LITERARY | Patuloy na binabangungot ang lipunan ng mga kababalaghang hindi pa rin nasasagot.
Walang halimaw sa ilalim ng kama o sa mga probinsya at kuweba. Nasa lipunan na sila, nagbabalat-kayong mga butihing mamamayan ngunit sila’y naglalaway nang ipakita ang totoo nilang motibo.
Inihahandog ng The Communiqué sa pangunguna ng departamento ng Panitikan at Photojournalism ng ang Pendula: Mga Alaalang De-ugoy. Isang Literary at Photography Zine na koleksyon ng mga akda at litratong may dalang kilabot, sikreto, at mito. Mga akdang tila pendulong paulit-ulit na umuugoy sa ating mga kaisipan.
#Undas2023
#TheCommuniqué