Kaugnay ng pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na nabiktima ng bullying, nagsagawa ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at Caybiga Sulong Integridad (CSI) ng proyektong
Anti-Bullying Symposium:
“Be a Buddy not a Bully”, noong Disyembre 1, 2023, sa Caybiga High School (CHS).
Mula sa isinagawang sarbey ng Pampahayagang Pangkampus ng CHS na ‘Ang Caybigan’ noong Pebrero 21, 2024, umabot sa 38.6% ng mga estudyante ang nakaranas ng iba’t ibang klase ng bullying mula sa 2,936 na kabuoang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan.
Samantala, 11 na kaso lamang ng bullying ang naitala sa Guidance Office ng paaralan.
Nilalayon naman ng symposium na ito na mapataas ang kamalayan ng mga mag-aaral sa epekto ng bullying, makapagbigay ng kaalaman kung paano ito lalabanan, at ipabatid ang mga batas na nagpoprotekta sa mga biktima ng isyung ito.
Mula sa panayam kay Dr. Angelina De Chavez, punongguro ng CHS, maraming programa at organisasyon ang pinangungunahan ng SSLG katuwang ang CSI at Guidance Office na makatutulong sa mga mag-aaral at guro ng CHS, at dahil aniya, isang Child Friendly School ang paaralan.
“Lubhang mahalaga at prioridad ang mga bata. Hindi maayos na makakapag-aral ang mag-aaral kapag ang paaralan ay hindi ligtas sa kanila. Kaya malalim ang ating pagganyak sa mga estudyante na dumalo ng mga symposium dahil ito ay isang awareness campaign upang maging bukas ang lahat at malaman ng bawat isa na ang hindi magandang ginagawa sa kapwa estudyante at guro ay hindi magandang Pagpapahalaga,” pahayag ni Dr. De Chavez Ikinalungkot naman ni Jhayson De Guzman, mag-aaral mula sa 9-Oxygen, ang kaniyang karanasan sa pagiging biktima ng cyberbullying matapos maapektuhan ang kaniyang pag-aaral. Dagdag pa niya, mabuti ang naidulot ng Anti-bullying Symposium na ito, dahil nagkaroon siya ng bagong kaalaman na maaaring ibahagi sa kaniyang mga kamag-aral.
SOLUSYON NG BARANGAY
Nagsasagawa ang Brgy. Bagbaguin at Brgy. Caybiga ng mga seminar kontra bullying upang mabigyang-pansin at masugpo ang mga nagaganap na kaso, na dinadaluhan ng mga mag-aaral, magulang, at guro kabilang ang mga opisyales ng barangay at mga pulis. Sinabi ni Brgy. 166 Secre-
SSLG, CSI, naglunsad ng Anti-Bullying sa
tary Luisa Sevillino, maraming kabataan ang nakararanas ng bullying sa barangay lalo na sa mag-aaral ng high school, na nagiging dahilan upang pumunta rito ang kanilang mga magulang para magreklamo. Dagdag pa rito, inaasahan ng dalawang barangay ang kooperasyon at buong suporta ng mga guro sa bawat paaralan upang manguna sa pagbibigay ng sapat na pansin sa mga nabibiktima ng suliraning ito.
POLISIYA KONTRA BULLYING
Protektado ang mga mag-aaral sa ilalim ng Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 na naglalayong labanan ang masamang kapaligirang nakagagambala sa pag-aaral ng mga mag-aaral na hindi nakatutulong sa kanilang
kabuuang pag-unlad sa paaralan. Batay din sa DepEd Order No. 40, s. of 2012, iniuutos ng DepEd ang pagkakaroon ng Child Protection Committee (CPC) sa lahat ng pambubliko at pampribadong paaralan sa Kindergarten, Elementarya, at Sekondarya,
CHS
sugpo at pag-imbestiga sa mga nagaganap na kaso ng bullying sa bansa.
Hinihiling ng DepEd ang pakikiisa ng mga guro, magulang, school administrators, at miyembro ng lipunan sa pagkakaroon ng kapayapaan at respeto sa bawat
Bilang ng mga mag-aaral na nabiktima ng mga uri ng Bullying
Ehemplo
ng
katapatan
Caybigan, ginantimpalaan ng HIP Award
Matapos magbalik ng isang silver Casio na relo, ginawaran ng Honesty, Integrity and Public Accountability (HIP) Award si Eunica Jane Briones, mag-aaral ng Caybiga High School, mula sa Grade 11 HUMSS A, nitong Disyembre 7, 2023, sa Quezon City.
Binigyan ng karangalan si Briones sa ginanap na 2023 Sikhay Laban sa Korapsyon (SiLaK): Galvanizing the Anti-Corruption Sector Thru Strategic Innovations and Gender Mainstreaming.
Sa panayam kay Briones, iginiit niya na nakatanggap siya ng gantimpala nang magbalik sa organisasyong Caybiga Sulong Integridad (CSI) ng isang silver Casio na relo.
“Ang HIP Award ay may layuning makilala ang mga taong gumawa ng katapatan, integridad at pampublikong pananagutan sa bansa. Ito ay aking nakamit dahil ako po ay nagbalik ng isang nawawalang Silver Casio na relo at ito ay aking binigay sa CSI President nang walang pagdadalawang isip,” ani Briones.
Pinasasalamatan naman ni Briones ang mga taong naging katuwang niya sa natamong parangal.
