RANIAG Newsletter Special Issue No. 2

Page 1

nagbibigay ng gabay sa mga manlalaro paramakamitanggintonginaasam.

BANGISAT TAGUMPAY

AN NICOLAS, Ilocos Norte

na pahayag ni Michael Gelacio, tagapagsanay ng Taekwondo team matapos nagwagi sa pitong kategorya ang Laoag City Taekwondo team sa Poomsae Match sa unang araw ng laro Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet na kasalukuyang idinaraos sa Robinsons Mall Ilocos.

Tampok dito ang nakamit na gold medal nina Cris Anthonne U. Reyes at Romabel Jhyne S. Agdeppa na nagpakita ng kagila-gilalas na pagtatanghal sa Mixed Pair, habang silver medalist naman sina Lynhel Jerome Torreno sa Individual male at Keira Min-ah Viktoria P. Abian Bronze medalist sa Individual female, pawang mga magaaral sa elementarya.

Sumegunda rin sa sekondarya si Ryan Jhay Lagat sa Individual Male, Justine Jeve Baptista at Crystal Jade D. Fenix sa Mixed Pair kapwa mga silver medalist.

Nasungkit naman nina Cris Anthonne U. Reyes, Aerone B. Castro, at Lynhel Jerome R. Torreno ang gold medal sa Trio Male elementary, habang sina Crystal Jade D. Fenix, Lizel A. Rodrigo at Nikki B. Ortal ay bronze medalist sa trio female secondary.

Bigo man ang ilan sa mga atletang makakuha ng medalya, bakas naman sa kanilang mukha ang kagalakan sa pagkakataong maging kinatawan ng dibisyon ng Laoag.

Aarangkada muli sina Reyes, Agdeppa, at Castro sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Cebu.

SA SAGUPAAN NG TIBAY AT LAKAS LC Throwers ibinulsa ang 2 ginto, 1 tanso sa unang araw ng athletics

Laoag City Arnis Team humakot ng medalya sa R1AA 2024

Dalawang ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya ang nasilat ng Laoag City Arnis Team sa Region 1 Athletic Association Meet (R1AA) Arnis Competition Secondary Category, sa Filipinas East Elementary School (FEES), Abril 23.

Wagi sa kani-kanilang kategorya sina Ashley Kate C. Cristobal, Jaino Inas G. Galzote, Vincent John B. Bugarin at Princes Graschelle U. Ortal matapos magpakitanggilas at ipamalas ang nakakalaglagpangang strikes at stunts sa individual nontraditional anyo (secondary).

Napagtagumpayan ni Cristobal ang gintong medalya sa individual women’s sword and dagger category (non-traditional) sa iskor na 46.3.

Samantala, sa single weapon ay nagtala siya ang 27.7 puntos na nagpanalo sa kanya ng pilak na medalya. Hindi rin nagpatinag si Galzote matapos niyang pagharian sa iskor na 46.5 ang individual men’s sword and dagger category (non-traditional) at tuluyang lugmukin ang labingtatlo pang mga arnisador ng rehiyon uno.

Sa ngayon ay naghahanda nang muli ang mga arnisador ng SDO-Laoag City para sa synchronized category at labanan na gaganapin sa mga susunod na araw sa FEES.

DIsang pilak na medalya rin ang nasunggaban ni Bugarin sa individual men’s double weapon category (non-traditional), 28.0 puntos, at nasaklot naman ni Ortal ang isang tansong medalya naman sa individual women’s double weapon category (non-traditional), 27.8 puntos, na siyang bumuo sa apat na medalyang naiuwi ng Laoag City Arnis Team Secondary.

NAGNGANGALIT NA PUSO. Nagpakitang-gilas si Jaino Inas Galzote ng nagpupuyos na stunts at strikes sa Arnis Single Weapon na ginanap sa Filipinas East Elementary School, San Nicolas.

inomina ng Laoag City Throwers ang unang araw ng Athletics Throwing Events matapos ibulsa ang dalawang ginto at isang tanso sa elementary shot put sa Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet na ginanap sa Ferdinand E. Marcos Sr. Memorial Stadium, Abril 23.

Nagpasiklab si Ariana Dawn Rabi ng Gabu Elementary School ng kanyang nag-aalab na lakas upang ungusan ang kaniyang mga kalaban sa unang round ng shot put elementary girls.

Ipinagpatuloy ni Rabi ang kaniyang pagpapakita ng lakas matapos tuluyang selyuhan ang unang gintong medalya ng Laoag at magtala ng 9.93 metrong distansya.

“Masaya ako na nakasungkit ako ng medalya kahit na malalakas ang aking mga kalaban” saad ni Rabi.

Matatandaan na noong 2023 R1AA pumang-apat si Rabi sa shot put sa Lingayen, Pangasinan.

