
1 minute read
Bidang Silid-Aralan para sa Bidang Kalinisan
✍ Anjanette Sarmiento
Nagsimula ng umarangkada ang kalinisan sa bawat silid aralan simula nang maipatupad ang programa ng CSHS Supreme Student Government (SSG) na, "Room mo, Ibida mo " noong ika-9 ng Enero, 2023
Advertisement
Ang programang ito ay isa ring uri ng paligsahan kung saan layunin nito mahikayat ang bawat klase na makiisa sa gawaing pang-kalinisan at kagandahan ng paaralan Ito rin ay nasa ilalim ng programang, "CaiSafe ka Rito," na nahahati sa apat na kategorya: CaiSigla, CaiAyos, CaiSafe, at ang CaiLinis na siyang kinabibilangan nito Halos dalawang linggo pa lamang ang nakararaan subalit, ramdam na ang kasiglahan ng mga mag-aaral sa paglilinis at pag-aayos ng dekorasyon sa kani-kanilang silid-aralan upang manalo
Tuwing linggo ay mayroong nananalo at ang mapipiling seksyon ay kikilatisin ayon sa batayan ng kalinisan na nasa listahan ng, "The Bare Minimum" at "Bida Package " Kapansin-pansin ang mabuting pagbabago simula nang ma-implementa itong programa Bunsod nito