Skip to main content

AMUDYONG XXXIV

Page 1

AMUDYONG

XXXIV

ANG OPISYAL NA LATHALAING PAMPANITIKAN NG UNIVERSIT Y OF SAINT ANTHONY JUNIOR HIGH SCHOOL


AMUDYONG XXXIV Karapatang Ari

Ang Amudyong ay ang opisyal na lathalaing pampanitikan ng University of Saint Anthony, Junior High School Department. Walang bahagi ng lathalaing ito ang maaaring kopyahin ng walang pahintulot mula sa mga tagapaglathala. Gayunpaman, ito ay hindi maaaring ipagbenta kahit sa anong komersiyal na transaksiyon.

Tungkol sa Pabalat Ang pabalat ng ikatatlumpu’t apat na isyu ng amudyong ay may-

roong layuning maipakita ang mga nangyayari sa kasalukuyang panahon, alinsunod sa temang “Masalimuot na bangungot sa maligalig na mundo”. vvhAng mga tao ay kumakaharap sa napakalaking problema sa panahon ngayon. Nagbago ang paraan ng pakikipaginteraksiyon ng mga tao sa bawat isa. Marami ang nawalan ng hanap-buhay.At mas lumaganap ang bilang ng mga taong hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Mas ginawa pang komplikado ng hindi nakikita ngunit nakakamatay na coronavirus ang buhay ng mga tao. Bagama’t sa kabila nito, naniniwala ang mga mamamahayag ng Amudyong na ang lahat ng mga suliraning kinakaharap sa kasalukuyan, ay tila isang masalimuot na bangungot na mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malakas na paniniwala sa Poong May Kapal. Hinihikayat ng mga patnugot ng Amudyong ang mga mambabasa na mulatin ang kanilang mga sarili tungkol sa mga nagaganap at kinakaharap na mga hamon sa buhay ngayon, upang magkaroon ng mas matatag na kalooban sa pagharap ng mga pagsubok sa kasalukuyan.


MAIKLING

KUWENTO

4 LIKHANG SINING | AMUDYONG XXXIV


6

AMUDYONG XXXIV | MAIKLING KUWENTO

MAIKLING KUWENTO | AMUDYONG XXXIV

Magigising pa ba tayo?

Pakiusap! Sabihin niyo!

Mabigat na ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko na napigilan at tuluyan na itong bumagsak. Agad akong binalot ng kadiliman. Purong kadiliman. Iyon lang ang nakikita ko hanggang sa kumislap ang isang nakakabulag na liwanag. Napatakip ako ng mata at napakurap ng biglang nakaupo na ako sa harap ng telebisyon at nanonood ng balita tungkol sa pagpapatupad ng pang-malawakang lockdown dahil sa kumakalat na virus, ang COVID-19. Muling kumislap ang liwanag at nakita ko ang sarili ko sa gitna ng mga taong nakasuot ng face mask at PPE. Inilibot ko ang aking paningin at napag-alamang isa itong ospital. Bakit ako nasa ospital? Inilibot ko ang aking paningin at napansing abala ang lahat. Maraming pasyente ang isinusugod at mas lalong nagiging abala ang mga doktor at nars. Naisipan kong lumabas. Bumungad sa akin ang mga abalang sasakyan at enporser. Ang mga taong dating abala sa gilid ng kalsada na masayang nagkukuwentuhan, ngayon ay naglaho na. Apektado ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagsara ng mga tanyag na pook-pasyalan at sa sapilitang pagpapasara ng maraming establisyimento na siyang dahilan kaya maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho. Apektado ang edukasyon at mas naging mahirap ang pamumuhay ng mga magsasaka. Apektado ang lahat ng sektor. Marami ng nagbago dahil sa pandemyang ito. Mas marami ang naghihirap at mas rumami ang bilang ng mga taong nagugutom. Marami na ang namatay sa virus na ito. Marami na rin ang nakabawi mula sa sakit at patuloy pang nadadagdagan ang nagpopositbo sa sakit na ito. Naalimpungatan ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Dumilat ako at napagtantong umaga na pala. Panaginip lang ba ang mga iyon? Sana nga ay isang malaking bangungot lamang ang pandemyang ito. Tila ba mahimbing pa ang tulog nating lahat at matagal pang sisikat ang araw.

Ulan. Napakalakas ng ulan at tila ba ay walang senyales na magpakita ang dilaw na araw. Nakakatamad kumilos o gumawa ng kung ano man ngayon. Ilang araw na nga ba akong walang ginagawa? Di ko na mabilang. Kailan ko kaya balak ayusin mga gamit dito sa bahay? Kailan ko kaya balak maghugas ng mga pinggan? Kailan ba ko babangon sa higaan ko? Sino kayang pupunta sa kwarto ko para gisingin ako? Ang tagal ko ng hindi nararanasan yun eh. Kailan ko kaya mararanasan na sumakay muli sa kotse namin? Teka, wala na nga pala kami non. Kailan kaya ako magkakaroon muli ng kalaro dito sa bahay? Magtatakbuhan at papagalitan pa ni mama pag nakabasag. Kailan kaya mangyayare yun ulit? Hindi na ko makapag-antay sa araw na iyon. Ngunit dadating nga ba ang araw na iyon? Imposible! Siguro sa susunod na buhay oo, pero malabo na mangyari ito ngayon. Oo nga pala, sinabihan ako ng kaklase ko na magpapadagat ang buong klase bukas. Sinasama nga nila ako, kaso tumanggi ako. Bakit? Kase ayaw na ayaw ko sa Dagat. At saka, nakakahiya na sumama sa kanila sapagkat ilang linggo na akong di pumapasok sa klase. Siguro nga masaya kung nasa dagat ka ano, mapapayapa ang isip mo doon at iba pa. Kaso iba ako eh, hindi ako napapayapa sa dagat, mas lalo lang gugulo ang isip ko doon. Bakit naman? Hindi ko rin alam eh, kapag naaalala ko yung araw na yun, biglang may tumutulo na luha sa mata ko at tila ba ay parang dinudurog ang aking isip at puso. Ma, pa, bunso, kalian kayo uuwi ulit? Ayoko na magdusa ng ganito! Kailangan ko na kayo! Gustong gusto ko na ulit maranasan ang mga bagay na dati nating ginagawa. Umuwi na kayo parang awa naman. Pakiusap, bumalik na kayo. Kahit alam kong wala ng pag-asa na bumalik kayo sa bahay, gusto ko pa rin na andito kayo. Mahigit tatlong buwan palang, ngunit damang dama ko na ang bigat ng pagbabago na dulot ng pangyayari na iyon. Bakit pa ba kase ako natira, bakit?! Bakit kung pwede naman na sumama nalang ako sainyo?! Sinasabi nila na may rason kung bakit daw ito nangyari, pero bakit?! Ano yung rason?! Papunta lang naman tayo ng dagat nung araw na iyon ngunit bakit napunta tayo sa trahedya? Gustong gusto ko na rin na sumunod sainyo, kaso wala akong lakas ng loob na pumunta tungo sainyo. Andiyan naman kayo diba? Di ko lang kayo nakikita pero andiyan kayo diba? Kung naandiyan kayo, pakiusap sabihin niyo sa akin na nananaginip lang ako. Sabihin niyo sakin na binabangungot lang ako. Sabihin niyo na guniguni ko lang to at hindi ito totoo. Pakiusap, sabihin niyo dahil gustong gusto ko na kayo makita ulit.

Isinulat ni: Gia Margarette G. Olea Iginuhit ni: Cleo Areej S. Lopez

Isinulat ni: Francis Cenon E. Elevado Iginuhit ni: Cleo Areej S. Lopez

7


TULA

8 LIKHANG SINING | AMUDYONG XXXIV


10 TULA | AMUDYONG XXXIV

AMUDYONG XXXIV | TULA

Pakiusap Isinulat ni: Francis Cenon E. Elevado Iginuhit ni: Allysa Bianca V. Guinoo

Ang mundo na dating puno ng saya, Ngayon ay napapalibutan na ng lungkot, Dati ay naglalaro pa kami ng taya-tayaan sa plaza, Ngayon, ang kapaligiran ay puno na ng Takot. May virus na naglalakbay sa bawat sulok ng mundo, Nagkaroon ng pandemya at binago ang estilo ng pamumuhay ng mga tao, Ang dating mga estudyante na pumapasok sa paaralan, Ngayon ay nasa kwarto at sa laptop na nakikipagtalakan. Napakasakit isipin na marami ang nawalan ng trabaho, Magandang buhay ay tuluyan nang naging Malabo, Marami ang nagtiis sa kanin at asin, Mga pangsuporta ay nagkukulang na rin. Kurba ay hindi pa rin napapatag, Maraming tao ang nagkasakit at nagbigay na ng kanilang pahimakas, Hindi na kaya ang maging matatag, Tila ay nanghihina na at nawawalan na ng lakas. Habang nagmumuni-muni sa takipsilim ng araw, Ako’y napasabi, kailan kaya matatapos ang bangungot na ito? Gusto ko nang gumising at masilayan ang araw na dilaw, Pakiusap, gisingin niyo na ako!

Takot at Kaba Isinulat at iginuhit ni: Marinel D. Delatado

Inay, mayroon akong katanungan, na sa akin ay madalas na bumabagabag, sagot ay hindi maaninag, sapagkat walang makitang magandang kadahilanan. Inay, bakit kailangan magtago, sa tuwing ang mga pulis ay dadako? Hindi naman tayo mga tulisan, ngunit takot ay hindi maibsan. Bata pa lamang ako, iyan na ang panakot mo. Wala naman akong ibang magawa, kung hindi ang sumunod sayo. Ngunit ngayong alam ko na ang kasagutan, puwede ba akong humingi ng isa pang kahilingan? Inay, maaari mo ba akong akayin sa iyong kandungan, bago ako tumungo sa aking huling hantungan? Ngayon batid ko na, ang kahulugan ng iyong mga salita. Dahil noong ako naman ang nag-makaawa, wala na akong ibang naramdaman kundi takot at kaba.

11


12 TULA | AMUDYONG XXXIV

AMUDYONG XXXIV | LIKHANG SINING

Hiling Isinulat ni: Angelica R. Panaligan Iginuhit ni: Allysa Bianca V. Guinoo

Kasabay ng pagpatak ng oras, Aking takbo’y kumakaripas, Pilit kumakawala sa madilim na landas, Ninanais na ito’y tuluyan ng magwawakas. Ngunit, kalian, saan at paanong paraan, Aking maibabalik ang masayang sarili sa nakaraan? Kung wala na ang ilan sa mga dahilan, nang paglaban ko sa tuwing may mabigat na pinapasan. Hindi na ako yung dati, Wala na rin kayo sa aking tabi, Mga dahilan ay di ko mawari, Ngunit sa aking pakiramdam ay mahapdi. Pagod na akong masaktan, sa paulit ulit na dahilan, Pagod na akong mawalan, ng mga tunay na kaibigan, kasabay ng pagbabago ng mas pinagulong mundo, Sa panahong ito, nagbago rin kayo. Lahat ng ito ay may dahilan, At masaya ako sa ating pinagsamahan, Hiling kong sa susunod na pagkakataon, Makasamang muli mga matalik na kaibigan.

13


14 TULA | AMUDYONG XXXIV

Kasama Isinulat ni: Angelica R. Panaligan Iginuhit ni: Allysa Bianca V. Guinoo

AMUDYONG XXXIV | TULA

15

Malayong Nakaraan Isinulat ni: Angeline E. Guevarra Iginuhit ni: Allysa Bianca V. Guinoo

Biglaang mga pangyayari, Malalang problema ay mas lumaki, Mga nakasanayang gawaing dati, Maibabalik pa bang muli?

Sakit, hapdi, pait dama ng aking damdamin, Mga kaaway na ang dating kakampi, Nag simula tayo kahit paunti-unti, Kinalimutan, Iniwan lang naman sa bandang huli.

Nahihirapan, nalulungkot at nasasaktan, ang mga tao sa lipunan, Kailan at paanong paraan, Corona virus ay mawawa at maiiwasan.

Mababalik pa ba ang ating kahapon? Na sama sama tayong humaharap sa mga hamon, Kinakamit bawat pagkakataon, At tumatawid bawat alon.

Nakakasakal at nakakatakot na, Ang mga nangyayari sa mundo, kaya mo pa ba? Magulong mundo, talamak na problema, Kailan makakamtan ang tunay na saya?

Malabo na ata mabalik ang dating pagkakilala, Mataas na ang pader na pumagitna saating dalawa, Ang mga ito’y isa na lamang alaala, Na imposibleng ating mabalikan pa.

Marami na ang nawawalan ng pag-asa, Ngunit hindi ito ang solusyon sa problema, Alalahaning natin na ang Diyos ay kasama, Sa ano mang kakaharaping problema.

Malayo na ang nakaraan, Na buo pa ang ating pagkakaibigan, Hihilingin ko na lamang na ito’y makalimutan, Kaysa tayo pa ay magkasakitan.


16 TULA | AMUDYONG XXXIV

AMUDYONG XXXIV | LIKHANG SINING

Panaginip ng kahapon Isinulat ni: Angeline E. Guevarra Iginuhit ni: Allysa Bianca V. Guinoo

Mga labing mayroong nakakasilaw na ngiti, Aking hiling na makitang muli, Ngunit hindi na ito masisilayan pa, Dahil ang lahat ng ito’y tinapos na. Mga ala-alang kailangan nang kalimutan, Patuloy pa ring tumatakbo sa aking isipan, Tila ba panaginip na nagdaan, Ang mga nangyari sa nakaraan. Paano, Kailan at Bakit ba nagtapos? Ang ating pagmamahalang lubos, Pangakong hindi maubos-ubos, Walang natira kahit kunting upos. Pilit ginigising ang aking sarili, Sa pag alala sa masasakit na sandali, Ngunit sa pagmulat ng aking mga mata, Narito pa din ang sakit ng ating ala-ala.

17


18 MGA LIKHANG SINING | AMUDYONG XXXIV

AMUDYONG XXXIV | MGA LIKHANG SINING

19


20 TULA | AMUDYONG XXXIV

Bahid ng Obra Isinulat ni: Jasmine Averil B. Callope Iginuhit ni: Jascyl Jee H. Sayson

Dama sa palad ang kapangyarihan, Isang pindot ng daliri, hatid ay purong kasaganaan. Sa harap ng salamin ay uukit ng isang obra. Isang bagong mukha na pupukaw sa madla. Naipinta na ang kolorete, Kasunod ay isang ngiting peke. Sa pagpitik ng kamera, ipinakilala ang mayuming dalaga. Ang mukha sa likod ng malumbay na Maria Clara. Sabog na ang telepono sa papuring tinamo, Libo-libong puso ang naakit ng maskarang maamo. Ang pagkalugmok ay napawi ng atensiyong nakamtan, Tila nakatutok ang ilaw ng lente sa pasilyo ng daan. Pagsapit ng dapit-hapon, oras na para burahin ang obra. Makahihinga na ang tunay na Clara, Sa digital na mundo, siya ang sentro at bida. Sabik sa siglo ng pagmamahal na kapara ng pagbingwit ng isda. Sa hatirang pangmadla, nakalilikha ng bagong katauhan. Isang mukha na haharap sa mapanghusgang mata ng sanlibutan. Maaring maghatid ng kabutihan o kapahamakan. Mag-ingat at baka mapako sa maling pagkakakilanlan.

AMUDYONG XXXIV | TULA

Sana panaginip na lang ito Isinulat ni: Shane Mae T. Belmonte Iginuhit ni: Allysa Bianca V. Guinoo

Pangyayaring nakakapanindig balahibo, Isang panaginip na naging totoo, Nagbigay ng takot sa buong mundo, Pati mga tao ay nagkagulo. Isang sakit na hindi kilala, Pero hindi naglaon ito ay lumala, Gobyerno ay naging abala, Sa pagpuksa ng isang sakuna. Mga tao’y nagdusa, Pati kanilang trabaho’y nawala, Sila’y nawalan ng tiwala, Sa ating gobyernong pabaya. Ito’y isang masamang bangungot, Isang sakit na pumaikot, Na nagbigay ng takot at lungkot, Sa ating mga tao. Kailan ba ito matatapos? Mga tao’y kapos na, Baka pagdating ng panahon, Tayong mga tao na ang maubos. Ang magagawa nalang natin, Ay sumunod sa mga alituntunin Pang-aapi ay iwasan Sa mga taong may karamdaman. Sana ito ay magtapos na, Paghihirap ay magwakas, Panginoon bigyan niyo po kami ng lakas, Para sa mga susunod na bukas.

21


22 TULA | AMUDYONG XXXIV

AMUDYONG XXXIV | TULA

Bangungot tungo sa Pagbangon Isinulat ni: Hezekiah Lei O. Serdan Iginuhit ni: Cleo Areej S. Lopez

Marahil ang buhay ay isang gulong, na patuloy ang pag-ikot kung saan makatuon. Tagumpay at mga pighating pilit ibinabaon, sa nakaraang sinisira ng panibagong panahon. Pagbalot ng kadiliman ang laging nararanasan, korupsyon at kahirapan ay di nasosolusyunan. Pagkalat ng pandemya’y lumaganapng lubusan, sa masalimuot na mundong ating ginagalawan. Puso’y nahihirapan nang makita ang kinahinatnan. Kamatayan at kaguluhan ang tumatatak sa isipan. Krimen at kasinungalingan ang nagpahina sa sambayanan. na lalong nagsilbing delubyo sa karamihan. Sa kabiguang dala ng masalimuot na mundo, kaya mo bang tumakbo hanggang dulo? Kung nahihirapan man sa kabila ng mga gulo, marahil pag-gising mo liwanag ang bubungad sayo. Buksan mo ang iyong dalawang mata, upang ang kagandahan ay makita’t madama. Magsilbing inspirasyon at sa mabuting gawa’y sumama, Upang ang dagok ay malagpasan at problema’y masolusyunan Kung sa tingin mo ay bibitaw kana sa laban, Laging tatandaan na may Diyos na masasandalan. Siya ang kailangan sa oras ng pighati’t kagipitan, Hindi ka iiwanan ni pababayaan man. Sa huli ang mundo ay hindi parisukat kundi bilog Na nagpapa-alalang kayang malagpasan ang mga hadlang na bubog. Nanatili ka mang nakasubsub at tuluyang naka lubog Babangon ka pa rin at sa paglaban ay hindi mapapagod.

Paalala Isinulat ni: Chrishanne B. Fortuna Iginuhit ni: Allysa Bianca V. Guinoo

Hindi raw lahat ng bagay ay makukuha mo, akala ko’y kasabihan lamang iyon para sa makukulit na bata. Matuto kang bitawan ang hindi sayo, una palang alam na ng lahat na hindi nila dapat angkinin ang pinaghirapan ng iba. Sa dami ng tao’y hindi mo na malaman kung sino ang nagpapakatotoo. Maaaring isa o marami pang iba ang nagpapanggap na iyong katoto. Maaaring nabubuhay ka ngayon nang walang pagdududa, Subalit kung may mangyaring hindi inaasahan hindi ka na dapat magtaka. Ang iyong kalungkutan, Ang iyong paghihirap ay ang nagbibigay lakas sa iba. Hindi lahat ay dapat mong paniwalaan, Matutong magtira para sa sarili sapagkat hindi lahat ng bagay ay dapat mong ipaubaya. Hindi ka nag-iisa, Ngunit ang dapat na pagkatiwalaan mo’y ang iyong sarili at wala nang iba. Ituro mo ang iyong gusto, Pero paalala lang na hindi lahat ay para sayo at may iba pang mas karapat dapat na magtamo.

23


24 TULA | AMUDYONG XXXIV

AMUDYONG XXXIV | TULA

Isinulat ni: Chrishanne B. Fortuna Iginuhit ni: Jascyl Jee H. Sayson

Sa mga tanikala ng panaginip

Lahat ay may hangganan, Mahirap tanggapin ngunit dapat ito ang iyong paniwalaan. Binabalanse ang lahat sa pamamagitan ng patakaran, Ngunit kung mapang-abuso ang umupo sa pwesto ay wala nang halaga pa ang timbangan.

Pinilit kitang kalimutan, Pero bakit ayaw mo akong lubayan, Tila sa bawat hakbang ko, bigat mo’y tangan, Bangungot kang magpakailanman.

BULAG May hustisya pa ba kung sa iba’y pagtanggap na lamang ng pera ang susi upang pakawalan ang masama. Napakahilig niyong manghusga kahit wala naman kayo sa korte at hindi kayo ang tagahatol. Maglabas lang ng isyu ay hindi niyo mapigilan ang sarili niyo na tumahol. Ni pag-alam nga ng buong istorya’y di niyo magawa, huwag maging bulag sa dapat na makita. Hindi ba kayo nadadala? Puro salita, hindi naman nagagawa. Hindi niyo man nga lang mapakinggan ang pahiwatig ng iba. Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Hindi ka nag-iisa. Magbibingi-bingian na lang ba, Hindi naman malabo ang inyong mga mata pero hindi niyo makita, kung alin ang tama. Kung hindi natin magawang maayos ang lahat ngayon, Paano pa kaya ang mga susunod na henerasyon.

Isinulat ni: James Rafael Barra Iginuhit ni: Cleo Areej S. Lopez

Hinihila mo ako pababa, Hindi mo ako hinahayaang makalayo sayo sinta, Sa bawat pagkakataong nakakahakbang ako ng isa, Nagagawa mo akong pabalikin ng dalawa. Hindi ako makagalaw, Patuloy akong bumabalik hangga’t hindi ka bumibitaw, Paulit ulit, araw araw, Mas mahaba pa ang kwento natin kesa sa episodes ng Pusong Ligaw. Nakatali pa rin ako sayo, San ka man magpunta, dala dala mo ako, Kahit anong subok kong umalis at lumayo, Hindi ko magawang tapusin kung ano ang meron tayo. Sana wag mo na akong muling tingnan, Wag mo na saking paminsan minsang iparamdam na meron pa akong kakapitan, Hayaan mo akong ang panaginip kong ito ay akin nang tuldukan, Hayaan mo nang ang pintuan ay tuluyan ko nang saraduhan.

25


26 TULA | AMUDYONG XXXIV

AMUDYONG XXXIV | TULA

Kryptonite

Pagpapalaya sa sarili

Isinulat ni: James Rafael Barra Iginuhit ni: Jascyl Jee H. Sayson

Isinulat ni: Ella Ivy Barra Iginuhit ni: Allysa Bianca V. Guinoo

Ayoko nang masyadong paabot, Paulit ulit na lang kasi yung bangungot, Ang pag uusap natin parang free time, Minsan lang na ang buong araw ay mine na mine.

Sa bawat araw na lumilipas, Pag-ibig ko sayo’y di pa rin kumukupas, Hayaan mo na’t baka mawala rin to bukas, Kapag hindi pa, edi maglaslas.

Ayoko nang magreply, Hindi naman nagkakaroon ng you and i, Nagamit ko na lahat ng emoji sayo, Pero wala, nandito pa rin tayo. Ayoko nang makipag usap, Kasi dinadala mo ako lagi sa alapaap, Parang kapag tayo’y nagpapalitan ng mga salita, Ang lahat ng pangamba ko ay nawawala. Ayoko nang muling sumagot sa mga vc, Gusto ko namang sa sarili ko ako magpaka busy. Pagod na ako sa laging pagiging available, Ang ganitong sistema ay hindi sustainable. Ayoko nang muling mag seen, Kaso nagflash naman ang picture mo sa aking screen, Huhuhu, pano ba kita maiiwasan? Saka na nga lang! Baka sagot ko’y iyong kailangan.

Naaalala ko pa ang magaganda nating sandali, Mga pangakong sabi mo hindi mababali, Ang pagsulyap-sulyap natin sa isa’t isa na dagli, Ang pagpunta natin sa tagpuan at pagbabaka sakali. Akin naman talagang sinusubukan, Pero pano ba kung magkatapat lang tayo ng tirahan? Alam ko namang wala itong patutunguhan, Kaya nga heto ako’t luhaan. Ako’y tuluyan na ngang nagpakalayo-layo, Yung tipong nasa kabila na kong baryo, Nakalimutan ko na ang “tayo”, Natanggap ko na rin na “kayo”. Sa wakas at naakawala na ko sa bangungot, Nawala na ang mga sakit na iyong dinulot, Ang saya ay tuluyan ko nang naabot, Nawala na rin lahat ng aking takot.

27


Epiphany

Isinulat ni: James Rafael Barra Iginuhit ni: Allysa Bianca V. Guinoo

Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang iyong tinig, Kabisado ko pa ang mga kanta mong may temang pag ibig Naaalala ko pa ang huling araw na narinig kitang umawit Umiikot ang mga letra sa utak ko ng paulit ulit. Gusto kong muling marinig ang mga boses nating kasabay ng musika, Sa utak ko’y kaakibat ka na ng bawat nota at tugtog ng gitara, Habang may musikang tahimik at maganda akong naririnig, Ang iyong alaala’y hindi ko mawawaglit. Hindi man malayo ang iyong naabot, Dahil sa kinuha ka na sa amin ng madayang bangungot, Hindi naman nabibilang ang buhay sa mga taon, Kundi sa kagandahan na sa ibang tao ay iyong napabaon. Hindi ko alam kung paano mabubuo ang aking sekondarya ng wala ka, Ikaw ang naging daan para mabuo ang yugto kong pinakamasaya, Tulad nang naisip mong pangalan ng ating grupo, Ikaw ay epiphany, dakila kang totoo.

KOMIKS

28 TULA | AMUDYONG XXXIV


30 KOMIKS | AMUDYONG XXXIV

AMUDYONG XXXIV | KOMIKS

Kwento ni: Gia Margarette G. Olea Iginuhit ni: Jascyl Jee H. Sayson

Kwento ni: Gia Margarette G. Olea Iginuhit ni: Jascyl Jee H. Sayson

31


32 KOMIKS | AMUDYONG XXXIV

AMUDYONG XXXIV | KOMIKS

Kwento at iginuhit ni: Trisha Fae M. Zarzoso

33


34 LIBANGAN | AMUDYONG XXXIV

AMUDYONG XXXIV | PATUNGOT NG AMUDYONG

35

PATNUGOT NG AMUDYONG Punong Patnugot:

Mary Lorelie A. Potencio

Kapatnugot:

Bianca Lorraine B. Corporal

Tagapangasiwang Patnugot:

Angelica R. Panaligan

Layout Artist:

Christine Anica B. Batalla

Grapik Artists: Jascyl Jee H. Sayson

Cleo Areej S. Lopez

Allysa Bianca V. Guinoo

Trisha Fae M. Zarzoso

Mga nag-ambag: Francis Cenon E. Elevado

Hezekiah Lei O. Serdan

Marinel D. Delatado

Chrishanne B. Fortuna

Angeline E. Guevarra

Gia Margarette G. Olea

Shane Mae T. Belmonte

James Rafael M. Barra

Jasmine Averil B. Callope

Ella Ivy M. Barra

Mr. Nikko A. Yosores

School Paper Adviser/Moderator

Mrs. Neonita F. Marpuri

Mrs. Francia T. Buffe Principal

Assistant Principal


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook