
3 minute read
ang mga mag-aaral sa mga nagliliyab na silid-aralan
from Abril-Marso 2023
Tila'y kasing init ng panahon ang mga usapan ngayon sa ating bansa dahil sa kasabay ng El Niño'y may klase pa rin ang mga mag-aaral Dahil sa pandemya, nagkaroon ng malaking pagbabago sa simula ng klase lalo na sa mga pampublikong paaralan kung saan ay matatapos sila sa ika-4 ng Hulyo pa. Dahil sa sunod-sunod na balita ukol sa paghimatay ng mga estudyante, umusbong ang panawagan na muling ibalik ang nakasanayan nating bakasyon na nangyayari tuwing buwan ng Abril at Mayo Talaga namang isang malaking pasakit ito sa mga estudyante, guro at magulang dahil sa tindi ng init na dala ng El Niño at ng pabago ng klima Nawawala sa atensyon ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral dahil sa halos walang tigil na pag paypay sa sarili at pag-inom ng tubig May ginawang pagsisiyasat noong Marso 24 hangang 27 na ginawa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na sa 87 bahagdang mag-aaral ang hindi nakatutok sa kanilang aralin dahil sa tindi ng init sa kanilang silid-aralan Noong buwan lamang ng Abril ay mahigit limang daang estudyante na ang isinugod sa clinika ng Kalayaan National High School sa lungsod ng Pasay Dahil sa hilo, nose bleed, pag taas ng presyon at sakit ng ulo na sanhi ng tindi init ng panahon kaya nag tupad na ang paaralan ng dalawang araw na face to face classes, dalawang araw na online classes at isang araw na face to face classes sa umaga na lamang bawat linggo simula sa ika-2 ng Mayo Hindi lang hirap sa pag-aaral ang dala ng tindi ng panahon Dagdag kalbaryo na rin ito sa mga kalusugan ng mga mag-aaral. Imbes na aral ang nauwi ng mga mag-aaral, sakit ang nadala nila sa kanilang pag-uwi Marami na ngang problema ang tinitiis ng mga mag-aaral ay mag lalo pa itong nadagdagan
Sa mga pinakabagong kaganapan sa ating bansa, mas mainam nang ilipat muli ang bakasyon sa Abril at Mayo tiyak ay makakatulong ito sa mga estudyante at guro upang hindi na sila liliyab sa init sa kanilang silid-aralan Mismong si pangulong Ferdinand 'Bong-Bong' Marcos ang nag hayag na inaaral na ng pamahalaan ang muling pagbabalik ng bakasyon sa dating gawi Maganda ang plano ngunit kailan ito gagawin? Kailangan na ng mga mag-aaral umalis sa mga nagliliyab na silid-aralan sa lalong madaling panahon Hindi biro ang magkaroon ng sakit sa panahon na ito lalo na’t nasa pandemya pa tayo kaya dapat maging mabilis at epektibo ang ating mga plano Ngunit ang kasalukuyang summer break sa Pilipinas ay nakakatulong din upang maiwasan ang mga mabibigat na ulan pag sapit sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo Maiiwasan din ang mga hindi inaasahang mga pag-suspinde ng klase na hindi nararanasan sa mga buwan ng Abril at Mayo
Advertisement
Ayon kay Rita Riddle, isang Schools Division Superintendent sa Makati city na mas mainam na ang ganitong set-up dahil mas maraming panahon ang hindi nasasayang dahil tuloy-tuloy lamang ang sikat ng araw at walang mga ulan na maka-abala sa mga estudyante Kung babalikan ay naging mainit din ang mga balita sa kabila ng malamig na panahon noong Hulyo, taong 2019 tungkol sa mga pag suspinde ng klase dahil da masamang panahon Sa kabilang dako, Kahit naman sa kasalukuyan ay nagkakaron pa rin ng mga pag suspende ng klase kagaya na lang sa Kalayaan National High School sa lungsod ng Pasay Kung saan ay magkakaroon na lamang sila ng dalawang buong araw na face to face classes linggo-linggo dahil sa init ng panahon Mas mainam pa rin na sa buwan ng Abril at Mayo pa rin ang bakasyon dahil maiiwasan ang mga kahirapan sa pag-aaral at magkakaroon din ng bakasyon kesa naman kapag na sa buwan ng Hunyo at Hulyo sila magkaroon ng bakasyon ay sigurong magkakaroon ng mga abala dahil sa mga bagyo at sama ng panahon Dagdag pa dito kapag ibinalik sa dati ang pagbubukas ng klase tiyak ay maiiwasan maging mala-impiyerno na karanasan sa mga silid-aralan dahil kalimitan sa mga silid-aralan ay konti lamang ang mga electricfan at walang mga aircon Ang mga ibang bansa nga katulad ng Amerika ay sa pagsapit ng tag-init ay dito natatapos ang mga klase ng mga estudyante upang maiwasan ang epekto ng matinding init na panahon Ang solusyon ay dapat tulong na hindi makakaabala sa paglaki at pagkatuto ng mga mag-aaral sa paaralan Dapat lamang ibalik sa dati ang bakasyon ng mga magaaral upang maiwasan ang mga karamdaman na dapat hindi maramdaman ng mga mag-aaral at upang maiwasan ang pag gastos ng bilyong-bilyong halaga para sa mga paaralan na pinili mag distance learning na lamang dahil sa init ng panahon
Tomo XIII Blg 2
Marso-Abril 2023