Balintataw

Page 1

BALINTATAW UNLEASHED Literary Folio Volume XVI A.Y. 2019-2020


Ang Pabalat Pabalat ni: Andrea Nicolle Aspa

BALINTATAW

Unleashed Literary Folio Vol. XVI A.Y. 2019-2020

Madilim na naman. Pagmamasdang dahan-dahang lamunin ng takipsilim ang natitirang liwanag ng nakalipas na araw habang bumubulong: “Alpas, alpas, alpas!�

Published by the Technology Advocate Group of Publications The premier organization for scholastic journalism of Laguna State Polytechnic University - San Pablo City Campus No part of this book may be reproduced in any form by other means without prior permission from the publisher and/or authors Correspondence may be addressed to:

THE EDITOR

Unleashed Literary Folio Technology Advocate Group of Publications Publication Office Laguna State Polytechnic University San Pablo City Campus Del Remedio, San Pablo City 4000 Laguna, Philippines


MISSION LSPU provides quality education through responsive instruction, distinctive research, sustainable extension, and production services for improved quality of life. VISION The Laguna State Polytechnic University shall be the center of development initiatives transforming lives and communities. QUALITY POLICY LSPU delivers quality education through responsive instruction, distinctive research, sustainable extension, and production services. Thus, we are committed with continual improvement to meet applicable requirements to provide quality, efficient and effective services to the university stakeholders’ highest level of satisfaction through an excellent management system imbued with utmost integrity, professionalism and innovation.



Paunang Salita Kasalanan nang pumikit kapag ikaw ay namulat na. Tila ba parang napakamakapangyarihan ng ating mga mata. Sinasabing ito ang nagsisilbing repleksyon ng ating kaluluwa at bintana ng ating isipan. Nagmumula sa paningin lahat ng maaari nating maiimbak sa ating isipan mula sa pagiging isang paslit hanggang sa ating pagtanda. Napakamapaglaro rin ng ating mga mata – pikit man o mulat, may mga pangitain na tila sadyang mananatili kahit na patuloy kang kumurap. Sa dilim una nagiging makapangyarihan ang mga mata – sa kagustuhan nitong makahanap at makakita ng liwanag, lalabanan nito ang tila pagiging isang bulag na parang nangangapa sa eskinitang madilim. Sa dilim din nagiging mapaglaro ang mga mata – tila ba gagawa ito ng mga guni-guni upang mapapaniwala ka sa isang bagay na hindi mo na nga nakikita. Sa liwanag mas nagiging makapangyarihan ang mga mata – sa kakayahan nitong makita maski ang ayaw magpakita at pilit bang uusisain ang nakita na parang batang di magkamayaw sa nawawalang laruan. Sa liwanag din mas nagiging mapaglaro ang mga mata – sa mga bagay na sa isang kisapmata ay maaaring lumitaw o mawala na lamang. Ikaw, nasaan ka ngayon? Sa maginhawang dilim o sa malupit na liwanag? MARIA CECILIA JHADZIAH B. DIVA Punong Patnugot



Mga Nilalaman

PIKIT

Paano Magdiwang ng Bagong Taon ang Pilipino ..... 2 Kian ..................................................................................... 4 Lagay ................................................................................. 5 Sana ................................................................................... 5 Byaheng Impyerno ......................................................... 6 Sino ang Bulag? .............................................................. 7 Gaza: The Sound of Silence ......................................... 8 In Every Step ................................................................... 10 Manika ni Moniko ............................................................. 11 Sakal ................................................................................... 12 Shooting Star ................................................................... 14 Falling Star ....................................................................... 15 Take me, Grim Reaper ................................................. 16 Masterpiece .................................................................... 17 Galatea ............................................................................... 18 Takipsilim .......................................................................... 19 Nasaan na sila? ............................................................... 20 Halina ................................................................................ 22 Don’t You Ever Think ..................................................... 23 Chasing Light ................................................................... 24 Sasakyan ........................................................................... 25 Three Thousand and a Surfboard .............................. 26 Pitik-bulag ......................................................................... 28 Color Blind ........................................................................ 29 Blinded by Bundles ......................................................... 30 Ili-ili .................................................................................... 30 Taste of Life ..................................................................... 31 Huli ..................................................................................... 32 Love of My Life ................................................................ 33 Kontra Kahel .................................................................... 34 Ligaw .................................................................................. 35



PIKIT

Matulog ka na! Sa gabi’y nagbabadya ang mga panganib. Upang maging ligtas Habulin mo ang lilim ng araw sa pagdadapit-hapon. Ipikit mo ang kanan at imulat ang kaliwa upang makasulyap kahit kaunti Sa katanghaliang tapat! Upang hindi lubusang masilaw, ipikit mo ang kaliwa at imulat ang kanan. Sasalubungin mo ang haring araw sa pagbubukang liwayway Harapin ang bagong umagang magdadaan. Gumising ka na!


PAANO MAGDIWANG NG BAGONG TAON ANG PILIPINO Winmark Bombio

Dahil sa ipinagbawal ang mga paputok at pailaw, at lubhang nakakabagot ang paghihip sa torotot, Ganito magdiriwang ng bagong taon ang Pilipino. Upang magkaroon ng ingay, May hahandusay sa mga daan at kabukiran Putok ng baril ang tunog na maririnig at ligaw na bala ang palamuti sa kalangitan. Sa madilim na eskinita, Maghihintay ang babaeng nagtitinda ng panandaliang aliw. Magpapasiklab ang suking binata ng kanyang paputok. At may maihahain na sa Media Noche. Upang maitaboy ang malas sa susunod na taon, at bilang alternatibo sa mga lusis na umuusok. Susunugin ang plastik na tinambak, Simula pa noong una nitong produksyon.

Kulang pa ba?... Huhubaran ng damit at susuotan lamang ng saplot, ang baklang kayang kayang pagtripan at hindi lalaban. Pagsasayawin sa ibabaw ng kung kaninong sasakyan, upang may mapagtawanan ang mga tao

2


Hindi rin masaya kung walang artistang magkokonsyerto, Kaya ang alkalde ay aarkila ng manganganta, Yung mumurahing artista lang sana. para mas malaki ang mapunta sa bulsa.

Meron pang mas simpleng paraan!... Isusuot ng ilan sa atin ang kasuotang polka dots Para raw swerte sa papasok na taon. Pinakasimpleng paraan ito sa lahat ng nabanggit. Sapagkat ito lang ang natitira nilang damit. ... Ibalik nyo na kasi ang mga paputok, Mas nanaisin kong maputulan ng daliri, o kaya ng kamay, o kahit anong bahagi. Kaysa naman masiraan ako ng bait.

3


KIAN

Maria Cecilia Jhadziah Diva In my primary years my grandma taught me how to pray sincerely – eyes closed, arms folded, head bowed down, then reverently say your pleas. When I grew up, it was then I realized we were all taught the same way to pray, when the witnesses said: “the young man had his eyes closed, hands clasped together as if in a prayer, head bowed down, in a gunpoint mumbling in plea: tama na po, may exam pa ako bukas!”

4


LAGAY

Christian Isaac Batralo “Pre, anong gagawin natin sa kanya?” “Diyan mo na lang ilagay sa tabi. Isandal mo.” “Pero pre, hindi ba tayo...” pag-aalinlangang sagot ni Manuel. “Ako na ang bahala, gawin mo nalang,” saad ng kaibigan niyang si Jose. Inilagay niya ang isang sachet ng droga sa bulsa ng napatay nilang lalaki. Agad silang sumakay sa kotse, pinaalingawngaw ang sirena at umalis sa madilim na lugar na iyon na parang walang nangyari.

SANA

Larraine T. Artieda “Make a wish.” Kada taon ay mga materyal na bagay ang hinihiling ko, ngunit sa aking paglaki, lumawak na rin ang aking pag-iisip. Nag-iba na ito. “Sana po sa aking pagpikit ay ang pagmulat ng tao sa katotohanan at huwag nang magbulag-bulagan sa mga kamalian.”

5


BYAHENG IMPYERNO Winmark Bombio

Byaheng impyerno ang dyipning aking sinasakyan. “Mga kuya, ate hindi po ako masamang tao, ako po ay badjao, nais ko lamang pong humingi ng kaunting tulong.� Sabay abot sa mga sobre at ampao sa lahat ng pasahero, pagkatapos ay uupo sa may sabitan, magtatambol at aawit. Sa pagdaan ng dyipni sa Plaza ay iyuyuko ng bawat isa ang kanilang ulo, ipipikit ang mata at mananalangin, hanggang sa makalagpas sa templo. Kokolektahin ng bata ang iniabot na sobre at ampao. Muli, walang laman, lipat sa sunod na dyipni.

6


SINO ANG BULAG?

Andrea Nicolle Aspa

7


GAZA :: THE SOUND OF SILENCE Denver Leonado

A black smoke blanketed the City As fire ranged from every house caused by deafening explosion. Bomb shells all over the ground, as files of dead bodies lined along the Corner Street. Mountains of debris and broken rocks picture once a beautiful City, Now broken and lost. Rotten bodies, distorted; Old and Young. Their once a joyful smile, Now broken and lost. A short distance away, large crater can be seen forty meters deep. But this isn’t an ordinary crater, It is man made Not caused by explosion nor asteroid blast.

8


Bodies are now lining up, covered with linen,---White symbolizes the peace, purity, freedom; And happiness. Happiness as the souls departed the broken bodies, The cruel world. The crater once deep and unearthed Now filled with innocent blood, shattered And mourns. And so the Silence, sound Beneath the Ground.

9


IN EVERY STEP John Kirby Dinglasan


MANIKA NI MONIKO Christian Isaac Batralo

“Carmela, ayoko na,” mariing sabi ni Alfonso. “Alfonso, magpapaliwanag...” “Wala ka nang maipaliliwanag sa’kin! Alam ko na ang lahat! Kay Tatay Pedro ko pa nalaman na nadalihan ka na ng ibang lalaki. Nakakadiri ka!” galit na sabi niya at umalis palabas ng bahay ni Carmela. “Hindi mo alam ang dahilan, Alfonso,” bulong ng babae kasabay ang pagtulo ng kaniyang luha. “CARMELAAAA! PAGOD ANG PAPA, MASAHIIN MO AKO!”

11


SAKAL

Cameron Pagtakhan pikit. pikit, idlip. pikit, idlip‌ bumigat ang dibdib pikit, idlip, bumigat ang dibdib subuking magsalita pikit, idlip, bumigat ang dibdib subuking magsalita hinga, hinga‌

12


pikit, idlip, bumigat ang dibdib subuking magsalita labanan mo na tulong ay hanapin mo na huminga ka hinga. mauubusan na ng hininga‌ BAGSAK. mulat. matulog na muli.

13


SHOOTING STAR Aeron John Remorin

Huni ng mga kuliglig, sa gabing malamig —na tila pinapaalala Ang mga pangarap kong ‘di tinupad ng tala.

14


FALLING STAR Jennis Maghirang

She’s a star Looked up by many She falls But no one catches

15


TAKE ME, GRIM REAPER Anne Jeneth Lopez

I am trapped in this hazy labyrinth. No one seems to hear me. No one seems to give a hand. I am caged in this foggy maze. Everything seems blurry; My feet start to bury. I am haunted with this world’s cruelty leaving me, feeling unwanted; How can I live in this society? I am lost in these darkened paths Can I just be a ghost to escape from these soulless rats? Take me, please. Take me.

16


MASTERPIECE Felipe H. Dimaculangan, II

They’re artists Who fell in love Her’s was red So he painted his heart blue Together they saw Combined colours, collided worlds A beautiful art for them Ain’t beautiful for the spectators Little all did know They’re colour-blind artists

17


GALATEA

Cameron Pagtakhan immaculate beautiful it’s not in my head silent lifeless still ‌heartless hear me, bring it to life hear me, listen to me. hear me. let her fall in love with me.

18


Aeron John Remorin

TAKIPSILIM


NASAAN NA SILA? Aeron John Remorin

“Taya kaaaaa hanapin mo kami” Ang payapa na ng paligid. Nakakatuwa naman. Pero bakit parang sumobra ang pagkapayapa? Nasa’n na sila? Gusto kong hanapin yung dating panahon kung kailan marami pang naglalaro sa mga iskina’t kalye kahit mga amoy pawis na. “Taya kaaaaa habulin mo kami” Ang payapa na ng paligid. Nakakatuwan naman. Pero bakit parang sumobra ang pagkapayapa? Nasa’n na sila? Gusto kong tumakbo pabalik sa nakaraan kung kelan masaya at marami pa ang naghahabulan na mga bata sa daan kahit mga sipo’y natulo na. “Hoy taympers muna, pagod na ako”

20


Ang payapa na ng paligid. Nakakatuwa naman. Pero bakit parang sumobra ang pagkapayapa? Nasa’n na sila? Bakit sila umalis at hindi na bumalik? Sabi nila taympers lang daw pero bakit nandaya sila. Kung ganito ang gusto niyong laro, tama na. Itigil na natin ang taguan, ilabas niyo na yung mga batang naglalaro dati sa lansangan. Tara na lang maghabulan, tumakbo papunta sa nakaraan hanggang maabutan natin ang mga daang puno ng masasayang bata. Halika na, ‘wag ka na mag taympers.

21


HALINA

Kim Arnie Gesmundo Hinga, Halika, Samahan mo ‘kong maglakbay. Mga yapak, Sundan mo ang mga ito. ‘Wag kang matakot, Ako ang magiging tanglaw mo. Ngumiti ka, Paparating na tayo, Tila abot kamay mo na Ang walang hanggang saya. Walang responsibilidad, Walang limitasyon, Walang pasakit, Walang balakid. Hindi ka na mag-iisa, Nandito na ako. Ako ang tanging nakaiintindi sa’yo, Sa mga gawaing tila walang katapusan, Ang iyong masasandalan, Mañana. Patuloy kang mahalina, Halika. 22


DON’T YOU EVER THINK Felipe H. Dimaculangan, II

don’t you ever think that the way he tells you he likes you with your makeup you’re perfect in that pretty dress is just another way of saying that you without your makeup you out of that pretty dress YOU-just you ARE NOT ENOUGH do you?

23


CHASING LIGHT Anne Jeneth Lopez


SASAKYAN Alonica Soliman

“Nasaan na po ako? Bakit po ang dilim?” “Wag kang maingay, mabilis lang ‘to.” “Hinihintay na po ako ni Nene, hindi pa po ‘yon kumain. Gusto ko na po umuwi.” “Nauna na umuwi si Nene, uuwi ka na rin.” Hanggang sa tinakasan na lang ng init ng katawan ang batang pilit isinakay sa sasakyang kulay puti. “Uuwi ka na rin...” Huling sambit ng mamang nakasuot ng itim at may hawak na patalim.

25


THREE THOUSAND AND A SURFBOARD Champagne Fae Balmedina

“Looking forward to see you this weekend! I miss you!” Do you remember this line? Have you ever listened to me when I told you this line through phone call? A phone call I’ve waited to receive after three long months of waiting. Three damn long months that you told me you were busy studying. Do you remember this line? Have you ever felt the longing in my voice when I told you that? A longing I’ve always put aside on Because you know I always support you Three years of being with you, I’ve already learned to understand your flaws and shortcomings Do you remember this line? Have you ever felt guilt while I foolishly told you that I miss you? I miss you, that’s not a fault I guess My biggest fault is that I let myself be blinded by your excuses I am fooled by your alibis on why our date was always been cancelled I feel like nuts when I remembered the countless “I understand you”’s I told you before I was tricked by your encouraging “Thank you”’s and “I love you”’s Do you remember this line? 26


Because I vividly remembered that line That was the last line I told you Right after my brother confessed that he just sold me to his bestfriend with a price of Three thousand and a surfboard You paid my brother for one night with me That’s what it is. End of story. I felt ludicrous. I felt pathetic. Two guys very important to my life played with my heart just like that But I love you Do you remember this line? Because, you know what? I’m willing to forget all the things you and my brother did to me I don’t really care I’m still free this weekend See you! I’m still hoping that you won’t cancel it this time I know you will respond to my ‘I miss you’ personally Please buy me again I’ll give you six thousand and two surfboards If that’s what it costs to make you want me again

27


PITIK-BULAG Maria Cecilia Jhadziah Diva

Paborito kong kalaro si Nonoy. Magaling siya sa kahit anong laro – piko, luksong-tinik, tumbang preso maski tagu-taguan. Ngunit kailanman, hindi siya nananalo sa pitik-bulag. “Ang hina mo naman!” inis na sabi ko sa kanya. “Ang hirap kaya ‘pag nakapikit!” depensa niya. Dalawampung taon makalipas, hindi pa rin maipanalo ni Nonoy ang pitik-bulag. “Ang hina mo naman,” malungkot na bulong ko habang tinitingnan ang nakahandusay na katawan sa may eskinita. Totoo nga naman, ang hirap talaga ‘pag nakapikit pati hustisya.

28


COLOR BLIND Angelica Maries D. Maderazo

they got a pair of hands to commend but they refused to applause they got a pair of ears to lend but they decided to be deaf they got a pair of eyes to see gay but they only see gray

29


BLINDED BY BUNDLES Aeron John Remorin

ILI-ILI

Maria Cecilia Jhadziah Diva Ili-ili, tulog anay, Slide to sleep, sweet child Wala diri imong Nanay, Sadly mother cannot bear it Kadto tienda bakal papay, Even a piece of bread, she cannot buy Ili-ili, tulog anay Sleep sweetly forever, sorrowful child.

30


TASTE OF LIFE Felipe H. Dimaculangan, II

I miss the days when A genuine smile curves on your lips My lame jokes make you laugh Our coffee dates feel like magic I hope you Find your taste in life Fall in love with being alive Again

31


HULI

Larraine T. Artieda “Ayoko nang pumikit,” “Matulog ka na,” “Ayoko, noong natulog ako, kinabukasan nasa puting kahon sa si Mama eh,”

32


LOVE OF MY LIFE Felipe H. Dimaculangan, II

you broke my heart by breaking your promise —you took off the ring i gave you and left with another guy i wrote you a song and became true to you but in the end i was left alone —scarred, scared, sick i died, dear i died

(In memory of Freddie Mercury)

33


KONTRA KAHEL

Aeron John Remorin

Magtanim ay ‘di biro Maghapong nakayuko Kalamna’y kumukulo Heto’t ‘di nagpapadala sa alimpuyo ‘Di naman makatayo ‘Di naman makaupo Sa pag-ani’y sakit sa buto Kada kilo’y pito lamang mamiso Magtanim ay ‘di biro Maghapong nakayuko ‘Di man lang makatayo ‘Di man lang makaupo Siyang nakaupo sa senado Na tila naluwagan ng tornilyo Sa bukiring luntian na mga damo Naroon at patag na’t sementado Magtanim ay ‘di biro Pahagad kita sa alaga kong bisiro

34


LIGAW

Larraine T. Artieda “Wala kang pakinabang sa bahay, uuwi ka lang para humilata? Tingnan mo yung mga anak ng kapitbahay natin, masisipag!” Sorry po ‘Nay, pero baka naman may magawa na akong kapaki-pakinabang sa school. “Nag-aaral ka ba? Mas magaling pa sayo yung mga iba mong kaklase kahit na ikaw ang pinanakamatanda.” Baka kasi naligaw lang ako sa mundong ‘to. Walang lulugaran kaya heto ako, sa pamamagitan ng lubid na ito, habambuhay nang pipikit. Paalam, malupit na mundo.

35




AM I A POET?

Felipe H. Dimaculangan, II

Am I a poet? No, not really I am a painter This page is my canvas My pen is my brush I am a magician Who creates a fascinating, ideal world Who composes stories outta nada Who constructs poems outta thin air Wit and creativity I cast, deceive I am a scientist Alphabet as my set of variables Experimented to make Powerful, innovative words Language is my tool Grammar is my rule I am a teacher Students are you Learning from this piece Among all, I am an ordinary person Who breathes Who moves Who expresses —Happy and free Am I a poet? No, not really 33


THEATER Jemima Ventura

An eye wide open A callous heart An ignorant mind A mouth shut People oblivious to act blinder than those who can’t actually see

32


SIMULAT Larraine T. Artieda

“Ma, bakit po ba tayo nandito? Hindi naman po natin kamaganak yung namatay..” “Nak, siya kasi yung dahilan kung bakit kita nakikita ngayon.”

31


EPIPHANY Anne Jeneth Lopez


BAGONG UMAGA Anne Jeneth Lopez

“Kakalimutan na kita...” Nagising ako sa boses ni Adj Jao mula sa Munimuni, Sa Hindi Pag-Alala ang pamagat ng kanta. Sa isang iglap, hindi na kita hinahanap. Sa isang kisapmata, hindi na ikaw ang aking nakikita. Matagal na rin akong nakakulong sa dilim na dulot ng alaala mo Ngunit sa aking paggising ngayon, tanging sinag ng araw ang aking kanlong. “Buburahin na sa isip Ang hugis ng iyong mga mata sa ‘yong pagtawa” Hindi na rin ako natutuksong sumilip sa sampung taong nawala ng parang bula. Kahit wala ka na, sarili ko’y hinding hindi mawawala Hindi lamang ito isang panibagong umaga, ito na rin ang natatanging simula. Gising na! Gising na! Gising na gising na! “Eto na.” 29


PAHIMAKAS

Felipe H. Dimaculangan, II

Tapang ni Bonifacio at talino ni Rizal Naging susi sa silid ng abang kamalayan Naglalayong iahon ang Pilipinong dangal Sa lupang naging pugad ng buwitreng gahaman Dugong alon na dumungis sa perlas ng silangan Alab din ng damdaming sa atin ikinintal Bakas ng nakaraan, pamanang kasarinlan ‘Wag magmaliw sa isip, dasal kong inuusal Bakit ang pagkatao’y umuunlad paurong? Nang nagsilipana ang mga uso’t patok Nakikipagsabayan sa modernong panahon Iyong si Kabataan, may diwa na baluktot Banyagang kaisipan na punlong makamandag Lumatay at lumason sa mahinang katawan Tanikalang sumakal, kay hirap na mapigtal Ang muling naghahaltak sa atin sa putikan Nasyonalismong tunay, ‘di sa pagpag ng dila Wala sa maiinam na pangkat ng salita ‘Di sa saradong tainga’t nakapiring na mata Tanging nasa puso na sasalamin sa gawa Pinangangambahan ng mga dakilang pantas Malimot ang sarili sa darating na bukas Kamangmanga’y sumaklot sa bayang Pilipinas At tunog-Pilipino, maging tunog-agunyas 28


TRANSITION OF A NEW DAY Jan Miguel Lopez


BULAG, PIPI AT BINGI Lhorengel Jestre

Isang malawak na bakuran Bahay na yari sa makukulay at makinang na alahas Lupang ginintuan Mga asong nagbabantay sa bahay na mataas. Sa pagpasok ko sa bahay na iyon Isang gintong upuan ang aking nakita May lamesang puno ng hamon Lalaking may suot ng maraming alahas ang siyang nakatira. Malakas na boses ang aking narinig mula sa kanya Nakakagimbal, ang lahat ay sumusunod sa bawat utos niya Anong meron? Bakit lahat ay takot sa kanya? Bakit bawat salitang sabihin niya ay tama? Nakakabingi sa takot Parang ako’y mabubulag sa makinang na bahay Walang salitang lumabas mula sa aking labi Saan nga ba ako naroroon?

26


NAKAKAKITA PALA ANG DYOSA Angelica Maries D. Maderazo

Nakakakita pala ang Dyosa Nakita ko siya Kung paano dinaya ang timbangan dahil walang alam ang suki nya Nakakakita pala talaga ang Dyosa buong akala ko ay nakapiring ng tela Bukas pala ang mga mata, ngunit hindi sa dukha Nakakita talaga ang dyosa Ngunit bulag ang lahat Sa katotohanan na may bahid ng dugo ang espada.

25


IT IS I..

Frances Pearlin Estrellado

24


STALKED

Markttine Coronado


HIGIT PA ANG MALANSANG ISDA Angelica Maries D. Maderazo Higit ang malansang isda Sa kahit na sinong tanyag Higit sa katawang lupa na walang pakialam. Higit ang malansang mulat Sapagkat nais nito ng pagbabago Hindi pangakong napapako. Higit pa ang malansang isda sapagkat hanggang sa huling daloy ng hangin sa katawan bukas ang mga mata, nakamulat, at nais pa rin magpamulat.

22


GRAYISH STATE Elaine Cuenca

She was just turning six Still young, unburdened by any weights Her sight was blurry Her thoughts were fogged She’s stuck between the good and bad She’s stoned in the middle of white and black She’s always uncertain, doubtful, unsure Her answers would be partially yes, partially no Her eyes were still closed, still covered with innocence Clueless about the danger in the society that awaits But it matters not her logics for now When the minute’s hand matches the hour’s As her sufferings and taste of life wake her real psyche Her innocence will fade and come to last Years may have passed after turning six Time has come for her to pick Time for her to pave her own path From a grayish state, would it be to light or to dark?

21


RENAISSANCE Jan Miguel Lopez


Ang ganda ng mga ilaw! Ang payapa ng paligid! Mas maganda nga ang tanawin mula sa taas.

Sa aking galak, ako’y napatalon… Tumalon. Tumalon. “Ayoko na bumaba! Ayoko na bumaba!”

Aking sigaw Sa pagbagsak ko sa lupa.

19


MULA SA TAAS Frances Pearlin Estrellado

Minsan napapaisip ako‌ ano kaya ang pakiramdam pag laging nasa taas? Dito sa lupa, wala nang ibang nakita kundi ang sabay-sabay na paghakbang ng mga paa na nagmamadali papuntang trabaho o eskwelahan. Mga kotseng humaharurot sa daan. Mga tindahan sa paligid na hanggang ngayon ay ‘di pa rin naibabalik ang puhunan. Oo, nakakasawa. Nakakasawa rito sa ibaba. Gigising nang alas kwatro ng umaga, kakain, maliligo, aalis sa bahay. Kinabukasan ay gayundin naman.

Gising. Kain. Ligo. Alis. Gising. Kain. Ligo. Alis.

Ang sarap siguro maging ibon. Para makita ang mundo mula sa mga ulap. Sa aking paglipad ay makita ko ang mala-langgam na tao at sasakyan sa lupa. Sa likod ng bawat pinto ay may sari-sariling kuwento.

May mga batang tumatakbo. Saan kaya sila papunta? Aba! May malapit pala na perya. Sundan ko kaya sila? Uy, may ferris wheel pa!

Sa aking pagsakay, ang kalooban ko’y biglang naglumanay. Unti-unti akong umakyat papalapit sa mga bituin at alapaap.

18


BISYO

Aeron John Remorin


A BIT LIKE ORPHEUS Elaine Cuenca

I do. I do. We exchanged vows under the moonlit sky Dancing, singing, with all our might Making the best out of the night we become one I saw you walk away through the door, full of life Little did I know that would be the last Little did I know there’s no coming back Nothing makes sense, I refuse to believe Why was our happiness shortlived? I sang the saddest of songs, Played our favorite blues. Footsteps I heard, indicates your return It’s time you come home Or so I thought again For we just locked eyes for a split of a second Light took over, The last thing I know, you vanished. It’s day 40 Hon, I had it halfway again. Maybe I should add 10 more pills for me to see you longer. 10 more pills and I’ll be able to bid my farewell. Or perhaps, 10 more pills and we will meet but this time in a world we coexist.

16


Ngunit kahit gaano sila magpakahirap para sa kakarampot na sentimo, Sa ilalim ng mainit na araw maghapong nakikipagpatintero, Hindi pa rin nagpatinag na magbigay ang mga tao Sapagkat lantaran ang pagpila nila para sa mga mumunting puting bato. Sa dako paroon sa gitna ng kumpol ng mga ito, Natanaw ko ang pangangailangan mo, Nakaturong umaasa para ika’y pagbigyan Sa munti mong hiling alam kong ikaw ang tunay na may kailangan. Dahan-dahan akong lumapit Upang sayo’y hindi ipagkait Ang pelukang kanina pang gustong makuha Na ngayon ay masaya akong napasaiyo na. Nagtatakang pinagtinginan tayo ng mga tao Ngunit hindi ko na namalayan dahil sa ngiting isinukli mo. Salamat! wika ng batang paslit, Hindi man nito maiibsan ang aking karamdaman Ngunit natupad naman ang aking hiling na magkabuhok kahit panandalian lang. 15


LIMOS

Kim Arnie Gesmundo Kuya! Baka naman may barya ka po riyan? Ate! Gusto ko lang pong bilhin yung nasa may tindahan sa may tabihan. Kahit gaano karami ay handa kong tanggapin, Pakiusap, gusto ko lang po talaga iyong mapasaakin. Habang nakikipagsapalaran sa may kalsada, Hawak-hawak ang latang wala pang tumutunog na barya, Tila dinadaan-daanan lang siya katulad ng iba, Sa gitna ng karagatan ng mga batang nakikipagkompitensya. Kanya-kanyang pakulo upang sila ang manalo, Tangan-tangan pa ang kapatid upang sila’y kaawaan, Hindi alintana ang bigat na pinapasan, Magamit lang ang kamusmusan upang maakit ang mga dumadaan. Ang iba’y nagpapanggap pa na mga bulag, May suot na itim na shades upang mas lalong paniwalaan O ‘di kaya nama’y pilay na may mga dalang saklay, May kasama pang pagkanta para nga naman kumpletos rekados na. 14


SUNSHINE Anne Jeneth Lopez


HINAGPIS

Vince Edward Tubigan “Araaaaaaaay! Napakasakit, tama na!” mga salitang aking binibitawan habang dumadaan sa matinding kirot na nilalabas ng aking katawan. “Aaaaah, aaaaah, haaaaaaah!” Tumutulo na ang aking mga luha dahil hindi ko na talaga kinakaya ang pangyayaring nagaganap. “Napakasakit, ayoko naaaaa!” Handa na akong bumigay sa aking pagdurusa ngunit pinigilan niya ako at sinamahan sa bawat hapdi na aking tinatanggap. Sa wakas, natapos na rin ang aking paghihirap. Matapos noon ay napapikit at napunta ako sa isang malalim na tulog, ‘di sigurado kung mumulat pa. Hanggang sa isang mala-anghel na tinig ang gumising sa akin. “Uhaaaa! Uhaaa! Uhaaa!” ani ng supling na pinadala sa akin ng langit upang mahalin at alagaan.

12


“Bilisan mo!� tanging sambit namin habang kumakaripas ng takbo. Nakabuntot pa rin sa amin ang van at kasabay niyon ay ang paghabol sa amin ng isang aso mula sa isang tindahan. Nang makarating kami sa tapat ng ospital, ay dumiretso ng pagmananeho ang van. Nakahinga kami ng maluwag, ngunit bakas sa amin ang takot at pagod kaya agad na kaming tumawid at nakarating sa covered court. Sa oras na 5:20 A.M, nakasama kami sa fun run. At kasabay ng sayang naidulot nito, ay namulat ang aming kaisipan - na ang mundo ay nababalot ng panganib. Naging kampante ako na walang kapahamakang nakaabang sa amin, pero akala ko lang pala iyon. At isang taon na ang lumipas, ngayon ay laganap na naman ito sa ating lugar. Ito na ang oras para maging alerto. Ito na ang oras para buksan ang ating mga mata sa katotohanan. Oras na.

11


ORAS NG PAGMULAT Christian Isaac Batralo March 11, 2018 Alas-singko na ng umaga nang matapos akong magbihis para sa pupuntahan kong fun run. Itim na t-shirt at jersey short ang aking suot. At dahil sa malamig na ihip ng hangin, binitbit ko na rin ang aking jacket. “Uy bes, tara na alis na tayo!” tawag sa’kin ng kaibigan ko’ng si Nicole. Kinuha ko ang bag ko at umalis ng bahay. Lalakarin namin mula sa amin ang covered court ng barangay. Habang naglalakad kami palabas ng aming compound, 5:05 A.M, ay nagkaroon kami ng kaunting pag-uusap. Bali-balita kasi ang pagdukot ng puting van sa mga kabataan. “Alam mo bes, ang dilim ng lalakaran natin sa tabi ng kalsada tapos wala pang araw, baka may van na sumulpot tapos kunin tayo,” sabi ni Nicole sa’kin na may halong pagbibiro sa kanyang tono. “Wala pa naman sila rito sa sa atin eh, saka bilisan na natin,” tipid kong sagot sa kanya at nagpatuloy na naglakad sa tabi ng highway. Alas-singko kinse, 100 metrong natitira papuntang covered court, na siyang darausan ng fun run, ay binabagtas namin ang isang vulcanizing shop. Madilim, tahimik at tanging tunog ng aming sapatos ang maririnig. Muli kaming dinalaw ng antok. Ngunit sa tagpong din iyon, ay muling nagising ang aming ulirat nang makita namin ang isang puting van sa aming likuran, nakabukas ang wiper at nakaabang ang isang babaeng may suot na face mask. 10


INCOMPLETELY PERFECT Andrea Nicolle Aspa

9


ECLIPSED Elaine Cuenca

She’s always the first I am always the second She’s always the leading lady I’m always just an alternate She always tops the exams I’m always just above average She’s always the star of the show I’m always just a stand by, just in case She’s always the vocalist I’m always her second voice She’s always one step ahead I’m always one step behind But one time, she failed together with the class People kept on saying it’s just hard No one dare to say another word Little did they know I passed She’s always the one that shines the most And I’m always the one eclipsed, stuck in her shadows For whether it’s her brightest moment or not It’s still and will always be dark in my part

8


EYES OF DISGUISE Frances Pearlin Estrellado

Your eyes speak the words that you fail to say. But I can’t help but wonder Can those dark eyes hide something even darker? They say that eyes never lie. But does that mean that they always speak the truth?

7


PINA

Andrea Nicolle Aspa 6


I can barely see the bottom of my cup now So as I have realized That what I really want is someone who will touch me with his love Pat me in the head and say “I did great today” And wipe away my tears while he caress my face What I want is someone who will pamper me through his fondle And remind me to fight this sanity within me What I really need is someone who will pull me up when sadness is dragging me down What I need is someone who will seal me with a kiss And assure me that I am not alone But there’s no one. My last question for this night, “Will you join me Drinking my last cup of coffee?”

5


LAST CUP OF COFFEE Champagne Fae Balmedina

Sun gone home again this time Darkness starting to envelope the whole city The whole place is so serene and seem so fine I am here again at this side of the room Sipping, devouring my last cup of coffee for this day This is the time when the coldness of the night can’t be eased by the hotness of the coffee So I long for a different kind of warmth Maybe I long for someone who will touch me with his bare hands Someone who will lock me with his warm embrace to ease the coldness of the night And someone who will kiss me in the darkest corner of the room And devour me like how I drink my coffee Half of my coffee was already consumed So as the night has already reach its mid And I am still here Still looking for a touch Still looking for a presence Who’ll stay with me tonight But there’s no one.

4


BLIND

Jemima Ventura Once, I saw a blind man. He wore a faded red shirt, yellow ripped pants and dirty red shoes He had no money but had the brightest smile Out of curiosity, I asked him why. He said luxurious things are seen through eyes. And beyond the sight, true freedom lies.

3


VIGIL

Maria Cecilia Jhadziah Diva Long have we lighted candlesticks and long have we offered prayers to pretentious gods and goddess in order to feed their individuality. As if this is not enough, we have given them alms though we are poorer than a church mouse, then we almost worship them in their self-made churches with their self-recognized glory. Awake! The vigil has been too long and at last, we are no longer blind to their crooked and malicious ways! With fists raised together we break their glass walls of corrupted devices and they shall crumble as termite-infested wood where they shall reign no more.

2


MULAT

Gumising ka na! Harapin ang bagong umagang magdadaan. Sa pagbubukang liwayway, Sasalubungin mo ang haring araw Ipikit mo ang kaliwa at imulat ang kanan upang hindi lubusang masilaw Sa katanghaliang tapat! Upang makasulyap kahit kaunti, Ipikit mo ang kanan at imulat ang kaliwa. Sa pagdadapit-hapon. Habulin mo ang lilim ng araw Upang maging ligtas. Sa gabi’y nagbabadya ang mga panganib. Matulog ka na!



Mga Nilalaman Vigil .................................................................................. 2 Blind ................................................................................. 3 Last Cup of Coffee ....................................................... 4 Pina .................................................................................. 6 Eyes of Disguise ........................................................... 7 Eclipsed .......................................................................... 8 Incompletely Perfect .................................................. 9 Oras ng Pagmulat ........................................................ 10 hINAgpis ......................................................................... 12 Sunshine ........................................................................ 13 Limos .............................................................................. 14 A Bit Like Orpheus ...................................................... 16 Bisyo ............................................................................... 17 Mula sa Taas ................................................................. 18 Renaissance .................................................................. 20 Grayish State ................................................................ 21 Higit Pa ang Malansang Isda ..................................... 22 Stalked ............................................................................ 23 It is I. ............................................................................... 24 Nakakakita Pala Ang Dyosa ....................................... 25 Bulag, Pipi at Bingi ...................................................... 26 Transition of a New Day ............................................. 27 Pahimakas ...................................................................... 28 Bagong Umaga .............................................................. 29 Epiphany ......................................................................... 30 SiMulat ............................................................................ 31 Theater ........................................................................... 32 Am I a Poet? .................................................................. 33

MULAT



Kay Dr. Eden na aming publication consultant, maraming salamat po sa paghamon sa amin na laging maging mahusay at higit sa lahat, salamat po inyong gabay. Mambabasa, salamat. Patuloy na susulat at mumulat para sa iyo, sa pamantasan, sa bansa. Para sa’yo rin ito.


Pasasalamat Ang bahagi ng aklat na ito ay nais naming ialay sa mga nakaranas ng dilim ngunit nakahanap ng liwanag. O di kaya’y nasa dilim ngunit naghahanap ng liwanag. Kung ‘di man ay nasa dilim pa rin at walang makitang liwanag. Pasasalamat unang-una sa Panginoon na siyang gabay nating lahat sa dilim man o liwanag. Siya at Siya lamang ang ‘ultimate source’ ng ating liwanag sa ating mga buhay. Walang hanggang pasasalamat po sa Inyo. Sa mga taong hindi man namin nakilala ngunit nagsilbing paraluman namin upang makabuo ng mga ideya na siya ngayong nasa librong ito – sa mga batang kalye hanggang sa mga tao ng peryahan. Kwento natin ‘to. Kay Maries, sa pagsindak sa amin sa mga gawa mo, ngunit higit sa lahat, sa pagiging isang kaibigan. Kay Kuya PJ, konti na lang ga-graduate na tayo. Salamat sa pagiging isang kuya ng lahat. Kay Winmark, salamat sa palaban mong entries, muntik na mag-rally itong folio. Kay Andrea, Jay-Ar at Scilla, patuloy na hahanga sa mga kakayahan niyo. Kay Ipe, Kirby at Jennis, pinabilib nyo ako sa dedikasyon nyo sa pub works. Sa aming napakaganda at napakabait na publication adviser, Ma’am Julie Fe, maraming salamat po. Salamat po sa pagiging ‘Inay’ at gabay naming palagi. Palagi pong babaunin ang mga turo (at pagkain) ninyo sa amin.


Technology Advocate EDITORIAL BOARD A.Y. 2019-2020

MARIA CECILIA JHADZIAH DIVA Editor-in-Chief ANGELICA MARIES MADERAZO Associate Editor JOHN PAUL PUNZALAN Managing Editor

FELIPE DIMACULANGAN CLARISSE VIBAR PRISCILLA MERCADO RAINIER GEORGE DIAZ Dev. Comm. Team JOHN KIRBY DINGLASAN Chief Photojournalist

WINMARK BOMBIO News Editor JAY-AR FUNTANILLA Opinion and Feature Editor

ANGELO REYES Circulation Manager

KIM ARNIE GESMUNDO Copyreader

ANDREA NICOLLE ASPA JOSHUA KENZO TAMACA Chief Artist

VLADIMER CHAVENIA Property Custodian

MIAH RAXL VASQUEZ Literary Editor

Staff Lhorengel Jestre, Vince Edward Tubigan, Jemima Ventura, Champagne Fae Balmedina, Christian Isaac Batralo, Elaine Cuenca, Alonica Soliman, Denver Leonado, Cameron Pagtakhan & Aeron John Remorin Contributors Anne Jeneth Lopez, Jan Miguel Lopez & Frances Pearlin Estrellano Markttine Coronado JULIE FE D. PANOY Publication Adviser

EDEN C. CALLO, Ed. D. Publication Consultant


Ang Pabalat Pabalat ni: Andrea Nicolle Aspa Maliwanag na. Mumulat na para harapin ang pagsapit ng isang bagong bukang-liwayway sabay sasambitin ang sigaw ng laban: “Malaya, malaya, malaya!�


u



BALINTATAW UNLEASHED Literary Folio Volume XVI A.Y. 2019-2020


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.