4 minute read

Boses ng Katwiran, dapat isabatas

Nilalayon nitong ipawalangbisa ang Cybercrime Prevention Act of 2012 at walong artikulo ng Revised Penal Code Inihain niya ito noong ika-13 ng Disyembre, 2023 Kasabay ng pagdepensa sa nasabing bill ay binahagingan niya rin ang tungkol sa naging kaso sa libel ng mga mamamahayag na sina: Frank Cimatu, Maria Ressa, at Reynaldo Reyes Ang mga batas ng libelo ay “pinasanta” para supilin ang kalayaan sa pamamahayag. Kung kaya naman, naakusahan ang mga nabanggit na mamamahayag bilang "guilty " Tunay nga namang nakababahala ang kasong ito kung saan maraming inosente ang nakukulong at napapatay, lalo sa kalagayan ng mga mamamahayag na walang takot na naninidigan para sa katotohanan subalit nabahiran ng maling akusasyon Bilang isang demokratikong bansa ang Pilipinas, labis na natatapakan ang karapatan ng bawat mamamayan na ipahayag ang saloobin ukol sa mga isyu sa ating bansa at

Backbone ng Luzon, kailangan ng proteksyon

Advertisement

Dapat na mabigyang aksyon ang nanganganib na kalagayan ng kilalang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas o kung tawagin ay "Sierra Madre."

Sa nakalipas na labing-dalawang taon, umabot na sa 161, 240 hektarya ang nawalang kagubatan sa bulubunduking ito Kaliwa't kanan ang mga aktibidad ng mga tao na sumisira sa natural nitong kagandahan

Bilang paglilinaw, ang Sierra Madre ay tinaguriang "backbone" ng Luzon sapagkat, ito ay nagsisilbing proteksyon laban sa unos tulad ng mga bagyo Gaano man kalakas ang hatak ng klima ay hindi ito natitinag

Gaya na lamang noong nakaraang taon kung saan nasalanta ng super typhoon "Karding" na umano'y kasing lakas ng bagyong Odette" ang bahagi ng Visayas at Mindanao subalit tila tumagos lamang ito sa Luzon matapos itong maging normal na bagyo na lamang, nang dahil sa kalasag ng Pilipinas; ang Sierra Madre Sa kabilang banda, ang bulubundukin ay nasa ilalim ng banta Matagal na itong pinagbantaan ng mga gawaing gawa ng mga tao at industriyalisasyon Kabilang na rito ang ilegal na pagmimina Ito ang ancestral domain ng Agta-DumagatRemontado indigenous group Binubuo rin ito ng maraming watershed para sa mga lupang pang-agrikultura

Kung kaya naman, hindi lamang proteksyon sa bagyo ang hatid na benepisyo nito sa mga Pilipino Sakaling tuluyan itong masira ay maraming maaapektuhan kabilang na ang kultura ng mga katutubo at ang kabuhayan ng mga magsasaka Bagama't may ilang mga batas pang-kapaligiran na nasa posisyon na nagsisilbing mga patnubay para sa pangangasiwa at paggamit ng mga kagubatan sa Pilipinas, hindi pa rin sapat ang mga ito upang matiyak ang seguridad at pangangalaga ng mga bulubundukin at biodiversity ng bansa

Kaya naman, kritikal na ipagpatuloy ang panawagan para sa konserbasyon ng hindi mapapalitan at napakahalagang ito sa ating kapaligiran Sa panahon ng hagupit ng bagyo, ito ang pawang sumalo kung kaya't ngayon, marapat na tayo naman ang magbalik tulong ng proteksyon Bilang mamamayang makakalikasan, pahalagahan natin ito at ituring na parang ginto.

Hindi dapat abusuhin, bagkus ay lalong dapat ingatan at pagyamanin Para sa ating pinakamamahal na bulubundukin; Sierra Madre ay sagipin maging ang pagpanig sa katotohanan Sa kaso ng libel, nagagawa nitong dungisan ng kasinungalingan ang pagkatao ng sinuman Nagiging sanhi ito ng pagkalat ng pagkatakot na maging tapat at ilahad ang nararamdaman ng bawat mamamayan Sa kabilang banda, isang magandang balita na kaisa sa pumapanig ang Commission on Human Rights (CHR), upang mabilisang ma-proseso ang bill Kinilala ng CHR na ang decriminalization ng libel ay nangangailangan ng

"maingat na pag-iisip "

"Kahit na ang Libel ay maaaring maging armas laban sa libreng pagpapahayag, ang mga batas laban sa libel ay nananatiling isa sa mga pangangalaga sa lipunan laban sa disimpormasyon," sabi ng komisyon Kaya naman, marapat na maisabatas na ang nasabing panukala upang matigil na ang karahasan at ang pagdami ng kaso ng mga napapatay na mamamahayag sa ating bansa

Koneksyon sa labas ng Paaralan, hindi hadlang sa Propesyon

Pakikipag-ugnayan ng mga estudyante’t guro sa labas ng paaralan, ipinagbabawal alinsunod sa DepEd Order No. 49, s 2022

Matatandaang isinulong ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang ordinansang naglalayong mahigpit na pairalin ang propesyonalismo sa implementasyon ng mga pangunahing serbisyo at programang pangedukasyon Ayon pa kay VP at Kalihim ng DepEd, Sara Duterte, hindi dapat makisali ang sinumang opisyal at empleyado ng ahensiya sa anumang Partisan na aktibidad Mabuti naman ang adhikain na ito para sa pag-iingat ng propesyonalismo ng mga guro Nilalayon nitong maiwasan ang karahasan at seksuwal na pang-aabuso ng guro sa mag-aaral at maging ang pagpapakalat ng maling impormasyon online Bagamat may magandang maidudulot, gayunpaman to ay tila nakalalabag sa karapatang pantao Tinatanggalan nito ang mga empleyado’t opisyal ng ahensiya ng karapatan na maki-epal sa politika at maging ang paglalabas ng saloobin sa hatirang pangmadla o sosyal medya

Ang mga ganitong pagbabawal ay nakasisira sa pagiging demokratiko ng ating bansang Pilipinas. Ipinararating din nito na mahina ang sistema ng pulisya at bulok ang sistema ng hustisya upang maipaglaban ang karapatan ng mga mag-aaral kung sakaling makaranas ng pangaabuso mula sa kawani ng paaralan kung kaya’t ang pagkakaroon ng interaksyon sa labas ng paaralan ay nagiging banta sa nasabing ahensiya Samakatuwid, ang paggawa ng ordinansang ito ay nagbibigay daan upang manipulahin ng mga nasa mataas na posisyong opisyal ang buhay ng mga guro at empleyado sapagkat, wala namang dahilan upang makasagabal sa propesyonalismo ang paglalabas ng saloobin at pagkakaroon ng mabuting ugnayan ang estudyante’t guro gamit ang sosyal medya Tila wala nang kabuluhan ang solidaridad Para saan pa ang pagiging pangalawang magulang ng mga guro?

Mula sa ''Mensahero", narito ang ilan pang mga mensaheng pinadala samin na talaga nga namang pumukaw sa atensyon ng Ang Sitio

Thank you for finally making me understand love poems

Ang tanging kagustuhan ko lamang ay pakisamahan mo ako kahit sa mga oras na ayoko ng kasama -basta sa bliss ako

Hanggang kaibigan lang ba talaga ako sayo? Kasi ako higit pa sa kaibigan ang tingin ko

Ang tanging kagustuhan ko lamang ay pakisamahan mo ako kahit sa mga oras na ayoko ng kasama -basta sa bliss ako

Siguro nga'y ganon talaga, na sa bawat pagbigkas ng salitang "pag-ibig", ikaw ang naalala

Wag na ipilit ang mga salitang kailanman hindi na mag tutugma -elle

Hi Samuel ng

Publication sana ako na lang

Kuyang nagtitinda ng zesto sa canteen, pa accept naman po hehe -M

Sana ako na lang -Jayii

This article is from: