanggapin ang kapalaran. Ang kahali-halinang oportunidad na ito ay kusa ng lumapit sa kaniya, isa nga namang tadhana na hindi dapat itatwa.
Sa kabilang ibayo, dumaan rin siya sa masikot na pasilyo na bahagi ng kaniyang sakripisyo, “Kailangan kong i-give up yung broadcasting para sa isang contest.” ani Gian Lampaz. Wari ito ay kaniyang “TOTGA” dahil hanggang ngayon ay gumagambala parin sa kaniyang panghihinayang. Napamahal na sa kaniya ang pamamahayag at kung siya ang tatanungin ay labag sa loob niya na iwanan o isantabi ito.
Kung may isang bagay naman na maikukumpara ang kababaihang mamamahayag na si Gian Lampaz sa kaniyang boses bilang kasangkapan niya sa pagbabalita, maiwawangis niya ito sa lapis. “Ang lapis kasi napuputol ‘yan, pero sa tulong ng pangtasa, mas nagiging matulis siya. Hindi perpekto ang boses at tindig ko bilang isang broadcaster, pero sa paghasa ko sa aking boses mas nakita ko kung hanggang saan ang kaya at kung mararating ko.” isinaad niya.
“Kapuso Mo, Jessica Soho.” Isa ito sa mga katagang tanyag na sa ating mga Pilipino dahil sa labis na panonood at pagmamahal natin ng mga programa at palabas sa telebisyon. Sa halos dalawang dekadang pagpapalabas ng programang ito ni Jessica Soho ay nagbigay-daan ito sa malawak na kaalaman at aliw sa ating mga Pilipino.
Bata pa lamang ay nakasubaybay na ako sa mga palabas at telebabad sa aming parihabang telebisyon. Umabot ito sa puntong nagkakaroon ako ng pasa sa aking puwit dahil sa wala na akong ginawa buong araw kundi ang tumiwangwang sa tapat nito. Ngunit mayroong nagbubukod-tanging palabas na talaga namang inaabangan ko kada-linggo ng gabi, ito ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Kakaibang kasiyahan ang ibinibigay nito sa akin dahil manghang-mangha ako sa paraan ng pag-uulat ni Jessica Soho sa mga kakaibang istoryang tinatalakay niya kada-linggo, kaya nama’y nakasanayan na naming pamilya ang panoorin ito habang naghahapunan.
Hindi nagtagal ay nakikita ko nalang ang sarili ko na kinokopya ang pananalita ng brodkaster at pakunwaring nagbabalita sa harap ng aking mga nakatatandang kapatid. Dito ko na lubusang minahal ang brodkasting at nagkaroon din ako ng interes sa Radio Broadcasting sa aming paaralan noon.
Dumating ang araw ng pagpili ng mga kalahok sa grupo ng brodkasting sa aming paaralan at sa kasamaang palad, ako pa ang naunang napiling magbabasa ng iskrip na ibibigay sa amin.
“Basahin mo itong linya na ito. Good luck.” Tanging linyang nagpabasag ng nakabibinging katahimikan sa kubong aming pinasukan. Kasabay nito ang pag-abot ni Ma’am Angeles ng iskrip na babasahin ko sa kanila. Nasa katandaan na ito at kapansin-pansin din ang mga kulubot nitong balat at maikli nitong buhok.
Sa huli, para sa kababaihang mamahayag na si Gian Lampaz, hindi naging maaliwalas at simple ang kaniyang paglalakbay bilang isang tagapag-ulat sapagkat mayroong tungkulin at responsibilidad na kailangan niyang matugunan. Sa pag-iwan niya ng tagubilin, karaniwan lamang sa isang mamahayag ang makaramdam ng pagkahapo pero magpupunyagi at masugid na lalaban muli. Ang pagpapahayag para sa kaniya ay paglalantad ng impormasyon na walang tinatapakang tao, at nakatindig sa marangal at tamang sitwasyon. Tukod niya ang suporta at dasal para makatungtong sa minimithing pagkapanalo.
Sa mga nakapormang salita sa diyaryo at pahayagan, pasulong na uusbong at nabibigyang kinang ang mga pangungusap sa tinig ng mga mamamahayag.
Suot ang huwarang integridad, matatag na prinsipyo, at maalab na dedikasyon upang mag-ulat sa mamamayan, sila ang nangunguna. Sa paggising ng mga mata ng sambayanan sa kaganapan sa mundo, boses nila ang susi para magbigay alam. Wari isang kantang nasa tono, walang lubay na pakikinggan at itatanim sa kabatiran, maalindog na ritmo ng katotohanan.
Nang nasa mga palad ko na ang iskrip ay nagsimula na ring tumibok ang puso ko na tila ba sasabog ito. Ramdam ko rin ang mga titig ng nasa harapan ko, kaya nama’y pinapakalma ko muna ang aking sarili bago ko basahin ang balita. Ngunit, biglang pumasok sa isipan ko ang maka-agaw-pansin na talastas ni Jessica Soho mula sa KMJS, ang pagbubunot ng ngipin ng mga taga-Sorsogon nang walang anestesya at kagamitan.
Sinimulan ko ang pagbasa ko na gaya-gaya ang pananalita ni Jessica Soho. Ang buong atensyon ko ay nasa pagbabasa ng iskrip na hindi ko na namamalayan ang nangyayari sa paligid ko. Nang binigkas ko na ang panghuling salita, huminga ako nang malalim at saka tumingin sa mga tao sa harapan ko.
Hindi ko mapintas sa kanilang mga mukha kung ano ba ang naging desisyon nila dahil nagtinginan ang mga ito sa isa’t isa. Kumunot ang noo ni Ma’am Angeles at sabay sabing, “Pwede na ‘yan ‘no, maam?” Sumang-ayon naman ang isa pang guro na si Ma’am Valdez at sabay na nagpalakpakan ang mga tao sa harapan ko.
“Yes! Thank you, Lord!” Ito ang mga inyang lumabas sa king bibig dahil tila ba nasa langit ako noong mga panahong iyon dahil sa opisyal na miyembro na ako. Lubos ang pasasalamat ko sa idolo
NI ALLAINE RICCI B. RAMOS NI JHON LLOYD O. CATUDIO
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
Isigaw Natin ang Munting Tinig
Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang.
Samu’t saring nakagugulantang mga impormasyon tungkol sa ating mundo ang hatid ng bawat mamamahayag na itinuon ang sarili sa paglilingkod sa mamamayan. Paglilingkod na para sa kabutihan ng sambayanan ang kapalit ng kanilang sariling seguridad.
Sa bawat pagdugtong ng mga letra’t mga salita, katumbas ang paglikha ng isang katotohanang magbubukas sa ating napakaraming mata sa reyalidad na dapat tayong mamulat. Mulat sa bawat detalyeng inilalahad, ngunit bulag sa sakripisyo sa pag-uulat ng bawat manunulat.
Ang pagiging boses ng katotohanan sa pagsusulat, pag-uulat, at pagbabalita na tila’y isang maliit at simpleng gawain para sa ibang tao ay humaharap sa iba’t ibang peligro at banta sa kanilang buhay araw-araw.
Halo-halong sitwasyon, perspektibo, at opinyon ay talagang hindi maiiwasan sa kasalukuyang mundo lalo na kung ito ay patungkol sa mga mabibigat na isyu sa ating lipunan. Ang pagsigaw gamit ang iyong boses kalakip ang matinding paninidigan sa iyong pinapanigan ay umaalingawngaw sa bawat pandinig ng mga taong nag-aabang ng oposisyon.
Makapangyarihan ang bawat salitang maaaring mabigkas ng bawat isa, maliliit na detalyeng maaaring gumawa ng malaking kahihinatnan, hindi na gugustuhing lumikha ng kamalian kasama ang buong tapang at buong loob na pakikipaglaban.
Hindi
NI MARIAN GRACE D. TORRES
Ganitong mga sitwasyon ang kinahaharap ng mga manunulat sa kanilang pinangakong paglilingkod na maghayag ng mga makabuluhang balita. Kasunod ng nakatindig na mga salita ay ang pagbaha ng sari-saring komento laban sa kanila, isang bantang kanilang sinuong upang mapanagutan ang pangakong serbisyong totoo lamang.
Hindi lamang basta naghahayag ng balita, hindi lang basta nagsusulat ng isang opinyon, mula sa pangangalap ng mga kongkretong datos ay magbubuwis ng hindi lang dugo at pawis, kundi pati ang buhay ay
maraming mamamahayag ang tinanggap ang mabigat na obligasyon para sa kapakanan ng kanilang pinaglilingkuran.
Maraming pinatay dahil sa magkasalungat na paniniwala, maraming natapos ang buhay sa pagtunton ng katotohanan, maraming napahamak habang nililikom ang mga makatotohanang ebidensya, maraming nakaranas ng diskriminasyon at pang-aabuso sa kanilang kahinaan, ngunit marami rin ang nakaligtas na patuloy na pumapanig sa mga impormasyong walang kinikilingan.
sila kabilang sa mga tipikal na bayaning ating hinahangaan. Hindi man nila kayang mag-teleport gaya ni Dr. Strange, sila naman ay handang suungin ang lahat makarating lamang sa lugar na paroroonan. Wala man silang kakayahang maging kasimbilis ni Flash, impormasyon nama’y ihahatid mas mabilis pa sa pagtilaok ng tandang. At kahit sila’y walang kakayahang lumipad hindi tulad ni Superman, katotohana’y masusing ilalahad sa himpapawid nang walang labis at walang kulang. Ganito maiilalarawan ang mga masisigasig nating mamamahayag na dugo’t pawis ang ipunupuhunan, maisiwalat lamang ang pawang katotohanan at maiparinig sa masa ang boses ng bawat mamamayan.
Isa sa mga karapatang tinatamasa ng tao anuman ang katayuan, estado, o kalagayan sa buhay at lipunan ay ang karapatan sa malayang pamamahayag. Ang bawat isa ay may kalayaang ipahayag ang kaniyang sarili, magbahagi ng ideya, opinyon, o saloobin ng may kalakip na pananagutan rito. Sa kabila ng pagiging demokratiko ng bansang Pilipinas, ang kalayaan sa masusi at matagumpay na pagpapahayag ng katotohanan ay naging matapos maitala paglabag sa press nakalipas na panahon sa kasalukuyan. nangangahulugan kontribusyon ng mga sa pagpapalaganap ng hindi kinikilala ng iilan sa pamahalaan lalo na’t ang co-founder ng
Rappler na si Maria Ressa ng kasong tax evasion taong 2018 na kalauna’y napatunayan namang not guilty o hindi nagkasala.
Taong 2012 ng itatag ang online news website na Rappler
sa pamumuno ng beteranong dyorno na si Maria Angelita Ressa o mas kilala sa pangalang Maria Ressa, may edad na 60 taon, isang Filipino-American citizen. Noonpaman, naging matunog na ang website na Rappler na pinamamahalaan ni Ressa dahil sa mga artikulo at istorya nito tungkol sa ilang mga sensitibong isyu tulad ng drug war, extrajudicial killings o pagpaslang ng mga taong nagkakasala sa batas at iba pa. Sa loob ng halos apat dekada sa larangan ng pamamahayag, hindi naging madali para kay Ressa ang kinaharap na mga batikos at kritisismo hinggil sa mga balitang inilalabas ng pahayagan nito na maituturing na naging dahilan upang iugnay sa kaniya ang samu’t saring mga kaso ng libel, tax, at securities.
Hanggang sa nitong ika-12 ng Setyembre, kasalukuyang taon, matagumpay na naipanalo at
Sa mga babaeng mamamahayag, isa rin ang kanilang kasarian sa naging munting pagtitiwala ng sambayanan sa kanilang kakayahan. Ang itinuturing na may mahihinang boses at may maliit na ambag sa lipunan, kung tutuusin, ay mas matapang pa sa kung sino man dahil ang mga babaeng manunulat ay hindi basta babae lamang kundi isang babaeng may paninidigan sa serbisyong makatotohanan.
Sa kabila ng hamon na kanilang kinaharap sa larangan, namamayagpag ang kalakasan sa pagiging totoo sa mga balitang inihahatid sa tuwing panahon ng kalituhan. Katapangan ang puhunan para sa paninindigan sa katotohanang hindi maiboses ng mga duwag at mabababa sa lipunan. Buwis-buhay na paglilingkod, hiling sa atin ay mapahalagahan. Hindi kapansin-pansin sa reyalidad na ating nakasanayan, ngunit ang kanilang sakripisyong pagbibigay ng kaalaman ang bumubuhay sa bawat isyu na bawat isa ay may kinalaman.
mga tagapagsiwalat ng katototohanan ang siyang mananaig laban sa sistemang pinaiiral ng pulitika. “You gotta have faith,” ani ni Ressa ukol sa kaniyang naabsuweltong kaso. Ang kasong ito ni Ressa ay isa lamang sa ilan pang reklamo na inihain ng korte laban sa kaniya at sa online news website.
Tuwing buwan ng Mayo taun-taon, idinaraos ang World Press Freedom. Isa lamang si Ressa sa daan-daang mga peryodista na patuloy na nagsusulong maipalaganap ang katotohanan saanmang dako o panig hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng buong mundo. Taong 2021, ginawaran ng organisasyong Norwegian Nobel Committee ng prestihiyosong Nobel Peace Prize si Ressa bilang pagkilala sa patuloy na pagpupunyagi nito sa larangan ng pamamahayag.
Katulad ng ating mga doktor at nars na sinusuong ang suliraning pangkalusugan, ang ating mga peryodista o mamamahayag ay isa rin sa mga nasa frontline na silang unang humaharap sa masaklap na katotohanan ng ibang mga sensitibong balita. Tuwing may paparating na masamang panahon, nariyan sila upang mag-abiso ng paghahanda. Gayundin naman, nariyan sila upang mag-imbestiga sa mga pangyayaring kaduda-duda. Higit sa lahat, responsibilidad nilang magbigay ng mga impormasyong nagaganap sa kasalukuyan upang maging gabay ng mga ordinaryong mamamayan. Sa kasalukuyan, hindi lamang si Ressa ang nakararanas ng ganitong uri ng pagsikil sa kalayaan ng mga mamamahayag o peryodista o press freedom. Ang pamamahayag ay sandigan ng isang demokratikong bansa. Bilang mga mamamayan, mahalagang irespeto at bigyan ng pagpapahalaga ang mga bayaning mamamahayag na patuloy na sinisikmura ang iba’t ibang uri ng kritisismo, puna, pambabatikos, at higit sa lahat, banta sa kaligtasan at seguridad maisakatuparan lamang ang isang bansang hindi bulok na sistema ng pulitika ang umiiral kundi boses ng mga bawat mamamayang naghahangad ng isang progresibong kalakaran.
DI MATAPOS-TAPOS. Pinangunahan ng mga eksperto mula sa Kozhikode
Medical College ang pagkolekta ng bunga ng areca at bayabas na pinaniniwalaang kontaminado ng lumalaganap na sakit sa distrito ng Kozhikode sa probinsya ng Kerala sa India nitong ika-13 ng Setyembre, 2023. Kasunod ng pandemya ng COVID-19, ang Nipah Virus ay ang pangapat na sa naitalang outbreak sa India mula 2018.
Publiko Binigyang Babala Sa Dulot Ng Nipah Virus Sa Kalusugan Ng Tao
Maliban sa Covid-19, naranasan ng India ang isang virus na bago sa pandinig ng mga tao ngunit luma na sa mga eksperto at karatig bansa nito, ito ay ang Nipah virus.
Ayon kay Rontgene Solante isang Filipino infectious disease expert, dapat bigyang diin ang aksyon at pagbabantay laban sa Nipah Virus kahit wala pang naitatalang kaso nito sa Pilipinas.
Abiso ni Solante na lubhang nakamamatay ang sakit na kumalat ngayon sa India dahil may direktang epekto ito sa utak ng isang tao, kung ang Covid-19 ay respiratory system ang tinatamaan ang taong may Nipah virus ay maaaring magkaroon ng encephalitis o pamamaga ng utak.
Bukod pa rito, ang pagkakaroon ng lagnat, pagsusuka, pananakit ng katawan at matinding pananakit ng ulo ang ilan sa sintomas ng virus. “Hindi na makakakilala, and ‘yung sensorium niya hindi na siya palaging gising. Natutulog hanggang tulog nalang sya nang tulog” saad ni Solante.
Kaugnay nito, ang isang tao rin na mayroong impeksyon ay posibleng magkaroon ng seizures at maaaring mauwi sa pagka-comatose.
Batay sa World Health Organization (WHO), ang Nipah virus ay isang zoonotic illness na nakukuha sa mga hayop at maaaring ipasa sa mga tao.
Mataas din ang fatality rate nito na may 50 hanggang 70 na pursyento.
Mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang paraan upang maiwasan ang Nipah virus ay pag-iwas sa mga paniki o fruit bats, regular na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon,
pag-iwas sa mga pagkain o inumin na kontaminado ng mga paniki, at pagsusuot ng protective equipments para makaiwas sa hawaan.
Pahayag din ni Solante na malabong makarating ang virus sa bansa ngunit patuloy na pinag-iingat ang bawat indibidwal dahil sa kasalukuyan ay wala pang medisina at bakuna para sa sakit na ito.
Samantala, patuloy ang pagtatag ng DOH ng isang surveillance system na makakatulong sabansa upang makita ang anumang mga potensyal na kaso hinggil sa virus.
Oral High-giene, ibinida sa Innovation Contest ng dalawang mag-aaral ng Science High
NI CLAREN B. GONZALES
Nag-uwi ng unang pwesto ang dalawang mag-aaral mula sa ikalabing isang baitang na sina
Dhenri Fathma Nicole Pura at Allaine Ricci Ramos sa Innovation Contest na isinagawa sa San Isidro National High School nitong ika29 ng Setyembre.
“Nung inaaral namin ang background of the study namin, dito sa Pilipinas parang konti lang ang binibigay na pansin pagdating sa oral hygiene... like hindi tayo nagpapalit ng toothbrush, hindi natin sinusunod iyon.” pahayag ni Pura.
Ibinahagi ng dalawang magaaral ang kanilang pananaliksik na may pamagat na “Analyzing the Efficacy of Commercialize UVA Light in Reducing Mold Formation in Toothbrush Holder” na naglalayong maiwasan ang pagbuo ng mold o amag sa lagayan ng sipilyo, maalis ang amoy na nabuo rito, itaguyod ang oral hygiene at palawakin ang kaalaman sa paggamit ng UV light.
Sa isinagawang patimpalak para sa Science and Technology Month, nagpakita sina Pura at Ramos ng husay, talino at dedikasyon na naging dahilan ng kanilang pagkapanalo sa kompetisyon.
“Kung kaya po... ipacheck nang ipa-check sa research adviser ang research paper para po dun sa possible na need to edit or i-revise at dapat tanggapin ang negative comments” payo ni Ramos para mga mag-aaral na mga mananaliksik.
Sakit sa Ulo, Nangungunang Karamdaman ng AnScians
Nananatiling una sa listahan ng mga sakit ng mga mag-aaral sa ACNSTHS ang headache o sakit sa ulo, batay sa inilabas na report ng school clinic para sa buwan ng Setyembre at Oktubre 2023.
Umabot ang naitalang bilang ng naturang sakit sa 55 na kaso, na sinundan naman ng sakit sa tiyan na may 33 na kaso at lagnat na may 28 na kaso.
Ang ilan pa sa mga naitala ng school clinic na karamdaman ay allergies, sakit sa ngipin, at sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.
Samantala, dahil ang mga sakit na may matataas na bilang ng kaso ay siya ring mga sintomas ng chickenpox, nagdulot ito ng pangamba sa mga estudyante’t kaguruan, lalo’t kamakailan lamang ay umangat ang kaso ng naturang sakit sa sampu katao, na siyang nag-ugat sa isang mag-aaral mula sa ikapitong baitang.
Bilang paglilinaw naman ng head ng school clinic na si Gng. Ana Katrina Sagle, ang mga naturang kaso ng chickenpox ay “under controlled” na at hindi na magdudulot pa ng hawaan sa pagitan ng mga estudyante.
“Agad na pinauwi ang mga students at nagkaroon ng wide dissemination sa advisers ng protocols,” dagdag pa niya.
Dahil sa sunod-sunod na kaso ng mga nakahahawang sakit sa ACNSTHS, minabuti ng pamunuan ng school clinic na maghigpit sa muling pagpapapasok ng mga batang nagkasakit, kung saan kinakailangan muna nilang magpasa ng medical certificate na naglalaman ng opisyal na pahayag mula sa doktor na magaling na ang estudyante.
Pinaalala naman ng school clinic na walang dapat ipag-alala at sundin lamang ang mga health protocols na ipinapatupad ng administrasyon ng paaralan.
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
NI CLAREN B. GONZALES
NI DHENRI FATHMA NICOLE G. PURA AT KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
LITRATO MULA SA CNN
KAPSYON NI JAZTINE RUSSEL P. AMADOR
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
‘PAG MAY PROBLEMA SA RISERTS, MAY SOLUSYON SI MA’AM DIYAN!
Maraming estudyante ang nahihirapan sa paggawa ng pang-akademikong papel sa riserts. Yung sasabihin nalang ng iba na pansit canton nalang daw ang ambag nila ay sapat na.
Teka, huwag nang mangamba. Dahil may proposal na ang Ma’am mo para diyan! Sa ginanap na patimpalak noong ika-29 ng Setyembre sa San Isidro National High School na pinangalanang Agham at Teknolohiya na may temang: “Sandigan ng Kalusugan, Kabuhayan, Kaayusan, at Kinabukasan,” maraming mga estudyante at mga kaguruan ang nagtagisan ng katalinuhan sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing istilo ng pagpapahayag upang pahalagahan ang agham at teknolohiya sa kasalukuyang panahon. Sa mismong patimpalak, ‘di inaasahan ni Gng. Leah B. Juntado na makamit ang unang pwesto sa Action Research Proposal na pinangalanang “Developing Learning Materials for Research.”
Layunin sa Pag-aaral Ginawa ito ng Gng. upang solusyunan ang kakulangan ng mga learning materials na ginagamit ng mga ACNSTHS Junior High School students sa asignaturang Riserts. Ito ay nang maibsan ang problema ng maraming mga estudyanteng nangangapa sa mga aralin patungkol dito.
“Ang problem in Junior high school is wala silang complete
ginagamit ang mga bata, ang tendency kung saan-saan sila naghahanap ng references.”
Balak ng Gng. maglikom ng mga least mastered learning competencies mula sa pagganap ng mga estudyante sa kanilang research panels at research defenses, saka gagawa ng mga learning materials nang magamay nila at hindi na sila mahirapan sa paggawa ng riserts.
Inspirasyon sa paggawa
Sa kabilang dako, naging inspirasyon Ni Gng. Juntado ang mga estudyanteng nananalo sa mga patimpalak. Kaya’t naisip niya ring sumali upang maipakita niya ang kaniyang talento at mas mapalawak pa ang kaniyang kaalaman.
“Students ng Ansci na mga nanalo sa [mga] contest and also the school [ang aking inspiration.”]
Kung may problema sa asignaturang riserts, may maiimbento ring mga riserts upang solusyunan ang mga problemang naghahanap ng kasagutan.
“Conduct research not for the grades, not for the awards but to give a solution to the problem. Secondary nalang yung awards, appreciation, but the thing is yung magiging impact nito sa sa mga estudyante, sa school lalong-lalo.”
Kabataan ang Pag-asa sa Manukan
Sumisilakbo ang tagumpay ng bansa sa larangan ng agrikultura matapos makagawa ang dalawampu’t dalawang taong gulang na si Patricia Mae Quitoriano mula sa Antipolo City ng SenseUs, isang aplikasyong panteknolohiyang ang layon ay makatulong sa pag-aangat ng kalidad ng kalinisan at kalusugan sa mga manukan sa bansa. Isa itong magandang hakbang sa pagsusulong ng agham at teknolohiya sa mga kabataang madalas ay dinidikitan ng negatibong konotasyon dulot ng mga nakapanlulumo nitong terminolohiya.
Nararapat pang palawakin ang abot ng agham sa mga kabataang tulad ni Patricia dahil sila ang susunod na henerasyong mayroong kapangyarihan upang makadiskubre ng mga bagong kaalamang nagbibigay ng solusyon sa mga suliraning ikinahaharap ng lipunan.
“Ako ay nagsimula lamang bilang isang simpleng mag-aaral. Patuloy ko lamang na pinairal ang aking curiosity kaya nabuo ko ang aking start-up,” wika niya. Kung matututo lamang ang mga kabataang gamitin ang kakarampot nilang kaalaman sa agham, may tiyansang dumoble o trumiple pa ang pagbabagong kanilang maaaring maiambag sa bayan, tulad ng SenseUs na tumalakay sa papatay nang industriya ng agrikultura sa Pilipinas.
Mabuti na lamang at nagbukas ang Kagawaran ng Agrikultura
ng plataporma para sa mga ganitong agribusiness na makalulutas sa mga problemang tulad ng kawalan ng quality control sa mga poultry farms. Dahil tila kulang pa sa hasa ang mga nakaupo sa kagawaran upang masolusyunan ang nagmamakaawang hiyaw ng mga naghahanapbuhay sa ilalim ng nasabing industriya, umaasa na lamang sila sa utak ng mga kabataang mas mabilis pang makapagisip ng pantakip-butas sa kanilang mga suliranin.
Dahil ang mga imbensyon na lamang ng mga kabataan ang tanging susi upang mabigyang-sagot ang hinaing ng mga mamamayan sa agrikultura, kapag inuna pa rin nila ang kanilang agam-agam at pagkatakot kapag naririnig ang mga salitang “agham” at “teknolohiya”, hindi na magkakaroon pa ng usad ang mga makinang napag-iwanan na ng panahon, at hindi na rin maisasambulat pa ang kabuuang kapabilidad ng kalikasan.
Napakalaki pa ng kakayahan ng mga batang tulad ni Patricia sa pagsisimula ng pagbabago sa larangan ng agham, ngunit hindi pa lamang nila nahuhukay ang kailaliman nito. Gawin sana nilang inspirasyon ang start-up na SenseUs upang magkalakas ng loob sa pagtuklas ng marami pang mga bagay, maging sa labas ng manukan.
NI JULIUS ROBERT D. INTIA
NI KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
HATAW ACES!
Nagpamalas naman ng galing ang mga manlalaro ng
Antipolo City National Science and Technology High School (Ansci) Aces matapos silang makakuha ng siguradong pilak na medalya at finals spot sa katatapos lamang na Men’s Volleyball Unit Meet 2023-2024.
Naglalagablab na sinungkit ng Ansci Aces ang pwesto sa finals daladala ang inspirasyong pagkatalo matapos ang dismayadong kartada noong last school year sa Volleyball District Meet.
Ipinalasap agad ng Ansci Aces ang palo na nagpasakamay sa kanila ng set 1 sa iskor na 2516 kontra sa koponan ng Kaysakat na may malamyang simula.
Mainit na salpukan naman ang nasaksihan sa dalawang koponan sa pagpasok ng ikalawang set sa pamamagitan ng mainit-init pang palitan ng dalawang koponan na nauwi sa 2 point advantage sa panig ng Ansci Aces. Naisumite ang laban sa iskor na 25-23 matapos manaig ang Ansci Aces sa dikdikang palitang set 2 na naglatag sa kartadang 2-0 pagkatapos ng laro.
Bigo namang makapagpakitang gilas ang Kaysakat sa kanilang sariling balwarte matapos itong mauwi sa 2-0 sweep at tansong medalaya.
Ayon kay Jolo Hernandez captain ball ng Ansci men’s volleyball team “natutuwa ako dahil siyempre umabot kami ng finals at hindi rin
kami natambakan tulad nung district meet last year. Kitang-kita rin yung improvements ng bawat isa at yung gigil na manalo kasi finals na nga yung next game. Nakakaproud din dahil na-sweep namin ang Kaysakat National High School sa home court nila at kami ang umabante para sa final game laban sa San Juan National High School.”
Ayon rin sa beteranong manlalarong si Gabriel Cuenco na “Maraming skills ang masasabi kong nagbago at nakita ko naman kung gaano nag-improve yung mga kasama ko. Sa services ng mga kasama ko, alam na alam nila yun na ayoko ng pangit na service. Isa pa ay yung communication namin around the court, sa volleyball kasi mahalaga talaga yung chemistry ng mga naglalaro para alam ng bawat isa yung galaw ng isang kasama.”
Marami sa ating mga manlalaro ang nabibigo sa una ngunit bumabangon sa mga susunog na pagkakataon. Isang halimbawa na dito ang Ansci Volleyball Aces na mula sa kabiguan sila’y nakapagpartisipa na sa finals.
HITIK
Droga Kapalit ng Ginto
Matinding usapin ngayon ang pagkapositibo nang player na si Justine Brownlee sa doping test matapos nilang masungkit ang ginto kontra sa Jordan sa katatapos lamang na Asian Games 2023. Nakadidismayang isiping kinakailangan pa ng isang atleta ang mga pinagbabawal na gamot para lamang masungkit ang inaasam na tagumpay. Nitong ika-12 ng Oktubre, inanunsyo ng International Testing Agency (ITA) ang palpak na result ni Brownlee sa in competition anti-doping test. Nakalulungkot ring mas nauna pang maglaro ang nasabing atleta bago pa lumabas ang resulta. Ayon naman sa Artikulo 11.2 ng OCA AntiDoping Rules na “the CAS Anti-Doping Division shall impose an appropriate sanction if more than two members of a team are found to have violated an anti-doping rule”.
Dagdag rin ng POC na mananatili sa Pilipinas ang ginto dahil na rin sa nasabing batas. Nakapanlulumo rin ito sa kabilang koponan sapagkat lumaban ng patas ang Jordan katuwang ang superstar player nilang si Rondae-Hollis Jefferson. Kasalukuyan namang nagaantay si Justine Brownlee ng B-sample test result na magdidikta ng haba ng kanyang suspensyon. Sa oras ding ito, nagdedelikadong hindi makasama si Brownlee sa napipintong pagdepensa sa korona ng Ginebra San Miguel sa PBA Governor’s Cup.
Pinoy boxer Eumir Marcial, nag-uwi ng silver medal sa 19th Asian Games boxing final
binulsa ni Eumir Marcial ang pilak na medalya matapos mapayuko ni Tuohetaerbieke
Tanglatihan ng China sa 19th Asian Games men’s 80kg boxing division na ginanap sa Hangzhou Gymnasium nitong Huwebes, Oktubre 5.
Determinadong sumabak si Marcial sa final match upang makamit ang kaniyang kauna-unahang gintong medalya sa Asian Games.
Naging maganda ang simula ni Marcial matapos magpakawala ng isang solidong right hook na pansamantalang nagpahinto sa kanyang katunggali.
Sa round 2, ginamit ni Tanglatihan ang distansya kasabay ang mabilis na atake dahilan upang
makatikim ng sunod-sunod na suntok si Marcial, hanggang sa tuluyan itong mawala sa postura.
Pagsapit ng round 3, palitang kombinasyon ang binitawan ng parehong boksingero sa isa’t isa na nagpa-init ng aksiyon.
Sa huli, nagwagi si Tanglatihan matapos makakuha ng 29-28 score sa tatlong rounds, mula sa limang judges.
Sa kabilang banda, hindi naman nakitaan ng pait sa mga mukha si Marcial bagkus, babang-loob nitong tinanggap ang pagkatalo.
“I tried to do it again in the second round, but he caught me. I got a standing eight count and that’s the thing that changed the judges’ minds. Congratulations to Team China.” saad niya. Hindi naman natatapos dito ang laban ni Marcial sapagkat muli siyang sasalang sa darating na Paris 2024 Olympic Games dala ang pag-asa at suporta mula sa kaniyang mga kababayan.
FRANCIS T. PAZ
NI FRANCIS T. PAZ
JAYRUS JAMES V. OMBID
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
Purnadang Pilak
Asian Games 2023: Pinas tiklop sa Indonesia, bronze medal winakasan ang 33 drought, 1-2
NI FRANCIS T. PAZ
Bigong masungkit ng Pilipinas ang pilak na medalya matapos silang paluhurin ng Indonesia sa katatapos lamang na Sepak Takraw Semis Asian Games 2023, na ginanap sa Jinhua Sports Centre Gymnasium, China nitong ika-3 ng Oktubre na naitala sa iskor na 21-15, 24-25, 17-21 .
Namarkahan ang tansong medalya ng Pilipinas bilang kaunaunahang karangalan ng nasabing bansa sa Sepak Takraw sa loob ng 33 taon.
Tangan ang isang set na kalamangan, dumausdos ang Pilipinas sa dikdikang set 2 kontra Indonesia matapos umarangkada nito nang 2 puntos na nagselyo sa iskor na 25-24.
