1 minute read

Temperatura, isang problema

Ni: Jarell Jay A Alfaro

Ang temperatura sa

Advertisement

Pilipinas ay mistulang hango sa isang linya ng awitin na

"Spaghetti" Ito ay ang

"Spaghetti pataas nang pataas " Ang temperatura kasi ngayon sa Pinas ay pataas na nang pataas Maraming dahilan kung bakit mainit sa ating bansa Ang Pilipinas kasi ay malapit sa ekwador kung saan ay may dalawang klima lamang at isa na dito ag tag-init o ang El Niño Ang

Pilipinas din ay napapalibutan ng mga tubig kagaya ng dagat pasipiko Ang mga karagatan kasi ay lumilikha ng mainit na hangin na nakakarating sa mga kalupaan Ngunit hindi lang yan ang dahilan Malaki ang kontribusyon ng polusyon at pag putol ng puno sa init ng panahon Ang carbon dioxide ay isa sa mga tanyag na binubuga ng mga saksakyan sa mga lungsod at ito ay nakakasira ng green house gases sa ating Mundo kaya tumitindi na ang init sa ating bansa at sa ibang bansa na rin Ang kawalan ng mga puno sa ating bansa ay nagkakaroon din ng malaking kontribusyon sa tindi ng init dahil nawawalan na ng mga anino na makakatulong upang hindi gaano maramdaman ang init at ang mga puno rin ang nakakawala sa mga carbon dioxide sa paligid Marami ang magiging epekto kapag mataas ang temperatura sa bansa Bilang isang tropikal na bansa, naka-depende tayo sa agricultura at pangingisda na siyang nagbibigay ng pagkain sa atin bawat araw Kapag titindi ang init ng panahon ay patuloy na tutuyo ang mga dam sa ating bansa at mawawalan ng pagtustos ng tubig sa mga sakahan. Ang init din ay nagpapabago sa mga nakatirang hayop sa dagat, dahil kasi sa init ay nasisira ang mga corals na siyang mga tirahan ng mga isda at ibang hayop Sa pang kalusugan naman ay makakaramdam ng heat stroke, panghihilo at sakit ng ulo na kalimitan naapektuhan ang mga taong laging bilad sa ilalim ng tirik ng araw

This article is from: