2 minute read

SURIIN AT PAG-ARALAN Ilang Halimbawa sa Paglabag sa Karapatang Pantao Digmaan

Digmaan o giyera ay isang uri o halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao na dulot ng terorismo Ito ay mga banta o karahasan sa anyo ng pagpapasabog, pagkidnap, at asasinasyon na ginagawa dahil sa mga motibasyong pampulitika. Kinapapalooban ito ng mga planadong karahasan bilang paraan ng pagmamanipula sa mga pasya ng gobyerno.

Isa sa mga panlabas na pwersa na maaring dahilan ng paglabag sa karapatang pantao ay ang mga digmaan o giyera. Ang totoo, ang bilang ng mga pagkamatay na may kaugnayan sa labanan at ang collateral damage sa mga armadong salungatan ay maliit lamang na bahagi ng matinding pagdurusa at pagkawasak na dulot ng mga salungatan at digmaan. Habang ang mga salungatan ay nagtatagal, dumarami ang kaso ng paglabag sa pangunahing karapatang mabuhay

Advertisement

Genocide

Ang genocide ay ang sinasadyang pagpuksa ng isang etniko, rasa, o grupong panrelihiyon Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpatay sa mga miyembro ng grupo, pagdudulot sa kanila ng malubhang pinsala sa katawan o kaisipan, pagpapataw ng mga hakbang upang maiwasan nila ang panganganak, o sapilitang pagkuha sa kanilang mga anak. . https://www.bing.com/images/search? view=detailV2&ccid=j9mlOAjz&id=7483FBE0A5BED11B4BCBE810E7725D29A4AD4B66&thid=OIP.j9 mlOAjzF19NroNXbjPvjgHaE8&mediaurl=https%3a%2f%2fwww.doctorswithoutborders.org%2fsites %2fdefault%2ffiles%2fstyles%2fcrop_freeform%2fpublic%2fimage_base_media%2f2019%2f04%2f MSF34520.jpg%3fitok%3dD4TYbYFc&exph=1335&expw=2000&q=Genocide&simid=608016637711 953569&FORM=IRPRST&ck=91BEEDE8319AABC34E984B7B789B1A3B&selectedIndex=12&ajaxhist= 0&ajaxserp=0

Kabilang sa iba pang mga krimen sa giyera ay ang pagkuha ng mga hostage at pagpapaputok sa mga lokalidad na walang depensa at walang military significance, tulad ng mga ospital o paaralan. Nabibilang din dito ang hindi makataong pagtrato sa mga bilanggo, gaya ng paggamit sa kanila sa mga eksperimentong biyolohikal; at ang walang kabuluhang pagwasak ng mga pag-aari

W Trafficking

aihan at mga batang babae ay agahasa ng mga sundalo o itusyon Ang mga tinatawag men ay isa pang halimbawa ng karahasan laban sa mga https://th.bing.com/th/id/R.5b7baf56e22db9e369aed906 fcfe9eb1? rik=Vtnk5csSoOt8EQ&riu=http%3a%2f%2fimages.huffingt onpost.com%2f2015-07-01-1435733490-670943Churchrape.jpg&ehk=zRjx7KvXIAm3XyrgV0YDwsKqyud5H

PVwJYKY%2fQQ2nzw%3d&risl=&pid=ImgRaw&r=0 anahon ng digmaan At kahit ng digmaan, ang mga sexual aan nakapaloob ang sexual mutilation, sexual humiliation, at forced pregnancy ay tila karaniwan.

Ang pangangalakal sa mga kababaihan (women trafficking) ay isang uri ng sekswal na pagkaalipin kung saan ang mga kababaihan ay dinadala sa ibang lugar at ipinagbibili para sa prostitusyon.

Ang karahasang sekswal ay minsang itinuturing bilang isang paraan upang sirain ang pride ng kalabang bansa o upang ipahiya ang mga kalalakihan na hindi napoprotektahan ang kanilang mga kababaihan. Ginagamit din ito upang patahimikin ang mga kababaihan na aktibo sa pulitika, o upang magdulot ng takot sa komunidad

Torture

Paglabag din sa karapatan ang t ang pisikal o sikolohikal pagpapahirap na nagdudulo kahihiyan o pagkawasak ng dan tao Kasama sa sikolohika pagpapahirap ang mut pambubugbog, at pagkuryente s gilagid, at ari Kasama rin dit pagkakait ng pagkain at tubig sa loob ng mahabang panahon. https://www.amnesty.org.au/wpcontent/uploads/2016/09/896934464

5_3783608145_o_torture.jpg

Ang torture ay ginagamit sa ilang mga kaso bilang paraan upang isagawa ang mga interogasyon at para “pakantahin” o magbigay ng impormasyon ang biktima.

Ginagamit din ito bilang paraan ng pagsugpo sa ibang pampulitikang ideolohiya o pagpaparusa sa mga kalaban sa politika ng naghaharing grupo.

Pampulitikang pang-aapi

https://assets.sutori.com/useruploads/image/2eb6b849-2e0b-47a3-8c87fae20e297504/f345a505d5f7bb34059e5d83265c3137

.jpeg

May mga kaso rin ng pampulitikang pangaapi o political oppression. Ang mga indibidwal na banta sa mga nasa kapangyarihan o may ibang pananaw sa politika ay maaaring mabilanggo nang walang due process o ipapailalim sa hindi makatarungang mga pamamaraan ng paglilitis.

May mga tao rin na pinagkakaitan ng karapatan sa pagboto o ng karapatan sa pakikilahok sa politika, o kaya’y ipinatutupad ang mga hakbang na nagsisiil sa kalayaan Kabilang dito ang mga sapilitang relokasyon, maramihang pagpapalayas, at pagtanggi sa karapatang maghangad ng asylum o bumalik sa tahanan.

Isagawa

Gawain 3: VENN Diagram

Panuto: Gumawa ng Venn Diagram na nagpapakita ng ibat’ibat halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa at daigdig. Isulat sa gitna ng diagram ang parehong katangian ng mga paglabag

This article is from: