Antipolo Cathedral, idineklara bilang kaunaunahang ‘international shrine’ sa TimogSilangang Asya
NI SHANE M. VALDEZ
Dahil sa pagiging dambana nito ng sampung taon, opisyal na itong pinangalanan bilang unang international shrine sa Pilipinas at sa Timog-Silangang Asya, Enero 26.
Batay ang naturang pagkakakilanlan sa kautusang Latin na ibinaba ng Vatican na nagdedeklara sa katedral ng Antipolo bilang isang international shrine.
Inindorso ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang petisyon ng diyosesis na iangat ang simbahan ng Antipolo bilang pandaigdigang dambana.
Umaasang namalimos si Badong Sinogbuon, 50, sa overpass ng Antipolo
LIGWAK SA A+
Project POINT A, pantabla sa mababang
Upaigtingin ang pagsukat at pagtutok sa numeracy rate ng mga AnScians, isinusulong ng administrasyon ng ACNSTHS ang proyektong Project POINT A o “Perform Operations on Integers Through AKLATECH.”
Alinsunod ito sa inilabas na datos ng paaralan kung saan labinlimang mag-aaral sa mababang antas ng sekondarya ang kabilang sa “emergent” o kinakailangan ng agarang aksyon patungkol sa kanilang kakayahan sa matematika.
Kaugnay nito, ayon din sa isinagawang numeracy test sa mga AnScians, lumabas na humigit kumulang tatlong daang mag-aaral ang may “average” na numeracy rate, dahilan upang mas lalo pang tutukan at paigtingin ang pagsasagawa ng mga
Natukoy ng administrasyon ng paaralan ang estadistikang ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng
DD Cards at Number Concept Test sa unang linggo ng taong panuruan na may layuning masuri ang kakayahang pangmatematika ng mga AnScians.
Ang Project POINT A ang isa sa dalawang pinaplanong aksyon ng paaralan upang mas linangin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa at pagsasagawa ng mga operasyon sa mga numero.
Ayon kay Gng. Crystal D. Oabina, Head ng Mathematics Department, “I created an app for this Project POINT A na puwedeng gamitin ng mga bata sa pagperform addition, subtraction, multiplication at division.”
Dagdag pa niya, malaking
tulong umano ang proyektong ito dahil mas madaling mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga nakapaloob ditong mga aralin na madali nilang mabubuksan at magagamit lalo pa’t halos lahat ay may mga elektronikong kagamitan na o device.
Bukod sa aplikasyong AKLATECH, isa pa sa mga aksyong isinagawa ng Mathematics Department upang masugpo ang non-numeracy ng mga AnScians ay ang pagpapatupad ng Project ASMR o ang After School Math Remediation, kung saan naglalaan ang mga guro ng isang sobrang oras kada araw upang matutukan ang mga piling mag-aaral na kinakailangang pagtuunan ng pansin sa naturang asignatura.
Tunghayan sa pahina 3
Inilahad ng CBCP ang polisiya na nagsasabing maituturing na diyosesis na dambana ang isang simbahan, kinakailangan nitong maging lugar ng kahalagahan sa kasaysayan, pagdaral, at paglalakbay.
Pinangunahan ni Arsobispo Charles John Brown ng Papal Nuncio ang banal at taimtim na seremonya ng pagdedeklara nito na dinaluhan din ng 85 iba pang obispo at mga deboto.
Sinisimbolo ng pagpapatong ng korona sa imahen ng Birheng Maria ang panibagong paglalakbay bilang pandaigdigang dambana. Bukod pa rito, inaasahang pangungunahan din ng siyam na simbahan sa ilalim ng Roman Catholic Diocese ng Antipolo ang mga misa ng nobena.
Nag-alay naman ng bulaklak at nagsindi ng kandila ang mga deboto matapos dumalo sa misa upang magbigay ng pasasalamat.
“Isa itong karangalan dahil mas marami pang tao ang makakikilala at pupunta upang manampalataya sa loob ng ating katedral,” saad ni May Cruz, isang deboto ng Mahal na Birhen na taga-Antipolo.
Dagdag niya pa, nawa’y maging daan din daw ito upang mas mapalapit ang mga tao sa tahanan ng Panginoon.
Matatandaang pormal itong naging international shrine noong Marso 25 ng nakaraang taon, kung saan iginunita rin ang paglalakbay ng Our Lady of Peace and Good Voyage sa Acapulco, Mexico, sakay ng isang galyon, 397 na taong na ang nakararaan.
NI KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
Muling naghari ang Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) sa nakaraang Division Schools Press Conference (DSPC) matapos itong makakuha ng samu’t saring panalo sa kanilang ginawa at ipinanlabang diyaryo, Nobyembre 21. Nagkamit ang pahayagang Pendulum Chronicle ng unang pwesto sa kategoryang Best Campus Paper habang ang pahayagan naman ng Ang Tipolenyo ay nakasungkit ng ikalawang pwesto sa naturang kategorya.
Pagdating sa indibidwal na kategorya, may kabuuang anim na nakakamit ng unang pwesto mula sa dalawang pahayagang Ang Tipolenyo at Pendulum Chronicle, lima sa ikalawang pwesto, dalawa sa ikatlo, at isa naman sa ikapitong pwesto. Ayon kay Franchezka Suijen Mapa, isa sa mga nakasungkit ng unang pwesto, “While the stakes upon losing are quite high, once you’ve grasped that victory within your hands, it’ll all be worth it in the very end.”
Pamilya naman daw ang naging pangunahing inspirasyon ni Naeumi Gonzales sa kanyang pagsali at pagkapanalo sa nasabing kompetisyon.
Sa pangkatan namang labanan, nakakuha sila ng pinagsama-samang tumataginting na limampu’t isang panalo sa radio broadcasting, collaborative publishing, at online publishing.
“Nang lumabas naman ang resulta ay syempre naging masaya ako kasi karamihan sa’ming grupo ay unang beses lumaban,” saad ni Patrick Quitoriano, isa sa mga lumahok.
Bakas sa mukha ng mga batang mamamahayag ang ligaya mula sa kanilang pagkapanalo, dala-dala ang kanilang ginamit na bolpen sa laban, ngalan ng kanilang nirerepresentang paaralan, at ang kanilang pagmamahal sa sining ng pamamahayag.
Ginanap ang laban ng mga indibidwal sa San Isidro National High School, mula Oktubre 20 hanggang 21, habang ang mga pangkatan namang kategorya ay ginanap sa San Roque National High School noong Nobyemre 11, na nilahukan ng daan-daang estudyante mula sa samu’t saring paaralan sa lungsod ng Antipolo kung saan pumili ang mga kinauukulan ng mga ilalaban para sa Regional Schools Press Conference.
Check the Leyble: Karanasan ng isang batikan
USAPING
Pagsugpo sa anxiety, pinag-igting sa mental health seminar
TULONG PARA KAY MANONG.
KUHA AT KAPSYON NI JACI MARGARET A. BERNARDO
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
45 batang hikahos, napamahagian ng tulong sa isinagawang outreach program
NI MARELLE D. MAMMUAD
Nagbigay-saya ang SSLG, SYES, Pendulum Chronicle, at Ang Tipolenyo sa ilang kabataan ng Lingap Kabataan Center sa inilunsad nitong outreach program, Disyembre 17.
Ang nasabing outreach program na may temang, “Bata ang Tala: An Outreach Program Instilling Compassion through the Art of Giving,” ay naghatid ng aliw at tulong sa ilang mga batang lubos na nangangailangan ngayong papalapit ang kapaskuhan.
Nilahukan ang nasabing aktibidad ng mga batang aktibong nakiisa sa iba’t ibang palaro, pasayaw, at pakikinig sa isinagawang storytelling activity ng mga organisasyon sa AnSci.
Kabilang din sa isinagawang outreach program ang pamamahagi ng pagkain, ilang school supplies, hygiene supplies, at mga damit na magagamit ng mga bata sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ayon kay Shaira Mae Repil, SSLG External Affairs Officer at Outreach Program Head Organizer, “Hindi mahalaga kung magarbo ba o simple lang ang maihahandog mo sa mga nangangailangan basta mula sa puso ‘yung will mo na mapasaya at mag-share
ng blessings sa kanila.” Dagdag pa niya, inaasahan diumano niya na maulit ang nasabing outreach program sa mga susunod na taon upang makapaghandog pa ng tulong sa mga taong nangangailangan.
Samantala, ayon sa ilang kabataan na nahandugan ng tulong, naging masaya diumano sila sa isinagawang programa at mas natutunan nila ang konsepto ng pagtulong at pagmamahal.
Sa kabilang banda, ito ang ikalawang taon ng ACNSTHS sa pagsasagawa ng outreach programs matapos ang pandemya, kung saan matatandaang pinasimulan itong muli ng SSLG, GSP, BSP, at Math Club noong nakaraang 2022.
AnSci, muling nadepensahahan ang unang puwesto sa NAT 2023
Muling naghari ang Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) matapos patumbahin ang humigit-kumulang 63 paaralan sa buong lungsod ng Antipolo matapos magkamit ng unang puwesto sa isinagawang National Achievement Test 2023, Pebrero 1.
Sa inilabas na datos ng Bureau of Education Assessment (BEA), nagkamit ng kabuuang 71% na Mean Percentage Score (MPS) ang AnSci sa tatlong magkakaibang kategorya kabilang ang problem solving, information literacy, at critical thinking.
Kaugnay nito, lubos naman na nagalak ang ilang mga guro sa AnSci sa naging resulta ng nasabing taunang pagsusulit sa kabila ng nangyaring pandemya.
“Masaya ako na nanguna ang paaralan natin sa NAT noong nakaraang taon dahil pinatunayan na may angking talino ang mga mag-aaral ng AnSci,” saad ni Gng. Joan Yaguel-Busa, guro sa ika-12 baitang.
Samantala, ang NAT ay isang pamantayang pagsusulit na isinasagawa sa buong bansa taun-taon upang masukat ang mga natutunan ng mga mag-aaral sa buong taong panuruan ng kanilang pag-aaral.
Dagdag pa rito, nilahukan ang nasabing Basic Education Exit Assessment (BEEA) o mas kilala sa tawag na National Achievement Test (NAT) ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lungsod.
Sa huli, pinatunayan lamang nitong bagaman may kakulangan sa mga materyales at kaguruan ang paaralan ay kaya pa ring makipagsabayan ng mga batang siyentipiko sa lahat ng paaralan sa buong lungsod ng Antipolo.
JUAN IN A MILLION
NI JUSTINE ANDREA A. PEÑANO Ngayong taon, pumalo sa higit anim na milyong deboto ang nakilahok sa prusisyon matapos itong mapatigil ng tatlong taon dahil sa pandemya. Bilang isang taunang deboto, ibinahagi ng 44 taong gulang na si Balbino N. Paghunasan ang kaniyang gabay para sa mga kapwa deboto at mga kabataang nais lumahok sa pagdaraos ng traslacion at pananampalataya para sa itim na Nazareno na muling ibinalik nitong Enero 9. Ayon kay Paghunasan, siya ay deboto at nananampalataya na sa itim na Nazareno simula pa noong taong 2010 hanggang sa kasalukyan.
“Motivation ko ay mabigyan ng magandang pangangatawan ang aking pamilya at lagi kaming gabayan niya dahill siya ang sentro ng aking pananampalataya,” karagdagan pa niya.
Sa muling pagtakbo ng prusisyon sa lansangan ng Maynila para sa itim na Nazareno, nagbigay-paalala si Balbino para sa mga kapwa deboto tungkol sa mga dapat pairalin habang isinasagawa ang traslacion na ito, lalo na bilang isang sagradong panata na dapat isabuhay at respetuhin.
“Ang masasabi ko po sa mga kapwa ko deboto sa itim na Nazareno ay kailangan po ay maging magalang po tayo habang nasa prusisyon at seryosohin natin ang pananampalataya kay poong
Nazareno,” ani ni Paghunasan.
Nagbigay-mensahe rin si Balbino para sa mga kabataang nahikayat sumali at nakilahok sa taunang pananampalataya na ito sa itim na Nazareno. Ipinahiwatig niyang importanteng maging maingat ang mga kabataan sa pakikilahok sa traslacion ngayong taon.
“Ang una kong mensahe sa mga kabataan sa taunang ginagawang traslacion, kung ikaw po ay baguhan na magsasamba kay poong Nazareno, kailangang maingat ka at mapagmatiyag para maiwasan ang sakunang hindi natin inaasahan.”
Dagdag niya pa, “Minsan po kasi ‘yung ibang mga kabataan na una pa lang makipagprusisyon sa itim na poong Nazareno, hindi nila alam ‘yung mga bagay na dapat gawin lalo na na nasa prusisyon na at nasa gitna na ng maraming tao.”
Higit din na ipinabatid ng 44 anyos na deboto ang kahalagahan ng pagbibigay ng masusing gabay, kaalaman, at mga alituntunin sa mga kabataan para sa unang beses na gugustuhin nilang lumahok at maging isang deboto sa mga ginagawang taunang Traslacion.
Overpass at Covered Court Project ng Antipolo LGU sa AnSci, umuusad na
NI KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
Kasalukuyan nang itinatayo ang overpass bridge at bleachers ng covered court sa ACNSTHS, na ilan lamang sa proyektong inilatag ng Antipolo Local Government Unit (LGU) sa naturang paaralan, Enero 23.
Hinahangad ng mga imprastratukra at pasilidad na itong bumuo nang mas maayos, maunlad, at ligtas na kapaligiran para sa pag-aaral ng mga AnScians.
“Lahat naman ng proyektong idinudulog namin at ng school sa city government ay para sa kapakanan ng mag aaral para mapanatili o kaya mapabuti pa ang kanilang kaalamang intelektwal at pisikal, habang isinasaalang-alang ang kaligtasan ng bawat isa, maging ang ating mga guro,” saad ni Eden Balneg, pangulo ng School Parent-Teacher Association (SPTA).
Lubos daw ang kanyang pagpapasalamat sa lokal na pamahalaan ng Antipolo dahil sa bilis ng aksyon nito sa tuwing mayroon silang mga dinudulog na hinaing o proyekto para sa naturang paaralan.
“Malaking tulong po lalo na sa aming mga komyuter na estudyante ang pagpapatayo ng overpass sa AnSci dahil hindi na kami matatakot sa tuwing tatawid sa kalsada upang mag-intay ng masasakyan,” ayon sa isang AnScian.
Inaasahang matatapos ang paggawa ng mga nasabing imprastraktura bago matapos ang kasalukuyang taong panuruan.
HRW, umalma sa red-tagging cases sa bansa; AnScians, sinusugan ang panukala ng organisasyon
NI MARELLE D. MAMMUAD AT JERIC D. MIANO
Inayunan ng AnScians ang panukala ng international rights group na Human Rights Watch (HRW) ukol sa muling pagbuhay ng red-tagging cases, kaakibat ng batas na Anti-Terror Law, sa inilabas na pinakabagong sarbey ng pahayagan, Enero 19.
Lumabas sa nasabing sarbey na 100% sa 197 na mga naging respondente ang nagsasabing sila ay tumututol sa implementasyon ng nasabing panukalang batas.
Ayon kay AJ Bernil, mag-aaral sa ika-12 baitang, “Para sa akin kasi, ang anti-terrorism kasi ay parang na-surpass niya yung human rights ng mga tao. Pwede rin ito mag-cause ng abuse of power ng mga nakakataas, which is yung mga nasa gobyerno.”
Dagdag pa niya, kung sakaling maituloy ang implementasyon ng nasabing batas ay maaaring magdulot ito ng tinatawag na red-tagging o pag-label ng bawat indibidwal na diumano’y lumalabag sa karapatang pantao.
Matatandaang sa inilabas na Annual World Report 2024 ng naturang international rights group nitong Enero, ipinahayag nila ang kanilang pagkadismaya sa administrasyong Marcos dahil sa maling paggamit daw nito sa batas upang higpitan ang demokrasiyang mayroon ang bayan at pagbintangan ang mga aktibista bilang mga lupon ng terorista.
Bilang solusyon, hinihikayat ni HRW Deputy Asia director Bryony Lau ang kasalukuyang administrasyong tigilan ang red-tagging incidents sa bansa, kabilang ang pagtatatak sa mga tumataliwas sa gobyerno bilang mga komunista.
Samantala, kamakailan lamang ay muling naging usap-usapan ang implementasyon ng nasabing batas sa kamara dahil naglabas ng procedural rules ang Korte Suprema tungkol sa mga petisyon sa nasabing batas.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 30 petitions na nakabinbin sa Korte Suprema para kwestyunin ang konstitusyonalidad ng batas na ito.
NI MARELLE D. MAMMUAD
78% ng AnScians, ‘Satisfied’ sa pamumuno ng SSLG
NI DANIELLA B. SERIOS AT JULIA C. DACER
Ayon sa pinakabagong inilatag na sarbey ng pahayagang
Ang Tipolenyo, 78% ng mga mag-aaral mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang nagsasabing nasisiyahan diumano sila sa pamamalakad ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa kasalukuyang taong panuruan, Enero 10.
Mula sa 517 magaaral na AnScians na naging respondente, 404 mag-aaral ang nagsasabing nasisiyahan umano sila sa mga proyekto at aktibidad ng SSLG samantalang 113 ang hindi nasisiyahan sa pagpapatakbo ng nasabing organisasyon.
Matatandaang naglunsad ng iba’t ibang proyekto ang organisasyon na sumasaklaw sa apat na core values ng Kagawaran ng Edukasyon, tulad na lamang ng naging paghahanda nila sa naganap National Student’s Day sa paaralan sa ilalim ng “Makatao” value.
Ani ng isang estudyante, naobserbahan niya ang malaking pagbabago sa paraan ng pamumuno ng samahan at ang mga proyektong kanilang isinagawa para sa ikabubuti ng paaralan.
“Seeing the past projects, parang mas nag-improve po siya para po sa students at mas naging interactive siya,” dagdag pa ng isang mag-aaral.
Gayunpaman, may iilan pa ring nagsabing hindi sila gaanong nasisiyahan sa pamumuno ng SSLG sa paaralan kung saan ipinapahayag nila ang kanilang ibang saloobin ukol rito.
Bagama’t may iilang salik na kinakitaan ng problema ang mga mag-aaral sa pamamahala ng organisasyon, inaasahan nilang maaari pang mas pagbutihin ng samahan ang mga salik na ito at maipagpatuloy ang kanilang magandang nasimulan.
Hindi sapat sa pagtaas ng performance ng bansa – AnScians
NI MARELLE D. MAMMUAD
Nanawagan ang ilang AnScians na hindi umano sapat ang panukalang proyekto ng Department of Education na Catch-up Friday na pasanayan ang kasalukuyang performance ng bansa sa pagbabasa.
Sa isinagawang interbyu sa ilang mag-aaral, ibinahagi ng ilang AnScians na kulang diumano ang nasabing amyenda ng pamahalaan sa pagtaas
“Sa palagay ko hindi sapat ang Catch-up Friday, di nito agad masosolusyunan ang kasalukuyang ranggo ng bansa sa ganitong paraan. Ang sakin lang, di siya enough dahil marami pang factors na pwedeng maka-apekto sa pagbaba ng ranggo ng bansa sa pagbabasa at values,” ani ni Maria Julia Dela Cruz, mag-aaral sa ika-12 baitang.
Binigyang-diin din niya na dapat ay bigyan din ng pansin ng DepEd ang ilang bagay tulad ng mga ilang kaguruan na hindi sineseryoso ang kanilang tungkulin sa pagtuturo, lalo na sa fundamental stage ng edukasyon na Kaugnay nito, inihayag din ng ilang mag-aaral na ang proyektong ito ay maaari ring magresulta ng learning gaps at stress sa mga estudyante dahil maaapektuhan nito ang oras na nakalaan sana sa pagkatuto nila sa mga asignaturang pang-akademiko.
“Magkakaroon ng learning gaps ang mga kabataan sa kanilang normal acads lalo na ay may umalingawngaw na balita na matatapos ang school year ng buwan ng Mayo, mas lalong magagahol ang normal acds nila kung saan ang two quarters worth of materials ay need aralin in only 4 months,” saad ni Patrick Quitoriano, mag-aaral din sa ika-12 baitang. Dagdag pa niya ay ang nasabing nakalaan na oras para sa Catch-up Friday ay tila nagiging libreng oras lamang ng mga mag-aaral na dapat ay inilaan na lamang sa
Samantala, ang Catch-Up Friday ay inilunsad ng Department of Education sa pangunguna ni Bise Presidente at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio noong Enero 12 matapos makakuha ang bansa ng 76th place sa 81 na bansa sa reading comprehension na inilabas ng Program for International Student Assessment (PISA). Sa kasalukuyan ay pormal ng sinimulan ang nasabing programa sa ACNSTHS noong Biyernes, Pebrero 2 at inaasahang magtuloy-tuloy na isagawa hanggang sa matapos ang taong panuruang 2023-2024.
Olivo: ‘Welfare needs’ at ‘inclusivity,’ ilan sa prayoridad ng SSLG
NI DANIELLA B. SERIOS AT KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
Kapakanan at pang-akademikong inklusibidad ang pinuntong hangarin ni SSLG President Jan Xerohj Olivo para sa AnScians sa ginanap na State of the Learner Government Address (SOLGA) sa covered court ng paaralan, Nobyembre 6. Nilalayon ng programang itong matunghayan ng mga mag-aaral ng ACNSTHS ang pagiging “transparent” ng pamumuno ng SSLG sa paaralan sa pamamagitan ng iba’t ibang proyektong kanilang ipinapatupad na sumasaklaw sa apat ng core values ng Kagawaran ng Edukasyon.
Kasabay ng flag raising ceremony ng ACNSTHS noong umaga ng Nobyembre 6 ay inilahad ng pangulo ng SSLG ang mga nailunsad na proyekto ng nakaraang administrasyon sa paaralan at ang pangkabuuang plano ng organisasyon para sa kasalukuyang taong panuruan.
Batay kay Olivo, “task designation” ang naging susi upang maging “epektibo” ang kanilang mga isinagawang proyekto, tulad ng nakaraang leadership training kung saan sinubok ang galing ng mga AnScians sa pakikinig, pakikibahagi, at pamumuno.
Aniya, mahalaga raw na nagkakaroon ng ganitong mga programa kung saan nailalabas ng mga estudyante ang kanilang mga “mental at emotional baggages” mula sa araw-araw na
suliraning kanilang ikinahaharap, at minsan ay unahin muna ang tuwa at saya, kaakibat ang pagkatuto ng mga bagong kaalaman sa buhay.
Ayon sa isang estudyante, ito ang proyektong ninanais niya sanang maisagawa ulit ngayong taong panuruan dahil daw sa magandang dulot nito sa pagkatao ng AnScians.
Isa pa sa mga isinaad na proyekto ni Oivo sa kanyang nakaraang administrasyon ay ang Valentine’s Day Event, kung saan nagkaroon ng booth ang bawat organisasyong sumasaklaw sa General Club Council, at sa tulong nito ay nakahanap sila ng mapagkakakitaan para sa kani-kanilang mga proyekto.
Ang kita ng naturang event ay umabot din sa halagang Php 10, 060 na naging income-generating project upang makabili ng mga bagong silya at lamesa para sa school canteen ng ACNSTHS na siyang nagagamit na sa kasalukuyan.
Mananatili namang magsasagawa ang SSLG ng mass at worship services, sa tulong ng SMILE Club, bilang pagtupad sa “Maka-Diyos” core ng Kagawaran ng Edukasyon.
Sa SOLGA rin kinilala ang mga clubs na matagumpay at opisyal nang dumaan sa proseso ng accreditation at re-accreditation sa taong panuruan 2023-2024.
HUMSS, ‘Top choice’ na idagdag sa SHS strands ng ACNSTHS NI JAN XEROHJ
V. OLIVO AT ROSHANN AIMIELLE
Nanguna ang strand na HUMSS sa napupulsuhan ng mga estudyante mula sa ika-10 baitang ng AnSci para idagdag sa strands offering ng paaralan sa isinagawang sarbey ng Ang Tipolenyo, Enero 10.
Project POINT A, pantabla sa mababang numeracy rate
MARELLE D. MAMMUAD AT KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
Batay kay Oabina, summative tests ang naging basehan ng mga guro sa pagpili ng mga estudyanteng sasama sa remediation classes dahil ito lamang daw ang natatanging facts na maaaring makuha mula sa pagganap ng mga mag-aaral. Nagsimula ang nasabing proyekto noong nakaraang taon upang magbigay-daan sa pagtugon sa mababang numeracy rate ng AnScians. Sa pamamagitan ng dalawang pangunahing proyektong itong inilatag ni Gng. Oabina, inaasahan niyang sa mga susunod na buwan ay maiaangat na ang lahat ng estudyante ng AnSci sa klasipikasyong “above average” sa kanilang numeracy level.
Sa naturang sarbey na nilahukan ng 74 na mga mag-aaral, lumitaw na 35 o 47% ng mga respondente ang nagsabing nais nilang maisama ang Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa mga strand na maaaring ialok ng ACNSTHS para sa mga batang siyentipiko pagdating ng Senior High School.
Ilan sa mga pumili nito ay naniniwalang “in-demand” ang mga trabahong kaugnay ng napiling strand, habang ang ilan ay interesado nang tahakin ito sa susunod na taong panuruan.
Kaugnay nito, ibinahagi ni Abegail Castor, mag-aaral sa ika-10 baitang, na malaki ang maitutulong ng HUMSS strand sa paghubog ng kakayahan at talento ng mga mag-aaral sa AnSci.
“Most of our students are excellent in political and social sciences, and this strand will help to improve and show their skills,” wika ni Castor.
Hindi naman nalalayo ang desisyon ng 32 o 43% ng mga mag-aaral na natitipuhan ang Accountancy, Business, and Management (ABM) kung sakaling madadagdagan ang strands offering ng ACNSTHS Senior High School.
Idiniin ni Charilene Ugali, magaaral din mula sa ika-10 baitang, na malaki ang kaugnayan ng ABM strand sa pangunahing mga asignaturang pinagpopokusan ng paaralan, tulad ng matematika.
Dagdag pa niya, nais niyang maidagdag ang ABM “para mabigyan nang pagkakataon ang mga estudyanteng nais maging accountant at mga entrepreneurs.”
Samantala, nakakuha naman ang Arts and Design track ng tatlong boto na sinundan ng Sports na may dalawang boto, at TVL at ICT track na parehas nakakuha ng isang boto.
Matatandaang matagal nang pinaguusapan ang pagkakaroon ng karagdagang strand na iaalok sa ACNSTHS Senior High School matapos maglabas ang paaralan ng sarbey ukol sa strand choices ng mga ikasampung baitang noong taong panuran 2021-2022. Sa kasalukuyan, tanging ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand lamang ang pinagkakaloob ng paaralan para sa mga nagnanais mag-aral at ipagpatuloy ang Senior High School sa AnSci.
S. UBA
Mula sa pahina 1
‘Leadership skills,’ pinagtuunan sa Division
Learners’ Convergence 2023
Nilahukan ng ilang batang-lingkod mula sa iba’t ibang samahan sa ACNSTHS ang Division Learners’ Convergence 2023 na may layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan at mag-aaral na Antipoleño na mahubog pa pagdating sa pagsisilbi’t pamumuno, Nobyembre 18.
Alinsunod ito sa sa Republic Act 10661 o ang National Children’s Month at Republic Act No. 11369 o ang National Student’s Day na ginugunita taon-taon.
Ang Division Learners’ Convergence ay nilahukan ng iba’t ibang mga batang-lingkod na siyang kumakatawan at nagrerepresenta sa kani-kanilang paaralan.
Ang nasabing programa na pinangunahan ng Save the Children Philippines at JCI Antipolo ay naglalayong magkaroon ang mga kalahok ng pagkakataon na makipagdayalogo, makipagtalakayan, at magkaroon ng oportunidad na makakilala pa ng kapwa batang lider sa ating lungsod.
Aktibong nakiisa ang bawat mag-aaral sa iba’t ibang aktibidad, tulad ng plenary sessions at panel discussions patungkol sa pangangailangan ng mga presidente mula sa iba’t ibang samahan sa bawat paaralan.
Ayon kay Jan Xerohj Olivo, pangulo ng DFSSLG ng buong lungsod, “Natalakay sa amin ang pagbuo ng action plan para sa ikabubuti ng mga mag-aaral sa school. I have also been given a chance to talk about my projects in my State of the Learners Government Address (SOLGA) for the year 2023-2024.”
Batay pa rin kay Olivo, nagbukas ito ng oportunidad at pagkakataon na magbigay ng pangako ang bawat mag-aaral na kalahok na masiguro ang pagkakaroon ng learner-centered schools sa lungsod ng Antipolo sa abot ng kanilang makakaya sa pamamagitan ng pagpirma sa pangako. Sa huli, ang programang ito ay nakatulong upang mahubog ang kasanayan ng mga batang-lingkod na nasa sekondarya pagdating sa usapin ng pamumuno.
Admin, agarang umaksyon sa magnitude 5.9 na lindol NI KENDRIC LEMUEL ELI C. DEDASE
Naramdaman sa lalawigan ng Rizal, kabilang ang bayan ng Antipolo, ang pagyanig ng magnitude 5.9 na lindol, bandang alas-kwatro y medya ng hapon, Disyembre 5.
Sa ACNSTHS, nagkaroon naman ng agarang earthquake evacuation sa school grounds, kung saan nagtipon-tipon ang mga magaaral at gurong nakaramdam ng lindol.
Ayon sa mga estudyanteng saksi, matiwasay lamang daw silang nag-eensayo para sa kanilang dance competition nang mapansin nilang gumagalaw ang mga bagay at posteng nasa kanilang paligid.
Pinangunahan naman ng ACNSTHS Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Organization ang pagpapapila sa mga estudyate at pagsiguradong walang nakaramdam ng anumang injury o emotional stress sa naturang insidente.
“Naging maayos ang measures na ipinatupad ng parehong DRRM at school administation noong araw na iyon at sa iba pa nilang isinagawang earthquake drills kada buwan,” ani ni Shaira Mae Repil, isa sa mga lumikas mula sa lindol.
Batay sa naunang ulat mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagmula ang sentro ng paggalaw sa probinsya ng Occidental Mindoro na naging dahilan upang maramdaman din ang naturang lindol sa mga kalapit nitong mga probinsiya at rehiyon.
Pinag-ingat naman ng mga awtoridad ang mga tao mula sa posible nitong dalang aftershocks.
Kasabay ng hinaing ng mga residente ng Antipolo patungkol sa hindi kaaya-ayang amoy ng Hinulugang Taktak, inilatag ang Sewage Treatment Plant sa pangunguna ng Manila Water, Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), at ng Provincial Government ng Rizal.
Sa inilabas na pahayag ng Manila Water, ang proyekto na pinaglaanan ng humigit-kumulang 2.5 bilyong piso ay inaasahang makapagbibigay ng malinis na tubig sa halos 148,000 na mga residente ng Antipolo, partikular na sa ilang barangay, tulad sa Dela Paz, San Isidro, San Roque at San Jose.
“Aside from providing 24/7 water supply to our customers, sanitation remains at the forefront of our service improvement efforts. We believe that by providing quality sanitation, we are contributing to better community health and environmental sustainability in the province,” saad ni Corporate Communications Affairs Group Director Jeric Sevilla. Kaugnay nito, ang proyekto ring ito ay naglalayong mapanatili at maisaayos ang kalinisan ng tubig na nagmumula sa mga kabahayan na umaabot ng 16 milyong litro kada araw bago ito muling itapon sa Hinulugang Taktak.
NUMERO UNO!
Antipolo, nanatiling una sa pagbibigay ng serbisyong publiko
Muling pinatunayan ng Antipolo City ang pagiging isang maunlad at progresibong siyudad matapos muling sumikwat ng pagkilalang Seal of Good Local Governance mula sa Department of Interior and Local Government (DILG), Disyembre 13.
Matatandaang ang Seal of Good Local Governance ay isang parangal na iginagawad sa bawat Local Government Unit (LGU) na nagpakita ng kahandaan at mabuting pamumuno kaugnay sa pagtugon sa iba’t ibang mga pangangailan ng kanilang mga nasasakupan.
Kaugnay nito, ilang magkakasunod na taon nang pinatunayan ng bayan ng Antipolo ang magandang pamamalakad tungo sa maunlad na pamamahala para sa mga Antipoleño.
Sa kabilang banda, namayagpag din ang Antipolo City matapos magkamit ng Most Competitive Component City sa Pilipinas mula sa Department of Trade and Industry (DTI) sa pitong magkakasunod na taon.
Natamo rin ng Antipolo ang unang pwesto sa intellectual property, ikalawang pwesto sa infrastructure efficiency, at Top 8 sa economic dynamism.
“We understand the need for this kind of facility in Antipolo and we have been working closely with the local government to make this happen. This project places a lot of importance to protecting the environment and combatting all sorts of water-borne diseases,” ani ni Dittie Galang, Manila Water corporate communications head sa isang panayam ng Philippine News Agency.
Samantala, ayon sa ilang mga residente na naninirahan malapit sa nasabing talon, nakikita na diumano nila ang improvement sa nasabing tourist spot dahil sa agarang aksyon na inilunsad ng pamahalaan ng Antipolo.
Ayon kay Connie Moncada, walong taon nang residente malapit sa Taktak, “Ngayon pa lang [ay] kita na namin ang improvement ng Taktak, paano pa [kaya] sa susunod na taon, maraming plano ang mayor para sa Hinulugang Taktak dahil sa main tourist spot ito ng Antipolo. Sa kasalukuyan, nasa 60 porsiyento na ang natapos sa nasabing Sewage Treatment Plant at inaasahan na matatapos ito bago magtapos ang taong 2024.
Gayundin, itinanghal din na Most Business-Friendly Component City ang siyudad na iginawad naman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Labis naman na ikinatuwa ng CIty Mayor of Antipolo na si Jun Ynares ang iba’t ibang parangal na natanggap ng Antipolo sa pagtatapos ng taong 2023.
Bilang pasasalamat naman, ibinahagi ni dating Mayor Andrea “Andeng” Ynares sa isang Facebook post ang lubos nitong pasasalamat sa mga natanggap na pagkilala ng dating pinamunuan.
Aniya, “It’s been a fruitful year. Nakakatuwa pong nagbubunga ang ating pagsisikap.”
Sa huli, nangako naman ito na patuloy silang maghahatid ng serbisyong pinakamahusay at makabago para sa mga Antipoleño.
NI DHENRI FATHMA NICOLE G. PURA
NI MARELLE D. MAMMUAD
NI SHANE M. VALDEZ AT HAZEL JANNAH TULING
SMNI, Kilatisin
Ang suspensiyon ng Sonshine Media Network International (SMNI) ay isang mahalagang hakbang upang maging kagalang-galang at katiwatiwala ang pamamahayag sa ating bansa. Bago matapos ang taong 2023, nagpataw ng 30-araw na suspensiyon ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa SMNI kaugnay ng mga naturang paglabag nito sa mga kondisyong nakapailalim sa kanilang prangkisa.
Bilang mga instrumento ng pagbabago at pag-asa ng bayan, kritikal ang papel na pinupunan ng media sa paglalatag ng makabuluhan at katiwatiwalang impormasyon para sa pambansang pagkilos. Sa katunayan, hindi maitatanggi ang pagiging alipin ng SMNI sa pagpapakalat ng mga propaganda at mapanlinlang na balita.
Dalawang programa nito ang nagpakita umano ng paglabag sa mga terminong nakapailalim sa prangkisa nito, na nararapat lamang kung ginagamit ito upang tanggalan ng dignidad ang mga Pilipino. Umapela naman ang SMNI dahil sa pang-aabuso sa awtoridad ng NTC matapos nitong isuspinde ang network sa hindi angkop na proseso. Subalit, mas matatawag na pang-aabuso ang mga inere ng SMNI na death threats ni Former President Rodrigo Duterte sa iilang opisyal ng gobyerno. Mayroong mga nagsasabing ang pagkakasuspinde ng SMNI ay isang mahalagang hakbang upang buwagin at turuan ng leksyon ang mga media network na lumalabag sa batas at etika ng pamamahayag. Ito ay nagbibigay-diin sa pangangailangan ng media na maging tapat sa kanilang mandato.
Sa anumang pagkakataon, ang katotohanan lamang ang nararapat na manginabaw. Ito ang responsibilidad na kinakailangang gampanan ng midya sa ating lipunan. Subalit, hindi makakaabot sa bawat mamamayang Pilipino ang katotohanan kung ang mga mensahero nito ay hinahadlangan ng kasinungalingan.
Taliwas man sa ating kagustuhan, tayo ang mangmang sa gitna ng nagtatalong puro at kurokuro. Kaya naman, tama lamang na kilatisin ang SMNI sa pagkakaroon nito ng masamang layuning nagpapadilim sa bayan.
PATNUGUTAN SY ‘23-’24
Lemuel Eli Dedase, at John Drey Bea
Ikalawang Patnugot Valerie Paghunasan
Patnugot ng Balita Marelle Mammuad
Patnugot ng Lathalain
Julius Robert Intia
Tagapamahalang Patnugot Miko Gellecanao
Patnugot ng Editoryal John Drey Bea
Patnugot ng Agtek Claren Gonzales
Patnugot ng Isports Francis Paz
Patnugot ng Paglalarawang Tudling Miko Gellecanao
Patnugot ng Pag-aanyo ng Pahina Patrick Quitoriano
Katuwang Patnugot ng Pag-aanyo ng Pahina Yunah Karille Baltazar
Patnugot ng Larawang Pampahayagan Jaztine Russel Amador
Katuwang Patnugot ng Larawang Pampahayagan Jaci Margaret Bernardo
Mga Nag-ambag
Bilanggo ng Lansangan
Nakadidismaya at nakahihiyang mabansagan ang Pilipinas bilang “Traffic Capital of the World” batay sa isang pag-aaral ng TomTom, isang pandaigdigang kumpanyang pangnabigasyon, na inilabas ngayong Enero 2024. Sa inilabas na resulta, nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa mga rehiyon na may pinakamalalang traffic congestion sa mundo at pang-siyam naman ang Manila para sa mga lungsod. Para sa isang pang-araw-araw na problemang ikinakaharap ng lahat pati na ng mga mag-aaral ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS), hindi nakatutuwa na para bang pumapasok sa kanang tainga ng mga opisyal ang mga busina sa kalsada at lumalabas lang din sa kaliwa.
Iwan nang iwan ng mga mabulaklaking salita ang mga nagdaang administrasyon, pero wala rin namang laman sa dulo. Sa Administrasyong Duterte, ipinangako ang limang minutong biyahe mula Cubao hanggang Makati. Ngunit, ayon sa nasabing pag-aaral, noong 2023, humigit-kumulang 25 minuto ang kakailanganin para sa isang 10 kilometrong byahe. Halos limang araw rin, o 117 oras, ang nasayang ng bawat motorista dahil sa mala-impyernong trapiko. Kung tutuusin, sa Department of Public Works and Highways (DPWH) napupunta ang malaking porsyon ng national budget, pero tila nababasura ito sa kawalan ng silbi ng pagkilos
agrikultura. Malaki na nga ang napupunta sa DPWH para sa pagpapatayo ng mga kalsada at imprastraktura ngunit hindi pa rin maayos-ayos ang lagay ng trapiko sa bansa. Tila ba ay tinataga nila ang kanilang mga salita sa mga batong bakobako at lubak-lubak. Sa katotohanan, kahit magdagdag pa ng libo-libong kalsada at imprastraktura ang DPWH, hindi pa rin mareresolba ang trapiko ng bansa. Batay sa isang teoryang Braess Paradox, mas mapapahaba lamang ng maraming kalsada ang mga byahe dahil mas pipiliin ng karamihan sa mga drayber ang mas mabilis na ruta. Bukod pa rito, hindi rin naman nasisiguro ang kalidad ng mga kalsada, na makikita sa magkakabilaang kalsada sa buong bansa, kasama na ang Antipolo. Dahil sa kawalang-halaga ng mga proyekta ng DPWH, nagmimistulang preso ang karumal-dumal na kalagayan ng transportasyon ng Pilipinas. Sa hinaba-haba ng mga kalsada at sa hinaba-haba rin ng trapiko, lahat ng ipapanganak sa kalsada ay mamamatay rin sa kalsada. Kung iniisip ng gobyerno ang totoong problema, dapat nilang pagtuunan ng pansin at pondo ang sektor pampublikong transportasyon na sasagot sa problema ng milyon-milyong komyuter at magpapaluwag kahit papaano sa mga kalsada. Bukod pa rito, huwag nilang pairalin ang kamangmangan at pagkamanhid sa pagpapagawa ng mga kalsada at imprastrakturang wala namang
Gurong Tagapayo Daisy Jane Ciar, Chin-chin Salazar, at Precila Leyble
Punongguro Rosanna Ortiz
ESKAPO Purgatoryo
Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa pambobomba ng Israel sa Palestine, isang normal na araw lamang ang Bagong Taon: himpapawid na puno ng mga lumilipad na pasabog at usok ng mga watak-watak na kalupaan.
Ma. Divine Agaton, Shamir Joseph Alejo, Patrick John Baydo, Ismael Cabatingan Jr., Jhon Lloyd Catudio, Sydney Vancouver Cervantes, Nico Clores, Julia Dacer, Fredy Madeline Domingo, Maria Louisse Fernandez, Kristine Isaac, Ysabella Francheska Lim, Princess Fiona Maybay, Jeric Miano, Marc Kcid Mico, Ardy Josh Olinares, Jayrus James Ombid, Jan Xerohj Olivo, Justine Andrea Peñano, Dhenri Fathma Nicole Pura, Allaine Ricci Ramos, Daniella Serios, Miko Suarez, Marian Grace Torres, Hazel Tuling, Roshann Aimielle Uba, Shane Valdez, at Joan Yaguel
Mula Oktubre 2023 hanggang sa kasalukuyan, kitang-kita ang pangaalipusta ng Israel na naaapektuhan ang buong mundo.
Simula Oktubre 2023, inulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na apat na OFW na ang namatay dahil sa sumiklab na laban habang 463 Pilipino naman ang napauwi ng pamahalaan. Isa itong purgatoryong pinamumunuan ng mga imperyalistang nagdidiyos-diyosan. Sa pagtulong ng United States (US) at pagkondena ng ibang mga bansa, kasama ang Pilipinas, sa Israel, patuloy na nagiging madugong bangungot ang buhay ng
mga Palestino, lalo na ng kababaihan at kabataan.
Pilit na pinapamukha ng Israel at US ang pagiging bayani nila sa pagpulbos nila sa mga teroristang Hamas. Subalit, hindi dapat nila ipagmalaki ang pagdanak ng dugo ng libo-libong batang walang kamalayan sa hidwaan at ang mga hayop na walang pinapanigan, Hinding-hindi matatanggal ng mga imperyalistang sina Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at US President Joe Biden ang dugo ng libo-libong
kaluluwa sa kanilang kamay. Tangi sa riyan, nakabibingi ang pananahimik ng ibang bansa sa nangyayaring pagpatay sa mga Palestino. Ipinahayag ni President Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang pagsuporta sa mga Israel at pagtutol sa mga terorista. Hindi maipaliwanag ang pagtataingangkawali ni Marcos sa pananakop sa bansang nagmimistula nang purgatoryo, preso, at libingan dahil sa panininiil ng mga asal-demonyong militar. Mas masahol pa sa hayop ang pananahimik ng buong mundo, pati na ang Pilipinas. Bilang mga taong makatao, nararapat lamang na ipaglaban natin ang humanitarian ceasefire sa Gaza at kontrahin ang tiraniya ng US at Israel. Mula sa Ilog ng Jordan hanggang sa Dagat ng Mediterranean, sa Palestine, at sa Palestine lamang, ang kalayaan.
Patnugot ng Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita
Marc Kcid Mico
Mga Punong Patnugot
Kendric
JOHN DREY M. BEA
Ang Tipolenyo ang Tatak, Tagumpay ang Tahak
Mga
Nakapanlulumong sa kabila ng matinding korapsyong
umiikot sa PUV Modernization Program (PUVMP), pinanindigan pa rin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng konsolidasyon ng public utility vehicle (PUV) noong ika-31 ng Disyembre 2023. Kung ganito rin namang tinitigilan nila ang pamamasada ng mga tradisyunal na dyip, marapat ding itigil ang paggapang ng mga buwaya na nagpapatupad ng programang ito.
Hindi maikakakaila ang panlilinlang ng gobyerno sa mga Pilipino, lalo na sa mga tsuper, sa programang ito. Ayon kay Jeff Tombado, dating executive assistant ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, tumatanggap ng Php 5 milyon si Guadiz para sa espesyal na permit, modipikasyon ng ruta, at request sa mga prankisa. Hindi na nakagugulat kung sa paglipas pa lamang ng ilang buwan, hindi na maipapatupad nang maayos ang modernisasyon ng mga dyip kung lumantad na ang tunay nilang mga motibo.
Dagdag pa rito, habang nagpapakasasa ang mga buwaya sa kanilang pwesto, ginagapang naman ng mga drayber ang
biyahe nila patungong modernisasyon. Dahil sa programa, mapipilitan ang mga tsuper na magmaneho ng modernong dyip na nagkakahalagang Php 2 milyon, kung saan hindi maitatangging ginto ang presyo at hindi sapat ang pagbyahe at ang Php 280,000 na subsidiya para rito. Dugo at pawis ang kailangang ilaan ng mga drayber, na maaari lamang mabulsa ng mga nakaupo sa pwesto.
Kamakailan lamang, binitawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga salitang walang puwang sa Bagong Pilipinas ang korapsyon sa harap mismo ng Philippine National Police (PNP). Taliwas na taliwas ito sa nangyayari sa bansa kung sa umpisa pa lamang, hindi na mga motorista ang nakikinabang dito, bagkus ang mga pinuno pa ng LTFRB ang nakikinabang ng malaking halaga rito.
PUV MODERNIZATION
PROGRAM, PABOR O HINDI PABOR?
Bagama’t sinuspinde ni President Ferdinand Marcos Jr. si Guadiz, hinding-hindi pa rin masasabing matutuldukan ang mga may malalakas na loob na opisyal sa pangungurakot. Marapat na unahing tanggalan ng karapatan ang mga buwaya na gumapang sa pamahalaan bago sila maglakas-loob na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng modernisadong solusyon.
Marapat na unahing tanggalan ng karapatan ang mga buwaya na gumapang sa pamahalaan bago sila maglakas-loob na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng modernisasyong solusyon. Dahil kung hindi mapagkakatiwalaan ang opisyal ng LTFRB dahil sa sumingaw na garapalang pagnanakaw nito sa kaban ng bayan, hindi rin masisiguro ang seguridad ng programang ito.
Hindi makatarungan ang labis na pananamantala ng administrasyon sa nakaaawang kalagayan ng mga drayber. Ang pag-iimplementa ng jeepney phaseout ay isang pagtraydor sa mga drayber na ilang dekada nang nagsisilbing pundasyon ng pampublikong transportasyon ng bansa. Walang problema sa modernisasyon. Bago ito ipatupad, nararapat na ikonsulta muna ito sa mga drayber at kooperatiba, katulad ng mga organisasyong PISTON at MANIBELA. Kasabay nito ang pagluklok ng mga katiwa-tiwalang opisyales na mamamahala rito. Kung hindi mahababag ang buntot ng mga kurakot na nangangasiwa sa PUVMP at LTFRB, patuloy na maghahari ang matitigas na kasakiman ng mga buwaya habang gumagapang ang mga drayber na bitbit ang buong bayan.
Cha-Cha Gamit ang Dalawang Kaliwang Paa
HIRAYA
Kung gusto nila iimprove ang sektor ng transportasyon, ayusin muna nila ang sistema ng gobyerno.
- Aira Manzan, mag-aaral
Walang contingency plan
‘yung gobyerno. Hindi nila iniisip yung epekto nito sa ekonomiya natin.
Hindi na namatay ang diskurso sa charter change o sa pag-amyenda sa Saligang Batas ng 1987. Mayroong isang patalastas ang inere sa mga telebisyon sa bansa na tinatawag na “EDSA-pwera” ang pag-unlad ng bansa dahil sa kawalang-halaga ng Saligang Batas ng 1987. Kaya, ayon sa patalastas, dapat “Gawing Saligang Patas ang Saligang Batas.” Subalit, hindi magiging patas ang batas kung ang mga mambabatas mismo ang hindi patas.
nakatanggap ng “mobilization funds” para mapalakas ang suporta ng publiko, kung saan makatatanggap ng Php 100 ang bawat botanteng pipirma sa petisyon. Ginagawa lamang nila ang tipikal na galawan at linyahan ng mga gahaman at magnanakaw.
Isinaad ni Senator Risa Hontiveros na napakadelikado ng charter change sapagkat mas paguguluhin lamang nito ang sistema. Sa panahon kung saan nasa ilalim ng daan-daang krisis hindi lang ang bansa kundi pati na rin ang buong mundo, pahihinain lamang nito ang bansa. Hindi mareresolba ng isang problema ang isa pang problema.
Mas napapahalagahan ng mga paaralan ang mga medalya kaysa sa mga nagampanang responsibilidad sa lipunan. Nawawalan ng saysay ang totoong layunin ng pamamahayag sapakat bulag na bulag ang paaralan sa pagkapanalo.
Mula lamang sa pagkakaroon nito ng palatastas, masangsang na agad ang amoy ng charter change. Mukhang mas prayoridad ng mga mambabatas ang magpakalat ng propaganda kaysa tuparin ang kanilang mga pangakong nakatambak at natutulog. Bukod pa rito, kasisimula pa lamang ng petisyon ay may umiikot na agad na korapsyon sa paligid nito. Inilahad ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na iilan sa mga alkalde ay
Yunah Karille G. Baltazar
Pangalawa, hindi maitatanggi ang kakulangan
Ayon naman kay Senator Robinhood “Robin“ Padilla, panahon na upang magdala ng pagbabago sa masa. Subalit, matatandaang noong isang taon ay naghain siya ng resolusyon para sa pag-amyenda ng konstitusyon. Ang resolusyong ito ay para lamang sa walang kupas pagkaganid ng mga buwayang nakaupo, sapagkat nilalayon ni Padilla na paramihin ang bilang ng mga senador at pahabain ang termino ng pangulo, bise pangulo, at iba pang opisyal. Hindi matatago ni Padilla ang kaniyang mga sungay na naglalahad sa kaniyang pambihirang kasakiman. Bilang isang Pilipino, sa mga umiikot na panunuhol, pananamantala sa kaban ng bayan, at baluktot na prayoridad at hangarin, hindi ako naaakit sa pagbabagong pinapangako ng mga buwaya. Hindi masasayaw ng mga mambabatas ang cha-cha kung parehas kaliwa ang kanilang paa at hinding-hindi maaayos ang problema kung ang problema ay ang nag-aayos.
Natutuyong
sa suporta ng campus journalism sa paaralan. Kung tutuusin, ang larangang ito ang pinakamatagumpay sa paaralan. Subalit, hindi maikakailang napapansin lamang ang campus journalism sa paaralan kung nagdala na ito ng kagila-gilalas na karangalan. Sa labas ng mga kompetisyon at laban, parang aliping pinagkaitan ng boses ang mga batang-mamamahayag.
Pangatlo, dahil isang science high school ang ACNSTHS, mas bibigyang-pansin ang larangan ng STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics). Sa kasalukuyan, ito lamang ang strand na mayroon ang departamento ng senior high school sa paaralan. Tunay ngang dapat pagtuunan ng paaralan ang kagalingan ng mga mag-aaral sa agham at teknolohiya upang maging sisidlan ng pagbabago at maging bahagi ng pag-unlad. Ngunit hindi lamang sa agham at teknolohiya makikita
Tinta
ang pag-unlad. Walang silbi ang kahit anong uri ng inobasyon kung nababalewala ang diwa ng demokrasya at katarungang panlipunan. Kailangang patunayan ng paaralan na ang mga mag-aaral ng ACNSTHS ay matalino sa loob at labas ng silid-aralan. Mahalaga ring isiping isang basura ang pag-angkin ng kakaibang talinong hindi naman ginagamit para ipaglaban ang mga nasa laylayan.
Dahil dito, nababaluktot ang pagpapakalat ng katotohanan at nagiging mababaw ang pamamahayag. Habang maaga pa, kailangang sanayin ang mga susunod na henerasyon ng mga mag-aaral sa ACNSTHS na magsulat at makialam sa problema ng lipunan. Ang natutuyong tinta ng panulat ng paaralan ay hindi sana maging hudyat ng unti-unting pagpikit natin sa mga isyung panlipunan.
Marelle D. Mammuad
Kahit
BAGWIS
Kendric Lemuel Eli C. Dedase
takpan pa ng isang milyong kamay ang bahong matagal nang nabubulok, lalabas at aalingasaw pa rin ito sa buong sambayanan. Isang sampal sa mukha ng mga lumaban at nakimartsa sa 1986 EDSA People Power Revolution ang pagtanggal nito sa listahan ng mga holidays para sa taong 2024 na siyang utos na ibinaba ng kasalukuyang pangulong si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siyang anak ng dating pangulo at diktador na nagpatupad ng Batas Militar.
Buong puso ko itong kinukondena dahil harapharapan nang binabago ng kasalukuyang administrasyon ang kasaysayan ng mga pinahirapan, pinatahimik, at pinatay ng Batas Militar at ang tagumpay ng mga Pilipino sa pagpapatalsik ng opresyon sa pamahalaan. Bilang isang Pilipino, isa itong malaking insulto sa ating pagkakakilanlan dahil tila ginagawa nila tayong mga mangmang na pinapaikot sa kanilang mga munting palad.
Ayon sa Malacañang, tinanggal na raw nila ito sa 2024 holidays dahil hindi naman daw ito tatapat sa working days ng mga manggagawang Pilipino at magkakaroon lamang daw ito ng kakaunting “socio-economic impact,” na halata namang isang uri ng pagdadahilang tatanggapin lamang ng mga uto-uto. Kung gayoon lamang ang silbi ng paggunita
SILAKBO
Marc Kcid D. Mico
Lutay-lutay na ang kalagayan ng mga mag-aaral sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) dahil sa gabundok na gawaing pasanpasan nila linggo-linggo. Araw-araw na sinusubok ng paaralan ang pisikal at mental na kapasidad ng mga magaaral dahil sa madugo nitong kurikulum.
Mapurol na Propaganda
ng EDSA People Power Revolution, na gawing pahinga ng mga tao, tunay na hindi nila nakikita ang halaga nito at nagbubulag-bulagan lamang sila upang makasulsol sa kataastaasan.
Matatandaang ngayong 2023 ay inilipat nila ang komemorasyon ng EDSA Revolution mula sa ika-25 papunta sa ika-24 ng Pebrero. Dito pa lamang, matutukoy mo na ang propagandang burahin sa isipan ng mga tao ang kasamaang dinulot ng Batas Militar. Patuloy man nilang tinatanggi ang kanilang korapsyon sa kaban ng bayan, hinding-hindi nila makokorap ang mga isipang sarado sa pagkalimot ng bawat dungis at mantsang nakalimutan nilang labhan nang lumisan sila noong 1986. Sa ganang akin, ang mga mantsang iyon ay siyang pangmatagalan na kaya ang nakasusulasok nitong amoy ay kinasanayan na lamang ng tatlumpu’t isang milyong Pilipino. Naniniwala akong kahit tanggalin man nila ito hanggang sa mga susunod pang henerasyon, mananatili ang pag-aaklas ng mga mamamayang naging saksi sa mahirap na kasaysayan noong Batas Militar. Isang Marcos na naman ang pinipilit burahin ang tinta ng dugong kanilang naiwan sa nakaraan gamit ang mapurol nitong plumang nagkakalat ng maitim na propaganda.
Aliping Siyentipiko
Totoong matatalino ang mga nag-aaral sa isang science high school, subalit wala silang matutunan kung binubuhusan sila ng impormasyon. Mas mahihirapan lamang silang matuto kung pinipilit ng sistema na pag-aralin sila nang pagod at lupasay.
Masyadong sinisiksik ng Department of Education (DepEd) ang mga paksang hindi kayang pagkasyahin sa isang semestre. Dahil dito, sa dinami-rami ng learning
Inutos ng Commission on Higher Education sa mga lokal na unibersidad and pamantasan na itigil ang mga programa sa senior high school sa susunod na taong panuruan 2024-2025. Ayon sa kanila, wala nang legal na basehan sa pagbibigay ng pondo rito. Ano ang masasabi mo rito?
‘Yung state universities, they [should] focus on the state universities. So since sinasabi nila na i-transfer [ang mga grade 11] from CHED to DepEd, mas maganda yun. And then, ang focus ng DepEd is to add teachers and provide quality curriculum para sa senior high school students.
- Corazon Adrales, guro
competencies at napakaikling panahon, nagagahol ang mga guro at maraming estudyante ang napag-iiwanan. Higit pa rito, hindi nabibigyang-pansin ang mga kasanayan ng mga mag-aaral ng AnSci na kailangan dapat bigyan ng pansin. Kadalasan, may mga paksang mahalaga para sa mga estudyante dahil kakailanganin ang mga ito sa mga susunod na taon o mas magagamit sa kontemporaryong lipunan. Kaya, nawawalan ng importansya ang mga bagay na dapat matagal nang alam ng mga mag-aaral. Kailanma’y hindi magiging inobatibo at makabago ang kurikulum na hindi isinasaalang-alang ang kakayahan, kalagayan, at kapasidad ng mga mag-aaral. Imbis na magmukhang mga mag-aaral, nagmimistulang alipin ng sistema ang mga AnScians.
LIHAM PATNUGOT
Mahal na patnugot, Bilang isang mag-aaral, napapansin kong napapadalas ang aking panic attacks at anxiety dahil sa patung-patong na gawain sa paaralan, lalo na’t ako ay isang mag-aaral mula sa Science High School. Bukod pa rito, tumalima rin sa aking pansing nararanasan din ito ng aking mga kamag-aral kaya ako ay lubos na nababahala para sa aming kalagayan. Sa inyong palagay, paano po kaya namin mababawasan ang bigat na aming nadarama? Sa paanong paraan po namin mauunang matugunan ang aming mental na kalusugan sa gitna ng maraming pagsusulit at pamantayang pagganap na iniaatas sa amin? Sumusulat, Miko Suarez Antipolo City
TUGON
Mahal na mambabasa, Bilang isang patnugot, lubos kong inaalala at naiintindihan ang bigat ng inyong nararamdaman sa dami ng gawaing iniiwan sa inyo pagkatapos ng klase. Gayunpaman, hindi ko maipapangakong mababawasan pa ito dahil ang mga ipinapagawa ng mga guro ay kabilang sa curriculum na ibinababa ng Kagawaran ng Edukasyon. Bilang solusyon sa suliraning ito, inaabisuhan ko kayong gumawa ng timetable at todo list upang magamit niyo ang inyong oras sa tama at produktibong pamamaraan at maiwasan ang procrastination at cramming. Maaari rin kayong magkaroon ng lima hanggang sampung minutong pahinga sa pagitan ng paggawa upang hindi maupos ang inyong isipan at mapanatili ang matiwasay na daloy ng inyong sistema.
Sumasaiyo, Kendric Dedase, Punong Patnugot
IMAGO SIPAT
Miko T. Gellecanao
Bulag-bulagan
Valerie S. Paghunasan
Inaasahang Paghasa
Sa kabila ng patuloy na pagsasagawa ng kung ano-anong proyekto na may layuning mapaunlad ang edukasyon ng Pilipinas, isa sa pinakamalaking hadlang sa pag-unlad ng edukasyon ay ang kakulangan ng mga guro sa mga paaralan. Humigit-kumulang 24,254 ang bakanteng posisyon para sa pagtuturo noong nakaraang taon ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.
Okay lang din na matanggal siya, since kasi sa mga Universities, based lang sa pagkakaalam ko, sa mga unversities kasi mas pinagtutuunan nila ng pansin ‘yung mga Colleges Department. Pwede naman siyang tanggalin, though may pros and cons din naman,
Dahil sa hindi balanse ang bilang ng mga mag-aaral sa bilang ng mga guro, palawak nang palawak ang teacher-to-student ratio, kung saan magdudulot ito ng hindi sapat na pagbibigay-atensyon sa bawat mag-aaral. Sa sistemang ito, nasa kailaliman na ang mga estudyante sa prayoridad ng mga nasa kataas-taasan.
- Joan Yaguel, guro
Bukod pa rito ay ang pagkawala ng mga espesyalisadong guro sa iba’t-ibang asignatura gaya na lamang ng matematika, agham, at iba pa. Nagiging sanhi ito ng pagbagal sa pag-unlad ng mga kakayahan ng mga mag-aaral sa mga teknikal na aspeto ng kanilang edukasyon. Hindi lamang mga mag-aaral ang naaapektuhan sa problemang ito kundi pati na ang ating mga guro mismo. Isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakulangan ng mga guro ay ang mababang sahod. Higit sa kakulangan ng benepisyo, binibigyan pa sila ng mga trabahong hindi saklaw ng kanilang propesyon. Kinakailangan ng problemang ito ng agarang solusyon mula sa pamahalaan. Nararapat na magkaroon ng sapat na atensyon ang sektor ng edukasyon lalo na ang mga guro, kung saan mabibigyan sila ng sapat na benepisyo, sahod, at iba pang suporta, tulad ng pagbibigay ng mga kagamitang panturo at pagsasanay para mapabuti ang kanilang kakayahan. Ang magandang edukasyon ang pundasyon ng kaunlaran ng bansa, kaya isang malaking hamon ang kakulangan sa bilang ng mga guro. Kailangan nang itigil ang pagbubulag-bulagan sa nakalulungkot na kalagayan ng hindi lang ng sektor ng edukasyon kundi pati na rin ng mga guro sa bansa.
Kahit pa mapuno ng libu-libong gintong medalya ang Antipolo City National Science and Technology High School (ACNTHS) sa larangan ng pagsusulat, hindi pa rin nito matatakpan ang patuloy na pag-aalingasaw ng katotohanang kulang na kulang pa rin ang suportang inilalaan nito sa mga mag-aaral na nasa nasabing larangan. Nakapanlulumong isipin na sa halos sampung taong pagkakatayo ng nasabing paaralan, hanggang ngayon, salat pa rin ito sa pagkakaroon ng maayos na pasilidad at mga kagamitan para sa mga batang siyentipikong hindi lamang matalino pagdating sa akademiko, bagkus matalino rin pagdating sa larangan sa pagsisiwalat ng katotohanan at pagsusulat. Kung mananatiling ganito hanggang sa mga susunod na taon, hindi na nakapagtataka kung walang mangyayaring pagbabago.
Bukod pa rito, sa tuwing nagsasanay para sa sasalihang patimpalak ang mga mag-aaral ng ACNSTHS, madalas ay sila pa ang gumagastos dito. Bagama’t may mga sponsors, hindi pa rin nito maiiwasang hindi sila maglabas ng pera. Kung tutuusin, nakapagtataka ito sapagkat ang ACNSTHS ay isang pampublikong paaralan. Nag-aral ang ilan sa mga estudyante rito upang matuto nang walang binabayaran.
Napakasakit sa mata ng pagbalewala ng paaralan maging ng gobyernong may hawak dito sa isyung ito. Kasabay ng kakulangan sa pagsasanay, pabawas nang pabawas na bilang ng mga mag-aaral na nais maging tanyag na mamamahayag. Kung kaya’t nakababahalang isipin na baka sa susunod na mga taong panuruan, wala nang magnanais pang maging miyembro ng ganitong larangan sa nasabing paaralan. Nakatatawang isipin na napakataas ng inaasahan ng eskwelahang manalo ang mga mag-aaral ng ACNSTHS sa mga paligsahan gayong wala naman silang maibigay na maayos na pagsasanay. Kahit pa masungkit ang ahat ng pagkapanalo, talo pa rin tayo kung iaasa lamang nila ang lahat sa atin.
Una sa lahat, hindi naman talaga ako palapunta sa bayan. Bihira lang kasi ako umalis dahil mas gusto ko laging nasa bahay lang, parang introvert things lang ganun. Kimi. Pero sa totoo lang, wala rin kasi akong pera papunta at panlamyerda kaya mas pinipili ko lagi manatili sa apat na sulok ng kwarto ko, babad kaka-scroll sa Tiktok. Ngayong napagusapan na lang din natin ang social media, bigla kasi akong na-chat ng mga kaklase ko sa Contemporary Arts. Nag-alangan pa ko nung una kung bubuksan ko ba pero dahil mabait naman ako, binuksan ko na rin yung chat head namin. Sabi nila, kailangan daw namin ng foam board para sa diorama project, at bilang dakilang kagrupo, nagboluntaryo ako bumili. Nakalimutan ko pa nga humingi ng pera sa nanay ko, nag-abono tuloy ako sa sarili kong ipon. Ayan tuloy, nagpaka-soul searcher ako sa bayan ng hapon ng Linggo. Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa Under the Sea-themed Plaza sa may simbahan noong panahon pa ng Kapaskuhan. Balita ko ay napaka-eco-friendly daw kasi nito. Nakalibot na rin ang mata ko sa mga litratong pino-post ng mga tao sa Facebook kapag sila ay pumupunta roon. Aminado akong naiinggit ako, kaya gusto ko na rin itong puntahan nang harap-harapan. Syempre, palalampasin ko pa ba ang pagkakataon kong makagala sa plaza at mag-isa lang naman akong lumabas. Bago ko pa makalimutan, una na akong pumunta sa Pandayan Bookshop para bumili ng foam board. Mahal man pero alam ko namang babayaran din ako ng kagrupo ko sa mga nagastos ko. Pagkalabas ko sa bookshop, sumalubong sa akin ang dagsa ng mga Antipoleño na kakagaling lang sa misa ng Antipolo Cathedral, ganoong Linggo nga ako pumunta. Dumaan na rin ako saglit na katedral upang magpasalamat, manghingi ng tawad, at manalangin sa Our Lady of Peace and Good Voyage at sa Panginoong Maykapal. Nang makalabas ako sa simbahan, unti-unti nang bumababa ang araw, at pumunta na nga ako sa plaza. Ang sabi-sabi kasi ay maganda raw itong puntahan kapag pagabi na. Una sa lahat, dumaan ako sa tunnel papasok, na pawang ako kaagad ay nasa loob na ng isang aquarium dahil ito ay kulay asul at may mga anino ng mga lamang dagat tulad ng isda at pagong. Halata rin talagang dinudumog ang plaza noong oras na iyon, mula sa mga tubong Antipolenyo hanggang sa mga dayong turista mula sa bawat sulok ng bansa na nais maramdaman ang mahika nito. Nakatutuwang isiping napakaraming mga nagtatakbuhang paslit, mga kabataang tulad ko na nagliliwaliw bago pumasok kinabukasan, at mga pamilyang inilalaan ang kanilang Linggo kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Bago ko pa man makalimutan, bumili na syempre ako ng souvenir na tanda na ako ay nakapunta sa underwater-themed na plaza bago pa ito tuluyang mawala.
Ito na ang pinakahinihintay ko!!! Ang sikat na sikat na Underwater-themed Christmas Tree ng Plaza ay masisilayan ko na sa wakas sa harapan ng aking dalawang mata. Una pa lang, napansin ko na ang paggamit ng mga recyclable materials dito tulad ng mga basyo ng tubig at gamit na papel. Mabuting isipin na ang lokal na pamahalaan ng Antipolo ay nagpapakita rin pagiging malikhain habang pinangangalagaan nila ang ating
Inang Kalikasan. Mayroon ding mga lamang tubig na nakadikit sa christmas tree na pawang mga palamuting mas lalong nagpahiwaga sa itsura nito. Mapapasabi ka talaga ng, “I would rate it a 10 out of 10!” Bukod pa rito, may hagdanan kang makikita paakyat sa Christmas Tree upang mas malinaw kang makakuha ng litrato kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Sinubukan kong umakyat dito, at talaga namang hindi ako nagsisi. Tanaw na tanaw ko ba naman ang buong plaza eh. Noong panahong iyon, para akong nakalutang sa mga ulap dahil sa walang pagsidlan kong kasiyahan.
Akala ko nung una, bago ko ito puntahan, isang malaking asul na puno lang talaga ito, ngunit hindi ko akalaing may tinatago pala itong atraksyon sa may bandang ibaba. Sa ilalim nito, may isang maliit na underwater museum kung saan libreng libre ang mga turistang pumasok. May makikita kang mga magkakamag-anak, magkapamilya, at syempre mga mag-jowa. Hayst, nainggit na naman ako. Kimi! Ito naman kasing ferson na ito, pumunta mag-isa HAHAHAHAHA!
Pagpasok ko sa loob, pumunta na ako kaagad sa gitna. Namangha ako nang sobra kasi may mga pagong, mga malalaki at maliliit, at
napakasaya nila panoorin habang lumalangoy. May isang bata nga doon na gusto isawsaw ang kanyang mga kamay sa tubig at abutin iyong mga pagong kaya ayan tuloy, napagsabihan siya ng nanay niya. Minsan mapapaisip ka na lang din talagang sana’y bumalik na lang tayo sa ating pagkabata at maranasang maging inosente ulit sa lahat ng bagay.
Habang naglalakad ako, nakita ko ang malalaking pigura ng pagong at pagi na kasinlaki ng tao, at ang mga ito ay umiilaw nang napakaliwanag. Mayroon ding pa-fountain si mayor, ‘di mo kaya, may pa-budget! May mga nakita pa akong bata na gusto pa ata pumunta sa gitna ng tubig kaso nga lang ay may harang kaya hindi sila nagtagumpay HAHAHA. Naabutan ko pa ang mga tita at tito niyong nagzu-zumba sa plaza kahit dapithapon na. Mayroon ring mga nagko-cosplay ng mga anime characters at ang paborito kong superhero na si Spiderman. Hindi rin mawawala ang artificial sand pool para sa mga bidang chikiting na gustong maglaro sa buhangin at magtayo ng matatayog na sand castle. Magandang ginagamit ang plaza sa mga ganitong aktibidad kung saan hindi lamang basta mga tanawin ang dinadayo rito, kung hindi pati ang mga atraksyong ihahandog sa’yo nito.
Tuluyan na ngang ginabi ang katoto niyong gala kaya naabutan ko nang umilaw ang buong plaza, mula sa mga punong may mga nakasabit na palamuting lamang dagat, hanggang sa inaabangan ko kaninang Christmas Tree. Isang salita lang siguro ang masasabi ko sa aking napagmasdan, ito ay “napakarikit.” Bumili ako ng sorbetes kay kuyang sorbetero at shoutout sa’yo kuya dahil saludo ako sa sipag at dedikasyon mo sa iyong trabaho. Pagkatapos noon, umupo muna ako sa isang tabi malapit sa may sentro ng plaza dahil kanina pa rin ako lakad nang lakad at manghang-mangha sa mga nakikita mo na akakalain mong para akong isang paslit na ngayon lamang iniikot ng nanay sa labas. Doon ko rin napagtantong masarap din po pa lang pagmasdan ang napakasigla at napakabuhay na plaza ng Antipolo habang kumakain ng ube at kesong sorbetes. Pagkatingin ko sa aking telepono ay hinahanap na pala ako ng aking mga magulang kaya nagdesisyon na akong umuwi. Sa total, wala akong nagastos sa aking pag-ikot sa plaza, maliban sa mga gamit at pagkain na boluntaryo kong binili para sa aking sarili. Ibig-sabihin lamang nito ay libreng-libre lang ang plaza para sa mga taong nais magkaroon ng me-time, magmuni-muni sa buhay, at makita ang hiwaga ng underwater feels nito ng deretsahan. Sa pangkalahatan, talagang sumaya ang aking puso at nailabas ng aking kalooban lahat ng sakit at tensyon na aking nadarama mula sa araw-araw sa simpleng paglalakad lamang sa plaza at saglit na pagsilip sa makukulay na buhay ng mga taong may iba’t ibang kwento. Ang iba man ay dinadaan-daanan lamang ang underwater-themed plaza o hindi kaya ay isang lugar lamang kung saan nila kinikita ang kanilang mga kausap, hindi natin mapagkakailang ang ganda nito ay angat na angat, hindi lamang sa lungsod ng Antipolo, kung hindi pati na rin sa buong Pilipinas.
Sa mundo ng dyornalismo, ang mga mamamahayag ang mukha ng mga artikulong naisusulat para sa kapakanan ng nakararami.
Sa kabila nito, ‘di maikakailang may mga partikular na taong nagsindi ng kamalayan nang mahasa ng mga dyorno ang natatangi nilang abilidad.
Responsable, masigasig, at puno ng determinasyon, ganiyan mailalarawan ang isa sa gurong tagapayo ng publikasyon ng Ang Tipolenyo, Bb. Precila Leyble. Siya ay nasa serbisyo ng pagtuturo sa loob ng dalawampu’t siyam na taon, bagay na lubos na hinahangaan ng mga taong lubos ang suporta para sa kaniya. Sa larangan naman ng dyornalismo, siya’y nakapagpapakita ng pagiging aktibong kalahok gaya ng pagtuturo sa mga estudyanteng mamamahayag sa abot ng kaniyang makakaya.
Sandamakmak na trabaho
Habang nasa larangan ng dyornalismo, maraming nakaatang na responsibilidad ang nakapatong sa mga kamay ni Bb. Leyble. Halimbawa nito ang paggawa ng pagkahaba-habang mga dyaryo sa ANHS noon upang ipanlaban sa samu’t saring paligsahan. Tulad na lamang ng Regional Schools Press Conference na kanilang puspusang pinaghahandaan dahil nakapapasok sa ganoong antas ng paligsahan ang kaniyang mga tinuturuan.
“Masyadong mabigat ang paggawa ng dyaryo. Aabutin ka ng linggo para matapos lahat ng articles.”
Dahil sa patong-patong na gawain ang naranasan ng Bb., siya’y umalis ng serbisyo bilang gurong tagapamahala sa
Maging
ILETO Loves, ILETO Cares
May maalab at mapusong dedikasyon sa paghahatid ng mga aral at katalinuhan, masigasig na tagapamahala sa kantina ng paaralan, at reyna ng kanilang tahanan. Masinsinang pahapyaw lamang ang mga deskripsyong ito kung ilalarawan ang gurong si Ginang Maria Leoneth Ileto na nasa 40 taong gulang na, isa sa mga nagsisilbing susi sa pinto ng katalusan.
Nagtasang Kabatiran, Kwagong Uliran
publikasyon dahil gusto niyang pagpokusan ang sariling kalusugan. Bunga ito ng wala siyang halos na tulog magawa lamang ang mga gawaing naiatang sa kaniya.
Sulit ang Pagod
Bunga ng kaniyang kasipagan at kahusayan sa pagpapaliwanag ng mga nasabing sulatin, naging ispiker si Bb. Leyble sa iba’t ibang pagpupulong o seminars, at nagawaran ng mga prestihiyosong parangal; Gurong Nasyon, Best School Paper Adviser. Hindi maitatangging isa ito sa mga malalaking parangal ng buhay ng Bb. na naging daan upang ipagpatuloy niya ang walang pasubaling pagbibigay ng butihing payo at ginintuang mga aral para sa kaniyang mga batang dyorno.
Sa pamamahayag ng mga batang tanging hangad ay sanayin ang madla sa pagtuklas ng tamang impormasyon, nasa likod nito ang pasimuno sa alab ng pagtuturo upang ‘di kailanmang maupos ang dyornalismong pangeskwelahang abot-kamay ng kapwa estudyante. Payo niya sa mga gustong tumahak sa mundo ng pamamahayag, “ Kung gusto talaga nila, mag-focus talaga sila doon. Magbasa nang magbasa, dahil kapag marami kang input, marami ka ring
Sa bawat baguhan, may batikang handa kang alalayan para mabagtas ang barikadang humaharang sa inaasam na akmang pagpapahayag. Naging inspirasyon si Bb. Leyble sa kaniyang mga mag-aaral na kaniyang hinulma maging responsable, kapani-paniwala, at matagumpay na mamamahayag.
alikabok na tinatangay ng hangin, walang pupuntahang espesipikong lugar. Nagliliwaliw sa paligid, nahahapo ngunit hindi sumuko.
Tumahak ng iba’t ibang landas ang minsa’y nagbigay ng butihing paglilingkod sa kapwa mamamahayag.
Sina Jenine Dy, Lynde Bea, Myle Orbon, at Clarisse Casiple, pawang mga naging punong patnugot ng publikasyon ng Ang Tipolenyo. Mga modelong katatampukan ng pagiging mulat sa katotohanan, nang maisiwalat ang mga gawaing pampahayagan noong sila pa ang mga punong abala sa pamamalakad ng publikasyon. Maraming karanasan ang kanilang napagdaanan sa bawat taong iba’t ibang isyu ang kinaharap. Madali man bigkasin na sila’y tapos na sa serbisyo, ngunit dumaan ang mga taong ito sa ‘di birong pagharap sa mga dagok ng problema tungkol sa pahagayan na naglalaman ng walang kinikilingang katotohanan.
Kolektibong Karanasan
Sa pagiging lider sa kahit anumang mga gawain, hindi mawawala ang paghihirap nito upang maisalba nang mabuti ang kaniyang grupo. Limitado ang suplay ng tulong mula sa eskwelahan, pag-lockdown ng komunidad noong kasagsagan ng pandemya, walang sapat na tulong pinansyal para sa pagpapayabong ng samahan, ni maayos na kagamitan at materyales na kailangan sa patnugutan ay wala kaya’t masasabi na dumaan talaga sa butas ng karayom ang mga taong ito nang mairaos ang sinumpaan nilang tungkulin.
“Sobrang hirap. Sobrang hirap lalo na’t wala akong sariling laptop noon,” ani ni Lynde Bea na unang nakaramdam ng bugso ng pandemya sa publikasyon.
“It was a school year of uncertainties for us. Bilang EIC, naalala kong ang una kong inisip bago ang usual Zoom meetings ay kung paano kami muling magiging relevant, given na nasa gitna tayo ng isang pandemya at walang events sa mga paaralan, kaya hindi gaanong nagme-make sense ang “campus” sa campus journalism,” saad ni Myle Orbon na namomroblema sa magiging
Ang mga kwago ay lantad sa kanilang matalas na pagiisip, sukbit ang matayog na pintig ng karunungan. Bukod sa pagiging tagapagturo sa mga sugo ng pananaliksik at siyensya, siya rin ay may diyamanteng kasanayan sa pangangasiwa bilang koordinator sa kantina ng eskwelahan at sa negosyo ng kaniyang asawa na nangangailangan ng marubdob na intelihensiya. Sa kabila ng matinik na gampanin, sa pagiging ilaw ng tahanan at paaralan ay nakapulot siya ng kaligayahan at reyalisasyon sa dapat niyang itanim sa paglingap ng bawat mag-aaral at kaniyang mga anak.
“Nagagamit ko ‘yung pagiging parent ko sa bahay sa mga student in terms of understanding who they are. So turuan mo silang i-enjoy yung education. Huwag mong i-insist sa kanila. Kasi little by little, matututunan nila kung ano yung kailangan nila matutunan.” taimtim na inilathala ni Ginang Maria Ileto. Pihadong maalwan at nailapag ang lulan ng bigat sa ating mga likod, mas matimbang ang kahalagahan ng pagtuklas ng kaluguran sa pagkatuto kaysa sa mga pansamantalang numerong marka na naghaharang lamang sa kaunlaran ng bakod.
Mabulaklak na Pangarap, Paru-parong Kumukurap
Marikit na binhi ng bulaklak sa lupain, likas ang kariktan at kaakit-akit na dala sa ating paligid na tila may sapantaha na tayo ay bihagin. Kung may isang bagay naman na maikukumpara si Ginang Ileto sa pagtuturo, ito ay ang bahaghari. “Rainbow kasi teaching is colorful. Iba-iba yung wavelength ng bata. Tapos yung rainbow is also a sign of success, diba? So at the end of the rainbow, lagi raw may pot of gold. And that is teaching.” nakatutuwang pahayag naman ng guro.
Ang mga aral na inaani natin sa paaralan mula sa mga guro ay nagpapakita ng mayabong na importansya, subalit ang maituturong brilyante at kumukutitap na leksiyon ni Ginang Ileto ay mahalin natin ang sarili sapagkat ika niya nga, “Life is bio, so you have to value yourself.” Isa nga namang nakakataba ng puso na dapat nating iukit sa ating mga dili-dili, hudyat na atin itong pagnilayan sa bawat sandali.
Sa mabikas na pagaspas ng paruparo sa mga talulot ng bulaklak at masusing pagmamasid ng kwago sa pagkagat ng buwan, isang tanda na mayroong kaagapay na guro ang mga mag-aaral na handang magsilbing liwanag at patnubay na siyang magiging silahis sa arawan.
daloy ng pampahayagan sa gitna pa rin ng pandemya.
Nagkaroon ng mga pagbabago sa dapat na kumbensyunal na paggawa ng mga artikulo, kaya’t naging madiskarte ang mga punong patnugot upang masolusyunan at maipagpatuloy ang pagpapaabot ng impormasyon sa madla, at maging aktibo at progresibo ang pahayagan.
Kapakinabangan sa Bagong Laban
Naituro sa kanila ng samahang Ang Tipolenyo na maging bokal at responsableng mamamayan na may pakialam sa sitwasyon ng bayan. Wawasakin nila ang tanikalang gumapos sa mga bisig ng nakulong sa parsiyal na pag-iisip sa isyu, at bibigyang kaliwanagan ang mga tao upang sumandal ito sa katotohanan.
Sadyang napakabilis ng panahon at lahat ng mga kasalukuyang liderpampahayagan ay mapapalitan ilang buwan na lamang mula ngayon. Datapwat, magiging masaya ang mga sumandigan sa katotohanan kapag may mga taong umanib at sumabay sa liwanag ng pagbabago. Kasangga sa adbokasiya ang mga nagdaang lider na papagaspas
NI ALLAINE RICCI B. RAMOS
Sa pagdampi ng haring araw na tirik magpasatanghaling tapat, nahahapo si manong tsuper, ngunit patuloy ang pamamasada. Sukbit-sukbit ba namang baon ang mga ngiti ng kaniyang mahal sa buhay, tangan ang “good morning towel” na bagong laba ni misis na may pahabol pang halik sa noo. Sa pagbagtas ng daan, kumakalansing ang mga baryang pinagtiyagaang ipunin upang makapaguwi ng pasalubong kay bunso. Gayunding bagong sapatos kay kuya at nangingintab na blusa kay ate na kaniya raw gagamitin tuwing may iskarsyon kasama ang mga kaibigan. Ngunit kay daling nasabi, kay daling nabitawan ang mga katagang magkakaroon ng Jeepney Modernization, nahatinig mula sa radyo balita na katabi ng minamaniobrang manibela. Napatigil sandali, huminga ng malalim– kinukwestiyon ang balitang nagdadala lamang ng pawang katotohanan. Nalungkot si manong tsuper, tila napagsakluban ng langit at lupa gawa ng karima-rimarim na pangyayari. Nasa isip na sana hindi pa huli ang lahat dahil isang kahig, isang tuka lamang sila. Nitong nakaraang Disyembre 31, ang huling itinakdang panahon upang ipa-consolidate ng mga drayber at operator ang pampasaherong jeep ayon sa Department of Transportation kaugnay sa ginaganap na PUV modernization program . Gayoong napunan nila ang nasabing konsolidasyon, may mga drayber pa rin na hindi nakasali sa naganap na konsolidasyon, at nangangambang hindi makabiyahe sa pagpasok ng Pebrero. Maraming mga komyuter at pribadong grupo ang umaalma sa nasabing panuntunan at mariing ipinagtatanggol ang karapatan hindi lamang ng mga drayber, kundi pati na rin ang mga ordinaryong taong nakikipagsapalaran upang makasakay sa mga ganitong pampublikong sasakyan. Kung papansinin, maraming mga mamamayan ang maapektuhan nito, pati ang estado ng ekonomiya ay maaaring bumagal. Obhektibo at maka-masa raw sana ang ikonokonsiderang mga pamamaraan upang maisakatuparan ang pagbabago ng pampasaherong jeep kapalit ng mga modernong jeep o mas kilala sa tawag na e-jeep.
Barikada sa Drayber
Hindi biro ang kinahaharap ng tatlumpu’t limang anyos na tsuper na nagngangalang Roniel Reporma. Simula’t sapul, pamamasada na lang ang tangi niyang pinagkakakitaan at nalimit na kayang gawin upang may ipantustos sa kaniyang pamilya. Kaya nagawa niyang
na bayarin sa pampersonal na buhay, imbes na boundary lamang ang iniisip niya, utang na naman ang binukambibig niya at bagay na tuluyang magpapahirap sa kaniya. Ani rin ni Roniel ay mababa rin ang sahuran sa mga makabagong jeep dahilan siguro nasanay na ang mga komyuter sumakay sa mga tradisyunal na jeep kaysa sa mga bagong labas na e-jeep.
“Siyempre hindi [ako payag], kasi dito [sa jeep] boundary lang, samantalang doon, magkakautang.”
“Saka mababa pasahod nila sa drayber eh,” saad ni Roniel. Malaking dagok ang kahaharapin ni Roniel sa paglipas na mga linggo. Yung tipong mangangapa siya sa kawalan kapag natuluyang mapaso ang minamaneho niyang jeep. Ipinapasa-Diyos niya na lamang ang lahat ng kaniyang pagaalinlangan at tiyak na kahihinatnan.
“Huwag na ituloy yung modernization. Ang i-modernize ay yung jeep natin, yung mga yunit.”
Dagok sa Manggagawa
Sa kabilang dako, mahirap din ang karanasan ni Carla Gonzales, isang “office worker” na panhik-panaog sa mga pampasaherong jeep na ruta sa EDSA. Si Carla ang nagsisilbing “bread winner” sa kaniyang pamilya, gawa ng siya ang nagpapaaral sa apat niya pang mga kapatid. Kung sakaling mababawasan ang mga jeep sa rutang dinadaanan niya, malaking pasakit ang madudulot nito dahil maaari itong maging dahilan upang mahuli siya sa pagpunta sa trabaho. Dagdag niya pa, lalaki rin ang pamasahe na kaniyang binabadyet sa pang-arawaraw, na ibinabawas niya pa sa perang ibinibigay niya sa mga magulang niya.
“Bilang komyuter ang pinaka epekto nito ay ang pamasahe dahil kung ikukumpara ang pamasahe sa modern bus vs. jeep ay mas mahal ang modern e-jeep,” ani ni Carla.
‘Di maiiwasan na malungkot at magreklamo ang mga komyuter, gaya ng nararamdaman ni Carla sapagkat bilang isang minimum wage earner, talagang kakapit ang mga manggagawa sa patalim para sa kanilang pamilya. Nakikipagbalyahan at nakikipagsapalaran sa daan, at mas lalo pa itong makikita ‘pag natuloy ang jeepney modernization kaya’t hirap ding tanggapin ng mga komyuter ang balitang makapagbibigay
“Nalungkot ako dahil ang jeep ay isa sa mga bagay na pagkakakilanlan ng Pilipinas. Isa pang bagay ay may mga tao na mawawalan ng hanapbuhay gaya ng mga operator at driver dahil dito.”
Dahil sa unti-unting nararamdamang hirap, may panawagan si Carla sa gobyerno na namamahala ngayon.
“Ang panawagan ko lamang sa gobyerno tungkol sa isyung ito ay bigyang programa para sa kabuhayan ang mga taong maaapektuhan ng modernization at siguraduhing walang anomalya sa pagpapatupad ng programang ito.”
Mahirap tanggapin para sa mga komyuter na manggagawa ang pangyayaring ito. Bilang taong may konsensiya rin at simpatiya sa kapwa manggagawa, nais nilang sana mapagtuonan ng pansin ang mga taong talagang maaapektuhan ng e-jeep modernization. Nais nilang mapakinggan ang ugong ng panawagan na ang tanging nais ay mabigyang importansiya ang mga manggagawa. Tanging hiling ng kapwa trabahador na kagayang lumulusot din sa butas ng karayom upang makausad sa araw-araw na dagok ng buhay. Mahirap na balewalain ang ganitong mga sitwasyong naghahanap ng kaukulang aksyon mula sa nararapat na awtoridad na rumesponde dito.
Pasakit sa Estudyante
Samantala, mga estudyante rin ang mapupurnada sa pagkakataong magkakaroon ng jeepney modernization. Isa na rito ay si Rizza Sta. Rosa, na simula pa noong nasa ikaapat na baitang pa lamang siya hanggang ngayong pagtuntong ng ikalabindalawang baitang ay regular ng komyuter papunta at pabalik galing eskwelahan. Sa baong isang daang piso at pamasaheng hindi bababa sa dalawampung piso papunta pa lamang sa paaralan, talagang mahihirapan siya na pagkasiyahin ang perang ibinigay sa kaniya ng kaniyang magulang na “no work, no pay pa ang sitwasyon. Bukod pa ang pagkaing itinatanghalian sa pagpasok na ginagalaw niya rin sa nakalaang baon, kung madaragdagan ang singil sa pamasahe sa mga estudyante ay hindi niya na malalaman kung saan kukuha ng karagdagang gastusin para sa kaniyang pag-aaral. “Malaki ang operational expenses ng mga
modernized na jeep, na hindi naman kayang sagutin ng mga tsuper, kaya makakaapekto ito sakin bilang komyuter dahil tiyak na dadagdag ang singil sa pamasahe,” wika ni Rizza. Wika niya pa, “Nalungkot ako para sa mga jeepney drivers na hindi kayang bumili ng modernized na jeep. Ang naisip ko kaagad no’n, paano nalang ‘yung mga drivers na pamamasada lang talaga yung pinagkukuhaan ng income kung ipe-phaseout ang mga jeep. Sila yung mga mahihirapan.”
Dala rin ng balitang nakapagpagulat sa mga estudyante na katulad ni Rizza, naawa rin siya sa mga drayber na haharap sa gipit na sitwasyon. Animo’y ibong dinagit at nawalan ng pakpak upang malayang makalipad– malayang makapamasada sa daanang puno ng lubak-lubak na problema. Nagawa ni Rizza maging mulat sa mga reyalidad na kinahaharap ng mga tsuper, na gayoon na lamang rin ang kaniyang pagkabahala sa pagkawala ng hanapbuhay nila. Bilang estudyante, direktang maaapektuhan ang pamamasahe, o sa madaling sabi na ang regular na pagpasok niya sa paaralan ay maaari ring maapektuhan ng jeepney modernization.
Sigaw ng Masa Bilang pagpapakita ng walang humpay na pakikiisa sa laban ng drayber, operator, maging mga korporasyon at kooperatiba, nagawa ng magwelga ng mga grupong Manibela at PISTON para sa kapakanan ng mga maaapektuhan na manggagawa. Ngunit sa simpleng pagpapabatid ng lubos na suporta ng ordinaryong mamamayan, gaya ni Carmen Lavadia na 80 anyos na, hindi na nararapat pang palitan ang jeepney, sa halip, gawin itong moderno sa pamamagitan ng pagbabago rito na aayon sa patakaran ng LTFRB at ng masang Pilipino.
“Sa tagal ko ng naging pasahero, hindi na dapat palitan ang mga nakasanayan na ng tao.”
“Ang dapat nilang gawin, baguhin nalang yung lumang jeep. Gawing mas ligtas at akma, doon, mas mura,” dagdag ni Carmen.
Hirap na sumunod sa pagbabago kung ang kapalit nito ay kabuhayan ng iilang mga Pilipino. Yung inaasahan silang makapagtataguyod ng pamilya nila sa ganoong pamamaraan, at kung aalisin pa, parang nakapagpabara ito ng tinik sa mga lalamunan ng mga tsuper na ang tanging hangad lang ay maipagpatuloy ang kanilang pinagkukuhanang-yaman. Ayon kay Carmen, ang
Buhos ng luha sa parteng iyon, halakhakan at hiyawan naman sa banda ro’n. Tagaktak ng pawis at umaalingawngaw na boses ng galit na lider sa buong silid, kasabay ng mga tumitirik na mata sa kabilang banda dahil sa biglaang pagsusulit. Hilik na maririnig sa pasilyo at hampas naman ng raketa at palo ng bola sa bandang dulo. Iilan lang ito sa mga matutunghayan mo kung ikaw ay mapadaan sa tila peryang gusali na kanlungan ng mga senior high, kung saan, sa kada lingon mo’y, samu’t sari ang nagaganap.
Ang nakabibinging pagbangga ng isang sasakyan sa isang bagay ay matinis na tinig sa tainga ng mga tao. Ang mamasdan ang kulay pulang likidong nag-uumapaw sa daan ay nakatatakot sa mata ng isang tao. Ang buhay ay mabilis matakasan at mamatay, ngunit ang mangyari ito sa kinikilala natin, tila ay ang hirap mapaniwalaan.
Ang hindi inaasahan na pagkamatay ng asong si Jack ay siyang gumimbal sa puso ng buong komunidad ng buong paaralan ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS). Kamakailan lang nitong Disyembre nang malaman ang balitang ito. Nakalulungkot ang sinapit ng aso matapos masagasaan ng drayber ng isang truck at pinagulungan ang nakahimlay na aso sa kalsada. Ang bawat memoryang inipon ni Jack sa loob ng paaralan ay siyang nagpaantig sa damdamin ng bawat isa sa komunidad.
Kung saan ang bawat isa, estudyante, guro, at iba pang indibidwal ay nakisalo at nakiramay sa pagluluksa sa kanyang pagkamatay. Ang malusog at puting aso ay tumatakbo ng matulin habang ito ay nakangiti sa loob ng paaralan.
Giit naman ni Paolo Cabugoy, mula rin sa ika-11 na baitang, ang pagkakaroon ng mga kaibigan ay malaking tulong sa kaniyang buhay para malampasan ang pagsubok bilang mag-aaral ng AnSci.
“Hindi biro ‘yung schoolworks natin. Kaya nandiyaan ’yung mga kaibigan natin para maging kaagapay.” sambit nito.
Hindi maikakaila na ang pananatili rito sa AnSci ay talaga namang isang matapang na desisyon. ‘Liban sa mga pangmalakasang asignatura dahil sa STEM na istrand, isa rin sa nagbibigay-hirap ay ang walang prenong mga deadlines at patung-patong na mga gawaing ibinabagsak ng mga guro. Bagama’t tila ba puro pagdurusa ang dinadanas ng mga mag-aaral na siyentipiko, mapipinta pa rin sa kanilang mga mukha ang determinasyon at kasiyahan sa pag-aaral dito. Hindi ka ba nagtataka sa sikreto ng mga AnScians at nagagawa pa rin nilang lampasan ang tila delubyong pag-aaral na ito?
Sa buhay ng isang senior high, hindi na bago ang pagkakaroon ng mabigat na pasanin. Kaya naman, si Norainne Dela Paz, estudyante sa ika-11 na baitang, ay nasasabi lamang na napagtatagumpayan ang mga hirap na dinaranas niya dahil sa kaniyang mga kaibigan.
“Hindi tayo nabubuhay nang para sa sarili lamang.” Iyan ang mga katagang lumabas sa labi ni Norainne sabay hampas sa matalik niyang kaibigan sa gilid. Dagdag pa nito, sa pamamagitan daw ng pagkakaroon ng mga kaibigan ay naiibsan niya ang mga problema na kinakaharap, na hindi niya kayang magawa nang magisa lamang.
Samantala, Yohance Solomon na nasa parehong baitang, ay binigyang depinisyon ang kaibigan na mga taong gagabay sa iyo tuwing nahihirapan ka na sa lahat ng mga bagay. Sila rin ang mga taong nagpapagaan ng iyong loob sa tuwing nagsasabay-sabay na ang mga kinakaharap mo, hindi lamang sa akademiko kundi sa iba pang mga aspeto.
Katulong sa mga gawain, kasangga sa mga pagsubok, at kaagapay sa lahat ng mga bagay, ilan lang yan sa mga biyaya ng isang kaibigan. Ang senior high experience na mas pinalala pa ng pag-aaral sa AnSci, hangal lang ang ipagpapalit ang kaibigan. Kaya naman, dapat nating ingatan at mahalin ang mga kaibigang higit pa sa ginto. Katulad ng araw na sumisikat matapos ang ulan, sila rin ay nagliliwanag para ipahiwatig sa’yo na hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok na kinakaharap mo, Batang Siyentipiko.
Pagkapanganak pa lamang nakasama at nakahalubilo nito, naglalaro, beses narin itong naglakbay sa iba’t ang paaralan na ang kaniyang naging
“Happy ako kasi, siya ung papuntang school.”, ang sabi ng isang bawat takbo at tahol ng asong si Jack estudyante at guro sa pagpapatuloy Pinapasok ng aso ang bawat silid sa mata ng masa. Dahil rito, ang sayang pagkaing nakalatag sa mesa at nilalantakan pagkain ang binibigay ng mga estudyanteng mga aksyon ay siyang nagpapasaya
“Bilang may alaga, iba umaga, syempre ‘pag sinabi mong sila pinapabayaan na ano, magutom sila, kaya binibilihan ko pa silang ng tanghalian para kapag kinagabihan Lanie, ang nag-aalaga ng mga aso kabilang si Jack sa grupong ito. Masakit ang nakahandusay na katawan ni Higit pa roon, nalulungkot siya sa “Kapag nakikita ko si Jack-Jack, niya? Ang happy niya na pumupunta para pumasok everyday. Let’s say
NI PATRICK JOHN D. BAYDO
NI JHON LLOYD O. CATUDIO
lamang nito, iba’t ibang estudyante na ang naglalaro, nagtatampisaw sa araw, at ilang iba’t ibang gusali ng paaralan, kung saan naging tirahan, kanlungan, at kalinga. ung daily companion ko pauwi at isang estudyante mula sa paaralan. Sa Jack ay nagbigay motibasyon sa mga pagpapatuloy ng kanilang nakagawiang trabaho. ng paaralan at nakangiting bumubungad sayang kanyang inihahandog ay parang nilalantakan ng bawat isa. Todo laro at estudyanteng ito kay Jack dahil ang kanyang nagpapasaya at humahalinga sa mga estudyante. na ang turing ko kay Jack, tuwing mong alaga mo na, tuwing umaga ‘di ko magutom kailangan may dala akong pagkain tatlo ng almusal kapag nagsasaing ako kinagabihan ay busog parin sila.” pahayag ni sa paaralan, kung saan tatlo ang aso na Masakit para sa kanya ang matunghayan Jack at nang malaman ang sinapit nito. sa nangyari sa kanyang alaga. Jack-Jack, alam mo ‘yung sobrang joyful pumupunta siya sayo, ‘yun ‘yong motivation ko kung ma-stress, nandyan
naman si Jack, mapapasaya tayong lahat.” pahiwatig ng isa sa mga estudyante ng ACNSTHS. Sabi pa ng isa ay mayroong mga halimbawa sa school na maraming gawain, si Jack ang nagbibigay ng saya rito. Inspirasyon din si Jack ng ibang indibidwal dahil sa naging koneksyon nila, kasama siya. Naging parte na ng pamilya ng AnSci ang nasabing aso, at ang pagiging parte niya sa pamilyang ito ay nagbibigay ngiti at pagpaparamdam ng pagmamahal. Ang mga ngiti, ligalig na kanyang inihandog ay tumatak sa isipan at puso ng bawat bata at matanda. Ang kanyang pagkamatay ay isang pangyayari na hindi inaasahan ng nakararami at ang pangyayaring ito ay nagdulot ng dismaya at lungkot sa komunidad. Ngunit bunga ng insidente, hindi na lamang sa paaralan ng ACNSTHS ang tatakbuhin ni Jack. Malaya na itong makatatakbo pa, kahit hanggang saan, kahit pa kailanman.
Mula sa kabihasnang napupuno ng mga nagtataasang imprastraktura patungo sa isang bakanteng lugar na pagmumulan ng nagtatayugang mga nangangarap. Hindi lubos akalain ng isang guro na si Bb. Leyble ang pasya ng ating pamahalaan na ilipat sa isang liblib na kakahuyang napapaligiran ng maberdeng mga puno ang mga namumukod-tanging mag-aaral mula sa paaralan ng Antipolo National High School.
Taong 2014 nang bumukod ang kalaunang tinawag na Antipolo City National Science and Technology High School mula sa ANHS sa Sitio Cabading, Brgy. San Jose, Antipolo City. Isa si Gng. Leyble sa mga pinakanaunang guro noong nagsisimula pa lamang ang paaralan.
“Inilipat kami dito na kami-kami lang. Walang mga utility at sapat na kagamitan,” saad ni Bb. Leyble.
Gayunpaman, sa kagustuhang mabigyan nang maayos at malilinis na mga silid-aralan ang mga batang siyentipiko, hindi nag-atubiling magtulungan ang mga guro upang maibigay at maganapan ang pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.
“Dumating kami dito na talagang walang-wala. Literal na dalawang building lang. Kami lang din ang naglinis dahil ang sabi pumunta na rito para malaman kung ano pa ang kulang.”
Sa umpisa, hindi naging madali para sa kanila ang ganitong kapaligiran. Bukod sa ito ay kulang-kulang, malayo pa ito sa kabihasnan. Isa rin itong hamon para sa mga guro at magaaral na naninirahan pa sa bayan ng Antipolo. Ngunit, hindi maitatangging maganda ang lokasyon nito na kung saan maaliwalas sa pakiramdam ang nalalanghap na hangin.
“Ang nagustuhan naman namin dito ay ‘yong paligid. Maaliwalas. Maraming puno. Hindi katulad sa ibang school na dikitdikit na ang mga building na parang ang hirap na makahinga.” Bagaman malayo, kung ikukumpara ang Antipolo City National Science and Technology High School sa ibang paaralan katulad ng Antipolo National High School, higit itong maluwag at may sapat na espasyo dahil ito ay may malawak na lupa at maraming puno. Kasabay ng kanilang pag-aaral ang pag-aalaga sa ating inang kalikasan na nagbigay ng magandang dulot hindi lamang sa mga guro at naninirahan dito, kundi pati na rin sa pag-unlad at paglago ng mga mahuhusay na mag-aaral.
Sa kabilang banda, unti-unti na ring nababawasan ang mga puno at kakahuyan sa paligid ng paaralan kapalit ng mga bagong gawang establisyimento na siyang gagamitin upang mas masuportahan at mabigyan ng atensyon ang akademikong pangangailangan ng paaralan at mga mag-aaral pagdating sa mga pasilidad. Ayon sa opinyon ni Bb. Leyble, hindi masasayang ang magandang kalikasan kung mabibigyan ng maayos na pagpaplano ng gobyerno ang ating paaralan. Isa rin daw ito sa ayaw niyang maglaho sa paligid ng paaralan. Kung iisipin, ano nga ba ang silbi ng mga matatalinong guro at mag-aaral kung hindi naman marunong mag-alaga sa inang kalikasan.
Magsimula man sa wala, sa paggamit ng katalinuhang sinala, sa maunlad na kinabukasan bubukod ang mga taga-ANSCI!
NI MARIAN GRACE D. TORRES
NI CLAREN B. GONZALES
Mala- box office hit ang pagdumog ng mga negosyanteng
Antipoleño sa bagong inilabas na proyekto ng Antipolo Local Government Unit (LGU) na pinangalanang “Gabay sa Online Project,” kung saan ay maaari nang makakuha ng business permit at magbayad ng amelyar ang mga Antipoleño sa pamamagitan ng pagpunta sa opisyal na link ng Antipolo City Online Services.
Literal na naging sakit sa bangs ng mga taga-Antipolo ang kumuha ng business permit at amelyar bago magpandemya dahil kinakailangan pa nilang pumila sa pagkahaba-habang linya ng mga tao sa city hall, kaya lapot at lagkit lang galing sa pawis ang kanilang napapala sa dulo ng araw. Bunsod ng pandemya, maging ng public demand, isinagawa nila ang naturang proyekto kung saan ang pagkuha ng mga dokumentong pangnegosyo ay abot-kamay na lamang ng mga ordinaryong mamamayan sa pamamagitan ng paggawa ng account sa nasabing online website.
“Dati, naghihintay sila sa napakatagal na pila, pero ngayon, pagka-submit ng papeles, at kinabukasan, kapag nag-log in sila, makikita na nila kung anong kulang nila o anong problema nila. Kung kumpleto naman, maaari na nilang bayaran,” saad ni Tobby Pedraza mula sa Information Technology Development Office ng Antipolo.
Proseso sa Pagkuha
Ayon kay Pedraza, kinakailangan lamang daw na tumungo sa opisyal na link, at ibigay ang mga kaukulang impormasyon upang mai-upload ang e-copy ng mga kinakailangang dokumento, kung saan daraan ang aplikasyon sa Regulatory Office upang maaprubahan at makapagpatuloy sa pagbabayad.
Kung mode of payment naman ang usapan, hindi na kinakailangan ng mga taong butasin ang kanilang mga bulsa dahil maaari na silang magbayad gamit ang iba’t ibang online applications tulad ng PayMaya E-Wallet. Muli na lamang daw magaabiso ang LGU kung pak na pak nang ilabas ang kanilang business permit at aprub na upang i-download.
Aberya sa Kasalukuyan Gayunpaman, isa sa mga nakikitang suliraning kinakaharap ng website ay ang siksikan ng mga taong kumukuha ng kanilang permit kahit online, kaya hindi naiiwasang bumagal na parang pagong ang takbo ng sistema sa online sa minsang pagkakataon. Bukod pa rito, may ibang taong mas gusto pa ring tumangkilik sa lumang gawain o proseso ng pagkuha ng permit, kaya bilang solusyon, “Kung gustong maghintay sila sa pila, maghintay sa pila, at hangga’t maaari ay pinabibilis natin para makakuha agad ang lahat,” ani ni Pedraza. Sigaw naman ng mga tao ay gusto raw nila agad makuha ang kanilang resibo pagkatapos ng transaksyon, kaya ang e-receipt ang naiisip na plano ng IT Department ng Antipolo sa hinaharap.
Tech Savvies, lumikha ng autonomous vehicle sa World Robotic Olympiad Finals sa Panama NI CLAREN B. GONZALES
Kabilang si Vincent Francis Janeo at Joshuel Ibasco sa kategoryang “Future Engineers” ng World Robotic Olympiad na naganap sa Panama City, Panama noong Nobyembre 2023, kung saan sila ay gumawa ng isang autonomous vehicle na mayroong kakayahang magmaneho at umiwas mag-isa sa ano mang balakid na madaraanan.
Ayon kay Ibasco, ang paggamit ng autonomous vehicle ay makatutulong upang mabawasan ang trapiko at aksidente sa kalsada sa kadahilanang mayroon na itong advanced sensors at artificial intelligence, nakababawas din daw ito sa pagkonsumo ng gasolina at mga emisyon.
Ang kompetisyong WRO ay naging motibasyon ng mga “tech savvy” o mga indibidwal na malaki ang interes pagdating sa robotics tulad ni Janeo at Ibasco para hasain ang kanilang talento at abilidad sa larangan ng teknolohiya.
“The World Robot Olympiad Finals stand as a testament to the power of collaboration, creativity, and the future-shaping potential
of robotics education and technology,” saad ni Mylene Abiva, National Organizer ng Philippine Robotics National Team at FELTA MultiMedia President.
Sa pagtatapos ng kompetisyon, nagkamit ng bronze ranking grupo, “Our message to all who are interested in robotics is that you should be ready to invest your time and effort and most importantly, to never give up. Never limit yourself with doubts and discouragement, and always aim higher,” saad ni Ibasco.
Dagdag pa niya, ang bagay na nagbigay ng tagumpay sa kanilang grupo ay ang determinasyon at kooperasyon ng isa’t isa dahil ang bawat miyembro ay may tungkulin na kailangang gamitin sa nasabing kompetisyon.
Sa huli, umuwing may maipagmamalaking gantimpala ang grupo para sa bansang Pilipinas, na sumasalamin na ang kabataang Pilipino ay may kakayahan ding makipagsabayan sa ibang bansa pagdating sa larangang robotics, agham, at teknolohiya.
Nagsanib-puwersa ang Save the Children Philippines at Mars
Wrigley Philippines sa pagpapagawa ng isang water pumping system para matugunan ang mga programa sa ilalim ng Water, Sanitation, and Hygiene in Schools (WinS) ng Inuman Elementary School, Nobyembre 2023.
Alinsunod sa DepEd Order No. 10, s. 2016, isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon na mapalakas ang implementasyon ng WinS program sa lahat ng pambulikong paaralan sa bansa upang mabawasan ang mga suliraning may kaugnay sa hygiene at sanitation.
Ang proyektong ito ay bumuo ng isang makina na tutulong na makapagpadala ng agarang suplay ng tubig sa mga pasilidad ng paaralan na nangangailangan ng suplay ng tubig, tulad ng palikuran at handwash facilities.
Ayon kay Edward Vicencio, Community Development Officer ng Save the Children Philippines, may dahilan kung bakit napili ang Inuman Elementary School bilang benepisyaryo ng programa.
“Nag-prioritize kami base sa mga pangangailangan ng paaralan at tinimbang ang layo nito sa aming partner, ang Mars Philippines,” saad ni Vicencio.
Dagdag pa niya, makatutulong ang proyektong ito sa pagsasagawa ng hygiene promotional activities lalo na’t malaki ang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan. Malaki naman ang pasasalamat ni Teresa Amido, punongguro ng paaralan, sa mga taong nasa likod ng proyektong ito dahil sa benepisyong hatid nito sa mga mag-aaral.
Aniya, “Bilang punongguro, sobrang saya at pasasalamat sa Diyos sa mga taong ginamit niya upang kami ay tulungan. Masaya ako para sa paaralan dahil unang-una, tubig ang kailangan para sa ligtas na mag-aaral at malinis na kapaligiran.” Samantala, inaasahan din na makatutulong ang proyekto sa Gulayan sa Paaralan at Feeding Program na may kaugnayan sa pagpapanitili ng maayos na kalusugan ng mga mag-aaral.
NI JAN XEROHJ V. OLIVO
Maraming estudyante ang nahihirapan sa paggawa ng pangakademikong papel sa riserts. Yung sasabihin nalang ng iba na pansit canton nalang daw ang ambag nila ay sapat na.
Teka, huwag nang mangamba. Dahil may proposal na ang Ma’am mo para diyan!
Sa ginanap na patimpalak noong Setyembre 29 sa agham at teknolohiya, maraming estudyante at kaguruan ang nagtagisan ng katalinuhan sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing istilo ng pagpapahayag upang pahalagahan ang agham at teknolohiya sa kasalukuyang panahon. Sa mismong patimpalak, ‘di inaasahan ni Gng. Leah Juntado na makamit ang unang pwesto sa Action Research Proposal na pinangalanang “Developing Learning Materials for Research.” Gayundin, napabilang siya kamakailan sa mga finalist ng Most Outstanding Secondary Teacher sa GuroNasyon 2023.
Layunin sa Pag-aaral
Ginawa ito ng Gng. upang solusyunan ang kakulangan ng mga learning materials na ginagamit ng mga ACNSTHS Junior High School students sa asignaturang Riserts. Ito ay nang maibsan ang problema ng maraming mga estudyanteng nangangapa sa mga aralin patungkol dito.
“Ang problem in Junior high school is wala silang complete reference, walang learning materials, walang book na ginagamit ang mga bata, ang tendency kung saan-saan sila naghahanap ng references.”
Balak ng Gng. maglikom ng mga least mastered learning competencies mula sa pagganap ng
mga estudyante sa kanilang research panels at research defenses, saka gagawa ng mga learning materials mula rito.
Inspirasyon sa paggawa
Sa kabilang dako, naging inspirasyon Ni Gng. Juntado ang mga estudyanteng nananalo sa mga patimpalak. Kaya’t naisip niya ring sumali upang mapalawak pa niya ang kaniyang talento at kaalaman.
“Students ng Ansci na mga nanalo sa mga contest and also the school ang aking inspiration.”
Kung may problema sa asignaturang riserts, may maiimbento ring mga riserts upang solusyunan ang mga problemang naghahanap ng kasagutan.
“Conduct research not for the grades, not for the awards but to give a solution to the problem. Secondary nalang yung awards, appreciation, but the thing is yung magiging impact nito sa sa mga estudyante, sa school lalong-lalo.”
‘Cybersecurity awareness’ ng MYA R4A, wagi sa 3rd place best capstone project
NI MARELLE D. MAMMUAD
Naiuwi ng mga nagsipagtapos na Microsoft Youth Ambassadors (MYA) mula sa rehiyon ng 4-A CALABARZON ang ikatlong pwesto sa Best Capstone Project Category sa kanilang “cybersecurity awareness” project, matapos ang ginanap na graduation ceremony sa Rizal High School sa Pasig City, Enero 27.
Kabilang naman sa itinanghal na Top 10 na MYA of the Year ang ACNSTHS student na si Jan Xerohj Olivo, na siya ring lider sa naturang ang capstone project ng rehiyon, habang sina Patrick Quitoriano at Sydney Cervantes, na mga estudyante rin mula sa nasabing paaralan, ay kapwa ring nagsipagtapos sa naturang programa na pinasinayaan ng Microsoft, katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon.
“Proud ako sa grupo ko kasi literal na andami naming pinagdaanan para lamang magampanan ‘yung aming responsibility as MYAs, knowing na napakalaking rehiyon din ang hawak namin sa capstone,” saad ni Olivo.
Matatandaang ang grupo mula sa Rehiyon 4-A ay sumailalim sa kanilang training sessions para sa kanilang capstone project na naglalayong mapalawak at maipakalat sa sangkabataan ng CALABARZON ang tamang paggamit ng mga Microsoft Applications at ang kahalagahan nito sa pagpapalago ng teknolohiya sa makabagong panahon.
