AMUDYONG XXXVI

Page 1

AMUDYONG XX XVI

Ang opisyal na LATHALAING PAMPANITIKAN ng USANT-JHS

Tungkol sa PabalaT

Ang layunin ng pabalat ng ika-tatlumpu’t anim na isyu ng Amudyong ay maipakita ang katatagan sa gitna ng pagbangon mula sa kadiliman, alinsunod sa temang “Kutitap: Pagtuklas ng liwanag sa mundong saklim ng dilim.”

Ang kadiliman ay naglalarawan ng mga sitwasyon ng kawalan ng liwanag, kalungkotan, at kawalan ng pag-asa. Ito ay isang estado ng emosyonal na kawalan, pagkabigo, o pagsalungat sa ating mga layunin at hangarin sa buhay. Sa kabila ng kadiliman, ang muling pagbangon at katatagan ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na humarap sa mga pagsubok at harapin ang mga hamon sa buhay.

Sa pamamagitan ng pagsusulat, maaaring magkaroon tayo ng isang instrumento upang maipahayag ang ating damdamin at karanasan sa kadiliman. Maaari nating ibahagi ang ating mga pinagdadaanan, mga pagsubok, at ang ating mga paraan upang malampasan ang mga ito.

Ang pagsusulat ay maaari ring maging isang paraan ng pagtatala at pagbabahagi ng mga karanasan ng muling pagbangon at katatagan. Sa pagsusulat, maaari nating tukuyin ang mga hakbang na ating ginawa upang malampasan ang mga pagsubok, ang mga aral na natutunan natin, at kung paano tayo naging mas matatag bilang resulta ng mga ito.

Nais manghikayat ng Amudyong ng mga mambabasa na maaari nating panatilihin ang kahusayan at malampasan ang kahit na anong pagsubok kapag tayo ay may tamang determinasyon at pag-asa.

KUTITAP

Ang dahan-dahang pagpatak ng buhangin sa manipis na bewang ng orasa ng taon ang tanging maririnig sa malawak at walang hangganang kadiliman sa daigdig. Pagpatak na kumbaga’y makakabaliw kung pakinggan nang paulit-ulit. Walang tigil na pagdaan ng oras ang

karaPaTang ari

Ang Amudyong ang opisyal na pampanitikang lathalain ng USANT Junior High School Department.

Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin o ipamahagi nang walang paunang pahintulot sa mga may-akda at/o mga publisher maliban kung ang mga sipi na napakaloob sa mga kritikal na artikulo ay gagamitin para sa akademikong pagsusuri.

Bukod dito, ang pagbebenta ng publikasyong ito sa kahit anong komersyal na transaksyon ay lubos na ipinagbabawal.

Nang ang orasa sin-pansin ang tila taong pig sa pagnanais ng babaeng pin

am na pag-asa, pin alpas, upang makamit nito na bigyang ilaw ang mga nababalot ng kadiliman. Ang

pangalan niya’y Kutitap. Sapagka’t siya ang kumukuti -

tap na simbolo ng pag-asa ng masa.

NILALAMAN

Kutitap tungkol sa pabalat

karapatang ari

Mga nilalaman

maikling kUWENTO

-estrella

-sa loob ng tahanan

-liwanag

-pagasa

-Awit ng pangarap

-nARIYOn

-Bumbilya

-liwanag sa araw ng dilim

-KABALYERo

-amerikanang itim

Tula

-Katibayan

-buwan sa milyon milyong bitUin

-nakakabinging katahimikan

-liwanag ng kadiliman

-kompas

-isang libong ngiti

-ligaw

-Paglakbay sa dili-dili

-ilaw niya

-mananatili ba akong nakakUlong sa dilim?

-kapayapaan na ating inaasam

Sanaysay

-pananaw

-banaag mGA

KUWENTO

Mga
LIKHANG SINING Komiks crossword ang patnugot
1
12 26 28 31 34 35

ESTRELLA

Ako si Estrella. Ang aking pangalan ay nangangahulugang “Bituin.”

Ngunit sa kasamaang palad, ang katangian ko ay kabaliktaran nito. Ako ay hindi makinang tulad ng inaasahan niyo. Nababalot ng alikabok ang mundong ikinagagalawan ko. Makikita pa ba ang gandang itinatago mo?

Ipinanganak si Estrella sa panahong lahat ng kilos ay kontrolado. Hindi pwedeng magsalita dahil bala ang susunod na tatama. Nakatago ang kakayahan at paniniwala, takot masaktan ng lipunang kinabibilangan.

Isinilang si Estrella na may angking kinang, kapag nakita mo siya ay tiyak na mapapahanga ka. Hindi lang ganda, angkin rin niya ang katalinuhang dala. Ngunit pilit namin itong kinubli, binalutan ng alikabok upang hindi mapansin ang taglay ni Estrella. Makasarili bang matatawag kung gusto ko lang namang protektahan siya?

Panahon ang lumipas at nagkaroon siya ng sariling paniniwala, nagkaroon ng lakas ng loob upang magsalita. Inilaban ang bawat letra ng binibigkas niya. Nakita ang kinang sa mga mata ng dalaga dahil natunghayan niya ang suporta ng kabataang tulad niya.

Si Estrella ay tunay na makinang at tinitingala ng madla.

Napuksa ang kadiliman dahil sa tapang na ipinakita niya. Napunasan na ang alikabok sa kapaligiran nila, at nakita ang kinang na inaasam-asam nila.

Sa loob ng

TAHANAN

“Anak, halika nga rito! Tumulong ka naman!” Ang tunog ng mga tasa at mabigat na pagkatok ni mama ang sumalubong sa araw ko. Pagbaba ko ng kwarto, naririnig ko nanaman ang daming talak na lumalabas sa bibig ni mama. “Ma, kailan po ta-” “Joy, tumulong ka na nga rito, salita ka kasi nang salita kaya walang nagagawa.”

“Ganyan ang laging nangyayari, Bawat oras, bawat minuto, bawat segundo.” bulong ko. Nakalimutan ko na kung kailan ako nakita, kung kailan sa akin naparamdam ang pagmamahal ng isang ina. Ang puso kong nagbabaga ay naging pusong bato – wala nang pakealam sa komento at opinyon ni nanay.

Bawat katok ko sa pinto ng anak ko ay sinabayan ko ng sermon. Luto rito, linis doon. Dami-dami ko na ngang ginagawa, hindi pa makatulong si Joy. “Joy tumulong ka na nga rito, salita ka nang salita kaya walang nagagawa.” Naisumbat ko ang mga iyon sa anak ko. Gusto ko sanang sabihin na ‘Anak, di ko sinasadya. Pagod kasi ako.’ Ngunit ‘di kaya nang bibig ko ang maibigkas ang mga katagang iyon. Wala akong magawa kundi manood kung paano mawalan ng kislap ang mga mata ni Joy habang papalabas ng bahay. Ginagawa ko iyon dahil mahal ko siya, anak ko siya. ‘Di niya iyon naiintindihan.

“Natuklasan ko…”

“Natuklasan ko…”

“Ang pagmamahal ng isang ina…”

“Ang pagmamahal ng isang anak…”

Ito lang pala ang liwanag na kailangan ko. Ang liwanag na magliligtas, at lulutas sa madidilim at mabibigat na pangyayari sa buhay. Ang damdamin ng aking tahanan.

Iginuhit ni: Gabrielle Emereine Joson
AMUDYONG 3
AMUDYONG 2 Maikling Kuwento Maikling Kuwento
Kutitap
Kutitap

Liwanag

Ni: Ellaine Joie H. Sanchez | Iginuhit ni: Vladimir Vargas

“Nay, nandito na po ako!,” Pag-aanunsyo ko kay nanay na nasa kusina at nagluluto ng paborito kong putahe na Egado. “Mano po.”

“Pagpalain ka ng Diyos, iha,” Nakangiting sabi sa akin ni nanay.

“Salamat po ‘nay. ‘Nga pala, gagawa muna po ako ng aking takdang aralin.” ani ko.

Ako nga pala si Alyanna, nakatira ako sa lungsod ng Maynila. Mahirap ang buhay ngayon, kailangan mo munang mag sumikap ng todo bago mo makamit ang inaasam mo. Ang tatay ko ay may iba nang pamilya at ang nanay ko naman ay tagaluto sa karenderya malapit sa isang pamantasan. Hindi gaano karami ang kinikita ng Nanay Lena ko kaya nagsumikap akong maging iskolar para kahit papaano makabawas ako sa mga gastusin dito sa bahay.

Nakikinood ako sa telebisyon ng kaibigan kong si Blessy. “Magandang gabi po mga kabayan! Naitala ngayon ang panibagong sakit na umiiral sa ating bansa ngayon, ito ay nakamamatay na sakit kaya mag-iingat po tayong lahat.” Ani ng reporter sa balita. “Teh, sabi rin dito na huwag muna lalabas ng bahay hangga’t maari.” Sabi ng kaibigan ko. “Papaano naman ang pag-aaral natin? Paano ko na makikita ang crush ko sa eskwelahan?” Dagdag pa niya na parang humihikbi.

“Ang problemahin natin ngayon kung papaano tayo mabubuhay at papaano natin matutulungan ang mga magulang natin sapagkat mahina na ang magiging kita nila dahil kaunti na lang ang lumalabas ng bahay nila.” Nakakalungkot mang isipin na magbabago ang mga nakasanayan natin ngunit wala naman tayong magagawa. Sana isang araw ay may dumating na tulong para sa mahihirap na katulad namin.

“Nak, natanggal ako sa trabaho.” Sabi ng nanay sa akin. Hindi naman siya umiiyak ngunit nakikita ko sa mga mata niya ang labis na kalungkutan. “Ayos lang po ‘yon, ‘nay. Maghahanap na lang po ako ng trabaho upang makatulong po sa inyo.” Ani ko. “Pagpasensiyahan mo na ang nanay, ‘nak. Hindi ko man lang mabigyan ka ng maayos na buhay.” Ngayon, umiiyak na siya habang sinasabi iyon sa’kin.” Hindi niyo naman po kasalanan. Makikiconnect na lang po ako kina Blessy upang makahanap ng trabaho, kaya tahan na nanay kong maganda, ako na po ang gagawa ng paraan!” Sabi ko sa masiglang boses upang mapagaan ang loob ni nanay.

Mahirap mag-aral at mag trabaho nang sabay ngunit kinakaya ko para kay nanay. Nag-oonline class ako sa bahay nina Blessy at bigla ko itong nakitang tumatakbo papalapit sa akin. “Teh, may chika ako sayo! Sabi niya at halatang-halata ang kasabikan nito sa mukha. “Saglit lang Blessy ah, sinabi ko naman sa’yo na huwag mo akong gugulohin dito. Oh, siya ano iyon?” Tanong ko. “Pasensiya ka na ah pero importante kasi ito. Ang kapatid mo sa tatay mo ay nagbibigay ng ayuda sa munisipyo!” Pagkarinig ko ‘non ay labis ang galak ko dahil ang tinutukoy niya ay si Ate Amber kapatid ko sa tatay. Maayos din kasi ang paghihiwalay ng mga magulang ko kaya kahit papaano ay nakakausap ko ang tatay at pamilya nito. Si Ate Amber ang pinaka-close ko sakanila kaya naman ganoon ang reaksiyon ko. Hindi niya kami pinapabayaan ng nanay lalo na nung bumagyo sa amin. Siya ang tunay na LIWANAG sa mundong saklim ng dilim para sa akin.

Ni: Zi Xian G. Wong

Pag-Asa

May isang batang isinilang at ang kanyang pangalan ay Juan. Si Juan ay ipinanganak sa isang bukirin na kung saan sila’y nakatira sa kasalukuyan. Si Juan ay mahirap lamang, lumaki itong walang makain tila’y puro mantika ng baboy at asin ang ulam.

Nang makatungtong sa kolehiyo, siya ay nakipagkaibigan sa mga basagulero. “Halika’t sumama ka sa amin, tiyak na ikaw ay hindi papakealaman ng mga tao dito.” Dahil sa kagustuhan ni Juan na walang papakealaman, siya ay sumama kanila Jose.

Isang araw, habang siya ay kumakain, pinuntahan siya nina Jose dahil may gagawin lamang daw sila. Hindi alam ni Juan na siya ay mapapahamak dahil sakanila. Nang sila’y nakapunta sa kanilang paroroonan tila ba’y hindi mapakali si Jose. “Jose, bakit tila’y di ka mapakali?” Saad ni Juan. “Ako ay napa-away diyan sa kanto, kaya kita sinama dahil babawi tayo.” Sagot naman ni Jose.

Kinabukasan, pumasok si Juan sa paaralan. Nang dumating si Juan sa kanyang paaralan, hinihintay ni Jose si Juan sa labas. Binigyan ni Jose si Juan nang ilegal na gamot. “Ito ang makakatulong sa iyo, masyado ka nang napapagod sa pag-aaral.” Napailing si Juan sa sinambit ni Jose. “Di ‘ba masama ‘yan?” Sagot naman ni Jose, “Hindi ito masama. Huwag mong sabihin na ako ang nagbigay niyan at di ‘ba gusto mong yumaman?” Napa-oo nalang si Juan dahil gusto nga nitong magkapera.

Pumunta siya sa mga kanto na maari niyang mabentahan ng ilegal na gamot. Siya nama’y nakakabenta. Si Juan ay gustong magbago ngunit huli na ang lahat. Nahuli siya ng mga pulis at wala na itong nagawa.

Ang kwentong ito ay nagsasabing isipin ang anumang mangyayari sa iyong kilos; kahit gaano kadilim ang iyong pinagdadaanan, may darating na liwanag sa buhay mo.

Kutitap AMUDYONG 5 Kutitap AMUDYONG 4
Kuwento
Iginuhit ni: Vladimir Vargas
Maikling
Maikling Kuwento

Awit Pangarap ng

Ang pamilya ay nakatira sa isang maliit at tahimik na bahay. Sina Tina, Christine, at Pablo ay tatlong anak ni Pia. Si Pia ang tanging nakaligtas sa kanyang tatlong kapatid at may malubhang kapansanan ngunit nabubuhay para sa kanyang mga anak. Panganay sa tatlong anak, responsable si Tina, mabuting kapatid sa kanyang mga kapatid at mahilig kumanta para aliwin ang kanyang pamilya.

Isang tag-ulan, habang namimili kasama si Tina, biglang nawalan ng malay si Pia at agad na humingi ng saklolo ang kanyang anak at isinugod sa ospital. Di nagtagal, sinabi ng mga doktor kay Tina na namatay na ang kanyang ina. Hindi ko na napigilang umiyak at mapasigaw sa nangyari kay Tina. Sinabi rin niya sa magkapatid ang nangyari nang tumigil ang mundo ni Tina. tanong ni Pablo sa kan- ya. “Ate, paano naman tayo?” Sino ang mabubuhay para sa atin? Napatigil si Tina sa narinig at niyakap na lang sila.

Lumipas ang mga araw at inilibing ang ina, ngunit napuno ng sakit at kalungkutan ang kanilang mga puso. “Paano ko siya bubuhayin, Pablo, Mama? matatanggap ko pa ba ito?

Maraming tanong ang tu-

matakbo sa isip ni Tina noong mga oras na iyon, ngunit pagkaraan ng ilang linggo, nagkaroon ng lakas ng loob si Tina na gampanan ang responsibilidad na iniwan ng kanyang ina. Lagi siyang sumasali sa mga singing contest. nabigo siya ng maraming beses at umasa ng maraming beses

Sumusuko na ako, umiyak ng sobra, at tumatayo pa rin ng paulit-ulit. Walang pag-aalinlangan, agad siyang pumayag, hanggang isang araw ay nag-alok ang isang sikat na direktor na kunin siya bilang singer. Gamit ang pagkakataong ito, marami ang nagsimulang mag-open up kay Tina. Makalipas ang ilang taon, naging matagumpay na mang-aawit si Tina, nakapag-aral, at tumutulong sa kanyang mga kapatid na magkaroon ng magandang buhay. Isang magandang araw, biglang huminto si Tina at tumingin sa paligid. Nang tuluyang maalala ni Tina ang kanyang ginawa ay napaluha siya.

tagumpay

Tinanong niya ang Diyos kung ito ay tama para sa kanya at sa kanyang mga kapatid. Dito niya napagtanto na kahit anong pasanin ang ating nararanasan sa buhay, may magaan na pumalit sa bigat.

Ni: Anne Bea A. Balatan

Nariyon

Iginuhit ni: Joaquin Ensano

Isang kakaibang araw, gumising si Nalia na mabigat ang pakiramdam. Naalala niya na lang bigla sa pagmulat ng kanyang mga mata ang lahat ng kaniyang dinanas na matagal na niyang kinikimkim. Napatanong siya sa kanyang sarili kung bakit nga ba siya natatakot, natatakot sa mga bagay bagay na subukan muli. Saan na nga ba papunta ang aking buhay, tanong niya na naman sa sarili. Mundo niya’y saklim ng dilim dahil sa dinanas niyang hindi mabilis kalimutan. Dahil sa mga dinanas niyang hindi mabilis kalimutan. Mundong puno ng dilim, lungkot at sakit ang tanging nakatanim sa puso ni Nalia, puno rin ng sugat na malalim at lalong hindi niya na alam kung saan pa kakapit. Sa kabila ng lahat na kaniyang dinanas, may isang mabuting ginoo na nagsilbing ilaw ds mundo ni Nalia na madilim. Kinilala nila ang isa’t isa at ibinahagi lahat ng kanilang lihim. Naging mas komportable ang dalawa at nagsimula ang kanilang kwento ng pagmamahalan. Naging mas maayos at maganda ang naging samahan nilang dalawa, si Nario ang nagbigay direksyon at naging sagot sa mga tanong ni Nalia. Ngiti ni Nario ang naging lunas sa lahat ng dinanas ni Nalia. Yakap ni Nario ang sakaniya’y nagpakapit, inilabas ni Nario si Nalia sa mundo niyang madilim at sinama ito sa mundo niyang puno ng kasiyahan at kulay. Dito napagtanto ni Nalia na walang dilim kung sasabihin lang ng kinikimkim at lihim.

6
AMUDYONG
Maikling Kuwento
AMUDYONG 7 Maikling Kuwento
Kutitap
Kutitap

Isinulat ni: Naome Lene M. Nabata

“Aray! Tama na po!”

Awa ko. “Hindi ka nag-iisip eh no?! Simpleng bagay hindi mo pa magawa!” Sigaw ng aking ama at hinampas ulit ako. Ilang minuto na, patuloy pa rin ang parusa sa akin. Maliit na pagkakamali lagi na niya ako tinataasan ng boses. Ano ba ang ginawa ko kaya laging mainit ulo niya sa akin?

Alas nuwebe na ng umaga nagsilabasan ang aking mga kaklase sa silid-aralan. “Jona Mae!” lumingon ako at nakita ko si Bb. Rodriguez. “Nag-jacket ka na naman. Hubarin mo iyan,” utos niya. Napa-iling ako at umatras. Hindi maari! Paano kung husgahan niya ako? Tiningnan niya ako ng masama at sumunod na lang ako. TAKOT at ALALA nang nakita niya ang mga sugat sa katawan ko. “Sinong gumawa niyan sa’yo?!” alala niyang tanong. Napa-buntong hininga ako at kinuwento ang nangyari.

“Tingnan mo na lang ang bumbilya sa taas. Nagbibigay ng liwanag ngunit kapag walang nag-bukas nito, paano natin makikita ang nasa paligid natin? Parang tayo lang, tayo ang bumbilya at kapag may makilala tayong mabuting tao, sila ang magbubukas para mabigyan tayo ng liwanag. PAG-ASA.” Hinawakan niya ang aking mga kamay at ngumiti. “Tiwala lagi sa Diyos,” dagdag niya.

Ilang taon na ang nakalipas, naabot ko na ang aking pangarap. Nakapagtapos na ako sa kolehiyo at naging doktor. Hindi ko nalimutan ang sinabi ni Bb. Rodriguez. Kung hindi niya kinausap nung araw na iyon, hindi ko na mararanasan ang kasiyahan at habang buhay na lang ako kakapit sa dilim. Siya ang nagbukas sa akin para mabigyan ako ng pag-asa.

Liwanag

Ang sa Araw

Dilim

Isang bata na nagngangalang Samantha ay nanggaling sa isang normal na pamilya. Si Samantha ay masipag na bata at matulungin sa kanyang kapwa, ngunit isang araw nagkaroon si Samantha ng isang karanasan na makakapagbago ng kanyang buhay. “‘Nay, papasok na po ako.” wika nito. Habang naglalakad si Samantha patungko sakanilang paaralan ay nakakita siya ng wallet sa daan at agad niya itong pinulot upang maibalik ito sa may-ari. Naisipan ni Samantha na ibigay ito sa pulis upang maibalik ito sa may-ari. Tumungo na si Samantha sa paaralan at ibabalik niya na lamang ito pagkatapos ng kanyang klase. “Wow, bago ang wallet ni Samantha, ehem baka naman.” Salubong ng kaklase niya sa kanya. “Pasensya ka nam ngunit hindi ito sa akin.” Wika ni Samantha. “Bahala ka nga.” Hindi na lang ito pinansin ni Samantha. Nang matapos na ang klase ay umuwi ni Samantha, ngunit nakalimutan niya itong ibalik sa pulis. Pagdating sa bahay ay naabutan ni Samantha na malungkot ang kanyang nanay. “‘Nay, bakit ka po malungkot?” tanong ni Samantha. “Anak, wala nang trabaho ang tatay mo. Wala na ring trabaho ang tatay mo.” Sagot ng nanay ni Samantha. Pagkasabi ng nanay niya ay biglang naalala ni Samantha ang wallet. “Oo nga pala ‘nay, may napulot po akong wallet sa daan kanina. Ibibigay ko po ito sa pulis bukas upang makuha ito ng may-ari.”

Kinabukasan… Ibinigay na ni Samantha ang wallet at pagdating niya doon ay naroon ang may-ari ng wallet. “Naku! Maraming salamat po. Sobrang pasasalamat ko po sayo, grabe ang halaga nito sa akin.” Ani niya. “Walang anuman po. Tandaan niyo lang po ay lagi tayong maging totoo at magtulungan.” Sagot ni Samantha. “Ano ba ang pwede ko maibigay sayo?” “Ito sayo na ito, hindi ito kalakihan ngunit sana pwede na iyan.” Wika ng may-ari sabay bigay ng pera kay Samantha. “Naku po! Maraming Salamat! Hindi niyo po alam kung gaano ito kahalaga sa akin.” Tuwang-tuwa na wika ni Samantha. Nagpaalam na ang dalawa sa isa’t-isa at tuwang-tuwa ang magulang niya nang mabalitaan ang kabutihan na gawa ni Samantha. Lagi natin tandaan na magtulungan tayo sa mga araw nang kadiliman dahil tayo-tayo lamang ang magtutulungan.

BUMBILYA
Ni: Sofia Kely Monasterio Iginuhit ni : Suzanne Tuieco
Kutitap AMUDYONG 9 Kutitap AMUDYONG 8 Maikling Kuwento Maikling Kuwento
Iginuhit ni: Suzanne Tuieco

Kabalyero

Iginuhit ni: Liz Rheann B. Malapo

“Stella!” sabi ng boses mula sa likod ng mahabang mesa kung saan kumakain ang buong pamilya Gauntlet.

“Reyna Victoria, hayaan mo muna siya,” narinig kong sabi ni Tita Marlia kay Raina. Reyna Victoria ang reyna ng ating kaharian, at kahit matanda na siya, kaya niyang protektahan ang buong kaharian. Sa halip, gagamitin mo ang kapangyarihang iyon para maging mas malakas at mas makontrol. Hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya namamana ang kanyang kapangyarihan. Dahil ito lang ang option kung gusto niyang magpahinga. Dahil sa kahariang ito, kahit ibigay mo ang iyong kapangyarihan sa ibang miyembro ng pamilya, kailangan mo pa ring pagsilbihan ang buong kaharian. Marahil, sa lahat ng kaharian dito, ang atin ang pinakamalakas. Sa lahat ng kaharian dito, dalawa ang nagmana ng kakaibang kapangyarihan. Kaya gustong patayin ng kabilang kaharian ang lahat ng bata na may kakaiba lamang na marka sa mata at berdeng buhok. Bilang resulta, ang mundo ay tila nababalot ng mas makapal na hamog kaysa dati, at para mabuhay, kailangan niyang iwan ang tunay niyang pamilya. Stell Van Gauntlet. Sya ang aking kapatid na lalaki. Upang maprotektahan ang aking lola, si Reyna Victoria, pinalayas niya ang aking kapatid at naglakbay sa mga lugar na hindi mapupuntahan ng mga mamamatay-tao.

Nag-impake ako ng pagkain para sa paglalakbay at isang espada upang protektahan ako mula sa pinsala. Sinimulan namin ang aming paglalakbay pagkatapos ng dilim.

Pagdating ko sa gubat, tinignan ko muna kung may tao, saka tinawag ang pangalan ni Stell. “Stell!” sigaw ko pero walang sumasagot. “Asan ka?” sabi ko sa sarili ko. Lumipas ang maraming araw at hindi pa rin nakikita ang kapatid ko. Hanggang sa mapadpad ako sa pinakamadilim na sulok ng malawak na kagubatan.

Nang bigla akong makarinig ng mga hiyawan na nagmumula sa kanlurang bahagi ng kagubatan ay naisip kong guni-guni iyon na parang nakikipag-away sila sa mababangis na hayop dito. Dumiretso ako sa sigaw at nakita ko ang isang lalaking punit-punit ang damit at mahabang buhok na laging nakikipaglaban sa tigre. Nang malaman ko ito, nagpasya ako at agad na hinubad ang aking kamiseta, binunot ang aking espada at nilabanan ang tigre. Nagulat man ang lalaki ay tinulungan niya akong labanan ang tigre at madali ko itong napatay.

“’Salamat—’ Naputol ang mga salita niya ng pasasalamat nang makita niya ang mukha ko. ‘Stella?! “Sumama ka sa akin, Stel, ikaw lang ang makakapagligtas sa amin—”

“Hindi ako si Stella, ikaw. may kapangyarihan kang magmana sa kanila para sa amin, sila ay mga ninuno at diyosa. ” Hindi ko siya maintindihan.

“Alam kong nalilito ka, pero kaya ako pinadala, dahil alam ko ito. Ikaw ang tagapagmana, at ipinamana rin sa iyo ng ating mga magulang ang kapangyarihang iyon, dahil ikaw ang nakatakdang iligtas ang bawat kaharian at bawat tao rito. Dapat mong patayin ang ating Reyna, kailangan mong patayin si Reyna Victoria, ngunit hindi ako makakasama sa iyong paglakbay.”

Mabilis kaming umuwi at kitang-kita ko sa mga mukha nila ang pagkagulat. Buong buhay ko akala ko may sasabihin sila sa akin, pero nagkamali ako. Napakalakas ng hangin na maging ang langit ay tila galit ng biglang tumalsik ang apoy sa aking mga palad sa galit. “Isa kang mamamatay-tao!” Sigaw ko kay Reyna Victoria. Nasabi na niya sa akin ang lahat, kaya hindi na niya ako hinintay na magtanong, pero hindi ko naintindihan, dahil parang hinihigop ng lakas at kapangyarihan ko ang kapangyarihan niya.

Kutitap

Amerikanang Itim

Ni: Ashley Nicole V. Rull | Iginuhit ni: Joaqin Ensano

“Inay! Tignan niyo po ang ganda talaga ng regalo ni tatay sa akin.” Sabi ng isang batang bakas ang saya sa kaniyang mga labi at mata. “Hayaan niyo po, paglaki ko gusto kong maging abogado para ipagtanggol ang mga taong inaapi at siyempre kapag nakapag-trabaho na ako, ibibili ko po kayo ng malaking-malaking bahay.” Seryosong pag kukwento ni Aya. Pinagmasdan lamang siya ng kaniyang ina at naluha ito dahil sa murang edad pa lamang ay naiisip na niya ang mga ganitong bagay.

Makaraan ang ilang araw ay dumating ang isang trahedyang magpa-pabago sa buhay ni Aya. Nasunog ang kanilang bahay at nasawi ang kaniyang mga magulang, kinuha silang magkakapatid ng kanilang tiyahin ngunit pinagmalupitan sila nito. Pinag tatrabaho siya sa karinderya kapalit ng pagbuhay sakanila. Lagi rin silang sinisisi sa pagkamatay ng kanilang mga magulang.

“Ate? Mag kokolehiyo ka na, may naiisip ka na bang kurso na iyong kukunin?” Ta- nong ni Teya, ang kapatid niyang bunso. “Gusto kong mag Abogado, kaso wala tayong sapat na pera para sa pagkokolehiyo ko, kaya siguro kayo muna ang uunahin kong pag tatapusin sa sekondarya.” Nakangiting sabi ni Aya ngunit bakas sa kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama.

Nang marinig iyon ng kaniyang tiyahin ay kung ano-anong masasakit na salita ang binato sa kaniya, kesyo hindi niya daw kaya dahil hindi naman siya katalinuhan at wala rin silang pera, ngunit hindi nagpa tinag si Aya sa mga narinig niyang batikos. Namasukan siya sa kung anumang trabaho at kahit mahirap ay kinaya niya upangmakapag ipon para sa kanyang pangarap. Nang makapag ipon ay tinahak niya agad ang kursong Abogasya. Ni minsan nga ay hindi na siya kumakain, makabili lang ng mga libro na kailangan niyang sa pag-aaral, sa kabila roon, naging iskolar din siya ng unibersidad na kaniyang pinapasukan.

“Ate!” Sigaw ng kapatid ni Aya habang patalon-talon na lumalapit sa kanya. “Bakit? Anong nangyayari sayo?!” Nag aalalang tugon ni Aya. “Ate, abogada ka na!” Tila’y natulala na lamang siya sa kanyang narinig.

Nang maging ganap na abogada si Aya ay lumipat na rin sila ng bahay at ipinagawa niya rin ang karinderya ng kanilang tiyahin, dahil iyon ay isa sa mga naging instrumento para mairaos niya ang kursong pinakaninanais niya. Sa bawat pag harap niya sa hukuman ay ang Amerikanong Itim ang lagi niyang suot dahil ito’y sumisimbolo ng kaniyang pangarap, at ito rin ang nagpapaalala sakanya na tatagan ang kanyang loob at huwag mawalan ng pag-asa sa pag abot ng kanyang mga pangarap.

Kuwento 10
AMUDYONG Maikling
Kutitap AMUDYONG 11 Maikling Kuwento

Katibayan

Sa buhay na puno ng pagsubok, Tayoy sumasabay, di nawawalan ng lakas. Ang tibay ng loob at pusong matatag, Yayakapin ang hamon, walang pag-aatras.

Kahit ang unos ay dumating at dumating, Lilipas din ang unos na yaon.

Tayo’y magtatagumpay sa bawat laban, Taglay ang galing na walang kupas ng liwanag.

Tulad ng puno na sa unos ay yumuyuko, Ngunit hindi pinapayagang matumba. Kami rin ay nagbubuklod, nagtutulungan, Tulungan ang kapwa, tibay ang ating pundasyon.

Sa bawat pagbagsak, muling tumatayo, Di natitinag, di nagpapatalo.

Dala-dala ang mga sugat ng kahapon, Bumabangon, lumalaban sa anumang hamon.

Tayo’y mga mandirigma, laging handang lumaban, Walang takot na humarap sa kadiliman.

Ang kalakasan natin ay hindi basta-basta, Taglay ang tatag ng mga bayani sa kasaysayan.

Sa gitna ng unos, tayo’y nagliliyab, Nagtutulungan, nagmamalasakit, nagmamahalan. Ang hirap ngayon ay lilipas din balang araw, At sa bawat pagsubok, tayo’y lumalakas at umaahon.

Sa tuwing tayo’y nahihirapan at nanghihina, Tatandaan natin ang ating tibay at giting. Ang resiliensyang taglay natin ay dakila, Tayo’y mga mandirigma, handang magpatuloy sa paglalakbay.

Ni: Sofia Moira B. Dolorical Iginuhit ni: Liz Rheann B. Malapo
AMUDYONG Tula 13
Kutitap

Buwan

sa Milyon- M ilyong Bituin

Ni: Raine Martha Gonzales

Iginuhit ni: Liz Rheann B. Malapo

Ang hugis bilog na ilaw, ngayo’y naghahari, Tila ang alapaap ay kaniyang pag-aari.

Buwan sa milyon-milyong bituin, Paano ka napapansin?

Maya’t-maya’y napaisip, Ang buwan ngayo’y para na lamang nakasilip. Natatakpan ito ng mga ulap; Unti-unti na itong niyayakap.

Kasabay ng malamig na simoy ng hangin na dumampi sa kaniyang balat, Ang pagbalik ng mga alaalang hanggang ngayon ay kaniya pa ring buhat.

Buwan sa milyon-milyong bituin, Ikaw pa ba ay mapapansin?

Tulad ng buwan, kung saan ang ulap ay bumalot, Magpapayak na lang nga ba sa lungkot?

Hahayaan na lang nga ba ang mga panahon na masayang dahil sa mga nakaraang tapos na?

Hindi na nga ba susubok? Hanggang doon na lamang ba?

O tulad ng buwan, ika’y babangon muli. Liliwanag pagkatapos ng ilang sandali. Mga ulap ay bibitawan na; Ulap na kung iisipin ay ang sakit na nadarama.

Kabataang nakatitig, isaisip lagi; Lahat ng pighati ay may oras upang mapawi.

Lumbay oh lumbay ay maaalis din sa sistema. Bagong ikaw ay kasiyahan sa puso ay madarama.

Nakakabinging KATAHIMIKAN

Ni: Jheanne Ehrico Adan

Iginuhit ni: Liz Rheann B. Malapo

Pintuang ‘di mabuksan, Mga pisarang ‘di masulatan. Upuang halos napabayaan, Nakakabingi ang katahimikan.

Pasilyong mistulang desyerto, Mga silid na Rinding-rindiabandonado. na ako, Nakakasawa na ang mundo.

Gigising pa ba ang normal?

Malaya pa bang makakapag-aral?

Ano ang isang tulad ko, Sa isang pwersang kay lakas kung umiral.

Isang hukbo ng kawalan ang bumubuntot, Na tila naghihintay sa aking pagsuko. Sakit na naghahasik ng pagkatakot, Na tila nakaantabay sa luhang tutulo.

Hahanap at hahanap ng liwanag, Sa katahimikan, hindi magpapatinag.

Hindi titigil hangga’t pag-asa ay masilayan, Babangon, hihinga ng malalim, lalaban.

Kutitap AMUDYONG Tula 15 Kutitap AMUDYONG Tula 14

KadilimanLiwanag ng

Nagliliwanag ang dilim, ilaw hindi na masilip

Dalamhati at lumbay sa pagasa’y tumatakip

Saan man tumingin dilim ay nananaig

May liwanag pa ba sa ating daigdig?

Ningning di masilayan sa mga mata

Sa mga anumang gawin ay may pangamba

Kalayaan at hustisya di mapasakamay, Pagka’t pagtrato ay hindi pantay.

Ako, Ikaw, Tayo. Liwanag ay nakapaligid sayo

Ilang beses mang masagip ang dilim, Aahon at di magpapatinag sa lagim.

Tayo’y liwanag ng bawat isa

Sa kadiliman gumigiya at nagbibigay pag-asa

Kutitap sa mga mata’y magbabalik

Ang liwanag, sa dilim ng kahapon ay hahalik.

Kompas

Iginuhit ni: Liz Rheann B.

Ang pag-ikot ng buhay ay puno ng sakit at paghihirap

Darating ba ang matamis na liwanag sa hinaharap?

Sa mundong tila tayo’y nag-iisa, Napaisip na lamang kung ito ba ay isang parusa.

Isipan ay puno ng duda, puno ng mga boses na tila, Nagsasabing tumigil ka na at tuluyan ng mawalan ng pag-asa.

Kaysa maghanap ng butil ng liwanag, Pinapakinggan ang kakaibang boses na tumatawag.

Pagkulong sa silid at paglulon sa masamang gawain, Lahat na’y ginawa upang malibang ang isip

Sa mga paghihirap na sakanya’y hinain.

Gaya ng bilog ito ay umiikot, May mga oras na masaya, mayroon ding malungkot.

Paglipas ng ulan ay may bahaghari, Ating sulyapan ang mga pangyayari.

Ulan may madilim at kay lamig, Ito’y isang rason kung bakit tayo’y may bigas na sinasaing.

Sa mundong madilim hinahanap natin ang liwanag, Ngunit di nating napapansin na mas lumalayo tayo sa ating hinahanap

Dahil sa maliwanag na pag-asa na kanyang pinapangarap

Simulan ang liwanag sa sarili na nakapagbibigay ng sagisag.

Ni: Antonette C. Villamer
AMUDYONG Tula 17 Kutitap AMUDYONG Tula 16
Malapo Iginuhit ni: Liz Rheann B. Malapo
Kutitap

Isang libong Ngiti

Kasarimlan ang natamasa pagkalipas ng taon, Kay rami ng inalay kasama ang ala-ala ng panahon. Mga buhay na nasira sandigan ang kinailangan, Hirap sa kalungkutan hindi na rin masilayan ang kasihayan.

Ligaw

Ni: Arcelaine Faye Paz

Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod, wala sa harap pagdating sa pito tapos na ito.

Isa, Hindi pwedeng matalo kaylangan kong magtago ako ang tinaguriang henyo kaya dapat ako ang manalo.

Ngunit patuloy ang paghumpay pag-asa ng bawat isa Hindi malililo kahit daluyong ang rumagasa. Pasulong lang ang paggalaw ng paa’t kamay ng talento, Kakayahang bumangon duguan man ang mga puso.

Koloreteng naitatala isang sining kung ituring, Salinlahi’y pinupuno ng makulay na walang subalit. Kadahilanan ng pagsilip ng ngiting nakatago, Habang pilit ang pagbuo sa mga bagay na gumuho.

Ganap nang marahuyo sa mga nakabibighaning akala, ‘Di kailanman mauubusan ng salita, Upang tuldukan ang hinaing sinisigaw nila, Wala ng hihigit pa sa pitong libong ngiting nakikita.

Simulan ng pakinggan kagalakang walang katapusan, Kahit silaw ng buwan at bahaghari sa kalangitan.

Walang hadlang sa pagkamit ng kasarimlan, Mala-nobela kung saan liwanag ang katapusan.

Dalawa, sarili’y nawiling sa pagtatagi sapat na siguro para manali ngunit ang pagtatago ay akin pala’y pagkabigo na hindi ko namalayan ako na pala’y talo.

Tatlo, ang kutitap ng alitaptap nawala nadin ang liwanag sa isa ng kisap ito naly kadiliman hanggang sa tuluyan nang naligaw sa dilim at tulugang sa tuluyan nang naligaw sa dilim at tuluyan nang nauhaw sa liwanag.

Apat, hindi namalayan sarili’y akin nang hinayaan ang dilim na pala anv ginawang karamay hindi na kilala ang batang naligaw masaya na kasi ito kapiling ang dilim na dating kjnakatakutan.

Lima, hanggang isang araw nahanap ako nang liwanag panandaliang naiwan sa dilim na aking kaibigan.

Anim, ang saya kapiling ng liwanag sa isang kislap nakalimutan ko anv aking kaibigan sa liwanag nakukuha anv kasiyahan ngunit ang sistemang pagod hanap hanap ang dilim na akong kaibigan

Pito, sa dilim nakuha ang pahinga sa dilim ang umuunawa ngunit kaylangan kung umahon kaya ang tahanan ay parating si liwanag.

Iginuhit ni: Joshua Hebrew Andalis Iginuhit ni: Joshua Hebrew Andalis
AMUDYONG Tula 18
Kutitap
AMUDYONG Tula 19
Kutitap

Dili-dili

Ni: Alyssa Louise Duro Ang lungkot na binabalot ng dilim. Ay ‘di nagpipigil sa damdamin, mabibigat na patak ng ula’y sumadabay, sa kakaibang binhi ng kirot habang naglalakbay.

Bawat hampas ng mga naglalakihang alon na ito, ang naging dahilan sa pagpundi ng apoy sa pusong ito. Labing tatlong taon nang mahigit ang yaring akin sa pag -

titiis maaatin kaya ng dibdib na mapunta sa kadilimang ‘di

Nagising akong tuliro, Sa pag-aakala na hindi nako makakatakas sa bilangguang ito.

Tila naglaho ang panibugho, Nang naaalala ko ang wangis ng mga taong naghihintay sa pagdating ko.

Habang tumatagal ang paglalakbay, lumalaki ang alon at lumalakas ang hampas nang sabay. Sa pagtakas sa kadilimang ito, ang isip sa kalaunan ay pursigido. Hindi ko inaasam, na sa kabila ng pagpatak ng ulan, Mararamdaman ko rin ang hari ng luha dahil sa dinaramdam.

Dahil dito, umonti nang umonti ang determinasyon, Na magpatuloy sa aking misyon

Gamit ang natitira kong lakas mula sa mahabang daan. Gamit ang masakit na karanasan. Naitulad ko ang sarili kong alpasin ang sarili, Mula sa mapait na lasa ng mga pangyayaring ‘di kawili-wili Sa ibaba ng mga kalinaw na alupaap, kay daming bagay sa mundo ang sangkap.

Mula sa matatamis at malungkot na alaala, natuklasan kong hindi makokompleto ang buhay, Kung hindi mo hahayaang mapatakan ng ulan ang lakbay.

Paglakbay sa mga

Ilaw niya

Sa mundong madilim at maanghusgang tingin. Madaling paiyakin, munting bata sa lilim. Nangapa at nagkadapa-dapa. Nasugatan at napariwara. Bigyang hustisya ang tama, ngunit kahit iyon ay hindi man lang nila nagawa.

Paano na ang munting bata?

Paano na magagawa ang gusto niyo sa labas ng kuta?

Nawalan ng ama sa sakuna. Kasama ang kapatid at ina.

Natutong mag-isa, pinilit ang sarili na kaya niya.

Ngunit hindi pala, ang isang pagsubok ay hindi sapat para sa kanya.

Ilang araw na naman ang gugugulin, para masabing kaya niya. Yung hindi na kailangan magalay ng baldeng luha o di kaya’y magdanak ng dugo sa pulso niya.

Na sa mundong madilim at mapanghusgang tingin nakaya niyang bumangon, sa pamamagitan ng panalangin.

mANANATILI BA AKONG NAKAKULONG SA dilim?

Ni: Jaydelle Keizha S. Panga

“May liwanag kaya sa mundong makulimlim?” mukhang meron?

‘Di ako sigurado. “May paraan bang makatakas sa dilim?”

Hindi ka ba tatahan, isip kong nakalilito?

Nanalangin, umaasa, naghintay ilang araw lumipas sa pagiging matamlay meron paring tulo ng sigla.

Nakatago sa ating puso, nahanap ko na ba ang pagasa ko?

Puro nang inspirasyong di pumapanaw, nakatitig sa kagandahan ng mga bituin sa langit ako’y nagwagi.

Nahanap ko ang aking ilaw, ang kasiyahan pala ay kaakit-akit.

Isang sulyap sa nakasisilaw na liwanag

Ako’y nabulag ng kaligayahang walang maka-unawa. Hello, aking liwanag Paalam, kalungkutan.

Iginuhit ni: Denise Acuña Iginuhit ni: Denise Acuña
Tula 22
Kutitap AMUDYONG
Tula 23
Kutitap AMUDYONG

Sa mundong magulo, may mga taong problemado.

SANAYSAY Kapayapaan na ating inaasam

Mga suliranin na kailangan tapusin.

Para sa bago na paparating, Araw-araw mga tao ay naghihingay sa liwanag na darating sa kanya-kanyang buhay.

Mga bata at matanda ay nababahala, sa bawat pag takbo ng oras.

May kadilimang nagbabadya.

Kaya’t mga puso at isipan ng mga tao ay dapat ng handa.

Sa problemang maaring sumagasa

Sa kabila nito, liwanag ay sabay-sabay nating tuklasin.

Pagsandal sa kapwa, Pagkakaisa, Pagtitiwala ay isa sa mga halimbawa. Patungo sa maginhawang kabuhayan na ating inaasam.

Pagtuklas ng kaligayahan sa ating sarili, pamilya, kaibigan, guro, kaklase, ka-trabaho at iba pa.

Ay mahalaga dahil ang pagiging masaya ay sikreto sa pagtuklas ng liwanag at kapayapaan sa ating pamumuhay at sarili.

Kutitap AMUDYONG Tula

Iginuhit ni: Joshua Hebrew Andalis
24

Pananaw

Sa bawat silip ng dilim sa ating buhay, mayroong liwanag na naghihintay. Hindi natin matatakasan ang mga mahihirap na karanasan, dahil ito ay laging nariyan. Sa liwanag, aalis ang kadiliman. Ngunit sa kadiliman, dadating ang liwanag.

Natuto tayo na ang buhay ay puno ng mga pagsubok na kailangan nating labanan. Maaabot lamang natin ang ating mga pangarap kung mayroong pagsisikap. Kadalasan ay mahahanap natin ang ating sarili na nalulunod na sa mga hamon ng mundo. Sa mga oras na ito, napapaisip tayo kung sapat ba ang lakas natin upang lumaban. Ngunit hindi natin malalagpasan ang paghihirap kung hindi natin babaguhin ang ating pananaw.

Bilang tao, mayroon tayong mga oras na tayo ay nakakulong na sa ating mga paghihirap. Ngunit sa bawat pag-ahon natin sa mga pagsusubok na ito, nakikita natin kung gaano kalaki ang kahalagahan ng liwanag. Kung babaguhin natin ang ating pananaw at tumingin sa direksyon ng magandang panig ng buhay, maaari nating matuklasan ang liwanag at mabigyan ng saysay ang ating mga karanasan. Madalas ay nakatutok na lamang tayo sa negatibo na nakakalimutan na natin ang mga masasayang parte ng buhay.

Tulad ng pagsikat ng araw at paglubog ng buwan, kaya natin bumangon mula sa kahit anong pagsubok na dumating sa ating buhay. Hindi man natin mapigilan ang mga problema na ito, ngunit mayroon tayong kontrol sa pagtugon natin dito. Kaya natin lumitaw mula sa dilim at ipakita ang ating kakayahan na labanan ang mga hamon ng mundo.

Wala sa mga bituin na nakikita natin sa langit ay makakatalo sa liwanag ng araw na mayroong nigning na nakikita hanggang gabi. Tulad ng araw, dapat nating kalabanin ang kadiliman upang tayo ay lumiwanag sa kahit anong pagsubok.

Kutitap

Sanaysay

Banaag

Ang buhay ay puno ng mga tagumpay at kabiguan, may mga sandali ng kagalakan at mga sandali ng kalungkutan. Sa madilim na mga panahong iyon, tila imposibleng makakita ng anumang liwanag o pag-asa.

“Ang pag-asa ay ang makakatamo ng liwanag sa kabila ng bumabalot na kadiliman.” Ani nila. Madalas nating nakikita ang ating sarili na naglalakbay sa landas ng kadiliman, kung saan ang mga hamon at kawalan ng katiyakan sa buhay ay sumasakmal sa ating landas. Pero sa bawat tangka na abutin ang sumisilip na ningning, hindi ito masapot. Mararanasan ba natin ang sinasabi nilang pag-asa?

Araw-araw, pumapasok ako sa paaralan; baka sakaling makahanap ng paraan para maliwanagan ang sarili kong kadiliman. Ngunit wala. Ganun din pag uwi, Malungkot. Makulimlim. Siguro hindi ko ito maituturing na tahanan dahil sukdulang itim ang sumasakalikop sa sansinukob ko. Wala ni katiting na liwanag ang makakabuhay nito pero nagkamali ako.

Maliit na bagay, kumukurap, at lumulutang. Kumikislap ang munting bombilya: alitaptap daw kung tawagin. Sa mundo kong nababalot ng mga anino, pinilit kong pumiglas at hinuli ko ang nasabing ningning ngunit biglang dumami ang mga ito na para bang mga bituin sa kalangitan. ‘Kay ganda palang pagmasdan ang nakakabighaning sayaw ng kanilang matingkad na kislap sa hangin at unti-unting lumiwanag ang paligid na aking kinatatayuan.

Nagsambulat ang mga alitaptap. Isa-isang humayag ang mga inspirasyon ko sa buhay. Ang pamilya, mga kaibigan, pati na rin ang mga taong sumusuporta sa akin ang sumalubong sa puwesto ko. Mistulang sakanila nandarating ang mga bumubusilak na ningning at dahan-dahang lumilitaw ang kulay at liwanag. Isang pangitain na lubos kong hinahangad. Ano itong nararamdaman ko? Pananabik, determinasyon, pag-asa…. Ito na ba yun?

Bigla akong naudyok na bumagon muli nang dahil sa mga alitaptap ng buhay ko. Totoo pala talaga ang sinasabi nila sa umpisa. Nang dahil sa banaag na kanilang idinala, umikot muli ang mundo kong matagal nang huminto. Ang hindi natitinag na apoy ng pag-asa ang siyang nagtulak sa akin na malampasan ang mga pagsubok at sumulong kapag nakakaranas tayo ng mga pag-urong o paghihirap. Ang kanilang munting ningning ay tumatagos sa kadiliman, nag-aalok ng kislap ng pag-asa.

Katulad nito, sa ating buhay, kapag nahaharap tayo sa mahihirap na sitwasyon o sandali ng kawalan ng pag-asa, ang mga alitaptap ay nagsisilbing paalala na laging may kislap ng pag-asa na mag-aakay sa atin mula sa kadiliman. Nagsisilbing paalala na ang pinakasimpleng mga nilalang ay maaaring magkaroon ng isang mahika na higit sa ating pang-unawa.

Akala ko hindi ko na masisilayan muli ang liwanag na ninanais ko. Ngunit natuklasan ko ang kahulugan kung sino o ano ang mga alitaptap sa buhay ko. Para naman sa iyo, sino o ano ang mga alitaptap na nagbigay liwanag sa istorya mo?

Kutitap

AMUDYONG

AMUDYONG
26
27
Sanaysay

MGA LIKHANG SINING

Gawa ni: Alliah Tubig Gawa ni: Suzanne Tuieco

Gawa ni: Kennrick Blanco

Kutitap:PagtuklasngLiwanag sa Mundong SaklimngDilim

Gawani: Lianne Mamano

Gawani: Kennrick Blanco Gawa ni: GabrielleJoson

GINHAWA

AMUDYONG CROSSWORD

saGUTAN ANG CROSSWORD PUZZLE SA PAMAMAGITAN NG PAG INTINDI SA

MGA HINIHINGI SA BABA.

PATNUGOT NG

AMUDYONG

Punong PaTnugoT:

kaPaTnugoT:

TagaPangasiwang PaTnugoT:

Taga-layouT:

Mga graPik arTisT:

Mga Nag-ambag

Maikling kuwenTo:

Naomi Lene M. Nabata

Anna Bea A. Balatan

Alexandra Dave B. De Vera

Ellaine Joie H. Sanchez

Zi Xian G. Wong

Kristine Kayeb T. Postrado

Alyssa Louise C. Duro

Ahley Nicole V. Rull

Sofia Kely S. Monasterio

Althea Anthonette Nimo

PAHALANG

PABABA

likhang sining:

Kennrick Tom C. Blanco

Gabrielle Emereine V. Joson

Suzanne Tiueco

Alliah Fatima Tubig

Liane Faye M. Mamano

Lorian Kate B. Ibias

Sofia Moira B. Dolorical

Josiah Nathaniel C. Camila

Erica Mae C. Naron

Vincent Anthony Prades

Joaquin Ensano

Gabrielle Emereine V. Joson

Suzanne Tiueco

Vladimir A. Vargas

Alliah Fatima Tubig

Liz Rheann B. Malapo

Joshua Hebrew C. Andalis

Denise C. Acuña

Tula:

Raine Martha J. Gonzales

Antonette C. Villamer

Jheanne Ehrico B. Adan

Marianne L. Oliva

Roselle B. Contaoi

Alyssa Louise C. Duro

Arcelaine Faye Paz

Alma Elaine O. Amata

Jeydelle Keizha S. Panga

Vanna B. Lomeda

Sofia Moira B. Dolorical

sanaysay:

Hannah Jianne Pineda

Denise C. Acuña

Ms. Maria Krishna M. Jove Mrs. Neonita F. Marpuri

school PaPer adviser / ModeraTor assisTanT PrinciPal

Dr. Francia T. Buffe

PrinciPal

3. Karaniwan itong nagpapahayag ng emosyon, ideya, o karanasan sa pamamagitan ng malikhain at makulay na paggamit ng wika. 7. Problema na kinakaharap ng isang tao. (suliranin) 8. Isang tao na aktwal na nasa proseso ng pag-aaral sa isang institusyon ng edukasyon. (estudyante) 1. tumutukoy sa paglalabas o paglathala ng mga nakasulat o nai-print a materyal para sa publiko. 2. Ang opisyal na publikasyong pampanitikan ng USANT-JHS. 4. Ang pagpapahayag ng kahalagahan ng kultura at pagpapakita ng malikhaing gawain sa pamamagitan ng mga anyo (sining) 5. Maaari rin itong gamitin bilang simbolismo ng pag-asa, kaalaman, o pagkaunawa. 6. Ito ay naglalaman ngmga pangyayari, karanasan, o imahinason.
1 2 7 6 5 4 3 8 9
9. Maaari itong kaugnay ng misteryo, kadiliman, o mga bagay na hindi lubos a maunawaan.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
AMUDYONG XXXVI by Yraga_Official - Issuu