Gabi ng ika-23 ng Setyembre taong 1972 ay inanunsyo ni Marcos Sr. ang pagsasailalim ng bansa sa Martial Law sa telebisyon.
Ang pag-alala ay pagkilala at paglaban.
Inihahandog ng Departamento ng Panitikan, Opinyon, at Lathalain ng The Communiqué ang Silang Gising Pa Rin. Isang koleksyon ng mga akdang nagsasalaysay ng mga karanasan at mga isyung lumaganap at lumalaganap pa rin sa mga administrasyong nagdaan mula kay Marcos Sr. hanggang kay Marcos Jr. Ito ay bilang pag-alaala sa mga matatapang na lumaban para sa bayan. Pag-alaala sa kanilang mga kabayanihan. Pag-alala sa kanilang mga karanasan at kwentong pilit na bibubusalan.
Silang mga gising pa rin. Ginising pa rin sa paghihintay sa hustisya. Ginising pa rin sa bangungot na dala ng rehimen ni Marcos. Gising pa rin sa kabila ng mga kasinungalingang bumabalot sa bayan.
Never again, never forget.
#NeverAgain
#NeverForget
#SilangGisingPaRin
#TheCommuniqué