
1 minute read
Pag-unlad ng Transportasyon: Modernisasyon ng Tradisyonal na Dyip
from Abril-Marso 2023

Ni: Khayr Masire
Advertisement
Patuloy ang Department of Transportation (DOTr) sa paghahanap ng iba't ibang paraan na magsisilbing tugon sa lumalalang problema ng Pilipinas--- partikular na sa transportasyon ng bansa--- at ng lumolobong pangangailangan ng pagsulong ng bayan pagdating sa larangan ng teknolohiya nito, sa pamamagitan ng pagpapanukala ng samot-saring proyekto, kabilang na ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP)
Taong 2017, inilunsad ng DOTr ang ang nasabing programa, na layong palitan ang mga nakasanayang dyip ng alternatibong makabago, mas ligtas, mas epektibo, at mas "ecofriendly" na transportasyon Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng engines na hindi baba sa Euro-4 at PNS- (Philippine National Standards) compliant engines o LPGpowered, electronic at hybrid; ng pagkakabit ng global positioning system (GPS), closed-circuit television (CCTV) camera, at ng automated fare collection system, naiiba at lumalamang ang ipinatutupad na modernisadong dyip Dagdag pa rito, malawak din ang loob na bahagi ng alternatibong ito upang masiguro ang sapat ng espasyo para sa bawat pasahero. Sa tulong ng mga katangiang ito, ayon kay DOTr Kalihim Jaime Bautista, "Magiging mas malakas iyong organisasyon nila, magiging efficient iyong operations, mawawala na iyong boundary system, iyong mga drivers ay susuweldo sila nang tama, magtatrabaho sila ng tamang oras, hindi iyong nagmamaneho ng 18 to 20 hours a day" Dagdag pa ni Bautista, kasabay ng positibong mga epektong ito ay ang pagkakaroon ng marami pang trabaho dahil sa pangangailangan ng programa ng mga mekaniko, dispatcher, administrative staffs, at iba pa Gayunpaman, kumpara sa halagang 200,000 hanggang 600,000 piso ng tradisyonal na dyip, ang modernisadong bersyon nito ay umaab humigit-kumulang dalawa milyong piso Sama idineklara ng kagawara kinakailangang sundin ng tsuper ng mga Public U
Vehicle (PUV) ang alitunt dala ng PUVMP bago ang huling araw ng taong 2023 Sa kabila ng mga balakid, hindi maikakailang makabubuti para sa kalikasan at mga Pilipino ang pag-unlad ng pampasaherong transportasyon na dyip Sa katunayan, mapadadali at mapabubuti ang sitwasyon sa loob at labas nito, lalo na ang kalidad ng sistema ng pagkokomyut sa bansa na matagal nang nagpapahirap sa milyon-milyong nakikipagsapalarang pasahero