Hindi naman nagpatinag ang kaniyang kasama na si Czarinae Ashley Sahagun ng Salet Elementary School, pagkatapos nitong masungkit ang pilak na medalya para sa Laoag, matapos magtala ng 8.81 metrong distansya.

Patuloy na namayagpag ang Laoag City matapos masungkit ng pambato na si Mario Guillermo Corpuz Jr. na mula sa Vira Elementary School ang ikalawang gintong medalya ng Laoag City sa panlalaking edisyon ng kompetisyon. Siya ay nagkapagtala ng 9.53 metro distansya.

Ang mga distansya na naitala ng mga atleta ay pasok sa inilabas na qualifying standards para sa elementarya na 9.50 metro sa lalaki at 8.20 naman sa mga babae. Inaasahan na makakapasok ang mga atleta sa gagawing ebalwasyon ng Palarong Pambansa Secretariat upang matuloy pa rin ang kanilang pamamayagpag sa Palarong Pambansa 2024 na gaganapin sa Cebu.

–“Nagpursigi sila at naghirap kaya ginto ang karapat-dapat sa kanila,” ito ang matapang Jaybie S. Cordero GININTUANG GABAY. Si Michael Gelacio, tagapagsanay ng Taekwondo, Ang Opisyal na Pahayagan ng SANGAY NG LUNGSOD LAOAG Tomo 1 , Bilang 2 | Jonas Salvador TIWALA,PANGUNGUNA:Mario SiGuillermo Corpuz Jr. ng Vira Elementary School sa kaniyang pangungunang sensyas matapos imagkamit ng kalawang gintong medalya para sa Laoag sa panlalaking edisyon ng kompetisyonngshot-put.

PUNTO

KALAKASAN NG PAMPALAKASAN

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na simula’t sapul ang pampalakasan ay isa na sa pinakaaasahan na gawain sa school calendar kung kaya’t puspusan ang mga mag-aaral upang mapabilang sa mga kakatawan ng kanilang paaralan. Sa patuloy na paglipas ng panahon, hindi na lamang ito nakatuon sa larang ng pampalakasan bagkus binibigyan na ng halaga ang iba pang aspeto kagaya lamang ng isyung pangkapaligiran.

Kaugnay sa pangunahing tema ng Region 1 Athletic Association Meet (R1AA) na binibigyang-diin ang Community Immersion at Environmental Engagement, pinapaalalahanan nito na kailangan ng umaksyon at gumawa ng pamamaraan upang masolusyonan ang problema ng ating kapaligiran. Ang tanong: Paano nakatutulong ang isports sa isyung pangkapaligiran?

Ayon sa tala ng Provincial Government of Ilocos Norte (PGIN), aabot sa 10,000 na delegasyon mula sa 14 na dibisyon ang lumahok sa R1AA kung saan sa isinagawang opening parade makikita ang mga iba’t ibang poster slogan gamit ang mga recycled na materyal na ipinapaabot sa madla ang kahalagahan ng ating kapaligiran at kung papaano ito maisasalba.

Bagkus ito’y binibigyang-kahalagahan, sapat na nga ba ang ganitong plataporma upang masolusyonan ang ating problema? Sa katunayan, sandamakmak pa rin ang mga basurang naglipana sa iba’t ibang lugar na kahit may mga nakikitang basurahan hindi pa rin alam ng karamihan ang wastong pagtatapon ng basura. Kahit na pinapaalalahanan ng awtoridad ang kalinisan, disiplina pa rin ang kailangan.

Sa mundo ng pampalakasan, kinakailangan ng disiplina at itong katangian na ito ang siyang magiging susi sa isang magandang kinabukasan.

Kahit napakaganda ng isang adhika kung ito ay kulang sa gawa, mananatili itong walang patutunguhan.

Ngunit sa kabila nito, mas mabuting magkaroon ng kamalayan ang mga kabataan. Sa ganitong pamamaraan, sa pamamagitan ng ganitong mga adbokasiya, mas nabibigyang-importansya ang mga problemang kinahaharap sa ngayon. Mas nahihikayat na pagtuunan ng pansin ang mga isyung pangkapaligiran.

Ang Opisyal na Pahayagan ng Sangay ng Lungsod Laoag

Tomo 1, Bilang 2

IbanaangPanahon: Teknolohiyasa Isports

Kasabay ng patuloy na pagbabago ng henerasyon ay ang pagbabago rin ng kinahihiligan ng mga sumisibol na kabataan. Karamihan sa kanila patuloy na nahaharap sa mabilis na pagbabago at pagunlad ng teknolohiya. Habang ang mundo ay patuloy na naglalakbay patungo sa digital na panahon, hindi maiiwasan na ito ay magkaroon ng malalim na epekto sa mga hilig at aktibidad ng mga kabataan.

Ang epekto ng ganitong pagbabago ay mararamdaman sa mundo ng isports, lalo na sa mga estudyanyeng atleta. Sa tradisyunal na pananaw, ang mga isports tulad ng basketball, volleyball, at football ay nanatili bilang mga pangunahing larangan ng interes para sa mga estudyanyeng atleta. Sa paglawak ng sakop ng teknolohiya ay siya ring malaking epekto sa iba’t ibang larangan kasama na ang isports. Mabubuo ang katanungang, magbabago rin kaya ang tipo ng isports na pinipili at sinusubukan ng mga estudyanteng atleta sa kasalukuyan?

Hindi maikukubling isa sa mga mahahalagang aspeto ng pagbabago na ito ay ang lumalagong popularidad ng e-sports. Ang mga video game competition ay hindi na lamang mga past-time kundi isang buong industriya na may malawak na konsyumer at kita. Sa mga e-sports, ang mga manlalaro ay hindi kinakailangang magkaroon ng pisikal na katangian tulad ng lakas at tibay, ngunit mahalaga pa rin ang kanilang kasanayan, diskarte, at kritikal na pag-iisip kagaya rin ng nakasanayang isports.

Ang ganitong pagkakataon ay nagbubukas ng mga bagong pintuan para sa mga kabataan na may iba't ibang mga hilig at galing. Maaaring nakakita ng mga estudyante na mas nahahatak sa mga estratehiya ng mga video game kaysa sa pisikal na pagsasanay ng isang tradisyunal na palakasan. Gayunpaman, hindi nangangahulugang ang pagtaas ng interes sa e-sports ay magiging katapusan na ng tradisyunal na mga palakasan.

Ang mga tradisyunal na isports ay mayroon pa ring espesyal na puwang sa puso ng maraming tao at may malawak na impluwensiya sa kultura at lipunan. Sa halip, ang pagdami ng mga pagpipilian para sa mga estudyanteng atleta ay nagpapakita lamang ng pag-unlad at pagbabago sa pananaw at mga hilig ng kasalukuyang henerasyon.

Mahihinuha na ang teknolohiya ay maaari ring magdala ng mga pagbabago sa paraan ng pagtuturo at pagsasanay sa mga tradisyunal na palakasan. Ang paggamit ng mga sumusulong na gadyets at software ay maaaring mapabuti ang pag-unlad ng mga manlalaro at mapalakas ang kanilang kakayahan sa larangan ng isports. Gayundin, maaaring magkaroon ng mas malawakang access sa mga coaching resources at mga kompetisyon sa pamamagitan ng online platforms.

Ang patuloy na pagbabago ng henerasyon at ang pagyabong ng teknolohiya ay tiyak na magdudulot ng pagbabago sa mga tipo ng isports na sinusubukan at pinipili ng mga estudyanteng atleta. Sa gitna ng ganitong mga pagbabago, mahalaga na patuloy nating suportahan at igalang ang kani-kanilang natatanging kinahihiligan at kagalingan, anuman ang mga ito. Ang mga pagbabago na ito ay hindi lamang nagpapakita ng kakayahan ng mga kabataan bilang isang tao na makasabay sa bagong kapaligiran, ngunit nagbibigay din ng mga bagong oportunidad at pagkakataon para sa pag-unlad at tagumpay.

Rowel Alexander Ross B. Oroceo

Steve John Mart M. Jose

Punong Patnugot

Athelene R. Sampayan

Mary Jane P. Leaño

Richard M. Collado

Pangalawang Patnugot

Mischelle D. Mariano

Richard A. Hapa

Tagapag-ugnay na Patnugot

Rodel P. Moreno Jr.

Antonio Q. Albis Jr.

Tagapamahala ng Sirkulasyon

Konrad R. Turda

Edsel Harry R. Turda

Maria Jasmin Domingo

Antonio Q. Albis Jr.

Hepe ng Layout

Regina Genelin C. Nagtalon

Adelyn C. Domingo

John Paul M. Viernes

Raymond R. Santos

Mga Tagapayo

PATNUGUTAN

Ang Opisyal na Pahayagan ng Sangay ng Lungsod Laoag Tomo 1, Bilang 2

Billy Joe T. Rosal Crisanto R. Oroceo Genalyn Mariano

Divine Hernando

Christian Nichol Subrino

Carmenette Pacog

Angela Garganta

Jane Meryl Dalde

Daisy Austine Baptista

Zyra Agustin

Xandrelle Yeunice Miguel

Mark Dave Felipe

Marc Jayson Andres

Lei Angelique Patoc

Glaiza Cabacungan

Marjorie Molina

Sa tingin mo, handa na ba ang Athletic Association sa e-sports at pagbabagong dulot ng pagyabong ng teknolohiya?

Vladimir Magayano

Dante Teodoro, Jr.

