Hindi pa huli ang pagsisimula ng nararapat na tunguhin ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas hangga’t may dahilan upang mag-umpisang muli.
“Kabataan ang pag-asa ng bayan.”
Kasabihang maging ang ating pambansang bayani ay pinanghahawakan.
Ang Caybigan Patnugutan 2024-2025
Sahra Delmiguez
Punong Patnugot
Marian Daen
Pangalawang Patnugot
Ayessa Mae Bataan
Samantha Descaya
Tagapamahalang Patnugot
Kristoph Abanid
Princess Nichole Caspe
Tagapangasiwa ng Pamamahagi
Sophia Descaya
Patnugot sa Balita
Hannah Mendiola
Patnugot sa Opinyon
Alleyson Joy Sobreviñas
Patnugot sa Lathalain
Kerby Gallego
Patnugot sa AgTek
Sean Art Jahren Rocha
Patnugot sa Isports
Hency Craine Acaba
Ma. Shiela Jane Ferrer Punong Taga-anyo
Denver Galangco
John Emanuel King Pinto Punong Dibuhista
Joshielle Delfinado Punong Tagalarawan
Kontribyutor:
Precious Bertulfo
John Yurie Dilao
Kim Denisse Arcilla
Stephany Jean Panizal
John Vincent Sangullas
Jhared Marcos
Princess Xylyn Gonzales
Jharone Christian Abarabar
Krizzia May Espiritu
Mark Pohl Evangelista
Rean Jae Arellado
Airene Princess Lacaden
Reynald Andrei Arenas
Joshua Jose
Jm Rich Acevedo
Samaire Elyse Abacan
Quennie Renieva
Kyan Joe Jardin
Charles Aeron Babas
Ma. Filipina Parreñas
Ehlie Nehemiah Campos
Heidilynn M. Alauig Tagapayo
Gng. Rita C. Labrague
Puno ng Kagawaran
Gng. Dinna N. Pozas
Punongguro
Ngunit nakababahalang taliwas ito sa resulta ng datos mula sa mga pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education (Edcom II) na may layong alamin ang kalidad ng Early Childhood Care and Development (ECCD) sa bansa, maging ang dahilan ng pagkakaroon ng 91% learning poverty rito. Napaghuhulihan at nangungulelat— iyan ang sitwasyon nito sa Pilipinas.
Nakapaloob sa Republic Act (R.A.) No. 10410 o “Early Years Act (EYA) of 2013” ang pagpapatibay sa mga programa ng ECCD System nang matutukan at matugunan ang paghubog at pagpapaunlad sa pagkatao ng mga batang may edad na apat na taong gulang. Kabilang dito ang pagpasok ng mga batang edad tatlo hanggang apat sa mga Child Development Center (CDC) subalit nakalulungkot na hindi ito natututukan at nabibigyang-aksyon base sa datos ng World Bank noong 2023 na sa kabuoan ng mga batang edad tatlo hanggang apat na naka-enroll sa mga pampublikong institusyon, 19% lamang nito ang pumapasok sa mga CDC sa kadahilanan ng mga magulang nila ang nagsasabing masyado pa silang bata upang pumasok sa nasabing center.
Resulta ito ng kakulangan at kawalan sa pondo ng bansa na nakalaan dapat sa pagpapatayo ng mga pasilidad at pagtugon sa mga kinakailangang kagamitan tulad ng upuan, mesa, pisara, at iba pa. Dagdag pa rito, tinatayang siyam sa 10 child development teachers ay mga boluntaryo at nonpermanent na may average allowance lamang na P5,000 kada buwan— mababa pa sa minimum wage. Kung susumahin, kulang na kulang ito sa isang guro na may tinutustusang pamilya at umaako sa gastusin tulad ng pagpi-print ng modules na kinakailangan para sa CDC na kaniyang pinapasukan dahil sa hindi ito kayang sustentuhan ng mga barangay. Kung gayon, hindi na rin nakapagtatakang kaunti lamang sa kabuoan ng mga batang edad apat pababa sa bansa ang pumapasok sa CDC dahil sa nakikita ng kanilang mga magulang na sistema nito. May posibilidad silang
mawalan ng tiwala na ipasok ang kanilang mga anak sa CDC na nakikita naman nilang hindi sinusuportahan ng gobyerno; na maging ang mga magtuturo dito ay hindi nabibigyan ng karampatang sweldo at kagamitan para sa kanilang boluntaryong pakikiisa sa pagpapanatili na magkaroon ng kaunlaran sa pisikal, emosyonal, at mental na kalusugan habang sila ay bata pa. Sa kabilang banda, pilit na inilalayon at hinahangad ng iba’t ibang sektor ng Pamahalaan ang pagkakaroon ng kalidad sa edukasyon at kalusugan ng mga Pilipino nang sa gayon ay matuldukan ang pagkahuli ng bansa sa buong mundo. Subalit hindi naman nakikita ang aksyon. Paulit-ulit lamang ang layunin ngunit walang resulta ng pagbabago’t pag-unlad sa kalagayan ng mga mamamayan, lalo na sa mga liblib na lugar. Ipinakikita lamang nito na napakalaki at ganito kabigat ang suliranin ng bansa pagdating sa ECCD na mahabang panahon pa ang gugugulin upang mahabol ang maunlad na performance ng mga kabataan.
Kung kaya’t nararapat na bigyan ng aksyon ang mga isyung humahadlang sa patuloy na pagpapaunlad sa kalusugan at edukasyon ng mga kabataan. Pagkakaisa ng mga Kagawaran ang kinakailangan nang hindi na manatili sa dulo ang bansa pagdating sa kaunlaran nito. Kaakibat nito ang matalinong pagboto ng mga Pilipino sa tama at nang tama sa kung sinong wawakas sa cycle ng mga pangako ng maunlad na Pilipinas. Kinakailangan ding masiguro na magagamit sa tama ang dapat na pondo sa mga proyektong may kaugnayan dito at mas palawakin pa ang access sa kalidad na edukasyon.
Malaking epekto ang ECCD sa ekonomiya ng bansa. Natutulungan nito ang mga bata na matutuhan ang mga paunang kaalamang kanilang dapat malaman bago pumasok sa pormal na paaralan kung saan maiiwasan nila ang pagkabigla at pagkahuli sa mga gawain na dapat ay nasanay na sa CDC. Makaii was din ito sa bilang ng dropouts sa bansa at sa pamamagitan nito, masisiguro na pagtungtong nila sa mas mataas na antas ng edukasyon, magkakaron na sila ng sapat at karampatang kaalaman patungkol sa dapat nilang nalalaman.
Tunay na kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit hindi ito maisasakatuparan kung walang sapat na suporta at progresibong aksyon mula sa mga Kagawaran.
Sistematikong
solusyon, Dapat Isulong
Nagmistulang karagatan ang Bicol matapos daanan ng hagupit ng bagyong Kristine ang probinsya. Nakalulungkot ang trahedyang iniwan nito sapagkat marami ang nasawi, na umabot sa 81 katao, at libo-libo ang nawalan ng masisilungan. Samantala, nagmistulang tinangay rin ng baha ang bilyonbilyong pondong nakalaan para sa Flood Control Projects na hindi man lang naramdaman noong kasagsagan ng bagyo. Saan napunta ang pondo? Bakit bigla itong naglaho na parang bula?
Mayroong P5.768 trilyong badyet ang Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong 2024, at P255 bilyon nito ang nakalaan para sa flood control projects kabilang na ang P31.9 bilyon para sa Bicol Region, ayon kay Senator Joel Villanueva. Kung titingnan, isa ang DPWH sa mga kagawarang may malaking badyet subalit bigo ang naging aksyon nila matapos lumubog sa baha ang mamamayan mula iba’t ibang lugar.
Dahil dito, siniguro ni Senate President Francis “Chiz” Escudero noong Oktubre 25, 2024 na bubusisiin ng mga senador ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kung saan nga ba napunta ang pondong nakalaan para sa proyektong magsisilbi sanang proteksyon laban sa kalamidad, ngunit mas lalong nagpalala sa kalagayan ng bawat isa dahil sa palpak na pamamahala ng mga lider na dapat namumuno at ginagamit sa kapakanan ng mamamayan ang badyet.
Tila salamin din ng palpak na mga proyekto ng Local Government Unit (LGU) ang nag-viral na post ng isang sikat na page sa Facebook sa Caloocan kung saan nakalagay sa isang karatula ang mga salitang “This is where your taxes go” ngunit sa halip na magandang resulta ang makita, nakadidismayang lumubong din ang karatula sa baha. Ipinapakita nito na hindi ganoon kahanda ang ating gobyerno sakaling magkaroon ng malawakang kalamidad.
Sa aking palagay, hindi rin naman maipagkakailang sa patuloy na pag-unlad ng bansa, tila nalilimutan din ng karamihan ang pangangalaga sa kalikasan. Sa simpleng pagtatapon ng basura, malaki na ang tulong nito upang maiwasan ang climate change at iba’t ibang sakuna. Dagdag pa rito, malaki rin ang epekto ng walang habas na pagbuga ng mga nakasusulasok na usok mula sa mga pabrika na mas lalong nagpapainit sa kapaligiran at nagpapalala ng mga kalamidad sa bansa.
Sa kadahilanang ito, dapat ding tiyaking ginagamit nang tama ang bawat pisong badyet na makapaghahanda ng kongkreto, epektibong proyekto, at hindi programang pangalan at logo lamang ng nagiimplementa nito ang makikita. Pangmatagalan at sistematikong
MATA SA MATA Sophia Descaya
Dibuho ni Denver Galangco
Dibuho ni Denver Galangco
Kitilin ang Katiwalian, Huwag ang
Taumbayan
Marami ang nagdusa sa isang sistemang tila pabor lamang sa mayayaman at makapangyarihan, mundong tila walang katarungan para sa mga mahihirap. Ngunit, kaya nga bang baguhin ng panahon ang bulok na sistema noon? Naging maingay ang napapanahong Quad Committee hearing patungkol sa mga hindi makataong pagkamatay ng ilang biktima ng War on Drugs noong administrasyon ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte. Marami ang nagulat at nalungkot para sa mga nabiktima at hustisya ang hiling nila para sa mga ito.
Noong administrasyon ng Pangulong Duterte, hindi maaalintanang naging madugo at maraming mga namatay. Humigit kumulang 30,000 kataong pinaghihinalaang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang nawalan ng buhay sa ilalim ng War on Drugs. Hindi kapani-paniwala ang dami nito at talagang nakapagtataka kung talagang totoo nga ba ang ibinibintang sa mga namatay.
Malinaw na ilegal at ipinagbabawal ang paggamit ng ilegal na gamot at dapat na maparusahan ang kung sino mang lumabag sa batas na ito, ngunit natatapakan din ng karapatang mabuhay ng mga mamamayan sa pagsulong ng War on Drugs. Nakapaloob sa Artikulo 3, Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas na hindi dapat alisan ng buhay ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas. Masasabing nalabag ito noong kasagsagan ng War on Drugs dahil sa dami ng biglaang namatay at sinasabing nanlaban ngunit hindi napatunayan at hindi dumaan sa tamang proseso. Talagang nakalulungkot na ang daming mga mamamayang nawalan ng karapatan sa maikling panahon.
DERETSAHAN
Marian Daen
Sa mga nagdaang eleksyon, marami sa mga kandidato ang nagsasabing nais nilang magbigay ng bagong direksyon sa ating bansa, ngunit sa kanilang pag-upo sa pwesto ay paulit-ulit lamang natin nakikita ang parehong mga isyu at kabiguan sa kanilang pamamahala. Kaugnay nito, inilalarawan pa ng mga mamamayan na pawang circus at playground ang listahan ng mga indibidwal at party-list aspirants na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) nitong Oktubre 9, 2024 para sa Eleksyon 2025. Tunay na nakababahala ang sistema ng pamamahala sa Pilipinas, lalo na ngayong maging ang mga may hangaring maglingkod sa ating bayan ay walang maayos na background at adbokasiya sa pagkamit ng mas maunlad at organisadong bansa. Ayon sa Comelec, 43,033 ang kabuoang nagsumite ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination - Certificate of Acceptance (CON-CANS) sa buong bansa para sa 2025 national at local elections. Kinabibilangan ito ng mga karaniwang mamamayan, artista, at dating politiko. Isa ang nakakulong sa Pasig City Jail na kinikilalang pastor at bumuo ng samahan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy, sa mga nagpasa nito kahit pa humaharap siya sa patong-patong na kaso na nasa ilalim ng child at sexual abuse, maging ng human trafficking. Kung kaya’t nakapagtataka at nakadidismayang maging ang may sala at nakakulong dahil sa kaliwa’t kanang ebidensya ng kaniyang pang-aabuso, ay mayroon pa ring pagkakataong pamunuan ang bansa.
Naging usap-usapan pa ang pagbasura ng Comelec sa petition ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP) upang idiskwalipika ang pagtakbo nito bilang senador sa nalalapit na halalan. Dahil dito, tila naisantabi na lamang ang mga kasong ipinataw sa kaniya ng kaniyang mga biktima at pawang sampal pa ito sa mukha nila na pinayagan pa ng gobyerno, na siya sanang magtatanggol sa kapakanan.
May Unity pa ba sa Uniteam?
Kahit sabihing nakatutulong ang proyektong ito sa pagbabawas ng mga nagbebenta at gumagamit ng droga, may mga inosente ring kinitilan ng buhay at nadungisan ang pangalan kahit hindi naman naging sangkot sa kahit anong krimen. Katulad na lamang Darwin Hamoy na namatay sa edad na 17 dahil napagbintangang gumagamit ng ilegal na gamot. Sinasabing bumisita sila ng lamay at inutusan siyang bumili ng sigarilyo ng kaniyang ama. Dumating ang mga pulis na may hinahanap na pinaghihinalaang gumagamit ng ilegal na droga, saka nangyari ang pamamaril at isa siya sa nada may at nasisi. Masasabing hindi makatarungan ang nangyari sa kaniya sa murang edad at hindi rin napatunayan kung isa ba talaga siya sa mga sangkot sa krimen.
Mahihirap ang karamihan sa mga biktima ng War on Drugs noon. Hindi napatunayan ang maraming kaso kaya naman dapat na lubos na imbestigahan. Dapat na malaman ang mga katotohanan patungkol sa mga nangyari noong administrasyon ng dating Pangulong Duterte at kung may mali man o hindi makatarungan, pormal siyang humingi ng tawad sa mga pamilya ng nabiktima at harapin ang kaso. Pagbayarin din ang mga pulis na walang-awang pumatay ng mga inosenteng biktima.
Ang mga isyung ito ang sumasalamin sa sistema ng hustisya ng Pilipinas. Nakalulungkot na maraming mamamayan ang hindi nagkaroon ng pagkakataong ipaglaban ang kanilang karapatan dahil lamang sa kakulangan ng pera at nakadidismaya rin na ngayon lamang nabigyan ng pansin at nabuksan ang mga katiwaliang dati pang nangyayari sa ating bansa. Patunayan sana ng mga naluklok sa puwesto ngayon na hindi lamang para sa mayaya man ang hustisya at patunayan nating mas matalino at hindi na magbubulag-bulagan ang mga mamamayan sa panahon ngayon. Katiwalian ang dapat kitilin, hindi ang taumbayan.
Parang spaghetti ang trust at performance ratings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte batay sa sarbey na inilabas ng OCTA Research nitong Setyembre 2024 sa kadahilanang pababa ito nang pababa. Naging 59% and dating 65% na trust rating ni VP Duterte noong Hulyo 2023 habang bumaba naman ng 3% ang trust rating ni Marcos mula sa 71% noong Second Quarter. Makikita sa mga numerong ito ang bumababang tiwala ng mga Pilipino sa kanila at sa kanilang pamamahala.
Binanggit ng OCTA Research na normal naman ang pagbaba ng trust rating ni Pangulong Marcos ngunjt kapansin-pansin ang malaking pagbaba ng trust rating ni VP Duterte. Matatandaan na nitong mga nakaraang buwan, humarap ang Bise Presidente sa kaliwa’t kanang isyu at kontrobersiya na tiyak naging sanhi ng pagbaba ng kaniyang trust ratings. Kataka-taka rin na ang mga naging isyu ni Duterte ay palaging tungkol sa budget at sa hindi niya pagtupad sa kaniyang mga responsibilidad.
Nakaapekto sa pagbaba ng trust rating ni VP Duterte ang kaniyang mga isyu bilang dating Kalihim ng Department of Education (DepEd). Una na rito ang umingay na confidential funds noong Oktubre 2023. Inilarawan niya bilang kalaban ng bayan ang sinumang kontra sa P650 milyong confidential funds na hinihingi ng Office of the Vice President at DepEd. Dahil nais ng Bise Presidente na maging confidential ang fund na ito pinagdudahan ang kaniyang mga naging aksiyon. Pinuna rin ng mga Pilipino kung paano tinawag ng Bise Presidente ang kaniyang sarili bilang isang designated survivor dahil sa pagpunta niya
TAHIMIK NA BOSES
Yurie Dilao
PUNTO PER PUNTO
Hannah Mendiola
Dibuho ni Emanuel Pinto
I-scan
Dibuho ni Denver Galangco
ng mga Pilipino mula sa lantarang pang-aabuso. Nakatatawa mang isiping harap-harapan nang niloloko ng pamahalaan ang mga mamamayan nito, nakalulungkot pa ring may posibilidad na maging bulag-bulagan ang ibang botante at mailuluklok ito, lalo na’t kung hindi ginamit ang pagsasaliksik at pagpapasiya nang matalino sa pagpili ng nararapat.
Kung susumahin, nang magawa ni Quiboloy ang kaniyang mga kasalanan, siya na rin ang nagpatunay na hindi siya karapat-dapat na mamuno sa mga Pilipino at walang puwang ang gobyerno para dagdagan pa ang magpapabagsak sa sistema ng bansa ng mga mamamayan nito. Kinakailangan ng mabuti at tamang intensyon, na sasabayan ng aksyon upang magkaroon naman ng pagbabago ang Pilipinas. Imulat ang mga mata, buksan ang tainga at bibig ng taumbayan nang matauhan ang bawat isa na hindi nakadepende sa kasikatan ang galing at kredibilidad na pamunuan ang milyon-milyong tao— kahit pa ang dahilan ng kaniyang pagsikat ay dahil sa bahid ng pang-aabuso.
Sa kabilang banda, hindi naman kinakailangan ng posisyon upang makatulong sa publiko. Huwag na sanang tumakbo sa Eleksyon kung ang tanging adbokasiya ay tumulong sa nangangailangan at hindi para solusyunan ang dahilan kung bakit kailangang tulungan ang mga mamamayan. Para sa akin, kung publiko ang ating responsibilidad at paglilingkuran — hindi sila dapat gawing pang-trial and error at para sa karanasan lamang. Hindi pang-eksperimento ang pamamahala, isa itong mabigat at seryosong responsibilidad na kinabukasan ng mga nasasakupan ang nararapat isaalang-alang.
Sa huli, nasa kamay pa rin ng mga botante nakasalalay kung patuloy na iikot sa mala-circus na sistema ng pamahalaan ang ating bansa. Kung mangyari man ito, paulit-ulit lamang na aasa at madidismaya ang mga Pilipino sa mga pangako na sa umpisa lamang may pag-asa. Ngayon na pinal na ang mga nagpasa ng COCs, pagsasaliksik ng tamang impormasyon at pagboto sa nararapat ang tanging magagawa ng mga botante nang sa gayon ay hindi tuluyang maging palaruan at katuwaan ang Pamahalaan sa Pilipinas.
Uniteam?
sa ibang bansa kahit na kasagsagan ito ng bagyong Carina. Dahil tila tinakbuhan ng Bise Presidente ang kaniyang responsibilidad na tulungan at pangalagaan ang Pilipinas, lalo na sa panahon ng sakuna, umani ito ng mga batikos.
Dumagdag pa rito ang ginawa niyang libro nitong Agosto 2024 na pinamagatang “Isang Kaibigan, at umani ng kaliwa’t kanang mga batikos dahil sa hiling nitong budget na P10 milyon na siya namang hindi nakitaan ng mga Pilipino ng benepisyo para sa sistema ng edukasyon. Masasabing hindi ito akma sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at guro at isang halimbawa ng maling prayoridad sa paggamit ng pondo sa edukasyon.
Ngunit ang pinakamalala at pinakanakababahala ay ang pag-iisip niyang tanggalan ng ulo ang mismong Presidente dahil sa galit at sinabihan ng masasamang salita ang pamilya ng Pangulo. Nabanggit din ni VP Duterte na minsan na niyang sinabi kay Senador Imee Marcos na kung hindi siya titigilan ay huhukayin niya ang labi ng kanilang ama na si dating Pangulong Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea. Hindi maganda at hindi dapat ganoon ang asal o kilos ng isang taong mataas ang posisyon sa gobyerno lalo na’t siya ang tumatayong kanang kamay ng Pangulo.
Maraming alegasyon at isyu ang kinakaharap ngayon ng Bise Presidente na kahit ang dapat niyang kakampi o katulong sa pamamahala ng Pilipinas ay gusto nyang tanggalan ng ulo. Kung ang dalawang politiko na may pinakamataas na posisyon sa gobyerno ay walang pagkakaisa at kaayusan, ano pa kaya ang aasahan natin sa mga mas may mababang posisyon o sa mga karaniwang Pilipino? Talagang salungat ang kanilang mga kilos sa layunin ng kanilang alyansa at makikitang wala nang unity sa Uniteam.
Liham sa Patnugot
Bilang mag-aaral ng Caybiga High School, marami akong natutuhan sa iba't ibang balita at isyu sa loob at labas ng paaralan, lalo na sa isyung panlipunan dahil sa inyong patnugutan na nakakaapekto sa akin at sa mga kapwa ko mamamayan. Hindi sana tumigil ang inyong pamamahagi ng impormasyong maaasahan, makatotohanan, at walang kinikilingan. Patuloy pa rin kayong maging boses at tainga ng mga Caybigan. Maraming salamat po.
Tugon ng Patnugot
Isang karangalan sa aming patnugutan na nakatulong ang aming mga artikulo upang mamulat kayo sa mga kaganapan at isyu sa inyong paligid. Patuloy naming paghuhusayan ang aming serbisyo upang magsilbi kaming motibasyon at inspirasyon sa bawat mag-aaral na maging maalam na mamamayan. Kaisa niyo ang buong puwersa ng patnugutan sa pagtugon sa mga isyung panlipunan para sa mas matalinong henerasyon.
Mensahe ng Punongguro
Isang malugod na pagbati sa inyo sa paglabas ng ating pahayagan na Ang Caybigan! Ang bawat pahina ng pahayagang ito ay bunga ng masipag na pagsusulat, pagsusuri, at pagmamahal sa wika at katotohanan. Nais kong bigyang-pugay ang ating mga batang mamamahayag na naglaan ng oras at talento upang buuin ang pahayagang ito. Ang inyong mga kwento ay salamin ng ating Mataas na Paaralan ng Caybiga — buhay, makulay, at puno ng pag-asa para sa mas maliwanag na kina- kasan. Sa inyong mga panulat, nadarama ang inyong dedikasyon sa integridad at katotohanan, mga halagang dapat nating patuloy na yakapin sa anumang larangan ngbuhay. Sa mga mambabasa, nawa’y maging inspirasyon ang bawat artikulo sainyong pang-araw-araw na buhay. Ang lahat ng ating paglilingkod at pagsusumikap ay ating inaaalay para sa Caybiga High School, sa ating bayan at higit sa lahat, sa ating Panginoong Maykapal. Mabuhay ang Caybiga High School Filipino Journalism!
Ang mensahe ko para sa aking mga minamahal na campus journalist, alam kong mahirap sumulat ng mga balita lalo pa’t hindi pa kayo sigurado dahil maraming prosesong pinagdaraanan. But at least you’re trying your best kahit mahirap, kahit hindi malinaw dahil dito kayo nagkaka roon ng kaalaman. It also takes a lot of courage to do so. ‘Yong effort niyo rin, ipagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo, ang naumpisahan and I hope at the end you’ll meet success. Good luck sa mga laban at mga paparating pa. Just keep it up!
Dibuho ni Emanuel Pinto
Dr. Warren A. Ramos OIC, Assistant Schools Division Superintendent of SDO - Caloocan City
Dibuho ni Denver Galangco
Gng. Dinna N. Pozas Principal
Mag-ulat. Magmulat.
Pahayagan
Bagong Kaibigan
Tila nabunutan ng tinik ang mga Pilipino nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Senador Sonny Angara bilang bagong Kalihim ng Department of Education (DepEd) noong Hulyo 2 kapalit ni Bise Presidente Sara Duterte na nagbitiw sa puwesto noong Hunyo 19. Matatandaang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang pamamahala ng dating Kalihim, kaya sa tingin ko, mas magiging maayos ang pamamahala ni Sen. Angara. Dahil na rin sa mga naipasa niyang batas para sa edukasyon gaya ng RA 10931 na nagpatupad ng libreng tuition fee sa mga state universities.
Batay sa datos na inilabas ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2022, pumuwesto sa ranggong 76 sa 81 na mga bansa ang Pilipinas sa larangan ng Mathematics, Science, at Reading Comprehension. Dahil diyan, hiniling ni Pangulong Marcos na mas pagtuunan ng pansin ng bagong Kalihim ang pagpapaunlad ng information literacy, problem solving, at critical thinking skills ng mga mag-aaral. Simbolo rin ng pamamahala at mga programang ipinatupad ng mga nauna nang mga Kalihim ang resulta ng PISA.
Sinabi ni VP Sara sa kaniyang huling talumpati bilang Kalihim ng DepEd ang mga programa at proyekto na ipinatupad sa kaniyang dalawang taong panunungkulan. Kabilang dito ang MATATAG Agenda, Kinder to Grade 10 (K to 10) MATATAG Curriculum, pagrepaso ng Senior High School (SHS) Curriculum, paglulunsad ng National Learning Recovery Plan, at pagbabalik ng in-person classes. Makikita pa rin na sa kabila ng mga alegasyon at isyu sa kaniyang pamamahala, may mga proyekto pa rin siyang nasimulan na nakapagpaunlad sa kalidad ng edukasyon.
Sa unang talumpati ni Sen. Angara bilang Kalihim ng DepEd, sisiguraduhin niyang ipatutupad at ipagpapatuloy ang mga programa na makakatulong upang sa mas magkaroon pa ng kalidad ang edukasyon ng mga mag-aaral. Kabilang sa mga programa at proyektong binanggit niya ay ang K to 10 MATATAG Curriculum at paglulunsad ng National Learning Recovery Plan. Maganda namang nakikitaan ni Angara ng potensyal ang mga naunang proyekto ni VP Sara.
Nitong Hulyo, binanggit din ni Sen. Angara na milyong kagamitan ng DepEd ang nakatambak lang sa warehouse simula noong 2020 kaya’t napagdesisyunan niyang ipamahagi na ito sa mga paaralang nangangailangan ng mga laptop, libro, at iba pang kagamitan. Kaya noong mga nakaraang buwan ay nadagdagan din ang mga ginagamit na laptop ng aming paraalan. At sana hindi rito magtapos ang pagtugon ng DepEd sa kakulangan sa mga gamit at patuloy na magamit ang inilaang badyet ng kagawaran para sa mga pangangailangan at mas pagbutihin ang mga nauna nang proyekto.
Ilang buwan na rin nang umupo bilang Kalihim ng DepEd si Angara ngunit makikita naman na umaaksiyon at gumagalaw siya upang solusyunan ang mga problema sa edukasyon. Naniniwala ako na mas magiging maganda ang kaniyang pamamahala kaysa sa pamumuno ng nakaraang Kalihim. Tiyak kong magiging isang mabuting mamamahala ang ating bagong kaibigan.
Agawang Nauwi sa Patayan
Nakababahala ang nangyaring saksakan ng mga mag-aaral ng Baitang 10 sa Caloocan City Business High School (CCBHS) nang dahil lamang sa agawan ng electric fan. Talaga namang napakababaw na dahilan nito upang maging sanhi pa ng isang karumal-dumal na eksena sapagkat malaki ang iniwan nitong lamat sa alaala ng mga nakakita gayundin ng mga biktima. Ayon sa awtoridad, mayroong tatlong sugatan habang isa ang namatay sa engkwentro. Kaugnay nito, dinepensa pa ng menor de edad na offender o Child-in-conflict with the Law (CICL) na ginawa lamang niya ito dahil sa naranasan niyang bullying sa loob mismo ng paaralan kahit pa isa siyang transferee.
paaralan. Maraming alternatibong solusyon upang matuldukan ang bullying, tulad ng pagsusumbong sa mga awtoridad sa nangyayari. Kung susuriin, isang malaking palaisipan din kung paanong nakalusot sa loob ng paaralan ang kutsilyong ginamit ng mag-aaral. Ipinakikita lamang nito na nagkulang ang nasabing paaralan sa seguridad ng mga kawani at estudyante nito. Kung kaya’t nakapagtataka ngayon kung may malaking parte ba ang mismong eskwelahan sa nangyari. Kung ako ang tatanungin, marapatin dapat ng eskwelahan na lapatan ng aksyon ang nangyari at siguraduhing mananagot ang sinumang tunay na may sala sa nangyari. Upang maiwasan rin ang ganitong pangyayari sa iba pang
magkakaroon ng random inspection ang mga namamahala sa na seguridad ng paaralan nang matiyak na walang kahit anong dalang patalim ang mga estudyante nito, tulad ng isasagawa sa Caybiga High School (CHS).
Sa aking palagay, makatutulong ang inspeksyon na ito upang masiguro na ligtas ang bawat isa sa anumang banta ng karahasan sa loob man o labas ng paaralan. Subalit, mas mainam na masiguro ng bawat paaralan na sa paraang ito ay hindi na muling maulit ang ganitong pangyayari.
Sa kabilang banda, nai-turn-over na ang CICL sa kustodiya ng City Social Welfare and Development (CSWDD). Habang ang mga batang hasaktan ay nagpapagaling at magpapatuloy sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM). Ngunit magiging mahirap din ito sa kanila dahil sa iniwan nitong trauma. Kung kaya’t ang mga kasangkot at nakasaksi sa aksidente ay isasailalim sa Critical Stress Incident Debriefing (CSID).
Hindi naman talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa loob ng paaralan, lalo na kung may iba’t ibang prinsipyong pinaninindigan. Ngunit, hindi solusyon dito ang paggawa ng krimen at pagtapak sa karapatan ng iba, lalo na kung buhay ang nalalagay sa alanganin. Upang mapanatili ang kaayusan sa paaralan, pagkakaisa ng mga kawani at mag aaral nito ang kinakailangan.
Kalidad na Edukasyon: Nararapat Para sa Lahat
Sa likod ng nagsisilakihang pader ng mga prestihiyosong unibersidad, mayroong mga aninong pilit tinatahak ang kahabaan ng daan tungo sa edukasyong hindi kayang matamo. Kamakailan lang, naiungkat muli ang isyu patungkol sa mga burgis o mga taong kabilang sa middle at upper class sa Pilipinas na pumapasa sa State Universities and Colleges (SUCs). Iba-iba ang reaksyon ng madla kabilang na ang mga tinatawag na influencers sa social media. Ngunit para sa akin, pagdating sa usaping kalidad na edukasyon, dapat itong nakukuha ng lahat ano man ang estado sa buhay. Noong 2024, naglaan ang Kongreso ng P128.231 bilyon para sa 116 SUCs sa Pilipinas. Subalit ibinaba ito sa P113.749 bilyon. Makikitang malaki ang naging budget cut ng kongreso sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2025 na maaaring maging dahilan ng pagbabago ng sistema ng edukasyon.
Ipinanukala naman ng executive branch na bawasan ang pondo para sa capital outlay funds ng 69.7% noong 2025 para sa SUCs, mula sa P31.503 bilyon na inilaan ngayong taon sa P9.537 bilyon para sa mga imprastraktura at ilang kagamitan. Halimbawa nito ang University of the Philippines (UP) kung saan makatatanggap lamang ng P202.529 milyong badyet mula sa P3.097 bilyong badyet na natanggap noong 2024. Kung susuriin ang mga datos, malaking ugat ng limitadong slot ang kakulangan sa badyet ng bawat unibersidad upang mawalan ng oportunindad ang bawat estudyanteng nagnanais makapasok sa mga prestihiyosong unibersidad na ito. Kung kaya’t upang masigurong pantay at walang dayaang magaganap sa pagkamit ng slot, mayroong mga entrance examination upang sukatin ang kanilang kakayahan.
Gayunpaman, para sa akin, malaki rin ang kala-
mangan ng mga nakatataas sa resources upang magamit sa pag-aaral, higit na lalo sa oras ng entrance exam. Dahil sa kanilang yaman, mayroon silang mas malawak na access sa mga sulating makatutulong upang makapasa sila sa unibersidad na kanilang naisin. Isa ito sa mga lamat na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng hindi pantay at malaking puwang sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Kung kaya’t mas maigi kung susuriing mabuti ang sistema ng entrance examination sa bawat unibersidad upang masiguro na pantay ang resources ng mga mag-aaral.
Pinabulaanan naman ni UP President Angelo Jimenez ang isyung para lamang sa mayayaman ang unibersidad. Sa katunayan, tumaas sa 56% nitong 2024 ang mga kwalipikado mula sa mga pampublikong paaralan sa UP College Admission Test (UPCAT) mula sa 50% noong 2023 at 44% noong 2022. Makikitang mas tumataas ang bilang ng mga pumapasa taon-taon. Magandang balita ito dahil nagkakaroon ng oportunindad ang mga estudyanteng karapat-dapat ding makatanggap ng kalidad na edukasyon.
Kung ako rin ang tatanungin, hindi naman talaga mayayaman ang pinakadahilan kung bakit hindi nakapapasok ang mahihirap sa mga unibersidad na ito kundi ang mababang kalidad ng libreng edukasyon sa bansa. Dahil sa hindi sapat na badyet, kulangkulang din ang mga imprastraktura at mga kagamitan sa paaralan at ang kakulangan sa suporta para sa mga guro. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit bumaba ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
“
“ Sa usaping kalidad na edukasyon, dapat itong nakukuha ng lahat ano man ang estado sa buhay.
Ayessa Mae Bataan
ASINTADO Kristoph Abanid
Dibuho ni Ma. Shiela Ferrer
SEGURISTA
Butas sa Batas: Kwalipikasyon sa Posisyon
Para sa lahat nga ba ang politika? Sa paparating na eleksiyon, maraming mga bagong mukha at pangalan ang ating makikita. Ngunit, hindi maipagkakailang sa sobrang baba ng kwalipikasyon para sa kanila, marami ang pumapasok sa politika nang walang sapat na kaalaman o karanasan dito. Kung patuloy na mauupo ang mga kandidatong katulad nila, maaaring hindi maging maayos ang pamamalakad sa ating bansa.
Ilan lamang ang kailangang taglayin ng isang tao upang maging isang kwalipikadong politiko. Isang halimbawa ang pagiging Pangulo. Sa pagtakbo, kailangan lamang niyang maging isang purong Pilipino, registered voter, nasa edad na 40 at pataas sa araw ng eleksiyon, at residente ng Pilipinas nang 10 taon pataas bago ganapin ang botohan. Talagang nakababahala na sa lalim ng responsi-
bilidad ng isang politiko, ang babaw ng pagkilatis na ginagawa. Kung tutuusin, madalas ay mas mahirap pang makakuha ng trabaho dahil sa dami ng requirements at taas ng standards ng mga pribadong kompanya at employers kumpara sa qualifications na hinahanap para sa mga posisyon sa gobyerno. Upang maging guro, kinakailangan ng bachelor’s degree, puspusang training, at sandamakmak na requirements. Makikita nating hindi talaga ito makata rungan kung ikukumpara ang mga kinakailangan ng isang politiko na nagpapasahod sa kanila at gumagawa ng desisyon para sa isang komunidad at mga mamamayan nito.
Dahil din dito, maraming mga tao ang nagfa-file ng Certificate of Candidacy (COC) nang walang sapat na kaalaman at napag-aralan tungkol sa politika at sa sistema nito. May ilan ding nagkakaroon ng pagkakataong tumakbo at nananalo pa kahit nasangkot at napatunayan nang may ginawang krimen katulad ng korapsyon sa gobyerno. May ilan pang mga influencers at mga artista ang walang kaalaman sa politika ang tumatakbo sa gobyerno, at marami rin ang pamilyang ginawang pamumuhay ang pagiging politiko kung saan may posisyon ang kada miyembro. Talagang nakababahala at nakalulungkot na nakauupo pa sila dahil hindi natin masisiguro kung talagang magagamit nila ang yaman ng bansa para sa mga imprastrakturang makatutulong sa bawat mamamayan, mayaman man o mahirap.
Kailangang maging mataas at palitan na ang mga kwalipikasyon ng isang politiko sa ating bansa, ngunit naiintindihan ko rin kung hindi ito kaagad na mangyayari dahil upang maisagawa ito, kailangang magkaroon ng Charter Change (Cha-Cha) na talaga namang isang komplikadong proseso. Kung hindi pa ganoon kataas ang standard ng batas, dapat na tayo ang magtaas nito. Iboto ang tao base sa karanasan, kaalaman, at mga plataporma nito at hindi lamang dahil sinasabing mabait at busilak ang kanilang puso. Nasa kamay ng mga botante ang kapalaran ng bansa, kailangan nilang bumoto nang matalino at ng matalino.
Hindi para sa lahat ang politika. Dahil sa limitadong kwalipikasyon, nakatatakbo at nananalo sa eleksiyon ang isang tao, eksperto man o hindi. Maaaring ang dahilan ng isang kandidato sa pagtakbo ay ang pagtulong sa mamamayan ngunit hindi ito sapat na dahilan upang umupo sila sa isang posisyon sa gobyerno. Kung may butas ang batas, tanging sandata ang boses ng lahat.
PAKIWARI
Samaire Elyse
Ang Hangad ng mga Marangal
“Para [kaming] magnanakaw [sa sarili naming bayan].” Ganito na lamang ipinahayag ni Leonardo Cuaresma, isang matapang na Pilipinong mangingisda sa Masinloc, Zambales ang kaniyang emosyon sa pagtanggal ng kanilang karapatan sa sariling tubig na kinikilala. Para sa isang mangingisdang tulad ni Cuaresma, tila naturingan silang magnanakaw hindi dahil sa paggawa ng krimen, kundi dahil sa patuloy na pagkawala ng kanilang mga karapatan sa sariling teritoryo kung saan nanggagaling ang kanilang nag-iisang pangkabuhayan.
Ano pa nga ba ang mararamdaman mo kung ang lugar na noong pinagmumulan ng iyong hanapbuhay, ipinagkakait na sa iyo ngayon. Hindi pa nagtatagal nang umusbong ang isyu hinggil sa alitan ng ating bansa at ng China na nagdala ng panganib sa kaligtasan at hadlang sa pangkabuhayan ng mga mangingisda. Sunod-sunod na pagharang ang naranasan ng mga mangingisdang tahanan ang karagatan ng West Philippine Sea (WPS)— ito ang tuluyang nagkitil sa kanilang tanging pinagkakakitaan.
Matatandaang walong taon na ang nakalipas mula nang manalo ang Pilipinas sa kaso laban sa China tungkol sa agawan ng teritoryo. Ngunit isang nakalulungkot na sitwasyon, patuloy pa rin ang banta at ang pag-angkin ng China sa WPS. Noong Hulyo 12, 2016, inilabas ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ang desisyon na pabor sa Pilipinas. Ayon sa desisyon, sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas o ang 200 nautical miles mula sa baybayin nito ang WPS, ayon na rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea. Gayunpaman, hindi nagpapadaig ang China sa desisyong ito dahil sa kanilang pinapaniwalaang “nine-dash line,” at iginigiit pang bahagi ng kanilang makasaysayang teritoryo ang WPS. Isa si Jerry Mundia, isang opisyal ng lokal na pamahalaan at isa ring mangingisda sa mga apektado ng hindi makatarungang pangyayaring
ito. Ayon sa kaniya, kung noon ay umuuwi silang masaya galing sa limang araw na paglalayag dala ang kanilang mga barkong puno ng huli, ngayon hindi na nila maabot ang mga lugar kung saan marami silang nahuhuling isda dahil sa mala-pader na harang na kagagawan ng Tsina. Kitang-kita kung paano tinatapakan ng ibang bansa ang soberanya ng Pilipinas buhat ng direktang paglabag sa soberanya ng bansa ang presensya ng mga dayuhang barko sa ating sariling katubigan. Para sa mga mangingisda na marangal na nagtatrabaho at nakikipagsapalaran para sa ikabubuhay sa kabila ng kagutuman, isa lamang na panandaliang solusyon ang ayuda mula sa gobyerno. Ayon sa isang lider ng palaisdaan, hindi ito sapat para tuluyang makaahon sila sa kahirapan. Sa katunayan, hindi lamang nakatuon ang kanilang mga daing sa kakulangan ng ayuda kundi sa hindi pagtugon ng pamahalaan sa dinadala nilang pasanin. Nararapat lamang na ipaglaban ng mga nakakataas ang karapatan sa bayan ng mga mamamayang Pilipino na wala ng ibang ginawa kung hindi ang maghanapbuhay. Sa huli, hindi ayuda ang sagot sa kasalatan sa hanapbuhay, kun’-di karapatan ng mga mangingisdang malayang makapaglayag. Isa sana ang kabuhayan ng nga mamamayang Pilipino ang itaguyod ng mga nakatataas. Ramdam ko naman ang pagpupursigi ng gobyerno na tugunan ang totoong pangangailangan ng kanilang nasasakupan, ngunit nararapat lamang na kooperasyon ng pamahalaan, bawat sektor at lahat ng mamamayang Pilipino ang manguna sa pagprotekta hindi lamang sa ating teritoryo, pati na rin sa kinabukasan ng Pilipinas.
Ang sigaw ng mga taong may marangal na trabaho ang dapat dinggin; hindi pangunahin, ikalawa, o ikatlong lunas ang kanilang kailangan, bagkus pangmatagalang kasagutan para sa nakasanayang pangkabuhayan.
SA TOTOO LANG
Alleyson Joy Sobrevinas
Sakripisyo ng Kabataan upang Kumita nang Agaran
“Ma, anong ulam?” sabi ko pagpasok sa aming pinto galing sa paaralan na pagod at gutom sa sobrang daming ginawa, alam kong hindi pa matatapos ang pagod dahil may mga hahabulin pa akong aktibidad. Nagpahinga ako saglit at nanood sa Tiktok, dito nakita ko ang batang tinatawag na ‘Neneng B’, na nagtitinda ng hotdog sa Quiapo at sinasabi niya sa video na dapat maging katulad niya ang lahat ng kabataan sa halip na laging gumagamit ng cellphone at ‘gumalaw-galaw’ naman sila. Puro mga pambabatikos ang natanggap ni Neneng B dahil sa kaniyang mga sinabi at ayon sa kanila, mahirap maging katulad niya sa dami ng ginagawa sa paaralan at hindi kailangang sabihin ni Neneng B ang mga nabanggit niya sa video. Naiintindihan ko kung bakit naging mali ang dating ng mga sinabi ni Neneng B, at may ilan din siyang salitang sinabi na mali talaga katulad na lamang ng ‘huwag puro cellphone, galaw-galaw din’ na para bang sinasabing tamad ang kabataang katulad niyang hindi nagnenegosyo. Pinapakita ng video ang pagpapabango sa salitang child labor na laging nangyayari sa bansa.
Nagtatrabaho si Neneng B mula alas dose nang tanghali hanggang alas dies ng gabi at minsan lumalampas pa kung maraming bibili, nag-aaral siya sa umaga at halos wala na talaga siyang pahinga kung iisipin. Maraming kabataan ang katulad niyang nagtatrabaho sa murang edad. Ayon sa datos, nasa 678,000 ang kabataan mula edad lima hanggang 17 ang nagtatrabaho na. Nakalulungkot na hindi na ito nabibigyan ng pansin at tinuturing nang normal sa ating bansa. Kahit pa hindi pinipilit si Neneng B ng kaniyang mga magulang na magnegosyo, hindi niya dapat isiping normal lamang ito at dapat na gawin ito ng lahat ng kabataan. May ilang nagsasabing tama lamang ang sinabi ni Neneng B at dapat maging katulad niya ang lahat na magnegosyo o magtrabaho nang maaga. Gayunpaman, dapat na hayaan natin silang namnamin ang pagiging malaya ng isang mag-aaral. Hindi naman porket hindi nagnenegosyo ang isang bata, tamad na ito at hindi nila kasalanang kaya nilang mabuhay nag hindi nagtatrabaho o nagnenegosyo at hindi sila dapat batikusin dahil dito. Matagal ko na ring nais na magtrabaho nang maaga kahit sa mga restaurant lamang para makakita ng pera ngunit hindi pumayag ang aking mga magulang upang mas mabigyan ko ng pansin ang pag-aaral. Sa halip na pagnenegosyo o pagtatrabaho, itinutuon ko ang aking pansin sa pagkatuto at pagtulong sa bahay. Kaya naman naisip ko ring may mali talaga sa sinabi ni Neneng B dahil inisip niyang lahat ng kabataang hindi nagtatrabaho, walang ginagawa at hindi gumagalaw na walang katotohanan.
Marami at patuloy na nadadagdagan ang kabataang biktima ng child labor at nagtatrabaho na sa murang edad. Dapat na magkaroon ng aksiyon upang matigil na ito at hindi na dapat magpatuloy pa ang paniniwalang normal lamang ang ganitong mga sitwasyon. Dapat ding pangaralan ang mga katulad ni Neneng B na naniniwalang dapat magtrabaho at magnegosyo na ang kabataan sa murang edad.
Darating ang araw na tutungtong na sa tamang edad ang mga mag-aaral at magsisimula nang magtrabaho. Hindi dapat ito madaliin at hayaan muna silang maging bata.
“
“ Huwag nakawin ang diwa ng kabataan para lamang kumita nang mas maaga at agaran.