
1 minute read
UNANG PAGLAHOK
CSHS lumahok sa SumBingTik House
Competition
Advertisement
Ibinahagi ng isang guro ang kanyang karanasan sa unang paglahok ng Cainta Senior High School sa SumBingTik Festival.
Sa isang panayam mula sa isang guro na si Sir Darang ng CSHS, Ibinahagi niya ang una nilang pinagdaanang hirap, ang kakulangan ng sapat na "budget" na kakailanganin sa para sa materyales, at nasabi rin na may mga miyembro na hindi nakikisama habang ginagawa nila ang kanilang trabaho Naging hirap sa kanila ang kawalan ng sapat na oras dahil tag-ulan ang panahon na iyon, ang gamit daw kasi nilang materyales ay puro papel at kailangan lagi nilang bantayan
"Gigising kami kapag umuulan Gigising, pupunta doon sa puwesto, idoudouble check kapag may nasira, kailangan namin iretouch ang mga materials " ayon kay Darang
Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa principal ng CSHS, nagawan ng paraan ang nasabing kakulangan sa "budget" at ganoon din para sa mga taong hindi nakipag tulungan sa paggawa ng trabaho
Ayon sa opinyon ng mga guro, okay ang pagbabalik ng SumBingTik Festival dahil ito ay isang "tourist attraction" sa piyesta ng cainta Ito ay nanghihikayat ng mga turista, na kahit na ang mga taga ibang bayan ay pumupunta upang tingnan ang SumBingTik House