Tuwing ika-30 ng Agosto, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang malayang pamamahayag o National Press Freedom day bilang pagkilala kay Marcelo H. del Pilar, ama ng Philippine Journalism.
Subalit, sa kabila ng paglagda at pag-iral ng batas na ito, isang tanong lamang ang papasok sa ating isipan: tunay nga bang malaya ang pamamamahayag sa ating bansa?
Sa isinagawang World Freedom Index ng Reporters Without Borders (RSF) ngayong taon, ang Pilipinas ay nasa ika-134 na ranggo sa 180 na mga bansa at teritoryo sa mundo pagdating sa usapin ng malayang pamamahayag.
Inihahandog ng Literary Section ng The Communiqué, ang Still PRESSed: Mga Titik na Dinidiin. Ang pagpapatuloy sa literary zine noong 2023 na Stay PRESSed: Koleksyon ng mga Letrang may Tugma at Tinig. Isang literary zine na naglalaman ng mga karanasan, kwento, at simbuyo ng puso ng mga estudyante-mamamahayag sa loob ng pamantasan.
Lagi’t lagi para sa sintang bayan.
Maligayang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag.