
3 minute read
KAMALA HARRIS
na ang hamon na dapat niyang daanan. Pinasok ni Carmel ang utak ni Talimaw at nakita niya ang kaluluwa ni Jong. Hiningi ni Carmel na protektahan siya sa totoong buhay habang pumapasok siya sa utak ni Talimaw. Kinausap niya si Jong at sinabi, “Jong, alam ko na nandyan ka pa. Kaya mong manalo, magpursige ka lang.” Habang nangyayari ito ay sa totoong buhay ay unti-unting nasisira ang shield ang ginawa ng mga tao. “Nauubusan na ang oras, Jong, alam ko kaya mo ito, mahal kita!,” sabi ni Carmel. Biglang bumalik si Carmel sa nangyayari sa totoong buhay.
Nang nawawalan ng pag asa ang mga tao, ay tumigil si Talimaw at nahulog sa lupa. Pinuntahan nila ang katawan ni Talimaw at nakita nila na dahan dahan na lumiliit ang kanyang katawan, hanggang sa bumalik sa dating kalagayan si tatay. Aakalain niyo na walang nabago sa kanya, pero sa paggising ni Jong ay nakita ng mga tao na mayroon na pala siyang kapangyarihan, kaya na niyang lumipad at malakas na din siya. Si Carmel naman ay kaya magbasa ng isip ng tao at kaya din magpaggaling ng kahit na anong sakit sa paglapag lamang ng kanyang kamay. Si Joey ay nakakapag pahinto, nakakapagbilis, at nakakapagmanipula ng oras. Si Carmen naman ay nakaktakbo ng mabilis.
Advertisement
Gamit ang kanilang bagong kapangyarihan ay kinalaban nila si Bungango. Dahil dito, ay mabilis lang namatay si Bungango. Bago namatay si Bungango ay lumapit ang pamilya Waga at sinabi, “Sa susunod na gagamitin mo ang dila mo para manakit ng iba, alalahanin mo na kami mismo ang dadating at mananakit sa iyo.” Pagkatapos nito ay dinurog nila ang ulo ni Bungango.
Nahulog ang kapaligiran ng lugar na ito at hindi sila makalabas. May nakita silang langgam na dumadaan. Binasa ni Carmel ang kanyang utak at nakita ang daan
na palabas. Sinundan nila ang langgam na ito. Nakarating silang lahat sa Pook Pakikipagsama na walang nasaktan..
Pagdating nila ay isa isang lumapit ang mga nanakit sa kanila, ang mga katrabaho ni Jong at Carmel at ang mg kaklase ni Joey at Carmen. Akala nila na may masamang gagawin ang mga taong ito, pero pinatawad nila ang mga taong ito at nagkaroon sila ng mga bagong kaibigan. Binibigyan ang Pamilya Waga ng respeto ng tao, pero hinihiling nila na hueag sila bigyan ng espesyal na atensyon ng mga tao. Masaya at mapayapa na nabuhay ang Pook Pakikipagsama.
Sa nakikita mo, masayang natapos ang kwento na ito. Ito ay hindi lamang kwento ng Pamilya Waga o kahit kwento lang ng Pook Pakikipagsama, kundi kwento ng Kapangyarihan ng Kapansanan.
ANG UNANG BLACK, TIMOG ASYANO, AT BABAENG BISE-PRESIDENTE NG ESTADOS UNIDOS
ni Darren Say (G12) Noong Enero 21, 2021, si Kamala Harris ay itinalaga bilang bisepresidente ng Estados Unidos. Ang kanyang pagpapasinaya ay itinuring bilang makasaysayan at mahalaga dahil siya’y naging ang kauna-unahang Black, Timog Asyano (South Asian) at babaeng bise-presidente ng bansang Amerika.
Ang kanyang pag-upo bilang bisepresidente ay naganap sa panahong hinaharap ng bansa ang kanilang mga problema laban sa pandemya, lahi (lalo na sa mga itim), kasarian, at maraming iba pa.
Sa panahon ng kanyang pagsasalita noong araw ng pagpapasinaya, nagbigay pugay si Harris sa kanyang ina na namatay noong taong 2009. Sinabi niya na nandito siya sa posisyon na ito dahil sa mga kababaihan na nauna sa kanya .
Para sa akin, ikinatutuwa ko ang pagiging bise-presidente ni Kamala Harris. Naniniwala ako na ito ay ang simula pa lamang patungo sa pagbabago ng kanilang bansa. Sa pamamagitan ng kanyang konteksto bilang isang Black, Timog Asyano at babae, kung saan sila’y isang minorya at karaniwang inaapi sa Amerika, magbibigay ito ng pag-asa sa kanilang komunidad lalo na ngayong meron nang isang mataas na opisyal na magiging representante ng kanilang mga boses. Naniniwala ako na lalaban si Harris para sa hustiya, lalo na sa mga Black na komunidad at sa mga babae. Nakikita ko ang pagnanasa ni Harris sa kanyang mga adbokasiya at sana ipagpapatuloy niya ito hanggang sa huli.
Base sa balita, sana’y meron tayong natutunan base sa sitwasyon ng Amerika. Kung kaya nilang iboto ang isang maayos at masigasig na pinuno, kaya rin natin gawin iyan. Ituloy natin ang magparehistro sa susunod na halalan at turuan rin natin ang iba ng edukasyon sa pagboto. Sana rin mapagtanto nila kung sino ang karapat-dapat na maging lider sa ating gobyerno. Ang kabataan ay ang kinabukasan, kaya kailangan natin magisip at magpasya nang mabuti upang maging mas maganda ang mga susunod na panahon.