

Kolorete: Ang na Buhay ni Tristan Makulay
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kahalagahan ng magulang sa ating buhay, sila ang nagsisilbing pundasyon ng ating pagkatao. Karapatan na dapat natatamasa ng lahat ang pagganap nila sa kanilang mga responsibilidad lalo na ang pag-aaruga at paggabay sa ating buhay. Ngunit ang karapatan na ito sa iilan, pribilehiyo na sa nakararami.
Bunga ng problema sa pamilya, ang musmos na si Tristan, edad na 14, ay napilitan nang tumayo sa sarili niyang mga paa. Bitbit ang kaniyang makeup kit, hinanda ni Tristan ang sarili sa iba’t ibang kulay ng buhay na kaniyang kahaharapin.
Sa una, hindi naging madali para kay Tristan na akuin ang responsibilidad ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Masaya man na mayroon siyang kinikita mula sa kaniyang mga pinaghirapan, pakiramdam niya ay may kulang pa rin dahil tila natapyasan ng bahagi ang kaniyang buhay.
Mula sa kaniyang kinikita, natutuhan niyang pahalagahan ang bawat barya at sentimo na natatanggap niya bilang isang make-up artist. Bukod pa rito, isa rin siyang nail technician at
suma-sideline paminsan-minsan bilang host, pageant handler, at mentor sa mga question and answer ng iba’t ibang mga pageant.
Caybigang Senior High na Working Student Sa isinagawang sarbey ng Ang Caybigan, lumalabas na 44 sa 351 mag-aaral ng Senior High School ang pinagsasabay ang pag-aaral at paghahanapbuhay. Hindi nila pinili ang magtrabaho, ang sitwasyon nila ang naging dahilan kung bakit nila tinahak ang ganoong landas sa murang edad.
Anim na taon na ang nakalipas mula nang magsimulang kumayod si Tristan para sa kaniyang sarili.
Marami siyang dinaanang lubak mula sa kaniyang pagsisimula hanggang ngayon na sapat na ang kaniyang kinikita para suportahan

Ako si Mara, isang tipikal na kabataan—masayahin, puno ng pangarap, at puno ng sigla na lakbayin ang iba’t ibang bagay, at magtatapos pa lamang ng Grade 10 ngayong Marso. Ngunit isang araw, dumating ang isang pagsubok na magbabago sa aking buhay. Isang pagsubok na hindi pa ako handa, at magbubukas sa aking mga mata sa mundo ng responsibilidad, sakripisyo, at pagmamahal. Sa isang simpleng usapan ng aking mga kaibigan tungkol sa aming mga menstruation o buwanang dalaw, bigla kong naisip na tatlong buwan na pala akong hindi dinadatnan. Isang malamlam na ulap ng kaba ang sumakop sa akin, may hinuha na ako ngunit pinili kong itulak ang pakiramdam na iyon at itago ang aking takot sa likod ng mga ngiti.
Hanggang sa napag-alaman kong tatlong buwan ko na palang dinadala ang batang ito. Para akong nawalan ng lakas sa pagkatakot, hindi ko alam kung anong direksyon ang tatahakin ko. Sa harap ng salamin, nakita ko ang isang batang babae na hindi pa handa sa lahat ng responsibilidad na darating. May mga pagkakataong binalak ko na ipalaglag ang bata. Inisip ko ito bilang isang paraan upang makawala sa mga pasaning dulot ng hindi inaasahang sitwasyon. Itinanggi ng aking nobyo ang pagiging ama, puno ng masasakit na salita ang binitawan niya, mga salitang nagdulot ng lalalim na sugat sa aking puso.
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko kayang magpatalo sa kahinaan, kaya’t nagdesisyon akong ituloy ang pagbubuntis. Bagamat puno ng takot at maraming katanungan, nagsimula akong mag-isip ng mga hakbang na tatahakin ko para sa batang ito. Itinago ko ang pagbubuntis sa aking pamilya, ngunit dumating din ang araw na pinaluwas niya ako sa Caloocan upang magpatuloy sa Senior High School, iniisip niyang magiging magaan ang buhay ko roon.


Hindi ko na kaya pang itago ang dinadala kong bata, napilitan na akong aminin sa papa ko ang katotohanan dahil sa kapansin-pansin na ang pagbabago sa katawan ko. Nagtanong siya nang may halong pagnanais na maintindihan “Bakit ngayon mo lang ito sinabi?”. Kasunod ang may agam-agam pa ring tanong na “Ipagpapatuloy mo ba ang pag-aaral, o titigil ka muna para sa bata?”. Parang isang dagok sa aking puso ang mga salitang iyon, at sa kabila ng lahat ng takot at kalituhan, nagdesisyon akong huminto muna sa pag-aaral at magpokus na lang sa pagpapalaki ng anak ko.
Ang Realidad ng Teenage Pregnancy
Sa kabila ng mga sakripisyo, ang kwento ko ay isang salamin ng malupit na katotohanan ng teenage pregnancy sa ating bansa. Ayon artikulo ng PhilStar.com, inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 13.3 percent ang nagbuntis na edad 19, 5.9 percent ang 18-anyos,
ang sarili. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy siyang nagsusumikap para mabuhay at dumidiskarte para sa kaniyang pag-aaral.
Mula sa kaniyang mga naging karanasan, marami siyang napulot na aral at karanasang nagpatatag sa kaniyang pagkatao.
Ang payo niya, pagbutihin at pahalagahan ang lahat na mayroon tayo, isa na rito ang suporta at kalinga ng pamilya, isang bagay na sa kamusmusan, ay pinagkait sa kaniya. Hindi na lang mukha at kamay ng tao ang pagagandahin ni Tristan, kundi pati na rin ang kaniyang buhay.
1.7% ang 16 taong gulang habang 1.4% ang 15 years old. Ayon sa PSA, ang tala ay mula sa 27,821 kababaihan na kanilang nakausap na edad 15-19 noong 2022. Isang malupit na hamon ang teenage pregnancy, at isang tanong na mahirap sagutin: Paano ko haharapin ang mundo ng pagiging magulang sa edad na hindi ko pa lubos na nauunawaan ang mundo?
Noong manganak ako, isang mahirap at magulo na yugto ng buhay ang sumalubong sa akin. Wala akong ina na maaaring magsilbing gabay sa pagpapalaki ng aking anak, at abala naman ang aking ama sa paghahanapbuhay upang matustusan ang aming mga pangangailangan. Ako na lamang ang nag-asikaso sa aking sarili at sa aking anak, kahit na wala akong karanasan sa pag-aalaga ng mga bagong silang. Sa kabila ng mga takot at pag-aalinlangan, hindi ko iniiwasan ang responsibilidad. Naghanap ako ng mga paraan, nag-research at nagbasa ng mga gabay upang matutuhan kung paano pangalagaan ang aking anak. Sa bawat hakbang, natutuhan kong hindi hadlang ang kakulangan sa karanasan, sapat na ang wagas na pagmamahal at determinasyon na magampanan ang aking tungkulin bilang ina.
Mahabang kwento ng pagsubok, kabiguan, at muling pagbangon ang aking istorya. Isa itong paalala sa mga kabataan—na sa kabila ng kasalukuyang saya at kalayaan, may mga pananagutan na dulot ng maling desisyon. Ngunit sa bawat pagkatalo, may aral na matututuhan. Nalaman ko na hindi dapat magmadali; kailangan maghanda, magsikap, at magpatuloy upang matamo ang pangarap. Sa buhay, may mga pagkakataon na hindi natin kontrolado, ngunit may mga pagkakataon din na tayo ang may hawak ng ating kapalaran. Ngayon, bilang isang batang ina, ang mga pangarap ko ay naging mas malinaw. Gusto kong makapagtapos ng kolehiyo at mag-aral ng accounting, at balang araw ay magtapos din sa law school. Nais ko hindi lamang para sa sarili ko, kundi para sa anak ko, upang mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, natutuhan kong hindi ako nag-iisa. Ang kwento ko ay kwento ng lakas at pag-asa, at para sa mga kabataan, ito’y paalala na ang bawat desisyon ay may kahihinatnan—pero may pagkakataon pa ring baguhin ang ating landas.
Sahra Delmiguez
Ayessa Mae Bataan
Dibuho ni Hency Acaba
Kuha ni Sean Art Rocha


Pagtatagumpay sa Buhay: “Hindi na Marami ang Tubig ng Noodles”
nina Jhared Marcos at Ma. Shiela Ferrer
Isang hapon, habang dahan-dahang lumulubog ang araw, may batang nagluto ng noodles sa isang lumang kaldero. Sa hirap ng buhay, sadyang dinadamihan niya ang tubig, umaasang madadala nito ang lahat ng kakulangan at magiging sapat sa kanilang pamilya kahit na sabaw lamang—tulad ng mga araw na puno ng paghihirap at sakripisyo. Sinisimbolo ng sobrang tubig ang pagsubok sa kaniyang buhay na tila walang katapusan, habang nagsisilbi namang kaniyang mga pangarap ang konting noodles na kaniyang pinagtitiyagaan, at patuloy na iniisip na para ito sa pinapangarap niyang buhay. Pilit niyang pakuluan ang lahat, kahit na bakas ang kahirapan, hinaluan niya ng kakaibang sangkap ang noodles — pinagsamang determinasyon at pagsusumikap, may sahog pa na lakas ng loob. Kalakip ang pag-asa sa kaniyang matagumpay na hinaharap.
“Hindi na patahian ang pinapasukan, kun’di sa paaralan”
Bago pa man ito makamit ni Ma’am Mary Jane Rostata, ilang hibla pa ng sinulid ang kaniyang tinahak dahil sa liit ng butas ng karayom na dapat niyang malampasan; kahirapan at kagustuhang makatulong sa pamilya ang kaniyang pinanghahawakan. Huminto sa kaniyang pag-aaral matapos ng high school. Sa mga panahon na mas pinili niyang magtrabaho sa patahian, maraming mga oportunidad ang napalampas.
Ngunit dala ng pananalig na makakapagtapos pa siya ng pag-aaral, muli siyang sumubok na magsulit sa Philippine Normal University o PNU, at bitbit ang nag-aalab niyang determinasyon ay nakapasok siya sa pamantasan at nakapagtapos bilang guro. Ngayon, hindi lamang siya isa sa mga matatagumpay na guro sa Caybiga High School, parte rin siya ng guidance counseling team na tumutok sa paggabay at suporta sa mga mag-aaral.
“Hindi na benta ng pandesal ang binilang; nagtuturo na siya kung paano magbilang”
Malubak na daan ang tinahak ni Sir Romualdo Andres sa kaniyang pagkabata. Sinubok siya ng karanasan sa murang edad na tumayo sa sariling paa dahil sa malayong probinsya ang kaniyang pamilya. Paglalako ng pandesal ang kaniyang ikinabuhay noon upang matustusan ang kaniyang pangangailangan arawaraw, lalo na sa paaralan. Sa bawat sigaw niya ng “Pandesal kayo riyan!” may nag-aalab na determinasyon upang magpursige at magtapos sa pag-aaral para sa mas magandang kinabukasan. Kaya para kay Sir, may palaman na pagsisikap at mga pangarap ang mga pandesal na iyon, may kasama pang kapeng magbibigay tapang para magpakatatag lamang sa hamon ng buhay.
Ngayon, ang dating naglalako sa kalsada ng Caybiga ay isa ng matagumpay at mahusay na guro ng Matematika sa CHS. Hinubog siya ng mga napagdaanan kaya mas matatag na niyang hinaharap ang buhay.
“Hindi na inuulam ang toyo, asin, o
Milo kapag kinakapos”
Sa murang edad, namulat na si Sir Kim William Asanza sa mahirap na kalagayan ng kaniyang pamilya. Tumayo na siyang breadwinner dahil hindi sapat sa kanilang mag-anak ang kinikita ng kaniyang ama sa pagiging factory worker. Kabi-kabilang hamon ang sumubok sa kaniyang mga pangarap ngunit nagpatuloy siya at taas noong nakapagtapos sa Philippine Normal University. Isa na siya ngayon sa mga hinahangaang guro dahil sa husay niyang umawit at sumayaw, naatasan din siya na maging tagapagsanay ng nagsisimulang Indak Caybigan Dance Troupe. Bitbit niya ang motibasyong
“There is always a rainbow after the rain,” sa pagharap sa mga tila bagyong problema sa kaniyang paglalakbay tungo sa tagumpay. Nais niyang ibahagi sa mga kabataan na huwag panghinaan ng loob kahit na mabagal ang pag-usad, ang mahalaga ay taas-noong magpatuloy at higpitan ang kapit sa pangarap na magandang kinabukasan. Sa huli, tulad ng batang nagluto ng noodles, ang bawat pagsubok at sakripisyo sa buhay ay bahagi ng ating pagluluto ng tagumpay. Dahil sa sobrang tubig noon sa noodles na sumasagisag sa pagtitipid at pagtitiis dahil sa hirap ng buhay, malalasap na ang tunay na lasa ng tagumpay dala ng pagsusumikap at determinasyon sa buhay. Sa mga kwento ng mga taong tulad ni Ma’am Mary Jane, Sir Romualdo, at Sir Kim William, mapatutunayan natin na sa bawat laban, ang mga pangarap na may sandigan na lakas ng loob at pag-asa ang magdadala sa atin sa mas maginhawang bukas, kung saan hindi na marami ang tubig ng noodles.
HEALing ng Inner Child
Alleyson Sobreviñas
Papunta ka pa lang, hindi na sila makababalik.
Ganito mailalarawan ang pagtanda, isang prosesong hindi na nauulit. Wala nang balikan kumbaga. Ang katawang-lupa ay nagbabago, kasabay nito ang mga responsibilidad ng tao sa kaniyang buhay.
Alas-kuwatro na ng madaling araw, oras na ng gising. Nag-init na sila ng tubig panligo, naghanda na rin ng makakain, nagbihis at nag-ayos na ng kanilang sarili. Pagsapit ng alas-sais, handa na silang pumasok sa trabaho.
Ganito na ang araw-araw na buhay ng mga adult, salungat sa kung anong ginagawa nila noong bata pa sila. Hindi na kalaro sa patintero ang mahirap buhatin, ang mga responsibilidad na nila; hindi na pagkatalo sa laro ang iniiyakan, ang problema na sa iba’t ibang aspekto ng buhay; at hindi na pag-aaral ang pumipiga sa kanilang utak, kundi ang mga bayarin nang walang tigil sa pagdating.
Kaya naman nauso sa social media ang trend na “healing my inner child” kung saan ginagawa ng mga netizens ang mga bagay na hindi nila nagawa noong kabataan nila. Ang iba ay ginagawa ito sa paraang nakatutuwa at nakaka-relate ang ibang tao, gaya na lamang ng paglalaro ng mga larong kinagisnan ng lahat bilang isang adult. Ang iba naman, may halong antig sa emosyon ng mga tao. Halimbawa na lamang ang trend sa TikTok, kung saan nireregaluhan ng mga anak ang kanilang magulang ng mga bagay na hindi nila narasanang magkaroon bilang isang bata.
Iba-iba ang naging paraan ng mga tao kung paano nila patatahanin ang bata mula sa luha ng nakaraan. Nagsilbi itong coping mechanism ng karamihan dahil naayos nito nang paunti-unti ang tapyas sa bahagi ng kanilang buhay.
Ang katotohanan: hindi na tayo babalik sa ating pagkabata, ngunit habambuhay naman nating kasama ang musmos na nag tanim ng masasayang alaala sa ating buhay. Halata man sa pisikal nating anyo ang bakas ng malungkot na katotohanan ng pagtanda, kita pa rin ang ngiti ng batang natutuwa kapag nagawa ang ninanais niya. Lumipas man ang panahon, nariyan pa rin ang ating inner child; at ang hiling nila: gawin natin ang mga bagay na magpapasaya sa kanila ngayon na ipinagkait sa kanila noon.


Dibuho ni Hency Acaba

DOC alidad na Pamumuno para sa Caybigans

hadlang ang kahirapan sa kaniyang pag-aaral. Bagkus ginawa niya itong inspirasyon upang
Hindi man niya nasungkit ang pangarap na maging computer engineer o maging architect dahil sa hirap ng buhay nila noon, nagbukas ito ng bagong oportunidad sa kaniya. Para sa kaniya, naging bokasyon niya ang pagtuturo ngunit hindi niya inaasahan na mararating ang
Umani si Doc Warren ng ibat ibang parangal katas ng kasipagan at pagiging dedikado sa kaniyang propesyon. Naging Chief Education Supervisor of the Policy Planning and Research Division in the Department of Education National Capital Region. Natapos ni Doc Ramos ang kaniyang baccalaureate at Masteral Degree sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; at kaniyang Doctorate Degree sa National
Nagturo siya ng Chemistry at Physics sa basic education, at Analytical Chemistry, Bio-chemistry, at Physical Science sa kolehiyo. Naging Graduate School Professor IV din siya sa Our Lady of Fatima University and University (OLFU) Caloocan City hawak ang Advanced Research, Advanced Statistics, Educational Legislation, at iba pang education management subjects.
Sa 27 taong karanasan ni Dr. Warren A. Rames sa pagtuturo at pamumuno. Naatasan si Dr. Ramos bilang OIC principal ng Caybiga High School. Sa kaniyang dalawang buwang pagkakaupo, nailunsad niya sa paaralan ang E-lear-
ning hub sa library na makakatulong sa mga Caybigans na walang magamit na gadget para sa pag-aaral. Kasabay nito ang pamamahagi ng mahigit 30 laptops at TV. Buong puso niya ring simasuportahan ang iba’t ibang club tulad ng Journalism at Campain for Character Education Tenacity (CACHET) na nakatutulong sa paghubog ng karakter ng Caybigans.
Hindi biro ang pagiging lider lalo na’t kung hindi lang ito ang iyong ginagampanan. Ayon kay Doc Warren, mahalagang taglayin ng isang lider ang pagiging positibo, kalmado, at may kontrol sa sarili, Hindi lamang tungkol sa pagiging matagumpay ang basehan ng pagiging mahusay na lider, kundi dapat magsilbing inspirasyon at gabay para sa iba.
May mas malalim siyang pagpapakahulugan sa “Masayang Caybigans” na ginagamit sa paaralan na paraan sa pagbati. Ayon sa kaniya, nasa tao kung pipiliin niyang sumaya o hindi, kaya naman hangarin niya magkaroon ng self-care tuwing flag ceremony para maiwasan yung stress hindi lamang ng mga estudyante ngunit pati rin mga guro.
Bilang OIC Principal, ang mensahe niya sa Caybigans: Magtulungan, Mag-usap, at maging malikhain sa pagresolba ng mga problema hindi lamang ng paaralan kundi pati na rin ang ating sari-sariling mga problema.
Naniniwala siyang ito ang susi para maging matagumpay ang mga pagsubok na pagdadaanan at makamit ang mga pangarap ng mga Caybigas.
Hindi man siya doktor ng medisina na nanggagamot sa mga may sakit. Isa naman siyang doktor ng edukasyon, na may layuning magbigay ng lunas sa hamon na kinakaharap ng edukasyon sa Caybiga High School. Sa pamamagitan ng tapat at organisadong pamumuno, kaakibat ang husay at dangal, handa na si Doc Warren para sa isang Masayang Caybigans.




Hannah Mendiola
Nichole Caspe

Produktong Caybigan: Diploma’t Diskarte ang Puhunan
Diploma o Diskarte?
Malamang narinig mo na ang tanong na ‘yan sa social media. Naging maugong ito nang magsilabasan ang mga Pinoy business content creators sa iba’t ibang social media platforms, sabay mo pa ang mga food vloggers na nagpi-feature ng mga restaurants at maliliit na food stalls. Samu’t saring opinyon ang nagbanggaan sa kung ano nga ba ang mas matimbang sa dalawa. Ngunit ano’t ano pa man, mapa-diskarte o diploma, o ‘di kaya’y pareho, ang tagumpay ng isang tao ay nakadepende sa kaniyang lakas ng loob na magpatuloy.
CAYBIGANG MADISKARTE

Si Marvin Perez, isang Caybigang ehemplo ng pagtitiyaga at pagsisikap. Bagama’t hindi nakapagtapos ng hayskul at kolehiyo, hindi ito naging hadlang para maabot ang kaniyang pangarap. Nagsimula ang kaniyang tagumpay sa pagba-buy and sell, gamit ang kaniyang people skills at galing makipag-usap sa mga mamimili, naging maganda ang kinalabasan ng kaniyang pag-uumpisa. Unti-unti siyang nakapag-ipon ng kaniyang puhunan at ngayon, abala siya sa pagpapatayo ng kaniyang sariling resort sa Cavite habang nagtatrabaho sa EIP Layer Farm bilang producer ng mga farm-fresh eggs. Ang golden rule niya pagdating sa negosyo: bawal utang. Naniniwala siyang mas mainam ang nag-uumpisa sa maliit at unti-unting lumalago kaysa panay utang, dahil ito ang sasakal sa mga negosyanteng nag-uumpisa pa lamang.
CAYBIGANG MAY DIPLOMA

Simula pa lamang, pinapangarap na ni Noressa Alvarez Bongalan na makatapos ng pag-aaral. Wala mang karangalang natanggap, ang mahalaga para sa kaniya ay nakapagtapos siya noong taong 1987 sa Caybiga High School. Dalawang taon rin siyang nag-aral bilang Junior secretarial at dahil sa hirap ng buhay, nagpasiya siyang maghanap ng trabaho at natanggap naman bilang secretary sa isang malaking kompanya sa edad na 18. Kalaunan nakapagtayo siya ng maliit na negosyo katuwang ang kaniyang asawa, ang JB Trading. Naging puhunan niya ang pagiging matiyaga, tiwala sa sarili, at pagmamahal sa trabaho. Nasa likod din ng kaniyang tagumpay ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Ibinigay niya ng buo ang tiwala at nagkaroon nang maayos na komunikasyon sa mga tauhan. Ayon sa kaniya, kinakailangan ang diploma ngunit samahan pa rin ito ng diskarte para sa pagtupad ng mga pangarap sa buhay.
CAYBIGANG MAY DIPLOMA AT DISKARTE
Si Rosalyn Luczon, nagtapos sa Caybiga High School taong 1997 at nakapagtapos sa kursong BSBA Marketing. Nagsimula ang kaniyang tagumpay sa pag-aasam na umunlad ang sarili, hanggang sa naisipan niyang gumawa ng kaniyang sariling pabango bilang kaniyang negosyo at tinawag niya itong Scents by Tr3e. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay naging mabango ang kaniyang negosyo. Bukod kasi sa kaunti lang ang na-e-engganyo sa pabango, marami ring malalaking kakumpetensiya; kaya ginawa ni Rosalyn na pangmasa ang presyo ng kaniyang mga pabango. Bukod sa pagnenegosyo, aktibo ring kabahagi si Rosalyn ng SPTA sa CHS, dito niya nagamit ang pakikipag-kapwa tao na kaniyang natutuhan sa pamamalagi sa paaralan. Dahil para sa kaniya, ang tagumpay ay nakakamit kapag hindi lamang ikaw kundi lahat ng tao sa paligid mo ay masaya at umaa-ngat kasama mo.


Ilan lamang ang kwento nina Marvin, Noressa, at Rosalyn sa mga nagsikap upang makamit ang kanilang pangarap sa kabila ng mga balakid sa buhay. Mahalaga lamang na maging determinado at matiyaga. Gawin silang inspirasyon at huwag sukuuan ang pangarap. Nasa kamay natin ang kalagayan ng hinaharap, kaya’t magsumikap sa buhay. Kung ikaw ang tatanungin, diploma o diskarte?

BUHAYSKUL
BUmakas na karanasan sa HAYSKUL
Minsan sa may Kalayaan tayo’y nagkatagpuan, may mga sariling gimik at kaniya-kaniyang hangad sa buhay.
Sa tuwing napakikinggan ko ang kantang ito ng Eraserhead, bigla ko na lamang naiisip ang mga nabuong samahan noong Junior High School.
Ako si Ely, isa na ngayong mag-aaral ng Senior High School. Sayang lang at maiksing panahon ko lamang naranasan ang Junior High School. Paano ba naman, dalawang taon kaming kinulong sa aming tahanan ng pandemya. Pero masasabi kong sa maikling panahon na ito, napuno ako ng masasayang alaala na tumatak sa aking puso’t isipan at bumuo ng aking pagkatao. Halina’t samahan ninyo akong magbalik-tanaw sa aking halo-halong karanasan bilang isang mag-aaral ng hayskul.
Grade 10, huling taon ng Junior High School aking nakilala ang mga taong hindi ko akalaing bubuo ng aking high school life.
Maituturing kong isang banda ang aming grupo, dahil may mga tugma ang aming mga hangarin, tila ba isang musika kapag kami ay nagkakasama-sama; malungkot, masaya, kung minsan ay napapasayaw pa. Ang aming palitan ng salita ay nagsisilbing mga liriko na para bang bumubuo kami ng kantang walang tiyak na hangganan.
Sa ilalim ng bilog na buwan, mga tiyan nati’y walang laman. Ngunit kahit na walang pera ang bawat gabi anong saya.
Sa aming tambayan, sa taas kung saan abot-kamay namin ang kalangi-

tan. Napalitan ng ingay ang kuliglig na bumabalot sa katahimikan ng gabi. Kumakalam ang mga sikmura ngunit nabubusog sa kuwentuhan at kalokohan na kung saan hindi na namin namamalayan ang oras, uuwing may sermon ni nanay pero ayos lang, nagsilbi ang aming tawanan bilang saglit na takas sa katotohanan.
Araw ng pag-aangat antas, huling araw ng buhay hayskul, huling pagkakataon na kasama ko silang papasok sa parehong paaralan, huling beses na papasok na suot ang parehong unipormeng gusot dahil hindi plantsado sa kamamadali, at huling araw na aaralin at mapipiga ang utak sa parehong asignatura.

Isang taon na samahan. masasabi kong nasulit namin ang limitadong panahon na kami ay magkakasama, Sa isang taong iyon, nabalot ang silid-aralan ng ingay: napuno ng kulitan ang bahay, at napunan ang espasyong nagkulang sa aking buhay.
Ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon. Sana’y ‘wag kalimutan ang ating mga pinagsamahan.
Ngayon, unti-unti na kaming tutungo sa aming kani-kaniyang nais marating sa buhay. Magkakaiba man ang landas na aming tinatahak at salungat man ang oras ng bawat isa, kampante akong magkikita-kita kami nang may ngiti sa labi, na para bang nagdaan lang ang kahapon.
Tunay ngang kay bilis ng panahon, ang bawat oras ay lumilipas nang hindi natin namamalayan. Hindi natin hawak ang hinaharap kaya’t pahalagahan ang kasalukuyan at gawin nating bukas ang kahapon.
Kristoph Abanid
Dibuho ni Denver Galangco
Kerby Gallego

lathalain
Pinoy ‘di POP-akabog
Sapat na ang pag-play sa isang tono upang marinig at matawag pansin ang mga Pinoy Pop (PPoP) fans. Sumasabay sa indak ang kanilang katawan sa mga tono ng kanta na tila kabisado ang bawat galaw. Hindi maiwasang pansinin ang mga trending nilang mga kanta at sayaw na nagkalat sa social media, kahit mga hindi sa kanila umiidolo ay napapasayaw rin dahil sa impluwensya nito.
Pamilyar ka ba sa “Salamin, Salamin” at “Gento”?
Malamang nakilala mo na rin ang mga sikat na PPoP idol sa bansa. Kasabay ng BINI at SB19 ang pag-angat pa ng ibang PPoP group tulad ng HORI7ON, VXON, BGYO, at marami pang iba. Sila na ba ang magsisilbing daan upang matuklasan at maipakita sa mundo ang talento ng mga Pilipino?
Isa sa mga hinahangaan ng fans sa kanilang iniidolo ang talento nila sa paglikha ng musika, pagkanta, at maging sa pagsayaw. Kaya naman, hindi kataka-taka na parami na nang parami ang nahuhumaling sa kanilang mga likha dahil sa inspirasyong dala nito. Kabilang si Lezeil Anino, mula sa 10-Rizal sa mga mag-aaral ng Caybiga High School na tagapakinig sa mga awitin ng SB19.
Maaari pang madagdagan ang mga nagnanais maging tulad din nila kung patuloy na susuportahan ng kapwa Pilipino ang isa’t isa. Kinakailangan lamang na linangin at paunlarin ang kanilang talento, tiyak malayo ang kanilang mararating. Iba rin talaga kapag Pinoy!


Tamis ng Tagumpay:Panghimagas ni Arenas
Sa likod ng mga tambak na libro, patong-patong na gawain, at paglalaan ng mahahabang gabi sa pag-aaral— si Reynald Andrei Arenas, isang Senior High School student mula sa Caybiga High School ay nagbukas ng pintuan sa mundo ng negosyo. Sa simpleng hilig sa paggawa ng matamis na dessert, nabuo ang ideya ng pagbebenta ng Oreo cheesecake— isang produkto na hindi lamang nagdala ng dagdag na kita kun’di naging simbolo ng determinasyon at pagsusumikap. Musmos pa lamang, namulat na siya sa kalagayan ng kanilang buhay kaya naman kahit nag-aaral, pinili niyang magtinda upang magkaroon ng mapagkakakitaan. Wala siyang pormal na pagsasanay sa paggawa ng panghimagas kaya naman tumingin siya ng recipe online. Pinaglaanan niya ito ng P800 bilang puhunan at inalok sa mga kaklase at kaibigan na tumangkilik naman. Ang mga tubo ay ginagamit niya upang mag-stock ng mga sangkap para sa patuloy na produksyon ng Graham Dessert, na nagtitiyak na laging map handa para sa mga darating na order.
Katulad mo ba si Reynald na gusto ring makatulong sa pamilya? Ngunit hindi alam ang nais na gawing pagkakitaan? Maaari mong gawin ang recipe na ibinahagi niya upang makapagsimula rin ng maliit na negosyo: Una, Ihanda ang mga kinakailangang sangkap:
LABUBU CRAZE
Mayroon na bang anik-anik ang lahat?
Naglipana sa iba’t ibang lugar at nagkalat ang unboxing videos online ng isang collectible, ang Labubu. Mayroon pang ibang sumikat na mga anik-anik kasabay nito, ito ang Smiskis, Sonny Angels, Molly, at marami pang iba. Umani ng iba’t ibang reaksyon ang mga anik-anik na itinitinda online, may ibang natutuwa dahil sa cuteness overload na dala ng mga ito habang may mga nagsasabi na sayang lang ang pera sa mga ganitong bagay at mas mabuting gamitin na lamang ito sa mas mahahalagang pangangailangan.
Nakikilala ang Labubu sa matutulis nitong tenga, matatalas na ngipin na lumalabas sa kanyang bibig, maliit na katawan at may pilyong ngiti. Ang pinaka-viral na koleksyon ng Labubu ng Pop Mart ay ang “Exciting Macaron,” kung saan nakita si Labubu na nagsusuot ng iba’t ibang pastel-colored onesies. Nagsimula ang mga
Labubu nang i-publish ni Kasing Lung ang serye ng kwentong “The Monsters” noon pang 2015. Karaniwan itong nabibili sa mga tindahan ng Pop Mart na nagkakahalagang 900 pesos hanggang 51,000 pesos, depende sa laki at uri ng manika.
Hindi rin nagpahuli maging ang mga kilalang personalidad. Naging popular ang mga Labubu nang mag-post sa Instagram story ang kilalang Thai K-pop Idol mula sa Blackpink na si Lisa Manoban. Tinangkilik din ito ng mga content creatos at artista tulad nina Vice Ganda at Heart Evanghelista.
3 buong Oreos, 2tsp (10g) melted butter, 1½ cup (115g) cream cheese, 2tbsp icing sugar, 2 durog na Oreos Ikalawa, durugin nang pino ang buong Oreo at isalin sa mangkok, idagdag mo na rin ang melted butter at haluing maigi upang mabuo ang base at ilagay sa refrigerator.

Ngunit higit pa sa simpleng pagkolekta, ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagkahumaling sa mga anik-anik na ito? Marahil, ibinabalik nito ang ating pagkabata. Ang simpleng kasayahang hatid ng pagbubukas ng isang bagong laruan at mga alaalang muling nabubuhay sa bawat unboxing. Ngunit, hindi nakasalalay ang kasiyahan sa dami ng mga koleksiyon. Laging isaisip pa rin na kinakailangang maging masinop sa pera at ilaan ito sa mas kinakailangan.

Ikatlo, sa isang malaking mangkok, paghaluin ang cream cheese at asukal na pino gamit ang whisk at ilagay ang mixture sa ibabaw ng base at pakinisin. Ilagay itong muli sa refrigerator sa loob ng ilang oras. “Huwag kayong panghinaan ng loob, i-try lang palagi lahat ng maiisip niyo kahit mabagal man ang magiging proseso ng iyong binabalak na negosyo, kailangan lang talaga ng sipag at tiyaga.”, Ang payo niya para sa mga estudyanteng nagnanais o nangangambang sumubok magnegosyo. Hindi man puro tamis ang timpla ng iyong buhay, ang mahalaga, mananatili kang sumusubok upang makamit ang tagumpay na inaasam. Malay mo katulad ka rin pala ni Reynald na nagmula sa pagiging estudyante tungo sa pagiging matagumpay na batang negosyante.

Mananatiling Totoo sa Sinumpaang Prinsipyo
Nagsimula na namang mag-ingay at magpapansin ang mga kandidato para sa pwesto. Nalalapit na kasi ang halalan kaya naman pinapabango na ang kanilang pangalan sa publiko. Tila pinapalobo nila na parang bula ang mga pangako sa taumbayan ngunit nang makaupo ay biglang pumuputok at nawawala.
Mapagmulat at tunay na nagsisiwalat ng totoong kalagayan ng politika sa ating bansa ang pelikulang Balota. Naipapakita nang maayos sa publiko ang mga posibleng kaganapan sa mga lugar tuwing panahon ng halalan na lingid sa ating kaalaman. Sa pamamagitan ng pelikula, naipapakita ang mga isyung kinakaharap ng ating lipunan at nagsisilbing paalala sa atin na maging mapanuri at bumoto nang matalino. Kaya naman mayroon tayong malaking gampanin bilang mamamayan ng ating bansa.
Taas-noo nating kilalanin at bigyang pugay ang mga katulad ni Teacher Emmy, na hindi tumigil sa pagpapahayag ng katotohanan kahit na isakrapisyo pa ang kaniyang buhay. Ang kanilang katapangan at dedikasyon sa paghahanap ng katarungan ay isang inspirasyon sa ating lahat. Sila ang mga tunay na bayani na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging matapat at pagiging matatag para sa bayang sinilangan.
Pinatunayan lamang ng pelikulang Balota kung gaano kagulo ang sistema ng eleksyon, ngunit ipinapakita rin dito na kung mananatili tayong nakatindig at hindi papayag na magpapaapi, mananaig ang mabuti. Mayroon pang pag-asa at magagawa lamang natin iyon kung hindi ipagbibili ang boto, para sa pinapangarap na pagbabago at maunlad na Pilipinas.

Dibuho ni Denver Galangco
John Vincent Sangullas
Sophia Descaya
Sean Art Rocha
John Yurie Dilao
Dibuho ni Emanuel Pinto