Anthony Rafanan

Carol Andres

Mga Kontribyutor

Lourdes B. Arucan, EdD

Chief Education Supervisor

Mariecon G. Ramirez EdD, CESO VI

Assistant Schools Division Superintendent

Jacinto B. Pascua

Kchieffer Lainell T. Arcangel

Maria Denisse Soriano

Ricky Mark Ancheta

Cedrick Alejandro

Sigrid Domingo

Imelda Ramos

Chrislen Ramones

Jaybie Cordero

Marilyn A. Pasion

Zinnia Jane F. Mateo

Joann A. Corpuz EdD, CESO V Schools Division Superintendent

2
editorial
Steve John Mart M. Jose
Mark Jay Segismundo Daniel Bautista, Jr. Jonas Salvador
Mark Bryan Aguinaldo Jennie Mae Cabello Leizl Quitoriano
Eloha Grace Guerrero
Crisel Martinez
Madonnay May T. Guerrero

Rabi sinungkit ang unang medalya ng LC sa R1AA 2024

Walang takot na ipinakita ni Arianna Dawn G. Rabi, ika-anim na baitang ng Gabu Elementary School ang kanyang natatanging lakas upang pangunahan ang shot put girls-elementary finals sa

Sa ikalawang pagtatangka, ginaluntang ni Rabi ang buong FEMMS matapos maihagis ang shot put ng 9.33 metrong distansya na bumasag sa 8.20 metrong qualifying standard ng Palarong Pambansa na nagbigaydaan sa kanya na selyuhan ang unang gintong medalya ng Laoag City. Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet 2024, na ginanap sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium (FEMMS), Laoag City, Abril 23.

“Masyado akong kinakabahan nang maramdaman kong nanginginig ang aking mga braso at binti habang ginagawa ko ang aking unang pagtatangka, ngunit ang aking layunin na manalo ng ginto ang nagtulak sa akin na ibigay ang aking makakaya at lubos akong natutuwa na nagtagumpay ako.” Nagpapasalamat ako sa Diyos na lahat ng sakripisyo at pagsisikap ko sa pagsasanay ay nagbunga,”ito ang nasambit ni Rabi matapos ang kanyang laban.

Pilit na tinangkang ungunsan nina Nadine Amirah Aguila ng Ilocos Norte Division at ni Czarinae Ashley Sahagun ng Laoag City si Rabi ngunit kapos ang kanilang mga tirada na 8.99 metro at 8.81 metro na siyang nagbigaydaan naman upang makopo nila ang pilak at tansong medalya.

"Sa kanyang lakas at kagustuhang manalo, inaasahang magdadala si Arianna ng triple gold sa Laoag City," sabi ni coach Joeffrey Dela Cruz.

LAOAG CITY PINATUMBA ANG SAN CARLOS CITY, 2-0

Hindi nagpatinag ang koponan ng Laoag City Elementary Football team matapos hindi bigyan ng pag-asa ang San Carlos City na makapuntos sa katatapos na sagupaan sa Northwestern University, Abril 23.

Agad pinamalas ng Laoag ang kanilang dominasyon kontra San Carlos matapos magpakawala ng matatag na depensa at sinabayan ng mapanlinlang na atake at mabilis na court-attacks.

Kasabay ng matinding init ng araw, ang masidhing determinasyon ng bawat koponan nang magpamalas ng mala-pader na depensa na sinabayan ng mauutak na tirada upang pahirapan ang bawat isa.

Salpukan sa Sepak Takraw

Sa huling kartada, nagpakawala Si Renz Jelo Jose ng Laoag City ng agresibong Volleykick sa 15-minute mark na tuluyang tuldukan ang pagnanasa ng San Carlos City na makausad sa laro.

Ayon kay Jose, nagawa niyang makaiskor dahil sa kakaibang diskarte ng pag-assist ni Justin Morales at hindi napansin ng kalabang nakabantay dahil sa pagkalito.

“Isang karangalan ang makapaghatid ng panalo para sa ating minamahal na lungsod. Malaki ang aming utang na loob sa ating Mayor dahil sa walang sawa nilang suporta sa amin.” ito

Laoag City ginapi ang Ilocos Norte, 2-1

Bigo ang Ilocos Norte sepak takraw girls secondary sa

TAGUMPAY.

matikas na

Nakatakda ring ipakita ni Arianna ang kanyang husay sa javelin at discuss throw kung saan malaki ang kanyang potensyal muling makakuha ng mga ginto. Sa pamamagitan ng pagbasag sa Palarong Pambansa qualifying standard. Inaasahang ipagpapatuloy nina Rabi at Sahagun ang kanilang laban sa Palarong Pambansa sa Cebu City sa darating na July 2024.

ALAM MO BA?

NATALYA LISOVSKAYA

ang unang babaeng nanalo sa Shot Put? Tagumpay niya ito sa rekord na pagtapon na umabot sa 22.63 metro, nagpapakita ng kanyang galing at nagtatakda ng mahalagang yugto para sa mga atletang babae sa palakasan.

source: World Athletics

Laoag City 5x5 Secondary Boys

Kaagad namang rumatsada ang Laoag City at nilamangan ang Ilocos Norte gamit ang kombinasyon ng mapanlinlang na placings at solidong tirada upang sungkitin ang ikalawang set, 15-11.

Pilit pang nais bumawi ang Ilocos Norte ngunit kinulang na ito, dahil sa mga ilang service errors na nagawa at malalakas na sipa ng Laoag City. Dinomina ng Laoag City ang laro na nagtapos ng makapigil hiningang 3rd set sa score na 17 -14.

Dahil dito, nakamit ng Laoag City ang ang unang panalo sa larong ito na nagbunsod sa pagpasok nila sa Quarter Final Round na gaganapin bukas, April 24.

Nilampaso ang La Union, 80-64

Nasungkit ng Laoag City (LC) Court Generals ang kanilang inaasamasam na panalo laban sa La Union sa iskor na 80 -64 sa naganap na 5x5 Basketball Secondary Boys sa Ilocos Norte Centennial Arena, Laoag City, Abril 23.

Sa unang bugso ng laban nakakuha agad ang mga taga- Laoag ng kahangahangang iskor na 64-46, ngunit nang halos ito ay patapos na tinangka pang habulin ng La Union ang lamang ng Laoag nang ibaba nila sa 8 puntos sa huling 2-minuto ng laro.

Gayunman, muling kumamada ang manlalarong si Jhaylen Benedict Viñas upang muling palubuhin ang kalamangan at iabante ng koponan ng Laoag.

Namangha ang mga tagapanood sa mabilis na depensa at bilis sa pagsuot sa mga butas ng mga manlalaro ng Laoag na nagdulot ng pagkagapi sa mga kalaban.

"Nagpapasalamat ako sa suporta na binibigay ng aming mga magulang, pati na rin sa tulong na inaabot ng Laoag City Government, at lalong lalo na sa aming mga coaches at ang SDO Laoag, napakagandang umpisa ito at naniniwala ako na maiuuwi namin ang tropeo,” lahad ni Viñas.

Ayon sa kanilang tagapagsanay walang mapagsidlan ang tuwa ng buong koponan sa naganap ngayong araw.

Muling susubukang maibulsa ng Laoag City ang panalo bukas laban sa Dagupan City.

isports 03
Crisanto R. Oroceo Rodel P. Moreno, Jr. Carmenette M. Pacog, Marjorie R. Molina, Benjamin S. Juan Ricky Mark Ancheta NGITI NG Isang tayo ang ipinakita ni Arriana Dawn G. Rabi matapos ang kanyang nagpupuyos na stunts at strikes sa shot-out.

Ang Opisyal na Pahayagan ng Sangay ng Lungsod Laoag Tomo 1, Bilang 2

Laoag City namayagpag

Pangasinan II sa Elementary Softball

Ginulantang ng Laoag City ang Pangasinan 2 matapos magpamalas ng agaw-eksenang dominasyon sa pamamagitan ng kanilang mahigpit na offense-defense combo na nagkamit ng 8-0 na panalo sa Softball Secondary Elimination Round sa Bacarra Nationa Comprehensive High School Grounds, Abril 23.

Agad na ipinalasap ng Laoag City ang kanilang 'di matibag-tibag na depensa matapos pahirapan ang kanilang mga kalaban at agad na tuldukan ang kanilang pagkakataong tumira para markahan ang kanilang score board.

Maagang nagbunyi ang Laoag City matapos ipamalas ni Jhane Anthonette Asuncion ang kanyang swabeng tira upang bigyan ang kanyang grupo ng unang punto sa unang inning ng laro, 1-0.

Hindi naman nagpadaig ang Pangasinan II at nagpakitang gilas matapos magpakawala ng matinding hits pagpasok ng ikalawang inning.

Ngunit agad namang dinepensahan ng Laoag ang kanilang grupo at binigyan ang kanilang mga kalaban ng sunod-sunod na strike outs mula kay pitcher Tamina Precious Fermin.

Hindi na nagpatinag pa ang Laoag City at agad na sinundan ni Janela Elaiza Balico ang kagrupo ng isang pulidong full-swing hit upang agad na kumaripas sa unang base.

Agaw-eksena namang tumira si Czamille Grace Lumabao na naging hudyat para kay Balico na umabante sa ikalawang base at agad na okupahin ang unang pwesto.

Laoag City pinataob ang Dagupan City, 8-1

umugot si Ma. Julienne Lucas ng walong puntos sa eight straight games (40-30; 3040; 40-30; 40-30; 40-0; 40-0; 40-15; 40-30; 40-30) para buhatin ang Laoag City Division sa inisiyal na laro ng Lawn Tennis Secondary Girls Division sa ginaganap na Region 1 Athletic Association Meet sa Mariano Marcos State University- Batac Lawn Tennis Court, Abril 23.

Bumira agad ng panalo si Lucas sa pamamagitan ng kanyang mala-pader na service aces at drop shots sa unang kartada ng laro.

Hindi naman nagpatinag si Maryjane Zamora ng Dagupan Division matapos ibalandra ang malakas na forehand shots at mapanlinlang na backhand shots na nagging dahilan upang magkaroon ng matinding salpukan sa ikalawang set, 30-40. Ipinamalas ang malalakas na forehand. Dito na nagkaroon ng salpukan ng backhand at forehand ang dalawang manlalaro.

Buong pwersa namang ipinamalas ni Lucas ang kanyang dropshots at smashes. Upang masungkit ang iskor na 40-30 sa ikalawang yugto ng laban. Hindi alintana ang matinding init ng araw na nararamdaman, ipinagpatuloy ng dalawang manlalaro ang laban.

Bawat isa ay may kanya-kanyang taktika at teknik na ipinamalas. Naungusan ni Zamora Lucas ang pambato ng Laoag City sa ikawalong set, 40-30.

Muling bumanat at nabuhayan ng loob si Lucas sa mga sumunod hanggang sa huling parte ng laro. Umarangkada ang malalakas na serves, drop shots at smashes na tuluyang nagpataob kay Zamora ng Dagupan Division.

Nagkaroon ng fault sa serves si Lucas pero hindi ito nagpatinag para masungkit ang pinakaaasam-asam na panalo.

Matatandaan na si Lucas ay nakasali na sa Palarong Pambansa noong siya ay nasa ikalimang baitang , taong 2021. Siya rin ay manlalaro na ng lawn tennis simula pa noong siya ay walong taong gulang pa lamang.

“Naipanalo ko ang laro dahil sa puspusang pag-eensayo, sa malaking suporta na galing sa Laoag City Government, sa aking mga coaches, pamilya at mga kaibigan.Ako ay namotivate dahil sa kanilang lahat”, ayon kay Lucas. Matutunghayan uli ang laban ni Lucas mamayang hapon, Abril 23 para sa Game 7.

100% POKUS. Hindi maalis sa konsentrasyon ni Tamina Precipus Fermin ang tamang koordinasyon ng kamay at katawan, at pinag-iisipang mabuti ang paghagis ng bola para sa panalo.

3x3 Secondary Boys LC ballers naghari kontra UC, BC

Carmenette M. Pacog, Marjorie R. Molina, Benjamin Hanson S. Juan

Nilampaso ng Laoag City (LC) ballers ang Urdaneta City (UC) at Batac City(BC) sa 3x3 Basketball Boys Secondary, Abril 23 na ginanap sa Northwestern University (NWU) Gymnasium, Laoag City.

Sa isang makapigil-hiningang pagpapamalas ng kagalingan sa atletismo at kasanayan, nagtamo ng impresibong iskor ang LC, 21 puntos kontra UC,11 sa Game 2. Samantala sa Game 8, nagpamalas ng mabilis na pasa at tumpak na tira, at walang kahiraphirap na natalo ng LC ang BC, 16 puntos kontra 12.

Bumida sa panalo ng LC si Jordan Moses E. Domingo na nagpakita ng kanyang kamangha-

SOLIDONG PAGDEPENSA. Malapader na pagdepensa ang ipinakita ng kuponan ng LC Team ng 3x3 Basketball upang patumbahin ang UC na ginanap sa NWU.

Kchiffer Arcangel Eloha Grace T. Guerrero, Imelda B. Ramos

isports

Sao tinuldukan ang pag-asa ng Ilocos Sur na umabante, 10-3 05

Higitan ang dipensa,” ito ang pahayag ni Ian Jake Sao matapos ilimbag ng Schools Division of Laoag City Secondary Baseball Team ang malamyang dipensa ng Schools Division of Ilocos Sur sa bentaheng 10-03 sa 2024 Region 1 Athletic Association (R1AA) Secondary Baseball Elimination Round sa umaatipukpok na Bacarra National Comprehensive High School Field, Abril 23.

Namituin sa huling inning ang player of the game na si Ian Jake Sao matapos isumite ang agaw-eksenang outfield hit upang idagdag sa 1-0, 1-0, 2-0, 2-2, 4-1 dominasyon ng Laoag City Division.

Napasakamay agad ng SDO Laoag City ang momentum sa unang kanto pa lang nang agad na makapuntos ng swabeng base knock si Gabriel Baniaga na ipinagpatuloy ni Jhaniuo Julian sa ikalawang inning.

Umigting pa ang ikatlong round matapos ipalasap ni pitcher Sao katandem si Januel Mercado ang total score na 4-0.

IInungusan ng Laoag City (LC) Girls 3x3 Basketball Team ang Ilocos Norte (IN), 18-7, sa Game 4 ng unang araw ng Girls’ 3x3 event ng Region 1 Athletics Association (R1AA) Meet na ginanap noong Martes, Abril 23, sa Northwestern University (NWU) Gymnasium sa Laoag City, Ilocos Norte

Sa pamumuno ni Lea Ancheta na nagtala ng 15 puntos at 6 steals, tinambakan ng Laoag City ang host-division na nahirapang pigilan ang pagragasa ng dos mula sa mga Laoagueña.

Samantala, gitgitan naman ang laban pagpatak ng ikaapat na inning matapos magsalitan ng mga agresibong strike out ang dalawang koponan kasabay ng mga full swing hits nina Sao at nearly homerun ni Marco Gaspar, 2-2(6-2).

Gayunpaman, hindi na nagpaawat pa ang koponan ng Laoag City at tuluyan nang ikinandado ang pwesto sa winners bracket nang magpakawala ng apat na sunod-sunod na barrels sina Baniaga, Galapan, Agngarayngay, at Urmatan, 4-1.

"Ado nga banbannog ken rigat iti uppat nga bulan nga panagtraitrainingmi iso saanmi ipalubos [na matalo] ken ilalaingmi pay," saad ni Sao.

Pahayag naman ni coach Diniel Bautista, tagapagsanay ng Laoag City, "Nakita namin kung saan kami mahina at kung ano ang dapat pa naming palakasing mga taktika at estratehiya. Hindi pa ito ang best nila at hindi ko pa nakikita ang mga sinanay namin.”

Muling sasabak sa diamond field ang koponan ng SDO Laoag City Secondary Baseball Team katunggali ang pambato ng SDO Ilocos Norte sa Huwebes, Abril 25.

LC pinataob ang IN, 18-7

LC, naibulsa ang tagumpay sa billiards 8-ball game 15

Richard

Sa isang makapanindig-balahibong pagpapasiklaban ng kahusayan at presisyon, napukol ni Mark Lian Clinzey D. Mateo ng Laoag City ang unang panalo sa mainit na bakbakan sa Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet, Billiard 8ball, game 15, 3-0, Abril 23.

“Nahanapan namin ng butas ang depensa [ng kalaban],” ani Ancheta matapos ang laro.

Maagang nag-init si Ancheta sa laro, kung saan itinala niya ang unang siyam na puntos ng Laoag City. Nahirapan namang makapuntos ang Ilocos Norte na nagtala lamang ng dalawang puntos sa mga unang minuto.

Hindi na nakabalik pa sa laro ang Ilocos Norte habang patuloy naman ang pagpapaulan ng dos ni Ancheta.

Sa mga huling bahagi ng laro, untiunting bumagal ang momentum ng

na puntos.

Sa dakong huli, pumukol muli si Ancheta ng dos upang mapigil ang patuloy na pag-init ng Ilocos Norte. Natapos ang laro, 18-7.

Sa unang ronda ng sagupaan, ramdam na ramdam ang init ng kanyang katunggali na si Yasser Hadji Madid ng Alaminos City ngunit ang mga makikinis na tirada ni Mateo ay namukod-tangi upang iselyo ang laban, 1-0.

Sa pangalawang paghaharap, halos hindi na pinahawak ni Mateo si Madid na siyang nagpasiklab upang magningning, 2-0. Animo’y silawin sa liwanag ng Laoag ang Alaminos sa ikatlong pagtutunggali dahil sa foul 8-ball, scratch ball na pagmintis ni Madid, 3-0.

Bukas aabangan ang muling pakikipagtuos ni Mateo sa lalong umiinit na torneyo sa R1AA Billiards 8ball na ginaganap sa Ilocos Norte Centennial Arena INspire Building.

SA LARANGAN NG BASKETBALL, Laoag City inilugmok ang Ilocos Sur; aarangkada sa Game 5

Athelene R. Sampayan, Vladimir P. Magayano

Ginulantang ng Laoag City Men’s Volleyball Team ang Ilocos Sur pagkatapos nilang ipalasap ang mala-kidlat na bilis at malalakas na palo na sinabayan ng mala-pader na depensa upang

tuldukan ang laban, 2-0 (25-23, 25-21) sa Volleyball

Secondary Men’s Division Game 3 ng Region 1 Athletic Association Meet (R1AA) na ginanap sa Divine World College of Laoag (DWCL), Abril 23.

Nagpakita ng kahusayan ang mga manlalaro ng Laoag City sa pamamagitan ng kanilang matatag na depensa at matalas na atake sa unang kartada ng labanan, na kung saan ay humagibis sa pagtakbo at nagpakawala ng malalakas na palo si Martillano na captain ball ng koponan. Hindi nagpatinag ang Ilocos Sur at nagpakita rin ng kanilang husay sa pagdepensa at pag-atake na kalaunan ay tinapos ang unang yugto ng matinding labanan, 25-23.

Maliban kay Ancheta, nag-ambag din si Shoza Calubaquib ng 2 puntos para sa Laoag City. Pinamunuan naman ni Malabo ang Ilocos Norte na nagpakawala ng 3 puntos para sa kanilang koponan.

Pinuri ni coach William Queja ang pinakitang depensa ni Ancheta sa laro. “Sunud-sunod ang steals niya kanina. Maganda ang ipinakita niyang depensa kanina,” sabi niya.

Dahil sa panalo, pinangungunahan na ng Laoag City ang ranggo sa Group B ng Girls 3x3 Basketball. Bumaba naman ang Ilocos Norte sa ikatlong pwesto.

Makakaharap ng Laoag City ang Dagupan City bukas, Abril 24, upang sungkitin ang unang pwesto sa Group B at magpatuloy sa Knockout Stages.

Dikdikang salpukan ang pumaimbulog sa ikalawang yugto ng labanan nang magpalasap si Jade Jabrica ng Laoag City ng mga rapidong sets kakambal ang mapanlinlang na service aces upang ipadapa ang kalaban sa gitna ng ikalawang set. Nagpatuloy ang palitan ng puntos sa pagitan ng dalawang koponan.

Tuluyan na ngang kinandado ng Laoag City ang kanilang pagkapanalo nang sila’y magpamalas ng mga agresibong spikes na sinamahan pa ng mga nakakalansing na wallops, maagap na pag-atake at matalas na blocking, at ipagbunyi ang inaasam na tagumpay, 25-21.

“Natutuwa ako sa resulta ng laban. Akala namin kanina ay wala na ngunit dahil sa ipinakita nilang husay sa court at pagkakaisa ay nanalo kami sa unang match. Gagalingan pa nila sa mga susunod pang mga laban,” sinabi ni Hilario Baltazar, coach ng koponan.

Muling sasabok ang mga manlalaro ng Laoag City sa susunod nilang laban.

Angela Garganta, Jane Meryl Dalde, Rainier Yanos Laoag City habang nakabawi naman nang bahagya ang Ilocos Norte na nagpakawala ng tatlong mabibilis Joseph “Dodong” Ansino-Tapia, Chrislen Joy B. Ramones, Crisel C. Martinez
"

SHsaKompetisyon

(R1AA) Meet sa loob ng Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium (FEMMS), may mga batangatleta na puno ng ngiti at galak habang nagaabang ng kanilang pagkakataon na makilaro. Sila ang ating mga atleta sa Paragames.

Sa isang mundong puno ng kompetisyon, may mga atleta na madalas ay hindi napapansin ang kanilang galing at dedikasyon. Ito ay ang mga atleta sa Paragames, mga kampeon na may lakas ng loob, kakayahan, at puso. Sa bawat hakbang sa kanilang laro, makikita natin ang ilaw ng pag-asa at kakayahan. Ang kanilang kalagayan ay hindi hadlang sa kanilang tagumpay. Alam nila na kung kaya mo, kaya rin nila, at gagawin nila ito nang may ngiti sa kanilang labi.

Sa pagtingin sa mga batang-atleta sa Paragames, hindi mababanaag ang salitang "bigo"; sa halip, sila ay nagbubukas ng pagkakataon para sa lahat na ipakita ang kanilang husay at kakayahan. Kailanman hindi sila naging kulang sa kabila ng kanilang kapansanan.

Sa bawat laban, hindi lamang nila ipinapamalas ang tagumpay sa laro kundi ipinapakita rin nila ang pag-aalaga at respeto sa kanilang sarili at sa kanilang mga kasamahan. Ang bawat tagumpay ay hindi lamang para sa kanila; ito ay tagumpay para sa bawat taong naniniwala sa kanilang kakayahan at pangarap.

Sa bawat pagtapon ng bola sa Bocce, bawat takbo hawak ang kamay ng kanilang mga tagapagsanay, at sa bawat talon ayon sa atas ng opisyal "Dito. Talon! Nandito ako, anak,", nagpapakita ng kanilang determinasyon at dedikasyon upang tumulak tungo sa tagumpay.

Sa kabila ng kanilang kapansanan, patuloy nilang pinatutunayan na ang kakayahan ay hindi nasusukat sa anumang pisikal na limitasyon. Ang kanilang mga pangarap ay hindi natatapos sa mga hangganan ng kanilang kalagayan; sa halip, ito'y nagbubukas ng mga pintuan patungo sa mas malawak na mundo ng pagkakapantaypantay.

TEAM GOLD SILVERBRONZE PANG II LAOAG ILOCOS NORTE 774 757 553 0 3 R1AA 2024 Swimming Event Piawan, Nacnac sumisid ng ginto
RICHARD HAPA at GENALYN MARIANO Maria Jasmin G. Domingo at Marilyn Pasion POKUS AT DETERMINASYON. Ipinakita ng koponan ng Swimming ang bunga ng kanilang matinding pagsasanay kung saan naiuwi ang pinakaasam na mga ginto.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.