Sa kabilang dako, nais pa nilang mapayabong ang mga proyektong hatid ng R4-A Microsoft Youth Ambassadors sa hinaharap.
UV-A Light, mabisang panlaban sa amag NI JAYRUS JAMES V. OMBID
Lumabas sa kasalukuyang pananaliksik ng dalawang
estudyante mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang bisa ng pag-expose ng UV-A Light upang sugpuin ang amag sa mga sipilyo sa nakaraang 2023 Division Innovation Contest.
Bumida sa nakaraang 2023 Division Innovation Contest ang saliksik ng dalawang estudyante mula sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) na pinamagatang “Analyzing the Efficiency of Commercialized UV-A Light in Reducing Mold Formation on Toothbrush Holders.”
Naglalayon itong masuri ang bisa ng UV-A light upang mapigilan ang pagbuo ng mga mold o amag sa lagayan ng sipilyo, mabigyang kahalagahan ang oral hygiene, at mabatid ang mga suliraning bumabalot sa oral diseases.
Nagpamalas ng husay, galing, at talino sina Dhenri Pura at Allaine Ramos sa naturang research na inilaban ng paaralan sa sinabing kumpetisyon.
“Mas malilimitahan yung frequent purchase ng mga toothbrushes, magkakaroon ng awareness sa market as well as sa household sa proper function and purpose on the significance of the disinfection sa mga toothbrush natin.” saad ni Ramos. Dagdag pa rito, binigyang-diin ni Pura ang kahalagahan ng pananaliksik upang lutasin ang mga problemang patuloy na lumalaganap sa ating bansa.
“Don’t be discouraged kasi mahirap, continue and embrace it, ‘wag mo siya i-take as just a requirement or trabaho sa school but rather a game, parang ‘yung mga detective games online, like you’re in a mission to find clues to answer a problem or mystery,” payo ni Pura sa mga kapwa mag-aaral.
Sa kabila ng maraming pagsubok, hindi natinag ang loob ng dalawang mag-aaral upang ipagpatuloy ang kanilang pananaliksik na nagdala sa kanila upang maipanalo ang nasabing patimpalak.
Kabataan ang Pag-asa sa Manukan
Sumisilakbo
ang tagumpay ng bansa sa larangan ng agrikultura matapos makagawa ang dalawampu’t dalawang taong gulang na si Patricia Quitoriano mula sa Antipolo City ng SenseUs, isang aplikasyong panteknolohiyang ang layon ay makatulong sa pagaangat ng kalidad ng kalinisan at kalusugan sa mga manukan sa bansa. Isa itong magandang hakbang sa pagsusulong ng agham at teknolohiya sa mga kabataang madalas ay dinidikitan ito ng negatibong konotasyon dahil sa hirap ng mga terminolohiya rito.
Dapat pang palawakin ang abot ng agham sa mga kabataan dahil sila ang susunod na henerasyong may kapangyarihang makadiskubre ng mga bagong kaalamang nagbibigay- solusyon sa mga suliraning kinahaharap ng lipunan.
“Ako ay nagsimula lamang bilang isang simpleng mag-aaral. Patuloy ko lamang na pinairal ang aking curiosity kaya nabuo ko ang aking start-up,” wika
niya. Kung matututo lang ang mga kabataang gamitin ang kanilang kaalaman sa agham, tulad kay Patricia, may tiyansang dumoble pa ang pagbabagong kanilang maaaring maiambag sa bayan. Buti na lang at nagbukas ang Kagawaran ng Agrikultura ng plataporma para sa mga ganitong agribusiness na makalulutas sa mga problemang tulad ng kawalan ng quality control sa mga poultry farms. Kulang pa yata sa hasa ang mga nakaupo sa kagawaran kaya umaasa na lamang sila sa utak ng mga kabataang mas mabilis pang makapag-isip ng panakip-butas sa kanilang mga suliranin. Napakalaki ng kakayahan ng mga kabataan sa pagsisimula ng pagbabago sa larangan ng agham, ngunit hindi pa lamang nila nahuhukay ang kailaliman nito. Gawin sana nilang inspirasyon ang start-up na SenseUs upang maglakas-loob na tumuklas ng marami pang mga bagay, maging sa labas ng
Pagsugpo sa anxiety, pinag-igting sa mental USAPING ISIPIN
NI CLAREN B. GONZALES
agsagawa ang Antipolo Local Government Unit (LGU) ng seminar na may temang “Mindful Teens: Unlocking Mental Well-Being” para sa mga mag-aaral sa Senior High School ng ACNSTHS, ito ay isinagawa bilang paggunita sa National Mental Health Week nitong Nobyembre 24 ng nakaraang taon.
Itinalakay ni Dra. Jermeine C. de las Armas-Reyes, ang head speaker ng nasabing seminar, ang iba’t ibang karamdamang pangkaisipan na nararanasan ng mga mag-aaral tulad ng anxiety disorders, eating disorders, at depresyon, na may pinakamataas na naitalang kaso sa mga kabataan.
Batay sa tala ng World Health Organization (WHO), 16.8% ng mga estudyanteng Pilipino na may edad trese hanggang disisiyete ang nagtatangkang kitilin ang sarili nilang buhay.
“I want you to know right here, right now, that suicide is never an option. There are other options kaya nga pinag-e-explore ko kayo,” saad ni Reyes sa mga mag-aaral na lumahok sa seminar.
Pinayuhan niya rin ang mga batang magpakonsulta at tumawag agad sa mga dalubhasa kapag nakararanas ng suliraning pangkaisipan.
“Bilang isang mag-aaral na may emotional and mental baggages, magandang inilatag sa seminar ‘yung ways and options kung paano namin iyon mare-release sa tamang pamamaraan,” ani ng isang lumahok.
Matatandaang nitong taong 2018, ipinasa sa senado ang Republic Act No. 11036 o ang Mental Health Act, na siyang nagbibigay sa buong sambayanang Pilipino ng mumurahing serbisyo at pangunahing karapatan pagdating sa usaping mental.
TSEK SA KALINISAN
Plastic wastes, ekis sa TSEK Project
NI FREDY MADELINE J. DOMINGO
Pinirmahan na ang Momerandum of Agreement (MOA) para sa proyektong “Tamang Segregasyon at Edukasyon para sa Kalikasan” o ang TSEK Project ng City Government of Antipolo kasama ang Solid Cement Corporation (SCC) ayon sa isang Facebook Post ni Mayor Jun Ynares, December 31.
Ayon sa nasabing post, matagumpay nang pinirmahan ang kasunduan sa pagitan ng Solid Cement Corporation at ng Antipolo City government para sa isinusulong na proyekto na may layuning isulong ang wastong pamamahala ng basura at kalinisan ng kalikasan.
Kaugnay nito, ang nasabing proyekto ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng mga gaganaping seminars at Information Education Campaign (IEC).
Dagdag pa rito, nilalayon din ng nasabing environmental project na gamitin ang anumang makokolektang plastic wastes bilang raw material para sa araw-araw na produksyon ng semento ng Solid Cement Corporation (SSC).
Sa kabilang banda, ipinagkalooban din ng korporasyon ang Barangay San Jose ng mga Garbage Truck na lubhang makatutulong para sa kanilang regular na pangongolekta ng basura ng nasabing barangay.
Sa huli, inihayag ni Ynares ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa SCC para sa kanilang environmental partnership sa Antipolo
Sakit sa ulo, nangungunang karamdaman ng AnScians
Nananatiling una sa listahan ng mga sakit ng mga mag-aaral sa Antipolo City
National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang headache o sakit sa ulo, batay sa inilabas na report ng school clinic noong nakaraang taon.
Umabot ang naitalang bilang ng naturang sakit sa 55 na kaso, nasinundan naman ng sakit sa tiyan na may 33 na kaso at lagnat na may 28 na kaso.
Ang ilan pa sa mga naitala ng school clinic na karamdaman ay allergies, sakit sa ngipin, at sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.
Samantala, dahil ang mga sakit na may matataas na bilang ng kaso ay siya ring mga sintomas ng chickenpox, nagdulot ito ng pangamba sa mga estudyante’t kaguruan, lalo’t kamakailan lamang ay umangat ang kaso ng naturang sakit sa sampung katao, na siyang nag-ugat sa isang mag-aaral mula sa ikapitong baitang.
“Sa Chicken Pox, ito ay nagsisimula sa dibdib, likod, mukha, palabas sa arm at legs na tinatawag na ‘centrifugal distribution’ na nagsisimula sa gitna,” ayon kay Dr. Winston Tiwaquen, isang licensed medical doctor at public health education advocate.
Payo ng mga eksperto, kinakailangang i-isolate ang may bulutong, at iwasang lumabas ng bahay dahil maaaring makahawa ito sa ibang tao lalo na sa mga hindi pa natatamaan ng sakit.
Bilang paglilinaw naman ng head ng school clinic na si Gng.Ana Katrina Sagle, ang mga naturang kaso ng chickenpox ay“undercontrolled” na at hindi na magdudulot pa ng hawaan sa pagitan ng mgaestudyante.
“Agad na pinauwi ang mga students at nagkaroon ng wide dissemination sa advisers ng protocols,” dagdag pa niya.
Dahil sa sunod-sunod na kaso ng mga sa ACNSTHS, minabuti ng pamunuan ng school clinic na maghigpit sa muling pagpapapasok ng mga batang nagkakasakit, kung saan kinakailangan muna nilang magpasa ng medical certificate na naglalaman ng opisyal na pahayag mula sa doktor na magaling na ang bata. Pinaalala naman ng school clinic na walang dapat ipag-alala ang iba pang mag-aaral at sundin lamang ang mga health protocols na ipinapatupad ng administrasyon ng paaralan.
TANSAN NI EINSTEIN
‘Karton-Tansan’ tree, bumandera sa christmas tree competition
Christmas tree na gawa sa karton at tansan, panalo sa idinaos na Me-Recycled Competition ng AnSci Science and YES Organization (SYES) kung saan nagpasikatan ang mga estudyante mula sa ikapitong baitang ng kani-kanilang kakaiba at katangitanging mga eco-friendly christmas trees, Disyembre 15.
Ipinahayag ng organisasyon ang simula ng naturang kumpetisyon noong Nobyembre 27, kasama ang mga alituntunin at mga materyales na kailangan sa paggawa at pagdidisenyo sa puno.
Nagtagisan ang tatlong pangkat na Galilei, Newton, at Einstein sa kanilang angking galing at talento pagdating sa larangan ng sining at pagdidisenyo.
Ayon kay Sam Pasion, isang mag-aaral sa Einstein, hindi nila inaasahang sila ang tatanghalin bilang kampeon sa kumpetisyong ito, sapagkat nakaranas sila ng mga problema bago nila ito matapos.
Sa kabilang banda, nakamit naman ng pangkat Newton ang ikalawang pwesto sa kampeonato, na sinundan ng
pangkat Galilei sa ikatlong pwesto.
Saad ni Pasion, “We must admit na medyo nahirapan kami sa paggawa nito, at bukod sa maraming ginagawa, minsan din ay nakararanas [kami] ng iba’t ibang problema, katulad ng kakulangan sa oras.”
Dagdag pa niya, kahit na ganoon ang nangyari ay natapos pa rin nila ito, at ibinigay ang lahat ng kanilang makakaya upang ipakita ang kanilang kakayahan sa pag-iisip ng maayos na istilo para sa kanilang makakalikasang christmas tree.
Sa huli, lubos namang nagpapasalamat ang AnSci SYES sa aktibong partisipasyon ng ikapitong baitang sa kanilang patimpalak na nagsusulong sa muling paghulma ng mga itatapon nang kagamitan sa bago nitong anyo at gamit.
Nauna nang inanunsyo ng AnSci SYES na tanging ikapitong baitang lamang ang lalahok sa naturang kompetisyon dahil magsisilbi na rin ang kanilang isinagawang christmas tree bilang kanilang performance task para sa Environmental Science.
AnSci Volleyball , humataw sa Division Meet 2023
NI JAYRUS JAMES V. OMBID
I
pinamalas
ng AnSci Aces Men’s Volleyball Team ang puso ng mga atletang uhaw sa kampyeonato at dedikasyong hindi natitinag ng anumang pagsubok, matapos masungkit ang pilak na medalya sa nagdaang Division Meet na idinaos sa Kaysakat National High School Covered Court, Oktubre 15.
Ito na ang huling taon na sasabak ang iilang manlalaro ng koponan sa Volleyball Meet, gayong sila ay nabibilang sa ika-12 baitang na magsisipagtapos sa taong panuruan 2023 - 2024.
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang panghinaan ng loob ang mga manlalaro, bagkus ay ginawa nila itong motibasyon upang lalo pang paghusayan ang paglalaro. Sa kabila ng matinding kakulangan sa mga kagamitan, ipinakita nila ang pagiging maparaan upang makapagensayo para sa nalalapit na laban.
Ayon kay John Gabriel Cuenco, manlalaro ng koponan, “Sa dami ng pagod sa training namin, gusto namin maging worth it lahat kaya noong nandoon na kami, kahit na anong mangyari, ang mahalaga ay mag-enjoy and focus kami sa laro.”
Dagdag pa rito, naging malaking tulong din ang naging samahan ng koponan upang maging maayos ang komunikasyon sa loob ng court, at kumpiyansa rin ang team captain na si Jolo Hernandez sa kanilang naging laban.
“Bilang team captain ng Ansci Aces Men’s Volleyball Team, mayroon akong iba’t ibang ways para i-up ‘yung confidence ng aming team like cheering after scoring.” saad niya.
Kinapos mang masungkit ang gintong medalya, masaya ang koponan sa naging resulta ng patimpalak, gayong ibinuhos nila ang kanilang buong makakaya.
Sa bawat palo, dapa, at ragasa ng bola sa kanilang mga kamay, mamumutawi ang mga atletang may matayog na pangarap at maliwanag na kinabukasan.
Isa lamang itong patunay na pagdating sa mundo ng pampalakasan, hindi magpapahuli ang mga mag-aaral ng AnSci, dahil ang kanilang talento, husay, at galing ay patuloy na magmamarka sa mga susunod pang henerasyon.
HITIK
Francis T. Paz
Droga Kapalit ng Ginto
Matinding
usapin ngayon ang pagkapositibo ng player na si Justine Brownlee sa doping test matapos nilang masungkit ang ginto kontra sa Jordan sa katatapos lamang na Asian Games 2023. Nakadidismayang isiping kinakailangan pa ng isang atleta ang mga ipinagbabawal na gamot para lamang masungkit ang inaasam na tagumpay.
Nitong Oktubre 12, inanunsyo ng International Testing Agency (ITA) ang palpak na result ni Brownlee sa in-competition anti-doping test. Nakalulungkot ring mas nauna pang maglaro ang nasabing atleta bago pa lumabas ang resulta.
Ayon naman sa Artikulo 11.2 ng OCA Anti-Doping Rules na “the CAS Anti-Doping Division shall impose an appropriate sanction if more than two members of a team are found to have violated an anti-doping rule”. Dagdag rin ng POC na mananatili sa Pilipinas ang ginto dahil na rin sa nasabing batas. Sa aking palagay, nakapanlulumo rin ito sa kabilang koponan sapagkat lumaban ng patas ang Jordan katuwang ang superstar player nilang si RondaeHollis Jefferson.
Kasalukuyan namang nagaantay si Justine Brownlee ng B-sample test result na magdidikta ng haba ng kanyang suspensyon. Sa oras ding ito, nagdedelikadong hindi makasama si Brownlee sa napipintong pagdepensa sa korona ng Ginebra San Miguel sa PBA Governor’s Cup.
Gold Bugs, kuminang sa street dance competition
NI JAYRUS JAMES V. OMBID
Naghari
ang The Gold Bugs na naganap na streetdance competition sa Intramurals 2024 ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS), Disyembre 13.
ikalawang pwesto, The Pit and the Pendulum sa ikatlo, at ang The Cask of Amontillado sa ikaapat, nang ipakita ng mga koponan ang mga peligroso nilang sayaw sa madla.
Sa ganang akin, nararapat lamang na masuspinde ang nasabing atleta dahil na rin sa hindi niya pagiging patas kahit sabihin pang nagawa niya ito sa kagustuhang maipanalo ng ginto ang Gilas. Hindi rin ito patas sa nakalaban nilang Jordan sa finals na pinangunahan ni Rondae Holls-Jefferson na import pa sa Philippine Basketball Association (PBA) ng walang daya at purong sikap lang. Hindi ito maganda sa imahe ng Pilipinas dahil si Brownlee na rin ang naging sentro ng kanilang opensang tumulong sa kanila upang maalpasan ang China at Jordan sa nagdaang Asian Games 2023.
Pinoy boxer Eumir Marcial, nag-uwi ng silver medal
NI JAYRUS JAMES V. OMBID
Batay naman kay Carlo Briñosa, isa mga hurado ng nasabing kumpetisyon, “Sila yung team na na-execute yung dance nila nang pinakamalapit sa ‘malinis na performance’ for me.”
Nagpakita rin ng tuwa ang mga audience na saksi sa sayawang labanan na nangyari bago simulan ang mga larong pampalakasan ng naturang programa.
“Kahit na sa maikling panahon na nakalaan para makapag-ensayo, nagawa pa rin nila nang
Ibinulsa ni Eumir Marcial ang pilak na medalya matapos mapayuko ni Tuohetaerbieke Tanglatihan ng China sa 19th Asian Games Men’s 80-kilogram Boxing Division na ginanap sa Hangzhou Gymnasium, Oktubre 5. Determinadong sumabak si Marcial sa final match upang makamit ang kaniyang kauna-unahang gintong medalya sa Asian Games.
Naging maganda ang simula ni Marcial matapos magpakawala ng isang solidong right hook na pansamantalang nagpahinto sa kanyang katunggali.
Sa Round 2, ginamit ni Tanglatihan ang distansya kasabay ang mabilis na atake dahilan upang makatikim ng sunod-sunod na suntok si Marcial, hanggang sa tuluyan itong mawala sa postura.
Pagsapit ng Round 3, palitang kombinasyon ang binitawan ng parehong boksingero sa isa’t isa na nagpainit ng aksiyon.
Sa huli, nagwagi si Tanglatihan matapos makakuha ng 29-28 score sa tatlong rounds, mula sa limang hurado. Sa kabilang banda, hindi naman nakitaan ng pait sa mukha si Marcial, bagkus ay mababang-loob nitong tinanggap ang pagkatalo.
“I tried to do it again in the second round, but he caught me. I got a standing eight count and that’s the thing that changed the judges’ minds. Congratulations to Team China,” saad niya.
Hindi naman natatapos dito ang laban ni Marcial sapagkat muli siyang sasalang sa darating na Paris 2024 Olympic Games dala ang pag-asa at suporta mula sa kaniyang mga kababayan.
NI JULIUS ROBERT D. INTIA
Samu’t saring reaksyon ang naramdaman ng mga nakapulang damit nang unti-unting gumuhit ang mga katagang “Red Cask of Amontillado” raw ang nagwagi sa Intramurals. May mga nagulat, may mga nabigla, ngunit kitang-kita ang mga nagsitalunang estudyante sa kaliwang banda ng harapan ng ACNSTHS covered court. Animo’y nanalo sila sa lotto dahil dumagundong ang halakhakan at namimilipit na kasiyahan dulot ng ‘di malilimutang pangyayari na tatatak sa isipan ng nakararami.
Sa naganap na Intramurals nitong Disyembre 13-14 na may temang “Wednesday Madness,” apat na grupo ang nagtagisan ng galing pagdating sa pisikal, mental, ultimo ng lalamunan upang ipagsigawan ang kani-kanilang mga yell sa madla. Red Cask of Amontillado, Purple Pit and the Pendulum, Black Cats, at Gold Bug ang mga grupong lumahok sa nasabing pagtitipon na kung saan nag-aalab na Red Cask of Amontillado ang siyang nanaig at naging kampeon sa kamakailang paggawad ng tropeyo sa mga nanalo, ganap na alas-dose ng tanghali, sa ACNSTHS covered court, Disyembre 15.
Walang Humpay na Lider
Matiyaga, masiyahin, at puno ng pagasa’t determinasyon, ganiyan mailalarawan ang lider ng Red Cask of Amontillado na si Ella Dane Felonia. Sa bawat tagaktak ng pawis sa katawan, maging ang puspusang pag-
Amontillado bago magsimula ang intrams ay follow the rules, enjoy the Intramurals, respect, and support each other.” Dagdag pa niya, “ manalo o matalo, Amontillado pa rin.”
Sa mga sinabi niya, ‘di maikakailang nag-alay si Ella ng serbisyo at payo sa kaniyang mga kagrupo. Naipamalas niya ang pagiging lider na tiningala at nirespeto ng mga kasamahan niya na nagdala sa kanila sa rurok ng tagumpay. Nagsilbi siyang tenga upang pakinggan ang mga hinaing ng kagrupo niya, mata upang makapagmatiyag nang maayos sa mga laro, at bibig na walang sawang nagbigay ng mga butihing mensahe upang palakasin ang loob ng kaniyang mga kasamahan. Tunay na nagsilbi siyang mabuting lider na kinabiliban, ‘di lang ng kapwa niya Red Cask of Amontillado, kundi na rin ng mga miyembro ng
Umaatikabong Humakot
Sa kabila ng pagkapanalo, ‘di syempre maitatanggi na nakapag-uwi ng mga medalya ang mga miyembro ng Red Cask of Amontillado. Isa sa mga kinatampukang pagkapanalo ng grupo ay ang Men’s Basketball 5x5, na kung saan dalawa sa mga manlalaro ng red team ay napabilang sa “Mythical Six”, at ang taunang Mr. and Ms. Intramurals 2024 na sina Celine Viray at Nico Clores na humakot ng special awards gaya na lamang ng mga parangal na Best in Sports Attire, Best in Formal Attire, Best in Talent, at kapwa ring nasungkit ang korona nang itanghal bilang Mr. and Ms. Intramurals 2024.
Kung usapang pag-eensayo ang tatanungin, kapwa ibinigay ni Nico at Celine ang kanilang makakaya upang mairepresenta ang kanilang grupo. Mas tinaasan nila ang kanilang kumpiyansa sa sarili sa pamamagitan ng matinding pag-eensayo upang makapagbigay ng tatatak na impresyon sa mga nanonood lalong-lalo na sa mga judges na kapwa silang napulsuhang manalo. Sa mga red team na nagbigay ng kanilang suporta, nais nilang magpaabot ng lubos na pasasalamat dahil nakatulong itong magpagaan ng kanilang kaba noong kasagsagan ng patimpalak.
“ Maraming salamat sa tiwala at suporta na inyong binigay lalong-lalo na sa glam team at malalakas na cheer ng aking ka-team,” saad ni Nico Clores na punong-puno ng pasasalamat.
Monico Barnuevo at Marco Samson, sa lumalagablab na sagupaan na nagtapos sa iskor na 35-32 sa Men’s Doubles Badminton sa Intramurals na ginanap sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) Covered Court, Disyembre 14. Nagpakawala ng mga mala-bulalakaw na hataw ang dalawang koponan na nagresulta sa dikdikang laban, ngunit sa huli ay nagawa pa ring lusutan ng Gold BugS ang katunggaling koponan upang masungkit ang kampeonato. Umaarangkadang pinalo ni Samson ang ibon sa pagsisimula ng laro at ang malupitang depensa at pagsalo ni Barnuevo sa smash ng kalaban ay madaling nagpaangat ng kalamangan ng Black Cats sa iskor na 3-1. Nagawa namang bawiin ng Gold Bugs ang bentahe ng Black Cats nang mapagdikit nila ang puntos, 1010, dulot ng mga faults at short na mga tira ng Black Cats. Ang naglalagablab na laro ng dalawang koponan ay nagdulot ng dikit na laban na humantong lamang sa apat
Malakasang pwersang binawi ng Black Cats ang laro sa iskor na 29-29, at nagawa pang humablot ng isang puntos upang lumamang.
Nagpaulan ng apat na sunod-sunod na maiinit na paghataw sina Napay at Molina upang muling angkinin ang kalamangan sa iskor na 33-30.
Hindi pumayag na umuwing luhaan at tambak ang Black Cats, at nagawa pang humabol sa puntos na 32-34, ngunit pabor pa rin sa Gold Bugs.
Tinapos ng Gold Bugs ang laro sa mala-kidlat na palo ni Napay na bigong magawang ibalik ni Barnuevo, at pagtama ng ibon sa net na nagresulta sa pagkapanalo ng naturang koponan.
Umani ng 600 puntos ang Gold Bugs sa Intramurals dahil sa pagkapanalo nito sa Men’s Doubles Badminton at 400 puntos naman para sa Black Cats.
“ To the Cask of Amontillado, my win is also yours. We share the crown I achieved,” ani ni Celine Viray na lubos rin ang pasasalamat sa Red Cask of Amontillado. “Thank you for the experience and for
Gold Bugs, kampeon sa Chess Intramurals 2023
JAYRUS JAMES V. OMBID
sang gintong medalya ang nasungkit ni Marc Laurence Purificacion ng Gold Bugs matapos maghari sa nagdaang Chess Finals ng Intramurals 2023 na ginanap sa 3rd floor New Ynares building ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS), Disyembre 14. Maagang nagpakita si Purificacion ng pambihirang husay at matinding kalkulasyon matapos ibaon sa hukay si Rafien Villareal ng The Pit and the Pendulum sa isang Bo3 Elimination Match, 2-0.
Umabante si Purificacion sa finals at nakaharap ang pambato ng The Cask of Amontillado na si Nigel Abriol.
Sa unang pagkakaharap, ipinamalas ni Purificacion ang kaniyang malawak na positional understanding upang maipanalo ang laban sa isang dikdikang endgame battle, 1-0.
Agad namang bumawi si Abriol matapos ang isang blunder ni Purificacion na nagresulta sa isang umaapoy na sagupaan, 1-1.
Sa huling laban, tinapos ni Purificacion ang pag-asa ng katunggali matapos bumitaw ng mga lumalagablab na tactical brilliancy, dahilan upang maiselyo ang kampeonato, 2-1.
Malaking bagay para kay Purificacion ang tagumpay, sa kadahilanang madalas siyang pagkaitan ng kapalaran sa mga
“Masaya ako nung nanalo kasi hindi ako madalas palarin lalo na sa mga tryouts.” sambit niya. Lumikom ang Gold Bugs ng 400 points dahil sa naturang panalo samantalang 300 points naman ang natamo ng The Cask of Amontillado.
Talentong Nakabilanggo
Patuloy na binibigo ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) ang mga natatanging atleta nito dahil sa kakulangan ng ng suporta ng paaralan sa pagsasanay ng mga mga estudyante para sa ginanap na District Meet noong Oktubre 2023. Mula sa kasalatan sa mga materyales hanggang sa mga maliliit na pasilidad, napagkakaitan ng pagkakataon ang mga atleta na maipamalas ang kanilang galing hindi lang sa patalinuhan kundi pati na rin sa palakasan.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging baguhan ng paaralan, ngunit sa halos isang dekadang pagkakatayo nito, tila pagong kung makausad ang pagpapatayo sa mga pasilidad dito. Sa buong campus ng ACNSTHS, mayroong covered court at badminton courts na makikita malapit sa Old Ynares Building. Sa dami ng isport na nilalahukan ng mga mag-aaral, hindi sapat ang tatlong pasilidad upang mahasa ang natatanging kakayahan ng mga atleta. Bukod pa rito, may mga pagkakataong napipilitan ang mga atletang manghiram ng mga gamit sa ibang mag-aaral dahil sa kulang-kulang na kagamitang pang-isports ng paaralan. Kung ganiyan ang kalagayan ng mga estudyanteng atleta, hindi nakatutulong ang ACNSTHS sa pagbuo ng pundasyon ng kanilang talento.
Nakababalintunang isiping pilit na umaasa ang buong paaralan sa pagkapanalo ng mga atleta ng paaralan kung wala naman silang maayos na pasilidad at kagamitan. Kung hangad ng paaralan na ayusin ito, kailangang makipagkooordinasyon ang mga kataastaasan sa Local Government Unit ng Antipolo sa pagbibigay-pondo sa mga imprastraktura at kagamitang kinakailangan paaralan sa paghahasa ng abilidad ng mga estudyanteng atleta. Nararapat na isipin ng paaralan na hindi mababansang batang siyentipiko ang mga magaaral dito kung ang kanilang mga talento ay nakakandado at nakabilanggo.
Pit and Pendulum at Black Cats, umarangkada sa finals
NI FRANCIS T. PAZ
Nasungkit ng Pit and the Pendulum at Black Cats ang susi tungo sa Intramurals 2023 Volleyball matapos nitong sabay paluhurin ang Cask of Amontillado at Gold Bug, Disyembre 13.
Pinangunahan ni “heavy spiker” Jeric Miano ang Pit and Pendulum sa pamamagitan ng 12 points, tampok ang pitong sunod-
UHAW SA ENSAYO’T GUTOM SA MEDALYA AnSci Taekwondo, sumabak sa City Meet
Nirepresenta ng mga batang siyentipiko mula sa ACNSTHS ang Unit IV, na pinanganuhan ni Vice Captain Quirino C. Benitez, sa Taekwondo City Meet sa San Isidro National High School (SINHS), kung saan pinagtapattapat lahat ng mga manlalaro ng bawat weight dibisyon hanggang sa makapili ng mga manlalarong kakatawan sa regionals, Disyembre 9.
Maalalang nabigong pumasok sa Divison Meet and Taekwondo Aces matapos nitong sabay sabay na yumuko sa City Meet.
Ayon kay Benitez, ginawa niya naman ang kanyang makakaya upang ituro sa kanyang mga kapwa manlalaro ang mga kinakailangang skills sa paglalaro sa laban at inasahan niya ring magagawa nila ito ng maayos pagdating sa laban.
“Kailangan pa namin mag-training at i-master ang fundamentals kasi iyon talaga [ang] importante. Kailangan ko na rin turuan ang mga mas batang player kasi graduating na rin ako next year,” dagdag pa ni Benitez.
Dagdag niya ring, importante ang execution ng mga skills na ito sa practice man o totoong laro ng walang pressure dahil ito ang susi sa mismong tagumpay sa taekwondo.
Mamarkahan ito bilang isa sa mga bumidang isports ng ACNSTHS Aces sa Unit Meet matapos nitong humakot ng tigdalawang tanso, pilak, at ginto.
Determinado naman ang mga manlalaro ng Unit IV at uhaw sa improvement kung saan kakatapos pa lamang ng City Meet ay nagsimula na sila ng paghahanda para sa susunod na taon.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, pisikalan ang bumibida sa larangan ng isports, dahil mayroon ding naitatayong dinastiya sa pamamagitan ng pagpindot sa sariling telepono. Iyan ngayon ang pinatunayan ng E-Sports team mula sa ikalabing-isang baitang ng Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) na nagngangalang Oni Gaming E-Sports, na kasalukuyang hinahawakan ang 3-peat championship sa larangan ng Mobile Legends Bang Bang( MLBB).
Umaarangkada na sa larangan ng nasabing laro ang Oni Gaming Esports simula noong nasa ikawalong baitang pa lamang sila. Sa loob ng tatlong taon na ito, masasalamin ang kanilang chemistry sa bawat larong kanilang sinasalihan. Hindi rin sila nagpapatinag sa mas nakatatandang nakalaban nila sa ACNSTHS E-Sports Intramurals sa nakaraang tatlong torneo.
Masasalamin sa nasabing koponan ang pagiging monarkiya gamit ang tila “Break The Code” lineup na ang recipe ay ang Ube Strategy. Pinangungunahan ito ng kanilang Roamer na ang binibida ay ang mga support na hero tulad na lamang ni Estes. Bumibida ang posisyong ito sa nasabing istratehiya,
NI FRANCIS T. PAZ
upang manalaytay pa lalo ang chemistry sa kalagitnaan ng laro. Habang ang sentro naman ng koponan ay ang Core at Gold Lane na ang nananalaytay ay ang macroskills at bilis ng kamay. Napapagana ang Ube Strategy sa pamamagitan ng pagbida ng Core sa mga unang minuto ng laro at ng Gold Lane sa mga nalalabing minuto ng laro. Hindi sa lahat ng pagkakataon, pisikalan ang nangunguna sa salitang “isports,” minsan mas importante ang istratehiya at pag-iisip ng mga manlalaro. Dito pumapasok ang sikat na sikat ngayon sa kabataang E-Sports. Mas pinipili nila ang istratehiya sa online kaysa sa mga larong pisikalan.
NI NICO P. CLORES
Pinas, tiklop sa Indonesia, bronze medal, winakasan ang 33 drought, 1-2 sa Asian Games 2023
NI JAYRUS JAMES V. OMBID
Bigong masungkit ng Pilipinas ang pilak na medalya matapos silang paluhurin ng Indonesia sa katatapos lamang na Sepak Takraw Semis Asian Games 2023, na ginanap sa Jinhua Sports Centre Gymnasium, China nitong ika-3 ng Oktubre na naitala sa iskor na 21-15, 24-25, 17-21.
Namarkahan ang tansong medalya ng Pilipinas bilang kauna-unahang karangalan ng nasabing bansa sa Sepak Takraw sa loob ng 33 taon.
Tangan ang isang set na kalamangan, dumausdos ang Pilipinas sa dikdikang set 2 kontra Indonesia matapos umarangkada nito nang 2 puntos na nagselyo sa iskor na 25-24.
Hindi na muling nakahabol pa ang Pilipinas sa Indonesia matapos ang malamyang 0-4 na simula sa set 3 na nagsumite sa iskor na 17-21.
Maalalang yumuko lamang ng isang beses ang Pinas sa torneo matapos nitong mabahiran ng India sa talaang 2-0 sa preliminaries.
Napangakuan na ng tansong medalya ang Pinas nitong payukuin ang Singapore sa preliminaries na nagresulta sa kanilang siguradong tanso.
Maituturing ito bilang unang medalya ng Pinas sa larangan ng Asiad Sepak Takraw matapos nitong maging uhaw ng 33 taon.
Umakyat naman sa labing-isang medalya ang nakamit ng Pinas partikular ang siyam na tanso dito.
MGA NILALAMAN NAPURNADANG PILAK
ISPORTS PAHINA 18
Resipi ng mga Wagi: Abante Amontillado!
ISPORTS PAHINA 19
Talentong nakabilanggo
TKD Aces, sumipa ng medalya sa Unit Meet 2023
NI JUSTINE ANDREA A. PEÑANO
Knockout na humakot ng pwesto ang mga manlalaro ng Taekwondo Aces matapos ang ginanap na Unit Meet 2023 sa Rizza National High School bilang qualifying match para sa Division City Meet sa Disyembre, Oktubre 13.
Nagpakita ng sumisipang galing ang mga players para sa Kyorugi na sina Sean Abaygar at Leandro Ramos na nagkamit ng gintong medalya para sa Men’s Open Weight at Featherweight, kasama ang Vice Captain na si Quirino Benitez, na nagkamit ng ikalawang pwesto, at ang unang Women’s Poomsae Category silver medalist ng AnSci na si Andrea Peñano.
“Expected naman yung
results na nakuha, may panalo, may talo. Saludo ako sa mga lumaban dahil kahit kulang sa training, nagpursigi pa rin sila,” saad ni Benitez.
Hindi naman nagpahuli sa paghakot ng medalya ang Women’s Finweight na sina Leona Salazar at Shanaiza Mape na nagkamit ng ikatlong pwesto sa iskor na 12-15.
Ayon kay Salazar, nakapaghanda lamang ng dalawang araw ang mga manlalaro para sa nasabing laban, kung saan tinutukan ang paghasa sa iba’t ibang footworks at lakas ng sipa ng Taekwondo Team.
“Ang naging problema po ay kulang sa oras at panahon ‘yung training namin kaya parang
nanibago po ‘yung katawan namin at sobrang napagod po. Ang iba naman ay walang mouthpiece at walang transportation papunta sa venue,” dagdag niya.
Batay sa Vice Captain ng TKD aces, inaasahan nito ang mas mataas na motibasyon at drive sa mga players upang paghusayan pa ang kanilang kakayahan para sa mga paparating na laban.
Kasalakuyan namang naghahanda para sa paparating na kumpetisyon ang Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS), katuwang ang Rizza National High School (RNHS), sa pamumuno ng mga coach na sina Mark Anthony Aro at Alfel Agustin.
aghahanda na upang kumasa si Rhytmic Gymnast Angela Gigante para sa kanyang susunod na pagrerepresenta sa Antipolo City National Science and Technology High School (ACNSTHS) sa darating na Regionals Rhytmic Gymnastics 2024.
“Para sa preparations, need ko lagi ng feedback sa coach ko if ever man na may ipababago sila sa routine ko para sure na walang mamamali during my routine,” ani ni Gigante.
Dagdag niya pang ang kalakasan niya raw ay ang balance at flexibility, pati na rin ang actual execution sa gymnast floor kung ikukumpara sa kanyang mga nakakalaban.
Ayon din sa kanya, “Need ko talagang ma-improve ‘yung confidence kasi every time na ako na ang maglalaro, minsan nakakalimutan ko ‘yung mga important points ng routine ko, at sinasabi rin kasi ng mga coaches ko ‘yan so ayun ang pinakakailangan ko
i-improve”.
Kinakailangan niya rin daw ng mas marami pang oras sa pagte-training upang masigurong makasisikwat
niya pang maiiba na makakasama niya sa kumpara sa taong 2023 kung saan siya nakapasaok siya sa Regionals. “Gusto ko makapasok sa Palarong Pambansa kasi wish ko na talaga ‘yun ever since nag-start ako mag-gymnastics,” sagot niya nang matanong ukol sa mga nais niya pang makamit sa naturang larangan. Maaalalang nakamit ni Gigante ang Gymnastics na ginanap sa Don Antonio de Zuzuareggui Sr. Memorial Academy (DAZSMA) sa lungsod ng Antipolo.