3 minute read

SURIIN AT PAG-ARALAN

Anyo Ng Paglabag Sa Karapatang Pantao

Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao na pagkatapos ng mahabang panahon mula nang inilabas ang UN Universal Declaration of Human Rights, ang mga layunin ng pagsugpo ng paglabag sa karapatang pantao ay nananatiling mailap.

Advertisement

Laganap ang paglabag sa karapatang pantao, sa Pilipinas man o sa maraming bahagi ng mundo. Maraming bansa kung saan ang kababaihan at kabataan ay hindi malaya, samantalang ang mga miyembro ng mass media at mga kalaban ng pamahalaan ay pinapatay o biktima ng extra judicial killings. Marami nang pagbabago, subalit sa loob ng mahabang dekada, marami pa ringpaglabag sa karapatang pantao

1. Pisikal na Paglabag

May mga magulang, guro, at iba pang matatanda ang nananakit at nagpapataw ng mabigat na parusa sa pagaakalang ito ay mabisang paraan ng pagdidisiplina Ang pananakit at pagsugat sa katawan ng tao ay pisikal na paglabag sa karapatang pantao Ang pagdukot, kidnapping, pagbubugbog gaya ng hazing, pagputol sa anumang parte ng katawan o mutilation, lalo na ang pagkitil ngbuhay ay mga pisikal na paglabag

Ang seksuwal na pananakit tulad ng panghahalay o rape, pagsasamantala, panghihipo, martial rape, at domestic violence ay halimbawa rin ng pisikal na paglabag sa karapatang pantao. Gayundin, ang tinawag na police brutality o ang labis na pagiging marahas ng mga pulis at military sa mga napagbibintangang Kriminal at kaaway ng batas. Ang extrajudicial killing at extralegal killing sa mga napagbibintangang 1. Pisikal na Paglabag kriminal o kaaway ng pamahalaan ay mga paglabag sa karapatang pantao. Ang mga biktima ng nasabing paglabag ay hindi nabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa korte, bagkus sila ay agad na hinatulan at pinatay.

Isagawa

Gawain 1: Pagkilala sa Anyo ng Paglabag sa Karapatang Pantao

Panuto: Sa gawain na ito, may nakatakda na iba't ibang situwasyon na nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao at kailangan mo na matukoy kung anong anyo ng paglabag ito. Pagkatapos ng paglalahad ng bawat situwasyon, sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan

Sitwasyon 1

Si Ana ay isang empleyado sa isang malaking kumpanya. Kahit na nagtatrabaho siya nang maayos at tumutupad sa kanyang mga responsibilidad, hindi siya pinapansin ng kanyang boss at binibigyan ng mga trabahong hindi kasing-importante ng mga kasamahan niya. a. Ano ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao na nararanasan ni Ana? b. Bakit ito isang paglabag sa karapatang pantao? c. Paano ito maaaring makaapekto sa indibidwal o komunidad?

Sitwasyon 2

Si Mark ay isang aktibista na naglalaban para sa mga karapatang pantao ng mga magsasaka sa kanyang lugar. Noong isang gabi, nakatanggap siya ng mga death threats mula sa isang grupo ng mga tao na hindi sang-ayon sa kanyang mga adhikain.

a. Ano ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao na nararanasan ni Mark?

b. Bakit ito isang paglabag sa karapatang pantao?

c. Paano ito maaaring makaapekto sa indibidwal o komunidad?

SITWASYON 3 a. Ano ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao na nararanasan ni Ben? b. Bakit ito isang paglabag sa karapatang pantao? c. Paano ito maaaring makaapekto sa indibidwal o komunidad?

Si Ben ay isang bata na lumaki sa isang lugar na hindi sapat ang access sa edukasyon. Dahil dito, hindi niya natututunan ang mga kasanayang kailangan niya para sa kanyang kinabukasan. Hindi rin siya nakakatugon sa kanyang basic needs dahil sa kahirapan ng kanyang pamilya.

2. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag

Ang pag-aaway ng mag-asawa, magkamag-anak, o magkaibigan na nauuwi sa sigawan at pagbibitaw ng masasakit o malulupit na salita ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao Gayundin, ang panlalait at pangaalipusta ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Nagiging mababa ang tingin ng isang tao sa kaniyang sarili at nagdudulot ng ito ng kawalan ngkapayapaan ng loob. Nawawala angkaniyang kumpiyansa at hindi na makapamuhay ng matiwasay Ang simpleng tuksuhan at asaran sa paaralan ay maaaring mauwi sa bullying na sumusugat at lumalatay sa emosyonal na katatagan ng mga bata. Malimit na ito ay nagpapatuloy sa mga social networking site o tinatawag na

Cyberbullying

May mga kaso na kung saan ang mag-aaral, dahil sa sobrangkahihiyan, panlulumo, at panliliit sa sarili, ay nagpapakamatay. Ang pananakot upang mapilit ang isang tao na gumawa ng isang bagay na labag sa kaniyangkagustuhan ay paglabag din sa karapatan, gayundin ang pamimilit na sumapi sa samahan.

3. Estruktural o Sistematikong Paglabag

Ang mga ganitong uri ng paglabag ay nagaganap dahil sa mgaestrukturang umiiral sa ating pamahalaan at sa mga alituntunin o batas naipinapatupad dito. Halimbawa, may mga serbisyo ang ating pamahalaanna hindi naipaparating sa mahirap na mamamayan na naninirahansamga probinsya dahil ang mga lugar na ito ay mahirap marating Ang mgaito ay nalalasap lamang ng mga lungsod at sentro ng pamahalaan. Isaparito ang pagkakaroon ng mga antas sa lipunan kung saan ang mganabibilang sa mataas na antas at ang nakaririwasa ay mabilis nanabibigyan ng atensyon at preferential treatment samantalang angordinaryong mamamayan ay hindi mabigyan ng kaukulang atensyon. Kadalasan, kailangan pa nilang maglagay o manuhol para lamangmabigyan ng kinakailangang serbisyo

This article is from: