1 minute read

CaiSafe ka Rito Program, epektibo

Kapansin pansin ang pagiging epektibo ng programa ng Cainta Senior High School Supreme Student Government na pinamagatang, "CaiSafe ka Rito." Bilang paglilinaw, ang programang “CaiSafe ka rito” ay nahahati sa apat na kategorya; CaiLinis, CaiSigla, CaiAyos, at CaiSafe Layunin nitong mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa CSHS Bukod pa riyan, nahihikayat din nito ang mga mag-aaral na maging disiplinado

Sa pamamagitan ng

Advertisement

CaiLinis, sakop nito ang "Room mo, Ibida mo," na isang paligsahan na siyang pinagkakaabalahan ng mga mag-aaral upang maging inspirado sa paglilinis araw araw at sa paglalagay ng dekorasyon sa kani-kanilang silid aralan Sa CaiSigla naman ay mayroong magaganap na "Pa-Charge

God Season 3," na nakatakdang mangyari sa ika-

2 ng Pebrero, 2023 Layunin nitong palakasin ang pangespiritwal na paglago ng bawat Caisenians Habang sa CaiAyos naman ay ang pagkakaroon ng dalawang ID passes, ang "Hallway Pass and Lavatory Pass," na siyang naging daan upang mabawasan ang bilang ng mga tumatambay sa mga pasilyo ng paaralan at ang pagka-cutting classes Simula nang maipatupad ito ay kinakitaan ng inisyatibo ang mga estudyante na magkaisa at sumunod sa mga pampaaralang polisiya ✍ Anjanette Sarmiento

This article is from: