KMc
CORNER
Mga Sangkap: 1 ½ tasa pulbos na gatas (powdered milk) 2 tasa harina (all purpose) 1 tasa sugar ¾ tasa butter pambalot na papel de hapon at molde ng polvoron
Polvoron
Paraan Ng Pagluluto: 1. Isangag ng walang mantika ang harina sa mainit na kawali (low heat) hanggang sa magkulay light brown. Palamigin. 2. Tunawin ang butter. 3. Ilagay ang powdered milk, asukal at harina. 4. Haluing mabuti at siguraduhing hindi ito magbuo-buo. Kung gustong lagyan ng dinurog na mani o kasoy, ihalo na ito. Palamigin ng konti at ihanda ang molde. 5. Ilagay ang polvoron sa plato at i-flat ito gamit ang kutsara, i-molde ang polvoron at balutin sa papel de hapon. Masarap ang polvoron na panghimagas.
Ni: Xandra Di
SISIG NA TAINGA AT PISNGI NG BABOY
WITH MAYONNAISE
May kanya-kanyang style ng pagluluto ng sisig, at nagkakaroon na rin ng mga pagbabago sa mga ginagamit na sangkap upang ma-improve ang lasa. Dati-rati ang karaniwang Pork Sisig ay hinahaluan ng utak ng baboy kasama ang atay upang maging ma-creamy. Subalit hindi parating available ang utak ng baboy sa palengke kung kaya’t nilalagyan nalang ito ng mayonnaise kapalit ng utak upang maging ma-creamy at maging akma sa panlasang Pinoy. Ayon sa mga mahilig kumain ng sisig ay higit na masarap ang lasa ng sisig kapag inihaw ang tainga at pisngi ng baboy matapos itong ilaga.
Mga Sangkap: ½ kilo 1 ga-daliri 4 medium 4 buo
tainga at pisngi ng baboy luya, hiwain ng pino sibuyas na puti, hiwain ng pino berdeng sili at siling labuyo, hiwain ng pino ¼ tasa suka 1 kutsarita paminta buo 3 piraso dahon ng laurel ¾ tasa mayonnaise paminta durog asin
4
KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY
Paraan Ng Pagluluto: 1. Pakuluan sa loob ng 1 oras hanggang sa lumambot ang tainga at pisngi ng baboy kasama ang pamintang buo at dahon ng laurel sa deep pan. 2. Alisin sa deep pan ang pinakuluang tainga at pisngi ng baboy at patuluin. 3. Iihaw na ang pinakuluang tainga at
pisngi ng baboy. 4. Hiwain ng maliliit na pa-squre ang tainga at pisngi ng baboy. 5. Ilagay ang luya, sibuyas, sili at suka. Budburan ng paminta at isunod ang mayonnaise. Haluing mabuti at timplahan ng asin. Ihain ng mainit o ilagay sa isang sizzling plate. Happy eating! KMC may 2014