
7 minute read
ang pag-usbong ng musikang pinoy:
from Abril-Marso 2023
Ang musika ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kultura at sining ng Pilipinas Ang musikang Pinoy o
Original Pilipino Music (OPM) ay naging isang matibay na representasyon ng ating bansa sa larangan ng musika sa buong mundo Mula sa mga kantang pangmatagal, pang-awit, at pangkasal, ang OPM ay nagpapakita ng damdamin at karanasan ng mga Pilipino
Advertisement
Mga Bagong
Mukha at Mga

Awiting
Ni: Jameshane Nones
a kasalukuyang taon, patuloy na dumarami ang mga bagong tanyag na OPM artists at mga kanta na nagbibigay ng bagong kulay at tunog sa musika ng bansa
Sa mga huling taon, dumarami ang mga bagong tanyag na OPM artists at mga banda na sumisikat sa industriya ng musika Patuloy na lumalabas ang mga bagong awitin mula sa kanila na patok sa mga tagapakinig Ang pag-usbong ng mga bagong artistang ito ay patunay na buhay na buhay ang OPM scene sa Pilipinas Ilan sa mga ito ay si Adie na kilala sa kanyang nakakakilig na awiting "Paraluman", si Arthur Nery na isinulat ang kantang tagos sa puso na "Higa", si Zack Tabudlo na inilahad ang musikang "Binibini", si Zild na isang miyembro ng IV of Spades na mas ipinamalas ang kanyang ng na nagtataglay ng kanilang mga kakaibang boses at malalim na emosyon sa mga awitin
Bukod sa mga umuusbong na mga bagong mukha sa larangan ng musika, marami ring mga bagong nakakabighaning OPM songs ang lumalabas tulad ng "Umaasa" ng Calein, na naging hit sa mga tagapakinig dahil sa kung paano ito tumatagos sa puso ng bawat tagapakinig at ang pinaghuhugutan ng mensahe ng kanta. Bukod sa mga awiting patok sa masa, napansin din ng mga tagapakinig ang muling pagbabalik ng “true spirit” o ang totoong makabuluhang saysay ng mga



OPM love songs Sa paglipas ng panahon, tila nawala ang kabuluhan ng mga kanta dahil sa mga maling konsepto at ideya tungkol sa pag-ibig Ngunit sa mga bagong tunay na “tunog in love” na mga kanta tulad ng "Uhaw" ng Dilaw, "Pasilyo" ng SunKissed Lola, "Ikaw Lang" ni Nobita, "Ang Pag Ibig" ni Rob Daniel, at "An Art Gallery Could Never Be As Unique As You" ni mrld, naipapakita na muli ang tunay na mensahe ng pagmamahal Ang mga galing sa kanyang kantang "Kyusi", ang nagsisimulang banda ng Nobita na tanyag sa kanta nilang "Ikaw Lang", ang sumisikat na banda ng Ben&Ben sa kanta nilang "Araw-Araw" at "Pagtingin", at marami pang iba Ilan lamang sila sa mga mga musikero kantang ito ay naglalaman ng malalim na kahulugan at nagbibigay ng sariwang perspektibo sa mga tagapakinig. Ang mga ito ay naglalahad ng iba’t ibang aspeto ng pag-ibig, tulad ng pagnanais, pagasa, pagkakaligaw, paghahanap, tunay na kahulugan, pagpapahalaga, at pagmamahal na nagtatagal Ang mga bagong kanta ng OPM ay hindi lang basta musika, ito ay may malalim na kahulugan at mensahe Sa bawat kanta ay nagbibigay ito ng kahulugan at emosyon na nakakaapekto sa buhay ng mga tagapakinig Ito ang naging impluwensya ng OPM sa mga tagapakinig, hindi lang ito mga kanta, kundi ito ay mga musika na naglalaman ng kanilang mga karanasan at damdamin Ang mga bagong tanyag na OPM artists at bands at ang kanilang mga kanta naman ay nagbibigay ng bagong kulay at kahulugan sa musika at sining ng Pilipinas Ang kanilang mga obra ay nagbibigay ng mga mensahe at kwento tungkol sa pag-ibig, kabataan, pagtitiwala sa sarili, at iba pang mga aspeto ng buhay na madaling maka-relate ang mga tagapakinig. Makikita rin sa mga nabanggit na mga kanta ang pagbabalik ng tunay na espiritu ng OPM love songs, na naglalaman ng makahulugang mensahe at hindi lamang puro "hugot" at "feels" ANO ng mga ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagmamahal at pag-ibig sa sarili at sa iba, at nagbibigay ng inspirasyon at lakas ng loob sa mga nakikinig Sa kabuuan, mahalagang tangkilikin natin ang sariling atin dahil ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa ating Kultur ra at sining, pati na rin sa mga nagtataguyod nito Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga lokal na talento, nagbibigay tayo ng suporta at pagkakataon sa mga artistang Pilipino na maipakita ang kanilang kakayahan at makapagbigay ng inspirasyon at kaligayahan sa ating mga kababayan Sa hull, tunay ngang ang mga bagong OPM songs at artists ay patunay na mayroong magagandang musika at talento sa ating bansa na dapat nating ipagmalaki at suportahan Ang pagtangkilik sa sariling atin ay hindi lamang pagbibigay ng suporta sa ating mga kapwa Pinoy, kung hindi pati na rin sa pagpapahalaga sa ating kultura at identidad bilang isang bansa re you ready for it?” Isang liriko mula sa kantang“Ready For It” ni Taylor Swift Ang kantang ito ay nagmulasa kaniyang album na Reputation kung saan ito rin ang kaniyang ikalimang concert tour na naganap pa noong2018 Umabot ng limang taon bago bumalik si Taylor sapagsagawa ng konsiyerto. Noong Nobyembre 2022 lamang nang ibinunyag ni Taylor ang ikaanim niyangkonsiyerto sa pangalang “Eras Tour,” kung saan ay binanggit niya na ito ay isang paglalakbay sa mga musikalna panahon ng kaniyang karera Siya ay magtatanghal ng iba’t ibang kanta mula sa pinakauna niyang album Kaya naman hindi umabot sa dalawampu’t apat na oras bago tumili ang kaniyang mga tagahanga na kinikilala bilang Swifties, mula sa iba’t ibang lupalop ng mundo, nang marinig ang pahayag na ito Kaya naman, “ are you ready for it?”

Si Taylor Alison Swift ay isang Multi-Grammy Award-Winning Pop at Country na American singer o songwriter Sinimulan niya ang kaniyang karera sa musika noong 2006 Noong siya ay nagsimula bilang isang labimpitong taong gulang, siya ay kinikilala talaga bilang isang mapagkumbaba at mabait na mang-aawit Kaya naman hindi maikakaila na siya ay itinuturing na pride ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga dahil kung tayo ay magbaba like-tanaw mula noon, libo-libong parangal at tagumpay na ang kaniyang nakamit Tiyak na matagumpay at maunlad siya bilang mang-aawit pero mas tiyak na matagumpay siya bilang isang nangangarap Sa buong karera niya, siya ay naglabas ng sampung album at lahat ng ito ay umaabot ng billion streams at views mula sa iba’t ibang plataporma
Hindi maikakaila na siya ang superstar ng henerasyon na ito Halos sakop niya lahat ng tagumpay sa iba’t ibang plataporma, kategorya, at mga palabas na parangal Imposible na rin kung hindi pamilyar ang kaniyang pangalan sa madla kung siya rin ay itinuturing na celebrity sa nagdadamihang artista sa industriya Bilang artista, lubos din siya naapektuhan ng pandemya, ngunit iba ang iniisip ng kaniyang mga tagahanga Sa loob ng tatlong taon na pandemya, siya ay naglabas ng tatlong buong habang album na binubuo ng sampu hanggang labindalawang kanta Ika nga ng mga Swifties, sila ay busog na busog sa inilalahad ni Taylor sakabila ng hinahadlangan ng mga hamon tulad ng pandemya Nang ibinunyag ang mga petsa at lugar ng Eras Tour, labis ang saya ng lahat ng mga Swifties dahil emosyonal din para sa kanila ang kahulugan ng konsiyerto
Sakop ng mga Swifties ang buong lugar habang sumasabay sila sa pag-awit ni Taylor Bilang isang nangangarap na nagsimula noong bata pa lang, ligtas na sabihin na ito ang kaniyang ipinagmamalaki na sandali ngayon
Sa buong karera ni Taylor, halos lahat ng eras o kapanahunan ay nagkaroon ng sariling spotlight o peak Ang bawat album ay nagambag sa kaniyang lumalagongtagumpay at impluwensiya bilang artista, at lahat ng iyonay dahil sa kaniyang out-of-this-world na talento sa pagsulat ng kanta at pag-awit Sa buong konsiyerto, siya ay nagtanghal ng kalahati ng mga kanta sa bawat album at ang bawat pagtanghal ay may twist Kaya naman, sulitang gabi para sa mga Swifties dahil kilalang-kilala si Taylor sa pagbibigay ng lahat sa tuwing siya ay nagtatanghal Sa tuwing siya ay nagtatanghal, parang isang iglap na lamang kung makita mo ang kaniyang pangalan sa trending list sa iba’t ibang plataporma Nakakukuha siya ng milyon-milyong views at streams araw-araw, para bang bahagi na ng kaniyang personalidad ang pagiging iconic
Mula sa pinakaunang album hanggang sa pinakabago, masasaksihan muli ng kaniyang mga tagahanga ang kaniyang galing sa pagtanghal ng mga kantang ito
Nagsimula ang unang palabas ng Eras Tour sa State Farm Stadium, Glendale, Arizona Unang palabas pa lang ay humakot na ng 69,213 na mga dadalo ang konsiyerto Siya ay nagtanghal ng tatlong oras at hanggang ngayon ay manghangmangha pa rin ang lahat sa dedikasyon at determinasyon niya bilang artista Sa pangkalahatan, siyaay nagtanghal ng apatnapu’t apat (44) na kanta Sinimulan niya ang kaniyang palabas sa kantang
“Miss America & The Heartbreak

Prince” mula sa album niyang
Lover Sinundan ito ng mga pagtatanghal ng iba’t ibang kantamula sa mga sumusunod na album: Taylor Swift (Debut), Fearless, Speak Now, Red, 1989, Reputation, Folklore, Evermore, at Midnights
Ang kaniyang HerStory ay hindi lamang nagbibigay ng inspirasyon sa mga Swifties kung ‘di ay pati sa mga kababaihan Siya ay laging nakakahanap ng paraan at pagkakataon para maiangat ang mga kababaihan sa industriya ng musika Dahil naging pakikibaka rin para sa mga kababaihan na makamit ang mga malalaking bagay at tagumpay sa industriya na kung saan ang mga lalaki ay inaasahang magkakamit ng higit pa sa kanila Nagtakda siya ng standard o pamantayan para sa lahat at laginiyang alam kung paano manindigan para sa ibang tao Hindi lamang siya isang mangaawit o manunulat ng kanta ngunit siya rin ay isang tagapagtaguyod ng kung ano man ang sa tingin niya ay tama; boses din siya ng mga walang boses Hindi maikakaila kung bakit umaabot ng milyonang kaniyang mga tagahanga sa buong mundo, dahil nasa harap na natin mismo ang sagot Hindi lang artista ang hinahangaan nila; si Taylor ay mas hinahangaan nila bilang isang mapagkumbaba, mabait, at matulungin na tao Kaya naman siya ang pride ng lahat Ika nga mga Swifties, “Taylor Swift is the standard ”

"Pag-ibig ko"
Ni: Jarell Jay A. Alfaro
Buhay ko'y litong-lito
Kaibigan ko o mahal ko?
Mundo ko'y umiikot sa'yo
Mundong kapiling ko.
Inspirasyon ko, Pagganyak ko
Tila'y ako'y nahulog sa balon
Na 'di na makakaahon.
Pagmamahal ko
Tila'y walang bawian, Walang katapusan
Para lamang sa'yo.
"Kisap-mata"


Ni: Fatewell C. Abdulmunap

Muling babangon, Sa malupit na himagsik

Patuloy lumalaban
Upang mapatibay ang samahan.
Sa mga panahong ako’y parang susuko na
Isip ko'y parang sandata, Ngunit sa isang kisap-mata, lahat ay nagbago na.
Sa pagdilat ng aking mga mata

Nakita ang muling pag-asa
Sa Gitna ng kahirapan, Babangon muli sa pantasyang nasilayan