
1 minute read
Mga Larong Pambata sa Pilipinas SIPA
Sa larong sipa, kinakailangan ng pamato na sisipain; pwede itong tingga na may buntot na may hibla ng plastik o balahibo ng manok, o maaari ring gumamit ng bola na rattan o goma. Ang maari lamang gamitin na bahagi ng katawan para sa aksyon ng pagsipa ay paa, tuhod, siko, ulo at braso. Hindi pwedeng gamitin ang mga kamay.
Ito ang Pinoy bersyon ng Hopscotch. Kadalasan ay sa kalsada ito nilalaro dahil kailangan ng patag at malawak na lugar sa lupa o semento na pagguguhitan ng palaruan ng piko. Ang magandang pamato ay kailangan din na kalimitan ay makinis at pantay na bato para maganda ang anggulo ng paghagis. Magpapalitan ang mga manlalaro sa paghagis ng pamato at sa paglukso sa piko hanggang sa may unang matapos.

Ito ay larong pandalawahan, gamit ang isang mahabang tabla ng kahoy na may pitong (7) maliliit na butas (tawag ay bahay) sa harap ng bawat isa at dalawang mas malalaking butas sa magkabilang dulo (tawag ay imbakan). Sakop ng bawat isang manlalaro ang mga bahay na nasa kani-kaniyang harap ng tabla, at ang bilang ng mga sigay o butil na naipon sa kani-kaniyang mga imbakan na nasa gawi ng kaliwang kamay ng bawat manlalaro; ito ngayon ang pinakapuntos nila. Ang pinakamaraming butil –na pwedeng maliit na bato, buto ng sampalok o holen – sa kanilang imbakan ang siyang panalo.


Dalawang grupo na binubuo ng mula dalawa hanggang anim na mga manlalaro ang kailangan. Gumuhit ng parisukat at pagkatapos ay hatiin sa apat; ito ay magsisilbing patlang kung saan dedepensahan ng isang grupo ang pagpasok ng kabilang grupo. Ang layunin ng mga manlalaro ay ang matagumpay na pagtawid at paglagpas sa mga nakabantay sa mga linyang ginuhit nang hindi nahaharangan o nahuhuli ng mga nakabantay na grupo.