1 minute read

Ano ang Karapatang Pantao?

Next Article
PAUNANG SALITA

PAUNANG SALITA

Ang Karapatan pantao ay mga Karapatan na likas sa lahat ng tao, anuman ang kanyang lahi, kasarian, nasyonalidad, etnisidad, relihiyon at iba pa. Ito ay ang pinakapayak na Karapatan at kalayaan na taglay ng isang tao, mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kanyang kamatayan.

Ang Karapatan pantao ay mga pamantayan na kumikilala at pumuprotekta sa dignidad ng lahat ng tao. Ito rin ay nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan at sa kanilang pakikisalamuha sa iba. Ang mga Karapatan pantao ay may epekto rin sa relasyon sa pagitan ng estado at ng mga mamamayan.

Advertisement

Inoobliga ng Karapatan pantao na kumilos ang pamahalaan para sa pagparotekta sa Karapatan ng mga indibidwal at pinipigilan din nito ang pamahalaan sa pag-abuso at paglabag sa Karapatan ng mga tao Ang bawat isa din sa mga tao ay may tungkulin sa paggamit ng kanilang Karapatan, dapat nilang irespeto ang Karapatan ng kanilang kapwa.

Unibersal ang karapatan pantao, ang lahat ay may pantay na karapatan at kalayaan. Ang mga Karapatan na ito hindi maipagkakait, hindi ito maaaring boluntaryong iwaksi at walang sinuman ang maaaring magtanggal ng Karapatan ng iba nang walang due process. Ito ay hindi mahahati o mababawasa, ito man ay karapatang sibil, pangekonomiko, panlipunan o pang-kultura, ang lahat ng mga Karapatan na ito ay mahalaga para sa dignidad ng bawat tao. Ang lahat ng karapatan ay may patas na importansya.

Walang maliit na Karapatan at walang maituturing mas mahalagang sa bawat isa

This article is from: