RANIAG Newsletter Special Issue No. 4

Page 1

PARA SA KALIKASAN. Sina Dr. Joann A. Corpuz, CESO V, ang Schools Division Superintendent, kasama sir Dr. Lourdes B. Arucan, ang Chief Education Supervisor, habang naghahanda para sa pagsisimula ng Project LINIS. Ar Jae Photography

Opinyon

MASAYA PA RIN ANG MATALO

Ang Diwa ng Sportsmanship

Ang pagkahilig sa isports ay karaniwan sa maraming tao sa mundo. Kahit pa walang likas na talento sa paglalaro, marami pa rin ang nagnanais manood o makinig sa mga ito. Sa panahon ng kompetisyon, hindi lang pagtatagisan ng galing ang mahalaga, kundi pati na rin ang diwa ng pakikipagkamayan sa huli, anuman ang resulta ng laban.

Taon-taon, ang Region 1 Athletic Association Meet (R1AA) ay isinasagawa. Ito ay nagbibigay-daan para sa mga atleta na mapabuti ang kanilang mga kasanayan at paghahanda para sa mas mataas na antas ng kompetisyon tulad ng Palarong Pambansa. Sa ganitong mga pagkakataon, may mga grupong nabubuo, koponan na naglalaban-laban, at mga manonood na nagbibigay ng kanilang suporta. Ito ay tinatawag na pakikialam, isang pagpapakita ng aktibong paglahok sa mga pangyayari.

LAHAT PANALO

Matatandaang ginamit ang salitang “masaya” para ilarawan ang ating bansa. Kaya naman, hindi rin magtataka ang kahit na sino kung bakit likas na masayahin tayong mga Pilipino, na kahit anumang problema ay nagagawa pa rin nating ngumiti. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit kahit na saan mang larang ng buhay, tulad ng isports, ay mayroon tayong matatawag na sportsmanship

Sa bawat laban, may tagumpay at may pagkabigo. Ang pagkatalo ay hindi katumbas ng panghabang-buhay na kabiguan. Ito ay isang hamon na nagbibigay sa atin ng inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang ating mga susunod na laban.

Kahit hindi nagwagi ay masaya pa rin tayo dahil nagawa nating makabuluhan ang laro, tayo man ang nagpagod o nanood lamang. Ang pagkilala sa tagumpay ng iba at pagtanggap sa pagkatalo ay nagpapakita ng kahusayan hindi lamang sa pisikal na aspeto ng laro kundi pati na rin sa moral na karakter ng isang manlalaro. Kaya hindi na rin bago kung may mga nagyayakapang mga atleta sa tuwing natatapos ang laro sa bandang huli. Dahil mas nananaig ang diwa ng ating pagiging Pilipino kaysa sa isiping tayo’y naglalaban-laban para sa titulo lamang. Bagaman importante ang kampeonato’y mas mahalaga naman na tayo’y nagkaisa upang maisakatuparan ang iisang mithiin.

PERSPEKTIBO

PUTAHENG

KINABABALIWAN

Ang Lasa ng mga Kompetisyon

Hindi lahat ng kumikinang ay maganda.

Hindi lahat ng maganda ay mahalaga. Hindi lahat ng mahalaga’y tunay.

Edsel Harry R. Turda

Ang lahat ay gutom na gutom sa putaheng niluluto sa kusina. Ang bawat isa sa kanila ay nakaabang na maihain ang putahe sa kanilang mga plato. Ngunit wala sa kanila ang nakapagtanto na may mas masarap pang putaheng hinahanda.

Spagkapanalo ay bahagi ng isang makulay na kuwento ng determinasyon at pagsisikap. Sa pagtahak at pagsabak ng mga atleta sa anumang “sports journey", mahalaga ang pag-unawa sa kahalagahan ng bawat resulta ng laban.

Kagaya na lamang sa kasalukuyang nagaganap na R1AA 2024 sa probinsya ng Ilocos Norte mula ika- 22 hanggang sa ika-27 ng Abril kung saan nagsasalpukan ang iba't ibang mga atleta mula sa labingapat na sangay sa Rehiyon Uno, hindi maiiwasang may matatalo at may mananaig sa bawat kompetisyon sa isports. Hindi maiiwasang may magdaramdam dala ng pagkatalo at may magbubunyi dahil sa tagumpay. Lahat ng ito’y bunga at resulta ng marubdob na pagsasanay. Ngunit mahalaga ring sanayin ng isang atleta ang pagtanggap sa bawat resulta ng laro. u nga ba?

Alam natin na ang pagkatalo ay hindi lamang isang kabiguan kundi isang oportunidad para sa pag-unlad. Sa bawat pagkatalo, natututo ang mga manlalaro mula sa kanilang mga pagkukulang at nagiging mas matatag sa pagharap ng mga hamon. Nagbibigay-daan ito upang magpatuloy ang bawat atleta sa isports na may higit na determinasyon at pagsisikap.

Umaapaw sa bango sa pang-amoy ng lahat. Naglalaway ang mga bibig sa ibig na malasap ang sarap.

Kumikinang. Humahalimuyak. Inaasam-asam. Tatlong salita na dumadaloy sa mga ugat ng bawat isa sa kanila. Sa kanilang mga mata ito ay kayamanang kahit sino man ay walang makakapalit. Araw, buwan at taon ang hinintay makamit lang ang inaasam na sarap.

Ngunit ang putaheng ito ay hindi maihahain hangga’t walang napapatunayan ang bawat isa sa kanila. Sa ibig na matikman ang mga ito, ang lahat ay nagpapakitang-gilas. Malapit nang maluto ang inaasam-asam. Kunting tiis na lang at malalasap na ang pinakahihintay. Kinakaya pa, kaya’t muling hinanda ang sarili sa mga labang darating. Pawis ay puhunan at utak ang tagatulak. Walang umaayaw at walang sumusuko.

Ilang araw na lang ay maluluto na ang gintong putahe at magtatapos na ang Region 1 Athletic Association Meet (R1AA) 2024. Ang kumukulong kalamnan ay mabubusog na rin sa wakas. Ngunit ang ginto lang ba na ihahain sa bawat plato ang bubusog sa gutom mong diwa? Kapag nalasap mo ba ang inaasam mong sarap ay mapapawi na ang gutom?

Alam mo ang masarap sa Ilocos? Ang bagnet at pinakbet! Kapag pinagsama iyan, ay! Pak na Pak! Bet na bet!

Sa kabilang banda, ang pagkapanalo ay nagdudulot ng tuwa, kagalakan at karangalan sa koponan at sa komunidad ng isports. Nagbibigay ito ng inspirasyon at motibasyon sa mga atleta na magpatuloy. Ang bawat tagumpay ay nagpapalakas ng kumpiyansa at nagtutulak sa kanila na magpatuloy sa kanilang hinuhubog na pangarap. Hindi ito upang maging mapagmataas at magyabang sa kapuwa manlalaro bagkus ito ay ang nagbibigay-daan sa sarili na mas maging mapagpakumbaba upang maging inspirasyon sa iba.

Sa kabuuan, hindi maaaring magkaroon ng pagkapanalo nang walang pagkatalo. Ang dalawang aspetong ito ng isports ay tulay upang magbigay ng karanasan sa bawat kabataang atleta. Ang mahalaga ay ang pagtanggap at pag-unawa ng bawat resulta o kinahinatnan ng laban, anumang ibunga nito - panalo man o talo.

Rowel Alexander Ross B. Oroceo

Steve John Mart M. Jose Editors-in-Chief

Athelene R. Sampayan

Mary Jane P. Leaño

Richard M. Collado Associate Editors

Mischelle D. Mariano

Richard A. Hapa Managing Editors

Rodel P. Moreno

Antonio Q. Albis Jr. Circulation Managers

Konrad R. Turda

Edsel Harry R. Turda

Maria Jasmin G. Domingo

Antonio Q. Albis Jr. Layout Artists

EDITORIAL

STAFF

Billy Joe T. Rosal

Crisanto R. Oroceo

Genalyn Mariano

Divine Hernando

Christian Nichol Subrino

Mark Jay Segismundo

Daniel Bautista, Jr.

Jonas G. Salvador

Mark Bryan Aguinaldo

Jennie Mae Cabello

Leizl Quitoriano

Glaiza Cabacungan

Marjorie Molina

Carmenette Pacog

Angela Garganta

Jane Meryl Dalde

Daisy Austrine Baptista

Zyra Mae T. Agustin

Xandrelle Yeunice R. Miguel

Mark Dave Felipe

Marc Jayson Andres

Lei Angelique Patoc

Vladimir Magayano

Dante Teodoro, Jr.

Anthony Rafanan

Carol Andres

Jacinto B. Pascua

Kchieffer Lainell T. Arcangel

Mariah Denisse Soriano

Ricky Mark Ancheta

Sedrick Kristoffer Alejandro

Sigrid S. Domingo

Imelda Ramos

Eloha Grace

Chrislen

Marilyn

Sports Contributors

Lourdes B. Arucan EdD Chief Education Supervisor

Mariecon G. Ramirez EdD, CESO VI Assistant Schools Division Superintendent Joann A. Corpuz EdD, CESO V Schools Division Superintendent

editoryal
02
Ang Opisyal na Pahayagan ng Sangay ng Lungsod Laoag Tomo 1, Bilang 4 The
Newsletter of Schools Division of Laoag City Volume 1, Issue No. 4
Official
Guerrero Crisel Martinez Ramones Jaybie Cordero Madonna May T. Guerrero A. Pasion Zinnia Jane F. Mateo
Advisers
Regina Genelin C. Nagtalon
Adelyn C. Domingo John
Paul M. Viernes
Raymond R. Santos
ANTONIO
PUNTO

Ang Opisyal na Pahayagan ng Sangay ng Lungsod Laoag Tomo 1, Bilang 4

LC Chess Club, ‘di nagpatinag

Patuloy na umaarangkada ang Laoag City Chess Team kategoryang Chess Standard Tournament sa Region 1 A

Maagang ipinalasap ng Laoag City Chess matapos kamtin ang panalo sa ikatlong kanto ng Stan Maliban kina Suguitan at Soberano, naitabla rin nin

“Masaya ako na nanalo kami. Mahirap man banggit ni Soberano na abot-tenga ang ngiti.

Eksplosibong bumira ang Laoag City Ches Asher Soberano upang tuluyang selyuhan ang pang-apa

Samantalang naitabla naman nina Johnny ang laro sa pang-apat na kabanata ng Standard Categ

“Ang panalong ito ay inaalay namin sa a amin ng walang hanggang suporta,” saad ni Suarez.

Pagsapit ng ikalimang yugto ng Standard mga estratehiya ng Laoag City Chess Team at nakasun sina Angeline Suarez at Shantelle Root. Naitabla ri James Lapitan.

“Kami ng mga kasamahan ko ay nagagalak panalo na ito,” pahayag ni Root.

Bigo man ang ibang manlalaro, hindi naman nila hina kanilang pinaghirapan sa isang talo lamang kaya’t s bawiin ang pagkatalo sa mga susunod na round.

Banggaan sa Baseball Secondary Game 9, Laoag City, muling umarangkada

Joseph "Dodong" Ansino Chrislen Joy B. Ramones Cris

Patuloy sa pagratsada ang SDO Laoag City Secondary Baseball Team matapos ungusan ang koponan ng Ilocos Norte sa bentaheng 5-4 sa 2024 Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet sa Bacarra National Comprehensive High School Field, Abril 25.

Ralph Godwyn S. dela Cruz, Mischelle D. Mariano, Ma TALAS NG PANINGIN, HUSAY SA DISKARTE. Ang baseball player ng Laoag City habang kinakalkula ang oras ng paghagissabolaupangmasiguroangmatunognaiskor.

1…2…3… Handa…. Takbo!

Bilisan mo ang pagtakbo. Liksihan mo pa. Hayan na malapit ka na sa tugatog ng tagumpay. Talasan mo ang iyong mga mata at lakasan mo ng walang inaalintana, malapit ka na…

Hiyawan at sigawan ang dumagundong sa Ferdinand E. Marcos Stadium nang nagsagupaan ang mala-kidlat na pagtakbo ang mga atleta. Makatindig-balahibong pagragasa at makapigilhiningang pagtakbo ang aking nasaksihan. Kaysarap pagmasdan ang mga ngiti ng tagumpay, ngiting punong-puno ng katuturan at kabuluhan.

Sa tahimik na komunidad ng Barangay 31 Talingaan, Laoag City, matatagpuan ang magkapatid na sina Ma Christine Joy Taliente at Maxene Lalaine Taliente na kasalukuyang umuukit ng pangalan sa larangan ng pagtakbo sa 2024 Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet. Sa likod ng mga ngiting namumutawi sa kanilang mga labi ay ang kanilang paghihirap at mga pagsubok na kinaharap para sila’y magtagumpay. Determinasyon na simanahan ng pagpupursigi ang unti-unting humuhubog sa kanilang mga pangarap. Pinapatatag ng mga pagsubok at pinapantay ng hangaring makaalpas sa hirap ng buhay.

Ang lungsod ng Laoag ay siyang aking tinubuan, lumaki at namunga.

Dugong Kampeon SA AKING PAGBABALIK

Dito ako lubusang nahubog bilang isang nilalang, mamayan at bilang isang propesyunal. Marami man akong napuntahan na siyang lalong nagbigay sa akin ng tiwala sa sarili, lakas at tapang, iba pa rin kapag ikaw ay babalik sa iyong tahanan.

Ang magkapatid na ito ang nagsisilbing salamin ng mga taong gustong makamit ang kanilang hangarin na kahit sa hirap ng buhay hindi pa rin ito alintana upang hindi maaaninag sa kanilang mga mukha ang ‘di matatawarang galak at saya.

Sa ngayon, ang markang ipinapamalas nila sa pagtakbo ay nagdulot upang makamit ang mga nagniningning na mga medalya.

Ang kanilang kalakasan ay nanggagaling sa kaibuturan. Hindi sa kahit na anong dagok ng buhay sila’y patitinag.

Nawa’y nabigyan ka ng aral na puwede mong isabuhay…malapit mo ng makamit ang nilulunggati ng iyong puso. Huwag kang susuko dahil hind isa lahat ng oras ikaw ay talo.

MgaBatangKampeon

TagumpayngmgaBatangNanalosa AerosaGymnastics

Sa mundo ng gymnastics, ang pagkapanalo sa isang prestihiyosong kompetisyon ay isang malaking tagumpay. Ipinapakita nito ang dedikasyon, husay, at determinasyon ng mga batang ito sa larangan ng gymnastics.

Sina Jhosa Mae J. Galang at Reign Dainielle Palermo, parehong nasa ika-anim, at King Nico Y Fantonia, nasa ikalimang na baiting, pawang mga mag-aaral ng Laoag Central Elementary School. ay mga batang puno ng pangarap at pagsisikap sa larangan ng gymnastics. Mula pa noong sila'y maliliit, ipinakita na nila ang kanilang interes at talento sa pagsasayaw, pagtatalon, at paggalaw na. Sa pamamagitan ng matinding pagsasanay at suporta ng kanilang pamilya at mga guro, unti-unti nilang naipakita ang kanilang husay.