Hindi na muling nakahabol pa ang Pilipinas sa Indonesia matapos ang malamyang 0-4 na simula sa set 3 na nagsumite sa iskor na 17-21.
Napangakuan na ng tansong medalya ang Pinas nang makaabaante ito sa semis.
Talentong Nakabilanggo
Patuloy na binibigo ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang mga natatanging atleta nito dahil sa kakulangan ng ng suporta ng paaralan sa pagsasanay ng mga mga estudyante para sa ginanap na District Meet noong Oktubre 2023. Mula sa kasalatan sa mga materyales hanggang sa mga maliliit na pasilidad, napagkakaitan ng pagkakataon ang mga atleta na maipamalas ang kanilang galing hindi lang sa patalinuhan kundi pati na rin sa palakasan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging baguhan ng paaralan, ngunit sa halos isang dekadang pagkakatayo nito, tila pagong kung makausad ang pagpapatayo sa mga pasilidad dito. Sa buong campus ng ACNSTHS, mayroong covered court at badminton courts na makikita malapit sa Old Ynares Building. Sa dami ng isport na nilalahukan ng mga magaaral, hindi sapat ang tatlong pasilidad upang mahasa ang natatanging kakayahan ng mga atleta. Bukod pa rito, may mga pagkakataong napipilitan ang mga atletang manghiram ng mga gamit sa ibang mag-aaral dahil sa kulangkulang na kagamitang pang-isports ng paaralan. Kung ganiyan ang kalagayan ng
mga estudyanteng atleta, hindi nakatutulong ang ACNSTHS sa pagbuo ng pundasyon ng kanilang talento.
Umarangkada na ang Volleyball
Team ng Antipolo City National Science and Technology High School, matapos ang matagumpay nitong tryouts sa loob ng dalawang oras noong Martes, Setyembre 26, na ginanap sa covered court ng naturang paaralan.
Pinangunahan ang tryouts ng mga opisyales mula sa MAPEH Club, partikular na sa Sports Sector.
Ayon kay Jeric Miano, head ng naturang pampalakasan, maraming may potensyal na AnScians sa larangan ng volleyball, lalo na sa baitang walo at labing-isa.
Dagdag pa niya, ”Bilang first time ko pa lang maging head,
kahit medyo kinakabahan, tingin ko naman ay nagampanan ko pa rin ang mga dapat kong tungkulin.”
Sa kabilang banda, ikinatuwa naman ng mga aplikante ang naging takbo ng tryouts ngayong taon, dahil mas organisado at mas napaghandaan daw ito, kaysa noong nakaraang taon.
Kumpiyansa din ang isang manlalaro ng team na si Fathea Ruadil sa kakayahan ng koponan, dahil ayon sa kanya ay mas handa na ang AnSci Volleyball Team, at sinisiguro niyang hindi na sila ulit pangungunahan ng kaba sa kanilang muling paglaban.
“Sa ginawa namin last
Nakababalintunang isiping pilit na umaasa ang buong paaralan sa pagkapanalo ng mga atleta ng paaralan kung wala naman silang maayos na pasilidad at kagamitan. Kung hangad ng paaralan na ayusin ito, kailangang makipagkooordinasyon ang mga kataas-taasan sa Local Government Unit ng Antipolo sa pagbibigaypondo sa mga imprastraktura at kagamitang kinakailangan paaralan sa paghahasa ng abilidad ng mga estudyanteng atleta. Nararapat na isipin ng paaralan na hindi mababansang batang siyentipiko ang mga mag-aaral dito kung ang kanilang mga talento ay nakakandado at nakabilanggo.
Friday, from warming up to practicing all skills in volleyball, then match, masasabi kong medyo better ito, compared noong last year,” batay naman kay Jestony Buergo, na bagong manlalaro pa lamang sa men’s volleyball.
Ani rin ni France Montojo, isa ring bagong manlalarong natanggap sa loob lamang ng maikling oras ng tryouts, ay naging pantay at patas naman daw ang sistema ng pagpili sa mga manlalaro.
Kasalukuyang naghahanda ang AnSci Volleyball Team para sa darating nilang laban sa Unit Meet.
NI FRANCIS T. PAZ
NI JOHN DREY M. BEA
SUBOK TUNGO SA LARO. Striktong pinangunahan ni Jeric Miano, 17, ang mga manlalarong sumubok para makapasok sa varsity team ng volleyball. Ito ay upang makumpleto na ang mga manlalaro ng volleyball ng paaralan.
KUHA AT KAPSYON NI JACI MARGARET A. BERNARDO
LITRATO MULA KAY ALFEL RINGO AGUSTIN
KAPSYON NI JAZTINE RUSSEL P. AMADOR
SAGUPA NG SIPA. Nagpakitang-gilas sa larangan ng taekwondo ang mga mag-aaral ng ACNSTHS sa ginanap na Unit Meet nitong ika-13 ng Oktubre, 2023. Tangan ang pangalan ng paaralan, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang angking galing sa naturang isport bilang katunayan na hindi lamang talino sa akademiko ang tinataglay na talento ng mga batang siyentipiko.
TKD Aces,Sumipa Ng Medalya Sa Unit Meet 2023
Knockout
na humakot ng pwesto ang mga manlalaro ng Taekwondo Aces matapos ang ginanap na Unit
Meet 2023 sa Rizza National High School nitong ika-labing tatlo ng Oktobre, 2023 bilang selection sa Division City Meet sa darating na Disyembre.