“Nais ko pong pasalamatan ang Office of the Ombudsman na nagbigay ng karangalang ito. Ang ating principal na si Dr. Angelina de Chavez na sumuporta sa akin sa paggawad ng karangalan, si Sir Eugene Mapula at Sir Jason Sibayan na aking mga naging gabay sa pagkamit nito at ang aking mga magulang,” saad ni Briones. Samantala, ayon kay Supreme Secondary Learners Government at CSI Adviser Sir Jason Sibayan, nararapat na maging parte na ng buhay ng bawat isa ang pagiging matapat upang magkaroon umano ng maayos na takbo ng lipunan.
“Siguro ang pagiging matapat ay dapat maging bahagi na ng pamumuhay ng bawat tao. Kung matapat ang lahat, mayroon tayong matapat na lipunan at magkakaroon tayo ng matapat na pamahalaan,” inihayag ni G. Sibayan.
Dagdag pa niya, maging halimbawa umano ito sa kabataan sapagkat kahit pagbabalik lang ng gamit, malaki na ang epekto nito sa iba.
“Kahit isang simpleng estudyante, kapag nagsauli ng isang simpleng gamit ay malaki na ang pagbabago para sa ating paaralan at lipunan. Dahil ang pagiging totoo, ang pagiging tapat, ay pagpapakita ng isang mabuting mamamayan,” ani G. Sibayan.
Feeding Program, pinalawig ng 200 araw — DepEd
Kung sa kasalukuyan, isinasagawa ang School-Based Feeding Program ng Department of Education (DepEd) sa loob ng 120 araw, sa susunod na taong panuruan, isasagawa na ito sa loob ng 220 na araw.
Bahagi ito ng pagpapalakas ng School-Based Feeding Program na layuning masolusyunan ang malnutrisyon ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa taong 2024, dumoble ang pondo para sa mga pampublikong paaralan na umabot sa halagang 11.7 bilyong piso mula sa 5.6 bilyong piso noong nakaraang taon.
Sa pamumuno ni Gng. Mary Jane Adapon, Feeding Coordinator ng Caybiga High School (CHS), sinusuportahan niya ang School-Based Feeding Program ng DepEd, para mas mapaigting ang proyekto para sa Caybigans.
“Tuwing Lunes, Miyerkules, [at] Biyernes namin isinasagawa ‘yung feeding program, kaya nakakatuwa na sa susunod na taon, mabibigyan na namin ng pagkakataon na handaan ng mga meal ‘yung mga estudyante araw-araw,” ani Gng. Adapon. Saad pa ni Gng. Adapon, bagaman kulang sa pondo para maisakatuparan ang feeding program, mahigit 200 magaaral pa rin ang nakakasama sa proyekto at nakikita agad na lumakas ang resistensya at naging aktibo sa paaralan ang mga mag-aaral na nakakasama sa proyektong ito.
Binanggit naman ni Thomas Gabriel Bautista mula sa 11-HUMSS B na malaking tulong ang feeding program dahil nagagamit niya pambili ng ibang pangangailangan ang perang pambili sana ng pagkain.
Inaasahan ng mga Caybigan na ipagpapatuloy at palalawigin ng DepEd ang pagsasagawa ng programa sa susunod na panuruan.
Nakasanayan na ng bawat Caybigans ang pagpapanatili ng kalinisan, pati na rin ang pagiging matipid, lalo na sa pagkunsomo ng tubig tuwing naghuhugas ng kamay.
Ikinabahala ng pamunuan ng Caybiga High School (CHS) ang pagtaas ng halos Php 50,000 ng water bill para sa buwan ng Pebrero 2024. Sa ibinigay na datos ng paaralan, umabot nang Php 83,967.22 ang babayaran sa water bill sa buwan ng Pebrero kumpara noong buwan ng Enero na may Php 34,626.49. Dahil sa napakataas na water bill, nagpadala si Dr. Angelina De Chavez, punongguro ng CHS, ng sulat sa Maynilad upang makapagsagawa agad ng inspeksyon sa paaralan.
“Baka kasi mayroong leak o tagas sa mga koneksyon ng tubig o kaya ay may problema sa pinagkakabitan ng metro ng tubig na kasama ang metro ng komunidad na malapit sa paaralan. Kasi wala namang ibang nagbagong paggamit at walang tinatayo na building, kaya iyon ang ginawa naming solusyon,” dagdag pa ni Dr. De Chavez.
Ayon naman kay G. Mark Borromeo, School Property Custodian, walang nakitang tagas sa mga tubo o problema sa pinagkakabitan ng metro sa isinagawang inspeksyon ng Maynilad noong Pebrero 21, 2024.
Matapos ang inspeksyon, inayos at nilinis ang lugar na kinalalagyan ng mga tubo upang masiguro na walang butas at tulo ang mga ito, bumili rin ng mga drum na ilalagay sa bawat CR upang malimitahan ang paggamit sa tubig.
KONSUMO SA KURYENTE
Mapapasin din ang pagtaas sa bill ng kuryente ng CHS na umabot sa Php 53, 967.22 ngayong buwan ng Pebrero mula sa Php 43, 016.37 noong buwan ng Enero, 2024 Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng konsumo sa kuryente ang impluwensya ng makabagong paraan ng pagtuturo dahil karamihan na sa mga guro at
silid-aralan sa CHS ay may sarisarili ng telebisyon.
Ayon kay Dr. De Chavez, wala namang problema iyong pagtaas ng konsumo sa kuryente dahil pinaglalaanan naman ito ng badyet, huwag lang sanang sumobra ang pagtaas, kaya’t ang proyektong inilunsad ng CHS ay ang pagpapanatili ng 9 o’clock habit na kung saan ay papatayin ang mga ilaw kapag maliwanag na.
ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang napupunta sa utilities (kuryente, tubig, at Internet)
TUGON NG CAYBIGAN
Bilang solusyon sa pagtaas sa konsumo ng tubig at kuryente, naglunsad ng proyekto ang ilang organisasyon ng CHS kabilang na ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O).
“Meron po kaming project na ‘E-Conserve mo, Power Mo!’ na layuning mapababa ang kuryente at tubig sa paaralan, ngunit para lamang po sa power supply conservation. Kasama po ito sa category ng contest naming Caybigang YES-O: Makakalikasan at Disiplinado Contest,” ayon kay Xy Domingo, kalihim ng YES-O Club.
Namahagi naman ng suhestiyon ang ilang mag-aaral ng CHS upang mapababa ang pagtaas ng konsumo sa kuryente at tubig.
“Huwag sanang gawing charging station ng mga cellphone ang classroom,” ani Kyle Vincent Lacra ng 10-Bonifacio.
Dagdag naman ni Zyralen Santiago ng 11-GAS B na maging responsable sa paggamit ng electric fan at TV sa mga silid-aralan at tanggalin sa saksakan ang mga ito kung hindi naman ginagamit.
Mala-EDSAng daan sa Caybiga, inaksyunan
Upang
mapaluwag ang daloy ng trapiko sa mga daan na sakop ng Brgy. Caybiga, nagpatupad ang naturang barangay ng ‘No entry to 4-wheeled vehicles,’ pagtatanggal at pagsasaayos ng mga electric internet wires, at pagde-deploy ng mga dagdag na traffic enforcers.
Layunin ng mga proyektong ito na panatilihin ang kaayusan at malimitahan ang bigat ng trapiko sa mga daan na pangunahing ginagamit ng mga mamamayan ng barangay.
Dahil nahihirapan nang makadaan ang iba’t ibang uri ng truck tulad ng sa basura at bumbero sa may Talipapa St., tinanggal na ng barangay ang mga internet wires na hindi na gumagana at isinaayos ang salit-salit na electric internet wires.
Ayon sa pahayag ni Maria Carmela Gregorio Chan, Barangay Administrator ng Caybiga, ipinatupad ang ‘No entry to 4-wheeled vehicles’ sa kanto ng R. Dela Cruz St. hanggang palabas ng NPC-Vista Verde upang masiguro ang proteksyon ng mga dumadaan na estu- dyante, dahil makipot lamang ang daan at maraming mga 4-wheeled vehicles tulad ng Utility Vehicle (UV) at e-jeep ang pumapasok sa NPC road tuwing rush hour.
“Pero pwede namang dumaan ang mga 4-wheeled vehicles
kapag hindi rush hour. Kasi ang nangyayari, hindi dumadaan sa may Vista Verde ang ibang e-jeep, nagsusumiksik sila diyan knowing na maliit ‘yung kalsada. Kabahayan din kasi ‘yung palagid, so medyo hazardous para sa mga nakatira,” dagdag pa niya.
Nag-deploy rin ng mga dagdag na traffic enforcer na gagabay sa mga sasakyan at mga commuter sa mga intersection at waiting shed upang hindi magkapagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.
CHS, wagi ng parangal
sa OCA Night
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-62 taon ng pagkakatatag ng Lungsod ng Caloocan, isa ang Caybiga High School (CHS) sa nagkamit ng Special Awards Partner in Community Service Youth sa ginanap na Outstanding Citizen Award (OCA) Night noong Pebrero 17, 2024 sa Caloocan Sports Complex.
Pinarangalan ang mga natatanging mamamayan at organisasyon mula sa iba’t ibang sektor na naging katuwang ng lungsod ng Caloocan sa pagpapakita ng kahusayan sa larangang kinabibilangan.
“Nakamit po namin itong karangalang ito dahil sa patuloy na pagkapanalo ng CaChET bilang Exemplar School sa loob ng tatlong taon. Isa itong testamento na laging handa ang ating mga Caybigans na matuto ng mga mabubuting asal at isabuhay ang mga ito. Patunay rin ito na handa naming ituro sa iba ang mga aral o kabutihang asal na aming natutuhan,” inihayag ni Betchemar Gonzales, SHS CaChET Representative. Pinasalamatan naman ni Bb. Jokate Poblete CaChET Adviser, ang mga mag-aaral na handang maglingkod sa iba, mga sabik matuto ng kagandahang asal, sa mga organisasyon, at sa lahat ng bumubuo sa CHS, dahil aniya, sila ang dahilan kung bakit patuloy na kinikilala ang paaralan.
Kabilang din sa kinilala ng nasabing parangal ang mga proyekto at programa ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at Caybiga Sulong Integridad (CSI).
“Congratulations po sa ating mga awardees at maraming salamat sa inyong pagiging huwaran sa ating komunidad. Hiling ko na tularan at gawin kayong inspirasyon ng iba pa nating mga mamamayan,” ito ang naging bahagi ng post ni Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan sa kaniyang Facebook Page.
Hinihikayat din ni Mayor Malapitan ang mga Batang Kankaloo na ipagpatuloy ang pagtutulungan sa pagbuo ng magandang kinabukasan, pagiging disiplinado, responsable at kapakipakinabang sa lungsod at bansa.
USAD PAGONG. Patuloy ang kalbaryong nararanasan sa kahabaan ng Gen. Luis Street, Bagbaguin mula sa Caloocan City magpasahanggang ngayon, kasabay nito ang pag-aayos sa naturang kalsada.
TREX ALINDAY
TIPID TUBIG.
KRISTOPH ABANID
Konstruksiyon ng Public Library sa Brgy. 165, pinaghahandaan
Pinaghahandaan na ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Brgy. 165 ang pagpapagawa ng Public Library upang mapakinabangan ng mga mag-aaral na residente ng barangay.
Ayon kay Brgy. 165 Secretary, Ma. Relina Adoptante, ang proyektong library ang unang proyektong pinag tutuunan ng pansin ng SK, kung saan hinihintay na lamang nila na magkaroon ng sapat na pondo upang mabili ang mga kinakailangang kagamitan.
“Magkakaroon po ang mga kabataan sa ating barangay ng access sa mga kinakailangan nilang textbooks na mayroon, sa plano ay maglalagay din po ang Sangguniang Kabataan ng mga desktop upang may magamit ang mga estudyante, at magkakaroon din po ng libreng printer,” pahayag ni Princess Ann Ramirez, SK Kagawad.
Kasalukuyang nasa proseso na ng pag-apruba ang pondo ng SK upang maisakatuparan ang pagsasaayos ng library.
“Bilang isang senior high school student, useful sa magaaral na kagaya ko ang public library ng Brgy. 165 para ‘di na pumunta sa malalayong lugar tulad ng library sa Valenzuela, kasi accessible ito o mas
malapit sa akin,” wika ni Mike Jairus Alvarez, mag-aaral mula sa 11-HUMSS A.
Dagdag pa ni Alvarez, mapakikinabangan din ang public library sa mga gagawing pananaliksik ng mga estudyante lalo na ang nasa Senior High School at kolehiyo, sa planong paglalagay ng SK ng mga computer na kanilang magagamit sa pagkalap ng mga impormasyon sa paggawa ng mga gawaing pampaaralan.
Naniniwala rin si Kerby Gallego, ng 10-Bonifacio, na mapapadali ang pagaaral at pagbabasa ng libro ng mga mag-aaral dahil sa public library na makatutulong sa paglinang ng pag-unawa sa pagbabasa.
“Makatutulong ito sa mga estudyanteng kagaya ko na walang kakayahan na magprint ng aking mga assignment o gawain,” saad pa ni Gallego.
Inaasahan ng Brgy. 165 at ng SK nito na makapagbibigay ng benepisyo ang naturang proyekto sa mga mag-aaral at mamamayan ng barangay.
Alumni ng CHS, kabahagi sa PASINAYA 2023
Kaisa
ang mga alumni ng Caybiga High School (CHS) sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan sa pagsisimula ng ‘PASINAYA: PAgtuklas, pagSIpat, tungo sa aktibong paNanagutan ng malaYAng Pamahayagang Pangkampus,’ ang School-based Training ng Filipino Journalism Club, na naglalayong masanay ang mga mag-aaral sa larang ng pamamahayag.
Ibinahagi ng mga alumni ng CHS kabilang na si Elecyl Cabalquinto, isa ng researcher ng Unang Hirit, ang kaniyang kaalaman sa Pagsulat ng Lathalain, habang tinalakay naman ni Pearl Diane Asuncion, isang Digital Creator, ang Pagsulat ng Editoryal at Kolum.
Isa rin si Janelle Kyla Liong, mag-aaral sa kolehiyo at ang kasalukuyang Assistant Social Media Producer sa Pilipino Star Ngayon Digital sa mga alumni na nagbahagi ng kaniyang kaalaman at husay Pagsulat ng Balita.
“Bilang isang student journalist din noon, isang malaking karangalan ang taontaong pag-imbita sa akin ni Gng. Alauig para magbahagi ng aking kaalaman at karanasan sa
GURONG KATUWANG Isinasabay ni G. Rinald Vizcarra, ang pagtuturo sa Senior High School (SHS) at bilang isang Canteen Manager sa Caybiga High School (CHS). AJAY ANGCALA
Upang mapalakas ang kalidad ng pagtuturo
Pagtatanggal ng admin tasks sa mga guro, ikinasa
Salayuning mapalakas ang kalidad ng pagtuturo, iniutos ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng DepEd Order No. 002, s. of 2024 o ang agarang pag-aalis ng mga gawaing pang-administratibo sa mga pampublikong guro upang mabawasan ang hirap sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa pagtuturo.
Kabilang sa mga tatanggaling administrative tasks sa mga guro ang mga sumusunod: property/ physical facilities custodianship; general administrative support; financial management; records management; feeding; school disaster risk reduction and management; at iba pang programa sa paaralan.
“Para sa akin, makabubuti na tanggalin ang mga administrative task dahil mababawasan na ang trabaho ko at makakapokus na ako sa pagtuturo ko,” wika ni Gng. Irene Geron, School Librarian ng Caybiga High School (CHS).
pamamahayag,” ayon kay Liong. Naniniwala rin si Liong na malaking salik ang PASINAYA sa pagkamit ng tagumpay at pag-unlad ng kaalaman ng mga Caybigang mamamahayag, hindi lamang sa pagsulat ng mga artikulo, ngunit pati na rin sa pagkakaroon ng bukas na isipan sa mga nangyayari sa lipunan.
“Malaking tulong ang pagbabahagi ng mga alumni ng kanilang kaalaman at karanasan sa journalism, kung saan ay natuto talaga ako nang lubos mula sa kanilang discussion,” ani Jersan Santander, nagkamit ng Unang Pwesto sa patimpalak na isinagawa ni Elecyl Cabalquinto
Sumasang-ayon ang karamihan ng mga gurong nakapanayam na makatutulong ang pag-aalis ng administrative tasks sa mga guro dahil matututukan na nila ang pagtuturo at hindi na mahahati ang kanilang oras sa mga trabahong walang kinalaman sa pagtuturo.
Samantala, ginawang 10 ancillary tasks na lamang ng
DepEd ang dating 50 na gawain na nakaatas sa mga karaniwang guro.
Dagdag pa rito, inilipat ng DepEd ang mga panibagong non-teaching task sa mga school head, master teacher, at non-teaching personnels upang mabawasan ang administrative tasks na mayroon ang regular teachers.
“Siyempre parang additional burden ‘yan, additional trabaho sa katulad ko. Pero kaya naman kung pagtutuunan ng pansin at tatanggapin nang buong puso. Magagawa mo naman ang isang bagay kung buong puso mong tatanggapin, gagawin mo at willing ka matuto sa trabahong ito,” saad ni Gng. Rita Labrague, Puno ng Kagawaran ng Filipino na inatasang maging School Registrar.
Ayon pa kay Gng. Labrague, talagang makatutulong ang pag-aalis ng administrative tasks sa mga karaniwang guro dahil naaapektuhan ang oras na dapat ilaan sa pagtuturo.
Inaasahang makatutulong sa maayos na sistema ng edukasyon ang bagong polisiyang ito ng kagawaran.
Paunlarin ang kalidad ng edukasyon – Malapitan
“Ang pagkakaroon ng campus ng isa sa mga pinakamahusayna unibersidad sa buong bansa ay makatutulong sa ating mga inisiyatibong paunlarin ang kalidad ng edukasyon dito sa ating lungsod.”
Ito ang pahayag ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa pagkakaroon ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na magbubukas sa susunod na taon. Ayon sa Senate Bill No. 2013 noong 18th Congress, magiging ika-23 na sangay ang bagong PUP Caloocan North Campus.
Bukod pa rito, ito ang magiging kaunaunahang handog na unibersidad sa Rainbow Village Deparo, sa pagsisikap na punan ang puwang na dulot ng kawalan ng state-run Tertiary Education Institutions sa Metro Manila North o Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA) region.
Kaugnay nito, magkakaroon ang paaralan ng 6 na palapag na may 1,500 metro kuwadrado na binubuo ng mga laboratoryo, silid-aklatan, mga lugar ng pag-aaral, mga multipurpose hall, at mga opisina upang matiyak ang magandang kapaligiran sa pag-aaral para sa bawat mag-aaral.
Sinimulan naman ang pagtatayo ng campus noong Oktubre 20, 2023, kasama ang pagsasagawa ng seremonya nito.
Samantala, mag-aalok na ang University of Caloocan City (UCC) ng Industrial, Electronics, Electrical, at Computer Engineering, na nakatakdang buksan sa susunod na taong panuruan.
Ayon kay Congressman at dating alkalde ng lungsod na si Oscar “Oca” Malapitan, magtatampok ng modernong arkitektura ang gagamiting gusali na maituturing magandang diskarte sa pag-aaral dahil mapupukaw umano nito ang atensyon ng mga estudyante.
Ipinahatid naman ni Malapitan ang kaniyang pasasalamat sa Caloocan Local Government Unit sa patuloy na pagsisikap at suporta nito, lalo na sa Puregold Inc., bilang pangunahing asset ng Pamahalaang Lungsod na tumutugon sa lahat ng mga gastos na ginamit sa pagtatatag ng naturang proyekto.
90
paaralan, nakatanggap ng libreng laptop
Kaugnay sa pagnanais na makatulong sa larangan ng Journalism sa SDOCaloocan, ipinagkaloob ng City Government ng Caloocan ang 6.5 milyong badyet para sa 99 Acer Nitro 5 na laptops.
Ipinagkaloob ang mga laptop sa 90 na pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa SDO-Caloocan at ang siyam naman sa mga Public Schools District Supervisors (PSDS) na kabilang sa Journalism Team.
Ayon kay G. Tommy Rico, PSDS at Journalism Coordinator ng SDOCalocan, malaking tulong ang mga ipinamigay na laptop para sa mga gawain sa Journalism tulad ng pagsali sa mga contest at paggawa ng pahayagang pampaaralan.
“Sa ngayon, tig-isang laptop muna per school, mag-usap na lang muna ang English at Filipino Journ team ng school kung sino ang gagamit. Pero Batch 1 pa lang naman ito, nakapag-request na tayo ng dagdag na badyet ngayong taon para sa Batch 2 at madagdagan ng isa pang laptop ang bawat school by December,” dagdag pa ni G. Rico.
Binanggit pa ni G. Rico na maliban sa laptop, nais din ng SDO-Caloocan na mapagkalooban ang mga paaralan ng printer at camera na madalas gamitin sa mga contest.
CAYBIGAng MATATAG. Pinangunahan ni Dr. Angelina B. De Chavez, punongguro ng Caybiga High School (CHS) ang ginanap na State of the School Address (SOSA), tinalakay dito ang mga proyekto ng paaralan at amg kahalagahan ng MATATAG Curriculum sa CHS, Pebrero 23.
GABAY SA PAG - AALAY
Parenting Seminar, isinagawa sa CHS
“ Intindihin niyo ang inyong mga anak kasi hindi lang sila basta-basta nag-aaral — nag-aaral sila para sa kanilang kinabukasan.”
Ito ang pahayag ni Caybigan Instructional Council (CIC) Chairperson at Master Teacher I, Dr. Julie Olermo sa ginanap na 2nd Quarter Parenting Seminar sa Caybiga High School (CHS) noong Enero 19, 2024, na naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na kabilang sa Students at Risk (StAR) of Dropping and Retaining. Pinangunahan ni Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Social Welfare Assistant Razelle Hulguin ang pagtalakay kung paano magagabayan at masusuportahan ng isang magulang ang kaniyang anak sa kanilang pag-aaral.
Inilahad ni Hulguin ang iba’t ibang hakbang at payo upang mabigyang-gabay ng
mga magulang ang kanilang anak na kasalukuyang nagaaral, tulad ng pagtukoy ng ‘learning difficulty’ ng kanilang anak, pakikipagugnayan sa mga guro, at paglalaan ng oras para sa bukas na komunikasyon ng magulang sa anak.
“Para sa akin, mahalaga ‘yung paminsan-minsan na may ganito kasi mas nakikita ko kung ano ‘yung dapat kong malaman para sa anak ko,” saad ni Gng. Ailene, isang magulang na dumalo sa parenting seminar.
Dagdag pa niya, kapakipakinabang ang seminar na ito dahil hindi niya gaanong nagagabayan nang maayos ang kaniyang anak dahil sa paghahanapbuhay.
Binuo ng CIC ang
programang ito upang makatulong sa pagbuo ng matatag na relasyon sa pagitan ng mga magulang at kanilang anak.
“Sa mga nagdaang school year, pare-parehong mga mag-aaral ang sumasailalaim sa remediation program. Kaya siguro dapat na ring i-educate ang mga magulang sa pamamagitan ng isang parenting seminar,” ayon kay G. Jason Sibayan, isa sa mga CIC Focal Person.
Binanggit din ni G. Sibayan na kailangan nang isama sa programa ang mga magulang upang masiguro na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga nakaatang na gawain kapag nasa bahay na sila.
Ayon naman kay Cheryl Mei Emberador, isang mag-
Nagkaroon ng 2nd Quarter Parenting Seminar ang Caybiga High School patungkol sa mga mag-aaral na kabilang sa Student at Risk (StAR), tinalakay dito kung paano matutulungan ng isang magulang ang kaniyang anak na mas magkaroon ng interes sa pag-aaral, Enero 19.
GAIA GADDI
aaral mula sa 10-Jacinto na kabilang sa StAR, nakatutulong ang parenting seminar upang mas matutukan ng mga magulang ang kanilang anak na maiwasan ang maling gawain, na nagiging dahilan para bumagsak ang kanilang mga grado.
“Nakatulong ang parenting seminar sa relasyon namin ng aking magulang upang makapag-usap muli, at para ipagpatuloy ko ulit ang aking pag-aaral. Sa pamamagitan din ng program na ito, nalalaman ng aking magulang ang posible naming gawin para mabawi ko ang nawalang grade ko, at para maiwasan ang pagbagsak since graduating na po ako,” saad pa ni Emberador.
Sa naganap na unang parenting seminar noong Oktubre 16, 2023, dumalo ang 133 magulang mula sa Baitang 7 hanggang Baitang 12, habang 71 magulang naman ang nakilahok noong Enero 19, 2024.
Sinabi ng karamihan sa mga magulang at guro na dumalo sa parenting seminar na mahalaga at lubhang nakatutulong ang nasabing seminar upang magkaroon sila ng kaalaman at maging bukas ang kanilang isipan ukol sa pagtayo bilang isang mabuting magulang ng kanilang mga anak.
MATATAG Curriculum, isusulong sa CHS
Inumpisahan na ng Department of Education (DepEd) ang pagsasanay sa mga guro at pinuno ng paaralan sa programang MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa mula Enero 22 hanggang Abril 4, bilang paghahanda sa unang yugto ng pagpapatupad ng “MATATAG” curriculum sa S.Y. 2024-2025
Naglalayong mapaigting ng pagbuo ng kagandahang asal at character development sa mga mag-aaral ang MATATAG alinsunod sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education Act, pati na rin ang pagtalima sa 21st Century Skills, maging makabayan at responsable ang mamamayan sa revised basic education curriculum sa ilalim ng K-12 program na sumasaklaw sa kindergarten hanggang Grade 10.
Binigyang-diin ng DepEd na tinututukan ng MATATAG K-10 curriculum ang literacy, numeracy, at socio-emotional skills at bahagi rin ng curriculum ang mga peace competencies.
Magsisimula sa S.Y. 20242025 sa Kindergarten, Grade 1, 4, at 7 ang phased implementation ng MATATAG K-10 curriculum, ipapatupad naman sa Grades 2, 5, at 8 ang curriculum pagdating ng S.Y. 2025-2026; kasunod ng Grades 3, 6, at 9 para sa S.Y. 2026-2027 at sa S.Y. 2027-2028, ilulunsad ang revised curriculum sa Grade 10, kasunod ng ganap na pagpapatupad nito sa 2028.
Bilang bahagi ng isinagawang State of the School Address (SOSA), iniulat ni Dr. Angelina De Chavez, punongguro ng Caybiga High School (CHS), na nakahanda na ang paaralan sa pagpapaunlad ng MATATAG
Curriculum.
“Marapat lamang na sumunod ang lahat sa proyekto ng DepEd na MATATAG Agenda dahil ito ang pinakabasehan kung ano ang mga ginagawa para sa lahat, lalo na ng mga estudyante, guro at paaralan”, saad ni Dr. De Chavez.
Binanggit din ni Dr. De Chavez na hindi maisasagawa ang hangarin ng MATATAG Curiculum, kung hindi bibigyan ng programa, proyekto at aktibidad na susuporta sa mga guro at mga mag-aaral.
Ilan sa mga programa at proyekto ng paaralan na nakaangkla sa MATATAG Agenda ang mga sumusunod: National Registration (EFA), School Intervention Program (NLPA, SARDO), School Enrichment Program (SME), Co-curricular and Extra-curricular Activities, Open High School Program (OHSP) Inclusive Education at iba pang mga programang inilunsad ng CHS.
MATATAG NA CAYBIGAn
YURIE DILAO
Grade 7 enrollees, bumaba; pamunuan ng CHS, nabahala
PAG-ASA NG BAYAN. Nagmistulang bayani ang mga estudyanteng nagpatuloy at natiwalang matuto ng bagong kaalaman sa tatahakin nilang sekondarya na siguradong mapakikinabangan, mula sa mga mahuhusay na guro sa ilalim ng Caybiga High School. MARY BILLONES
Nangamba
ang pamunuan ng Caybiga High School (CHS) sa pagbaba ng halos 170 enrollee sa Baitang 7 ngayong taong panuruang 2023-2024
Batay sa datos na ibinigay ni Gng. Maria Elena Francisco, Learner Informations System (LIS) Coordinator, bumaba ng 24% ang bilang ng mga magaaral mula sa natalang 690 noong S.Y. 2022-2023 na umabot naman sa 523 na bilang ngayong kasalukuyan.
Sa panayam sa punongguro ng CHS, Dr. Angelina De Chavez, nabawasan ang bilang ng mga mag-aaral sa Baitang 7 ngayong school year dahil kakaunti lamang ang mga mag-aaral na nakapagtapos ng Baitang 6 noong nakaraang taong panuruan base sa ibinigay na impormasyon ng punongguro ng Caybiga Elementary School (CES) at Bagbaguin Elementary
School (BES) na catchment area ng CHS. “Ang mga Grade 7 ngayon, sila ang batch na noong nagGrade 1 sila, iyon ang school year na nagkaroon ng mahigpit na pagbabawal sa mga upcoming Grade 1 na hindi nag-Kinder,” dagdag pa ni Dr. De Chavez. Nabawasan din ang bilang ng mga pangkat sa Baitang 7 ng apat, na dating 18, dahil sa pagbaba ng bilang ng enrollment, pag-drop out ng mga mag-aaral sa kalagitnaan ng COVID-19 Pandemic, at pagbabalik ng ilang naabutan sa Maynila noong nagkaroon ng lockdown, sa kanikanilang mga probinsya matapos magsimula ang blended learning. “Mas pinili ng iba na mag-enroll
sa ibang division dahil siguro mas magbibigay ng oportunidad sa kanila ang pag-enrol sa ibang school kumpara sa Caybiga,” saad pa ni Gng. Francisco. Kasabay sa mga bumaba ang enrollee ang Baitang 8 hanggang 10, nabawasan ng 7% ang bilang ng mga mag-aaral ngayong taong panuruan na nasa 2,090 na mas mababa kumpara noong nakalipas na S.Y. 2022-2023 na 2,250. Bilang tugon sa kinakaharap na suliranin, nagsimulang magpaskil ng mga anunsyo sa social media pages ng CHS at sa labas mismo ng paaralan, upang makita ng mga mag-aaral at mamamayan ang inaalok na de-kalidad na pagtuturo ng CHS.
ang bilang ng mga enrolled student sa S.Y. 2023-2024. Bumaba ito ng 0.2% mula sa 2,940 na bilang ng enrollees noong S.Y. 2022-2023.
ang ibinaba ng enrolment rate sa Baitang 7 sa S.Y. 2023-2024 kumpara sa bilang ng enrollees noong S.Y. 2022-2023.
Nakipag-ugnayan din ang paaralan sa CES at BES sa paglalagay ng tarpaulin sa labas ng kanilang paaralan upang mas marami pa ang makakita ng impormasyon.
SENIOR HIGH ENROLLES
Nadagdagan naman ng 7% ang bilang ng mga enrollee sa Senior High School (SHS) ngayong taong panuruan na nasa 321 kumpara noong nakarang S.Y. 2022-2023 na 299. Ayon kay Senior High School Grade Level Chairperson, Gng. Vea Marie Ibardaloza, tumaas ang bilang ng mga mag-aaral ng senior high ngayong taong panuruan dahil sa malawigang pamamahagi ng impormasyon na nag-aalok ang CHS ng SHS programs.
“Bukod pa rito, makikita na sa paglipas ng mga taon ay
ang bilang ng mag-aaral sa Baitang 9. Ito ang baitang na may pinakamataas na bilang ng enrollees sa S.Y. 2023-2024.
BFP sa Caybigans: Seryosohin ang Earthquake Drill
Satotoong buhay hindi na natin magagawang tumawa pa kung sakaling maranasan na ang lindol lalo na ang ‘The Big One’, seryosohin dapat natin ang ganitong paghahanda dahil hindi natin alam kung saan at kailan ito tatama.”
Ito ang naging paalala ni Volunteer Firefighter Maribeth De Dios Salazar, matapos isagawa ang kauna-unahang Earthquake Drill ngayong taon sa Caybiga High School (CHS) nitong Enero 19, 2024.
“Lagi nating tatandaan na kapag may earthquake, ang kasunod po niyan ay sunog. Kaya dapat alam po natin ang ating gagawin,” saad pa ni Salazar.
Bilang paghahanda, nakiisa ang mga mag-aaral sa isinagawang Earthquake Drill kasama ng mga guro, pulis, at Caybiga Bureau and Fire Protection (BFP).
“Ang pinag-uusapan natin ay buhay kaya dapat seryosohin ito. Kaya nagkakaroon tayo ng ganito upang maging handa sa anumang kapahamakan,” wika ni G. Romualdo Andres.
Matapos ang isinagawang drill, nagkaroon ng orientation na pinamunuan ng mga bumbero mula sa Caybiga BFP. Pinuna ng mga miyembro ng Caybiga BFP ang hindi pagserseryoso ng mga mag-aaral sa isinasagawang drill. Dagdag pa ni PEMS Noli Aquino, sa pamamagitan ng tamang paghahanda at pagsunod sa mga tamang hakbang, maaari nating masiguro ang kaligtasan ng lahat sa panahon ng lindol. Samantala, iminungkahi
naman ng tagapayo ng Red Cross Youth (RCY) na si Gng. Flordeliza Tiburcio na huwag gawing laro ang mga drill, kinakailangan ding may medical certificate ang mga may sakit na estudyante at dapat alam ito ng kanilang mga guro.
Sa tulong ng paghahanda ng ‘Go Bag’ na naglalaman ng mahahalagang bagay tulad ng pagkain, gamot, damit, pera at mga dokumento, mas lalong magiging handa ang lahat sa panganib na dala ng lindol.
BATANG
naitatag na ng Caybiga High School ang reputasyon nito sa de-kalidad na edukasyon dahil sa patuloy na paglikha ng mga mag-aaral na mahuhusay sa iba’t ibang larang,” dagdag pa ni Gng. Ibardaloza.
Sa panayam kay Kate Aleana Fabreag mula sa 11-HUMSS B, napili niyang makapag-aral ng Senior High School sa CHS dahil sa kaniyang alma mater, nagaral siya ng junior high school sa nasabing paaralan kaya’t napamahal na rin siya rito.
Naging daan naman ang pagtigil sa pag-aalok ng SHS programs ng mga State Universities and Colleges (SUC) at Local Universities and Colleges (LUC), upang mabigyan ng opurtunidad ang mga pampublikong paaralan kabilang na ang CHS upang dumami ang bilang ng mga magaaral na mag-e-enroll sa kanila.
INCLUSIVE EDUCATION
Bahagi rin sa inaalok ng CHS ang Open High School (OHS) sa ilalim ng Inclusive Education, para sa mga nais pang makapagtapos ng pag-aaral sa gitna ng mga kinakaharap na problema o salik na nakaaapekto sa kanila, tulad ng katandaan, financial or family problems, teenage pregnancy, at marami pang iba.
Sa kasalukuyan, 71 na mag-aaral ang kabilang sa OHS na mas mababa ng 11% sa nakaraang bilang para sa S.Y. 2022-2023 na 80.
SSLG, naglunsad ng Anti-Drug Symposium
Upang maging bahagi ng solusyon sa isyu ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, ikinasa ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Caybiga High School (CHS), ang proyektong Anti-Drug: ‘Let’s End the Overdose,’ noong Nobyembre 17, 2023 na dinaluhan ng mga presidente ng bawat klase at lahat ng mga estudyante sa Baitang 7, 8, 10 at Senior High School (SHS).
Layunin ng programa na maitaas ang kamalayan ng mga mag-aaral sa pinsalang maidudulot ng bawal na gamot, malabanan ang pag-abuso sa droga at maipaalam ang mga batas, kabilang na ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 Law na nilalayon ang mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na gamot.
“Bilang estudyante, ang pagaaral ang dapat na i-prioritize natin kaysa sa bisyo, kaya gumawa ng symposium na ito para mapaalalahanan ang mga estudyante,” pahayag ni Leigh Aubrey De Vera, Bise Presidente ng SSLG.
Pinangunahan nina Pastor Arniel Romero, Brgy. 165 AntiDrug Abuse Council (BADAC) Councilor at Bb. Paulinne Rodriguez, school clinician at guro sa MAPEH, ang nasabing symposium.
Ayon kay Bb. Rodriguez, maaaring bigyan ng kapangyarihan ang mga kabataan sa paglaban sa panganib na maidudulot ng droga sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang mga symposium at workshop tungkol sa kamalayan at ang pangmatagalang epekto ng pag-abuso sa droga sa katawan ng tao.
“Upang maturuan ang mga kabataan, kailangan nating palakasin ang impormasyon at kaalaman tungkol sa pag-abuso sa droga at ang epekto nito sa katawan ng tao upang i-unlock ang iba’t ibang mga senaryo sa buhay na mangangailangan ng mga kasanayan sa paggawa ng desisyon,” dagdag pa niya.
Tinalakay sa nasabing programa ang mga sanhi, epekto, batas at mga pamamaraan kung paano maiiwasan ang bawal na gamot at ipinaliwanag din na mas mahalaga ang pag-abot ng pangarap ng mga estudyante kaysa sa paggamit ng ilegal na droga.
“Ang droga ay parang tsokolate; kapag ito ay iyong natikman, ikaw ay masasabik at masasarapan kung kaya’t ito’y iyong magugustuhan,” ayon kay Pastor Romero.
ANG
CAYBIGAN, LIGTAS KAHIT SAAN
Pinaalalahan ng mga bombero mula sa Caybiga ang mga mag-aaral na maging handa kung sakaling maranasan ang sakunang lindol, nagbigay paalala rin sila sa mga estudyante na hindi sineseryoso ang drill, Enero 19.