Ang Aero IW at Mixed Pair ay mga prestihiyosong kategorya sa kompetisyon sa gymnastics na naglalayong bigyang-pugay ang mga batang gymnasts na may natatanging kasanayan at talento. Sa isang kahanga-hangang pagtatanghal sa nagdaang patimpalak sa R1AA 2024 na ginanap sa Centennial Arena, sa Lungsod Laoag, sina Jhosa Mae, King Nico at Reign Dainielle ay nagpakita ng kahusayan sa pagtatalon, paggalaw, at paghawak sa mga aparato. Sa pamamagitan nito, sila ay nagwagi sa kanilang mga kategoryang kinabibilangan at sa wakas ay nag-uwi sila ng gintong medalya. Marahil ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili at koordinasyon ng katawan ang ilan sa mga kadahilanan kung bakit hindi malayong nasungkit nila ang titulo. Ang tagumpay ng tatlong bata ay tagumpay na rin ng kanilang mga napakagaling na coaches na sina Bb. Levie Joy Daguro at Gng. Eleine T. Arcangel. Lilipad patungong Cebu para sa Palarong Pambansa 2024 si Jhosa Mae matapos nitong makuha ang gintong medalya sa Gymnastics sa kategoryang IW. Tunay na ipinakita ng mga atleta ang kanilang galing at husay na talaga naming magbibigay-inspirasyon sa lahat ng mga batang nagnanais na sumabak sa mundo ng gymnastics.

At ang pinakamahalaga sa lahat, upang mapalaganap ang tagumpay ng mga Batang Kampeon, mahalagang magkaroon ng mga programa at pagsasanay na nagbibigay ng pagkakataon sa mga batang ito na magpakita ng kanilang galing at husay hindi lamang sa mga panahon ng kompetisyon kundi maging sa mga pagtatanghal sa mga palatuntunan. Ang mga paaralan, lokal na pamahalaan, at mga organisasyon ay maaaring mag-organisa ng mga palaro at mga kumperensya na nagbibigay ng mga plataporma para sa mga iba pang mga gymnasts na magpakita ng kanilang mga kasanayan. Ang pagsuporta mula sa mga magulang, guro, at komunidad ay mahalaga upang mabigyan ng inspirasyon at suporta ang mga batang gymnasts sa kanilang mga pagsisikap.

Bilang panghuli, ang tagumpay nina Jhosa Mae, King Nico, at Reign Dainielle ay isang inspirasyon para sa lahat ng mga batang nagnanais na sumabak sa mundo ng gymnastics. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng dedikasyon, husay, at determinasyon sa pag-abot ng mga pangarap. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagsuporta sa gymnastics, nagbibigay tayo ng pagkakataon sa mga batang gymnasts na magpakita ng kanilang galing at husay sa larangan na kanilang pinili.

Sa aking pagbabalik sa SDO Laoag City, walang pagsidlan ang aking kaligayahan dahil ang aking minahal na tinubuan ang siyang aking paninilbihan.

At sa kasalukuyang panrehiyong pagtitipon sa palakasan, Region 1 Athletic Association Meet, lalo kong napag-ibayo ang aking kaalaman.

Habang ako'y nakikipaglakbay sa paghahanda sa R1AA kasama ang ating butihing Schools Division Superintendent, Dr. Joann A. Corpuz, sampu ng ating kasamahan sa DepEd Laoag at sa liderato ng ama ng siyudad ng Laoag, Mayor Michael Marcos Keon may limang mahahalagang bagay akong natutunan sa salitang

Lawag Lunas Agos Watawat Aksyon Ginto

Magsilbing aral ang nakaraan upang malunasan kung ano man ang nagawang kamalian. Ito ay magiging batayan sa paggawa ng hakbang upang mapaunlad ang sarili, ang kapwa, sa ahensyang pinagsisilbihan at ang bayan.

Hindi maiiwasan ang maraming pagbabago kung kayat mahalagang yakapin ito. Sumunod sa agos ngunit kailangang maging matatag upang hindi masadsad sa mga mabatong daanan at patuloy na makikitalad hanggang marating ang patutunguhan.

Ang pagtatagumpay sa kalayaan ay hindi lamang nakamit ng iisa kundi ito ay nagkakaisang puso, isip at kaluluwa sa ilalim ng iisang organisasyon, iisang bandila. Ang watawat ng SDO Laoag ay lalong nagniningning dahil sa nagkakaisang tinig at mithiin. Ang nga coaches at ng mga atleta ay sanib puwersa upang maipanalo ang ating bandila.

Mahalaga ang matalinong pagkilos sa lahat ng mga gawain. Bawat aksyon ay may nakaakibat na reaksyon. Kung kayat dito sa SDO Laoag, ating sinusuri, tinitimbang ang mga bagay upang makabuo ng obhetibong pasya sa lahat ng mga hakbang na ipatutupad at isasagawa.

Bawat opurtunidad ay hindi dapat pinalalampas sapagkat bawat pagkakataon ay ginto ang katapat. Sa panahong ginugol sa paghahanda sa R1AA unti-unti na ngayong inaani ang mga bunga. Lahat ay sinunggaban ang mga pagkakataon upang mapaunlad ang kakayahan sa ibat ibang larang ng palakasan. Maging sa sarili nating buhay sikapin nating pahalagahan ang lahat ng pagkakataon upang paunlarin ang ating sarili sa lahat ng aspeto, sa lahat ng panahon.

Kaya't sa nalalapit na pagtatapos ng R1AA ako'y nagkaroon ng LAWAG na siyang aking ibabahagi at babaunin sa lahat ng panahon lalo na sa aking pagbabalik sa aking minahal na SDO Laoag!

Mabuhay ang SDO Laoag, mabuhay ang mga nagsusulong sa palakasan, mabuhay tayong lahat.

STEVE JOHN MART M. JOSE at BILLY JOE T. ROSAL Mariecon G. Ramirez EdD, CESO VI Assistant Schools Division Superintendent
ATHELENE SAMPAYAN at VLADIMIR MAGAYANO

LAOAG CITY, PINABAGSAK ANG ILOCOS SUR, 79-53

Pinadagundong ng Team Laoag ang San Nicolas Sports Complex matapos magupo at ungusan ang Ilocos Sur sa umaatikabong Region 1 Athletic Association (R1AA), Abril 25, 2024.

Ipinakita ng Laoag ang kanilang dominasyon sa pamamagitan ng pagwawagi sa una at ikalawang kwarter ng larong Basketball Elementary.

Nagsisiklabang 3 points shoot at smooth steal ang ibinulaga ng mga maliliksing manlalaro ng Laoag na sina Lucky Duldulao, Justine Troy Aguirre at Dwane Sabado upang tuluyang selyuhan ang kalaban at humantong sa semifinals, 17-13 at 29-20.

Ibinuwelta rin nina Sabado, Aguirre at Hans Rengie Vinoya ang kagilalas-gilas na rebounds at lay-ups sa simula pa lamang ng laro na nagrehistro sa iskor na 48-38.

Samantala, kinulot na tila banig ng nasabing koponan ang katunggali sa mala-pader

na depensa dahil hindi nakapuntos ang kalaban kahit anong diskarte ang gawin maagaw lamang ang bola pero bigo pa rin sila.

Pag-arangkada sa ikaapat na kuwarter tuluyan nang natiris at sumadsad ang katuggali, 7953.

Kumamada si Aguirre ng 10 points, 2 three-point shoot, 2 blocks. Pomoste rin si Sabado ng 8 points, 4 assist. Selyado na ang puwesto ng Team Laoag para sa Semifinals.

"Naragsak nak ta nangabak kami tatta Ken pasok kami ti Semifinals, agmanmanifest kami ta mangabak kami tapno makapan kami idiay palarong pambasa", ngiting panayam ni Aguirre.

LC TAEKWONDO TEAM, NG PANALO SA POOMSAE

SAN NICOLAS, Ilocos Norte - Sa pagpapamalas ng liksi at pinong galaw na bunga ng puspusang pagsasanay, wagi agad sa pitong kategorya ang Laoag City Taekwondo team sa Pomsae Match ng Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet na kasalukuyang idinaraos sa Robinsons Ilocos Mall.

Tampok dito ang nakamit na gold medal nina Chris Anthonne U. Reyes at Romabel Jhyrie S. Agdeppa na nagpakita ng kagila-gilalas na pagtatanghal sa Mixed Pair, habang silver medalist naman sina Lynhel Jerome Torreno Jr. sa Individual male at Keira Minah Viktoria P. Abian Bronze medalist sa Individual female, pawang mga mag-aaral sa elementarya.

Sumegunda rin sa sekondarya si Ryan Jhay Lagat sa Individual Male, Justine Jeve Baustista at Crystal Jade D. Felix sa Mixed Pair kapwa mga silver medalist.

Nasungkit naman nina Chris Anthonne U. Reyes, Aeron B. Castro, at Lynhel Jerome R. Torreno ang gold medal sa Trio Male

Lungsod Laoag, ikinandado ang puwesto sa Finals

Bumawi ang Lungsod Laoag sa kanilang unang talo kaninang umaga at agad na nagpakitang-gilas nang magpamalas ng swabeng full swing hits at dalawang homerun upang selyuhan ang puwesto sa Finals Round sa Softball Elementary Semi Finals na ginanap sa Bacarra National Comprehensive High School, April 25.

Maagang tinapatan ng Lungsod Laoag ang matibay na opensa ng La Union sa unang inning nang sila'y agad nagmarka ng 3 na puntos sa kanilang pagkakataong umiskor.

Kasabay ng manit na hiyawan ng mga manonood ay

ang pagtindi ng laban sa unang inning pa lamang nang mabilis na nagpakawala sina Rhiza Alvarado, Blessy Corpuz, at Taminah Fermin ng magkakasunod na hits upang marating ang home base, 3-all. Tuluyan na ngang nahanap ng Laoag ang kanilang buwelo nang mabilis na binigyan ang karibal ng tatlong sunod na outs.

Hindi na nga sila nagpaawat pa nang laglagpangang nagpasiklab si Jhane Asuncion ng isang rapidong homerun na nagbigay-daan kay Khzl Lorenzo na kumaripas din sa home base, 2-0.

Lalong uminit ang panahon nang mas tumindi ang bakbakan

sa ikatlong inning nang nagpasiklaban ang koponan sa kani-kanilang mahigpit na depensa at binantayan ang galaw ng isa't isa dahilan upang matapos ang inning sa 0-all.

Humambalos nga nang husto ang Lungsod Laoag sa huling nalalabing inning nang agad na bigyan ng isang pagkakataon lamang ang La Union na umiskor at agad kunin ang puwesto sa pag-bat.

Samantala, dahil sa mahigpit ding depensa ng La Union, pinahirapan din nila ang Laoag ngunit eksperto itong tinakasan ni Asuncion nang magsumite ng isang homerun, 1-all.

Hindi na nga nagpaawat pa ang Laoag sa panghuling inning nang mahigpit na ipinamalas ang hindi matibagtibag na depensa at agad na bigyan ng sunud-sunod na out ang La Union bago tuluyang sumuko.

"Nagpapasalamat po ako kay Lord dahil sa panalong ito," saad ni Asuncion, "Sobrang saya ko ngayon dahil lalaban kami para sa inaasam naming Grand Finals."

Makikipagbakbakan muli ang Lungsod Laoag para sa Finals bukas, April 26 laban sa Ilocos Norte na siyang tumalo sa kanila kaninang umaga sa parehong lugar.

Siklaban para sa semis: Ipinadama ng mortal na magkaribal

Matatandaan na

ang

Patuloy na aarangkada ang koponan ng Laoag sa semi finals matapos tambakan ang Candon sa Futsal quarter finals, 6-2.

Dikdikang salpukan ang dalawang koponan ang naganap sa unang yugto ng laro para maitawid sa semi-finals. Nagpalasap ng unang dagok nang mailusot ni Cyrish Ganacias ng Candon ang bola sa mga unang minuto. Subalit hindi nagpadaig at mistulang sumiklab ang pagpupuyos ng Laoag sa pagselyo ni Kysha Aleta sa first half para tumabla sa 1-1.

Pumaimbulog sa second half ang pag aagawan ng dominasyon ng dalawang magkatunggali sa di matinag na depensa ng Candon at agresibong opensa ng Laoag. Nakahanap ng pagkakataon na makaiskor sina Maragatte Pacpaco at Michelle Martin nang walang mintis, 3-1.

Naging malaking pagkakamali ng Candon ang mistulang pagpaubaya sa bola nang di sinadyang maipasok ang isang own goal, 4-1.

Gumanti ang Candon upang mairaos ang lumalaking kalamangan ng Laoag nang makagoal si Jenny Mae Gorospe sa swak na swak nitong tira, 4-2. Sadyang agresibo ang Laoag at

6-2.

elementary, habang sina Crystal Jade D. Felix, Lizel A. Rodrigo at Nikki Bernido Ortal ay bronze medalist sa trio female secondary. Bigo man ang ilan sa mga atletang makakuha ng medalya, bakas naman sa kanilang mukha ang kagalakan sa pagkakataong maging kinatawan ng dibisyon ng Laoag. Aarangkada muli sina Reyes, Agdeppa, Castro at Torenno sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Cebu. Jaybie S. Cordero DINGRAS, ILOCOS NORTE—Dumagundong ang buong Dingras Civic Center sa nagtapos na quarter finals match sa muling paghaharap ng Laoag City at Candon City sa Futsal, Abril 25. sa nakaraang Region 1 Athletic Association Meet, Laoag City ay bigong makaabot ng semi-finals matapos silang pataubin ng Candon City. patuloy nitong tinambakan ang Candon ng dalawa pang iskor mula kina Aleta at Pacpaco. Hindi na muling nakahabol pa ang Candon sa dominanteng Laoag, Ang Opisyal na Pahayagan ng Sangay ng Lungsod Laoag Tomo 1, Bilang 4 Jerrah Mae Mahor at Kchieffer Lainell Arcangel Liezl R. Quitoriano at Glaiza Mae P. Cabacungan Sedrick Kristoffer L. Alejandro, Sigrid S. Domingo SINIGURO ANG PANALO. Mga manlalaro sa Taekwondo habang tuwid na nakatayo at nakangiti dahil sa tagumapy na nakamit.

aarangkada sa Championship Game

GAgad na ipinakita ng koponan ng Pangasinan 1 ang kanilang determinasyon at kahusayan sa paglaro matapos magpamalas ng kanilang combo sa mahusay na depensa, maayos na pagpasa, at matalas na pag-atake na nagkamit ng unang puntos sa pamamagitan ng strike shot ni Ace Jan Clde Janog sa 11 minute mark ng first half, 1-0.

Gayunpaman, hindi naman nagpadaig ang koponan ng Laoag City at nagpakitang gilas matapos magawa ang sunod-sunod na depensang clear kick at head back at gayundin na nagpakawala ng opensang volley kick sa nalalabing minuto ng first half ngunit hindi sila nagtagumpay na kalaunan ay nagtapos sa iskor na 1-0.

Patuloy ang isinagawang defense-offense ng Laoag City sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sweeper at mahusay na pagpasa na naging dahilan sa pagkakaroon ng rumaragasang penalty kick strike ni Lord Cedrick Sabio bilang unang puntos sa grupo sa 8 minute mark ng second half sa iskor na 1-1.

Mas lalong pinaigting ng Laoag City ang kanilang matalas na pag-atake sa second half

RICKY MARK L. ANCHETA
LAOAG CITY, WAGI NG TATLONG GINTO Jaybie Cordero TAGUMPAY SA TAEKWONDO:
PAGDIRIWANG SA PANALO.
PAGDIRIWANG SA TAGUMPAY. Ang taekwondo player ng Laoag City kasama ang kaniyang dalawang coach matapos maibulsa ang ginto.
Laoag City habang nagdiriwang ng tagumapy laban sa PangasinanI.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
RANIAG Newsletter Special Issue No. 4 by depedlaoagcity - Issuu