Nagpakita ng sumisipang performance ang mga players para sa Kyorugi na sina Sean Rohan M. Abaygar at Leandro Miguel C. Ramos na nagkamit ng gintong medalya para sa Men’s Open weight at Featherweight, kasama ang Vice Captain na si Quirino C. Benitez na nagkamit ng ikalawang pwesto, kasama ang unang Women Poomsae category silver ng Ansci na si Justine Andrea A. Peñano.
“Expected naman yung results na nakuha, may panalo, may talo. Saludo ako sa mga lumaban dahil kahit kulang sa training, nagpursigi pa rin sila” saad ni Benitez.
Hindi naman nagpahuli sa paghakot ng medalya ang women’s Finweight category na sina Leona M. Salazar at Shanaiza Janine G. Mape na nagkamit ng ikatlong pwesto sa iskor na 12-15.
Ayon kay Salazar, nakapaghanda lamang ng dalawang araw ang mga manlalaro para sa nasabing
laban, kung saan tinutukan ang paghasa sa iba’t-ibang footworks at lakas ng sipa ng Taekwondo Team. “Ang naging problema po ay kulang sa oras at panahon yung pag ttraining namin kaya parang nanibago po yong katawan namin at sobrang pagod po.
Ang iba naman ay walang mouth piece at walang transportation papunta sa venue” dagdag niya.
Ayon sa panayam sa Vice Captain ng TKD aces, inaasahan nito ang mas mataas na motibasyon at drive sa mga players upang paghusayan pa ang kanilang kakayahan para sa parating na laban.
Kasalakuyan namang naghahanda para sa paparating na City Meet competitions sa Disyembre ang ACNSTHS kasama ang Rizza National High School, sa pamumuno ng mga coach na sina Mark Anthony C. Aro at Alfel Ringo G. Agustin ng RNHS darating na linggo matapos ang exam week ng dalawang eskwelahan.
Esports Fest ng MAPEH Club, Ikinasa na!
NI JERIC D. MIANO
HUNYO 5, 2023 – Matagumpay na naisagawa ng MAPEH Club ng Antipolo City National Science and Technology High School ang kanilang Esports Fest. Ang kaganapang ito ay nahahati sa tatlong laro – Call of Duty Mobile, Mobile Legends, at Valorant, at bawat isa sa mga ito ay sinalihan ng mga magaaral na mula sa iba’t ibang baitang ng nasabing paaralan. Ang buong kaganapan ay natapos sa ika-11 ng Hunyo at bawat laro sa bawat araw ay ipinalabas sa pamamagitan ng Facebook Live.
Call of Duty Mobile ang unang larong itinampok sa paligsahang ito. Nilahukan ito ng limang koponan – Bury Cats, Onabs Esports, Cueler, Slapshock, at Sh. Kitang-kita ang determinasyon ng mga manlalaro ng bawat koponan, ngunit sa huli, dalawa lang ang natira. Naganap noong Hunyo 10, naglaban para sa kampyonato ang Onabs Esports at ang Cueler. Naging mainit ang tunggalian ng dalawang koponan, subalit
nanaig ang Onabs Esports at sila ang naitatag na kampyon para sa Call of Duty Mobile ng Esports Fest.
Para naman sa Mobile Legends, mayroong labing-isang koponang naglaban-laban para sa tropeo. Kinabibilangan ito ng Peanuts, Prime Soul Legends, Oni Gaming Esports, Walapa, Kalookan Bois, Sh, Mhiemaw, Nasaktan Esports, Mommy Oni Esports, Kups, at Toni-Chan. Sa rami ng mga naglaban para sa dalawang koponan lang ulit ang Ang naglaban para sa championship ay Esports at ang Prime Soul Legends. koponan lang ang magwawagi. Naging laban, ngunit matapos ang mga bakbakan, Oni Gaming Esports and nangibabaw at ang nag-uwi ng tropeo para sa Mobile Legends ng Esports Fest ng ACNSTHS.
ISPORTS
Taekwondo Team, sisipa para sa medalya
Puspusan
ang paghahanda ng Taekwondo Team ng Antipolo City National Science and Technology High School, matapos ang matagumpay na pagpili ng mga manlalarong lalaban para sa Unit Meet nitong Miyerkules, Oktubre 4, na inilunsad sa covered court ng paaralan.
Pinangunahan ni Mark Antony Aro, coach ng naturang pampalakasan, ang pag-eensayo para sa nalalapit na laban.
Ayon kay Quirino Benitez, head ng partikular na isports, mas binigyang pansin nila ang mga manlalarong may potensyal at nagpakita ng kakaibang talento sa tryouts.
“Kulang na kulang talaga yung araw ng preparasyon namin, kaya nag-focus kami sa mga advanced kicks kaysa sa mga basic para masigurong mananalo kami sa laban.” ani pa niya.
Gayunpaman, hindi natinag ang mga manlalaro sa kabila ng maikling panahon ng preparasyon upang mas lalong pagbutihin ang pag-eensayo.
Determinado rin ang isang manlalaro ng team na si Andrea Peñano, dahil aniya’y mas nadagdagan ang kaniyang kumpiyansa sa kompetisyon matapos niyang sumali sa mga taekwondo clubs sa labas ng paaralan.
“Siguro medyo additional factor ‘yun, kaya kahit papaano nabawi/ nalaban yung literal na dalawang araw na training sa school.” saad niya.
Patuloy ang paghahanda ng koponan para sa nalalapit nilang kompetisyon na gaganapin sa Rizza National High School sa Oktubre 13, 2023.
Kumpiyansa ang mga manlalaro na makakamit nila ang tagumpay dahil sa nag-uumapaw na suporta mula sa kanilang mga kapwa mag-aaral at guro.