
4 minute read
ANG MAG-AARAL AT ANG MOBILE DEVICE MANAGEMENT
ni Adrian Dee (G12)
Sa panahon ng online distance learning, paano natin masisiguro na nakikinig ang isang estudyante sa oras ng klase at matapat na sinasagot ang mga gawain at pagtatasa? Ito ay isang nangingibabaw na tanong ngayon para sa mga guro. Para sa Paaralang Xavier, ang sagot nito ay ang eSchoolPad Mobile Device Management (MDM) system na inilagay sa mga iPad ng mga mag-aaral.
Advertisement
Ayon sa isang liham ni Mr. Melvin Gallardo, ang ITS Assistant Coordinator for IT Support sa Xavier, ang MDM ay makatutulong sa pag-monitor o pagbabantay ng estudyante sa klase at sa paninigurado na hindi nandadaya ang estudyante sa mga pagtatasa. Kaya ng MDM takdaan ang paggamit ng iPad at i-block ang mga laro at social media apps sa oras ng klase. Ayon rin sa liham na ito, gagamitin lang ng paaralan ang MDM system mula 8:00 sa umaga hanggang 1:45 sa hapon; sa labas ng oras na ito, pwedeng gamitin ng mag-aaral ang kanyang iPad para sa anumang bagay.
Maraming magulang at guro ay sumasang-ayon sa sistemang ito. Ayon sa kanila, malaki ang tulong nito sa paninigurado na tama ang ginagawa ng mga estudyante sa oras ng klase. Para nga sa ibang mga magulang, hindi na raw nila kailangang manatili sa tabi ng anak nila para siguraduhin ang pagsunod nito sa tuntunin ng paaralan. Pinapatay naman ng paaralan ang MDM sa labas ng oras ng klase kaya hindi masyadong mahigpit ang patakarang ito. Para sa mga sumasang-ayon dito, ito ay isang munting sakripisyo lamang para siguradong produktibo at marangal ang estudyante sa mga gawain na ito.
Sa papel, ito ay isang lohikal na patakaran, at ang mga punto na ito ay may katuturan. Ngunit sa totoong buhay, marami itong pagkukulang at hindi ito patas para sa mga mag-aaral.
Maraming lumabas na problema tungkol sa MDM sa unang buwan ng klase. Isang halimbawa nito ay ang pag-block ng mga website na ginagamit sa klase, katulad ng Google Slides at Quizizz. Imbes na matulungan ang mga mag-aaral sa paggawa ng mga gawain sa klase, naging hadlang pa ito para sa kanila. Naging problema rin ang pagpatay ng MDM sa labas ng oras ng klase. Maraming estudyanteng nagreklamo na hindi pinapatay ang MDM pagkatapos ng klase. May mga nagreklamo pa nga na hindi pinatay ang MDM noong isang Biyernes, kaya’t pati Sabado at Linggo ay hindi nagamit ng mag-aaral ang iPad para sa ibang bagay.
Bukod sa mga problema sa mismong MDM, marami ring nangangatuwiran na hindi rin makatutulong ang sistemang ito dahil may iba silang device katulad ng cellphone, laptop, o computer. Hindi mapipigilan ng MDM ang paggamit ng mga ito para sa ibang bagay, kaya’t para sa iba ay halos balewala rin ang sistemang ito. Dagdag-problema lang para sa kanila ang paglalagay ng MDM kung hindi rin pala ito gagana nang tama.
Sa huli, ang sistemang MDM ay isang sagot para sa isang mahalagang tanong tungkol sa online distance learning, pero ano ang kapalit nito? Kung ang sistema ay hindi tunay na nakatutulong o napakikinabangan, dapat ba ay pilitin natin ito? Hindi ba dapat nating pagisipan muli ang pamamaraan natin? Sabi nga ni Fr. Johnny Go, ang dating presidente ng Paaralang Xavier, “I’d like my students to learn and enjoy learning and not be terrorized unnecessarily. If they want to lie to me then that’s fine, but I’d rather err on the side of compassion.”
BY COBY SILAYAN (G12)
Contrary to what the title of this section suggests, this section is quite literally behind the entire magazine. However, its location is perhaps appropriately so, as the rationale behind the cover is also the rationale behind the magazine— to show how we adapted to the situation that this magazine was produced in.
On the floor above Xavier’s High School library, there exists a room: the Stallion Room. In that room, exists a table, a table where the Stallion Editorial Boards throughout the years would gather to discuss what articles should go into the next magazine, what projects to implement, and the rest of the nitty-gritty details of running a publication.
Although none of us here in Stallion have set foot in that room this past school year, we still had our Stallion Room, rather, our Stallion Zoom room. In this room, though virtual, we still did the same things that we would do in the Stallion Room in the Xavier campus. This adjustment is, of course, not limited to Stallion, but is evident in essentially every group, organization, or class that has persisted through the past year. We therefore wanted to illustrate just that.
However, simply illustrating an online meeting fails to represent what actually happens in one— the collaboration, the camaraderie, and sometimes even the chemistry. So instead of the cover being produced by just one person, we asked Design Department staff members Sky Angeles, Andreas Bautista, Justin Chua, and Gabriel Tadena to work on it together. The cover is the result in the same way that this magazine was the result of collaboration within and outside Stallion.
I hope that in the brief moment that you may think of this magazine, you may remember, or even reminisce, the times you got together with others through a video call and left with an idea that spawned something to be proud of— even if it’s just the idea that you should always check that your mic is muted so that your device’s mic does not catch your next fart.

Contact Us

Send us an email at hs-stallion-mail@xs.edu.ph
Visit us at stallionpub.wordpress.com
Like and Follow us on Facebook: Stallion
Art by Justin Chua (G10)