1 minute read

LUKSONG TINIK

Tatlo o mahigit pa na manlalaro ang mga kasali sa larong luksong tinik. Ito ay dahil kailangan ng dalawang taya na gamit ang kanilang paa at kamay na magsisilbing tinik o bakod na luluksuhan ng mga ibang kasali. Ang layunin ng laro ay lumundag sa tinik na hindi natatamaan ang anumang bahagi ng katawan ng mga lulukso.

Kadalasang palaro sa mga bayan tuwing fiesta. Ang mga kalahok ay mag-uunahan sa pag-akyat sa isang nakatayong mahabang kawayan na nababalutan ng pamapadulas na sebo o mantika . Masaya ito, dahil nadudulas at pabalik-balik sa baba ang mga sumusubok umakyat. Ang unang makakaakyat sa itaas at makukuha ang premyo na nakakasabit sad ulo ng kawayan ang siyang panalo.

Chinese Garter

Gamit ang isang mahabang lastiko o garter na hawak ng dalawang manlalaro ay kailangang luksuhin ng nakatalagang lumundag. Sinisimulan sa mababang sukat, at itinataas ang garter nang paunti-unti sa bawat antas o lebel na malulundagan. Kakayahan sa paglundag at husay sa pag-unat ng mga binti at paa ang nasusukat sa larong ito. Ang mananalo ay ang may pinakamataas ang lundag na pasok sa loob ng garter.

Syato

Binubuo ng dalawang koponan o teams ang syato. Kailangan ng dalawang patpat, isang mahaba – ang pamalo, at isang maikli – ang pamato. Sa home base nagsisimula ang bawat laro, kung saan ilalapat ng koponan na taya yung pamato at gagamitin ang pamalo para palayuin ang pamato. Ito ay kadalasang nilalaro sa lupa dahil dapat gumawa ng mababaw na hukay na siyang paglalagyan ng pamato nang pahiga at patayo. Nasa magkabilang dulo ang magkalaban na koponan.

Tumbang Preso

Isang lata na walang laman at tsinelas lamang ang kailangan para makapaglaro ng tumbang preso. Magkakaroon ng isang taya na siyang magbabantay ng lata. Salitan magpatumba ng lata ang mga ibang manlalaro gamit ang kanya kanyang tsinelas. Kapag naipatumba na ang lata, kailangang kunin nila ang kanilang mga sariling tsinelas nang hindi mahuhuli ng taya. Ang mahuli ang siyang papalit na maging taya.

This article is from: