
1 minute read
Implasyon, Pabigat ka!
Dagdag pasakit sa mga Pilipino ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa merkado lalo na’t kagagaling lamang ng bansa sa kasagsagan ng pandemya kung saan marami ang nawalan ng trabaho
Naitala noong Disyembre taong 2022 ang 8.1 porsiyento ng implasyon na nangyaring ito ang pinakamataas na naitala sa nakalipas na labing apat na taon mula Nobyembre 2008. Epekto ito ng lumiliit na supply ng mga bilihin mula sa mga sakahan sa bansa sa nasabing taon Bunsod nga ng pagpapadapa ng pandemya, nahihirapan pa rin ang mga mamamayan na maibalanse ang kinikitang pera sa mataas na presyo ng mga bilihin dahil nagsisimula pa lang ang lahat sa pagbangon
Advertisement
Sa kabilang dako, sinabi ni Sonny Africa, isang ekonomista, na hindi nito masusulusyunan agad ang kahirapan ng pamilyang Pilipino "But that doesn't mean prices are going down that just mean prices won't go up as fast as before And thats going to be a problem if families are not earning enough" aniya
Gayunpaman, wala pa ring magagawa ang mamamayang pilipino kung hindi ang humanap ng paraan ng pagkakakitaan upang mabigyang solusyon ang tumataas ring pangangailangan ng bawat isa
Nakalulungkot lang na isipin na hindi nararanasan ng mga mamamayan ang kahit papaano’y pag angat, subalit sila ang unang nakadarama ng pagbigat Kung kaya’t Nawa ay kung ano man ang kitain ng ekonomiya sa kinabukasan, ay maambunan at matikman rin ng mga nasa laylayan.
Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW's) na itinuturing na bagong bayani ng ating bansa at sa mga exporter, malaking benepisyo ang ganitong sitwasyon sapagkat, malaki ang ambag nito sa kitaan at palitan ng halaga Gayunpaman, tunay na nakababahala ang mainit na kontrobersyon na ito na nagiging sanhi upang untiunting bumagsak ang ekonomiya ng ating bansa Nang dahil sa mabilisang pagtaas ng halaga ng dolyar ay kaagad din ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin na nagdudulot ng pagtaas ng implasyon
Lalo pang naramdaman ng mga negosyante at mamimili ang bigat sa bulsang presyo magmula nang magdaan ang araw ng pasko at bagong taon Habang dama naman ng mga drayber at pasahero ang mataas na singil sa gasolina at pamasahe Nangangahulugan lamang na sarado ang oportunidad na trabaho para sa mga kapwa Pilipino Kaya naman, ganoong na lamang ang kalagayan ng ating ekonomiya sa patuloy na pagbaba ng pisong halaga