
2 minute read
Kalayaan sa Kasarian ng Caisenians
ang kabawasan ng mga kalat sa mga pasilyo, malinis na bintana at pisara, at maging ang itsura ng mga pader ng ilang seksyon ay mayroon ng mga makukulay na dekorasyon
Dulot nito ay napalalakas ang adbokasiya para sa kalinisan na kinabibilangan ng sa isa sa mga core values, "Maka-Kalikasan "
Advertisement
Kalakip ng malinis na kapaligiran ng paaralan ay ang malinaw na kaisipan ng mga Caisenians sapagkat, nakatutulong ito sa kanila upang maging komportable at magkaroon ng konsentrasyon sa pag-aaral Dagdag pa riyan, ang kasiguraduhan sa kaligtasan kung saan, maiiwasan ang pagkalat ng hawaan ng sakit na COVID-19 at Dengue
Inaasahang magtu-tuloy tuloy ang pagiging epektibo nito na nagdudulot din sa magandang imahe ng paaralan kung saan, maituturing itong isang karangalan ng CSHS
Mental Health = Physical Health
Marapat na seryosohin ng mga paaralan ang pagtalakay sa mental health gaya ng pagpapahalaga sa physical health at academic performance, dahil isa itong mahalagang usapin na nakaaapekto sa wellbeing ng mga mag-aaral
Ayon sa tala ng surbey na isinagawa ng University of the Philippines Population Institute (UPPI) at katulong ng Department of Health (DOH), halos isa sa limang kabataang Pilipino na may edad 15-24 ang nag-isip na wakasan ang kanilang buhay Ang mga kabataang
Pinoy nasa malala na kalagayan ng pag-iisip ngayon, ipinahihiwatig ng nationwide survey Ngunit, para sa mga nakatatanda, ang pagpapatiwakal na sanhi ng depresyon ay pagpapakita lamang ng kahinaan at maaaring nasa isipan lamang
Gayunpaman, tinatayang nasa
3 6 milyon ang may mental health issues Kinakailangang mabigyang pansin ang mga ganitong kaso lalo pa't lalong nakalalala sa kalagayan ng mga taong nakararanas nito ang mga insensitibong salita gaya ng pagiging "ma-drama ka lang" at "kulang ka lang sa pananampalataya," na wala naman talagang kinalaman sa ganitong kondisyon Ang buhay ng mga mag-aaral ay hindi lamang umiikot sa pag-aaral Sa loob ng silid-aralan, natututong malinang ang kaalaman at maging ang kalusugan ay binibigyag importansya

Gayunpaman, mahalagang maunawaan na dapat na balanse ang suportang ibinibigay sa pisikal na katawan at mental na kaisipan
Nakatataba ng puso na makitang suportado ng paaralang Cainta Senior High School ang bawat mag-aaral dito, lalo na ang mga kabilang sa LGBTQ kung saan, malaya nilang naisusuot ang damit na ninanais salungat man sa tunay na kasarian Ito ay alinsunod sa pag-uulit ng Department of Education (DepEd) sa “striktong pagpapatupad at pagsunod” sa DepEd Order No 32, s 2017 o ang “Gender Responsive Basic Education Policy” sa lahat ng elementarya at high school sa buong bansa Ito ay naglalayong bigyang-daan ang DepEd na magsagawa ng gendermainstreaming sa edukasyon upang matugunan ang parehong nagtatagal at umuusbong na mga isyu na may kaugnayan sa kasarian at sekswalidad sa batayang edukasyon Ito ay upang itaguyod ang proteksyon ng mga bata mula sa lahat ng uri ng karahasan na may kaugnayan sa kasarian, pang-aabuso, pagsasamantala, diskriminasyon, at pambu-bully at isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at walang diskriminasyon sa lugar ng trabaho at sa loob ng DepEd
Maliban sa ito ay malaking suporta para sa kanila, isa rin itong paraan na makabubuti sa kalusugang pang-kaisipan ng bawat magaaral Sa pamamagitan nito, natutulungang mas maging malawak ang kanilang pangunawa sa pagtanggap na lahat ng kasarian ay mahalaga at karapat dapat na bigyang galang. Nang dahil din dito, ginaganahan silang pumasok sapagkat sila ay komportable sa kanilang kasuotan Ibang iba kung ikukumpara sa dating nakasanayan kung saan maraming mag-aaral ang nahihiyang maging aktibo sa klase Nagdudulot ito ng positibong epekto sa bawat mag-aaral at guro kung saan napalalakas ang kanilang kumpiyansa sa sarili at malayang naipapakita ang tunay na saloobin, nang hindi natatakot na mahusgahan Kaya naman, ang ganitong oportunidad ay maituturing na kalayaan ng Caisenians