MGA ISYU SA KARAPATANG PANTAO

Page 1

ARALING PANLIPUNAN

Mga Isyu sa Karapatang Pantao

10
Inihanda ni: Dingding,RicaMaeA Maisog,JesselAnnJ. Palawan,BibleL.

PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang layunin na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa isyu ng karapatang pantao Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga aralin tungkol sa anyo ng paglabag, epekto ng paglabag, at mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig, inaasahang magkakaroon ng malawakang pag-unawa ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagpapahalaga sa karapatang pantao at pagtitiyak ng pagrespeto sa mga ito.

Sa bawat bahagi ng modyul, magkakaroon ng mga aktibidad at pagsasanay upang mas lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang mga konsepto at maipakita ang kanilang kakayahan sa pag-unawa at pagpapahalaga sa karapatang pantao

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahan na ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mas malawak na kaalaman at kakayahan sa pagbibigay ng respeto at proteksyon sa karapatang pantao hindi lamang sa kanilang sarili kundi pati na rin sa kanilang kapwa

MGABAHAGIATICONSAMODYULNAITO:

ALAMIN

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul

SURIIN AT PAG-ARALAN Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

ISAGAWA Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

SUBUKIN Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

KARAGDAGANG GAWAIN Ang bahagi na ito ay upang masiguro na naunawaan ng magaaral ang mga bagong konsepto at mga kasanayan

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

SANGGUNIAN Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito

PANGKALAHATANG IDEYA

Ang modyul na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa mga isyu sa karapatang pantao. Sa pamamagitan ng tatlong aralin, tatalakayin ang iba't ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao, ang epekto ng mga ito, at mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa iba't ibang antas - mula sa lokal na pamayanan, hanggang sa buong bansa, at sa iba't ibang bahagi ng mundo

Sa Aralin 1, tatalakayin ang iba't ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng pangaabuso sa kapangyarihan, diskriminasyon, pang-aapi, tortyur, at iba pa. Magbibigay din ng mga halimbawa at maaring magamit ang mga ito upang maunawaan ng mga mag-aaral kung paano nagagamit ang kapangyarihan upang laktawan ang mga karapatang pantao ng mga tao

Sa Aralin 2, ipapakita ang epekto ng mga paglabag sa karapatang pantao sa mga biktima at sa lipunan bilang isang buong sistema. Makikita ang kahalagahan ng pagpapakilala sa mga karapatang pantao at kung paano maaring magpakalat ng kaalaman upang maiwasan ang paglabag sa mga ito

Sa Aralin 3, ilalatag ang mga halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao sa iba't ibang antasmula sa lokal na pamayanan, hanggang sa buong bansa, at sa iba't ibang bahagi ng mundo. Makikita ng mga mag-aaral kung paano naglalaro ang mga konteksto at kung paano nagkakaroon ng paglabag sa karapatang pantao sa iba't ibang uri ng lipunan

Sa kabuuan, ang modyul na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa karapatang pantao, ang kahalagahan nito, at kung paano ito maaring masiguro at maipakalat. Magbibigay ito ng kritikal na pagtingin sa mga isyung pangkarapatang pantao na kinahaharap ng mga tao sa buong mundo

ALAMIN

Sa pagtatapos ng pagbabasa at paggawa ng mga gawain sa modyul na ito, inaasahang malalaman ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

Mga iba't ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng pang-aabuso sa kapangyarihan, diskriminasyon, pang-aapi, tortyur, at iba pa Epekto ng mga paglabag sa karapatang pantao sa mga biktima at sa lipunan bilang isang buong sistema

Mga halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao sa iba't ibang antas - mula sa lokal na pamayanan, hanggang sa buong bansa, at sa iba't ibang bahagi ng mundo Kahalagahan ng pagpapakilala sa mga karapatang pantao at kung paano maiwasan ang paglabag sa mga ito.

Mga hakbang na maaring gawin upang protektahan at ipagtanggol ang mga karapatang pantao ng bawat isa.

Sa kabuuan, ang mga mag-aaral ay maaring magkaroon ng mas malawak at malalim na pag-unawa tungkol sa mga isyu sa karapatang pantao, at maaring magkaroon ng mga ideya at kasanayan kung paano maipagtanggol ang kanilang mga karapatang pantao at ang karapatang pantao ng ibang tao.

1 2. 3. 4. 5

Ano ang Karapatang Pantao?

Ang Karapatan pantao ay mga Karapatan na likas sa lahat ng tao, anuman ang kanyang lahi, kasarian, nasyonalidad, etnisidad, relihiyon at iba pa. Ito ay ang pinakapayak na Karapatan at kalayaan na taglay ng isang tao, mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kanyang kamatayan.

Ang Karapatan pantao ay mga pamantayan na kumikilala at pumuprotekta sa dignidad ng lahat ng tao. Ito rin ay nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan at sa kanilang pakikisalamuha sa iba. Ang mga Karapatan pantao ay may epekto rin sa relasyon sa pagitan ng estado at ng mga mamamayan.

Inoobliga ng Karapatan pantao na kumilos ang pamahalaan para sa pagparotekta sa Karapatan ng mga indibidwal at pinipigilan din nito ang pamahalaan sa pag-abuso at paglabag sa Karapatan ng mga tao Ang bawat isa din sa mga tao ay may tungkulin sa paggamit ng kanilang Karapatan, dapat nilang irespeto ang Karapatan ng kanilang kapwa.

Unibersal ang karapatan pantao, ang lahat ay may pantay na karapatan at kalayaan. Ang mga Karapatan na ito hindi maipagkakait, hindi ito maaaring boluntaryong iwaksi at walang sinuman ang maaaring magtanggal ng Karapatan ng iba nang walang due process. Ito ay hindi mahahati o mababawasa, ito man ay karapatang sibil, pangekonomiko, panlipunan o pang-kultura, ang lahat ng mga Karapatan na ito ay mahalaga para sa dignidad ng bawat tao. Ang lahat ng karapatan ay may patas na importansya.

Walang maliit na Karapatan at walang maituturing mas mahalagang sa bawat isa

ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO ARALIN 1

SURIIN AT PAG-ARALAN

ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao na pagkatapos ng mahabang panahon mula nang inilabas ang UN Universal Declaration of Human Rights, ang mga layunin ng pagsugpo ng paglabag sa karapatang pantao ay nananatiling mailap.

Laganap ang paglabag sa karapatang pantao, sa Pilipinas man o sa maraming bahagi ng mundo. Maraming bansa kung saan ang kababaihan at kabataan ay hindi malaya, samantalang ang mga miyembro ng mass media at mga kalaban ng pamahalaan ay pinapatay o biktima ng extra judicial killings. Marami nang pagbabago, subalit sa loob ng mahabang dekada, marami pa ringpaglabag sa karapatang pantao

1. Pisikal na Paglabag

May mga magulang, guro, at iba pang matatanda ang nananakit at nagpapataw ng mabigat na parusa sa pagaakalang ito ay mabisang paraan ng pagdidisiplina Ang

pananakit at pagsugat sa katawan ng tao ay pisikal na paglabag sa karapatang pantao Ang pagdukot, kidnapping, pagbubugbog gaya ng hazing, pagputol sa anumang parte ng katawan o mutilation, lalo na ang pagkitil ngbuhay ay mga pisikal na paglabag

Ang seksuwal na pananakit tulad ng panghahalay o rape, pagsasamantala, panghihipo, martial rape, at domestic violence ay halimbawa rin ng pisikal na paglabag sa karapatang pantao. Gayundin, ang tinawag na police brutality o ang labis na pagiging marahas ng mga pulis at military sa mga napagbibintangang Kriminal at kaaway ng batas. Ang extrajudicial killing at extralegal killing sa mga napagbibintangang 1. Pisikal na Paglabag kriminal o kaaway ng pamahalaan ay mga paglabag sa karapatang pantao. Ang mga biktima ng nasabing paglabag ay hindi nabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa korte, bagkus sila ay agad na hinatulan at pinatay.

ISAGAWA

Gawain 1: Pagkilala sa Anyo ng Paglabag sa Karapatang Pantao

Panuto: Sa gawain na ito, may nakatakda na iba't ibang situwasyon na nagpapakita ng

paglabag sa karapatang pantao at kailangan mo na matukoy kung anong anyo ng

paglabag ito. Pagkatapos ng paglalahad ng bawat situwasyon, sagutin ang mga

sumusunod na mga katanungan

SITWASYON 1

Si Ana ay isang empleyado sa isang malaking kumpanya. Kahit na nagtatrabaho siya nang

maayos at tumutupad sa kanyang mga responsibilidad, hindi siya pinapansin ng kanyang boss at binibigyan ng mga trabahong hindi kasing-importante ng mga kasamahan niya.

a. Ano ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao na nararanasan ni Ana?

b. Bakit ito isang paglabag sa karapatang pantao?

c. Paano ito maaaring makaapekto sa indibidwal o komunidad?

SITWASYON 2

Si Mark ay isang aktibista na naglalaban para sa mga karapatang pantao ng mga magsasaka sa kanyang lugar. Noong isang gabi, nakatanggap siya ng mga death threats mula sa isang grupo ng mga tao na hindi sang-ayon sa kanyang mga adhikain.

a. Ano ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao na nararanasan ni Mark?

b. Bakit ito isang paglabag sa karapatang pantao?

c. Paano ito maaaring makaapekto sa indibidwal o komunidad?

SITWASYON 3

Si Ben ay isang bata na lumaki sa isang lugar na hindi sapat ang access sa edukasyon. Dahil dito, hindi niya natututunan ang mga kasanayang kailangan niya para sa kanyang kinabukasan. Hindi rin siya nakakatugon sa kanyang basic needs dahil sa kahirapan ng kanyang pamilya.

a. Ano ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao na nararanasan ni Ben?

b. Bakit ito isang paglabag sa karapatang pantao?

c. Paano ito maaaring makaapekto sa indibidwal o komunidad?

2. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag

Ang pag-aaway ng mag-asawa, magkamag-anak, o magkaibigan na nauuwi sa sigawan at pagbibitaw ng masasakit o malulupit na salita ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao Gayundin, ang panlalait at pangaalipusta ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Nagiging mababa ang tingin ng isang tao sa kaniyang sarili at nagdudulot ng ito ng kawalan ngkapayapaan ng loob. Nawawala angkaniyang kumpiyansa at hindi na makapamuhay ng matiwasay Ang simpleng tuksuhan at asaran sa paaralan ay maaaring mauwi sa bullying na sumusugat at lumalatay sa emosyonal na katatagan ng mga bata. Malimit na ito ay nagpapatuloy sa mga social networking site o tinatawag na

cyberbullying

May mga kaso na kung saan ang mag-aaral, dahil sa sobrangkahihiyan, panlulumo, at panliliit sa sarili, ay nagpapakamatay. Ang pananakot upang mapilit ang isang tao na gumawa ng isang bagay na labag sa kaniyangkagustuhan ay paglabag din sa karapatan, gayundin ang pamimilit na sumapi sa samahan.

3. Estruktural o Sistematikong Paglabag

Ang mga ganitong uri ng paglabag ay nagaganap dahil sa mgaestrukturang umiiral sa ating pamahalaan at sa mga alituntunin o batas naipinapatupad dito. Halimbawa, may mga serbisyo ang ating pamahalaanna hindi naipaparating sa mahirap na mamamayan na naninirahansamga probinsya dahil ang mga lugar na ito ay mahirap marating Ang mgaito ay nalalasap lamang ng mga lungsod at sentro ng pamahalaan. Isaparito ang pagkakaroon ng mga antas sa lipunan kung saan ang mganabibilang sa mataas na antas at ang nakaririwasa ay mabilis nanabibigyan ng atensyon at preferential treatment samantalang angordinaryong mamamayan ay hindi mabigyan ng kaukulang atensyon. Kadalasan, kailangan pa nilang maglagay o manuhol para lamangmabigyan ng kinakailangang serbisyo

ARALIN EPEKTO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO 2

Sa ating nakaraang aralin, tinalakay natin ang tungkol sa iba't ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang mga epekto ng paglabag sa karapatang pantao sa ating lipunan at mga indibidwal.

Tunay na malaking isyu ang paglabag sa karapatang pantao, at hindi dapat ito balewalain. Hindi lang ito nagdudulot ng pisikal na pinsala, kundi pati rin ng emosyonal at mental na epekto. Ito ay nakakaapekto hindi lang sa mga indibidwal, kundi maging sa buong komunidad.

Sa araling ito, tatalakayin natin kung paano nakakaapekto ang paglabag sa karapatang pantao sa ating lipunan, kung paano ito nakakaimpluwensya sa ating kultura at mga paniniwala, at kung paano natin ito maiiwasan. Mga magaaral, asahan ninyo na matututo tayo ng mga kasanayang magbibigay sa atin ng kamalayan tungkol sa mga paglabag sa karapatang pantao at kung paano ito matutugunan sa tama at epektibong paraan.

Handa na ba kayong simulan ang bagong araling ito? Tara na, at sama-sama nating alamin kung paano natin mas maiiwasan ang paglabag sa karapatang pantao at maging responsableng mamamayan ng ating bansa!

SURIIN AT PAG-ARALAN

Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao

Ang Karapatang Pantao ay mga batas at patakaran na naglalayong protektahan ang

ating mga karapatan bilang mga indibidwal. Kapag ito ay nilabag, mayroong mga epekto na maaaring magdulot ng malawakang pinsala hindi lamang sa mga taong direktang apektado, kundi pati na rin sa lipunan bilang isang kabuuan. Sa pagyurak sa mga karapatang pantao, maaaring magresulta sa pagkawala ng dignidad, kalayaan at katarungan sa mga biktima.

Gayunpaman, hindi lang ang mga biktima ang naaapektuhan, dahil mayroong mga pangkalahatang epekto ng paglabag sa karapatang pantao sa ating lipunan.

Narito ang ilan sa mga epekto ng paglabag sa karapatang pantao

Pagsidhi ng galit ng mga mamamayan

lalo na ang mga biktima at kanilang mga kaanak

Lalo na kung mabagal ang pagresolba ng mga

may kapangyarihan sa mga kaso, natural lamang na tumindi ang pagkadismaya at galit ng mga biktima at ng kanilang mga kaanak.

Maaaring ito ay magbunga rin ng kawalan ng

tiawala sa pamahalaan , pag – aalsa, o pagrerebelde

Paglaganap ng takot.

Nagiging laganap ang takot sa mga mamamayan

dahil sila man ay maaaring maging biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao. Maging ang

mga turista o dayuhan ay maaaring magdalawang

– isip sa pagpunta sa bansa at sa pagtatayo ng mga

negosyo rito

https://ichef bbci co uk/news/976/cpsprodpb/D872/production/ 125701455 gettyimages-654368292 jpg https://us 123rf com/450wm/eakmoto/eakmoto1811/eakmoto18110003 0/115245603-preventing-violence-against-women-all-talk-and-noaction-victim-of-domestic-violence-human jpg?ver=6

Pagkakaroon ng epektong sikolohikal sa mga tao.

Kamatayan o trauma ang madalas na ibinubunga sa mga biktima ng paglabag ng karapatang pantao May sikolohikal na epekto

sa mga tao ang mga karahasan, terorismo, at pang – aabuso tulad ng post – traumatic stress disorder, hallucination, at delusion.

Pagkakaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya.

Apektado ang ekonomiya kapag marami ang

napipinsala dulot ng terorismo at rebelyon

Maraming nasisirang ari-arian, negosyo, at impraestrukturang mahalaga sa ekonomiya

ng isang bansa. Wala ring gana ang mga negosyante na magnegosyo kapag laganap

ang paglabag sa mga karapatang pantao

Pagkadamay ng mga inosente.

Sa maraming anyo ng paglabag sa karapatang pantao, maraming inosente ang nabibiktima o nadaramay. Sa mga pag –aalsa, rebelyon, at terorismo, pangkaraniwang apektado ang mga

sibilyan Sa mga estrahudisyal na pagdakip at pagpatay, malaki ang posibilidad na ang

maging biktima ay inosente at hindi ang

tunay na kriminal

https://www philstar com/pilipino-star-ngayon/bansa/2017/05/31/1705527/90-ngmarawi-nabawi-na-sa-maute https://www businessinsider com/photos-of-the-phi ippine-city-of-marawi-after-isis-s ege2017-10 https://www healthyplace com/abuse/emotional-psychologicalabuse/emotional-abuse-definitions-s gns-symptoms-examples

Pagpigil sa paglabas ng katotohanan. Sa kaso ng mga mamamahayag na nabibiktima o pinapatay, madalas na ang dahilan ay ang pagsisiwalat nila ng katotohanan. Dahil sa kanilang pagkamatay, napipigilan ang paglabas ng ano mang katotohanang kanilang nalalaman.

https://www licas news/2020/07/06/philippine-church-leaders-call-newterror-law-morally-wrong/

Sa pagtalakay natin tungkol sa mga epekto ng paglabag sa karapatang pantao, napag-alaman natin na mayroong malaking epekto ito sa ating lipunan Ito ay maaaring magdulot ng takot, galit, at epekto sa ekonomiya. Hindi lamang ito nakakaapekto sa mga biktima ngunit maaari ring magdulot ng pagkakaroon ng negatibong epekto sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Kaya't mahalagang bigyan ng pansin ang mga karapatang pantao at magtulungan upang maprotektahan ang bawat indibidwal sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng hustisya at proteksyon sa mga biktima, maaari nating maiwasan ang mga

epekto ng paglabag sa karapatang pantao at magtagumpay sa paglikha ng isang lipunang may kalayaan at katarungan para sa lahat.

ISAGAWA

Gawain 2: Paglabag, Pagpapahalaga, at Aksyon

Panuto: Gumawa ng isang Repleksyon Isulat ang iyong mga saloobin tungkol sa mga kahalagahan ng pagpapahalaga at pagpapanatili ng karapatang pantao sa ating lipunan, pati na rin ang mga epekto ng mga paglabag dito Magbigay ng mga konkretong paraan kung paano tayo makakatulong upang maisulong ang pagpapahalaga sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng aksyon

Mga Gabay na Tanong:

Ano ang iyong pananaw sa mga paglabag sa karapatang pantao?

Paano nakakaapekto ang mga paglabag na ito sa mga indibidwal at sa lipunan sa pangkalahatan?

Ano ang mga paraan upang masiguro na ang mga karapatang pantao ay binibigyan ng sapat na proteksyon at respeto?

1 2. 3.

ARALIN 3

MGA HALIMBAWA NG PAGLABAG SA

KARAPATANG PANTAO SA PAMAYANAN, BANSA, AT DAIGDIG

Natapos na nating talakayin ang mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao, kung saan natutunan natin na mayroong mga pisikal na paglabag, sikolohikal at emosyonal na paglabag, at estriktural o sistematikong paglabag sa karapatang pantao. Ang mga paglabag sa mga karapatang pantao ay natatamasa ng mga tao mula sa iba’t ibang lebel ng pamumuhay Ang dahilan sa mga paglabag na ito ay maaring dulot ng panlabas na pwersa o kaya’y mga pansariling rason. Alinman ang dahilan, mahalaga na malaman at masuri ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig

Sa Araling ito, ay tatalakayin natin ang iba’t ibang halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao Anong uri ng paglabag ito, at kung paano nito nilabag ang mga karapatang pantao. Tatalakayin natin ang mga isyu na hinarap at kasalukuyang hinaharap ng mga tao. Isyu na nagpapahirap at naglilimita sa kanila na matamasa ang kanilang karapatang pantao

Handa na ba kayong buksan at lawakan ang iyong kaalaman?

SURIIN AT PAG-ARALAN

Ilang Halimbawa sa Paglabag sa Karapatang Pantao Digmaan

Digmaan o giyera ay isang uri o halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao na dulot ng terorismo Ito ay mga banta o karahasan sa anyo ng pagpapasabog, pagkidnap, at asasinasyon na ginagawa dahil sa mga motibasyong pampulitika. Kinapapalooban ito ng mga planadong karahasan bilang paraan ng pagmamanipula sa mga pasya ng gobyerno.

Isa sa mga panlabas na pwersa na maaring dahilan ng paglabag sa karapatang pantao ay ang mga digmaan o giyera. Ang totoo, ang bilang ng mga pagkamatay na may kaugnayan sa labanan at ang collateral damage sa mga armadong salungatan ay maliit lamang na bahagi ng matinding pagdurusa at pagkawasak na dulot ng mga salungatan at digmaan. Habang ang mga salungatan ay nagtatagal, dumarami ang kaso ng paglabag sa pangunahing karapatang mabuhay

Genocide

Ang genocide ay ang sinasadyang pagpuksa ng isang etniko, rasa, o grupong panrelihiyon Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpatay sa mga

miyembro ng grupo, pagdudulot sa kanila ng malubhang pinsala sa katawan o kaisipan, pagpapataw ng mga

hakbang upang maiwasan nila ang panganganak, o sapilitang pagkuha sa kanilang mga anak. .

https://www.bing.com/images/search?

view=detailV2&ccid=j9mlOAjz&id=7483FBE0A5BED11B4BCBE810E7725D29A4AD4B66&thid=OIP.j9 mlOAjzF19NroNXbjPvjgHaE8&mediaurl=https%3a%2f%2fwww.doctorswithoutborders.org%2fsites %2fdefault%2ffiles%2fstyles%2fcrop_freeform%2fpublic%2fimage_base_media%2f2019%2f04%2f MSF34520.jpg%3fitok%3dD4TYbYFc&exph=1335&expw=2000&q=Genocide&simid=608016637711 953569&FORM=IRPRST&ck=91BEEDE8319AABC34E984B7B789B1A3B&selectedIndex=12&ajaxhist= 0&ajaxserp=0

Kabilang sa iba pang mga krimen sa giyera ay ang pagkuha ng mga hostage at pagpapaputok sa mga lokalidad na walang depensa at walang military significance, tulad ng mga ospital o paaralan. Nabibilang din dito ang hindi makataong pagtrato sa mga bilanggo, gaya ng paggamit sa kanila sa mga eksperimentong biyolohikal; at ang walang kabuluhang pagwasak ng mga pag-aari

W Trafficking

aihan at mga batang babae ay agahasa ng mga sundalo o itusyon Ang mga tinatawag men ay isa pang halimbawa ng karahasan laban sa mga

https://th.bing.com/th/id/R.5b7baf56e22db9e369aed906 fcfe9eb1?

rik=Vtnk5csSoOt8EQ&riu=http%3a%2f%2fimages.huffingt onpost.com%2f2015-07-01-1435733490-670943Churchrape.jpg&ehk=zRjx7KvXIAm3XyrgV0YDwsKqyud5H

PVwJYKY%2fQQ2nzw%3d&risl=&pid=ImgRaw&r=0

anahon ng digmaan At kahit ng digmaan, ang mga sexual aan nakapaloob ang sexual mutilation, sexual humiliation, at forced pregnancy ay tila karaniwan.

Ang pangangalakal sa mga kababaihan (women trafficking) ay isang uri ng sekswal na pagkaalipin kung saan ang mga kababaihan ay dinadala sa ibang lugar at ipinagbibili para sa prostitusyon.

Ang karahasang sekswal ay minsang itinuturing bilang isang paraan upang sirain ang pride ng kalabang bansa o upang ipahiya ang mga kalalakihan na hindi napoprotektahan ang kanilang mga kababaihan. Ginagamit din ito upang patahimikin ang mga kababaihan na aktibo sa pulitika, o upang magdulot ng takot sa komunidad

Torture

Paglabag din sa karapatan ang t ang pisikal o sikolohikal

pagpapahirap na nagdudulo

kahihiyan o pagkawasak ng dan tao Kasama sa sikolohika

pagpapahirap ang mut pambubugbog, at pagkuryente s gilagid, at ari Kasama rin dit pagkakait ng pagkain at tubig sa loob ng mahabang panahon.

https://www.amnesty.org.au/wpcontent/uploads/2016/09/896934464

5_3783608145_o_torture.jpg

Ang torture ay ginagamit sa ilang mga kaso bilang paraan upang isagawa ang mga interogasyon at para “pakantahin” o magbigay ng impormasyon ang biktima.

Ginagamit din ito bilang paraan ng pagsugpo sa ibang pampulitikang ideolohiya o pagpaparusa sa mga kalaban sa politika ng naghaharing grupo.

Pampulitikang pang-aapi

https://assets.sutori.com/useruploads/image/2eb6b849-2e0b-47a3-8c87fae20e297504/f345a505d5f7bb34059e5d83265c3137

.jpeg

May mga kaso rin ng pampulitikang pangaapi o political oppression. Ang mga indibidwal na banta sa mga nasa kapangyarihan o may ibang pananaw sa politika ay maaaring mabilanggo nang walang due process o ipapailalim sa hindi makatarungang mga pamamaraan ng paglilitis.

May mga tao rin na pinagkakaitan ng karapatan sa pagboto o ng karapatan sa pakikilahok sa politika, o kaya’y ipinatutupad ang mga hakbang na nagsisiil sa kalayaan Kabilang dito ang mga sapilitang relokasyon, maramihang pagpapalayas, at pagtanggi sa karapatang maghangad ng asylum o bumalik sa tahanan.

ISAGAWA

Gawain 3: VENN Diagram

Panuto: Gumawa ng Venn Diagram na nagpapakita ng ibat’ibat halimbawa ng paglabag

sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa at daigdig. Isulat sa gitna ng diagram ang parehong katangian ng mga paglabag

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Gumawa ng isang Repleksyon Isulat ang iyong mga saloobin tungkol sa mga

kahalagahan ng pagpapahalaga at pagpapanatili ng karapatang pantao sa ating lipunan, pati na rin ang mga epekto ng mga paglabag dito Magbigay ng mga konkretong paraan kung

paano tayo makakatulong upang maisulong ang pagpapahalaga sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng aksyon

Pamantayan sa Pagpuntos

Anyo ng Paglabag sa Karapatang Pantao

Pisikal na Paglabag

Pagpapahirap, pagpatay, panggagahasa, at pagtortyur

Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag

Diskriminasyon, pang-aapi, pang-aabuso sa kapangyarihan, at cyberbullying

Estruktural o Sistematikong Paglabag

Korupsiyon, kawalan ng hustisya, at kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan

Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao

Pagsidhi ng galit ng mga mamamayan lalo na ang mga biktima at kanilang

mga kaanak

Paglaganap ng takot.

Pagkakaroon ng epekto sa kalusugan at kawalan ng pag-asa

Pagkakaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya.

Pagkadamay ng mga inosente

Pagpigil sa paglabas ng katotohanan.

Mga Halimbawa ng Paglabag sa Karapatang Pantao sa Pamayanan, Bansa, at Daigdig

Digmaan

Mga krimen sa gitna ng giyera, tulad ng pagpatay sa mga sibilyan at pagpapahirap

Genocide

Pagpatay sa mga pangkat etniko o kultural, pagpapahirap, at pagkakait ng karapatang pantao

Women Trafficking

Pagsasamantala sa kababaihan para sa sekswal na pakinabang

Torture

Pagpapahirap sa mga bilanggo at iba pang mga indibidwal upang

magpakita ng kapangyarihan

Pampulitikang pang-aapi

Pang-aapi sa mga mamamayan na may ibang pananaw sa pamahalaan, pagpigil sa kalayaan ng pamamahayag, at pagkakait ng iba pang mga

karapatang pantao

TANDAAN

Ang paglabag sa karapatang pantao ay isang malawak na isyu na nagaganap sa iba't ibang antas ng lipunan.

Ito ay maaaring magdulot ng epekto hindi lamang sa biktima

kundi maging sa mga kaibigan, pamilya, at komunidad

Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa karapatang

pantao ay mahalaga upang maprotektahan ang sarili at ang iba.

Lahat tayo ay may responsibilidad na magtanggol at magpromote ng karapatang pantao.

ISAISIP

SANGGUNIAN

Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao Share and Discover Knowledge on SlideShare. (n.d.). Retrieved April 25, 2023, from https://www.slideshare.net/rudhagni/mga-epekto-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao

Mga Halimbawa Ng Paglabag Sa Karapatang Pantao Sa Pamayanan, Bansa, At Daigdig. My Info Basket. Marissa G. Eugenio. Retrieved November 4, 2020, from https://myinfobasket com/mga-halimbawa-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao-sapamayanan-bansa-at-daigdig/

Aralingpanlipunan10 038 aralin (n d ) Retrieved April 25, 2023, from https://k12.starbooks.ph/pluginfile.php/7231/mod resource/content/2/index.html

Ineskortan ng mga sundalo ang na-rescue nilang mga residente sa kanilang mga bahay matapos maipit sa bakbakan sa Marawi. (2017). Pilipino Star Ngayon . Retrieved from https://www philstar com/pilipino-starngayon/bansa/2017/05/31/1705527/90-ng-marawi-nabawi-na-sa-maute.

McIntyre, N (2017) Haunting photos show how Isis levelled the Philippine city of Marawi in a 6-month siege. INSIDER. Retrieved from https://www.businessinsider.com/photos-of-the-philippine-city-of-marawi-after-isissiege-2017-10

Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao. Share and Discover Knowledge on SlideShare (n d ) Retrieved April 25, 2023, from https://www.slideshare.net/rudhagni/mga-epekto-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao

Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao YouTube (2022, May 23)

Retrieved April 25, 2023, from https://youtu.be/znwj X8r7A

Mga Halimbawa ng Paglabag sa Karapatang Pantao sa bansa at daigdig. prezi.com. (n.d.). Retrieved April 25, 2023, from https://prezi.com/zptaj11wa 7h/mgahalimbawa-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao-sa-bansa-at-daigdig/

Scribd. (n.d.). Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao. Scribd. Retrieved April 25, 2023, from https://www scribd com/presentation/437784994/Epekto-Ng-Paglabag-SaKarapatang-Pantao

"Ang paglabag sa karapatang pantao ay hindi dapat maging pagkakataon para sa paghihiganti. Sa halip, dapat itong maging pagkakataon para sa pagkakaisa at pagkilos para sa tunay na katarungan."

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
MGA ISYU SA KARAPATANG PANTAO by RICA MAE DINGDING - Issuu