1 minute read

Pagsabak sa ROTC, hindi dapat sapilitan

Isang pagtapak sa karapatan ng mga magaaral kung ipagpipilitang gawing mandatory ang Reserve Officers Training Course (ROTC).

Biglang paglilinaw, ang Mandatory ROTC ay ipinapanukala ni VP at DepED Sec Duterte Ito ay ang Senate Bill No 1551, kung saan ang lahat ng magaaral na nasa tertiary education ay kinakailangang dumaan sa militarisasyon

Advertisement

Gayunpaman, mayroon namang National Service Training Program (NSTP) para sa mga kolehiyo Kung kaya't iminumungkahi ng karamihan na gawin na lamang itong opsyonal Kabilang sa mga tumutol ang aktibistang organisasyon na Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) na naglahad ng oposiyon sa House Bill 6486 kung saan layuning gawing mandatory ang NSTP kaysa ROTC Bukod pa riyan, ito ay hindi applicable sa lahat ng mag-aaral sapagkat, mayroong hindi sanay ang katawan o 'di kaya ay may ibang kalagayan Idagdag na rin na ito ay pabigat lamang lalo sa mga magtatapos na sa pag-aaral Karamihan nga'y hirap ng mabalanse ang oras at hindi na matutukan ang klase, ang iba pa ay rumaraket Kaya naman, isa lamang itong pasakit Dapat na mapagtuunang pansin ang kanilang kurikulum, sa halip na turuang kumasa ng baril Para saan pa ang mga sundalo't pulis kung kabataan ang siyang hahasain? Samakatuwid, marapat na bigyan silang karapatan na maging malaya sa pagpili ng tatahaking landas, kung para sa sariling pag-unlad o ang pagtatanggol sa bayan

This article is from: