Ang mundo ng pamamahayag ay may bahid ng karahasan mula sa estadong binubusalang pilit ang mga tinig na nagsisiwalat ng katotohanan. Katotohanang babasag sa ilusyong binuo nila upang linlangin ang masa.
Bala at pulbura laban sa pluma at mga salita.
Inihahandog ng Literary Department ng The Communiqué, ang Stay PRESSed: Koleksyon ng mga Letrang may Tugma at Tinig. Isang literary zine na binubuo ng mga mamamahayag at peryodistang nais na iparating ang kanilang tinig, karanasan, at kwento—kuwento ng mga campus journalist ukol sa mga isyu at mga suliranin na kinakaharap ng mga mamamahayag.
Maligayang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag!
#DefendTheCampusPress
#DefendPressFreedom
#StopTheAttacks
#TheCommuniqué