Stallion SY 2020-2021 Magazine

Page 62

Kapangyarihan ng Kapansanan ni ‌Aniceto Cajigal (G11)

“Sa mundong ito, iba´t iba ang uri ng tao. May matanda, may bata. Mayroon din kayumanggi at ang iba naman ay maputi. May Katoliko, may Buddhist, at ang iba naman ay Muslim.” Ito ang laging sinasabi ng mga tao at ganito ang ikot ng mundo. Ngunit, paano kung mabago ito? Dagdagan natin ang kasabihang ito, “may karaniwan, pero mayroon din mga makapangyarihan.” Ito ang kwento ng Kapangyarihan ng Kapansan.

S

a Timog Silangang Asya, ay matatagpuan ang Pilipinas. Sa region 1, Ilocos Norte, may nakatagong lugar na Pook Pakikipagsama sa Lungsod ng Bayani. Katabi ng lungsod na ito ang Gubat Gipuspos, ang pinakamalaking gubat sa region 1. Probinsya talaga ang lugar na ito. Walang maiingay na busina ng kotse, wala ring polusyon sa hangin sa lugar na ito. Talagang mapayapa dito. Dadaan ka sa mga bahay dito at makikita mo lang ang mga matatandang nakaupo sa duyan habang pinapanood ang mga apo na naglalaro. Masaya talaga ang kalagayan ng mundo dito, ngunit lahat nga ba ng tao dito ay masaya, Hindi siguro. Ito ang pamilyang Waga. Apat sila sa pamilya na binubuo ng tatay, nanay, at ang dalawang magkapatid na lalaki at babae. Ang tatay ay si Jong Waga. Siya ay dating kawal ng Hukbong Katihan ng Pilipinas, ngunit siya ay pulis na lamang ngayon. Noong taong 2000, isa siya sa mga naputukan pagkatapos ang pagatake ng mga terorista. Nawasak ang kanyang mga buto hanggang sa nabali na ito at walang magagawa ang paglagay ng cast. Kinailangan na putulin ang kanyang paa. Pagkatapos ng dalawang taon ng paghilom at therapy ay nakabalik na ulit

siya sa trabaho ngunit hindi na bilang kawal kundi pulis na lamang. Pag may kailangan siya, ay nasanay siyang kumilos na naka wheelchair. Dahil dito ay lumaki ang kanyang mga braso at naging malakas. Ang nanay naman ay si Carmel Waga. Ngayon, siya ay nagtratrabaho bilang guro sa paaralan sa kanilang lungsod. Pagkatapos ang panahon ng paghilom ni tatay ay biglang naaksidente si Nanay at ang kanyang babaeng anak. Ito ay nangyari nang paliko sila at may sumalubong na bus. Nabangga sila at tumilapon sa kalsada. Dinala sila sa ospital at nagkaroon si nanay ng Permanent Brain Damage at nabulol naman sa pagsalita ang babaeng anak. Ang brain damage na ito ay naging abala sa paggalaw ng mabilis. Kaya niya ang magluto at maglinis ng bahay, pero, hindi niya kaya gawin ito ng mabilis. Unang pinanganak si Joey Waga. Siya ay nabuhay na bulag. Dahil dito, ay nasanay siya sa paggamit ng pandinig para alamin ang kanyang paligid. Alam niya ang mga bagay na nasa kapaligiran, mula sa pinakamalaking gusali hanggang sa pinakamaliit na langgam. Halos “nakakakita” na din siya. Ang bunso naman ay si Carmen. Siya ang kasama ni nanay nung siya ay naaksidente. Noong naaksidente siya ay lumusot ang kanyang leeg sa headrest kung saan nasira ang kanyang vocal chords. Dahil dito ay hindi na siya nakakapagsalita, pero nakakagawa pa din ng ibang bagay tulad ng pagamoy at pagsulat. Pag may gusto siyang sabihin ay lagi siyang may dalang notepad kung saan niya sinusukat ang kanyang gustong sabihin.

na papel. Dahil sa dami ng nangyayari na ganito, nasanay na si Carmel na saluhin ang mga tinatapon sa kanya. Isang araw, pagdating ng hatinggabi, ay biglang nasira ang katahimikan sa lugar na ito. Mas lalong dumilim ang Pook Pakikipagsama. Dumating ang kinakatakutan na nilalang na si Bungango. Siya ay isang mabangis at isang makasariling nilalang. Sarili lang niya ang kanyang iniisip. Wala na siyang pakialam sa buhay ng iba kaya kinakain lang niya ang ibang tao. Nagising tuloy ang lahat ng tao. Nakita nila ang nilalang na ito na tumakbo sa Gubat Gipuspos. Biglang naisip ng mga tao na kailangan ng isang tao na lalaban dito. Aalis lang daw siya pag may tumalo sa kanya. Sa bawat tao na kanyang natalo sa gubat na ito, ay may mamatay na tao sa lungsod. Iba iba ang lumusong sa gubat pero hindi na dumating. Hanggang isang araw…

Nagising ang tao sa tigang at tahimik na lungsod. Pagkalipas ng ilang oras, nagpulong pulong ang mga tao. Tinanong ng kapitan ng lungsod na ito kung sino ang pinakamalakas, at pinakamatalino para pumunta sa harap. Halos walang pumunta at lalong lang nawawalan ng pag-asa ng mga tao. Hanggang may boses na hindi ganon kalakas, na nagsabi, “Ako!, Kami!, Kami ang may kaya!.” Nang hindi na bumalik ang mga taong lalaban, nang malaman ng tao na ang pinakamatapang ay ang pinakatakot, ang pinakamalakas ay ang pinakamahina pala, at wala na ang pagasa sa makulimlim na Pook Pakikipagsama ay dumating ang liwanag sa dilim, ang Pamilya Waga. Pumunta sa harap ang pamilyang ito, ang pinakahindi May kapansanan na nga sila, mahirap pa inaasahang mga tao ang pumunta sa harap. ang kanilang buhay. Si Jong at si Carmel Nagsalita si Jong. Sabi niya, “Walang ay laging pinagtsitsimisan sa kanilang gustong pumunta, kami ang pupunta.” trabaho. Si Joey ay laging dinadapa at si Biglang tumawa ang mga tao, at sinabihan Carmel ay laging tinatapunan ng maliit sila, “Sa lahat ng tao dito na pwedeng

FILIPINO 61


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Stallion SY 2020-2021 Magazine by Stallion - Issuu