
9 minute read
KAPANGYARIHAN NG KAPANSANAN
ni Aniceto Cajigal (G11) “Sa mundong ito, iba´t iba ang uri ng tao. May matanda, may bata. Mayroon din kayumanggi at ang iba naman ay maputi. May Katoliko, may Buddhist, at ang iba naman ay Muslim.” Ito ang laging sinasabi ng mga tao at ganito ang ikot ng mundo. Ngunit, paano kung mabago ito? Dagdagan natin ang kasabihang ito, “may karaniwan, pero mayroon din mga makapangyarihan.” Ito ang kwento ng Kapangyarihan ng Kapansan.
Sa Timog Silangang Asya, ay matatagpuan ang Pilipinas. Sa region 1, Ilocos Norte, may nakatagong lugar na Pook Pakikipagsama sa Lungsod ng Bayani. Katabi ng lungsod na ito ang Gubat Gipuspos, ang pinakamalaking gubat sa region 1. Probinsya talaga ang lugar na ito. Walang maiingay na busina ng kotse, wala ring polusyon sa hangin sa lugar na ito. Talagang mapayapa dito. Dadaan ka sa mga bahay dito at makikita mo lang ang mga matatandang nakaupo sa duyan habang pinapanood ang mga apo na naglalaro. Masaya talaga ang kalagayan ng mundo dito, ngunit lahat nga ba ng tao dito ay masaya, Hindi siguro.
Advertisement
Ito ang pamilyang Waga. Apat sila sa pamilya na binubuo ng tatay, nanay, at ang dalawang magkapatid na lalaki at babae. Ang tatay ay si Jong Waga. Siya ay dating kawal ng Hukbong Katihan ng Pilipinas, ngunit siya ay pulis na lamang ngayon. Noong taong 2000, isa siya sa mga naputukan pagkatapos ang pagatake ng mga terorista. Nawasak ang kanyang mga buto hanggang sa nabali na ito at walang magagawa ang paglagay ng cast. Kinailangan na putulin ang kanyang paa. Pagkatapos ng dalawang taon ng paghilom at therapy ay nakabalik na ulit siya sa trabaho ngunit hindi na bilang kawal kundi pulis na lamang. Pag may kailangan siya, ay nasanay siyang kumilos na naka wheelchair. Dahil dito ay lumaki ang kanyang mga braso at naging malakas. Ang nanay naman ay si Carmel Waga. Ngayon, siya ay nagtratrabaho bilang guro sa paaralan sa kanilang lungsod. Pagkatapos ang panahon ng paghilom ni tatay ay biglang naaksidente si Nanay at ang kanyang babaeng anak. Ito ay nangyari nang paliko sila at may sumalubong na bus. Nabangga sila at tumilapon sa kalsada. Dinala sila sa ospital at nagkaroon si nanay ng Permanent Brain Damage at nabulol naman sa pagsalita ang babaeng anak. Ang brain damage na ito ay naging abala sa paggalaw ng mabilis. Kaya niya ang magluto at maglinis ng bahay, pero, hindi niya kaya gawin ito ng mabilis. Unang pinanganak si Joey Waga. Siya ay nabuhay na bulag. Dahil dito, ay nasanay siya sa paggamit ng pandinig para alamin ang kanyang paligid. Alam niya ang mga bagay na nasa kapaligiran, mula sa pinakamalaking gusali hanggang sa pinakamaliit na langgam. Halos “nakakakita” na din siya. Ang bunso naman ay si Carmen. Siya ang kasama ni nanay nung siya ay naaksidente. Noong naaksidente siya ay lumusot ang kanyang leeg sa headrest kung saan nasira ang kanyang vocal chords. Dahil dito ay hindi na siya nakakapagsalita, pero nakakagawa pa din ng ibang bagay tulad ng pagamoy at pagsulat. Pag may gusto siyang sabihin ay lagi siyang may dalang notepad kung saan niya sinusukat ang kanyang gustong sabihin.
May kapansanan na nga sila, mahirap pa ang kanilang buhay. Si Jong at si Carmel ay laging pinagtsitsimisan sa kanilang trabaho. Si Joey ay laging dinadapa at si Carmel ay laging tinatapunan ng maliit na papel. Dahil sa dami ng nangyayari na ganito, nasanay na si Carmel na saluhin ang mga tinatapon sa kanya. Isang araw, pagdating ng hatinggabi, ay biglang nasira ang katahimikan sa lugar na ito. Mas lalong dumilim ang Pook Pakikipagsama. Dumating ang kinakatakutan na nilalang na si Bungango. Siya ay isang mabangis at isang makasariling nilalang. Sarili lang niya ang kanyang iniisip. Wala na siyang pakialam sa buhay ng iba kaya kinakain lang niya ang ibang tao. Nagising tuloy ang lahat ng tao. Nakita nila ang nilalang na ito na tumakbo sa Gubat Gipuspos. Biglang naisip ng mga tao na kailangan ng isang tao na lalaban dito. Aalis lang daw siya pag may tumalo sa kanya. Sa bawat tao na kanyang natalo sa gubat na ito, ay may mamatay na tao sa lungsod. Iba iba ang lumusong sa gubat pero hindi na dumating. Hanggang isang araw…
Nagising ang tao sa tigang at tahimik na lungsod. Pagkalipas ng ilang oras, nagpulong pulong ang mga tao. Tinanong ng kapitan ng lungsod na ito kung sino ang pinakamalakas, at pinakamatalino para pumunta sa harap. Halos walang pumunta at lalong lang nawawalan ng pag-asa ng mga tao. Hanggang may boses na hindi ganon kalakas, na nagsabi, “Ako!, Kami!, Kami ang may kaya!.” Nang hindi na bumalik ang mga taong lalaban, nang malaman ng tao na ang pinakamatapang ay ang pinakatakot, ang pinakamalakas ay ang pinakamahina pala, at wala na ang pagasa sa makulimlim na Pook Pakikipagsama ay dumating ang liwanag sa dilim, ang Pamilya Waga. Pumunta sa harap ang pamilyang ito, ang pinakahindi inaasahang mga tao ang pumunta sa harap. Nagsalita si Jong. Sabi niya, “Walang gustong pumunta, kami ang pupunta.” Biglang tumawa ang mga tao, at sinabihan sila, “Sa lahat ng tao dito na pwedeng
pumunta, kayo pang pinakawalang kayang, ngunit wala namang pumipigil sa inyo, sige Good Luck!” Sabi ni Jong, “Lagi niyo nalang kaming inaapi dahil sa aming kapansanan. Akala niyo di namin kaya. Kayo nga ang takot! Mas matapang kami sa inyo, mas mahirap ang aming buhay, ngunit kami pa din ang pinakamatatag. Sa ngayon, akala niyo biro ito, pero tingnan natin ang sasabihin niyo pagbalik namin. Lumusong na ang pamilya Waga sa Gubat Gipuspos. Hindi sila takot at nahikayat sila sa layunin na kanilang ginampanan.
Una nilang hinarap ang lumulutang na Maze. Itong maze ay saksakan ng haba at saksakan din ng laki ang pader nito. Sa tagal nilang umiikot sa kung saan-saan ay may nahanap silang solusyon. Sa dulo pala ay may lever, na pag ginamit nila ay lulutang ang pader at makakatakbo na ang tao sa dulo, wala lang may kayang makarating dito. Nag-isip sila hanggang nalaman nila na kaya pala ni tatay. Bumaba siya sa kanyang wheel chair at nagsimulang gumapang sa ilalim ng maze hanggang makarating sa dulo. Hindi na nahirapan si Jong dahil sanay na siya dito sa pagpasok sa malilit na mga lugar. Pagdating niya sa dulo, ay hinugot niya ang lever at biglang lumutang pataas ang mga pader para makarating na ang kanyang pamilya sa dulo.
Pagkatapos nito ay pumasok sila sa pinakamadilim na bahagi ng gubat na ito. Pababa ng pababa sila hanggang marating nila ang lugar kung saan hindi na makapasok ang sinag ng araw. Biglang may narinig silang mabilis na bagay na halos pumipito sa paglipad nito. May pumapana ng arrow sa kanila. Hindi na nila alam ang kanilang gagawin. Halos tumatama ang mga arrow na ito sa gilid ng kanilang mga tenga. Ano kaya ang gagawin nila? Ang solusyon dito ay ang magkapatid na sina Joey at Carmen. Dahil matagal na si Joey na bulag, ay nakikita niya kung saan lumilipad ang mga arrow na ito at ang humuhuli naman nito ay si Carmen. Mabilis na ang galaw ng kanyang mga kamay dahil lagi niyang sinusulat ang kanyang gustong sabihin. Kaya pakonti-konti na silang gumagalaw, nasa harap si Joey habang bumubuntot si Carmen at ang kanilang mga magulang. Itinuturo ni Joey kung nasaan ang mga arrow at huhuliin naman ni Carmen ang mga ito. Ginawa nila ito hanggang sa wakas ay nakarating na din sila sa dulo. Paakayat ulit sila hanggang pakonti-konti na din bumabalik ang sinag ng araw. Sa gitna ng gubat, ay may nakita silang isang pintuan.
Hindi muna nila ito pinasok, ngunit wala silang ibang mahanap na daan kaya pumasok na din sila dito. Nakita nila dito ang isang madilim na kwarto, na may ilaw na iniilawan ang upuan na nakatalikod. Sino kaya ang taong ito na nag iisa sa gubat? Hala, si Bungango na pala ito. Nakita nila ang malaki at magbangis na nilalang na ito. Ang kanyang kapangyarihan ay ang dila niya na napakahaba. Kayang durugin ng dilang ito ang isang taong buhay. Tinukso ni Bungango ang pamilyang ito. Tinawagan niya silang mga mahina at mga duwag na tao hanggang galit at pikon na sila at hindi na matiis ang pagtuksong kanilang ginagawa. Sabay silang lumusong sa nilalang na ito. Nang akalain mong natalo mo na siya, bigla lang siyang mabubuhay muli ng mas malakas at mas malaki. Sa tagal at hirap ng laban na ito, hindi na nila kinaya, may kailangang magsakripisyo. Sa pamamagitan ng pagmamahal, ay sinabi ng tatay na iwanan nalang siya at bumalik nalang sila. Mahirap nga ito sa pamilya pero wala silang ibang magagawa kaya tumakbo sila. Tumakbo sila ng mabilis palagpas ng madilim na bahagi ng gubat na ito at ang lumulutang na Maze hanggang nakarating na ulit sila sa lungsod. Lalo humina ang tatay hanggang nanalo si Bungango at nakuha niya ang utak ni Jong.
Pagdating nina Carmen, Joey, at Carmel sa lungsod ay nagulat ang mga tao. Hindi nila inaakala na kaya pala nila. Kaya pala nila ang Bungango na ito, sila pala ay ang pinakamatapang at pinakamalakas. Ngunit, sila lang ang bumalik, pero hindi ito naging masamang bagay para sa mga tao kundi isang katuparan sa kanila. Nagkaroon muli ng pagasa ang mga tao. Humingi ang natirang pamilya ng tulong at sabay silang lumusong sa gubat na may dalang mga sandata.
Tumakbo silang mabilis sa lumulutang na maze at sa madilim na bahagi ng gubat hanggang nakarating ulit sa tahanan ni Bungango.
Pagpasok nila nakita nila ang isang nilalang, na nakalitaw sa balat ang mga galit na galit na mga ugat at ganun din sa mga mata. Nakaupo si Bungango sa balikat ng nilalang na ito. Ngunit, si tatay nga ba ito? Para sa kanila, itong nilalang ay hindi na si tatay, pero alam nila na nasa loob nito si tatay, na lumalaban gamit ang buong lakas. Tinawagan nila itong nilalang sa pangalan na Talimaw.
Isa isa nilang kinakalaban si Talimaw. Dahil mas marami na sila, aakalain na kaya nilang matalo ang halimaw na ito, ngunit hindi iyon ang nangyari. Mas marami nga sila pero mas malakas pa din ang halimaw na ito. Tuwing nahuhulog si Talimaw ay bumabangon ulit siyang mas malakas at mas matapang sa dati.
Patagal at patagal ang laban na ito, ngunit lumalakas at lumalaki lamang si Halimaw at padami ng padami ang mga nasasaktan. Hanggang sa sinabi nalang ni Carmel na sila nalang daw na natitira ang lumaban dahil talagang laban lang naman nila ang laban na ito. Sumugod na ang tatlong natitira sa pamilya. Hindi kinaya ni Joey at ni Carmen ang laban na ito. Wala na ngang magawa si Carmel, ano pa kaya ang magagawa nila. Ganoon lang ang tingin niyo. Dito natin makikita ang kapangyarihan ni Carmel. Kaya pala niyang pumasok sa utak ng mga tao at malaman ang iniisip ng tao. Ito ang ginawa ni Carmel. Ngunit, kakakuha lang niya ng kanyang kapangyarihan at malaki FILIPINO 62