
1 minute read
Women’s
from Abril-Marso 2023

Bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan, noong Marso 08, 2023 ay hinikayat ng ASEC ang buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na magsuot ng kulay rosas o kulay lila na mga kagamitan
Advertisement
Hinikayat din nila ang lahat ng mag-aaral na lumahok sa
#HerStory: Freedom Wall bilang parangal sa lahat ng kababaihan, kasama ang AdZU


SHS Lifeline Ang sinuman ay maaaring gumamit ng ibinigay na mga sticky notes upang ipahayag ang kanilang mga saloobin sa freedom wall, na matatagpuan sa pasukan ng FWS Building

Maaari din kumuha ang lahat ng button pin mula sa garapon at isuot ito upang ipakita ang kanilang suporta para sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan
Sa kabilang dako, sa pamamagitan ng “Abante Mujer

Podcast” ay itinampok ng
Vista de Aguila ang ilan sa mga natatanging kababaihan sa
AdZU Senior High School
May tatlong bahagi ang podcast na ito Sa unang bahagi ay itinampok si Keisha Maria, Karie C Ledesma at ang kuwento niya bilang isang babaeng lider na naglilingkod sa kaniyang kapwa mag-aaral


Ayon sa kaniya, may iba’t ibang paraan ang mga kababaihan sa pagbibigay ng kontribusyon sa ating lipunan
Naniniwala rin siya na “ang mga kababaihan ay hindi babae lamang, ngunit babae sila” Sa pangalawang bahagi naman ay itinampok si Bb Camille Camins at ang kuwento niya bilang isang kahangahangang guro sa Mataas na Paaralang Senior sa Pamantasang Ateneo de Zamboanga Ayon kay binibini, upang maisulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian, dapat alamin ng isang tao ang kaniyang mga kakayahan “Go for it!” isang payong handog ni Bb Camins sa mga kababaihan na nais tahakin ang larangan ng pagiging guro At sa panghuling bahagi, ipinamalas naman ni Bb.
Hannah Grace
Macalintal ang kanyang kuwento, hindi lamang bilang isang guro ngunit isa ring nagtuturo sa kaniyang komunidad Ayon sa kaniya, maipapakita niya ang women empowerment sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kaniyang sarili, sa mga taong nakapaligid sa kaniya, at paggawa ng makakaya niya araw-araw
Narito ang munting mensaheng handog ni Bb Macalintal sa mga kapuwa niyang babae, “Ikaw ay isang inspirasyon, salamat sa patuloy na pagbibigay liwanag sa buhay ng mga tao sa paligid mo ” Tunay ngang kahangahanga at natatangi ang kababaihan Hindi na limitado ang papel ng kababaihan sa lipunan, sapagkat sila ay naging malakas na at nagkaroon ng mga posisyon sa larangan ng pagiging isang lider, guro sa paaralan at sa komunidad
Sa pagpapakilala ng tema mula sa taong ito hanggang taong 2028: “KAMI para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at isang inklusibong lipunan”, ang Pandaigdigang Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ay nagpapahiwatig ng isang pagbabago sa paglago ng mga karapatan ng kababaihan Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga kababaihan na ganap na magamit ang pagbabago at teknolohiya habang inaalis ang agwat ng kasarian sa ICT at koneksiyon sa isa't isa