2 minute read

NU, lumuhod laban sa UST matapos ang 20 sunod-sunod na panalo

Winakasan ng UST Lady

Advertisement

Tigresses ang 20 sunod-sunod na panalo ng NU Lady Bulldogs sa UAAP Women’s Volleyball noong ika-4 ng Marso sa Mall of Asia

Arena

"It’s a wake up call po para sa amin parang sinipa na po kami para magising ” Ani Bella Belen, ang tanyag na outside hitter ng NU Nagsimula ang laro sa pabor ng NU, ngunit hindi nagtagal ay lumipat sa kabilang court ang bola nang nakalamang ang UST, 14-11 Hindi pa rin nagpatalo ang mga naghaharing kampeon nang sila’y humabol upang maitabla ang laro, 18-18 Ngunit sa huli, UST ang nagwagi nang makuha nila ang unang set, 25-23

Naging malapit na labanan naman ang ikalawang set dahil patuloy na nagsalitan ng puntos ang dalawang koponan Walang gustong bumitaw ng bola hanggang dulo Umabot pa ng extended set ang labanan

Matapos ang tatlong set point para sa UST, tuluyan na silang nakalamang, 27-25

Matapos matalo sa unang dalawang sets, nasa dehadong lugar na ang mga kampeon na matalo sa loob ng tatlong sets. Ngunit dala ang kanilang tigas ng loob at kahinahunan, nagawang lumaban ng NU at tuluyang lumayo para makuha ang ikatlong set, 25-17, upang manatiling buhay sa labanan Nangangailangan na lamang ng isang set, lumaban ang UST upang maisara na ang laro sa loob ng apat na sets Ngunit mayroong ibang plano ang NU sapagkat nagawa nilang ipagpatuloy ang momentum na kanilang nabuo noong ikatlong set upang makuha ang ikaapat na set, 25-22 Sa kabila ng matinding presyur, nagawa nilang itulak ang laro sa isang kapana-panabik na 5setter na laro

Pagdating ng huling set, parehong lumaban hanggang dulo ang mga koponan upang mapanitiling buhay ang bola sa bawat rally Nagsimula ang ikalimang set sa pabor ng NU, 5-3 Hindi nagtagal at nagbago ang ihip ng hangin nang magawang tumabla ng UST at tuluyang lumamang sa puntos, 12-7 Habang sinasabayan ang kanilang nabuong momentum, patuloy na lumaban ang koponan ng UST sa bawat rally hanggang sa natapos ang huli sa kanilang pabor nang na-block ni Eya Laure ang 6 footer na si Alyssa Solomon ng NU upang wakasan ang laro, 15-11

“Masaya kasi parang nakita na namin yung isa’t isa kung paano kami nag-grow in time since high school masaya kasi sila yung defending champions, syempre gusto namin na may matutuhan from them,” sagot ni Laure nang matanong kung gaano kalaki para sa kaniyang koponan ang pagkapanalo laban sa UST Pinamunuan ni Laure ang kaniyang koponan matapos magtala ng 18 puntos at 14 excellent digs Sinundan naman siya ni Jurado na nagtala rin ng 18 puntos at 11 excellent digs Tumulong din si Alessandrini ng 14 puntos at 10 excellent receptions Ang setter din ng UST na si Carballo ay nagpakita ng galing at nagtala ng 24 excellent sets

Pinamunuan naman ni Solomon ang kaniyang koponan matapos makapagtala ng 22 puntos Sinundan naman siya ni Belen na mayroong 17 puntos at 14 excellent receptions

This article is from: